pabalat ng noli me tangere

22
Jose Rizal isang doktor... isang manunulat...

Upload: darwin-briones

Post on 05-Dec-2014

6.801 views

Category:

Education


40 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Jose Rizal

isang doktor...

isang manunulat...

Noli me Tangere-Isang nobelang naglalahad ng mga paghihirap ng mga kababayan sa ilalim ng mga kastilaIto rin ang nagmulat sa mga Pilipino upang labanan ang mga mapang-abusong kastila

Simbolismo sa Pabalat ng nobelang

Noli me Tangere

Simbolismo

naglalahad ng mga bagay, damdamin, at kaisipan sa pamamagitan ng mga sagisag

Pamagat

Sa pamagat pa lamang ay mayroon ng simbolismong ginamit. Ang katagang “Noli me Tangere” na nangangahulugang “Huwag mo akong salingin” ay nagpapahiwatig ng isang babala sa maaaring mangyari sa buhay ng mambabasa noong panahon ng Kastila.

Mga Bagay na Nakaguhit sa Pabalat ng Noli me Tangere

Kaliwang Bahagi: Sunflower Sulo Ulo ng Babae Krus Supang ng

Suha/Pomelo Dahon ng Laurel

Kanang Bahagi: Paa ng Prayle Salakot ng Guardia

Sibil Latigo ng Alperes Kadena Suplina Punong Kawayan

KanangBahagi

1. Paa ng Prayle

Ipinapahiwatig nito kung sino ang pinakabase at tunay na nagpapalakad ng bayan.

Ang sapatos naman ang nagpapahiwatig ng pagiging maluho ng mga prayle at ang pagtalikod nila sa aral ni Kristo.

Ang nakalabas na binti sa ibaba ng abito at ang mga balahibo ay nagpapahiwatig naman ng kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle.

2. Salakot ng Guardia Sibil

Ito ay simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa karapatang pantao ng mga Pilipino sa kanyang kapanahunan.

3. Latigo ng Alperes

Ito ay simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na hukbong sandatahan. Maging si Rizal ay nakaranas ng hagupit ng latigo mula sa isang alperes. Ang paglalagay ni Rizal ng latigo ay nagpapahiwatig na hindi niya malimutan ang ginawang pananakit sa kanya ng alperes ng Calamba noong kanyang kabataan.

4. Kadena

Inilagay ni Rizal ang kadena bilang simbolo ng kawalan ng kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila.

5. Suplina (Pamalo sa Penitensiya)

Ang suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa kolonyal na simbahan upang saktan ang kanilang mga sarili dahilan sa kanilang paniniwala na ito ay makapaglilinis sa kanilang mga nagawang kasalanan. Sa paningin ni Rizal, ang pananakit at pagpapahirap ng mga guardia sibil sa mga Pilipino ay hindi pa sapat para sa kanila, kailangan pang sila na mismo ang magpahirap at manakit sa kanilang mga sarili.

7. Punong Kawayan

Ang punong kawayan ay isang mataas ngunit malambot na puno na kadalasang sumasabay lamang sa ihip ng hangin. Inilagay ni Rizal ang larawang ito upang ipakita ang pamamaraan ng mga Pilipino sa pakikibagay sa mga nagaganap na kalupitan at pagsasamantala ng mga Kastila sa kanilang lipunan.

KaliwangBahagi

1. Sunflower

Ang sunflower ay isang natatanging bulaklak na may kakayahan na sumunod sa sikat ng araw. Sinisimbolo nito ang mga Pilipino na naliliwanagan sa pamamagitan ng pagbabasa ng Noli me Tangere ukol sa mga ginagawang pagsasamantala ng mga kastila.

2. Sulo

Samantala ang Sulo naman ang nagsisimbolo ng Noli me Tangere na nagbibigay ng liwanag o kamalayan sa mga tao.

Pinapahiwatig nito ang pagtatapos ng kamangmangan at simula ng panibagong uri ng pamumuhay na hindi magpapaapi sa mga Kastila

4. Ulo ng babae

Ang sinisimbolo ng ulo ng babae ay walang iba kung hindi ang inang bayan. Kung mapapansin, ito ay malapit sa pinag-uukulan niya ng paghahandog sa nobela. Ang “A Mi Patria” na malapit sa ulo ng babae ay nangangahulugang inang bayan kung isasalin ito.

5. Krus

Ang krus ang siyang simbolo ng pagiging relihiyoso ng mga Pilipino.

Mapapansin na inilagay ni Rizal ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat. Ito ay para ipakita na Diyos ang nasa itaas ng lahat ng mga bagay.

Simbolo rin ito ng paggamit ng mga Kastila ng relihiyon sa pananakop.

6. Supang ng Suha/Pomelo

Ang suha ay sumisimbolo sa kalinisan. Ang masakit na katotohanan, ang paglalagay ni

Rizal supang ng suha tabi ng krus ay isang mataas na anyo kaniyang ng insulto para sa kolonyal na Katolisismo na umiiral sa kaniyang kapanahunan. Itinabi niya iyon sa krus para ipahiwatig ang kawalan ng kalinisan sa paggamit ng katolisismo ng mga kastila.

7. Dahon ng Laurel Ang dahon ng laurel ay napakahalaga sa

matatandang sibilisasyong kanluranin. Ito ginagawang korona para sa kanilang mga mapagwagi, matatapang, matatalino, at mapanlikhaing mga mamamayan.

Isang paglalarawan ni Rizal ng kaniyang pag-asa na ang mga kabataang Pilipino ay pipitasin ang mga laurel na ito upang gawing korona ng inang bayan.

Ang dahon ng laurel na nagpapahiwatig ng korona ay sumisimbolo ng kapurihan at karangalan ng ating inang bayan.