pagbasa at pagsusuri ng teksto tungo sa pananaliksik · pdf file1. isakonteksto sa kabuuang...

38
Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik: Ambag sa Transpormatibo at Makabayang Edukasyon CRIZEL P. SICAT-DE LAZA University of Santo Tomas [email protected] 09173147851

Upload: nguyendiep

Post on 30-Jan-2018

710 views

Category:

Documents


35 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik: Ambag sa Transpormatibo at Makabayang Edukasyon

CRIZEL P. SICAT-DE LAZA

University of Santo Tomas

[email protected]

09173147851

Page 2: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Gabay sa Repleksyon

1.Bakit kadalasang inaayawan ang pananaliksik sa Filipino ng mga mag-aaral?

2.Ano sa tingin mo ang kinabukasan ng pananaliksik sa Filipino sa Pilipinas?

2

Page 3: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Daloy ng Talakayan

Pananaliksik sa Filipino sa Senior High School

Mga Gabay na Teorya at Kaisipan sa Pagtuturo ng Pananaliksik

Ilang Suhestiyon sa Pagtuturo ng Pananaliksik

Halimbawang Aralin

Hamon sa mga Guro at Mananaliksik sa Filipino

Page 4: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Pananaliksik sa Filipino sa Senior High School • Ituturo bilang core course sa Senior High School (Grade 11) ang

pananaliksik sa Filipino na may titulong “Pagbasa ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.”

Asignatura sa Senior High School Asignatura sa Kolehiyo

(ayon sa bagong GEC)

1. Oral Communication

2. Reading and Writing

3. English for Academic and Professional Purposes

4. Research in Daily Life 1

5. Research in Daily Life 2

Purposive Communication

1. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

2. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

3. Pagsulat sa Iba’t Ibang Larangan

WALA

1. Contemporary Philippine Arts from the Regions Art Appreciation

1. Understanding Culture, Society, and Politics The Contemporary World 1

1. General Mathematics

2. Statistics and Probability

Mathematics in the Modern World

1. Earth and Life Science

2. Physical Science

3. Earth Science

4. Disaster Readiness and Risk Reduction

Science, Technology and Society

Page 5: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Pananaliksik sa Filipino sa Senior High School

• Deskripsyon ng Kurso: Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang anyo at uri ng teksto na nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik.

• Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig

• Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa

• Panitikang Kontemporaryo/Popular: Napapanahong sanaysay, talumpati, panitikang popular (awitin, komiks, iba’t ibang paraan ng komunikasyon sa social media)

• Gramatika: Paggamit ng kasanayang komunikatibo (linggwistik, sosyolinggwistik,diskorsal at istratedyik)

Page 6: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Ang Konstruktibong Hulmahan ng K-12

• Mula sa Contructivist Principle in Education, naniniwala ang prinsipyo sa disenyo na ang mga estudyante dapat ang nasa sentro ng pagkatuto at ang guro ay tatayo bilang facilitator. Ito rin ang tinatawag na Learner Centered-Learning Environment.

• Ipinapanukala rin lagi ng Constructivist Approach ang pagsasagawa ng aktibidad para sa layuning maisa-kongkreto sa pang-unawa ng mga mag-aaral ang paksang pinapag-aralan.

• Gayundin ang paggamit ng Rubrics para sa mas obhektibong pagmamarka sa Pagtataya.

Page 7: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa
Page 8: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Mga Kakayahan ng Ika-21 Siglo (21st Century Skills) 8

Kabilang sa mga

kakayahang ito ang

ang pagiging pleksible

sa mabilis na

pagbabago ng

panahon, responsible,

at malay sa nagaganap

sa lipunan (socially-

aware).

Kasama rito ang

pagiging malikhain,

inobatibo, kakayahang

magbigay-solusyon sa

mga suliranin,

komunikatibo, at

kolaboratibo

Kahusayan sa

makabagong

teknolohiya ng

impormasyon at

komunikasyon (ICT)

Holistikong Pag-unlad ng mga

Mag-aaral na Responsableng

Mamamayan ng Daigdig

Page 9: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Dale’s Cone of Experience

9

Page 10: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Pagkatutong Nakabatay sa Paggawa ng Proyekto (Project-Based Learning)

• Ang PBL ay isang pagdulog sa pagkatuto kung saan ipinapasok

ang mga mag-aaral sa mga kompleks na aktibidad na binubuo

ng iba’t ibang proseso, mas matagal na panahon ng

implementasyon at kooperatibong pag-aaral.

• Pinalalakas nito ang kolaborasyon sa halip na kompetisyon.

• Binibigyang-kapangyarihan ang mga mag-aaral na tumuklas ng

kaalaman at dinedesentralisa ang kapangyarihan ng guro sa

loob ng klasrum.

• Pinapaunlad ang iba’t ibang kakayahan ng mga mag-aaral na

magagamit sa praktikal na buhay.

10

Page 11: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Pagdulog na Patanong (Inquiry Approach)

• Ang pagdulog na patanong ay isang proseso ng pagtuturo at pagkatuto na nakabatay sa interes ng mag-aaral na sa sariling pagtatangka ay tuklasin ang kaalaman (Alberts, 1996, sa pagbanggit ni Penick, 2000).

• Aktibong kalahok ang mga mag-aaral sa iba’t ibang aktibidad at eksperimento. Sa proseso ng pagkatutong ito, hinahasa ang kanilang kritikal at pamprosesong mga kakayahan, sa pamamagitan ng mga serye ng tanong.

11

Pagtatanong na may estruktura

Ginagabayang pagtatanong

Pagtatanong sa pangunguna ng mag-aaral

Page 12: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Pagdulog na Patanong (Inquiry Approach)

Matataas na Kakayahang Pangkaisipan

• interpretasyon ng mga datos,

talahanayan at dayagram

• pagbuo ng mga sintesis mula sa

iba’t ibang ideya at konsepto

• pagdidisenyo ng mga

eksperimento at pagbuo ng

modelo

• pagbibigay-solusyon sa mga

suliranin

• pagbuo ng mga rasyonal na

desisyon at pagtatasa kung sapat

ang mga datos na nakalap

Matataas na Kakayahang Pamproseso

• pagsukat

• pangangalap ng datos,

paghahanay o klasipikasyon

• pagdidisenyo ng iba’t ibang uri ng

operasyon at imbestigasyon

12

Page 13: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Transpormatibong Edukasyon ni Mezirow

• Bilang isang pagdulog, nakatutok ito sa mga mag-aaral na

kinakailangang armasan ng mga pagpapahalaga at kakayahan na

lilinang sa matalas na pananaw sa konkretong kalagayan ng daigdig at

manghihikayat sa kanilang kumilos, indibidwal man o kolektibo upang

paunlarin ang panlipunang kondisyon. (Mezirow, 1965)

13

Pagbibigay-

kahulugan

sa sariling

karanasan

Transpor-

masyon ng

karanasan

at

kaalaman

Muling

pagkatuto

Page 14: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Ilang Suhestiyon sa Pagtuturo ng Maka-Pilipinong Pananaliksik

1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang-ekonomiya at pampolitika ng bansa ang pananaliksik. Talakayin ang mga hamon sa maka-Pilipinong pananaliksik.

2. Mahalagang gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pamimili ng paksa. Ginagabayan dapat ito ng mga katangian ng maka-Pilipino at transpormatibong pananaliksik.

3. Mas madali at praktikal kung isasaalang-alang ang pagdulog na Project Based Learning (PBL). Ang buong semestre ay pagbuo ng pananaliksik.

4. Bigyang-diin ang ilang mahahalagang bahagi ng pananaliksik na hindi gaanong nabigyang-tuon sa curriculum guide ng DepEd (hal. pagtalakay ng etika ng pananaliksik, presentasyon at publikasyon ng pananaliksik).

Page 15: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Mga Hamon sa Maka-Pilipinong Pananaliksik

• Patakarang pangwika sa Edukasyon

• Ingles bilang lehitimong wika

• Internasyonalisasyon ng pananaliksik

• Maka-Ingles na pananaliksik sa iba’t ibang larang at disiplina

Page 16: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik

Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.

• Mahalagang idagdag sa katangiang ito na kung hindi man maiiwasan na nasa wikang Ingles o iba pang wika ang isang pananaliksik dahil may pangangailangang ibahagi ito sa internasyonal na mambabasa, kailangan pa ring isalin ito sa Filipino o iba pang wika sa Pilipinas upang mas mapakinabangan.

• Ang mahusay na pamimili ng wika at paksa ang nagtatakda sa bigat at halaga ng gagawing pananaliksik.

Page 17: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik

Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino.

• Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin muna ng isang mananaliksik ang bigat at halaga ng pananaliksik para sa mga kalahok nito o pinatutungkulan ng pananaliksik.

• Kanino ba ito magsisilbi? Ayon kay Virgilio Enriquez (1976), proponente ng Sikolohiyang Pilipino, kailangang “ibatay sa interes ng mga kalahok ang pagpili ng paksang sasaliksikin.

Page 18: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik

Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.

• Dahil sa lumalawak ang agwat o pagkakahiwalay ng karaniwang mamamayang Pilipino sa akademya at mga edukado, mahalagang tungkulin din ng pananaliksik na pawiin ang pagkakahiwalay na ito.

• Mahalagang tungkulin ng mga mag-aaral, sa gabay ng kanilang mga guro, na lumabas at tumungo sa mga komunidad bilang lunsaran ng maka-Pilipinong pananaliksik.

• Sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga pag-aaral sa komunidad, nakakakuha ng tunay na karanasan at kaalaman ang mga mag-aaral mula sa masa.

Page 19: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Latag ng Nilalaman batay sa DepEd

• Batayang balangkas lamang ang makikita sa curriculum guide ng DepEd kung kaya’t flexible at madaling dagdagan ng iba pang mahahalagang aralin.

• Walang pagtalakay sa mga dulog at metodolohiya sa pananaliksik, at iba pang mahahalagang paksa gaya ng etika ng pananaliksik, publikasyon at presentasyon nito.

Page 20: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Halimbawang Latag ng Aralin

YUNIT I

Kaalaman at Kasanayan sa Pagbasa: Pagsusuri at Pagsulat ng Teksto

• Aralin 1 - Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto

• Aralin 2 - Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto

• Aralin 3 - Tekstong Impormatibo: Para sa Iyong Kaalaman

• Aralin 4 - Tekstong Deskriptibo: Makulay na Paglalarawan

YUNIT II

Iba’t Ibang Uri ng Teksto: Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat

• Aralin 5 - Tekstong Persuweysib: Paano Kita Mahihikayat

• Aralin 6 - Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento

• Aralin 7 - Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang Katuwiran

• Aralin 8 - Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga Hakbang

Page 21: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Halimbawang Latag ng Aralin

YUNIT III

Mga Batayang Kaaalaman sa Pananaliksik

• Aralin 9 - Ang Maka-Pilipinong Pananaliksik

• Aralin 10 - Etika ng Pananaliksik at mga Responsibilidad ng Mananaliksik

• Aralin 11 - Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik

• Aralin 12 - Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

YUNIT IV

Mga Kasanayan sa Pananaliksik

• Aralin 13 Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik

• Aralin 14 Pagsisinop ng mga Tala at Bibliograpiya

• Aralin 15 Rebisyon ng Papel-Pananaliksik

• Aralin 16 Presentasyon at Paglalathala ng Pananaliksik

Page 22: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Elicit

Engage

Explore

Explain

Elaborate

Evaluate

Extend

Balik-Tanaw

Lusong-Kaalaman

Gaod-Kaisipan

Layag-Diwa

Lambat-Likha

Salok-Dunong

Daong-Kamalayan

PAGHAHANDA (I do it)

PAG-UNAWA AT

PAGDANAS (We do it)

PAGHAHASA

NG

KASANAYAN (You do it)

Page 23: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Ilang Suhestiyon sa Pagtuturo ng Maka-Pilipinong Pananaliksik

5. Gumamit ng epektibong paraan sa pagpapasa ng kaalaman: Modelong 7 E (Elicit, Engage, Explore, Explain, Elaborate, Evaluate, Extend) at GRR (Gradual Release of Responsibility).

6. Gumamit ng mga napapanahong teksto sa iba’t ibang disiplina at larang na hahasa sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa napapanahong isyu at gagabay sa kanila sa pagpili ng tatahaking disiplina o propesyon.

Page 24: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Pagpapalakas ng Pananaliksik sa Iba’t ibang Disiplina

• Ang hamon ay lumagpas pa sa wika, panitikan, kultura, agham panlipunan at humanidades ang mga pananaliksik sa Filipino.

• Mahalaga ang papel ng Filipino 11B upang ipalaganap ang halaga ng maka-Pilipinong pananaliksik sa lahat ng disiplina.

• Mahalagang gumamit ng wikang Filipino at paksaing nakaugat sa karanasan ng mga Pilipino na nakaugnay sa iba’t ibang disiplina.

24

Page 25: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Mga Mungkahing Babasahin sa Pagtuturo ng Pananaliksik

• Mga journal mula sa Malay, Humanities Diliman, Daluyan, Hasaan, Saliksik, Dalumat atbp.

• Ipakilala sa mga mag-aaral na umuunlad na ang mga pananaliksik sa iba’t ibang disiplina. • Unang Tomo ng Hasaan Journal • Intelektuwalisasyon ng Filipino sa iba’t ibang larangan • Proyekto ng Panayam Pang-Agham sa UST

Page 26: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Wika, Lipunan at Kasaysayan

• Prudente, Nemesio. “Ang Agham Panlipunan at Kaunlarang Pambansa” nasa PUP Anthology of Social and Cultural Criticisms na pinamatnugutan nina Romeo Peña, Jeffrey Bartilet at Virgilio Rivas. Lungsod Maynila: PUP Center for Social History, Institute for Cultural Studies, 2016.

• Lumbera, Bienvenido. “Ang Usapin ng Wika para sa mga Filipino at ang Pagbabago ng Lipunang Filipino” nasa Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa. Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press, 2000.

• Jacob, Ave Perez. “Sibilisaduhin ang Pilipino sa Kulata ng Ripleng Krag” nasa PUP Anthology of Social and Cultural Criticisms na pinamatnugutan nina Romeo Peña, Jeffrey Bartilet at Virgilio Rivas. Lungsod Maynila: PUP Center for Social History, Institute for Cultural Studies, 2016.

26

Page 27: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Wika, Midya at Komunikasyon

• Mirasol, Dominador. “Peryodismo sa Filipino: Paglikha ng Isang Makapangyarihang Pagbuwelo na Magtutuwid sa Takbo ng Kasaysayan” nasa PUP Anthology of Social and Cultural Criticisms na pinamatnugutan nina Romeo Peña, Jeffrey Bartilet at Virgilio Rivas. Lungsod Maynila: PUP Center for Social History, Institute for Cultural Studies, 2016.

• Olvidado, Gilda. “Ang Wikang Filipino sa Media” nasa Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa na pinamatnugutan ni Benilda S. Santos. Lungsod ng Quezon: UP Sentro ng Wikang Filipino, 2003.

• Maggay, Melba Padilla. Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino. Lungsod ng Quezon: Ateneo De Manila University Press, 2002.

27

Page 28: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Wika, Negosyo at Ekonomiya

• Bermejo, Ramon. “Ang Wikang Filipino sa Negosyo at Industriya” nasa Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa na pinamatnugutan ni Benilda S. Santos. Lungsod ng Quezon: UP Sentro ng Wikang Filipino, 2003.

• Rivera, John Paolo R. at Paolo O. Reyes “Mga Padalang Salapi Bilang Salik sa Pagsulong ng Pagnenegosyo ng mga Sambahayang Filipino” nasa Malay. Lungsod ng Maynila: De La Salle University Publishing House, 2011.

• Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari” nasa Malay. Lungsod ng Maynila: De La Salle University Publishing House, 2009.

28

Page 29: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

• “Bayanihan o Kanya-kanyang Lutas? Pag-unawa at Pagplano sa Bakas ng Bagyong Yolanda sa Tacloban” ni Jose Edgardo Gomez, Jr. (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino Espesyal na Isyu, No. 2, 2015)

• “(Ini)lihim sa Dagat: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman” ni Joanne Visaya Manzano (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 20, 2014)

• “Ang Pelikulang Rural sa Sineng Indie noong 2005-2008” ni Patrick F. Campos (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 17, No. 1-2, 2011)

• “Ang Kasalukuyang Pagkakakilanlan ng mga Iraya Mangyan” ni Aleli Bawagan (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 15, No. 1-2, 2009)

• “Diskurso ng Siyensiya: Kolonyal na Diskurso ng mga Sakuna Mula sa Panahon ng Instrumentasyon Tungo sa Panahon ng mga Amerikano” ni Alvin Jason A. Camba (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 16, 2010)

29 Wika at Iba’t ibang Napapanahong Usapin

Page 30: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Panayam Pang-Agham sa UST (Dr. Fortunato Sevilla)

• Bayolohikal na Pagsusuri ng mga Halamang Gamot at Katas ng Prutas laban sa Nakakalasong Free Radical, Pagpapababa ng Asukal, Taba’t Sebo ni Librado Santiago, Ph.D.

• Balatkahoy ng Kaimito: Pampalubay ng Daluyan ng Dugo ni Albert Quentela

• Inkjet Printing sa Paggawa o Paglinang ng Sensors ni Karen Santiago, M.Sc.

• Kemikal na pag-aaral sa Genus Pandamus ni Mario Tan, Ph.D.

• Paglilinang ng Tisyu ng Halamang Ipomoea muricata ni Edison Dela Cruz, Ph.D.

Page 31: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Kritiko ng Lipunan ang Isang Mananaliksik

• Kailangan ang talas at pagiging kritikal ng mananaliksik. Nagsisimula sa mga matatapang na tanong at palagay sa iba’t ibang usapin ang isang mahusay na pananaliksik. Kailangang lumalagpas ito sa tanggap at nakagawian nang mga pagtingin.

• Kailangang matalas na naisasakonteksto ng mananaliksik ang anumang pagsusuri at hindi nagpapakupot sa mga personal na pagtingin at palagay. Susi ang mas malawak na pagbabasa at imbestigasyon.

• Kailangang magsiwalat at maging kritiko ng katotohanan ang pananaliksik.

31

Page 32: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

32

Page 33: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

33

Page 35: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Isang Semyolohikal na Pagsusuri sa mga Kontradiksiyong Nakapaloob sa Panlipunang Kritisismo ni Gloc-9 Feorillo Petronilo A. Demeterio III

Gamit ang semyolohiya ni Roland Barthes, sinuri ng papel na ito ang labintatlong kanta ni Aristotle Pollisco, o Gloc-9, na may kinalaman sa politika at lipunan at mula sa kanyang tatlong pinakabagong album. Ipinakita ng pagsusuri na ilan sa mga imaheng ginamit ni Pollisco sa kanyang sariling panlipunan at politikal na kritisismo ay may mga nakakubling kontradiksiyon bunsod ng kanyang kakulangan sa kahandaan sa ideolohikal na usapin. Ang mga imaheng napili mula sa labintatlong kanta ay pinagbuklod sa ilalim ng limang tema: korapsiyon at politika, pagkamakabayan, kahirapan at buhay-manggagawa, krimen at kaguluhan, at homopobya.

35

Page 37: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Hamon sa mga Guro at Mananaliksik sa Filipino

• Gamitin at ipagamit sa mga mag-aaral ang wika at paksaing maka-Pilipino sa iba’t ibang larang at disiplina.

• Magbasa, mag-imbestiga at kritikal na magsuri ng iba’t ibang pangyayaring panlipunan, kasama ng mga mag-aaral, na maaaaring pagmulan ng makabuluhang paksa ng pananaliksik.

• Gawing laboratoryo ng pananaliksik ang pamayanan at palakasin ang mga community-based research.

• Magsulat, maglimbag ng pananaliksik at mag-ambag sa karanasan at kaalamang maka-Pilipino.

Page 38: Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik · PDF file1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pang- ... •Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa

Maraming salamat sa pakikinig!

Para sa katanungan:

[email protected]

https://www.facebook.com/crizel.sicat

09173147851