pagbasa vs pagsulat
TRANSCRIPT
PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO
Gawaing Sosyal
dahil may awdyens at may interaksyong nagaganap;
may kagyat na pidbak sa anyong berbal at di-berbal; at
gumagamit ng mga hudyat o paralinguistic
Gawaing Mag-isa isang anyo ng pakikipagtalastasan
na ginagawa nang mag-isa maraming ginagawang pag-aakma ang manunulat upang maisaalang-alang ang di-nakikitang awdyens, o
mambabasa; minsan siya mismo ang gumaganap na tagabasa ng sulat na
ginagawa; atWalang kagyat na pidbak kaya’t hindi
agad na mababago kung ano ang naisulatKailangang panindigan kung ano
ang naisulat
maaaring gumamit ng mga impormal at mga pinaikling konstruksyon ng mga salita
maaaring ulitin, baguhin at linawin ang nabitiwang salita
ayon sa reaksyon ng tagapakinig
napagbibigyan ang mga pag-uulit ng mga pahayag
nauulit ang anumang sinabi
Kailangang mahusay ang paglalahad ng kaisipan upang
makatiyak na malinaw ang dating sa mambabasa
mas mahaba ang konstruksyon ng mga
pangungusap at may tiyak na estrukturang dapat na sundin
ang pagsasalita ay madaling natatamo
natutuhan sa isang prosesong natural na tila walang hirap
(egobuilding)
ang pagsasalin ng “inner speech” (kaisipang binubuo
bago ipahayag sa anyong pasalita) ay isang madaling
proseso
natutuhan sa paaralan at kailangan ang pormal na pagtuturo at pagkatuto
mahirap ang pagbubuo ng isusulat na mag ideya kaysa
pagsasabi nito; at
karamihan sa karanasan ng mga bata sa pagsulat ay hindi maganda kaya ang gawaing ito’y ego-destructive lalo na kung ang sulatin ay sa W2
(pangalawang wika)
PAGLINANG SA IDEYA NG DISKURSO
PAKSA nagsisilbing batayan sa pagbuo ng mga kaisipan na itatanghal sa isang pahayag
layunin nagtatakda ng hangganan at landas na tutunguhin ng isng ideya “Bakit?”
pagsasawikang ideya
pinakamahirap na bahagi malaki ang kinalaman ng kaalamang pangwika
patutunguhan o audience alamin ang edad, panlipunang estado, edukasyong natamo, hilig at kultura “Para kanino ang ideyang ipinahayag?”
Uri ng diskurso paglalarawan
layunin na maipakita sa imahinasyon at isip ng mambabasa o tagapakinig ang anyo, katangian, kalagayan ng tao, bagay o hayop at pangyayari Pangkaraniwang Paglalarawan
Masining na Paglalarawan
pagsasalaysayIsang paraan ng pagpapahayag upang pag-ugnayin ang mga mahahalagang pangyayaring naganap tulad ng karanasang di malilimutan, kuwento o kasaysayan ng mga mahahalagang tao
Katangian Mabuting pamagat Paksa Maayos na pagkakasunud-sunod Kawili-wiling basahin mula simula hanggang wakas
paglalahad
naglalayon na bumuo ng isang malinaw na kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman samakatwid ito ay naglalayong magbigay kaalaman, pagpaliwanag at timbangin ang mga kaisipan at impormasyon batay sa mga kaisipang nakapaloob dito
pamamaraan ng epektibong paglalahad
Pagbibigay Depinisyon o kahuluganPaghahambing at pagkokontrastProblema at SolusyonSanhi at bungaPangangatwiran
Organisasyon ng pasalita at pasulat na komposisyon
Kaisahan sa Komposisyon
Kaisahan sa Ideya
Kaisahan sa Tono
Kaisahan sa Tagapag-ugnay
Kaisahan sa Layunin
“Nakatungo siya habang naglalakad. Ngayon niya higit na dapat na bigyan ng handog ang kanyang ina. Hindi lamang dahil sa kaarawan nito. May sakit ang kanyang ina at pihong matutuwa it kapag binigyan niya ng handog. Nais niyang makitang muli na natutuwa ang kanyang ina. Katulad noong bigyan niya ito ng panyo.”
•Sinipi mula sa “Handog sa Kanyang Ina” ni Rogelio Sicat
Pagkakaugnay-ugnay o kohirensGamit Halimbawa
Pagdaragdag At, ulit, pagkatapos, bukod sa, kasing halaga, sa wakas, karagdagan pa, bukod pa, susunod, panghuli, ano pa, una (ikalawa at iba pa), at saka
Paghahambing Pero, sa kabilang banda, subalit, gayon man, samantala.......
Pagpapatunay Kung saan, dahil, para, sa parehong kadahilanan, nang walang-duda, tunay, sa katunayan, bukod pa sa at saka........
Pagpapakita ng oras Kaagad, pagkatapos, sa lalong madaling panahon, sa wakas, noon, sa bandang huli, noong una, dati-rati......
Pag-uulit Sa madaling salita, gaya ng sinabi ko, tandaan......
Pagbibigay-diin Tiyak, labis, talaga, sa katunayan, sa ibang pagkakataon
Pagpapakita ng pagkakasunud-sunod Una, pangalawa, pangatlo.......A, B, C........kasunod, pagkatapos, sa unahan, bago ito......
Pagbibigay-halimbawa Halimbawa, sa ganitong kaso, sa ganitong pagkakataon, sa ganitong sitwasyon.......
Pagbubuod o pagbibigay ng kongklusyon Sa madaling salita, bilang kongklusyon, sa kabuuan, gaya ng aking ipinakita, sa pagbubuod, kaya naman, bilang resulta....
Anyo ng organisasyon
Organisasyon ayon sa pagkakasunud- sunod
Kronolohikal Pasalaysay
Espasyo
Papaksang Organisasyon Mga Bahagi Mga Perspektiba
Organisasyong Lohikal Sanhi Suliranin-Solusyon
“Ang nakatutulig na tilaok ng katyaw ay nakatawag pansin kay Ernesto. Sinundan ng kanyang mga paningin ang pook na pinagbubuhatan nang muling tumilaok ang katyaw na yaong naiiba ang tilaok sa marami nang narinig niya. Nag-ibayo ang kanyang paghanga nang makita ang isang katyaw na bulik, na mabikas na mabikas ang pagkakatindig sa pinakamataas na sanga ng kanilang punong mangga. Napangiti si Ernesto.”
•Sinipi mula sa “Tatlong Katyaw, Isang Dumalaga at si Myrna” ni Brigido Batungbakal
Tuon, diin o empasis
Diin sa pamamagitan ng posisyon
Diin sa pamamagitan ng proporsyon
Diin sa pagpares-pares ng mga ideya
“Nang malapit na nilang anihin ang unang tanim, ang lupaing kanilang binungkal ay inangkin ng isang korporasyon ng mga paring may pag-aari sa kalapit na bayan. Ayon sa korporasyon ay nasa loob ng hangganan nila ang lupain, at upang patibayan ang pag-angkin ay itinayo noon din ang mga muhon. Si Tales ay pinabayaan ng mag-ani sa lupa kung siya’y babayad ng dalawampu o tatlumpung piso taun-taon
•Sinipi mula sa “Kabesang Tales (El Filibusterismo)” ni Dr. Jose Rizal
Balangkas
Pinakakalansay ng isang akdaTatlong kategoryaDibisyon (Bilang Romana) I, II, III,.......Sub-dibisyon (malalaking titik) A, B, C,....Seksyon (Bilang Arabiko) 1, 2, 3, ........
Uri ng balangkasPaksang balangkasPangungusap na balangkas
pagsulatIsang paraan ng pagpapahayag ng isip at damdamin ng tao
May mga bagay na higit na angkop na isulat kaysa sabihin
Mga teorya sa pagsulat
Solitari -------------------------------Kolaboratibo
Pisikal
Mental
Konsyus
Sabkonsyus
talataIto ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga salita na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang-diwa
Panimulang TalataIto ang una at kung minsan ay hanggang ikalawang talata ng komposisyon
Layunin nitong ilahad ang paksa ng komposisyon
Sinasabi rin dito kung ano ang ipaliliwanag, ang isasalaysay, ang ilalarawan o bibigyang katwiran
Talatang GanapMatatagpuan sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon
Tungkulin nitong idebelop ang pangunahing paksa ng komposisyon
Binubuo ito ng paksang pangungusap na tumutulong upang matalakay nang ganap ang bahagi ng pangunahing paksa
Talata ng Palipat-diwa
Ginagamit ang talatang ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod na talata.
Talatang Pabuod
Kadalasan, ito ang pangwakas na talata o mga talata ng komposisyon
Inilalagay rito ang mahahalagang kaisipan o pahayag na tinalakay sa gitna ng komposisyon
Maaari ring gamitin ang talatang ito upang bigyan ng higit na linaw ang layunin ng awtor ng isang komposisyon
May isang paksang-diwaMayroong isang paksang pangungusap
Ito ang nagsasaad ng buod ng nilalaman ng talataNagsisilbi itong patnubay upang hindi malihis sa paksa ng talata ang mga pangungusap na nakapaloob sa talata at nang sa gayo’y maiwasan ang pagpasok ng mga bagay na hindi kailangan sa talata
Ito ay maaaring patanong o paturol
Pangungusap ito na maaaring nagbubuod o naglalahad ng diwa ng talata
May kaisahan ng diwaKung ang bawat pangungusap ay nauugnay sa paksang pangungusap
Mula noon, nakilala si Quezon sa larangan ng politika. Nahalal siya bilang gobernador ng Tayabas. Matapos iyo’y nahalal siyang kinatawan ng kanyang lalawigan sa Asembliya ng Pilipinas. Agad na napansin ng maraming mambabatas ang kanyang husay at talino sa Asembliya kung kaya’t di naglao’y nahalal siyang pinuno ng mayorya sa Asembliya.
--mula sa Manuel L. Quezon: Ama ng Kalayaang Pilipino
ni Rolando A. Bernales
May wastong paglilipat-diwaIto ay nakatutulong upang maunawaan ang tamang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na bumubuo sa talata
May KaayusanAyusin ang mga pangungusap sa talata sa paraang papaunlad ang galaw ng mga pangyayari o ang kaisipang tinatalakay
Maaaring ayusin nang kronolohikal
Ayusin ayon sa pananaw sa bagay o pangyayari, gaya halimbawa ng malapit-palayo o kabalikan nito, mula sa loob-palabas o kabalikan o mula sa kanan-pakaliwa o kabalikan
Ayusin mula sa masaklaw patungo sa ispesipiko o kabalikan nito
Pre-writing ActivitiesPagsulat ng dyornal
Brainstorming
Questioning
Pagbabasa at Pananaliksik
Sounding-out Friends
Pag-iinterbyu
Writing stagePanimula
Gumamit ng isa o serye ng mga tanong retorikal
Gumamit ng isang pangungusap na sukat makatawag-pansin
Gumamit ng pambungad na pasalaysay
Gumamit ng salitaan
Gumamit ng isang sipi
Banggitin ang kasaysayan o mga pangyayaring nasa likuran ng isang paksa
Tahasang ipaliwanag ang suliraning ipaliliwanag
Gumamit ng salawikain o kawikaan
Gumamit ng pasaklaw o panlahat na pahayag
Magsimula sa pamamagitan ng buod
Gumamit ng tuwirang sabi
Maglarawan ng tao o pook
Gumamit ng analohiya
Gumamit ng isang salitang makatatawag ng kuryosidad
Pagsasaayos ng Katawan
Iayos ang mga datos nang pakronolohikal
Iayos ang mga datos nang palayo o palapit, pataas o pababa, papasok o palabas
Iayos ang mga datos nang pasahol
Iayos ang mga datos nang pasaklaw
Pahambingin ang mga datos
Isa-isahin ang mga datos
Suriin ang mga datos
Pagwawakas
Ibuod ang paksa
Mag-iwan ng isa o ilang tanong
Mag-iwan ng hamon
Bumuo ng kongklusyon
Gumawa ng prediksyon
Magwakas sa angkop na sipi o kasabihan
Sariwain ang suliraning binanggit sa simulaMag-iwan ng isang pahiwatig o simbolismo
Revising TechniquesNakapaloob dito ang pag-eebalweyt sa nagawang draft at pagsusulat nang panibago na maaaring may pagdaragdag, pagbabawas, pagbabago o pagpapalit
Pag-eedit
Pagsusuri o pagwawasto sa mga pagkakamali sa gramar, speling, mekaniks at paggamit ng mga bantas
Pagrerebisa
Ito ay humahantong sa proofreading
Dyornal Ito ay talaan ng mga pansariling gawain, mgarepleksyon, mga naiisip at nadarama at kung ano-ano pa
Ang dayari ay dyornal din