page 1 liham ng pagpapakilala mahal na magulang/tagapag

2
Liham ng pagpapakilala Mahal na Magulang/Tagapag-alaga, Bawat taon, sinusukat ng California STAR Program ang kakayahan ng inyong anak ayon sa kaniyang grado sa iskwela. Makikita sa report na ito ang kaniyang iskor sa California Standards Tests. Kung siya ay nasa Grade 3 o Grade 7, ang kaniyang iskor sa California Achievement Tests, Sixth Edition Survey (CAT/6 Survey) ay nandito rin. Ang impormasyon tungkol sa inyong anak Dito makikita ang mga sumusunod na impormasyon: ang student number ng inyong anak, petsa ng kapanganakan, grado, petsa kung bailan siya kumuha ng test, pangalan ng iskuwela, at distrito, at adres ng kaniyang tirahan. Ang iskor at kakayahan ng inyong anak Ang iskor ng inyong anak sa California Standard Tests ay makikita sa bar sa ilalim ng bawat subject heading. Ang bilang sa itaas ng bawat bar ang kaniyang iskor sa test. Ang de-kulay na kahon sa kaliwa at ang teksto sa ilalim ng bawat bar ay nagpapatunay sa kaniyang kakayahan sa bawat sabjek. Mayroong limang performance level: Advanced, Proficient, Basic, Below Basic, and Far Below Basic. Ang test sa English-Language Arts at Mathematics ay ibinibigay sa mga estudyante sa Grades 2-11. Ang test sa History-Social Science ay kinukuha ng mga estudyante sa Grades 8, 10, at 11. Ang test sa Science ay para naman sa mga estudyante sa Grade 5 at sa piling estudyante sa Grades 9, 10, at 11. Bawat test ay bibigyan ng iskor. Kung nakaligtaan ng inyong anak na kumuha ng ilan sa mga test na ito, lalabas ang impormasyong ito sa kaniyang report. Kung ang inyong anak ay binigyan ng espesyal na test ayon sa kaniyang sitwasyon, ito ay makikita rin sa kaniyang report na nagsasaad na: “Ang test ng inyong anak ay may markang Below Grade Level.” Narito ang ilang websayt kung gusto niyong makita ang kumpletong resulta ng mga test (http://star.cde.ca.gov), at ang Accountability Report Card ng iskuwela ng inyong anak (www.cde.ca.gov/ta/ac/sa). Maari din kayong humingi ng kopya ng School Accountability Report Card (SARC) mula sa iskuwela niya. Paano ko gagamitin ang resulta ng STAR Program? Ipaliliwanag sa bahaging ito kung paano imo-monitor ang kakayahan ng inyong anak sa iskuwela. Maaring gawin ito sa pamamagitan ng patuloy na pagkuha ng test sa klasrum, paggawa ng asaynment, at sa grado. Gamitin ang impormasyon sa STAR Program upang kausapin ang titser ng inyong anak at alamin kung saang sabjek siya mahina at nangangailangan ng tulong. 3 4 5 2 1 1 2 3 5 4 May pagkakaiba ang nilalaman ng bawat seksiyon at ito ay batay sa grado ng inyong anak. MULA SA DEPARTMENT OF EDUCATION NG CALIFORNIA TAGALOG Ang gayd na ito ang tutulong sa inyo upang maintindihan ang report ukol sa kakayahan ng inyong anak sa iskuwela at ang mga rekomendasyon na nababagay para sa kaniya. Ang ilang bahagi ng report ay masinop na isinalin sa Tagalog, ngunit ang ibang bahagi ay isinalin ng bahagya lamang.

Upload: voque

Post on 29-Jan-2017

444 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

Liham ng pagpapakilalaMahal na Magulang/Tagapag-alaga,

Bawat taon, sinusukat ng California STAR Program ang kakayahan ng inyong anak ayon sa kaniyang grado sa iskwela.

Makikita sa report na ito ang kaniyang iskor sa California Standards Tests. Kung siya ay nasa Grade 3 o Grade 7, ang kaniyang iskor sa California Achievement Tests, Sixth Edition Survey (CAT/6 Survey) ay nandito rin.

Ang impormasyon tungkol sa inyong anakDito makikita ang mga sumusunod na impormasyon: ang student number ng inyong anak, petsa ng kapanganakan, grado, petsa kung bailan siya kumuha ng test, pangalan ng iskuwela, at distrito, at adres ng kaniyang tirahan.

Ang iskor at kakayahan ng inyong anakAng iskor ng inyong anak sa California Standard Tests ay makikita sa bar sa ilalim ng bawat subject heading. Ang bilang sa itaas ng bawat bar ang kaniyang iskor sa test. Ang de-kulay na kahon sa kaliwa at ang teksto sa ilalim ng bawat bar ay nagpapatunay sa kaniyang kakayahan sa bawat sabjek. Mayroong limang performance level: Advanced, Proficient, Basic, Below Basic, and Far Below Basic.

Ang test sa English-Language Arts at Mathematics ay ibinibigay sa mga estudyante sa Grades 2-11. Ang test sa History-Social Science ay kinukuha ng mga estudyante sa Grades 8, 10, at 11. Ang test sa Science ay para naman sa mga estudyante sa Grade 5 at sa piling estudyante sa Grades 9, 10, at 11. Bawat test ay bibigyan ng iskor. Kung nakaligtaan ng inyong anak na kumuha ng ilan sa mga test na ito, lalabas ang impormasyong ito sa kaniyang report.

Kung ang inyong anak ay binigyan ng espesyal na test ayon sa kaniyang sitwasyon, ito ay makikita rin sa kaniyang report na nagsasaad na: “Ang test ng inyong anak ay may markang Below Grade Level.”

Narito ang ilang websayt kung gusto niyong makita ang kumpletong resulta ng mga test (http://star.cde.ca.gov), at ang Accountability Report Card ng iskuwela ng inyong anak (www.cde.ca.gov/ta/ac/sa). Maari din kayong humingi ng kopya ng School Accountability Report Card (SARC) mula sa iskuwela niya.

Paano ko gagamitin ang resulta ng STAR Program?Ipaliliwanag sa bahaging ito kung paano imo-monitor ang kakayahan ng inyong anak sa iskuwela. Maaring gawin ito sa pamamagitan ng patuloy na pagkuha ng test sa klasrum, paggawa ng asaynment, at sa grado. Gamitin ang impormasyon sa STAR Program upang kausapin ang titser ng inyong anak at alamin kung saang sabjek siya mahina at nangangailangan ng tulong.

3

4

5

2

1

1 2

3

5

4

May pagkakaiba ang nilalaman ng bawat seksiyon at ito ay batay sa grado ng inyong anak.

M U L A S A D E P A R T M E N T O F E D U C AT I O N N G C A L I F O R N I A

TAGALOG

Ang gayd na ito ang tutulong sa inyo upang maintindihan ang report ukol sa kakayahan ng inyong anak sa iskuwela at ang mga rekomendasyon na nababagay para sa kaniya. Ang ilang bahagi ng report ay masinop na isinalin sa Tagalog, ngunit ang ibang bahagi ay isinalin ng bahagya lamang.

Ang galing at kahinaan ng inyong anak base sa mga test na itoMakikita sa mga charts kung saang sabjek mahina o magaling ang inyong anak ayon sa resulta ng mga test. Ang sabjek ay makikita sa itaas ng chart. Para sa mga estudyante sa Grades 2-11, ang report ay English-Language Arts at Mathematics. Sa mga estudyante sa Grades 5, 9, 10 at 11, ang report ay Science. Ang report para sa mga estudyante ng Grades 8, 10, at 11 ay History-Social Science.

Ang California Standard Tests (CST) ay nahahati ayon sa content areas na makikita sa kaliwa ng bawat chart. Makikita sa content area – batay sa pamantayan ng California Content Standards – ang lebel ng kakayahan ng inyong anak at kung hanggang saan ang maabot niyang kaalaman. (Kung ang inyong anak ay hindi kumuha ng test para sa kaniyang grado, o kung ang kaniyang iskor ay hindi ayon sa pamantayan, makikita ito sa kaniyang report).

Ipinahihiwatig ng mga diyamante sa chart ang kabuoang bilang ng mga tanong na nasagot ng inyong anak sa bawat content area. Ipinahihiwatig naman ng bar ang kabuoang iskor ng mga estudyante na may mataas na iskor sa test.

Sa ibaba ng chart ay karagdagang impormasyon tungkol sa kakayahan ng inyong anak sa bawat test.

Makikita sa bahaging ito ang isa sa mga sumusunod:

• Ang mga report para sa mga estudyante sa Grade 2-4, 6, 7, kasama na rin ang mga impormasyon tungkol sa English-Language Arts Standards at Mathematics Standards.

• Ang mga report para sa mga estudyante sa Grade 5, 8, at 9, kasama na rin ang impormasyon ukol sa tatlong sabjek at ilang pang dagdag na impormasyon.

– Kasama sa Grade 5 at 9 ang report sa English-Language Arts, mathematics, at Science.

– Kasama sa Grade 8 ang report sa English-Language Arts, Mathematics, at History-Social Science.

• Ang mga report para sa mga estudyante sa Grade 10 at 11, kasama na rin ang kanilang iskor sa History-Social Science at sa Science.

Isang paalala sa paggamit ng impormasyon na ito.Hindi sapat ang isang test upang suriin ang kakayahan ng inyong anak. Limitado lamang ito. Hindi gaanong makakatulong sa iskor ng inyong anak kung paulit-ulit niyang kukunin ang isang test. Higit na makabubuti sa kaniya ang patuloy na pagbabalik-aral sa mga sabjek, at pag-aralan ding mabuti ang resulta ng kaniyang standards-based assessments at progress reports bawat taon.

California Reading ListAng listahang ito ay inirekomenda ng California English-Language Arts Standard Test, base sa iskor na nakuha inyong anak. Ang inyong anak ay inaasahang madaling makakabasa ng iba’t ibang titulo na nasa listahan. Kung sabagay, hindi sasabihin ng test kung anong ang nararapat na basahin ng inyong anak. Himukin siyang repasuhin ang listahan hanggang sa makita niya ang aklat na makapupukaw ng kaniyang interes.

Makikita ang California Reading List sa mga sumusunod:

• Bisitahin ang http://star.cda.ca.gov at i-klik ang California Reading List

• I-klik ang Search for a Reading List upang hanapin ang aklat na nararapat para sa inyong anak.

Ang mabuting pagbabasa ay makatutulong sa inyong anak sa lahat ng kaniyang sabjek. Himukin siyang magbasa sa bahay.

Paghahalintulad (para sa Grade 3 at 7), o karagdagang impormasyon tungkol sa STAR program (para sa mga iba pang estudyante).Kung and inyong anak ay nasa Grade 3 o Grade 7, makikita sa bahaging ito ang kaniyang iskor sa CAT/6 Survey at maikukumpara ito sa malawakang iskor ng mga estudyante sa U.S. na nasa Grade 3 o Grade 7 din. Ang iskor ng inyong anak ay maihahambing sa iskor ng mga estudyante sa U.S. (Halimbawa, kung ang iskor niya ay 50, ibig sabihin nito na ang iskor ng inyong anak ay kapareho o mas mataas sa 50 porsiyento ng mga estudyante sa U.S. na galing sa national sample.)

Kung and inyong anak ay wala sa Grade 3 o Grade 7, ang bahaging ito ay magbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa STAR Program at sa resulta ng test niya.

6

7

8

9 10

6

7

8

9

10

May pagkakaiba ang nilalaman ng bawat seksiyon at ito ay batay sa grado ng inyong anak.