paghubog ng aking pagpapahalaga - znnhs

17
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan - Modyul 8: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga Pangalan ng Mag-aaral: Baitang at Seksyon: Paaralan: 7

Upload: others

Post on 26-Oct-2021

24 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of

Partnership

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan - Modyul 8: Paghubog ng Aking

Pagpapahalaga

Pangalan ng Mag-aaral:

Baitang at Seksyon:

Paaralan:

7

Page 2: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

2

ALAMIN

Mahalagang sanayin mo ang inyong sarili na linangin at isabuhay ang

iba’t-ibang pagpapahalaga. Kailangan mong pagsikapan na mabuhay

kapantay ng iyong potensiyal at kakayahang taglay. Sapagkat, bawat

indibidwal ay may natatanging kakayahang gumawa ng mabuti, hindi

lamang para sa sarili, kundi para rin sa mundong kaniyang ginagalawan.

Sa modyul na ito ay matutukoy ang pinakamahalagang mensahe

na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral.

a. Naisasagawa ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang upang

mapataas ang antas ng kaniyang mga pagpapahalaga. EsP7PB-IIId-10.4

SUBUKIN

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa

sagutang papel. 1. Sa paanong paraan mapananatili ang moral na integridad ng isang tao?

a. Kung magiging matatag sa pakikibaka para sa katotohanan at

kabutihan b. Kung isasaloob ang mga katotohanang unibersal at halagang moral

c. Kung laging pananaigin ang maingat na paghuhusga ng konsensya at

pagsasabuhay ng mga birtud

d. Lahat ng nabanggit

2. Ang paglalapat ng mga panloob na salik sa pang-araw-araw na buhay ay

gabay sa paggawa ng____ . a. Moral na paghuhusga c. Matiwasay na pamumuhay

b. Obhektibong paglalahat d. Mapanagutang pasya at kilos

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa

konsensya?

a. Ito ay ang praktikal na paghuhusgang moral ng isip. b. Ito ay matuloy at natural na nahuhubog batay sae dad at karanasan

ng tao.

c. Dahil sa konsensya nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa

kongkretong sitwasyon. d. Kung nahubog ang tao na gamitin ang kanyang tamang konsensya,

napalalakas nito ang kakayahan ng tao na makabuo ng moral na

paghuhusga.

Page 3: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

3

4. Ang labis na kahirapan ang maaaring maging hadlang upang mapanatili o mas mapataas ang dignidad ng isang bata at maisabuhay ang mga halaga.

Ang pahayag ay:

a. Tama, dahil ang kahirapan ang dahilan upang mabawasan ang tiwala ng isang bata sa kanyang sarili

b. Tama, dahil sa kahirapan ay nababawasan ang panahon ng mga

magulang upang batayan at paunlarin ang halaga ng kanilang mga

anak c. Mali, dahil maging ang labis na karangyaan ay maaari ring maging

hadlang upang maisabuhay ng isang bata ang mga halaga

d. Mali, dahil lahat ng mahirap ay nais na maging mabuting mamamayan ng lipunan at anak ng Diyos

5. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang taong may moral na integridad maliban sa:

a. hindi nahihiyang gawin ang ano mang pinaniniwalaan niyang tama

b. may mataas na pagpapahalaga sa pangangalaga sa sariling kapakanan at paninindigan

c. may tiwalang ibahagi sa ibang tao ang kanyang paniniwala na

maaaring maging daan upang makahimok ng iba.

d. bukas at tapat sa pagbabahagi ng kanyang mga binabalak, ninanais at mga bagay na nagtutulak sa kanya upang gawin ang isang bagay

6. Ang mga sumusunod ay pamamaraan upang mahubog ang disiplinang pansarili maliban sa:

a. Gamitin ng lubusan ang kalayaan

b. Maging mapanagutan sa lahat ng kilos c. Tanggapin ang kahihinatnan ng pasya at kilos

d. Magsikap na mag-isip at magpasya nang makatwiran

7. Para sa edukasyon ng konsensya ng isang bata mahalaga ang bahaging

maaaring gampanan ng mga magulang at ng mga guro. Ang mga

sumusunod ay ang mga tungkulin na maaari nilang gampanan para sa mga

kabataan maliban sa: a. Maiparamdam sa mga bata ang paggalang sa kanilang pagiging tao.

b. Maging bukas sa pagtanggap sa kanilang kabuuan, sino man ang

mga ito c. Matulungan ang isang bata upang masuri ang lahat ng bagay na

kanilang ginagawa, ninanais o hinahangad

d. Maging kritikal sa pagtingin sa kanilang mga pagkakamali at tiyaking ituturo sa kanila ang paraan upang ito ay maitama

8. Anong kakayahan ang mapalalakas kung mahuhubog mula sa pagkabata ang kakayahan ng isang bata na gamitin ang tamang konsensya?

a. pagbuo ng moral na paghuhusga

b. pagbuo ng mabuting kalooban c. pagbuo ng tamang pagpapasya

d. pagbuo ng matalinong paghuhusga

Page 4: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

4

9. Masasabi lamang na naisagawa ang tunay na esensya ng kalayaan kung: a. Nakilala ang tama at mali at ibinabatay ang paghuhusga sa mga

prinsipyong etikal

b. Sinusunod ng tao ang kanyang likas na kakayahan gawin ang tama at iwasan ang masama

c. A at B

d. wala sa nabanggit

10. Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na:

a. katarungan c. maingat na paghuhusga

b. responsibilidad d. lahat ng nabanggit

BALIKAN

Sa nagdaang modyul, natalakay natin ang piniling uri ng

pagpapahalaga ng tao batay sa hirarkiya ng mga pagpapahalaga ay gabay sa

makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao

Gawain 1: Ang Aking Pagpapahalaga

Panuto: Muli ay iyong balikan ang iba’t ibang pagpapahalaga na natutunan mo sa nokaraang aralin. Punan ang mga patlang ayon sa uri ng

pagpapahalaga . Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Tanong:

1. Ano ang iyong nararamdaman habang ginagawa ang gawain?

Pangatwiranan.

2. Ang pagkamit ba sa pinakamataas na hirarkiya ay makatutulong sa mapanagutang pasya at kilos. Sa anong paraan?

kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan

upang maging handa sa pagharap sa Diyos.

nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng tao

para sa kabutihan, hindi lang sarili kundi sa

nakararami.

may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being)

Page 5: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

5

TUKLASIN

Gawain 2 Larvae!

Panuto: Masdan ang sumusunod na larawan. Sagutin ang mga tanong at

nakatakdang gawain pagkatapos nito.

Tanong:

1. Ano ang nangyayari sa tilas sa loob ng kukun?

2. Ano ang nakatulong upang maganap ito sa loob ng kukun? Ipaliwanag.

3. May pagkakatulad kaya ito sa tao? Pangatwiran.

SURIIN

Paano ba isinasabuhay ng isang tao ang kanyang mga pagpapahalaga?

Ano ang nag-uudyok sa kanya upang gawin ang isang pasya at kilos tungo sa

pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang ito?

Gawain 3 Komiks!

Panuto: Masdan ang sumusunod na larawan. Sabihin ang taglay na

katangian ng tauhan kung bakit nagawa ang kilos at tukuyin kung ito

nagaganap sa loob o labas ng ating pagkatao.

Hal.

disiplina sa sarili______________ __________________________________

→ sa loobnagaganap_____________

_________

____________________________________________________________________

__________________________________

____

Page 6: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

6

Tanong:

1. Alin ang may pinakamaraming kakayahan na naitala mo?

2. Ano ang sinasabi nito tungkol sa halaman, hayop, at tao bilang

nilikha?

3. Paano nakahihigit ang tao sa halaman at hayop?

Katulad sa tilas na may salik sa loob ng kukun na tumutulong upang

umunlad at maging ganap itong paru-paro, mayroon ding panloob

na salik na nakaaapekto sa ating kilos at pagkatao. Ito ang mahalagang

paksa na pag-uukulan mo ng iyong pag-unawa sa araling ito.

PAGYAMANIN

Gawain 4: Case Study

Panuto: Pag-aralan ang dalawang case study sa ibaba. Tuklasinang

pagkakaiba ng kanilang kilos at mga dahilan nito.

Case A Case B

_____________________________________________________________________________________________________________

→___________________________________

_________________________________________

_____________________________________________________________________________________________________________

→________________________________________________________________________

Nagmaktol ang dalawang taong gulang na si Abish nang paliliguan siya ng kanyang ina. Sa patuloy na pamimilit ng kaniyang ina, nagalit siya kaya’t pinagtatapon niya ang kanyang mga laruan.

Inagaw ni Avi, limang taong gulang na bata, ang laruan ng kanyang pinsan. Nang babawiin ito ng huli sinigawan niya ito at akmang babatuhin ng laruan nang dumating ang kanyang ina. Kaya’t hindi niya itinuloy.

Page 7: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

7

Tanong:

1. Anong paliwanag sa kanilang kilos sa sitwasyon ang iyong nakikita sa

Case Study A ? sa Case Study B ?

2. Ano-ano ang ipinakita ni Chad sa situwasyon upang magawa ang

pasya at ipamuhay ang kanyang pagpapahalaga?

3. Ano ang dapat gawin ng isang kabataang tulad mo upang katulad ni

Chad ay makagawa ka o patuloy na makagawa ng tamang pasya at

kilos tungo sa pagsasabuhay ng iyong pagpapahalaga?

Gawain 5 Gagawin ko, dahil inisip ko

Panuto: Pumili ng isa sa anim na panloob na salik na sa tingin mo ay

kailangan mong bigyan ng higit na pansin at dapat paunlarin. Kilalanin ang

negatibong paraan ng paggamit mo ng panloob na salik na ito. Banggitin din

ang epekto sa iyo ng negatibong paggamit nito. Isulat ang mga natuklasan mo

gamit ang pormat ng tsart sa ibaba.

May ibinigay na dalawang halimbawa na maaari mong sundan

Pamantayan sa Paggawa

Pamantayan Puntos Nakuhang

Puntos

Nilalaman(Content) 10

Kaayusan/Kalinisan (Organization/Neatness) 10

Ideya/Paliwanag 10

Kabuuang Puntos 35

Panloob na

Salik

Tukuyin ang negatibong

paraan ng paggamit mo

sa mga panloob na salik

Ano ang naging epekto sa

iyo ng kilos na ito

halimbawa:

KONSENSIYA

Pagbabalewala sa bulong

ng konsensiya na gawin o

piliin ang mabuti

Nasasanay ang sariling hindi

pinakikinggan ang sinasabi

ng konsensya bilang gabay o

nagiging manhid

Page 8: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

8

ISAISIP

Ang bawat tao sa mundo ay nagtataglay ng mga pagpapahalaga, ngunit

hindi nalilinang ang mga ito sa loob lamang ng isang magdamag. Dumadaan

sa masusi at matagal na proseso ang paghubog nito. At sa prosesong ito, may

mga bagay na nakaiimpluwensya at dito nakasalalay kung anong uri ng mga

pagpapahalaga ang mahuhubog sa isang tao.

May mga panloob na salik na nakaaapekto sa paghubog ng mga

pagpapahalaga ng tao.

1. Konsensiya - Ito ay ang praktikal na paghuhusgang moral ng isip, ano

ang tama sa mali.

2. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan- ang kalayaan ay may kakambal

na pananagutan

3. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama.- Ang pagtukoy sa

pangkalahatang kabutihan o kasamaan ng kilos ng tao ay masusukat

sa pamamagitan ng mga sumusunod: layon (end); pamamaraan

(means) at mga pangyayari (circumstances)

4. Pagsasabuhay ng mga Birtud (Practice of virtues)- Ano mang kilos na

isinasagawa nang paulit-ulit ay maaari ng maging bahagi ng pang-

araw-araw na buhay.

5. Disiplinang Pansarili

6. Moral na Integridad- Ito ay ang pagsasaloob ng mga katotohanang

unibersal at pagpapahalagang moral.

Page 9: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

9

Konsensya Hal. - kokonsultahin ang aking konsensiya bago magsagawa ng pasya o kilos

Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan ________________________________________________________________________________________________

Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama. ________________________________________________________________________________________________

Moral na Integridad ________________________________________________________________________________________________

Disiplinang

Pansarili

__________________________________________________________________

Pagsasabuhay ng mga Birtud

___________________________________________________________________________

_____________________

ISAGAWA

Panuto: Tunghayan ang tsart na nasa ibaba. Punan ang bawat kahon

ng mga tiyak na hakbang na iyong ilalapat sa pang-araw-araw na

gawain at pagpapasiya na makatutulong sa paghubog ng bawat panloob

na salik. Gabay mo ang unang kahon (konsensiya)

Pamantayan sa Paggawa

Pamantayan Deskripsyon

Puntos

Nakuhang

Puntos

Nilalaman(Content) Angkop ang nilalaman sa hinihingi sa bawat hakbang

3

Kaayusan/Kalinisan

(Organization/Neatness)

Maayos at malinis ang pagkakagawa sa bawat hakbang

2

Ideya/Paliwanag Tama ang paliwanag sa bawat bawat hakbang

3

Puntos Bawat Hakbang 8

Kabuhang Puntos (sa limang hakbang) 40

Page 10: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

10

PAGTATAYA

SET A

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag.. Piliin at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa patlang tapat ng bilang.

1. _____“Pananagutan nating buuin ang ating pagkatao at hanapin ang

tunay na layunin ng ating pagkalalang”. Ang pahayag na ito ay: a. Tama, dahil nilikha tayo upang hanapin ang katotohanan at gawin

ang kabutihan hindi lamam sa sarili pati rin sa kapwa

b. Tama, dahil nilikha tayo para malaman ang tama at mali c. Mali, dahil natututo tayo sa pagdaan ng panahon

d. Mali, dahi may sarili tayong pagpapasya

2. _____Ang mga sumusumod ay maaring gampanan ng magulang at guro

sa paghubog ng konsensiya ng bata maliban sa______: a. Sa pagsusuri lahat ng bagay na kaniyang ginawa, ninanais o

hinahangad

b. Sa pagpaparamdam sa mga bata ang paggalang ng kanilang pagiging tao

c. Ang pagkamulat sa kung paano inuunwa ng isang bata ang tama at

mali

d. Sa pagbibigay ng parusa sa kanilang pagkakamali

3. _____Si Isaac ay hindi nag-aral at piniling maglaro ng Mobile Legend ay

nagdarasal na masagot ang sagot saa pagsusulit, kung babasihan natin ang kalayaan, ito ay:

a. Pagnanais na takasan ang konsekuwensya ng kilos

b. Pagpapahalaga sa sariling desisyon c. Pagsunod sa sariling pagpapasya

d. Wala sa nabanggit

4. ______Hindi nahihiya si Jesa na gamitin ang keypad nyang cellphone

sa klasi kahit alam nyang pagtatawanan sya nga mga kaibigan niyo. Ito

ay halimbawa ng:

a. Pamumuhay ng katotohanan at pagsanay ng kanyang kakayang kakayahang gamitin ang tamang katwiran

b. Pagpapaliban ng pahahangad sa mga bagay para sa pansariling

kasiyahan c. Pagtangap o pag-ako ng panagutang

d. Pagsasakripisyo at pagkarananas ng paghihirap na pinanatili ang

dignidad ay puno ng pagtitiyaga

Page 11: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

11

5. ______Ano ang totoo hingil sa konsenya? a. Ito ang paghuhusga sa kilos kung ito ay mabuti o masama

b. Ito ay tumutukoy sa layunin, dahilan o intensyon ng kilos

c. Ito ay dapat isagawa ng paulit-ulit sa pang-araw-araw na gawain d. Lahat ng nabangit

6. ______Niyaya si Clint ng kanyang kamag aral na magcutting classes

dahil pero tinanggihan niya ito dahil alam niya na may pagsusulit sila sa hapon. Ito nay nagpapahayang nang_____:

a. Makatwirang pag-iisip at pagpapasya

b. Mapanagutang kilos c. Pag-gamitmit ng wasto sa kalayaan

d. Lahat ng nabangit

7. _______Sa anong paraan mo masasabi na subra na ang pagiging

insensitibo ang isang tao sa paggawa ng masama.

a. Pagkawala ng pagiging sensistibo sa gawain masama b. Hindi pagkaramdam ng isang tao na ang kanyang ginagawa ay

masam

c. Ang pagdipensa na “mabuti” ang kilos na masama

d. Lahat ng nabanggit

8. _______Sa anong paraan nalilinang ang masusing pag-iisip?

a. Sa paghingi ng payo sa iba b. Sa pag-mumunimuni sa kahulugan ng tama at mali

c. Sa paggaya ng gawi sa social media

d. Sa pagsali sa mga pampaaralang timpalak

9. _______Nanindigan si Ken na hindi sumunod sa mga kaklase na

mangopya ng takdang aralin dahil ito ay mali. Ito ay nagpapakita ng_______:

a. Hayagang panindigan o Public Justification

b. Matibay na pagkapit sa sariling paniniwala

c. Masusing pag-iisip batay sa Moral na Pamantayan d. Wala sa nabangit

10.______Si Macky kay gustong-gusto na bumili nang panibagong cellphone sa kanyang ipong pera, subalit ipinahiram muna nya sa

kanyang ina ang pera sa ibang gastusin. Ito ay halimbawa ng_____:

a. Pamumuhay ng katotohanan b. Pagpapaliban ng pahahangad sa mga bagay para sa pansariling

kasiyahan

c. Pagtangap o pag-ako ng panagutang d. Pagsasakripisyo at pagkarananas ng paghihirap na pinanatili ang

dignidad ay puno ng pagtitiyaga

Page 12: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

12

SET B Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at bilugan ang titik

ng pinakaangkop na sagot.

1. Ano ang totoo sa pahayag tungkol sa pagpapalahaga ng tao?

a. Ito ay nahuhubog batay sa mga salik na namamana

b. Ito ay nahuhubog ng matagal at masusing proseso c. Ito ay kusang nabubuo sa pamamagitang ng mga masamang

naranasan ng tao lamang

d. Lahat ng nabanggit

2. Paano masususkat ang pangkalahatang kabutihan o kasamaan ng kilos?

a. Sa pagtukoy sa layunin, dahilan o intensiyon ng kilos at ng

gumagawa ng kilos

b. Sa mismong kilos o gawa c. Sa konsiderasyon sa oras, lugar, paraan o tumotugon sa tanong na

kailan, saan, paano o gaano

d. Lahat ng nabanggit

3. Si Celestine ay umuwi ng hating gabi dahil sumama sa barkada ng

hindi mapapaalam ay umaasang siyang hindi mapapagalitan, kung babasihan natin ang kalayaan, ito ay:

a. Pagnanais na takasan ang konsekuwensya ng kilos

b. Pagpapahalaga sa sariling desisyon c. Pagsunod sa sariling pagpapasya

d. Wala sa nabanggit

4. Masasabi lamang na nagagawa ang tunay na kalayaan kung______.

a. nakikilala ang tama at mali

b. sinusunod ng tao ang kaniyang likas na kakayahang gawin ang

tama at iwasan ang masama

c. napapanatili ang moral na integridad ng tao

d. wala sa nabanggit

5. Ang mga sumusunod ay mga paraan para mapanatili ang moral na

integridad ng isang tao maliban sa______ .

a. Kung magiging matatag sa pakikibaka para sa katotohanan at

kabutihan

b. Kung isasaloob ang mga katotohanang unibersal at halagang

moral

c. Kung susundin mo ang iyung sariling kasustuhan

d. Kung laging pananaigin ang maingat na paghuhusga ng

konsensya at pagsasabuhay ng mga birtud

Page 13: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

13

6. Hindi nag-aral si Hurvey ng kanyang aralin, dahil dito bukal sa loob nyang tinanggap ang mababang iskor sa pagsusulit at nangakong babawi

sa sususnod na aralin. Ito ay halimbawa ng_______.

a. Makatwirang pag-iisip at pagpapasya b. Mapanagutang kilos

c. Pag-gamitmit ng wasto sa kalayaan

d. Pagtanggap ng kalalabasan ng pasya at kilos

7. Ang pagbibigay ng limos sa isang pulubi kahit ito ay hindi hinihikayat

nga iba ay isang uri ng_______: a. Hayagang panindigan o Public Justification

b. Matibay na pagkapit sa sariling paniniwala

c. Masusing pag-iisip batay sa Moral na Pamantayan d. Pagkaawa sa tao

8. Ang pagsagot ng Po at Opo sa mga nakakatanda araw-araw ay nakakatulong sa paghubog nga nasasabing kilos o gawi (atittude).

Pangatwiran.

a. Tama, dahil nakakatulong ito na isabuhay ang nasasabing pagpapahalaga

b. Tama, dahil na nakakatulong ito sa disiplinang pansarili

c. Mali, dahil hindi na uso ang pagsagot ng Po at Opo

d. Mali, dahil hindi na pinapahalagahan ito ng pamilya ngayon

9. Ang mga sumusunod ay bunga ng pagkakaroon ng moral na integridad

maliban sa isa: a. Masusing pag-iisip batay sa oral na Pamantayan

b. Matibay na pakapit sa sariling paniniwala

c. Pagpapahalaga sa kalayaan d. Hayagang paninindigan

10. Bakit mahirap ang paghikayat sa mga anak o mag-aaral na makaroon ng disiplinang pangsaari?

a. Dahil hindi galing sa panlabas ang salik na impluwensya ang mga

nakakadikta sa isang bata b. Dahil hindi naisasagawa ng bata o anak araw-araw ang ganitong

birtud

c. Dahil kulang sa gabay ng magulang ang bata o anak

d. Lahat ng nabanggit

Page 14: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

14

SUSI SA PAGWAWASTO

Mga Sanggunian:

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang Bahagi) (2012), pp 37-56.

Mga Larawan: Lahat kihuna noong December 11, 2020

https://es.vecteezy.com/arte-vectorial/296484-un-conjunto-de-ciclo-de-vida-de-la-mariposa

https://www.amessi.org/la-meditation-validee-par-les-neurosciences

Page 15: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Ruben S. Pepino Jr

Tulawas Integrated Schoool, Pagadian City Division

Editor/QA: Evangeline M. Martel, HT II

Tagasuri: Evangeline M. Martel, HT II Flaviano V. Abastas, MT I

Jayford J. Mainit, T I Rose Bert M. Labajo, T I

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala: DANNY B. CORDOVA, CESO VI OIC Shools Division Superintendent

MARIA COLLEEN L. EMORICHA, EdD, CESE

OIC-Assistant Schools Division Superinrendent MARIA DIOSA Z. PERALTA

CID-CHIEF

MA. MADELENE P. MITUDA, EdD

EPS-LRMDS JOVITA DUGENIA

EPS-EsP

Page 16: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS

11

Regi Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

on IX: Zamboanga

Peninsula Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Hymn – Our Eden Land Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

My Final Farewell

Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd

Pearl of the Orient seas, our Eden lost!,

Gladly now I go to give thee this faded life's best,

And were it brighter, fresher, or more blest

Still would I give it thee, nor count the cost.

Let the sun draw the vapors up to the sky,

And heavenward in purity bear my tardy protest

Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,

And in the still evening a prayer be lifted on high

From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight,

Others have given their lives, without doubt or heed;

The place matters not-cypress or laurel or lily white,

Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight,

T is ever the same, to serve our home and country's need.

Pray for all those that hapless have died,

For all who have suffered the unmeasur'd pain;

For our mothers that bitterly their woes have cried,

For widows and orphans, for captives by torture tried

And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break,

Through the gloom of night, to herald the day;

And if color is lacking my blood thou shalt take,

Pour'd out at need for thy dear sake

To dye with its crimson the waking ray.

And when the dark night wraps the graveyard around

With only the dead in their vigil to see

Break not my repose or the mystery profound

And perchance thou mayst hear a sad hymn resound

' T is I, O my country, raising a song unto thee.

My dreams, when life first opened to me,

My dreams, when the hopes of youth beat high,

Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea

From gloom and grief, from care and sorrow free;

No blush on thy brow, no tear in thine eye.

And even my grave is remembered no more

Unmark'd by never a cross nor a stone

Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my

ashes may carpet earthly f loor,

Before into nothingness at last they are blown.

Dream of my life, my living and burning desire,

All hail ! cries the soul that is now to take flight;

All hail ! And sweet it is for thee to expire ;

To die for thy sake, that thou mayst aspire;

And sleep in thy bosom eternity's long night.

Then will oblivion bring to me no care

As over thy vales and plains I sweep;

Throbbing and cleansed in thy space and air

With color and l ight, with song and lament I fare, Ever

repeating the f aith that I keep.

If over my grave some day thou seest grow,

In the grassy sod, a humble flower,

Draw it to thy lips and kiss my soul so,

While I may feel on my brow in the cold tomb below

The touch of thy tenderness, thy breath's warm power.

My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved

Filipinas, hear now my last good -by!

I give thee all: parents and kindred and friends

For I go where no slave before the oppressor bends,

Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!

Let the moon beam over me soft and serene,

Let the dawn shed over me its radiant flashes,

Let the wind with sad lament over me keen ;

And if on my cross a bird should be seen,

Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

Farewell to you all, from my soul torn away,

Friends of my childhood in the home dispossessed! Give

thanks that I rest from the wearisome day!

Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved

creatures all, farewell ! In death there is rest!

I Am a Filipino, b I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain

future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of

meeting my responsibility to the past, and the task of performing

my obligation to the future.

I sprung from a hardy race, child many generations removed of

ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes

rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in

ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see

them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind,

carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance

of new land that was to be their home and their children’s forever.

I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed

that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance.

In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to

battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula

in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and

Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my

manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds

that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand

years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the

insignia of my race, and my generation is but a stage in the

unending search of my people for freedom and happiness.

y Carlos P. Romulo I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The

East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,

was my mother, and my sire was the West that came thundering

across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of

the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for

liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East

must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has

bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give

that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge

that has come ringing down the corridors of the centuries, and it

shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears

when first they saw the contours of this land loom before their eyes,

of the battle cries that have resounded in every field of combat from

Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom

shall have been added unto my inheritance—for myself and my

children and my children’s children—forever.‖

Page 17: Paghubog ng Aking Pagpapahalaga - ZNNHS