pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento ni genoveva edroza matute
TRANSCRIPT
-
7/30/2019 Pagpapahiwatig Ang Isang Matingkad Na Katangian Ng Mga Kuwento Ni Genoveva Edroza Matute
1/2
Pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento ni Genoveva Edroza Matute.
Karaniwang magtutuon siya sa isa o dalawang tauhan, at sa mga tauhang ito ay lalaruin niya ang
banghay at gusot ng kuwento. Ang pingas o puntos ng tauhan ay maaaring nasa kapasiyahan nito, at
hindi dahil sa taglay na personal at panlabas na anyo. Sa mga matagumpay niyang kuwento, ang mga
tauhan ay pumupukol ng mabibilis na salitaan, o nagsasalita sa guniguni, at ang mga kataga ay waring
makapaglalagos sa kalooban ng mambabasa. Sumasabay din ang mga kuwento ni Aling Bebang,
palayaw ni Matute, sa mga kasalukuyang pangyayari na kung minsan ay nakalulugod at kung minsan ay
nakaiinis, at kung ano man ang epekto nito sa mambabasay mauugat sa lalim ng pagkaunawa ng
manunulat sa kaniyang pinapaksa.
Si Aling Bebang, ayon sa talambuhay na sinulat ni Gregorio C. Borlaza, ay bunso sa labindalawang
magkakapatid, at supling nina Anastacio B. Edrosa at Maria Magdalena K. Dizon. Siyam ang namatay sa
kaniyang mga kapatid, at karamihan ay wala pang isang taon ang itinagal sanhi ng pagkakasakit. Lumaki
siya sa Tayuman-Oroquieta, malapit sa karerahan ng kabayo sa San Lazaro. Hindi naglaon ay nakitira siya
sa kaniyang alena kapatid ng kaniyang amadoon sa Felix Huertas, Maynila hanggang makatapos ng
elementarya. Nag-aral siya sa Santa Clara Primary School (na magiging Gomez Elementary School) atMagdalena Elementary School, pagkaraan ay sa Manila North High School (na Arellano High School
ngayon), nagkolehiyo sa Philippine Normal School (na Philippine Normal University ngayon), hanggang
matapos ang masterado sa Filipino at doktorado sa edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Kontrobersiyal ang buhay ni Aling Bebang dahil malinaw ang kaniyang paninindigan sa pagsusulong
wikang pambansa. Ang ganitong tindig ay maaaring sanhi ng kaniyang masaklap na karanasan noong
nasa elementarya, na inilakip ni Borlaza sa talambuhay ni Aling Bebang:
Mabuti naman at mababait ang mga guro sa mga paaralang pinasukan ni Bebang, bagaman ang guro
niya sa Unang Baitang ay may kakatuwang pamamalakad. Bawal na bawal noon ang pagsasalita ng
Tagalog. Ang kanyang guro ay may malalim na bulsa sa saya (barot saya pa ang kasuotan ng mga gurong
babae noon), na may lamang siling labuyo. Kapag may nahuli siyang mag-aaral na nagsasalita ng Tagalog
ay dumudukot siya ng sili at pilit na ipinangunguya sa pobreng nagkasala. Sinasabitan din ng kartong
may ganitong nakasulat: I was caught speaking the dialect.
Ang palakad na ito ay laganap noon sa buong Pilipinas. Hindi lamang Tagalog kundi lahat ng wikang
pansarili ng ibat ibang rehiyon ay ipinagbawal. Ito ay nanatili hanggang maging malaya na ang Pilipinas.
Mabuti ang hangarinupang matulungan ang mga mag-aaral na madaling matuto ng Inglessubalit
masama ang naging epekto sa damdaming makabansa ng mga Pilipino. Maliit pa siyay naiisip na:
Biglang naipit sa desk ang paa ko. Siyempre, masasabi ko ang Aray! Ang lagay ba, iisipin ko muna ang
tawag doon sa Ingles, at pagkatapos ng mahahabang sandali ay saka pa ako dadaing ng Ouch!
Hindi rin batid ng nakararami na may mga pinaaral na iskolar si Aling Bebang (na ginagawa yaon bilang
pagpupugay sa kaniyang inang si Maria Magdalena), at ang dalawa sa mga ito ay nagpasalamat sa kaniya
noong kaniyang burol. Malimit sabihin ni Aling Bebang sa kaniyang mga iskolar: Mag-aral kayo at
magsumikap. At kapag kayoy nakatapos ay tumulong din kayo sa ibang tao upang mabawasan ang
kanilang paghihirap. Akala ng ibay sadyang masungit at mahigpit si Aling Bebang, yamang walang anak
-
7/30/2019 Pagpapahiwatig Ang Isang Matingkad Na Katangian Ng Mga Kuwento Ni Genoveva Edroza Matute
2/2
at maagang nabalo nang yumao ang manunulat na si Epifanio G. Matute. Malambot din pala ang
kaniyang puso sa mga kabataang masikap ngunit dukha.
Hindi kataka-taka ang pagmamalasakit ni Aling Bebang sa kaniyang mga kabataang iskolar. Ang
pagnanais na umangat sa pamamagitan ng edukasyon ay matutunghayan kahit sa kaniyang kuwentong
Bughaw pa sa likod ng ulap na tungkol sa magkapatid na naghirap at natutong mabuhay sapangangalap ng basura nang maulila sa ama pagkaraan ng digmaan, ngunit sa kabila ng lagim ay
mangangarap pa rin ang isang bata na makatapos ng pag-aaral.
Sa isang kuwentong pinamagatang Lola, inilahad ni Aling Bebang ang isang pangyayari sa pananaw ng
isang inang dukha na may sandosenang anak. Nakatagpo ng babae sa ospital ang isang matandang
mayaman, na sa unang malas ay pasyente ngunit ang totoo palay doon lamang tumitira sa ospital kahit
walang sakit yamang walang nag-aalaga sa kaniyang kaanak. Inalok ng matanda ang babae na ampunin
na lamang niya ang isang anak, at tutumbasan niya ng salapi iyon para sa ikaaangat ng buhay ng pamilya
ng babae. Sa dulo ng kuwento, lumayo ang babae at humabol naman ang matanda. Walang sinabi ang
babae ngunit nakintal sa kaniyang gunita ang matandang bihis na bihis at nahihiyasan, iniaabot ang
supot ng pasalubong, at ang kanang kamay ay nakalahad na umaabot sa patalilis na kausap.
Ipinamalas lamang ni Genoveva Edroza Matute na kahit sa kuwento ay hindi dapat sabihin ang lahat, at
mabisa ang pahiwatig ng mga larawan o tagpo. At kahit sa tunay na buhay, may mga bagay na mabuting
ilihim, kahit ang tapat na pagtulong at pagmamahal sa kapuwa at kababayan.