pagsasalita power point

67
Sangkap sa Pagsasalita Inihanda ni: Cerlance V. Agpuldo

Upload: jessie-batilo

Post on 25-Sep-2015

201 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

ppt

TRANSCRIPT

  • Sangkap sa PagsasalitaInihanda ni:Cerlance V. Agpuldo

  • Ano nga ba nga ba ang pinag-aaral sa FilipinoBalarilamula sa pararilang bala ng Dilapag-aaral sa mga tungkulin at kaugnayan ng mga salita sa loob ng pangungusap

  • ANO NGA BA ANG PANGUNGUSAP?Lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Pangungusap parirala salita

  • PonemaAng tawag sa pinakamaliit yunit na tunog ng isang salita.Mga letrang bumubuo sa alpabeto ng Filipino.Mga makahulugang tunog.dahil may sari-sariling mga tunog ang bawat letra na nagpapaiba sa bawat isa.A, B,K,D,E,G,H,I,L,M,N,NGA,..

  • Ponetikotawag sa malikhaing paglikha ng tunog sa pagsasalitaGriyego > ponetikos> bibigkasin pa lamangEnglish> Phoneticsphone + ticsphone> tunogtics> makahuluganKaya tinawag na makahulugang tunog ang mga letra.

  • Sangkap sa pagsasalitaIto ang nagpapabago sa tunog ng bawat letra.Guwang ng ilongMatigas na ngalangalaPunong gilagidMga labiNgipinBabagtingang tinigMalambot na ngalangalaGuwang ng bibigTitilaukandila

  • Tatlong salik na kailangan upang mapagsalita1. Bagapinangagalingan ng enerhiya2. Artikuladorpumapalag na bagay3. Resonaador o palatunuganguwang ng ilong at bibig

  • Punto ng artikulasyon sa pagsasalitaPanlabikung saan ang ibabang bibig ay dumidikit sa labing itaas.P,B,MPangngipinkung saang ang dulo ng dila ay dumidikit sa mga ngiping itaas.T,D,NPanggilagidang ibabaw ng dulo ng dila ay dumidikit sa punong gilagidS,L,RPangngalangala ang ibabaw ng dulo ng dila ay dumidikit sa malambot na ngalangalaK,G,NGlottalang babagtingang pantinig ay dumidikit at hinaharang ang presyon n ng papalabas na hangin?,h

  • Kategorya ng paraan ng artikulasyonPasaraNahaharang ang papalabas na hangin sa bibigP,T,K,B,D,GPailonghanging lumalabas sa hanginM,NPasutsothanging dumadaan sa pagitan ng dilaS,HPagilagidhanging dumadaan sa gilid ng dilaLPakatalpakatalpaulit na pagpalag ng nakaarkong dilaRmalapatinigdahil sa parang tunog patinigW,Y

  • Uri ng ponemaPonemang segmentalIto ang mga tunog na ginagamit na katumbas sa letrang nababasa.Ponemang katinig, patinig, diptonggo, klaster, ponemang nagpapalitanPonemang Suprasegmentalpantulong sa mha ponemang segmentalkaraniwang hindi tinutumbasan ng mga letra

  • Ponemang malayang nagpapalitanPares ng salita na parehong pareho ang bigkas maliban sa isang ponema subalit hindi nagbabago ang kahulugan.1. o/uSino-sinu2. e/i lalake-lalaki3. r/dmarami - madami

  • Ponemang pares minimalPares ng salita na parehong pareho ang bigkas maliban sa isang ponema subalit nagbabago ang kahulugan.1. b/pBata-pala2. t/d tula-dula3. k/gkulong- gulong

  • Diptonggo Magkasunod na patinig at malapatinig sa isang pantigPatinig A,e,I,o,uMalapatinig w/yHalimbawaka/hoyba/boy

  • klasterMagkasunod na katinig sa isang pantigPosisyon ng klasterInisyalnakikita ang klaster sa unang pantig ng salitahalimbawa pla/to2. Pinalnakikita ang klaster sa huling pantig ng salitahalimbawakard

  • MorpolohiyaTawag sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika.Pag-aaral sa pagbubuo ng mga salita gamit ang morpemaMorpemapinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

  • Anyo ng MorpemaMorpemang binubo ng isang ponemaMorpemang salitang-ugatMorpemang panlapiMorpemang ponema> mga ponemang nagsasaad ng kasarian ng taoHalimbawa:A/OA = pangbabaeO = panlalake

  • Morpemang Alaging nakikita sa hulihan ng salita na tumutukoy sa pangalang pambabaeHalimbawa mayoraMorpemang O laging nakikita sa hulihan ng salita na tumutukoy sa pangalang panlalakiHalimbawakusinero

  • Morpemang salitang-ugatIto ang mga salitang payak o mga salitang walang panlapi.Halimbawa gandasipagpayatbunso

  • Morpemang panlapiIto ang mga salitang idinudugtong sa mga salitang-ugat.Ito ang mga panlapiUri ng morpemang panlapiPanlaping makangalanPanlaping makadiwaPanlaping maka-uri

  • Morpemang makangalanpinagdugtong na panlapi at salitang ugat na pangngalanHalimbawamangga + -hanmanggahaninum + -ininuminka- + kambalkakambal

  • Morpemang makadiwapinagdugtong na panlapi at salitang-ugat ng pandiwaHalimbawamag- + labamaglabamai- + labasmailabasgupit + -angupitan

  • Morpemang makauripinagdugtong na panlapi at salitang ugat ng pang-uriHalimbawamala- + diosamaladiosapala + biropalabiromaka- + lumamakaluma

  • Tukuyin kung anong anyo ng morpema ang mga nasalungguhitan sa salita. At kung ito ay morpemang panlapi, tukuyin kung anong uri iyon.

    SalitaAnyo ng morpema Uri ng morpemang panlapi

    1. Sombrero________________________________2. Lakad________________________________3. Maglaro________________________________4. Makadios________________________________5. Lababo________________________________6. Kusinera________________________________7. Manukan ________________________________8. Palayan________________________________9. Laruan________________________________10. Lutuin________________________________

  • Kayarian ng mga salitang FilipinoUri ng kayarian ng salita1. Payakmga salitang walang naidugtong na panlapiwalang kakambal na salitaHalimbawagandagalitsikat2. Maylapimga salitang binubo ng salitang-ugat at panlapiHalimbawamagandakumainsabihinInuulitTamabalan

  • Kayarian ng mga salitang FilipinoUri ng kayarian ng salita3. Inuulita. ganap na pag-uulitbuong salitang-ugat ay inuulitHalimbawagabi- gabiaraw-arawbahay-bahay

  • Kayarian ng mga salitang FilipinoUri ng kayarian ng salita3. Inuulitb. di- ganap na pag-uulitparte lamang ng salitang-ugat ang inuulitHalimbawaawit> aawitganda> gagandabaliktad> bali-baliktadtakbo> tatakbo- takboaasa> aasa-asamagsagawa> magsasagawa

  • Sintaksispalaugnayanpag-aaral sa pagbubuo ng pangungusapPangungusaplipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwaBahagi ng pangungusapSimunopanaguri

  • Simunopinag-uusapan sa pangungusapkadalasang sumasagot sa tanong na ano at sinoAno?kapag bagay ang pinag-uusapanSino? kapag tao ang pinag-uusapan

  • Mga pwedeng maging paksa sa pangungusapPangngalanhalimbawaNaglalaro ang mga bata.Masipag ang ama ko.Wala na si Ana.Ang aklat ay nasunog na.

  • Mga pwedeng maging paksa sa pangungusapPanghalipSiya ay nanalo sa karera.Kami ay nag-aaral ngayon ng Filipino.Wala nang halaga ito.Hindi ko sila kilala.Tayo ay magsikap para guminhawa ang buhay.

  • Mga pwedeng maging paksa sa pangungusapPang-uriKinaiinisan ang mga mayayabang.Ang mga masisipag ay pinagpapala.Hindi ko gusto ang mga tamad.Hinuhuli ng mga pulis ang mga masasama.

  • Mga pwedeng maging paksa sa pangungusapPandiwaPanoorin mo ang mga sumsasayaw.Ang nagsasalita ay isang guro.Kaibigan ko po ang kumakanta sa entablado.Ang magbasa ay isang karunungan.

  • Mga pwedeng maging paksa sa pangungusapPang-abayang mga nandito ay uupo na.Ang mga nandoon ay mga first year students.Ang nasa kusina ay mga pagkain.Ang mabilis na paglakad ay nakakatawa.

  • Mga pwedeng maging paksa sa pangungusapPang-abayang mga nandito ay uupo na.Ang mga nandoon ay mga first year students.Ang nasa kusina ay mga pagkain.Ang mabilis na paglakad ay nakakatawa.

  • Mga pwedeng maging panaguri sa pangungusapPangngalanPedro ang kanyang pangalan.Ang binili niya ay aklat.Si Kulasa ay isang guro.Ang kanyang kinakanta ay isang ballad.Ang kinain ko kanina ay gulay.

  • Mga pwedeng maging panaguri sa pangungusapPanghalipSiya ang kanyang kasama kanina.Ang binili niya ay itoSi Kulasa ay siya.Ang kinain ko kanina ay iyan.

  • Mga pwedeng maging panaguri sa pangungusapPang-uriMaganda ang kanyang kasama kanina.Ang binili niya ay pangit.Si Kulasa ay matanda.Ang kinain ko kanina ay matamis.

  • Mga pwedeng maging panaguri sa pangungusapPandiwaKumakanta ang kanyang kasama kanina.Ang binili niya ay gumagalaw.Si Kulasa ay nakatayo.ang kanyang kapatid ay ngalalaro.

  • Mga pwedeng maging panaguri sa pangungusapPang-abaySiya ay nandoon.Ako ay nasa Manila noong lunes.Nandoon sa kusina ang iyong pagkain.Sa Lunes ang alis ni Nena.Sa July 5 ang aking kaarawan.

  • Anyo ng pangungusapPayakTamabalanHugnayanLangkapanPayakpangungusap na mayroong iisang buong mensahe.Si Gil ay nag-aaral.Mabait sila.

  • Uri ng payak na pangugusapIsang simuno + isang panguriIsang simuno + dalawang panaguriDalawang simuno + isang panaguriDalawang simuno + dalawang panaguri

  • Uri ng payak na pangugusapIsang simuno + isang panguriAko ay nagsusulat.Si nanay ay nagluluto ng pagkain.Ang mga bata ay naliligo sa banyo.Isang simuno + dalawang panaguri.Ako ay nakikinig at nagsusulat.Si nanay ay kumakanta at sumasayaw.Ang mga bata ay nagbabasa at nagsusulat.

  • Uri ng payak na pangugusapDalawang simuno + isang panaguriSi ate at si kuya ay nagwawalis ng bakuran.Ang nanay at tatay ko ay nagtratrabaho sa abroad.Siya at ako ay magkaibigan.Dalawang simuno + panaguriSi Ron at Ray ay magkaklase at magkaibigan.Si Ate at kuya ay nagluluto at naglilinis sa bahay.Ang nanay at tatay ko ay kumakanta at sumasayaw sa Japan.

  • Anyo ng pangungusap2. Tamabalanpangungusap na nagtataglay ng dalawang kaisipan o ideya.pinagdudugtong ito ng mga katagang;at, saka, pati, ngunit, subalit, datapwat, habang, samantala.Halimbawakayo ay saganang-sagana habang kami ay naghihirap.Si nanay ay sumasayaw at si tatay ay kumakanta sa Japan.

  • Anyo ng pangungusap3. Hugnayanpanugungusap na binubuo ng isang pangungusap na may buo ang diwa (sugnay na makapag-iisa) at isang hindi buo ang diwa (sugnay na di makapag-iisa).pinagdudugtong nga mga sumusunod na kataga;upang, nang, pag, kapag, dahil sa, sapagkat, kung, habang,Ako ay nagluluto habang ang kapatid ko ay naglalaba.Mag-aaral ako upang ako ay makapasa sa exam.Makakapasa ka sa pagsusulit kung magsusunog ka ng kilay.

  • Anyo ng pangungusap3. Langkapandalawang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di makapag-iisa.Ang nanay at tatay ay nagluluto at kami naman ay naglilinis dahil darating ang mga bisita.

    Ako ay naliligo at siya naman ay nagbibihis nang biglang may kumatok sa pintuan

  • TUKUYIN KUNG ANONG ANYO NG PANGUNGUSAP ANG MGA SUMUSUNOD.Mapagmahal at maunawain ang nanay at tatay ko.Si Jose ay nag-aaral ngunit si Kulas ay nangungulit.Isasama mo ako kung pupunta ka sa Manila.Naglalaba si nanay at nagsisibak si tatay nang may dumating na bisita.Si Alma at Reynel ay kapwa nag-aaral sa SLU.Ako ay nagtuturo at siya naman ay nakikinig.Kapag aalis ka, kagagalitan ka ng iyong nanay.Bumagsak siya sa klase dahil sa droga.Wala ng tao sa skwelahan nang ang guard ay umuwi na.Magluto ka at maglaba si Jen upang madami tayong matatapos.

  • Tungkulin ng pangungusap1. Paturol2. Patanong3. Pautos4. Padamdam

    Paturol pangungusap na nagpapahayag ng katutuhanan.ginagamitan ng panandang tuldok.(.)Nanalo si Manny Pacquiao sa larangan ng boksing.Ang Bulkang Mayon ay matatagpuan sa Bicol.

  • Tungkulin ng pangungusapPatanong pangungusap na nagsasaad ng katanungan.ginagamitan ng panandang pananong. (?)Ano, sino, bakit, kelan, paano, gaano, atbpa

    Bakit umiiyak ang bata?Sino ang batang iyon?Ano ang pangalan mo?

  • Tungkulin ng pangungusapPautospangungusap na nagsasaad ng utos o pakikiusap.ginagamitan ng panandang tuldok at pananong.(.),(?)

    Magluto ka ng pagkain dahil darating na si nanay.Tawagan mo si Martha dahil may sasabihin ako.Maari bang ikuha mo ako ng tubig dahil nauuhaw ako

  • Tungkulin ng pangungusapPadamdampangungusap na nagsasaad ng masidhing damdamin.ginagamitan ng panandang padamdam.(!)

    Ang ganda ng Banawa Rice Terraces!Kinasusuklaman kita!Naku po! Mahuhulog ang bata.Wala ka na palang mga magulang.

  • Ano ang pagkakaiba ng sugnay, parirala at pangungusap?Sugnaylipon ng mga simuno at panaguri na pwedeng may buo ang diwa at hindi buo ang diwa.Uri ng sugnay1.Sugnay na makapag-iisapangungusap na may simuno at panaguri na may buo ang diwa.Ako ay matanda na.Siya ay namatay na.

  • Ano ang pagkakaiba ng sugnay, parirala at pangungusap?Sugnaylipon ng mga simuno at panaguri na pwedeng may buo ang diwa at hindi buo ang diwa.Uri ng sugnay1.Sugnay na di-makapag-iisapangungusap na may simuno at panaguri na hindi kompleto ang diwa.Sapagkat nagkasala kaUpang tayo ay hindi bumagsak

  • Ano ang pagkakaiba ng sugnay, parirala at pangungusap?Pariralalipon ng mga salita na walang simuno at panaguri.hindi pangungusap.Karaniwang pariralabinubuo ng mga salitang di nagpapahayag ng buong kaisipan.Naglalaro sa paaralanAng mga bataSi kulasa

  • Ano ang pagkakaiba ng sugnay, parirala at pangungusap?Pariralalipon ng mga salita na walang simuno at panaguri.hindi pangungusap.2. Pariralang pawatasbinubo ng pandiwa at ang panuring o layunin nito.nagsisimula at binubuo ito ng isang panlapi at salitang ugatMagtanin sa bukidMaglakbay sa ibang bansaMagluto ng pagkain

  • Ano ang pagkakaiba ng sugnay, parirala at pangungusap?Pariralalipon ng mga salita na walang simuno at panaguri.hindi pangungusap.3. Pariralang pang-ukolnagsisimula ito sa mga sumusunod na pang-ukolsa, kay, ng, para, tungkol kay, hinggil, ayonTungkol sa balitaSa palengkeKay Rosana

  • Ano ang pagkakaiba ng sugnay, parirala at pangungusap?Pangungusapsalita o lipon ng mga salita na buo ang diwa.Uri:Ganap na pangungusapDi-ganap na pangungusapGanappangungusap na may simuno at panaguri na buo ang diwa.Matulungin sila.Ako ay gwapo.

  • Ano ang pagkakaiba ng sugnay, parirala at pangungusap?Pangungusapsalita o lipon ng mga salita na buo ang diwa.Uri:Di-ganap na pangungusappangungusap na walang simuno at walang panaguri subalit buo ang kaisipanSambitlang panawagAte!Nanay! Kuya!Nagsasaad ng damdaminNaku po!Diyos ko po!

  • Di-ganap na pangungusappangungusap na walang simuno at walang panaguri subalit buo ang kaisipan.3. PagtawagHalika rito!Lapit!4. PautosTakbo!Alis diyan!5. PangkalikasanUmuulanBumabagyo6. Panagot sa tanongOpo.Ayaw ko.

  • Di-ganap na pangungusappangungusap na walang simuno at walang panaguri subalit buo ang kaisipan.7. PanahonMamaya na.Bukas na lang.8. PagbatiKumustaMagandang araw po.9. PagpapaalamPaalam po.Tutuloy na po.10. PakiusapMaari ba?Sige na

  • Pagbabagong Mopoponemikopagbabago ng karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa katabing salita.Uri AsimilasyonPagpapalit ng ponemaMetatesisPagkakaltas ng ponema

  • Pagbabagong Morpoponemikopagbabago ng karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa katabing salita.Uri Asimilasyonpagbababgo sa idinudugtong na NG sa hulihan ng salita dahil sa katabing ponema.Uri nitoGanap na asimilasyonmay pagbabago sa NG pati ang unang letra ng salitang idinudogtongpang+ pamalo > pampalo> pamalopang+tali > pantali > panalipang + tabas > pantabas> panabas

  • Pagbabagong Mopoponemikopagbabago ng karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa katabing salita.Uri Asimilasyonb. Di- ganap na asimilasyonNG=M kung ang idudugtong na salita ay nagsisimula sa P/Bpang+paaralan = pampaaralanpang+bayan = pambayanNG= N kung ang idudugtong na salita ay nagsisimula sa D/L/R/S/Tpang+ dukot = pandukot

  • Pagbabagong Mopoponemikopagbabago ng karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa katabing salita.Uri Asimilasyon

    Take note:

    Mananatili ang NG kung ang idudugtong na salita ay nagsisimula sa HPang+ hambalos = panghambalosPang+huli = panghuli

  • Pagbabagong Mopoponemikopagbabago ng karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa katabing salita.2. Pagbabago ng ponemaD=Rmadapat = marapatmadunong = marunongH=Ntawahan= tawanan0= Usino=sinusang-ayon = sang-ayung sang-ayon

  • Pagbabagong Mopoponemikopagbabago ng karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa katabing salita.3. Metatesispagpapalitan ng posisyon ng mga letraMga salitang nagsisimula sa L/Y na ginigitlapian ng /-in/ ay nagpapalitan ng posisyonLipad + -in- = linipad = nilipadYaya + -in- = yinayaya= niyayaNote:tanim+ an = taniman = tamnan

  • Pagbabagong Mopoponemikopagbabago ng karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa katabing salita.4. Pagkakaltas ng ponemanagkakaroon ng pagbabago sa huling pantig ng salitang-ugat at nawawala iyon kapag hinuhulapian.Takip + an = takipan = takpanSara + han = sarahan = sarhanLaba + han = labahan = labhan