pagsisiyam sa kaluluwa ng ating mga yumao

23
PAGSISIYAM SA KALULUWA NG ATING MGA YUMAO Ang tanda ng Sta.Krus,ipagadya mo kami Panginoon Naming Diyos sa aming mga kaaway. Sa ngalan ng Diyos Ama Diyos Anak at ng Diyos Espiritu Santo.Amen. SUMASAMPALATAYA AKO…………………………………………………………. Panginoon kong Jesukristo,Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa amin, ang pagka Ikaw nga, ang iniibig Kitang lalo sa lahat; nagsisisi ako ng buo kong loob at puso ng pagkakasala ko sa Iyo, nagtitika ako Panginoon ko na di na muli akong magkakasala sa Iyo kailanman, sa tulong ng Iyong grasya, at iilagan ko na ang dilang pagkakasala ko sa Iyo, at magkukumpisal ako, magbabago na ako ng asal at tutupdin ko ang parusang iaatas sa akin dahilan sa mga kasalanan ko, at inihahain ko sa Iyo, Panginoon ko, ang aking buhay, mga gawa at kahirapan na kabayaran ng lahat kong

Upload: edevpauladevera

Post on 26-Dec-2015

4.025 views

Category:

Documents


609 download

DESCRIPTION

A prayer for the souls of the dead.

TRANSCRIPT

Page 1: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

PAGSISIYAM SA KALULUWA NG ATING MGA YUMAO

Ang tanda ng Sta.Krus,ipagadya mo kami Panginoon Naming Diyos sa aming mga kaaway.

Sa ngalan ng Diyos Ama Diyos Anak at ng Diyos Espiritu Santo.Amen.

SUMASAMPALATAYA AKO………………………………………………………….

Panginoon kong Jesukristo,Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa amin, ang pagka Ikaw nga, ang iniibig Kitang lalo sa lahat; nagsisisi ako ng buo kong loob at puso ng pagkakasala ko sa Iyo, nagtitika ako Panginoon ko na di na muli akong magkakasala sa Iyo kailanman, sa tulong ng Iyong grasya, at iilagan ko na ang dilang pagkakasala ko sa Iyo, at magkukumpisal ako, magbabago na ako ng asal at tutupdin ko ang parusang iaatas sa akin dahilan sa mga kasalanan ko, at inihahain ko sa Iyo, Panginoon ko, ang aking buhay, mga gawa at kahirapan na kabayaran ng lahat kong mga kasalanan, at kung ano ang pag aamo ko sa Iyo, ay gayon din naman ang pananalig ko sa Iyong kagalingan at walang ulat, na ako ay patatawarin Mo, pagkalooban Mo ng Iyong grasya, nang ako ay magbago ng asal, at manatili sa mahal na paglilingkod sa Iyo, hanggang sa kamatayan at sa katapusan, nito ay sa Iyong grasyang walang hanggan, SIYA NAWA.

Page 2: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

1

SAMPUNG PAGDARASAL AT PANALANGIN SAKIT NG ATING MANANAKOP SA PAGKAKAWANGGAWA SA MGA KALULUWANG NAGDURUSA SA PURGATORYO AT SA MGA TAONG NALULUGAMI SA KASALANANG IKINAMATAY NILA AT SIYAM NA PAGNINILAY NA GAGAWIN SA BAWAT ISANG ARAW NG PAGSISIYAM NA I

PATUTUNGKOL SA MGA NIIPIT NA KALULUWA SA PURGATORYO PANALANGIN

Sampung Pangangadaing kinasasambitan ng mga dakilang Sakit na tiniis ng ating Mananakop na kung uliting makalima ay yumayari ng isang Rosariong kinagigiliwan nang pinagdadasalan at pinakikinabangan di sapala ng Kaluluwang pinatutungkulan

PANALANGIN(Gawin bago simulan ang Rosario)

Buksan mo Panginoon ko, ang mga labi namin, palusugin ang aming mga loob, at pakalinisan sa mga walang kapakanang mahalay at likong akala; liwanagin mo ang aming bait, papagningasin ang aming puso nang magunamguman naming mataimtim ang kamatayan sampu ng kapait-kapaitang dinaralita ng iyong marangal na Ina, at maging dapat kaming dinggin sa harapan ng Iyong di matingkalang kapangyarihan, na nabubuhay Ka at naghahari magpasawalang hanggang, Siya nawa.

ANG DADASALING MGA PANALANGIN AY ITONG MGASUMUSUNOD:

Page 3: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

2AMA NAMIN, ABA GINOONG MARIA, LUWALHATI at

Lubhang maawaing Jesus ko: lingapin mo ng iyong matang maamo ang Kaluluwa ni ___________, ang mga kaluluwa sa purgatoryo at ang mga walang nakaalala sa kanilang pagpanaw sa mundo mapatawad Mo nawa ang mga nagawang kasalanan ng dahil sa kanila ay nagpakasakit Ka at namatay sa Krus. SIYA NAWA.

ANG SAMPUNG PANALANGIN

TUGON: Kaawaan Mo Panginoon at patawarin sa kasalanan ang kaluluwa ni__________ / ang mga kaluluwa sa purgatoryo.

1. Jesus ko, alang-alang sa masaganang dugo na Iyong ipinawis ng manalangin Ka sa halamanan! (Tugon)2. Jesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap nang Iyong kagalang-galang na mukha! (tugon)3. Jesus ko,alang-alang sa masasakit na hampas na Iyong tiniis! (tugon)

Page 4: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

4. Jesus ko, alang-alang sa koronang tinik na nagsitimo sa kasantusantuhan Mong ulo! (tugon)5. Jesus ko,alang-alang sa paglakad mo sa lansangan ng Kapaitan na ang Krus sa Iyong kababaw-babawan! (tugon)6. Jesus ko, alang-alang sa kasantusantuhan Mong mukha na naliligo sa dugo at Iyong binayaang malarawan sa Birang ni Veronica! (tugon)7. Jesus ko, alang-alang sa damit Mong natigmak ng dugo na biglang pinaknit at hinubad sa Iyong katawan niyong mga tampalasan! (tugon)8. Jesus ko, alang-alang sa kasantusantuhan Mong katawan na napako sa Krus! (tugon)9. Jesus ko,alang-alang sa Iyong kasantusantuhang paa at kamay na pinakuan ng mga pakong ipinagdalita Mong masakit! (tugon)10. Jesus ko, alang-alang sa tagiliran Mong nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat at binukalan ng dugo at tubig! (tugon)

Page 5: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

(ULITIN NG LIMANG BESES)REQUIEM ETERNAM DONA EIS DOMINEET LUX PERPETUA LUCEAT EIS REQUICE CANT EN PACE, AMEN.

PAGHAHAIN SINIPI SA ISANG PANALANGIN NI SAN AGUSTIN

Katamistamisang Jesus ko, na sa pagsakop Mo sa sangkatauhan, ay inibig Mong Ikaw ay ipanganak, tumulo ang Iyong mahalagang dugo sa pagtutuli; inalipusta ng mga Judio, napasa kamay niyong mga tampalasan sa paghalik ni Judas; ginapos ng mga lubid; dinala sa pagpaparipahan sa Iyo, tulad sa korderong walang sala; iniharap kay Anas, kay Caypas, kay Pilato at kay Herodes, niluraan, pinaratangan at pinatotohanan ng mga saksing sinungaling, tinampal, naging alimura, natadtad ng sugat ang buo Mong katawan sa hampas ng suplina; pinutungan ng koronang tinik, natakpan ang Iyong mukha ng isang purpura sa pagpapalibhasa sa Iyo, nalagay sa isang pagkahubong kahiya-hiya napako sa Krus, at natindig sa Kanya, napagitna sa dalawang magnanakaw, na parang isa sa kanila; pinainom ng

Page 6: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

apdong nilahukan ng suka, at ang Iyong tagiliran ay silain ng isang sibat.

Hanguin Mo na Panginoon ko alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para dalitain Mo ang kaluluwa ni_________/o ang mga kaluluwa sa purgatoryo/ sa pagdurusa nila, iakyat mo siya/sila ng matiwasay sa Iyong kaluwalhatian, at iligtas Mo siya/sila, alang-alang sa mga karapatan ng Iyong kasantusantuhang pagpapakasakit, at pagkamatay Mo sa Krus, sa mga hirap sa infierno, nang siya/sila ay maging dapat pumasok sa payapang kaharian na Iyong pinagdalhan sa mapalad na magnanakaw kasama Mong naripa sa Krus; nabubuhay ka nga at naghahari na kasama ng Diyos Ama at ng Diyos Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

Aba Anak ng Diyos Ama; Aba Ina ng Diyos Anak; Aba esposa ng Diyos Espiritu Santo; Aba simbahang mahal ng Santisima Trinidad; Aba Birheng kalinislinisang di-nagmana ng kasalanang original.

Isang Ama namin, Aba Ginoong Maria at requiem eternam……….

LITANYA KAY BIRHENG STA.MARIA

Page 7: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

KYRIE ELEISON … KRYSTSIE ELEISONKRYSTSIE ELEISON … KYRIE ELEISONKYRIE ELEISON … KRYSTSIE ELEISONKristo, pakinggan mo siya.Kristo, pakapakinggan Mo siya.Diyos, Ama sa Langit, Maawa Ka sa kanya.Diyos, Anak na tumubos ng sanglibutan,Maawa Ka sa kanya.Diyos Espiritu Santo, Maawa Ka sa kanya.Santisima Trinidad Tatlong Persona sa IIsang

Diyos, Maawa Ka sa kanya.Santa Maria, ipanalangin Mo siya. *Santang Ina ng Diyos.*Santang Birhen ng mga Birhen.*Ina ni Kristo.*Ina ng Grasia ng Diyos.*Inang kasakdalsakdalan.*Inang walang malay sa kahalayan.*Inang di malapitan ng masama.*Inang walang karamdaman sa kasalanan.*Inang kalinislinisan.*

Page 8: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

Inang Immaculada.*Inang kaibig-ibig.*Inang kataka-taka.*Ina ng mabuting kahatulan.*Ina ng may gawa sa lahat.*Ina ng Mananakop.*Birheng kapaham-pahaman.*Birheng dapat igalang.*Birheng dapat ipagbantog.*Birheng maawain.*Birheng makapangyayari.*Birheng matibay na loob sa magaling.*Salamin ng katuwiran.*Luklukan ng karunungan.*Mula ng tuwa namin.*Sisidlan ng kabanalan.*Sisidlan ng bunyi at bantog.*Sisidlan ng bukod tanging kataimtiman.*Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng

tao ang halaga.*Tore ni David.*

Page 9: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

Toreng garing.*Bahay na ginto.*Kaban ng Tipan.*Pinto ng Langit.*Talang maliwanag.*Mapagpagaling sa mga may sakit.*Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan.*Mapang-aliw sa mga nagdadalamhati.*Mapag-ampon sa mga Kristiyanos.*Reyna ng mga Anghel.*Reyna ng mga Patriarka.*Reyna ng mga Profeta.*Reyna ng mga Apostol.*Reyna ng mga Martir.*Reyna ng mga Confesor.*Reyna ng mga Birhen.*Reyna ng mga Santo.*Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang

orihinal.*Reynang iniakyat sa Langit.*Reyna ng kasantu-santuhang Rosaryo.*

Page 10: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

Reyna ng kapayapaan.*

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,

Patawarin Mo po siya/sila, Panginoon.Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga

kasalanan ng sandaigdigan,Pakapakinggan Mo po siya/sila, Panginoon.Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga

kasalanan ng sangtinakpang langit,Maawa Ka po sa kanya/kanila, Panginoon.

Sa ilalim ng Iyong pagkakandili, Oh Santang Ina ng Diyos, kami ay lumililong; huwag mong talikdan ang aming pagaamo-amo kung dinaratnan ng kasalatan, bagkus Iyong iadya kami sa dilang panganib.Birheng Mahal at maluwalhati.

N. Ipanalangin Mo siya/ sila, Santang Ina ng Diyos.

Page 11: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

L. Nang siya /sila ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Jesukristong ating Panginoon.

Panginoon namin, dinggin Mong malugod ang aming pagaamo-amo, at makarating nawa sa Mahal Mong tainga ang aming daing at panalangin. 3X

PANALANGIN

Ipinagtatagubilin namin sa Iyo Panginoon namin ang mga kaluluwa sa purgatoryo lalong lalo na ang kaluluwa ni ____________ / na sa pagkapanaw dito sa mundo mangyayaring Iyong mapatawad sa kanya/ kanila alang-alang sa walang katapusan Mong awa ang mga kasalanang nagawa at mabuhay sa Iyo, magpasa walang hanggan. SIYA NAWA.

ABA PO SANTA MARIANG HARI…………

PANALANGIN

Page 12: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

Panginoon kong Hesukristo, Amang katamistamisan, pakundanagan sa pagkaligaya ng Iyong Mahal na Ina, ng Ikaw ay pakita sa Kanya niyong gabing mabuhay Kang mag-uli, at ng Ikaw ay makitang punong - puno ng kaluwalhatian, alang-alang sa Iyong pagka Diyos, idinaraing ko sa Iyo na ako ay liwanagan Mo ng mga biyaya ng Diyos Espiritu Santo, sa araw-araw samantalang ako ay nabubuhay mangyaring matupad ko ang Iyong kalooban; nabubuhay at naghahari Ka magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

Bendito alabado sea el Santisimo Sacramento del altar, la limpia Immaculada Conception, Nuestra Senora Birhen Maria, Madre de Dios Y Senora Nuestra concebida sin mancha de pecado original desde el primer instante de necesser, natural por siempre jamas Amen, Jesus.

SANCTUS DIOS …SANCTUS FUERTES …

Page 13: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

SANCTUS IMMORTALES, MISERE NOVIS…MAAWA KA PO SA KANYA / KANILA. 3X AVE MARIA PURISIMA (3x)SINFICADO CONSEVIDA (3x)

12

VIVA JESUS MARIA MADRE DE GRASYA, pagpalain Nyo po ang kaluluwa ni ___________ pati naman PO ang aming mga kaluluwa kung dito sa mundo’y pumanaw na.

N. Kapayapaan kailan man ang igawad ng Maykapal sa yumaong ating mahal.

L. Siya nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan. SIYA NAWA.

AVE MARIA PURISIMASINFICADO CONSEVIDA. SA NGALAN NG DIYOS AMA, DIYOS ANAK,

DIYOS ESPIRITU SANTO. AMEN.

DAING AT PANAMBITAN NG MGA KALULUWANG BANAL SA PURGATORYO

Page 14: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

TUGON: Mga kaluluwa’y pakinggan ang daing nila’y kahirapan!

Mahabagin Iyong masdan Purgatoryong parusahan….. (tugon)

Kapatid naming binyagan laki niyaring kahirapan sa gitna ng kahapisan natatali paa’t kamay, kaya kami kaawaan, idalangin sa Maykapal….. (tugon)

Apo’y na nakakatutunaw na dito’y nasasarhan na sa isang pisik lamang ang sangmundo’y malulusaw, kaya nga paki matyagan ngayon itong kainitan…..(tugon)

Walang sukat pagparisan ang hirap na dinaramdam, at dusang walang kabagay sa Purgatoryong tahanan gaya ng gintong lagay sa crisol natunawan….. (tugon)

Isang dusang walang hanggan kung Diyos ay di matingnan matutulad parusahan, Oh mga may kamatayan, kami’y inyong ipagdasal….(tugon)

Anak, walang karamdaman, ama at kamag-anakan asawang suwail naman Oh! ang aming karaingan? Aayaw ninyong pakinggan? Mga sama’y kami’y kaawaan…..(tugon)

Page 15: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

Nangagmana’t linagakan na ginugugol ang yaman ang sa Kaluluwa’t di bagay at pinaliliban-liban, salaping pinaghirapan…..(tugon)

At kayong mga hinirang na mga Pare sa Altar, limutin kaya naman pagtangis nami’t pag-uwang? Mangyari kaming alayan obra ng Sacrificiong mahal…. (tugon)

Limos at mga dasal, misa, pagdalaw sa Altar mangumpisal, makinabang, pinitensia’t kapatawaran itulong sa ami’t ialay kay Jesus na Poong Mahal….. (tugon)

At kami’y gaganti naman ngayon at sa huling buhay, na di naman naliliban kung kami’y nagkakautang, pagkat Diyos na maalam siya naming tinatawagan….. (tugon)

Ang sa Arcanghel na saysay na Langit aming kakamtan kung anong lagay at bagay ng taong nagkakapisan sa Novenario ipagdasal kami sa Diyos na Poong Mahal….. (tugon)

Maawaing Diyos at maalam dinggin ang panambitan, Mga kaluluwa’y pakinggan, ang daing; ay kahirapan!..... (tugon)

Page 16: Pagsisiyam Sa Kaluluwa Ng Ating Mga Yumao

15