pagsulat akademik shs ppt

40
PAKSA: ANG KAHULUGAN AT KATUTURAN NG PAGSULAT

Upload: allan-capulong

Post on 16-Apr-2017

4.483 views

Category:

Internet


53 download

TRANSCRIPT

PAKSA: ANG KAHULUGAN AT KATUTURAN NG PAGSULAT

Panimulang PagtatayaI. Piliin ang titik ng wastong sagot sa

bawat pangungusap. (2 puntos bawat isa)

Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag.

A. Pakikinig B. PagbabasaC. Pagsasalita D. Pagsusulat

2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa.

A. Paglalahad B.

Paglalarawan C. Pagsasalaysay D.

Pangangatwiran

3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring aktwal na naganap

A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D.

Pangangatwiran

4. Anyo ng Pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat.

A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

5. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari.

A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa)

_____ 6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa notecard hinggil sa mga impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat.

_____ 7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon ng kaniyang ginagawang pag-aaral.

____ 8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na kwestiyonable.

_____ 9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon.

_____ 10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-uulat ng mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang mga iskolar hinggil sa iba’t ibang mga disiplina.

Pagganyak Paghambingin ang larawan gamit

ang Venn Diagram

A. B.

Sagutin ang mga tanong:Ano ang masasabi ninyo sa

dalawang larawan?Ano ang pagkakaiba at

pagkakatulad nito. Maaaring Gumamit ng Venn Diagram.

 

PaglalahadAno-ano nang mga sulatin ang

naranasang naisulat ninyo?1. Sino rito ang nakagawa o

nakasulat na ng tula?

2. Sino naman ang nakasulat ng Blog?

Pagtalakay Talakayin ang mga iba’t ibang

teksto

Sino ang marunong magsulat ng Blog?

Halimbawa ng Blog

Halimbawa ng komiks

Ang pagsulat ng tula, komiks, editoryal, balita sa pahayagan, tisis, blogs ay kabilang sa akademikong pagsulat.

Lahat nang ito ay ginagamitan nang masusi at kritikal na pag-iisip upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.

Mga Tanong 1. Sa inyong palagay ano ang

dahilan ng mga awtor ng blogs at komiks para magsulat?

2. Masasabi ba natin na ito ay akdemikong sulatin? Patunayan.

Pangkatang Gawain Pangkat 1 Bumuo ng sulatin na

tula hinggil sa konsepto ng “Pag-ibig”

Ito ay may dalawang saknong at gamitan ng Idyoma. _________________

_______________________________________________

________________________________________________________________

Pangkat 2Gumawa ng isang sanaysay

tungkol sa “Buhay SHS, Handa Ako”

Sundin ang pamantayan bilang bahagi ng sanaysay.

SIMULAGITNAWAKAS

Pangkat 3Bumuo ng isang Komiks Istrip

Hinggil sa Pagpapatawa. Ang komiks ay binubuo ng mga balloons at kahon.

Ito’y binubuo ng tatlong eksena lamang.

Pangkat 4Sumulat ng dalawang maliliit na

balita hinggil kay pangulong Duterte. Ibalita ito sa klase sa pamamagitan “ Mock News Report”.

Pagtataya Pag-usapan kung may

pagkakaiba o pagkakapareho ang mga dahilan ng pagsulat batay sa bawat tekstong ipinakita.

Talakayin sa klase ang presentasyon na ipinakita. At Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad nito.

Takdang aralin

Magsaliksik at magbasa ng mga sanaysay tungkol sa larangan ng pagsulat.

Pamantayan/ rubriks sa pagsulatUnity o kaisahan ng mga datos,

pangyayari at iba pa sa buong lathalain. 5

Coherence o pagkakaugnay-ugnay. 5

Emphasis o pagbibigay-diin 5_____________________Kabuuan 15

Pagganyak : Basahin ang isang sulatin.

Ang sakit na Dengue?◦ Marami sa atin ang maaaring nagtatanong kung ano nga ba ang

"Dengue" na siyang pumipinsala sa ating lahat. Ano nga ba ang mga sintomas at sanhi nito? At ano ang magagawa natin para maiwasan ang lumalaganap na sakit na Dengue sa ating bansa? Ano nga ba ang magagawa natin at nang ating pamahalaan upang masugpo ang sakit na ito?          Ayon sa aking napanuod sa telebisyon ang kaso ng dengue sa Pilipinas ay nasa nakaka-alarmang estado na ngayon na umaabot na sa pitumpo libo (70,000) ang naitalang nagkaroon ng dengue at mahigit sa limang daan (500) na ang naitalang namatay na sanhi ng dengue sa taong 2011. Ang karaniwang biktima nito ay mga batang nasa edad anim pababa at ang sakit na ito ay walang pinipili mahirap man o mayaman. Ang Dengue ay isang malubhang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na kung tawgin ay Aedes aegypti at Aedes argypti.Ang ganitong uri ng lamok ay nabubuhay sa mga lugar o bansa na maraming tubig tulad ng Pilipinas. Sa Pilipinas karaniwang matatagpuan ang mga lawa at ilog na hindi na dumadaloy dahil na rin sa iresponsableng pagtatapon ng basura ng mga tao. At dahil dito ang mga lugar na ito ay siyang pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng Dengue.

Mga tanong :1. Tungkol saan ang binasa?

Anong uri ng teksto ang ito?

2. nagbibigay ba ito ng impormasyon o nanghihikayat?

Note: Ito ay informativ na teksto dahil ito nagahhatid

ng impormasyon sa Dengue.

Paglalahad Sa pagsulat, taglay nito ang

layon at layunin na nais ipabatid sa mga mambabasa.

Tunghayan natin ang iba’t ibang sulatin ayon sa layon nito.

Note: layunin nitong manghikayat, maghatid ng

impormasyon sa bawat mambabasa.

Kung mga mag-aaral ay tumatalima sa mga nakasulat isa kang

magaling sa aspeto ng pagsulat.

Pagtalakay IMPORMATIB NA PAGSULAT Kilala rin sa tawag na expository

writing. Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto. Halimbawa: Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga istatistiks na makikita sa mga libro at ensayklopidya, balita, at teknikal o businesss report

Note: Ito ay makatotohanan at ang mga sulatin ay hango sa matibay na

ebidensiya, may pinagkuhanang datos sa mga pinagkakatiwalang tao o

ahensiya.

MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT

Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor. Halimbawa: editoryal, sanaysay, talumpati, pagsulat ng proposal at konseptong papel Note: sa sulating ito ay nakukuha ang loob ng

mamabasa para gawin ang dapat. Nakapagbibigay ang mga sulatin na ito ng aral, kongklusyon at

rekomendasyon.

MALIKHAING PAGSULAT

Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

Ito ay pangkaraniwang makikita sa mga kadang pampanitikan dahil ang mga manunulat ay gumagamit sila ng

matatalinghagang pananalita gaya ng idyoma at tayutay.

PANSARILING PAGPAPAHAYAG

Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan. Ilan pa sa mga halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba

Note: Itoy batay sa sarili nilang karanasan at nakaktulong ito sa

mga mambabasa kapag itoy kanilang binasa dahil ang

konseptong nais patunayan nito ay subok, dahil itoy kanila nang

naranasan.

Sintesis 1. Magbigay ng isang katuturan

ng pagsulat.

2. Ano- ano ang mga layunin ng isang makabuluhang pagsulat?

3. Ano ang kahalagahan ng isang pagsulat?

Note: Nakapagbibigay ito ng kaalaman at rekomendasyon

na dapat gawin.

Ito ay mahalaga sa atin dahil lubos nating anauunawaan ang wika dahil sa pagsulat at lalong umuunlada ang ating pang-akademikong gawain

lulan ng pagsulat.

PagtatayaPangkatang gawain .Bumuo ng 8

pangkat at gumawa ng isang sulatin batay sa iba’t ibang layon nito.

Pangkat 1-2 informativPangkat 3-4 mapanghikayatPangkat 5-6 malikhainPangkat 7-8 pansariling

pahayag.

Pagkatapos, maisulat kumuha ng isang mahalagang nilalaman sa sulatin na nagpapakilala sa layon nito.

Iawit ito at lapatan ng musika.

Rubrics Unity o kaisahan 5

. Coherence o pagkakaugnay-

ugnay 5Emphasis o pagbibigay-diin 5

______________________________Kabuuan 15 pts

Takdang aralinMagsaliksik sa internet ng isang

sulating informative at suriin ito kung bakit nagbibigay ng impormasyon?

Huling araw at pagbuo ng AwtputPagganyak

Panoorin ang isang video presentation.

Sagutin ang mga tanong:1. Ano ang pinapaksa nang

napanood na video?

2. Paano makabubuo nang maayos na pagsulat?

3. Mahirap bang gawing ang pagsulat.

Pagtataya ( Pagbuo ng Awtput)Bumuo ng isang sulatin at pumili

ng sariling layon sa pagsulat. Maaaring ito ay informativ, mapanghikayat, malikhain, at pansariling pahayag.

Ang konsepto ng sulatin ay patungkol sa

“ Mga Mag-aaral sa SHS”

Rubrik sa pagatatayaPamantayang Rubrik

Kaisahan 5Nilalaman 5Pagkakabalangkas 5_________________Kabuuan 15

Takdang Aralin:

1. Humanap ng iba’t ibang kahulugan ng pagsulat sa internet.

2. Ipasulat at Ipatala ang website, tao, artikulong pinagkunan.