pagsulat ng editoryal
DESCRIPTION
PAMAMAHAYAGTRANSCRIPT
PAGSULAT NG
EDITORYAL
• Salamin / kaluluwa ng pahayagan• pagpapayo• mapanuring pagpapakahulugan sa napapanahong pangyayari upang magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri, magpahalaga sa natatanging araw at manlibang sa mambabasa.
• nagbibigay opinyon• paninindigan ng patnugutan
EDITORYAL?
Mga Layunin ng Editoryal
1. Nagbibigay impormasyon o kabatiran
Pinapaliwanag ang adhikain na nais ipahiwatig at pinaliwanag ang tamang pangyayari o nangyari.
Hindi nagbibigay ng pasya.
Hal:1.Ang Philippine General Hospital ay binabalak na gawin na lang na paaralan ng UP.
2. Pagmamartsa ng mga guro ay nagdudulot ng pangangamba sa mga pinuno at mga magulang.
2. Tumutuligsa
May kabutihan at kasamaan Nagpapaliwanag ng isang
balita at nagbibigay palaisipan sa mambabasa
Nagmumungkahi sa kahihinatnan ng isang isyu
Hal:1.Biglang pagtaas ng halaga ng
langis2.Pagsusuot ng ID3.Katuturan ng DepED Order No. 19, s. 2009
4.Pagpapalawak ng Bagong Kurikulum
3.Namumuna/ Nanghihikayat – nagpapaliwanag ng kamalian o suliranin, sumusuri ng kalagayan, nagmumungkahi ng isang solusyon at naghihikayat ng pagbabago
Hal:1.Masamang pag-uugali ng mga mag-aaral
2. Maling pamamalakad ng isang kompanya
3.Mahal na pagkain sa kantina4.Dahilan ng pangongopya sa mga panahon ng pasulit
4. Nakalilibang namimilantik pero sa nakakatawang pamamaraan sa pamamagitan ng kutun ( bumabati sa kagandahan ng buhay)
Hal:1.Bagong moda ng kasuotan, buhok at pag-aayos ng katawan
2. Iba’t ibang reaksiyon sa pagtanggap ng kard
3.Napiling lider ng konseho ng mag-aaral
4. Mga kaganapan sa kapistahan
5.Namumuri/Nagbibigay Parangal
Binigyang parangal ang mga natatanging tao dahil sa nagawang kabutihan at ipinakitang kagalingan.
Hal :1.Masipag na guro2. Atletang nag-uwi ng karangalan sa bansa mula sa pandaigdigang kompetisyon
3. Natatanging gawain ( wagi sa paligsahan, gawain ng kapisanan, kilusang pambayanan, mabisang ginawa ng yumaong lider)
6. Pagpapahalag Sa Natatanging Araw nagbibigay kahulugan at
kahalagahan sa natatanging araw o okasyon
Hal:1. Linggo ng Pag-iwas ng Sunog2. Linggo ng mga Bansang
Nagkakaisa3. Araw ng Pasko
7. Nakikipagtalo argumento sa isang isyu na
nagpanukala at suhestiyon na makakabuti sa mamamayan
Hal:1. Pampasadang Motorsiklo ( Single
– Motor)2. Pagpapasok ng mga bata sa
“internet Café”
BAHAGI NG EDITORYAL
PANIMULA - Ito ay naglalaman ng batayang
balita at reaksyon.- Ang kawalan nito ay nangangahulugang ang akda
ay hindi editoryal kuundi isang sanaysay.
Hal:Isang magandang panukalang-
batas ang inihain sa Kongreso ni Kinatawan Connie Dy ng Lunsod ng Pasay tungkol sa pagpapa-drug test ng mga estudyante na ang pamahalaan ang gagastos.
Paano isinulat ang Editoryal?•SIMULA - pagtatanong •(Kailan kaya matatapos ang krises sa Mindanao? Pagkatapos sa kolehiyo saan patutungo?
•Kailan kaya masusugpo ang drug addiction sa ating paaralan?, Kailan kaya tayo mahahango sa kahirapan? )
Payak na paglalahad - Kabataan ang pag-asa ng inang bayanPagsasalaysay - Tatlumpu sa isang daang nagtapos sa elementarya ang hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral sa hayskul. Biktima sila ng kahirapan. Nakapagdudulot ng di matingkalang kasiyahan ang paglalaro sa play station, subalit ano ang dulot na epekto nito sa kabataan?
- Nasisiyahan na sana ang mga guro sa kakarampot na sahod sa kanilang pagtuturo, ngunit sa pagpapatuloy na pagtaas ng mga bilihin ay napipilitan silang magmartsa sa DepED) ,pagsipi sa tuwirang /tahasang sabi, nakakatawag – pansing simula
• MUNGKAHI O TAGUBILIN• OPINYON SANGY-AYON SA
PAKSA
PAKSA o SULIRANING SUSULATINHal.Nagpasya na ang kongreso na irerepaso ang Saligang Batas 1987 sa pamamagitan ng Constituents Assembly. Ito ay mistulang pinaglamayan na isyu para lamang maisakatuparan ng administrasyon ang mga plano sa darating na 2010. Banta na naman ba ito ng demokrasya?
Paglalahad ng SuliraninHal :Marahil ikinagagalak ng karamihan ng mambabatas ang CONASS ngunit sa iilang oposisyon ay magdudulot ito ng panibagong plano ng administrasyon upang palawigin ang termino ng Pangulong Gloria Macapagal – Arroyo…..
•PAGLILIPAT NG TALATA
1.Gumamit ng pamatlig - ito, iyon, yaon
2.Gumamit ng salitang – magkagayon man, sa kabila ng lahat, pagkatapos, pagkaraan, kaakibat nito, sa ibabaw ng lahat, sa ganitong pangyayari, sa ganitong sitwasyon
3.Para sa pagkasunod – sunod – una, ikalawa, ikatlo…
1.Para sa kasalungatan – ngunit, subalit, datapwat, sa kabilang dako, kung tutuusin, sa kabila ng mga pangyayari.
2.Nagbibigay karagdagan – kaya, marapat lamang, alalaong baga, at, at saka, bukod dito, gayon din naman, hindi iyon lamang…
3.Nagpapakilala ng bunga – mangyari pa, bilang bunga, bunga nito, ang wakas, magkagayon man, sa ganyang paraan
KATAWAN
- Inilalahad dito ang mga detalye ng mga katotohanan tungkol sa isyu, kalakip ang opinyon o prinsipyong pinapanigan ng patnugutan
Hal:Bagama’t nangangahulugan ito ng dagdag na
gastos para sa Kagawaran ng Edukasyon na hirap na hirap na matugunan ang sapin-saping pangangailangan sa kakarampot na badyet, isa itong mabisang hakbang upang matukoy at matulungan ang mga kabataang nalululong sa droga na ayon sa pinakahuling survey ay umabot na ang bilang sa mahigit 5.2 milyon.
Hindi maikakailang ang karaniwang nabibiktima ng mga nagtutulak ng mga ipinagbabawal na gamot ay mga kabataang wala o kulang sa kamuwangan sa masasamang dulot nito. Kapag natukoy na ang mga kabataang ito sa pamamagitan ng drug test, madali na lamang silang mabigyan ng kaukulang lunas ng mga kinauukulan.
DAGDAGAN NG MGA NAKUHANG IMPORMASYON AYON SA KURU-KUROHal :Matagal nang pinagtalunan sa mababang kapulungan ang pagbabago ng batas mula pa ng kasagsagan ng pag-upo ni Pangulong Fidel V. Ramos sa taong 1992- 1998…….
KONKLUSYON
- Ito ay naglalaman ng pinakamahalagang kaisipan o direksyon na maaaring payo, hamon, o simpleng buod ng akda
Hal:Pabata nang pabata ang mga
sangkot sa karahasan at kriminalidad na karaniwan ay lango sa ipinagbabawal na gamot. Kapag, naaprubahan at naipapatupad na ang panukalang batas ito, maaaring mababawasan na, kundi man, masusugpo nang tuluyan ang drug addiction sa bansa.
• PAGWAWAKAS1.Buod / Lagom – Halimbawa : Samakatuwid, hindi kailangang pagtalunan kung ano ang higit na mabisa sa dalawang wika : Ingles o Filipino. Ang dapat harapin ay ang pagpapaunlad ng kabuhayang Pilipino sa anumang wikang nalalaman.2. Katanungan – Halimbawa : Muling pinahihintulutan ng pamunuan ang karapatang magkaroon ng paaralang pampahayagn sa eskwelahang ito na matagal ding ipinagbawal ng mga nakaraang pangasiwaan. Ito kaya’y magbunga ng mabuti?
• PAGWAWAKAS3. Ulitin ang unang pinahayag – Halimbawa : Tunay na masama ang dulot ng droga sa mga kabataan. Dahil dito, makabubuting ipasok sa Sentro ng pampanibagong – buhay. 4. Angkop na sipi – Halimbawa : Marapat lamang matanim sa isipan ng mga kabataan ang sinabi ni Andres Bonifacio na “ Anuman ang ibalot mo sa iyong katawan, mananatili pa rin ang iyong pagka – Pilipino.”
• PAGWAWAKAS5. Panghuhula – Halimbawa : Sa darating na panahon, maaaring mahikayat ang mga kabataang maglaro ng patintero sa mga gabing maliwanag ang buwan at makinig sa mga kuwento ng mga matatanda. 6. Katanungan – Halimbawa : Muling pinahihintulutan ng pamunuan ang karapatang magkaroon ng paaralang pampahayagn sa eskwelahang ito na matagal ding ipinagbawal ng mga nakaraang pangasiwaan. Ito kaya’y magbunga ng mabuti?
EDITORYAL NA NAKIKIPAGTALO
Hindi maikakailang malaki ang ginagampanang papel ng media sa paghubog ng pagpapahalaga ng sangkatauhan. Malakas ang kapangyarihan nito at malawak ang nasasaklaw. Lahat ng uri ng tao ay naaabot ng impluwensya nito, kung kaya ito ay maituturing na tagapagtayo o tagapagwasak ng kinabukasang ng sanlibutan.
Ang mga mamamahayag na nasa likod ng nedia ay may malaking pananagutan sa bawat mamamayan. Dahil sa taglay nilang kapangyarihan at kalayaan sa pamamahayag ay maaari nila itong abusuhin at gamitin sa pansariling kapakanan. Hindi ba’t marami sa ating mga mamamahayag ang kumikiling sa mga masalapi at makapangyarihan? Hindi ba’t marami sa kanila nagpapagamit sa mga pulitikong dayukdok at gahaman sa katanyagan at kapangyarihan? Sila ay maituturing na mga lintang nasisilaw sa kinag ng salapi at handang isanla ang kaluluwa sa impyerno, kumita lamang nang malaki. Sila ang kahihiyan sa propseyong pamahayagan.
Gayunpaman, marami pa rin sa ating mga mamamahayag ang naging tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin. Sila ang tagahubog ng mga positibong pagpapahalaga, ang tagapagsiwalat ng katotohanan at tagapagtanggol na naaapi kahit na ang kapalit nito ay mga nakaambang panganib.
Sa masalimuot na lipunanang ating ginagalawan ngyaon, ang sambayanang Pilipino ay nangangailangan ng mga mapanagutang mamamahayag na maihahalintulad sa ating mga bayaning sina Graciano Lopez-Jaena, Marcelo H. del Pilar, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Jose Rizal – mga mamamahayag na hindi kailanman nasilaw sa ningning ng salapi at hindi natakot magbuwis ng buhay alang-alang sa katotohanan. Sila ang mga bayani ng pamahayagang nararapat dakilain at gawing huwaran ng mga estudyanteng mamamahayag upang magsilbing pangunahing tagapagbantayog at tagapagtanggol ng kalayaan.- Fritz Abaday (1st RSPC 1998 – Lunsod ng Digos)
MaramingSalamat!