pagsulat ng filipino sa piling larang (tech-voc) (q2)

99
Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2) Jemalyn Orogo Maglasang, LPT John Rey B. Saroay, LPT

Upload: others

Post on 08-Dec-2021

59 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC)

(Q2)

Jemalyn Orogo Maglasang, LPT

John Rey B. Saroay, LPT

Page 2: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

Talaan ng Nilalaman

Pahina

Modyul 9: Flyers at Leaflets

Panimula 80

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 80 Aralin 1. Pagsulat ng Materyal Pampromosyon 81

Aralin 2. Flyers 82 Aralin 3. Leaflets 84 Pagsasanay 85

Paglalagom 89 Sanggunian 89

Modyul 10: Paalala, Babala at Anunsiyo

Panimula 90 Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 90

Aralin 1. Anunsiyo 91 Aralin 2. Palala at Babala 92

Aralin 3. Babala 95 Aralin 4 Paalala 96 Pagsasanay 97

Paglalagom 102 Sanggunian 102

Modyul 11: Ulat ng Progreso at Ulat Panlaboratoryo

Panimula 104 Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 104

Aralin 1. Ulat ng Progreso 105 Aralin 2. Mga Pangunahing Bahagi ng Ulat Progreso 106

Aralin 3. Ulat Panlaboratoryo 113 Aralin 4. Mga Komponent ng Ulat Panlaboratoryo 113 Pagsasanay 118

Paglalagom 120 Sanggunian 120

Page 3: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

Modyul 12: Naratibong Ulat

Panimula 121 Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes 121

Aralin 1. Ang Naratibong Ulat 121 Aralin 2. Kahalagahan at Bentahe ng Pagsulat ng

Naratibong Ulat sa Komunikasyong Teknikal 123 Aralin 3. Paraan ng Pagsulat ng Naratibong Ulat 124

Pagsasanay 125 Paglalagom 127 Sanggunian 127

Modyul 13: Proposal

Panimula 129 Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 129

Aralin 1. Pagsulat ng Proposal 129 Aralin 2. Mga Bahagi ng Proposal 132

Pagsasanay 136 Paglalagom 138

Sanggunian 138

Modyul 14: Feasibility Study

Panimula 139

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 139 Aralin 1. Feasibility Study 139 Aralin 2. Mga Dahilan sa Pagsasagawa ng Feasibilty Study 140

Aralin 3. Mga Uri ng Feasbility Study 141 Aralin 4. Mga Komponent o Bahagi ng Feasibility Study 141

Pagsasanay 144 Paglalagom 146

Sanggunian 146

Modyul 15: Ulat-Analitikal

Panimula 147

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 147 Aralin 1. Pagsulat ng Ulat- Analitikal 148 Aralin 2. Tunguhin ng Ulat-Analitikal sa iba’t ibang larangan 148

Page 4: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

Aralin 3. Pormat ng Ulat-Analitikal 149 Pagsasanay 163

Paglalagom 166 Sanggunian 1 66

Modyul 16: Pagbuo ng Manwal

Panimula 167 Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes) 167

Aralin 1. Pagbuo ng Manwal 168 Aralin 2. Iba’t ibang uri ng manwal ayon sa gamit: 168

Aralin 3. Komponent ng Manwal 169 Aralin 4. Balangkas ng Isang Manwal o Gabay sa Paggamit 170 Aralin 5. Mga Payo sa Pagsulat ng Manwal 173

Pagsasanay 174 Paglalagom 175

Sanggunian 176

Page 5: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

Talaan ng Pigura

Bilang Pamagat Pahina

Pigura 9.1. Flyers at Brochures 81

Pigura 9.2. Halimbawa ng Flyers 82 Pigura 9.3. Halimbawa ng Leaflets 84

Pigura 10.1. Halimbawa ng Anunsiyo 92 Pigura 10.2. Halimbawa ng Babala 95

Pigura 10.3. Halimbawa ng Paunawa 96 Pigura 10.4. Halimbawa ng Paalala 96 Pigura 11.1. Halimbawa ng Paglalarawan sa Progreso 105

Pigura 11.2. Balangkas ng Ulat Progreso 109 Pigura 11.3. Halimbawa ng Ulat Progreso 112

Pigura 11.4. Lab Report 113 Pigura 11.5. Halimbawa ng Ulat Panlaboratoryo 117

Pigura 12.1. Naratibong Ulat 122 Pigura 13.1. Proposal sa Pagitan ng mga Kompanya 128 Pigura 13.2. Proposal 129

Pigyur 13.3. Halimbawa ng Proposal 136 Pigura 14.1. Pagpupulong para sa isang Feasibility Study 140

Pigura 14.2. Feasibility Study 141 Pigura 15.1 Halimbawa ng Grap para ualt-analitikal 148

Pigura 15.2. Halimbawa ng Ulat-Analitikal 162 Pigura 16.1. Manwal 168

Page 6: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

MODYUL 9

Flyers at Leaflets

Panimula

Marahil ay may nakasalamuha ka na nag-aabot ng mga papel na naglalaman ng

impormasyon patungkol sa mga produkto o serbisyo. Alam mo ba na ito ay isa kanilang

paraan upang ikaw ay mahikayat na tangkilikin ang produkto o serbisyong na inaalok. At dahil

sa parang yan ay mas nakikilala ang pangalan ng kanilang kompanya. Ito ay mga

promosyonal na materyal na ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon patungkol sa isang

produkto o serbisyo ng isang negosyo o kompanya. Isa ito sa mga paraan upang mahikayat

ng mga negosyo o kompanya na tangkilikin ang kanilang produkto o serbisyo. Dito ay

malalaman mo ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa paggawa ng mga promosyonal na

materyal gaya ng leaflets at flyers.

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes)

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

• Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Flyers at Leaflets

• Natutukoy ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng material pampropomosyon

tulad ng flyers at leaflets; at

• Nakakagawa ng mga materyal pampromosyon tulad ng flyers at leaflets.

Page 7: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

81

Aralin 1. Pagsulat ng Materyal Pampromosyon

Sinasalamin ng promosyonal na mga material ang kompanya at ang branding o

imahen na nais nitong ipakita sa publiko.

Ayon kina Francisco, Gonzales, at Batnag (2017), ang promosyon o promo ay isang

espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng negosyo. Sa pamamagitan nito

nakapagbibigay ang kompanya ng mas mababang halaga ng kanilang mga produkto o

serbisyo sa itinitakdang panahon. Ginagawa ang promo upang makaakit ng mga potensiyal

na kostumer. Karaniwang takaw-tawad ang mga mamimili. Mas mababa ang presyo, mas

dinudumog ito ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit ang mga kompanyang nag-aalok ng

produkto o serbisyo ay nagsasagawa ng mga promo. Sa promo, bukod sa mababang presyo,

nag-aalok din ng produkto o serbisyo na higit na kaysa sa makukuha ng mga mamimili sa

karaniwang araw.

Mga Dapat isaisip sa Paggawa ng Promosyonal na Materyal (Francisco et al., 2017)

1. Sa promosyon, kailangang isaisip ang reputasyon at imahen ng kompanya habang

iniaakma ang mga gawain sa target market. Kung halimbawa, ang promo ay para sa

Mula sa www.badudets.com (2010)

Mula sa: Www.Behance.Net (2013)

Pigura 9.1. Flyers and Brochures

Page 8: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

82

isang family fast-food chain na kilalalng pambata at pampamilya, nararapat lang na

angkop sa nabanggit na grupo ng mamimili ang uri ng promosyon.

2. Paghandaang mabuti ang mga material na gagamitin. Magsagawa ng testing sa

partikular na mga material hanggang maging matagumpay sa material na

pinakatanggap ng mga konsyumer at pinakamalapit ang representasyon sa

kompanya.

3. Kinakailangang bumuo ng tema na angkop sa layunin ng promosyong isinasagawa.

Ang tema ang magsisislbing inspirasyon sa pagbuo ng mga ilalapat na salita at

disenyo sa material na promosyon.

4. Isipin kung paano makakaapekto sa buhay ng mga mamimili ang produkto o

serbisyong inaalok. Isaalang-alang ang kanilang mga nais at ang kanilang mga

pangangailangan.

5. Huwag maglagay ng hindi makatotohanang pahayag sa mga pasulat na patalastas.

Nilalayuan ng kostumer ang mga nag-aalok ng serbisyo nang may eksharasyon at

hindi beripikadong nilalaman. Ilarawan lamang kung ano ang kayang gawin ng

produkto.

6. Sumangguni sa mga empleyado at iba pang propesyonal kaugnay sa gagawing

material pampromosyon. Makakatulong ang pagiging bukas sa konstruktibong

kritisismo upang mapaunlad ang paglikha ng mabisang promosyonal na material.

Aralin 2. Paggawa ng Flyers

Binanggit nina Francisco et al. (2017), na

ginagamit ang flyers sa diseminasyon o

pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa isang

personal na gawain o sa isang negosyo.

Karaniwang ginagamit ito bilang promosyonal na

materyal.

Bukod sa mura ang flyers, madali rin itong

gawin. Mabisang paraan ito ng pagpapakalat ng

impormasyon lalo na kung maraming kopya ang

Mula sa bandera.inquirer.net (2011)

Pigura 9.2 Halimbawa Flyers

Page 9: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

83

inilalathala at ipamimigay o ipapaskil. Mahalaga ito para sa mga maliliit o nagsisimulang

negosyo sapagkat nakatutulong ito na mapansin ng mga tao na kanilang produkto o serbisyo.

Karaniwang isang maliit na papel lamang ito na may lamang larawan at maikling teksto,

bagaman may mga disenyong maaring isagawa, depende sa nagpapakalat ng impormasyon.

Pagbuo ng Flyer

Inilihad nina Francisco et al. (2017), na maraming aplikasyon ang maaring magturo o

makatulong kaugnay sa paggawa ng isang flyer. Kailangan ng mabisang layout o

pagdidisenyo sa flyer sapagkat nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyong nais

ipakalat.

Maaring gamitin ang aplikasyong Microsoft Publisher o Adobe Photoshop sa pagbuo

nito. Doon ay mayroon nang mga gabay sa bubuuing layout. Kailangan na lamang maging

maingat at matalino sa isusulat sa nilalaman.

Tips sa paggawa ng Flyer (Francisco et al., 2017)

1. Sumulat ng pamagat. Kailangang simple at malaki ang pamagat. Hindi dapat ito

hihigit sa limang salita. Kasya dapat sa isang linya sa pahina, at nakagitna. Dapat

mas malaki kaysa sa buong teksto ang lettering ng pamagat upang makita ito ng mga

tao mula sa malayo. Gumagamit ng malalaking titik (all caps) at sans serif font tulad

ng Arial. May serif ang mga pormal na font tulad ng Times New Roman at Book

Antiqua. Mas simple naman ang sans serif fonts. Maaring lagyan ng kulay ang

pamagat.

2. Gawing simple ang mensahe. Dapat ay hindi na kailangang basahin ng mambabasa

ang kabuuan ng flyer. Dapat maunawaan na agad ito ng titingin o babasa.

3. Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon. Mas natatandaan ng mga tao ang

mensahe sa tulong ng mga kasamang imahen. Iwasan ang sobrang daming larawan

upang hindi magmukhang siksik at magulo ang flyer.

4. Maglagay ng deskripsiyon sa ibaba ng larawan. Nararapat na maikli lamang ito,

ngunit detalyado na. Maari itong dalawa hanggang tatlong linya. Gumamit ng

malalaking titik para sa mga susing salita. Gumagamit ng mapanghikayat na mga

salita.

Page 10: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

84

5. Huwag kalimutang ilagay ang numerong dapat tawagan ng mga taong nais tumugon

o interesado sa nilalamanng flyer.

6. Pagsasapubliko ng impormasyon ang pinakamahalagang bahagi sa pagbuo ng flyer.

Mamigay ng kopya nito sa mga pampubliko o matataong lugar.

Aralin 3. Pagsulat ng Leaflets

Ang leaflets, tulad ng flyers, ay uri rin ng promosyonal na material. Gayunman higit na

malaki at mas komprehensibo ang nilalaman ng leaflets kaysa sa flyers. May iba’t ibang

dahilan sa pagpapalaganap ng leaflets na tinatawag ding brochures o pamplets. Karaniwang

ginagawa ito ng mga nagsisimula ng isang negosyo o kaya ay para sa isang kampanyang

pangkamalayan para sa isang adbokasiya o pangyayari (Francisco et al., 2017).

Karaniwan itong isang buong papel na itinupi sa dalawa o higit pang bahagi, na may

iba’t ibang disensyo at teksto ayon sa partikular na layunin.

Paggawa ng Leaflets (Francisco et al., 2017)

1. Planuhin ang mga detalyeng nais ilagay sa leaflet. Bumuo ng rough layout o guhit na

nagpapakita kung paano gustong posisyon ang mga larawan at teksto sa leaflet.

2. Gumagamit ng mga parirala para sa mga pamagat at teksto.

Mula sa: http://g7filipinodrg.blogspot.com (2013)

Pigura 9.3. Halimbawa ng Leaflets

Page 11: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

85

3. Kompara sa flyers mas malaki ang espasyong inilalaan sa leaflets at maaring

magdagdag ng impormasyon tungkol sa produkto o serbisyo. Gayunman, hindi pa rin

kinakailangang dito ang mahaba at detalyadong paliwanag. Maglagay ng web link na

maaring puntahan ng mga interesadong mambabasa kung may karagdagang tanong.

4. Maaring gumamit ng MS Word, na popular sapagkat karaniwan na itong ginagamit sa

halos lahat ng kompyuter. Madali ring gumawa ng mga kolum sa MS Word; ang mga

kolum na ito ay magagamit na leaflet. Bukod sa MS Word, maari ding gamitin ang MS

Publisher na mayroon nang nakahandang templates ng mga disenyo na maaring

pagpilian.

5. Magsama ng mga larawan para maiwasan ang pagkakaroon ng bulto ng teksto na

hindi naman babasahin ng mga tao.

6. Tingnan kung may pagkakamali sa baybay at sa gramatika. Ang anumang

pagkakamali ay nakakasira sa magdandang naisagawa.

7. Maglimbag ng mga sampol bago ipamahagi ang mga kopya.

• Ang flyers at leaflets ay tinatawag ring polyeto sa Filipino.

Pagsasanay

Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na salita. Tingnan sa kahon sa ibaba ang mga

pagpipilian.

Ang 1.__________ ay isang espesyal na serbisyo na ginagawa sa larangan ng

2.__________, kung saan nagbibigay ng mas mababang halaga ang mga nagbebenta ng

mga produkto o serbisyo sa itinakdang panahon. Sa promosyon, kailangang isaisip ang

3.__________ at imahen ng kompanya habang inaakma ang mga gawain sa 4.__________.

Sa pagbuo ng promosyon, kailangang paghandaang mabuti ang mga 5.__________ na

gagamitin. Bumuo ng tema na angkop sa 6.__________ ng promosyon isaalang-alang ang

mga nais at ang mga 7.__________ ng mamimili. May dalawang pangunahing uri ng

promosyonal na materyal. Ginagamit ang 8.__________ sa diseminasyon o pagpapakalat

Page 12: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

86

Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang performans na gawain)

1. Gumawa at Mag Post sa Facebook at I’tag ang guro base sa ginawang flyer tungkol

sa alinman sa sumusunod:

a) Isang serbisyong pangmag-aaaral na ibinibigay ng inyong paaralan.

b) Isang organisasyong pampaaralan.

c) Negosyong nais pasukin.

d) Produktong nais ibenta

e) Serbisyong maaring ibigay at pagkakitaan.

2. Gumawa ng leaflet at I’post sa facebook kasama ang ginawang flyer, kaugnay sa

isang tema sa ibaba. Gawing malikhain at malinaw ang mensaheng nais iparating.

a) Pinakamagagandang lugar sa Pilipinas.

b) Pinakamasarap at naiibang pagkain sa Pilipinas

c) Pinakamurang shopping centers sa Maynila.

Tiyaking sapat ang impormasyong ilalagay sa flyer sa pamamagitan ng

pakikipanayam sa mga awtoridad na may alam sa napiling paksa. Gawing kaakit-

akit ang disenyo ng flyer.

Pamantayan sa Paggagarado:

Pamantayan Puntos Iskor

1. Kompleto at malinaw ang impormasyong nailahad. 10

2. Mahusay ang paggamit ng wika. 10

3. Malikhain at gumamit ng biswal na element 10

4. Malinis at maayos ang kabuuang gawa. 10

Kabuuan 40

ng 9.__________ tungkol sa isang personal na gawain o sa isang negosyo. Karaniwang

isang maliit na papel lamang ito na may kasamang 10. __________ at maikling teksto.

Kailangang simple at malaki ang 11.__________, gawing simple ang 12. __________. Higit

na malaki at mas 13.__________ ang nilalaman ng leaflets. Karaniwang ginagawa ito ng

mga nagsisimula ng isang negosyo o kaya ay para sa isang kampanyang pangkamalayan

na may paniniwala o 14.__________. Kailangang ingatan ang pagsulat ng teksto at ang 15.

__________ parehong materyal.

materyal promosyon o promo komprehensibo

negosyo gramatika impormasyon

mensahe pamagat adbokasiya

layunin flyers larawan target market

pangangailangan desisyon reputasyon

Page 13: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

87

Paglalagom

• Ang Flyers at Leaflets ay mga materyal na maaring gamitin sa iba’t ibang paraan lalo

na sa pagbibigay ng impormasyon partikular sa isang bagay o gawain.

• Mas gamitin ang flyers at leaflets bilang promosyon na materyal, kadalasan ito ay

nagsisilbing estratehiya sa pagpapalaganap ng produkto o serbisyo ng isang

kompanya o negosyo

• Ang flyers ay karaniwang isang maliit na piraso ng papel na may lamang larawan at

maikling teksto na nagtataglay ng mahalagang impormasyong nais ipakalat.

• Ang leaflets ay isang uri din ng promosyonal na materyal ngunit ito ay higit na malaki

at mas naglalaman ng komprehensibong impormasyon kaysa sa flyers.

• Ang leaflets ay karaniwan itong isang buong papel na itinutupi sa dalawa o higit pang

bahagi na may iba’t ibang disenyo at tekso ayun sa isang layunin.

• Sa paggawa ng flyers at leaflets ay may mga aplikasyon na ginagamit rito sa

kasalukuyan; nariyan ang paggamit ng Microsoft Word, Publisher o Adobe Photoshop.

Sanggunian

• Alaban, S. (2013). Palawan Travel Brochure. Www.Behance.Net.

https://www.behance.net/gallery/12846371/Palawan-Travel-Brochure

• Bandera. (2011). Sa Bandera, May Negosyo. INQUIRER.Net.

https://bandera.inquirer.net/negosyo-flyer-study-2-4-2x6-inch-3

• De Guzman, D. (2013). Filipino Activities: Mga Brochure. Filipino Activities.

http://g7filipinodrg.blogspot.com/2013/02/mga-brochure.html

• Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex

Book Store Inc.

• Ronancapistrano. (2013). Brochure (Mga Sikat na larong Pinoy sa San Jose

Batangas). San Jose, Batangas.

https://ronancapistrano.wordpress.com/2013/12/03/brochure-mga-sikat-na-larong-

pinoy-sa-san-jose-batangas/

• Siazon, B. (2010). Takbo para sa Kalikasan | Badudets Everything Nice! Badudets.

https://www.badudets.com/tag/takbo-para-sa-kalikasan/

Page 14: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

MODYUL 10 Paalala, Babala, at Anunsiyo

Panimula

Sa pang-araw-araw nating pamumuhay, simula paggising hanggang sa pagtulog ang

bawat galaw natin ay kontrolado ng iba’t ibang bagay na siyang nagdidikta sa ating gagawin

na kailangan ay angkop sa dapat gawin. Mahalaga na ang bawat galaw natin ay maayos nang

sa gayun ay naiiwasan natin ang magkamali o mapahamak. Sa mga gamit sa ating bahay

hanggang sa paglabas natin sa lansangan o sa ating kapaligiran ay may mga nakikita tayo

na mga karatola na gumagabay sa atin, ito ay mga nakasulat na nag-uutos sa atin upang

gawin nang tama ang isang bagay o kilos.

Sa araling ito ay matatalakay ang kahulugan ng paalala, babala at anunsiyo, na siyang

nagbibigay sa atin ng impormasyon at nag-uutos sa tamang gagawin natin. Malalaman din

natin ang kahalagahan at gamit nito, at gayun din ay malalaman mo ang mga payo sa

paggawa ng mga ito sa epektibong pamamaraan at masusubukan mo rin ang lumikha ng

sariling paalala, babala at anunsiyo.

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes)

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

• Natutukoy ang kahulugan at gamit ng anunsiyo sa komunikasyong teknikal;

• Naiisa-isa ang mga karaniwang uri ng anunsiyo sa trabaho;

• Nailalapat ang mga payo sa pagsulat ng anunsiyo;

• Nakasusulat ng sariling anunsiyo;

• Nauunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng mga paalala at babala;

• Naikokompara ang gamit ng paalala at babala; at

Page 15: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

89

• Nakabubuo ng sariling mga paalala at babala.

Aralin 1. Ang Anunsiyo

Ayon kina Francisco et al. (2017), sinusulat ang anunsiyo upang makapagbigay at

makapagbahagi ng impormasyon. Sa pagsusulat ng anunsiyo, ipinapaalam ng isang tao ang

isang balita para sa mga kasama sa negosyo o sa mga katrabaho, gayundin sa mga

tagatangkilik ng negosyo o sa mga partikular na tao o sector na maapektuhan ng anunsiyong

kaugnay sa trabaho. Layunin ng anunsiyo na makapagbigay ng komunikasyon tungkol sa

mahahalagang detalye sa mga taong kailangang makaalam sa mga ito.

Isang karaniwang katangian ng mga anunsiyo ang pagiging malinaw at maikli. Ito ay

sapagkat ayaw ng mga tao ng mahahabang diskusyon. Ang nais ng mga tagatanggap nito ay

impormasyong tuwiran at kaugnay sa sitwasyon (Francisco et al., 2017).

Sa sulating teknikal, karaniwang itong nasa anyong liham o memorandum lalo na kung

ito ay ipinapadala sa mga empleyado sa loob ng isang kompanya o organisasyon o kaya ay

isang patalastas na ipinapaskil. (Francisco et al. 2017).

Ilan sa mga paksa ng anunsiyo sa trabaho ay tungkol sa (Francisco et al., 2017):

• bagong negosyo, tindahan, o sangay ng opisina

• bagong lokasyon ng negosyo

• pagtatanggal sa trabaho o pagbabawas ng tauhan

• pagbubukas para sa pagtanggap ng mga bagong empleyado

• masamang panahon o plano kapag may di-inaasahang sitwasyon

• labis na badyet o plano ng kompanya sa pagtitipid

• anibersaryo ng negosyo o kompanya

• mga pagbabago sa patakaran o halaga ng bayarin

• plano ng pamunuan kapag welga

• pagapapalit ng pangalan ng negosyo

• programa sa drug testing

• pagpapatigil sa pagtanggap ng bagong empleyado (freeze hiring)

Page 16: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

90

Mga Payo sa Pagsulat ng Anunsiyo (Francisco et al. 2017)

1. Mangalap ng Impormasyon. Sinisimulan ang pagsulat ng anunsiyo sa pangangalap

ng lahat ng impormasyon may kaugnayan at kailangang maipahatid sa mambabasa.

Ilista ang mga ito ayon sa pinakamahalaga o kaugnayan sa sitwasyon. Kung ito ay

isang pangyayari, unang banggitin ang oras at lokasyon. Isama ang mga karagdagang

detalye sa huling talata, ngunit dapat sabihin muna ang lahat ng kailangang malaman

ng mga babasa nito.

2. Gawing direkta at maikl ang anunsiyo upang madaling maunawaan ng

pinatutungkulang tao o sector kung para saan ang anunsiyo.

3. Gumamit ng tamang tono. Kung mag-

aanunsiyo naman ng pag-alis sa trabaho o

pagbabawas ng empleyado, kinakailangang

tahimik at propesyunal ang tono. Sa tamang

tono, maging ang mga hindi magandang balita

ay magiging magaang basahin para sa mga

kinauukulan nito. Nagpapakita rin ito ng

magandang imahen ng taong nagpapadala o

ng kompanya. Kung masamang balita ang

iaanunsiyo, isulat ito sa pamamagitang ng

tuwirang pahayag. Magbigay din ng mensahe

ng pag-unawa at pag-asa sa tonong may respeto.

4. Kilalanin ang natamo ng ibang tao sa anunsiyo. Bigyan sila ng motibasyon upang mag-

asam ng katulad na mga tunguhin at tagumpay.

5. Ipresenta ang impormasyon sa paraang kokompleto at payak upang maiwasan ang

pauli-ulit o maraming tanong mula sa mga mambabasa.

6. Tiyaking tama ang gramatika, bantas, at baybay ng anunsiyo. Magsagawa ng rebisyon

bago ipadala o ipalabas ang pinal na anunsiyo.

Aralin 2. Ang Paalala at Babala

Ang paalala at babala ay kadalasang bahagi ng pagsulat ng instruksyon. Ang instruksyon

ang pangkalahatang tawag sa mga sulating karaniwang ginagamit para sa manwal, mga

Mula sa facebook.com (2017)

Pigura 10.1. Halimbawa ng Anunsiyo

Page 17: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

91

assembly at maintenance, mga polyeto, at mga korespondensiyang pagnenegosyo. Isinusulat

ang instruksiyon sa pormat na sunod-sunod, may mga numero ng bawat hakbang, at anyong

pautos. Makakatulong din kung gagamit ng grapikong presentasyon at mga larawan. Sa

pagsulat ng instruksiyon, kailangang gumamit ng maiikli at malilinaw na mga pahayag sa

bawat hakbang. Gumamit ng terminolohiyang pamilyar sa gagamit (Borowick, 2000).

Ang mambabasa ng instruksiyon ay ang mga taong kailangang magsagawa ng isang

gawain o tungkulin o kailangang maunawaan kung paano isinasagawa ng ibang tao ang isang

gawain. Ang waiter o waitress na magsasara ng isang restawran ay kailangang maunawaan

ang mga proseso o pamamaraang ng pagsasara. Kailangang malaman ng isang gamer kung

paano gumagana ang kaniyang control keys (Mehlich 1997).

Inilalagay ang mga paalala at babala bago ang mga instruksiyon kung saan sila kaugnay

upang maiwasan ang pagkasira o panganib ng mga gagamit o magbabasa ng instruksisyon

(Francisco et al. 2017).

Balangkas ng Instruksiyon (Francisco et al., 2017).

A. Paggawa ng ___________

________________________

________________________:

1. ________________________________________________________

2. ________________________________________________________

3. ________________________________________________________

4. ________________________________________________________

5. ________________________________________________________

Page 18: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

92

B. Paano __________________________________________________

Intorduksyon:

________________________________________________________

________________________________________________________

Mga Materyal na Kakailanganin:

________________________ ________________________

________________________ ________________________

Pamamaraan:

1. ______________________________________________________

2. ______________________ Tingan ang Pigura 1.

3. _______________________________________________________

4. BABALA: _______________________________________________

5. _______________________________________________________

C. Pagbuo ng _________________________________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________

Depinisyon ng Termino:

___________________ ___________________

___________________ ___________________

Paalala: ______________________________________________

1. ________________________________________________________

2. ________________________________________________________

• _______________________________________________

• _______________________________________________

3. ________________________________________________________

BABALA: __________________________________________________

4. ________________________________________________________

5. ________________________________________________________

Page 19: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

93

Aralin 3. Ang Babala

Ayon kina Francisco et al. (2017), ang babala (warning) ay isang insturksiyon na

inilalagay upang makaiwas na masaktan ang tagapagsagawa (operator) at/o maiiwasan ang

pagkasira ng equipment o kagamitan sa normal na operasyon. Nagbibigay ng espesyal na

atensyon ang babala sa anumang maaring makasakit o makapahamak sa mambabasa. Sa

teknikal na sulatin, ang babala ay nagpapaliwanag ng mga panganib na maaring magresulta

sa kamatayan o panganib, sakit, o pagkabalda. Pautos at awtoritatibo ang tono upang

magbigay ng pakiramdam ng pagiging alisto o takot sa magbabasa.

Gumamit ng attention icon para sa epektong babala.

Halimbawa:

BABALA: Hugutin ang saksak ng kompyuter bago tanggalin ang lalagyang panlabas

kung hindi, maaring makuryente.

Dagdag pa nina Francisco et al. (2017), na

ang paunawa (caution) ay isa ring uri ng babala.

Dito, ang instruksiyon ay para sa tagapagsagawa

at tinutukoy para sa kaniya ang mga pag-iingat na

akma sa ilalim ng partikular na sirkumstansya

upang maiwasan ang pagkasira ng kagamitan.

Pinupukaw ng paunawa ang atensiyon ng tao

tungkol sa anumang bagay na maaring makasira

ng kagamitan o makapagdulot ng pagkawala ng

datos. Inilalarawan nito ang maaring mangyari kapag hindi pinapansin ang paunawa.

PAUNAWA: Huwag muna hugutin ang saksakan kung hindi pa napapatay ang

monitor. Maaring masira ang monitor. Patayin muna ang monitor bago hugutin ang

saksak.

Mula sa: commons.wikimedia.org (2019)

Pigura 10.2. Halimbawa ng Babala

Page 20: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

94

Aralin 4. Ang Paalala

Ayon kina Francisco et al. (2017), ang paalala

(note) ay ginagamit upang tukuyin ang aytem na

nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa

taong gumagamit upang maunawaan ang layunin ng

isang instruksiyon. Hindi ginagamit ang paalala upang

magbigay ng impormasyong kaugnay sa kaligtasan ng

mga tagapagsagawa o sa pagkasira ng kagamitan.

Ito ay para lamang sa dagdag na kaalaman na

maaring mapukaw ng interes ng mambabasa. Mas

magaan o natural ang tono nito kaysa sa awtoritatibong tono ng babala, sapagkat ito ay

nagpapaliwanag lamang o nagdadagdag ng mahalagang detalye na walang panganib na

maaring idulot sa sinuman.

Maaring maglagay ng raised hand icon bago ang paalala upang madali itong

mapansin ng mambabasa.

Halimbawa:

Paalala: Mapapadali nito ang pagdidikit ng turnilyo kapag itinaas na ang beam.

Mga payo sa Pagsulat ng Paalala at Babala (Francisco et al., 2017)

1. Simulan sa simple at malinaw na utos.

2. Sumulat para sa pinatutungkulan, halimbawa para sa tagapangasiwa o sa technician.

3. Pumili ng mga tiyak na salita.

Mula sa: pinoyfunnypictures.blogspot.com (2010)

Mula sa: twitter.com (2018)

Pigura 10.3. Halimbawa ng Paunawa

Pigura 10.4. Halimbawa ng Paalala

Page 21: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

95

4. Maaring kailanganin ang pagdagdag ng paliwanag upang mas maging malinaw ang

mga panganib. Mapapahaba nito ang babala o paunawa ngunit mas magiging

epektibo ito.

5. Ilista ang mga kondisyong kailangan bago magsimula ng isang Gawain o

pamamaraan.

6. Maglagay ng headings o grapikong presentasyon kasama ng babala at paalala.

Pagsasanay

Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

A. Isulat sa patlang kung ang mga sumsunod ay paunawa, paala, o babala.

_________ 1. “BAWAL TUMAWID”

_________ 2. Ihiwalay ang puting damit sa de-kolor upang hindi huwama ang kulay ng

damit na de-kolor.

_________ 3. Huwag punuin ang dryer. Para sa mabisang pag-dry, dapat ay may espasyo

sa pagitan ng mga damit. Maaring masira ang dryer kapag ang punong-punong ito.

_________ 4. Lagyang ng mga turnilyo ang mga pader para sa make-shift house. Tiyaking

matibay ang pagkakadikit at kung hindi, maari ito bumagsak at magbunga ng aksidente.

_________ 5. Bago sumakay ng bisikleta, alamin muna kung saan ang bike lanes sa mga

daraanang lugar.

B. Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at isulat ang Mali sa pahayag kung di-wasto.

__________ 1. Ang anunsiyo ay karaniwang nasa anyo ng isang liham.

__________ 2. Sa teknikal na sulatin, kadalasang ginagamit ang instruksiyon sa pagsulat

ng manwal at pamamaraan.

__________ 3. Nagbibigay ng dagdag-kaalaman ang paalala, habang nagsasabi ng

panganib sa katawan ng tao ang paunawa.

__________ 4. Mahalaga ang babala upang maiwasan ang pagkasira ng kagamitan at

maiwasan ang sakit o panganib sa tagapaggawa.

Page 22: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

96

Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang performans na gawain)

Pamantayan Puntos Iskor

1. Malinaw ang babala/paalala/instruksiyon 10

2. Malinis ang pagkakagawa at mahusay ang disenyo. 10

3. Kompleto ang mga bahagi at tama ang pormat 10

4. Mahusay ang paggamit ng wika at angkop ang tono ng pananalita. 10

Kabuuan 40

1. Sumulat ng isang babala para sa jaywalking. Isulat ito sa maikling. Gumamit ng

malalaking titik, disenyo, at kulay na angkop sa babalang nais iparating.

2. Gamit ang halimbawang pormat ng instruksiyon na makikita sa aralin, bumuo ng isang

instruksiyon sa paggawa, pagbuo, o pag-iingat sa/ng isang bagay. Lagyan ito ng mga

babala, paunawa, at paalala.

Pamantayan sa Paggagrado:

__________ 5. Attention icon ang nararapat na grapikong larawan na makikita sa tabi ng

isang paalala.

Page 23: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

97

Paglalagom

• Sinusulat ang anunsiyo upang makapagbahagi at makapagbahagi ng impormasyon.

• Isang karaniwang katangian ng mga anunsiyo ang pagiging malinaw at maikli. Sa

sulating teknikal, ito ay nasa anyo ng liham o memorandum.

• Ang instruksyon ang pangkalahatang tawag sa mga sulating karaniwang ginagamit

para sa manwal, mga assembly at maintenance, mga polyeto, at mga

korespondensiyang pagnenegosyo.

• Ang babala (warning) ay isang instruksiyon na inilalagay upang makaiwas na

masaktan ang tagapagsagawa (operator) at/o maiiwasan ang pagkasira ng equipment

o kagamitan sa normal na operasyon

• Isang uri ng babala ang paunawa (caution). Dito, ang instruksiyon ay para sa

tagapagsagawa at tinutukoy para sa kaniya ang mga pag-iingat na akma sa ilalim ng

partikular na sirkumstansya upang maiwasan ang pagkasira ng kagamitan.

• Ang paalala (note) ay ginagamit upang tukuyin ang aytem na nagbibigay lamang ng

impormasyon at makatutulong sa taong gumagamit upang maunawaan ang layunin

ng isang instruksiyon.

• Ang babala at paunawa ay gumagamit ng attention icon, samantalang ang

paalala ay gumagamit ng raised hand icon o pointing finger icon.

Sanggunian

• Borrowick, J. (2000). Technical Communication and It Application. 2nd Ed, New

Jersey: Prentice Hall

• Estrada, J. (2017). Public Advisory. Manila Mayor Joseph Estrada.

Page 24: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

98

Www.Facebook.Com. https://web.facebook.com/ mayorjosephestrada/photos/public-

advisorynagpadala-ng-anunsyo-si-manila-mayor-joseph-estrada-

nasuspendido/189041574994839/?_rdc=1&_rdr

• Exec8. (2019). English: CCTV Warning 24-hour Video Surveill. Wikimedia Commons.

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:CCTV_Warning_24-hour_Video_

Surveillance_--_Babala_Nakabantay_24-Oras.svg

• Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex

Book Store Inc.

• Melich, S., at Smith-Worthington, D. (1997). Technical Writing for Success: A School-

to-Work Approach. Ohio: South-western Educational Publishing.

• Navotas City. (2018).Status. Twitter.com

https://twitter.com/navotas_city/status/1052844694193893376?lang=bg

• Pinoy Funny Pictures. (2010). Sa Loob ng Swimming Pool.

https://pinoyfunnypictures.blogspot.com/2010/08/sa-loob-ng-swimming-pool.html

Page 25: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

MODYUL 11 Ulat ng Progreso at Ulat Panlaboratoryo

Panimula

Sa anumang propesyon, asahan mo na ikaw ay pasusulatin ng ulat o report sapagkat

dito nalalaman ang kalagayan ng isang proyekto o kaganapan sa isang bagay mahalaga ito

upang malaman ng isang tao o kompanya kung ano ang kalagayan o nasaan na ba ang

nararating ng isang proyekto ng kompanya. Iba’t iba ang haba at uri ng mga ulat. Nakatuon

ang araling ito sa pagbuo ng maiikling ulat (isa hanggang limang pahina) lamang.

Sa araling ito, nakatuon ang pagtalakay sa dalawang uri ng report: una, sa ulat ng

progreso na sumasagot sa tanong na “Ano ang estado natin o ng ating trabaho?” at

pangawala, sa ulat panlaboratoryo na sumasagot naman sa tanong na, “paano natin ginawa

ang trabaho?”

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes)

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

• Natutukoy ang kahulugan ng ulat ng progreso at panlaboratoryo;

• Nailalapat sa pagsulat ang mga bahagi at pormat ng ulat ng progreso at

panlaboratoryo; at

• Nakapagsusulat ng ulat ng progreso at/o panlaboratoryo.

Page 26: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

100

Aralin 1. Ulat ng Progreso

Halaga ng mga Ulat (Francisco et al., 2017)

1. Magkaroon tala o rekord ng naisagawang gawain o tungkulin.

2. Makapagrekord at makapagbigay-linaw sa mga komplikadong impormasyon bilang

sanggunian sa hinaharap.

3. Magpresenta ng impormasyon sa

malaking bilang ng tao.

4. Magtala ng mga suliraning kinaharap.

5. Makapagdokumento ng iskedyul,

talahanayan ng panahon, at

mahahalagang pangyayari o nagawa.

6. Magbigay ng rekomendasyon para sa

mga susunod na aksiyon.

7. Maidokumento ang kasalukuyang

kalagayan.

8. Makapagrekord ng mga pamaraan.

Pagsulat ng Ulat ng Progreso (Francisco et al., 2017)

Sa trabaho nais malaman ng mga superbisor kung:

• Ano ang iyong ginawa

• Progreso ng proyekto

• Ikaw ay nasa iskedyul

• Pagsubok na kinaharap

• Plano sa susunod na pag-uulat

Ang ulat progreso ay (Francisco et al., 2017) :

• Isang maikling ulat sa progreso ng ginagawang proyekto

• Nagbibigay ng maikling buod sa estado ng proyekto

• Inilalarawan ang mga gawaing bumubuo sa proyekto at

• Sinusuri ang progresong naisagawa upang makompleto ang gawain

Mula sa: seanheritage.com (2013)

Pigura 11.1. Halimbawa ng Paglalarawan sa

Progreso

Page 27: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

101

Sa ulat ng progreso kailangang ipaalam sa superbisor ang tatlong (3) bagay

(Francisco et al., 2017):

• Ang problemang sinosolusyonan

• Ang solusyon na ipinatutupad, at

• kung gaano kahusay na ang nagagawa.

Aralin 2. Mga Pangunahing Bahagi o Komponent ng Ulat Progreso (Francisco et al., 2017)

Ang haba ng ulat ng progreso ay depende sa pangangailangan, ngunit kadalasang

may 1-3 haggang pahina ang isang ulat ng progreso.

Ulo ng Memorandum

Minsan ipinapaloob ang ulat progreso sa memorandum

Ulo ng Liham

Ang ulat progreso ay ginagawa rin sa anyong liham. Nagtataglay ito ng; a) pamuhatan;

b) petsa; c) patunguhan; d) bating pambungad; at e) panimulang pangungusap ng liham ,

bago isunod ang introduksiyon.

Petsa:

Para sa/kay:

Mula sa/kay:

Paksa

WXYZ Advertising, Inc

155 U.N. Avenue

Manila, 56789

Marso 1, 2015

G. Lamberto Sikatuna

Uptown Ads, Inc.

1443 Dinaluyong Street

Yolanda, Metro Manila 26111

Page 28: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

102

I. Introduksiyon (Kaligiran)

Sa loob ng 1-2 pangungusap , ipakilala ang proyekto at ang ulat, at ibuod ang estado

ng proyekto. Kadalasang nilalagyan ito ng pamagat na “Introduksiyon” o “Buod.” Banggitin

ang dahilan sa pagsusulat ng ulat.

Mga Layunin

Sa patalatang paraan, ilahad at ipaliwanag ang sumusunod:

1. Bakit mo ginagawa ang proyektong ito? (Rasyunal)

2. Ano ang mga suliranin na naging motibasyon mo sa paggawa ng proyekto?

3. Ano ang inaasahan mong matatamo o maisasagawa?

4. Sino ang nagpasimula ng gawain?

Saklaw

Ilarawan ang mga kabilang sa tatalakayin sa ulat at ang hindi.

Mahahalagang Tao

Sino ang mga mahahalagang tao o personnel na kasama sa pagbuo ng

proyektong ito? Banggitin ang work team, departamento, o grupong kasali sa gawaing

pinaplano, at ang mga kontak na kailangan upang maisagawa ang proyekto.

II. Diskusyon (Estado ng Proyekto, Mga Natuklasan, Katawan, at Adyenda)

Mga Naisagawang Gawain

• Ilarawan ang mga bagay na natapos na.

• Ilarawan kung gaano katagal ang ginugol para matapos ang gawain

• Mga suliranin kung mayroon man.

• Ibuod ang mga nagawa sa panahong sakop ng ulat.

• Bigyang pansin ang mga kailangang malaman sa ngayon.

• Gumamit ng bulleted o numbered list.

Mga Suliranin

Ibuod ang mga problemang hinarap at ipaliwanag kung paano ginawan ito ng

solusyon. Banggitin ang mga pagbabago bunga ng bagong iskedyul, pokus, dagdag

na panahon sa pananaliksik. Gumamit din ng bulleted list.

Mga Susunod o Natirang Gawain

• Dito binabalangkas ang mga gawain dapat tapusin.

• Gumawa ng timetable.

Page 29: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

103

• Magbanggit ng estratehiya sa pagtapos ng gawain.

• Ilarawan ang mga panganib at dulog o approach.

• Ibalangkas ang natitirang gawain para sa proyekto, kabilang ang petsa ng

pagtapos ng gawain at pagtataya sa oras na kailangan.

III. Kongklusyon/Rekomendasyon

Konklusyon

1. Ibuod ang kasalukuyang estado ng proyekto (maaring magbigay ng papuri dito.)

2. Sunod, dapat na magbigay ng ebalwasyon o pagtataya sa progresong ginawa sa

panahon ng pagsulat ng ulat. Magbigay ng prediksyon o forecast tungkol sa kung

paano mabubuo o kailan ang proyekto. Ibuod ang mga nagawang gawain at ilagay sa

target na petsa.

3. Mag-iwan ng contact o e-mail na maaring ugnayan para sa dagdag na impormasyon.

Rekomendasyon

Kung may mga suliraning ipiniresenta sa diskusyon, maaring magrekomenda ng

pagbabago sa isykedyul, mga tao, badyet, o mga materyal na makatutulong sa iyo upang

makahabol sa deadline.

Makikita sa ibaba ang halimbawa ng balangkas ng ulat ng progreso. Sa paglalapat

nito sa mga tunay na sitwasyon sa trabaho, bawat bahagi ay dapat buuin ng mga talatang

tumatalakay sa detalye ng progreso ng isang gawain.

Progreso sa Pagsasagawa ng Isang Proyekto.

I. Introduksyon

A. Inuulat ko ang tungkol sa isinisagawang proyekto.

B. Saklaw ng ulat na ito ang nagawa kong trabaho sa nakaraang dalawang linggo.

C. Nakatuon ako sa pamimigay ng cash incentives para sa mga empleyado.

II. Natapos na Gawain

A. Natuklasan ko ang problema sa bangkong kasalukuyang humawahawak ng sahod

ng mga empleyado.

B. Natuklasan ko ang pagkahuli o delay sa pagtanggap ng cash incentives.

Page 30: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

104

Petsa: Abril 25, 2015

Para sa/kay: Elias Absalon

Mula sa/kay: Jessie Madlansakay

Paksa: UNANG TRAYSEMESTRAL NA REPORT – KONSTRUKSIYON NG PROYEKTO 83

INTRODUKSYON

Bilang tugon sa inyong hinihingi noong Enero 8, 2015 ang sumusunod ay ang aming unang

traysemestral na ulat tungkol sa Konstruksiyon ng Proyekto Bonifacio (Lokal na Paliparan)

Ang Departamento ng Konstruksiyon ay nasa proseso na ng pagsisimula sa mga plano ng

ating kompanya sa pagtatayo ng lokal na paliparan at pagsasaayos ng kapaligiran. Ang mga plano

para sa konstruksiyon ay ang mga sumusunod:

Pigura 11.2. Balangkas ng Ulat Progreso

Mula sa: Francisco, G., et.al (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Pahina 109

III. Mga Susunod na Gawain

A. Sa susunod na dalawang linggo, personal kong pupuntahan ang ABC Bank upang

makipag-usap sa tagapamahala.

B. Tinitingnan ko rin ang mga posibleng dahilan ng pagkahuli sa pagpapadala ng cash

incentives.

IV. Kongklusyon

A. Nahuhuli na ako sa tinakdang oras, sana ay hayaan ninyong tulungan ako ni G.

Santos

B. Mayroon akong dalawang rekomendasyon:

1. Pagpapadala ng normal na liham ng pagrereklamo sa tagamahala ng ABC

Bank

2. Paghahanap ng bagong bangko para sa sahod ng mga empleyado.

Page 31: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

105

1. Pagtatayo ng airport – kabilang ang mga terminal, runway, daanan, toreng pang-

obserbasyon, paradahan, at pasilidad.

2. Pagpapaganda ng kapaligiran – paglalagay ng mga hardin, lawang gawa ng tao,

pagsasagawa ng landscaping, at pagsasaayos ng mga paskil.

DISKUSYON

Mga Naisagawang Gawain

Sa unang bahagi ng taon, nakompleto namin ang mga sumusunod:

1. Kontraktor. Nakipag-ugnayan na ang departamento sa mga pangunahing kontraktor (Malay

Engineering at EAN Architecture and Design). Binisita nina Reymond Montes at Trish

Almonte ang napagkasunduang lugar at nakumpirma na ang iskedyul ng konstruksiyon.

Natapos ang gawaing ito noong Pebrero 10, 2015.

2. Mga Permit. Nang matapos ang pagbisita sa lugar at napagkasunduan ang iskedyul ng

pagtatayo, kumuha sina Montes at Almonte ng building permit mula sa lungsod. Natapos

nila ang gawaing ito noong Pebrero 18, 2015.

Pahina 2

Jessie Madlansakay

Abril 25,2015

3. Pagpapadala Gamit ang Barko. Naipadala sa tamang oras ang mga kongkreto, aspalto, at

mga bakal sa unang bahagi ng taon. Tatlumpung araw na mas maaga sa iskedyul ang

dumating na probisyon ng mga bahaging kailangan. Dumating ang mga materyales noong

Marso 1, 2015.

4. Pahintulot ng DENR. Inaprubahan ng DENR ang ating plano ng konstruksiyon. Sumunod

tayo sa mga patnubay sa mga paglalabas ng mga usok o kemikal, polusyon at maging sa

mga konsern hinggil sa panganib sa kalikasan. Malapit ang lugar na ating pagtatayuan sa

Page 32: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

106

isang santuwaryo ng mga ibon at may mga punong matatamaan, Nakipagkasundo kami sa

DENR na hindi gagalawin ang 50-ektarya na kabilang sa nabanggit na lugar. Gayunman,

dahil sa makikinabang ang komunidad, natutuwa kaming nabigyan ng permiso sa

proyektong ito. Dumating ang pahintulot ng DENR noong Marso 12, 2015.

Mga Susunod o Natitirang Gawain

Upang makompleto ang aming proyekto, kailangan naming maisagawa ang sumusunod:

1. Pagpapatalastas. Gumawa na ang Departamento ng Pag-aanunsiyo ng mga materyal

pamporomosyon, inaayos ang mga timeslot para sa radyo at telebisyon, at mga paskil sa

daanan. Layunin ng naturang departamento na ang ating konstruksiyon ng paliparan ay

maipagmalaki at maipagdiwang ng komunidad.

2. Mga Paskil. Dahil sa pagtatayo ng mga bagong kalsada, ang Departamento ng

Transpotasyon ay gumagawa ng paskil sa kalsada upang tulungan ang publiko sa pagtahak

sa ating mga bagong daanan.

Karagdagan dito, bumuo ang departamento ng espesipikong logo o disenyo para

sa mga paskil sa kalsada. Layunin nitong lumikha ng logo na sumusuporta sa

pangangalaga sa kalikasan at nagpapakita ng progreso at paglago ng komunidad.

Pahina 3

Jessie Mandlansakay

Abril 25, 2015

3. Pagpapaganda sa Kapaligiran. Nakikipagtulungan kami sa Silangan Lawn sa pagpapa-

landscape ng paliparan, daanan, at dalawang lawa. Pumipili at bumibili ng iba’t ibang

disenyo ng halaman ang mga arkitekto ng grupo at nagtatakda ng araw ng pagtatanim.

Magpapahukay para sa man-made lake at si Almonte ang kontak namin sa gawaing ito.

4. Konstruksiyon. Kailangan maitayo ang buong Paliparan. Ito ang pinakamalaking bahagi ng

trabahong nalalabi.

5.

Sa ibaba ay makikita ang talahanayan ng porsiyento ng aming estado sa ngayon:

Page 33: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

107

Pigura 11.3. Halimbawa ng Ulat Progreso

Mula sa: Francisco,G., et.al (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Pahina 112

Progreso ng Trabaho ng Construction Team

Pahina 4

Jessie Madlansakay

Abril 25, 2015

Mga Suliranin

Ang ilang bahagi ng lupa na pagtatayuan ng lawa ay may matitigas na bato, at ito ay

nagbubunga ng pagbagal ng trabaho. Sinabi rin ng DENR na kailangang mailipat ang mga ito sa

santuwaryo. Ang mga ginagawang mga hakbang sa paglilipat sa mga ibon at sa pagtatanggal ng

mga bato ay nakakadagdag sa oras ng pagtatrabaho, maapektuhan din nito ang ating badyet.

KONKLUSYON/REKOMENDASYON

Bagaman nagsisimula pa lamang ang ating proyekto, kasalukuyang nasa 20 porsiyento na

ang ating naisagawa. Inaasahan natin na matagumpay na matatapos ang proyektong ito lalo na

sapagkat maagang dumating ang mga materyales.

Tanging pagkaantala sa paghuhukay sa lawa ang nagiging problema sa ngayon. Nahuhuli

tayo sa iskedyul at lumalabis sa gastos. Kung madaragdagan ang mga tauhan para mapabilis ang

pagtatanggal ng mga bato at kung magkakaroon ng dagdag na pondo, makakaabot tayo sa target

na petsa. Maari rin tayong makipag-ugnayan kay G. Arnold Embarkadero, ang ating kontak sa

lungsod ng Tabak, para humingi ng suporta sa gobernador. Siya ang nakakaalam ng bagay kaugnay

sa pondo ng lunsod na posibleng makatulong sa pinansiya o magbigay ng endowment o donasyon.

Sa tulong ninyo at ni G. Embarkadero, makakahabol tayo sa ating iskedyul.

Page 34: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

108

Aralin 3. Ulat Panlaboratoryo

Ayon kina Francisco et al. (2017), pinahahalagahan ng mga propesyunal sa larangan

ng eletroniks, inhenyeriya, medisina, kompyuter, at iba pang teknolohiya ang husay sa

komunikasyon, hindi lamang ang husay sa kasanayan. Mahalagang maibahagi sa mga

kasamahan at superbisor ang mga resulta ng mga eksperimento sa laboratoryo upang

makinabang ang mas nakararami sa mga natuklasan sa mga pag-aaral na ito. Ang layunin

ng ulat laboratoryo ay maidokumento ang mga natuklasan matapos ang pagsasagawa ng

pagsusuring panlaboratoryo.

Ang ulat panlaboratoryo ay pormal na tala o rekord ng isang eksperimento. Ito ay

diskusyon ng mga layunin, pamamaraan at

espesipikong resulta (Francisco et al., 2017).

Isa itong uri ng siyentipikong

komunikasyon. Ang layunin ng ulat

panlaboratoryo ay ipaliwanag ang layunin,

metodo, at resulta ng isang pag-aaral sa

paraang malinaw at maikli upang maunawaan

ng isang di-espesyalista o di-siyentipikong

mambabasa (Francisco et al., 2017).

Aralin 4. Mga Komponent ng Ulat Panlaboratoryo

Ang isang ulat panlaboratoryo ay karaniwang may ganitong estruktura

(Francisco et al., 2017):

I. Pamagat – maikli ngunit impormatibo ang pamagat ng ulat panlaborotaryo. Sinasagot

nito ang tanong na “tungkol saan?” ang isinigawang gawain sa laboratoryo.

Halimbawa: Epekto ng Non-Steriodal Anti-inflammatory Drugs na uri ng mga Gamot

sa Digestive System ng Kabataan Edad 15-17.

Mula sa: flickr.com (2009)

Pigura 11.4. Lab Report

Page 35: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

109

II. Abstak – binubuo ng 50-200 salita na ibinubuod ang layunin, metodo at mga

pangunahing resulta ng eksperimento.

III. Ulo ng Memorandum o Liham – Inilalagay ito bilang panimula ng ulat. Kapag nasa

loob ng organinsayon o kompanya, gamitin ang Ulo ng Memorandum at kung nasa

labas naman, gamitin ang Ulo ng Liham.

IV. Introduksiyon

Inilalarawan nito ang layunin at ang siyentipikong konteskto ng eksperimento.

Sinasagot nito ang tanong na, “Bakit gagawin ang eksperimentong ito?” at “Bakit

gagawin ang eksperimentong ito sa ganitong paraan?”, inilalahad din nito ang kaligiran

o background ng pag-aaral o ang teoryang gagamitin o ilalapat sa eksperimento.

Balangkas ng Introduksyon

1. Rasyonal (Anong suliranin ang naging motibasyon sa pagbuo ng ulat na ito?)

2. Mga Layunin (Ano ang inaasahang mapatunayan sa ulat na ito?)

3. Awtorisasyon (Para kanino ang isinusulat na ulat na ito?)

Kaligiran

1. Teorya – karaniwang may sinusubok na teorya o kaya ay nakasalig sa isang

teorya ang isang eksperimento. Ilarawan at ipaliwanag ang teoryang basehan

o saligan ng mga interpretasyon o ang teoryang nais patunayan o subukin.

Petsa:

Para sa/kay:

Mula sa/kay

Paksa:

216 Halaman Street

Karaniwan, Bulacan 3456

(032) 897-0987

Abril 5, 2015

G. Andres Jacinto

Blackledge Coal Company

4532 Sta. Anan

Manila, Philippines

Page 36: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

110

2. Research Test at Ebalwasyon – ilagay rito ang mga naunang pag-aaral na may

kaugnayan sa pananaliksik na ito.

3. Apparatus – ilarawan ang mga kagamitang kailangang gamitin sa pananaliksik

na ito.

V. Diskusyon (Katawan at Metodolohiya)

Sa diskusyon makikita ang katawan ng ulat.

1. Metodo – ang bahaging ito ang naglalarawan kung paano isinasagawa

eksperimento – ang mga kagamitang ginamit, pagsukat na isinagawa, at

natatanging pag-iingat na kinakailangang gawin.

2. Pagsusuri – sumasagot ito sa tanong na “Ano ang sunod-sunod na hakbang

na iyong sinusunod sa pagsasagawa ng pagsusuri sa laboratoryo?” Dito

inilalarawan ang pagsusuring ginawa sa datos upang maisalin ito sa

kuwantitatibong impormasyon na magagamit sa interpretasyon. Kailangan

ipakita ang raw data (mga datos bago ang kumbersasyon manipulasyon)

upang mapanindigan ang mga lumabas na variables. Gumamit ng talahanayan

o table.

VI. Kongklusyon at Rekomendasyon

Ang kongklusyon ng ulat panlaboratoryo ang nagpepresenta ng iyong mga

natuklasan. Dito makikita kung ano ang iyong natutuhan, nadiskubre, nahanap? Ano ang

implikasyon ng mga ito.

Ang rekomendayon naman ang naglalaman ng mga mungkahi para sa

susunod pang aksyon na dapat isagawa, kung mayroon.

216 Halaman Street

Karaniwan, Bulacan 3456

(032) 897-0987

Abril 5, 2015

G. Andres Jacinto

Blackledge Coal Company

4532 Sta. Anan

Manila, Philippines

Page 37: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

111

ULAT PANLABORATORYO

FOSSIL SAMPLES CAMARIN

TABING ILOG, STA. ELENA, CAMARIN NORTE

INTRODUKSIYON

Noong nakaraang linggo nagpadala kayo sa amin ng mga sample mula sa Tabing Ilog, Sta.

Elena. Mula sa pagsusuri ng mga sample sa aming laboratoryo, naniniwala kaming nagpapakita ang

mga ito ng presensiya ng batong nagtataglay ng karbon. Tulad ng inyong hinihigi, ang ulat na ito ay

magbibigay ng buod ng mga materyal at pamamaraang aming ginagamit sa proyektong ito, kasama

na ang anumang suliraninng hinarap namin.

Ang aming metodolohiya sa uri ng gawaing ito ay tukuyin ang maliit na fossils na taglay ng samples,

magbibigay ng taya sa edad ng bato, at bumuo ng mga pagpapalagay kung ang mga nakapaligid

na bato ay maaring nagtataglay ng karbon.

MATERYAL

Ang aming pagsusuri sa laboratoryo ay nakasalalay sa isang piraso ng espesyal na

kagamitan na tinatawag na Honeton Microscope. Bukod sa Honeton, gumagamit din kami ng

simpleng manwal na mikroskopyo na may 400-power at mga karaniwang instrumento sa geology

lab tulad ng filtering screens at burners.

PAMAMARAAN

Una muna naming sinubukan ang pagtukoy sa eksaktong uri ng fossils na taglay ng mga

bato. Ang espesipikong mga hakbang na isinagawa sa laboratoryo ay ang sumusunod:

1. Gumamit kami ng 400-power na mikroskopyo upang matukoy ang uri ng fossils na naroroon.

Batay sa inspeksiyon na aming isinagawa, ang kongklusyon namin ay may dalawang

pangunahing uri ng microfossils: ang nannoplankton at foraminifera.

G. Andres Jacinto

Abril 5, 2015

Pahina 2

2. Nag-extract kami ng microfossils mula sa mga sample na inyong ibinigay. Gumamit kami ng

dalawang magkaibang teknik:

A. Pag-ekstrak sa Nannoplankton

• Pumili ng maliit na piraso ng sample na sinliit ng butil ng pebble.

• Dinurog ng husto sa ilalim ng tubig.

Page 38: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

112

• Gumamit ng dropper upang matanggal ang ilang materyal na lumulutang

sa ibabaw ng tubig (taglay nito ang nannoplankton).

• Tinuyo ang kombinasyon ng nannoplankton at tubig.

• Inilagay ang nannoplankton sa isang slide.

B. Pag-ekstrak sa Foraminifera

• Pinakuluan ang maliit na bahagi ng sample

• Gumamit ng microscreen upang tanggalin ang clay at iba pang materyal

na hindi kailangan.

• Pinatuyo ang natitirang materyal (Foraminifera).

• Inilagay ang Foraminifera

MGA SULIRANING KINAHARAP

Nasunod ang plano nang maayos. Maliit lamang ang naging problema at naganap ito nang

tinatanggal namin ang isa sa mga sample mula sa lalagyan nito noong ipinadala ang mga ito.

Habang tinatannggal ang bag mula sa kahon, bigla itong nabuksan. Nabasag ang sample nang ito

ay malaglag sa mesa ng laboratoryo. Mabuti na lamang, mayroon kaming ekstrang sample mula

sa parehong lokasyon.

KONGKLUSYON

Sa pagsusuri sa mga fossils na nilalaman ng mga sample, nagmula ang mga ito sa

matatandang bato na maaring nagtataglay ng karbon o uling. Ang kongklusyon na ito ay batay sa

limitadong pag-aaral, kaya iminumungkahi namin na magsagawa ng karagdagang mga pagsusuri

sa mas maraming sample mula sa lugar. Ikalulugod namin ang matulungan kayo sa karagdagang

pagkuha ng sample at pagsusuring inyong isasagawa.

Tatawagan ko kayo ngayong linggo upang talakayin ang aming pag-aaral at anumang

posibleng follow-up na nais ninyong gawin namin.

Gumagalang,

Maryo Buenaobra

Chief Geologist

Pigura 11.5. Halimbawa ng Ulat Panlaboratoryo

Mula sa: Francisco,G., et.al (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Pahina 117

Page 39: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

113

Pagsasanay

Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang sa kaliwa.

____ 1. Ang bahaging ito ang nagpapakilala sa ulat at dahilan ng pagsulat ng ulat.

____ 2. Grupong kasali sa pagsasagawa ng mga plano sa proyekto, gayundin ang mga

kontak sa pagsasagawa nito.

____ 3. Mahalagang Sulatin na naglalaman ng tala o rekord ng naisagawang gawain o

tungkulin.

____ 4. Nagtataglay ito ng pamuhatan, petsa, patunguhan, bating pambungad, at

panimulang pangungusap ng ulat bago ang introduksiyon.

____ 5. Mga natapos na gawain na kailangan ding banggitin sa kasalukuyang ulat.

m. Nakaraang Gawain n. Saklaw o. Naisagawang Gawain

Page 40: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

114

Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang performans na gawain)

Panuto: Sumulat ng isang ulat progreso o ulat panlaboratoryo. Para sa susulat ng ulat

progreso, maaring pumili mula sa mga larangan at grupo ng mga tao sa ibaba na maaring

gawan ng sitwasyong ilalapat sa isusulat na ulat ng progreso (maari ring mag-isip ng

sariling larangan at sitwasyon na hindi nabanggit.)

a. Midya – direktor at manunulat ng iskrip

b. Edukasyon- prinsipal at guro

c. Negosyo – tagapamahala ng mga benta at tagapagbenta

Panuto: Para sa susulat ng ulat panlaboratoryo, isagawa ang sumusunod na mga

eksperimento sa laboratoryo ng paaralan o sa bahay. Sumulat ng panlaboratoryo kaugnay

ng isa sa mga ito. Maaring magsagawa ng iba pang eksperimentong hindi nabanggit dito.

a. Alin ang mas mabisa sa pagpapaputi ng damit – kalamansi, suka, o chlorine?

b. Obserbasyon sa pagtatanim at pagtubo ng monggo o anumang gulay na

madaling tumubo.

Gumamit ng grapikong larawan o talahanayan o chart sa pagsasagawa ng ulat

panlaboratoryo.

*Short bond paper. Arial 12, 1.5 Spacing, Indent 1st line of the paragraph, at ang margin

1.5 left, 1 inch the rest.

Pamantayan sa Paggagrado:

Pamantayan Puntos Iskor

1. Impormatibo ang Nilalaman 10

2. Kompleto ang mga bahagi at tama ang pormat 10

3. Tama ang gamit ng wika at tono ng pananalita 10

4. Maayos ang pagkakasulat 10

5. Malikhain at mabisa ang mga ginamit na biswal pantulong 10

Kabuuan 50

Page 41: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

115

Paglalagom

Ang ulat progreso ay:

• Ang ulat progreso ay isang maikling ulat sa progreso ng ginagawang proyekto

• Nagbibigay ng maikling buod sa estado ng proyekto

• Inilalarawan ang mga gawaing bumubuo sa proyekto at

• Sinusuri ang progresong naisagawa upang makompleto ang gawain

• Ang bahagi ng ulat progreso ay binubuo ng; ulo ng liham/ulo ng memorandum,

indtroduksyon, diskusyon (Estado ng Proyekto, Mga Natuklasan, Katawan, at

Adyenda), at Kongklusyon/Rekomendasyon.

Ang Ulat Panlaboratoryo ay:

• Ang ulat panlaboratoryo ay pormal na tala o rekord ng isang eksperimento. Ito ay

diskusyon ng mga layunin, pamamaraan at espesipikong resulta.

• Ang layunin ng ulat panlaboratoryo ay ipaliwanag ang layunin, metodo, at resulta ng

isang pag-aaral sa paraang malinaw at maikli upang maunawaan ng isang di-

espesyalista o di-siyentipikong mambabasa.

• Ang mga komponent ng ulat panlaborotoryo ay; Pamagat, Abstrak, Ulo ng

Memorandum Liham, Introduksiyon, Diskusyon (Katawan at Metodolohiya), at

Kongklusyon at Rekomendasyon.

Sanggunian

• Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc).

Rex Book Store Inc.

• Heritage, S. (2013). When People Impede Progress. (Guest Post) - Sean Heritage.

Sean Heritage.

https://seanheritage.com/blog/people-impede-progress-guest-post/

• Jimmie. (2009). Lab report. Flickr.

https://www.flickr.com/photos/jimmiehomeschoolmom/3391469181

Page 42: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

MODYUL 12 Naratibong Ulat

Panimula

Ginagamit ang naratibo ng mga propesyunal na nangangailangang mag-ulat ng isang

kronolohikal na salaysay. Ayon kay Vrouvas (2010), ginagamit ito ng mga opisyal ng pulisya

sa paglalarawan sa isang aksidente, ng mga doktor na naglalarawan ng mga operasyon at

kalagayan ng pasyente. Maari rin itong gamitin ng mga gurong naglalahad ng kanilang

karanasan sa pagtuturo sa partikular na mga mag-aaral, at ng mga proppesyonal sa larangan

ng teknolohiya sa pagpapaliwanag ng pagbabagong teknikal.

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes)

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

• Naibibigay ang kahulugan ng naratibong ulat;

• Natutukoy ang bentahe ng pagsulat ng naratibong ulat sa komunikasyon

• Naiisa-isa ang mga paaraan sa pagsulat ng naratibong ulat; at

• Nakapagsusulat ng isang naratibong ulat ayon sa larangang nakatala.

Aralin 1. Ang Naratibong Ulat

Binigyang kahulugan nina Francisco et al. (2017), na ang naratibong ulat ay kailangan

sa iba’t ibang larangan. Ito ay isang dokumentadong ulat ng isang pangyayari na isinusulat

sa paraang kronolohikal. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na nagsasalaysay

ng kuwento ay pinakaakma sa mga ulat na may mga pangyayaring may simula, gitna, at

wakas.

Page 43: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

117

Dagdag pa nila, na karaniwang nakikita ang naratibong ulat mula sa ibat- ibang

ahensiya o kompanya na nagbubuo ng mga ulat hingil sa gawain o kaya’y mahalagang

pangyayari sa isang organisasyon o institusyon. Layunin nito ay mapag ugnay ang mga

pangyayaring naging karanasan, namasid o nasaksihan (Francisco et al., 2017).

Ang naratibong ulat ay nagtataglay ng mga katangian na (Pascua 2017):

1. Mabuting pamagat na maikli, kawili-

wili, kapana-panabik, nagtatago ng

lihim, orihinalidad at hindi katawa tawa.

2. Mahalagang Paksa.

3. Wastong pagkakasunod-sunod.

Simula - Gitna - Wakas - Nagbabalik

sa tunay na simula at nagtatapos sa

tunay na wakas na ginagamit na

simula ng may akda.

4. Kawili-wiling Simula at Wakas.

Karagdagan, ito ay pagpapahayag na naglalayong maghayag ng sunod- sunod na

pangyayari na palasak na kinakailangan ng tao (Pascua 2017).

Ayon kina Onega at Landa (1996), ang naratibo ay isang representasyon ng serye ng

mga pangyayari. Kailangang tandaan na sa isang naratibong ulat, may isinasalaysay o

ikinukuwento, kaya ang sumusulat nito ay kailangang may ideya ng banghay o

pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ayon sa artikulong How to Write A Solid Narrative

Report mula sa International.vaquiero.com, ang pangunahing katangian na kailangang

tandaan sa pagsulat ng mahusay na naratibo ay ang paglilista ng mga detalye sa kronolohikal

na ayos habang ipinapasok ang personal na punto de bista sa kabuuan ng papel.

Nagkakaroon ng saysay ang mga pangyayari kapag ginagamitan ng pagkukuwento.

Pinupukaw ng mga salaysay o naratibo ang atensyon at emosyon ng mambabasa (Legitt

2011).

Mula sa: slideshare.net (2017)

Pigura 12.1. Naratibong Ulat

Page 44: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

118

Ayon kina Francisco et al. (2017), pormal ang gamit na wika sa naratibong ulat,

maaring magaan upang mas komportable sa mambabasa. Natural na pagkukuwento ang

tono. Nagsasalaysay ng kuwento ang nagsusulat. Ang pangkaahatang pormat ng naratibong

salaysay ay dapat may taglay na panimula na maaring may kaligiran (ng sitwasyon o ng

kompanya) at mga layunin, banghay o mga pangyayari, mga tauhang kasangkot sa

pangyayari, mga lugar o tagpuan, kasukdulan, mga naging problema at mga aral na maaring

matutuhan at, isang kongklusyon.

Dagdag pa nina Francisco et al. (2017), ang susi sa matagumpay na introduksyon ng

naratibong ulat ay magkaroon ng “pamukaw” o elementong interesante para makuha ang

atensiyon ng mambabasa. Nararpat ding may kasukdulan o climatic moment na magbibigay

ng pagkakataon upang makapaglahad ng resolusyon o mga paraan para sa pagpapaunlad.

Kapag nakapagtatag na ng resolusyon, dapat ihayag ang kongklusyon na magsisislbing

pinakabuod ng mpangunahing aral o solusyon.

Ayon kay Pascua (2017), maaring Pasalita o Pasulat ang pagsasalaysay. Ang

dalawang paraang ito ay maaring hanguin sa mga sumusunod; 1). Sariling Karanasan, 2).

Pangyayaring Nakita o Nasaksihan, 3). Pangyayaring Narinig o Napakingan, 4).

Pangyayaring Nabasa o Natunghayan, at 5. Bungang Isip o Likhang Isip.

Aralin 2. Kahalagahan at Bentahe ng Pagsulat ng Naratibong Ulat sa Komunikasyong Teknikal

Ayon kay Legitt (2011), batay ang agham sa mga obserbasyon,

katotohanan,estadistika, at pagsusuri, gayundin ang mga ulat teknikal ay nararapat na

obhetibo, masinsin, at nagtataglay ng ilang tuyot na nilalaman. Sa pamamagitan ng dulog na

naratibo, magagawa ng isang mapanghikayat at malakas na salaysay ang isang pag-aaral o

papel na nakakamanhid ng utak.

Ang mga bentahe ng naratibong ulat ayon kay Barton (1988) ay:

1. Mas madaling maunawaan ng mambabasa at mas mabilis basahin ang teksto;

2. Mas epektibong napoproseso sa utak ng mambabasa;

3. Mas natatandaan ang daloy ng mga isinasalaysay na pangyayari at; at

Page 45: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

119

4. Higit na kapani-paniwala at mapanghikayat kaysa sa paglalahad.

Aralin 3. Paraan ng Pagsulat ng Naratibong Ulat (Francisco et al., 2017)

1. Sundin ang SAKS-BP (Sino-Ano-Kailan-Saan-Bakit/Paano). Simulan ang borador o

draft ng ulat sa pamamagitan ng pagtatala ng isang talata na nagtataglay ng mga

detalye kung sino ang kasangkot, ano ang nangyari, kailan ito nangyayari, at saan

nangyayari.

2. Pahalagahan ang elemento ng oras at detalye.

3. Iwasan ang paggamit ng aktwal na na pangalan kung ang iniimbistigahan ay isang

kaso o di-tiyak na salarin o pangyayari. Ilagay ang mga pangalan kung tiyak ang

aksiyong kanilang ginawa o mahahalagang kasangkot ang taing babanggitin, kung

hindi naman, itago sila sa mga pangalan o katawagan, halimbawa Inspektor 1 o

Drayber 2.

4. Piliin ang pinkaakmang anyo ng naratibo. May dalawang anyo ng naratibo ayon sa

website ng Northern Illinois University. Una, ang pagsulat na walang diyalogo o ang

simpleng pagsulat sa bawat aksiyon ayon sa mga pangyayari. Pangalawa, ang

anyong may kasamang diyalogo na ikinukuwento ang pangyayari ayon sa bawat

eksena at may kasamang usapan ng lahat ng kasangkot.

5. Gumamit ng unang panauhan ngunit gamitin lamangito sa mga ulat na hindi kahingian

ang apgiging obhetibo.

6. Gawaing detalyado ang ulat. Ilarawan ang mahahalagang katangian ng mga taong

kasangkot sa pangyayari. Ilarawan ang mga pisikal na katangian, mental na

kakayahan, emosyonal na kalagayan, mabubuting katangian ng isang bagay o tao

kung kailanagn sa ulat.

7. Gumamit ng anekdota kung kailangan. Ipaliwanag ang mga eksena, araw, oras, o

sitwasyon kung kailan sinabi o ginawa ang isang bagay.

8. Gumamit ng teknik tulad ng maayos na pagkakasunod-sunod at karaterisasyon, at

paglalarawan sa mga karanasan, kasukdulan, at resolusyon.

Page 46: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

120

Pagsasanay

Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang performans na gawain)

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot

Ang 1.___________ ay dokumentong isinulat bilang pagkaskasunod-sunod ng

pangyayari na nakaayos sa paraang kronolohikal. Ang isang mahusay na naratibo ay

dapat isinaalang-alang ang paglilista ng mga detalye sa 2.___________ na ayos habang

ipinapasok ang 3. ___________ na punto de bista sa kaubaan ng papel. Nagkaroon ng

saysay ang mga pangyayari kapag ginagamit ng 4. ___________. Pinupukaw ng mga

salaysay o naratibo ang 5. ___________ at ang mga 6. ___________ ng mambabasa.

A. Ikaw ay isang doktor . Sumulat ng naratibong ulat sa larangan ng medisina na ipapasa

sa isang awtoridad na nangangailangan ng detalye ng medikal na kondisyon ng pasyente

matapos ang isang aksidente sa trabaho. Kumausap ng isang kunwaring pasyente at itala

sa paraang naratibo ang kaniyang salaysay. Sundin ang mga gabay sa pormat sa ibaba.

Page 47: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

121

Pagsasanay 3. (mamarkahan bilang performans na gawain

Pangalan ng Pasyente: ______________________________

Pangalan ng Doktor: ________________________________

Deskripsyon ng tinamong injury: _________________________________________

Inisyal na mga daing o reklamo: _________________________________________

Kasaysayang medikal ng kasalukuyang sakit:

Nakalipas na kasaysayang medikal, pampamilyang kasaysayang, sosyal na kasaysayang

medikal: __________________________________________________________

Impormasyon s nakaraang pagpapagamot: ______________________________

Pangunahing reklamo o daing ng pasyente: _____________________________

Obhetibong Pagsusuri: ______________________________________________

Pangkalahatang Eksaminasyon Pisikal: _________________________________

Ebalwasyon:

_________________________________________________________________

Dayagnosis:

_________________________________________________________________

Prognosis:

_________________________________________________________________

Paggamot:

_________________________________________________________________

Kasalukuyang Pamamaraan: __________________________________________

Plano sa Hinaharap: ________________________________________________

Mga Layuning matamo sa paggamot: ___________________________________

Mga Pangwakas na komento: _________________________________________

B. Sumulat ng isang naratibong ulat tungkol sa isa sa sumusund na mga paksa.

a) Artikulo sa magasin ng iyong interes

b) Artikulo sa isang blog

c) Isang pangyayari tungkol sa isports sa bansa

d) Isang pangyayari tungkol sa musika o kultur ana iyong nasaksihan

e) Isang pelikula

f) Isang talumpati ng isang kilalang tao

Page 48: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

122

Paglalagom

• Ang naratibong ulat ay isang dokumentadong ulat ng isang pangyayari na isinusulat

sa paraang kronolohikal. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na

nagsasalaysay ng kuwento ay pinakaakma sa mga ulat na may mga pangyayaring

may simula, gitna, at wakas.

• Ayon kina Onega at Landa (1996), ang naratibo ay isang representasyon ng serye ng

mga pangyayari.

• Ang susi sa matagumpay na introduksyon ng naratibong ulat ay magkaroon ng

“pamukaw” o elementong interesante para makuha ang atensiyon ng mambabasa.

• Sa pamamagitan ng dulog na naratibo, magagawa ng isang mapanghikayat at

malakas na salaysay ang isang pag-aaral o papel na nakakamanhid ng utak.

• Ginagamit ang naratibo ng mga propesyunal na nangangailangang mag-ulat ng isang

kronolohikal na salaysay.

Sanggunian

• Barton, M. (1988). Narrative and Researchin Professional Communication. US: Sage

Publications.

Pamantayan sa paggagarado:

Pamantayan Puntos Iskor

1. Maayos ang naratibo ayon sa sitwasyon. 10

2. Angkop ang nilamaman ayon sa larangang ibinigay. 10

3. Kompleto ang mga bahagi ayn sa gabay na ibinigay. 10

4. Mahusay ang gamit ng wika at tono ng pagsasalaysay. 10

5. Presentableng tingnan ang naratibong ulat. 10

Kabuuan 50

Page 49: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

123

• Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex

Book Store Inc

• Legitt, R. (2011). “The Importance of Narrative in Technical Reporting.” Opine Experts.

http://opinexperts.com/journal/2011/12/12/the-importance-of-narrative-in-technical-

report-wt/

• Onega, S., at Landa, J. (1996). Narratology: An Introduction. London: Longman.

• Pascua, G. W. (2017). Naratibong Ulat. SlideShare.

https://www.slideshare.net/GeorgeWilliamPascua/naratibong-ulat

Page 50: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

MODYUL 13 Proposal

Panimula

Sa araling ito ay malalaman mo ang isang uri ng dokumento na ginagamit madalas

ng mga propesyunal gayun din sa negosyo, na isa rin gamit upang ihain ang panibagong

ideya o kaya naman ay isang paraan para malutas ang problema na kinakaharap ng isang

kompanya. Ito ay tinatawag na Proposal na maaring narinig mo na kung saan man at ito ay

hindi naiiba sa pananaliksik. Sa araling ito malalaman mo ang kahulugan at kahalagahan, at

ang paglikha nito.

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes)

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

• Naibibigay ang kahulugan ng proposal;

• Naiisa-isa ang layunin ng proposal;

• Nailalapat sa gawain ang pormat ng presentasyon ng isang proposal; at

• Nakabubuo ng proposal.

Aralin 1. Pagsulat ng Proposal

Sinabi nina Francisco et al.

(2017), ang mga proposal ay mga

espesyalisado at teknikal na

dokumentong pangnegosyo na

nagbibigay ng mapanghikayat na

solusyon sa mga suliranin. Lahat

Pigura 13.1. Larawan ng isang Proposal sa pagitang

ng tao o kompanya Mula sa: wpepitome.com (2019)

Mula sa: wpepitome.com

Page 51: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

125

ng dokumentong teknikal ay kinakailngang makapagpahayag ng malinaw at obhetibong mga

ideya.

Ang isang proposal ay isa ring pananaliksik. Taglay nito ang mga elementong

kailangan sa pananaliksik, mula introduksyon hanggang kongklusyon.

Tatlong Pangunahing Layunin ng Pagsulat ng Proposal (Francisco et al., 2017)

1. Maglarawan, magtukoy, o maghain ng problema na kailangang masolusyunan. Sa

paglalahad ng paglalarawan ng problema, nagkakaroon ang naghahain ng proposal

ng kredebilidad na nagpapakita sa mambabasa na nauunawaan niya ang problema.

2. Maghain ng solusyon para sa problema. Kailangang maipakita sa mambabasa na ang

dulog na inihahain ay magiging epektibo at mahusay na solusyon sa problema.

3. Magpatupad ng solusyon. Ipakita na may kakayahan at mga kagamitang

kinakailangan upang maisagawa ang inihahain. Maaring higit na makahihikayat kung

ipapakita ng naghahain ng proposal na nagawa na niya dati ang inihahaing proyekto,

at nagawa niya ito nang mahusay.

Mga Bahagi ng Proposal (Francisco et al., 2017)

Sa pagsulat ng proposal,

kinakailangang masagot ang mga tanong na

ano ang inihahain, paano itong plano

isasagawa, kalian itong plano isasagawa, at

magkano ang kakailanganin para

maisagawa ito.

Binubuo ang isang proposal ng

simula (introduksiyon), gitna (katawan ng

materyal na ihahain), at wakas

(Kongklusyon o Rekomendasyon).

Mula sa: salesforce.com (2016) Pigura 13.2. Proposal

Mula sa: wpepitome.com

Page 52: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

126

Pormat ng Presentasyon ng Isang Proposal (Francisco et al., 2017)

1. Talaan ng Nilalaman

Binubuo ito matapos sulatin ang proposal. Makakatulong ang pagkakaroon ng

talaan ng nilalaman upang madaling mahanap ng mga mambabasa ang proposal, ang

mga bahagi at nilalaman nito.

2. Pagpapahayag ng Misyon

Isinusulat ang misyon ng proyekto sa loob ng 50 salita o mababa pa rito.

Makakatulong ito upang mabigyang-linaw ang pangunahing tunguhin ng proyektong

inihahain.

3. Abstrak o Buod ng Proposal

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng proposal sapagkat dito ay makikita na

agad ng magbabasa ng proposal ang kabuuan ng pananaliksik nang hindi

kinakailangang basahin ang mga pahina sa loob.

Binubuo ng 250 salita at hindi lalagpas rito. Kailangang ibinubuod nito ang

binigyang-diin at pangunahing mga punto ng ulat.

Ang wikang gamit sa proposal ay nararapat na madaling intindihin para sa

karaniwang mambabasa at angkop ilathala. Isinusulat ito sa ikatlong panauhan.

Nararapat na mabasa sa proposal ang:

• paksa;

• saklaw;

• mga layunin;

• mga metodong gagamitin;

• mga resulta ng pag-aaral kabilang na ang rekomendasyon at

kongklusyong nabuo, o mga posibleng implikasyon ng proyekto.

Tandaan: Maaring hindi isama ang mga ito sa maikling propesyunal na proposal

Aralin 2. Mga Bahagi ng Proposal (Francisco et al., 2017)

I. Pamagat

Page 53: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

127

Dito matutunghayan ang paksa at kung ano ang ginagawang pag-aaral,

proposal o proyekto.

II. Introduksiyon

Ito ang nagpapakilala sa kaligiran o background ng suliranin. Sa bahaging ito

inihahain at ibinubuod ang kasalukuyang suliraning nais solusyunan.

III. Kaligiran

Sa bahaging ito ipiniprensenta ang pinagmulan o background ng suliraning

sinusubukang solusyunan. Kapag sinabing kaligiran, ito ay ang mga sitwasyon o

pangyayari, kalakaran, mga kaugnayan na programang ipinatupad o hindi ipinatupad

o anumang naganap na sanhi o dahilan ng kasulukuyang suliraning nagaganap.

Gumagamit ng lohikal na paglalahad sa pagpapahayag ng pangangailangan.

Kailangang mapatunayan ng naghahain ng proposal na siya ay may malawak na

kaalaman sa problema at sa mga pinakabagong pananaliksik na kaugnay nito.

IV. Mga Kasalukuyang Suliranin

Ito ang mga tiyak na karanasan, kalakaran, proyekto at programa sa isang

kompanya o institusyon sa larangan ng empleyo o trabaho na nagbibigay ng suliranin

sa organisasyon o sa paritkular na mga empleyado.

Ito ang hinahangad ng tagapaghain ng proposal o ng mananaliksik na

mabigyang solusyon at magbago para sa higit na ikabubuti ng isang partikular na

propesyon.

V. Rasyonal at Kaugnay na Literatura

Sa rasyonal, tuwirang binabanggit ang dahilan kung bakit kailangang

maisagawa ang proyekto o programang inihahain bilang solusyon sa kasalukuyang

suliranin.

Ang rasyonal ng proyekto ay magmumula sa kung ano ang nilalaman ng

literatura, kung ano ang mabisa at hindi mabisa, kung ano ang kakulangan, kung ano

ang mga pangangailangang dapat tingnan sa bagong anggulo, o kung paano dapat

ang pagdulog sa sumusunod na mga proyektong isasagawa.

Kapag sinabing literatura, ito ay ang kalipunan ng mga papel, dokumento,

babasahin, partikular na mga pag-aaral, o pananaliksik na nasusulat na kaugnay ang

isang konsepto, ideya, isyu o problema sa ano mang larangan.

Page 54: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

128

Sa pagsulat ng kaugnay na literatura, nararapat nailagay ang pinagkunan o

source ng impormasyon. Mainam na gamitin ang pormat na American Psychological

Association (APA) sa pagdodokumento ng iyong resources. Karaniwang inilalagay sa

APA pormat ang sumusunod:

• Sarah t. Trenholm (awtor)

• 2008 (taon ng paglalathala ng libro)

• Thinking through Communication (pamagat ng libro)

• Pearson (publisista o publisher)

• USA (lugar ng paglalathala)

Isinusulat naman ang mga ito sa ganitong paraan:

Trenholm, S.T. (2008). Thinking through Communication.USA:Pearson.

VI. Diskusyon

Ang katawan ng proposal o ang tinatawag na diskusyon ang nagpapaliwanag

sa kompletong detalye ang panukalang solusyon.

a. Panukalang Solusyon – ang bahaging naglalaman ng mga mungkahi o

panukala kung paano isasagawa ang trabaho upang masolusyunan ang mga

inihaing solusyon.

b. Metodolohiya – mga tiyak na aksyon at pamamaraang gagamitin para

maisagawa ang mga panukalang solusyon sa problema. Nilalaman nito kung

ano ang mga materyales ang kakailanganin, sino ang mga taong kinakailngan

para sa trabahong ito, kalian magsisimula ang trabaho, at kailan ito

inaasahang matatapos.

VII. Kongklusyon at Rekomendasyon

Sa bahaging ito, kailangan ang tonong mapanghikayat, may tiwala sa sarili at

may paninindigan.

Sa pagbanggit ng mga natuklasan, mga mabuting dulot na natagpuan, at

kaugnay sa proyekto, binabanggit din ang mga posibleng rekomendasyon kaugnay sa

pagpapatupad ng proyekto.

VIII. Mga Kalakip na Dokumento o Apendiks

Page 55: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

129

Maaring maglakip ng ng mga dokumento sa proposal gaya ng talaan ng

gastos, ipon, kita o pagkalugi, materyales at tauhan, bibliyograpiya, presentasyon

ng mga tsart, grap o ilustrasyon.

IX. Talaan ng Reperensiya

Dito itinatala ang mga dokumentong ginagamit na pinaghanguan ng

impormasyon na matatagpuan sa diskusyon o sa anumang bahagi ng

proposal. Maaring wala ito sa maikling proposal.

PROPOSAL PARA SA EKSPERIMENTAL NA ADMINISTRASYON

NG BATAYANG PAGSUSULIT BILANG PAGTATAYA

SA ANGKOP NA LEBEL NG KAKAYAHAN NG MGA

BANYAGANG MAG-AARAL NG FILIPINO

Abstrak

Layuniin ng proposal na ito na makabuo at magpatupad ng mga batayang pagsusulit para

sa pagtataya ng antas ng kakayahan ng mga banyagang mag-aaral na kumukuha ng kursong

Filipino para

sa banyaga sa Pamantasang De La Salle-Dasmarinas. Nagsagawa ng interbyu at sarbey ang mga

guro ng nasabing kurso at lumalabas na nahihirapan ang mga banyaga sa paghabol sa mga aralin

sapagkat sa klase ay magkakahalo ang mga estudyateng may magkakaibang antas ng kaalaman

sa Filipino.

Natuklasan na kinakailangang paghiwa-hiwalayin ang mga mag-aaral ayon sa label nila,

katulad ng mga ginagawa sa kurso sa Ingles.Inirerekomenda ang agarang pagbuo at pagpapatupad

ng batayang pagsusulit. Gayundin, isinusulong na maisagawa ang rebisyon at pagpapaunlad sa

silabus para sa kursong ito.

Introduksyon

Simula nang mahiwalay at maging isang bukod na departamento ang Kagawaran ng

Filipino at Panitikan noong 2003, wala pang pagtatangkang magkaroon ng batayang pagsusulit sa

pagtukoy sa lebel ng kakayahan sa Filipino ng mga banyagang mag-aaral.

Page 56: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

130

Ang mga guro sa Filipino para sa banyaga ay lubhang nahihirapan sa pagtuturo ng Filipino

sa mga Filipino-American, Chinese, Korean at iba pang banyagang lahi. Napakahirap para sa

kanilang kalagayan ang makatukoy ng mga paraan sa pagkilala sa lebel ng kakanyahan sa

pagkatuto at matiyak na may pag-unlad sa kasanayan at kaalaman ng mga banyaga sa paggamit

ng wikang Filipino.

Gayundin naman ang mga mag-aaral na may iba’t ibang kakayahan ay kinakailngang

makaunawa ng pasalita at pasulat na gamit ng wika batay na rin sa isang paraan at dulog sa

pagdidisenyo ng aralin ng gurong humahawak nito. Sa labas ng klase sa Filipino, may mga

pagkakataong nagkakaroon ng hadlang sa kanilang pag-unawa sa iba pa nilang asignatura

sapagkat ilan sa mha ito ay itinuturo o naipapaliwanag gamit ang pagpapalit-koda o dili kaya’y

natatalakay gamit ang Filipino. Sa huli, lumilitaw na imposibleng matukoy nang malinwa “kung ano

ang saklaw ng pagtuturo ng Filipino para sa banyaga at kung epektibo bang natututuhanng mga

mag-aaral” ang wikang ito.

Rasyonal

Upang tugunan ang kasalukuyang suliranin sa ganitong kalakaran sa kurikulum, ang

Kagawaran ng Filipino at Panitikan ay nagpapanukala ng eksperimental na administrasyon ng

batayang pagsusulit sa angkop na lebel ng kakayahan sa Filipino para sa Banyagang mag-aaral.

Sa proposal na ito, babalangkasin ang paraan sa eksperimental na administrasyon ng

pagsusulit at ipapaliwanag ang mga hakbang sa pagtuturo. Ang magiging resulta at ang mga

angkop na lebel ay bibigyang-interpretasyon batay sa Common European Framework of Reference

for Languages (CEFR) na iminumungkahi ng European Union noong 2001.

Mga Kasalukuyang Suliranin

1. Sa kasalukuyan, ang karamihan sa mga mag-aaral na banyaga ay nakaenrol sa regular

na kalse sa Filipino batay sa nakahanay na asignatura sa kani-kanilang kurso.

2. Sa ganitong kalagayan, sa unang pagkikita lamang ng regular na klase nabibigyan ng

instruksiyon ang mga banyaga na kailangang i-drop ang asignatura at mag-enrol sa Filipino

sa Banyaga na nagkaklase kapag araw ng Sabado.

3. Nagdudulot ito ng problema sa mga mag-aaral sapagkat naapektuhan nito ang kanilang

kahandaa dahil sa hindi inaasahang pagbabago sa iskedyul gayundin naman sa

pagpoprosesong muli ng kanilang mga dokumento.

4. Ang pag-iiskedyul ng espesyalisadong klase sa Filipino ay isang malaking suliranin

sapagkat nagmumula sa iba’t ibang dalubhasaan at kurso ang mga banyagang mag-aaral.

Dulot nito, hindi kaagad madetermina kung anong oras ang ilalaang iskedyul ng Filipino

para sa banyaga.

5. Bukod sa suliranin sa iskedyul, bagaman natutukoy ng guro ang antas ng kakayahan sa

Filipino ng mga mag-aaral sa banyaga, sila ay hindi nahihiwalay sa nararapat na klister o

band.

Page 57: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

131

Pagsasanay

Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

Pagtataya

Ipaliwanag sa maiikling pangungusap ang dapat na nilalaman ng sumusunod na

mga bahagi ng proposal.

1. Introduksyon

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

2. Mga Kasalukuyang Suliranin

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Pigura 13.3. Halimbawa ng Proposal

Mula sa: Francisco, G., et.al (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Pahina 139

6. Kaugnay nito, wala pang pormal na kalipunan ng mga daloy ng aralin at ng mga Gawain

para sa Filipino para sa banyaga. Kinakailangan na ring rebisahin at paunlarin ang silabus

nito.

Kongklusyon at Rekomendasyon

Ipinapanukalang solusyon ang eksperimental na implementasyon ng batayang pagsusulit.

Isasagawa ito sa loob ng dalawang Sabado para sa pre-test at post-test. Pitong Sabado ang

gagawing talakayan ng guro para sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa A1 o pagsusuri sa unang

label para sa pre-test at pitong Sabado rin para sa A2. Ang resulta ay iuulat sa pamamgitan ng

Ehekutibong Buod na ipepresenta sa Komite, Dekano, Direktor ng ISO (International Student

Office) at OVCAR (Office of the Vice Chancellor for Academics and Research). Sakaling

maaprubahan sa ikatlong lingo ng Nobyembre ang Ehekutibong BUod, hihilingin ang pag-

apruba sa ganap na implementasyon ng Filipino para sa Banyaga 2014-2015 nang may

rebisyon sa silabus at ayon sa angkop na lebel ng mga mag-aaral. Inirerekomenda ang

pagrerebisa ng silabus at ang pagsasaayos ng mga seksyon ayon sa angkop na lebel bago

magsimula ng T.P. 2014-2015.

Page 58: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

132

Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang performans na gawain)

Gawain:

Sumulat ng isang proposal batay sa mga paksa o suliraning nakasulat sa ibaba,

maari ring gumawa ng sariling paksa ayon sa iyong interes o sa iba pang mga suliranin na

hindi nabanggit dito.

• Dumaraming bilang ng mga estudyanteng gumagawa ng cutting classes dahil sa

paglalaro ng DOTA

• Pagiging mababa ng marka sa Matematika

• Hirap sa pagsulat o pagbasa sa wikang Filipino o wikang Ingles

• Labis na pagkahumaling ng kabataan sa social networking sites

Pamantayan sa Paggrado:

Pamantayan Puntos Iskor

1. Tiyak ay malinaw ang paksa o suliranin ng proposal 10

2. Tama ang pagkakasunod-sunod sa mga bahagi ng proposal

10

3. Tama ang gamit ng wika 10

4. Mahusay ang kabuuang nilalaman 10

Kabuuan 40

3. Panukalang Solusyon

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

____________________________________________________________________

4. Kongklusyon at Rekomendasyon

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

____________________________________________________________________

5. Abstrak

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

____________________________________________________________________

6. Talaan ng Reperensiya

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Page 59: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

133

Paglalagom

• Ang mga proposal ay mga espesyalisado at teknikal na dokumentong pangnegosyo

na nagbibigay ng mapanghikayat na solusyon sa mga suliranin.

• Ang isang proposal ay isa ring pananaliksik.

• Ang proposal ay binubuo ng iba’t ibang bahagi, nag-uumpisa sa; introduksiyon,

kaligiran, mga kasalukuyang suliranin, rasyonal at kaugnay na literature, diskusyon,

kongklusyon at rekomendasyon, mga kalakakip na dokumento o apendiks at talaan

ng reperensiya. Ang ilan sa mga bahagi nito ay maaring mawala kung ang isang

proposal ay maikli lamang.

Sanggunian

• Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc).

Rex Book Store Inc.

• Velarde, O. (2019). How To Land Your Next Client With a Well Designed Proposal.

WP Epitome.

https://wpepitome.com/how-to-land-your-next-client-with-a-well-designed-

proposal/

• Wong, D. (2016). 9 Aspects of The Perfect Sales Proposal. Salesforce Canada

Blog.

https://www.salesforce.com/ca/blog/2016/03/aspects-of-the-perfect-sales-

proposal.html

Page 60: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

MODYUL14 Feasibility Study

Panimula

Gayundin ito ay isang pananaliksik. Maraming proyektong pangnegosyo at pang-

empleyo ang hindi nagtatagumpay dahil hindi sapat ang pagpaplano at pananaliksik. Sa

pagpapalano, lalago ang kaalaman ng isang tao tungkol sa kaniyang target market o target

na mamimili, sa mga kostumer , at s a kapaligiran kung saan isasagawa ang negosyo o

anumang proyekto. Sa pamamagitan ng pananaliksik, madidiskubre ng isang tao o

organisasyon ang mga hadlang sa kanilang ideya at mga balak, gayundin ang mga solusyon

para harapin ang mga ito.

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes)

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

• nabibigyang kahulugan ang feasibility study;

• natutukoy ang mga dahilan sa pagbuo ng feasibilty study;

• naiisa-isa ang mga uri ng feasibilty study

• nailalapat sa pagsulat ang mga komponent o bahagi ng feasibilty study; at

• nakasusulat ng feasibility study.

Aralin 1. Feasibilty Study

Ang feasibility study ay isang ebalwasyon ng hinaing proposal o aksiyon kaugnay sa

mga proyekto ng pagpapaunlad sa mga sitwasyon o mga bagay sa trabaho (Francisco et al.,

2017).

Page 61: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

135

Nabanggit nina Francisco

et al. (2017), na may mga

pagkakataon na ang isang

kompanya ay nagpaplano ng

proyekto pero hindi nakatitiyak

kung maaring isagawa o

maisakatuparan ang proyektong

iyon. Mahalaga ang feasibilty

study upang makapagdesisyon

ang kompanya sa

pinakamainam na aksiyong dapat gawin. Halimbawa, sa pagdedesisyon ng isang negosyante

kung magpapakilala ng bagong produkto sa merkado, kailangan ng anumang proyekto o

magsagawa ng anumang aksiyon, upang matiyak ang tagumpay

Sa makatuwid, tungkulin ng feasibilty study na pag-aaralan o suriing mabuti ang

pangkalahatang kalagayan ng mga bagay, tao, o sitwasyong nakaaapekto sa negosyo o sa

kompanya bago magpatupad ng anumang proyekto o magsagawa ng anumang aksiyon,

upang matiyak ang tagumpay (Francisco et al., 2017).

Dagdag pa nila, sa feasibility study tinitingnan ang posibilidad kung maisasagawa

ang isang proyekto. Iisa lamang ang tinitingnang solusyon sa feasibilty study at dinetermina

nito kung ang solusyong iyon ay kayang isagawa.

Tulad ng isang proposal, ang feasibilty study ay isang dokumentong nangangailangan

ng pananaliksik. Sinasaliksik dito ang lugar ng negosyo, ang mga taong magiging bahagi nito,

ang merkado, at ang kaangkupan ng produkto o serbisyong ihahain sa tao.

Aralin 2. Mga Dahilan sa Pagsasagawa ng Feasibilty Study

Ang feasibility study ay isang pormalisadong pasulat na dulog na ginagamit sa

pagtataya ng ideya upang matukoy kung ang ideyang ito ay (Francisco et al., 2017):

• maisasagawa o hindi

Mula sa: hmhub.me (2019)

Pigura 14.1. Pagpupulong para sa isang Feasibility Study

Page 62: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

136

• isang makabuluhang impormasyon at datos na makakatulong sa pagbuo ng desisiyon;

• maaring gawing alternatibong dulog at solusyon upang maisagawa ang isang ideya.

Aralin 3. Mga Uri ng Feasbility Study (Francisco et al., 2017)

1. Deskripsiyon ng Proyekto – tinutukoy nito ang kalidad at uri ng produkto o serbisyong

inihahain at kung maari itong isagawa para sa isang partikular na larangan, grupo, o

negosyo.

2. Market feasibility – binibigyang-pansin sa pag-aaral na ito ang merkado (mga

posibleng kostumer) ang laki at lawak nito, potensyal nito, at/o akses dito.

3. Teknikal feasibilty – binibigyang-pansin sa pag-aaral na ito ang laki at uri ng mga

pasilidad pamproduksyon, mga gusali, kagamitan, teknolohiya, at hilaw na materyal

na kailangan ng negosyo.

4. Financial/Economic feasibility – tinataya sa pag-aaral na ito ang kakayahan ng

puhunan, mga pangangailangan sa pag-utang, mga halagang kailangan upang

makabawi (break-even) ang negosyo, at iba pang aspektong pinansiyal.

5. Organizational/Managerial feasibilty – ang tuon nito ay ang pamamahala at legal na

estrukstura ng negosyo.

Aralin 4. Mga Komponent o Bahagi ng Feasibility Study (Francisco et al., 2017)

1. Ehekutibong Buod – ang

pinakalayunin nito ay tawagin ang

pansin ng mambabasa. Huli itong

isinusulat at hindi dapat hihigit sa

dalawang pahina.

2. Produkto/Serbisyo – ang produkto

ay kahit anong nahahawakan

(tangible) at maaring magamit at

maubos (consumable) na Mula sa: sportadvisory.com (2016)

Pigura 14.2. Feasibility Study

Page 63: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

137

ginagawa o pinoprodyus at ibinebenta sa publiko. Ang serbisyo naman ay mga

gawaing ibinibigay o inilaan para sa mga tao. Kailangan matukoy sa bahaging ito kung

gumagana ang konsepto ng negosyo at ng produkto o serbisyo. Gumawa ng listahan

ng mga produkto o serbisyong balak ihain. Tingnan kung gaano katagal ang

produksiyon o ang pagbili ng mga ito. Tukuyin kung magkano ang aabutin kung bibili

o ipoprodyus ang mga ito, at kung magkano ito maaring ibenta.

3. Presyo at Posibleng Kita - magkano pepresyuhan ang produkto o serbisyong

inilalako? Kinakailangan na ang presyo ay sapat upang mapunuan ang mga gastusin

(expenses).

4. Plano para sa susunod na aksiyon – ipinapakita ba ng plano na ang ideyang nais

gawin ay may halaga at maisasagawa?

a) Ideya – ilarawan ang ideya o ang nais gawin sa negosyo o ang plano para sa

isang proyekto.

b) Mahahalagang tao – sa pamamagitan nito, matutuklasan ang mga potensyal

na pinuno, supplier, partner, ahente, operasyonal na grupo, mga taong

maalam sa pagpapatakbo ng negosyo (management), gayundin ang mga

kahinaan nila. Staffing ang tawag sa pagpili ng mga tauhan, may mataas man

o mababang tungkulin o ranggo para sa negosyo o anumang trabaho.

Mga kailangang ikonsidera sa staffing o pagpili ng staff:

• Sino-sino sila?

• Magkano ang kakailanganin sa pagpapasuweldo sa kanila?

• Ano ang kanilang magiging tungkulin?

• Ano ang mga alternatibo bukod sa pagkuha (hire) ng mga tauhan o

staff?

c) Mga personal na layunin – dito inilalahad ng negosyante ang dahilan kung

bakit nais niyang simulan ang negosyo. Kailangan niyang tingnan ang

kaniyang mga short-term (isang taon pababa), medium term (isa hanggang

tatlong taon) at long term (higit sa tatlong taon) na layunin o goals.

d) Ang merkado – Ilarawan ang merkado pagdating sa dami ng mga kostumer at

ng kakayahan ng mga ito sa pagbili. Nangangailangan ito ng intensibong

Page 64: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

138

pananaliksik at ito ang pinakamahirap na bahagi, ngunit ito rin ang

pinakamahalaga. Mahalaga ring banggitin dito kung sino ang target market ng

organisasyon o negosyo.

• Kustomer – sino ang mga potesyal na kostumer? Sino ang indibidwal

na bibili sa iyo? Ano ang kaniyang mga gusto, pangangailangan, at

demograpikong katangian? Gumawa ng listahan ng mga ito.

• Kompetisyon – ito ay ang tunggaliang pangnegosyo o pampinansyal

ng mga negosyo.

5. Pangkalahatang pagtingin sa negosyo – dito matatagpuan ang pagtingin o pagtanaw

sa mga kakailanganin sa negosyo na makaaapekto sa pangkalahatang kalagayan o

kita nito, tulad ng lugar kung saan itatayo ang negosyo at mga plano kaugnay dito.

a) Lokasyon – tukuyin kung saan ang lokasyon, lugar, o pwesto ng negosyo at

kung bakit doon itatayo.Tukuyin din ang mga bentahe at disbentahe ng

lokasyon.

b) Site plan, floor plan, assets – buuin ang: (a) plano ng lugar na pagtatayuan; (b)

ang arkitektular na plano ng itsura ng lugar; at (c) ang mga kagamitang bibilhin

para sa negosyo.

6. Puhunan o Kapital – sa pagpapakalkula kung magkano ang kailangang puhunan,

paghandaan ang hanggang anim (6) na buwang pondo. Ito ay dahil maaring hindi pa

makabawi sa benta (sales) mula sa pagkakaroon ng utang (credit), sa pamumuhunan

ng labis na kagamitan, o sa hindi inaasahang pagtaas ng mga bayarin o gastusin

(overheads).

7. Rekomendasyon - mula sa isinagawang pag-aaral tungkol sa posibilidad ng pagtatayo

ng isang negosyo, mahalagang banggitin ang rekomendasyon kung nararapat itong

ituloy o hindi. Nararapat na ito ay maging tapat, maikli, at direkta.

Page 65: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

139

Pagsasanay

Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang sulating gawain)

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at ilagay sa kahon.

1. Bakit kailangan ang feasibility study sa mga kompanya o negosyo?

2. Ano-ano ang kinakailangan sa pagbuo ng feasibilty study?

3. Ano-ano ang mga uri fesbility study?

4. Bakit itinuturing na isang pananaliksik ang feasibilty study?

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita. Para sa mga naka-ingles na

termino, ibigay ang katumbas ng mga ito sa Filipino, saka ibigay ang maikling deskripsyon

nito.

1. kapital -

2. expenses -

3. staffing -

4. business idea -

5. sales -

Page 66: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

140

Pagsasanay 3. (mamarkahan bilang performans na gawain)

Panuto: Paggawa ng Balangkas. Sumulat ng mga pangungusap bilang ulat na ihahain sa

iyong guro. Sundin ang sitwasyon sa ibaba.

Ikaw ay isang opisyal ng Filipino Club at sa inyong palagay ay kailangan mo nang

bumili ng mga bagong kagamitan, mga libro, at mga materyales para sa inyong opisina.

Ang nilalaman nito dapat ay magtataglay ng:

1. Paglalatag ng problema at pangangailangan tungkol sa bibilhing kagamitan;

2. Posibleng solusyon

3. Mga kagamitang dapat bilhin;

4. Criteria sa pagpili ng mga kagamitang dapat bilhin;

5. Halaga ng mga kagamitang bibilhin at pondo ng club

6. Mungkahi sa guro.

Pamantayan Puntos Iskor

1. Komprehensibo ang nilalaman 10

2. Kompleto ang bahagi at tama ang pormat 10

3. Tama ang gamit ng wika 10

4. Mahusay ang presentasyon at pagsulat ng feasibility study 10

5. Malinaw at tiyak ang rekomendasyon 10

Kabuuan 40

6. market -

7. market segments -

8. assets -

9. overheads -

10. produkto –

Page 67: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

141

Paglalagom

• Ang feasibility study ay isang ebalwasyon ng hinaing proposal o aksiyon kaugnay sa

mga proyekto ng pagpapaunlad sa mga sitwasyon o mga bagay sa trabaho.

• Tungkulin ng feasibilty study na pag-aaralan o suriing mabuti ang pangkalahatang

kalagayan ng mga bagay, tao, o sitwasyong nakaaapekto sa negosyo o sa kompanya

bago magpatupad ng anumang proyekto o magsagawa ng anumang aksiyon, upang

matiyak ang tagumpay.

• Tulad ng isang proposal, ang feasibilty study ay isang dokumentong nangangailangan

ng pananaliksik.

• Ang feasibility study ay may iba’t ibang uri, nariyan ang: deskripsyon ng proyekto;

market feasibility, technical feasibilty, financial feasibilty at organizational feasibilty.

• Ang feasibility study ay binubuo ng ehukitibong buod, produkto/serbisyo, presyo at

posibleng kita, plano para sa susunod na aksiyon, pangkalahatang pagtingin sa

negosyo, puhunan at rekomendasyon.

Sanggunian

• Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex

Book Store Inc.

• Rajak, H. (2019). Feasibility Report. Hmhub.

https://hmhub.me/feasibility-report/

• The Sports Facilities Company. (2016). Feasibility Studies: Plans I Sports Facilities

Advisory. Sports Facilities Companies.

https://sportadvisory.com/feasibility-studies-attribute-facility-planning/

Page 68: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

ARALIN 15 Ulat- Analitikal

Panimula

Ang araling ito ay nakapokus sa uri ng ulat o report na isang dokumento na

ginagamit sa iba’t ibang larangan at isang halimbawa nito ay ang tinawatawag na ulat-

analitikal na nagsisilbing gabay sa mga propesyunal upang maresolba ang isang problema

o suliranin.

Ang mga ulat o report ay may iba’t ibang tungkulin sa trabaho. Sa anumang larangang

papasukin, maaring maatasang gumawa ng isang ulat para (Francisco et al., 2017):

1. magbigay o maglipat ng pangkalahatang impormasyon;

2. magpresenta ng resulta o imbestigasyon; at

3. gumawa ng mapanghikayat na argumento.

Ang mahusay na ulat ay dapat makatulong sa iyo para makuha ang positibong

atensyon ng mga ehuketibo at kalaunan ay makatutulong sa pag-unlad ng iyong karera.

May iba’t ibang uri ang ulat. May mga ulat na pangkaraniwan. Mayroon ding

komprehensibong ulat gaya ng ulat-analitikal.

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes)

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

• natutukoy ang kahulugan ng ulat-analitkal;

• naiisa-isa at nagagamit ang mga tunguhin ng ulat-analitikal sa iba’t ibang

larangan;

• nailalapat sa gawain ang mga bahagi at pormat ng ulat-teknikal; at

Page 69: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

143

• nakasusulat at nakapaglalahad ng ulat-analitikal.

Aralin 1. Pagsulat ng Ulat-Analitikal

Ayon kina Francisco et al. (2017),

ang isang ulat-analitikal ay isang

teknikal o propesyunal na dokumento

na isinusulat para gamitin sa

pamahalaan o negosyo. Nagmumula

ang mga impormasyong inilalagay sa

isang ulat-analitikal sa mga sarbey,

rekord-pinansyal, at iba pang

mapagkakatiwalaang hanguan ng

impormasyon. Tinutulangan nitong

makabuo ng mahahalagang desisyon ang mga opisyal ng gobyerno o mga ehekutibo ng isang

negosyo. Taglay ng isang ulat-analitikal ang mga katangian ng isang ulat at ng isang

pananaliksik.

Aralin 2. May Tunguhin ang Ulat-Analitikal sa iba’t ibang larangan (Francisco et al., 2017)

1. Magtaya ng mga oportunidad. Nagbibigay ng impormasyon sa mga decision-maker

ng isang kompanya o institusyon tungkol sa bago, kapana-panabik, at matagumpay

na gawain. Halimbawa, sa isang matagumpay na kompanya ng mga sabon, maaring

magmungkahi na magkaroon din ng produksyon ng lotion.

2. Bumuo ng mga solusyon. Ang mga ulat na nagbibigay-solusyon sa mga problema ay

naghahain ng mga solusyon, nagbibigay ng mga halimbawa ng mga dating kaso,

tumitimbang sa mga pagpipiliang solusyon, at nagbibigay ng mga rekomendasyon sa

mga decision-maker batay sa pananaliksik na inipon. Halimbawa paano sosolusyonan

ng isang fastfood chains ang problema na maraming branch ang nalulugi at

nagsasara ngunit ayaw nilang mawalan ng trabaho ang napakaraming tao.

Mula sa penpath.com (2017)

Pigura 15.1 Halimbawa ng Grap para ualt-analitikal

Page 70: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

144

3. Sumuporta sa mga desisyon. Sa isang malaking organisasyon o kompanya na

magkakaroon ng isang malaking pagbabago, ang ulat-analitikal ay magagamit upang

suriin ang positibo o negatibong epekto ng malaking desisyong ito.

4. Maglarawan ng problema. Maari ring masusing pag-aaralan ang isang problema at

ilarawan ito gamit ang ulat-analitikal. Ang paghahain ng problema ay susundan ng

pagbuo ng mga solusyon.

5. Pagsusuri ng mga produkto. Nagsusuri rin ng mga produkto at serbisyo ang isang

ulat-analitikal. Pinaghahambing sa ulat ang hindi bababa sa apat na pangunahing

katagian ng dalawang produkto o serbisyo upang malaman kung alin sa dalawa ang

angkop sa pangangailngan ng kliyente.

6. Magrekomenda ng produkto. Nagrerekomenda ang ulat-teknikal ng pinakamahusay

na produkto at hinihikayat ang mambabasa upang tanggapin ang mga

rekomendasyon.

7. Magsuri ng mga napapanahong isyu. Ang ulat-analitikal sa larangan ng midya ay

ipinapalabas sa pamamagitan ng mga lathalaing balita (new-feauture), mga

natatanging ulat (special report) mga dokumentaryo, at editoryal- na lahat ay binubuo

sa pamamagitan ng intensibong pananaliksik.

8. Magbigay ng mga bagong pananaw kaugnay sa dati nang isyu. Maari ring gumawa

ng pagsusuri sa isang makabuluhang isyu sa lipunan, at sumulat ng ulat-analitikal

tungkol dito. Sa ganitong paraan, hindi subhetibo ang ulat, sapagkat ibinatay sa mga

nakalap na datos sa pananaliksik.

Aralin 3. Pormat ng Ulat-Analitikal (Francisco et al., 2017)

I. Pahina ng Pamagat

Sa bahaging ito, inilalagay sa gitna ang pamagat ng ulat-analitikal. Sa ilalim

nito ay ilagay ang mga pangalan ng mga taga-ulat o ang mga taong sumulat at

Page 71: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

145

nagpasa ng ulat. Susunod na ilagay ang pangalan ng taong pinadadalhan.

Pinakahuling ilagay ang petsa ng pagpapasa ng ulat.

II. Liham Paglilipat o Memorandum Paglilipat (Letter/Memorandum of Transmittal)

Ang liham paglilipat ay isang liham para sa taong nagtatalaga sa nagsulat ng

ulat-analitikal. Kadalasang ginagamit ang liham paglilipat kung tagalabas ng

kompanya ang pinagsusulat ng ullat-analitikal. Memorandum naman ang ginagamit

kung mga empleyado ng iisang organisasyon ang nag-utos ng paggawa ng ulat-

analitikal at ang magsusulat ng ulat.

III. Talaan ng Nilalaman

Dito inalalagay ang pahina ng bawat bahagi ng ulat, ayon sa tamang

pagkakasunod-sunod ng mga ito. Maaring magsama dito ng talaan ng mga pigura o

ilustrasyon na nagtataglay ng mga grap, at/o iba’t ibang uri ng tsart, at/o iba pang

larawan. Talaan ng talahanayan naman ang tawag sa listahan ng mga ginagamit na

talahanayan (tables) sa loob ng mismong ulat.

IV. Ehekutibong Buod

Ang bahaging ito ay karaniwang isa hanggang dalawang pahina ang haba at

ibinubuod ang bawat puntong isinagawa sa papel, kabilang dito ang layunin ng ulat at

mga limitasyong hinarap, ang proseso at pananaliksik, at ang kongklusyon at

rekomendasyon.

V. Introduksyon

Sa introduksyon ng ulat-analitikal, isinusulat ang pangunahing pahayag na

naglalarawan ng layunin ng papel. Kasama rin dito ang bahaging naglalarawan kung

saan nagmula ang impormasyon, gayundin, inilalarawan ang saklaw o kung aling

bahagi ng paksa ang tatalakayin, at alin ang binibigyang-tuon ng papel at ang mga

limitasyon na nagsasabi kung alin sa mga bahaging kaugnay sa paksa ang hindi

isasama sa papel.

Page 72: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

146

VI. Diskusyon

Ang nilalaman ng ulat ay inilalahad sa pamamagitan ng maiikling talata na may

iba’t iba ngunit, magkakaugnay na paksa (subsections). Gumagamit din ng mga

impormatibong pamagat na may kaugnayan sa paksang tinatalakay (subheadings),

upang tulungan ang mambabasa na madaling makaunawa sa isang paksa patungo

sa isa pang paksa. Gumagamit dito ng mga larawan (images) na makaktulong sa pag-

unawa sa teksto. Inilalahad din sa bahaging ito ang paghahambing at pagsusuri sa

mga resulta upang malaman kung alin ang mas kapakipakinabang sa mga kliyente.

VII. Kongkluston at Rekomendasyon

Inilalahad sa bahaging ito ang mga sagot, solusyon, o pangwakas na

argumentong mula sa isinagawang pagkalap ng datos at pagsusuri. Ang kongklusyon

ay sinusundan ng rekomendasyon o plano ng gawain para sa kompanya. Sa

rekomendasyon, sinasagot ang tanong na, “Ano ang nararapat kong gawin kaugnay

nito?”.

VIII. Sanggunian

Kadalasang gumagamit ng MLA o APA Format sa paglalagay ng sipi o

citations. Ito ang bahagi na kailangang ilista ang mga pinaghanguan o sanggunian na

binasa, kinonsulta, ginamit, o kinopya sa pananaliksik para sa ulat.

IX. Apendiks

Inilalagay rito ang mga halimbawa ng sarbey at talatanungan (questionaire)

na ginamit at iba pang dagdag na impormasyon.

Page 73: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

147

Pahina ng Pamagat

MEDIKAL NA PAGKILATIS AT MASUSING

PANANALIKSIK SA STEM CELL THERAPY

Buela, Polene Blaire A.

Ofren, Ma. Leodelene B.

Santos, Nicole Joan P.

Marso 2013

Liham Paglilipat o Memorandum ng Paglilipat (Letter/Memorandum of Transmittal

Para kay: Bb. Susana Gaco

Mula kina: Buela, Polene Blaire A.; Ofren, MA LeodeleneB.; at Santos, Nicole Joan P.

Petsa: Marso 2013

Paksa: Ulat-Analitikal Tungkol sa Stem Cell Therapy

Nakalakip ditto ang ulat-analitikal na nagsusuri sa stem cell treatment.

Nagpapasalamat kami sa suporta at gabay na ibinigay ninyo sa amin sa pagbuo ng ulat na ito.

Maari ba kaming humingi ng inyong oras upang mapag-usapan nang personal ang nilalaman ng

ulat? Maraming salamat po.

Talaan ng Nilalaman

INTRODUKSIYON

Ehekutibong Buod 1

Memorandum ng Transmittal 2

Layunin 3

Saklaw at Limitasyon 7

DISKUSYON 16-29

Page 74: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

148

Kongklusyon 30-31

Rekomendasyon 31-32

Ehekutibong Buod

Sa mabilis na pagbabago ng panahon, bumibills din ang pag-usbong ng mga produkto at proseso

sa larangan ng medisina. Mas maunlad ang teknolohiya na siyang nagiging dahilan ng mas

magagandang resulta ng panggagamot o pagpapaganda na gaya na lamang ng stem cell therapy.

Kailangan ng masusing pag-aaral upang mapatunayan ang bisa ng stem cell therapy at ng

dokumentasyon ng mga posibleng karaniwang dahilan ng pagtangkilik dito ng mga tao sa

kasalukuyan.

Iniuulat sa papel na ito ang mga epekto ng stem cell therapy at ang mga dahilan ng

patuloy na pagtangkilik dito ng mga tao.

Introduksiyon

Ang stem cell therapy ay isang proseso ng pagpapalit ng panibagong selula sa mga lumang

selula sa loob ng katawan ng tao upang mapabuti ang kalusugan o magpagaling ng karamdaman.

Bukod pa rito, maaari din itong gamitin bilang prosesong pampaganda ng hitsura.

Ayon sa mga peminista, ang kababaihan ngayon sa ating lipunan ay mas nakikilala dahil

sa kanilang pangangatawan kaysa sa mga lalaki at mas pinapahalagahan batay sa kanilang hitsura

(Bordo, 1993). Upang tumaas ang pagtanggap ng lipunan, maraming mga babae ang napipilitang

itama ang kanilang pangangatawan at hitsura at sumunod sa ideyal na pambabaeng hitsura ng

kanilang panahon o ang tinatawag na "pamantayan ng pambabaeng anyo" (Saul, 2003). Dahil nga

sa pagkakaroon ng impresyon sa pagpapaganda ng kaanyuan ang mga babae, nagiging tanyag na

ang stem cell therapy sa bansa, kahit na hindi kinakailangan upang mapanatili ang magandang

kalusugan at pangangatawan.

Ang mga Pilipino ay likas na mahilig sa mga produktong pampaganda at pampabata.

Dahil sa mainit na klimang taglay ng Pilipinas at mga problemang kinakaharap ng isang

indibidwal, hindi maiwasan ang mabilis na pagtanda lalong-lalo na ang mukha. Ayon kay

Page 75: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

149

Dra. Vicki Belo, isang sikat na doktor sa larangan ng pagpapaganda sa Pilipinas, "Ang mga stem

cell ay ang mga reserbang selula ng katawan na maaaring gamitin para sa ikabubuti ng sariling

kalusugan. Nabanggit niya ito sa isang programa sa telebisyon. lpinakita sa nasabing programa

ang proseso ng pagtatanggal ng labis na taba sa isang parte ng katawan, pagkatapos ay kumukuha

ng fat stem cel mula sa tinanggal na taba na siyang ituturok sa mukha ng pasyente upang mapabata

ang hitsura niya. Sa paraang ito, hindi masasabing retoke ang ginawang proseso sa pasyente dahil

sa mismong katawan din niya galing ang ginamit sa kanya.

Ayon sa explorable.com, ang stem cell therapy ay makatutulong sa pag-aayos ng nasirang

organo upang mapanumbalik ang dating maayos na takbo nito. Kung sakaling mapatunayan ng

mga eksperto ang potensiyal nitong makalikha ng panibagong organo, gaya na lamang ng puso,

magiging isang malaking tagumpay ito sa pag-aaral sa medisina. Masosolusyonan nito ang

humahabang listahan ng mga nangangailangan ng organo gamit ang paggawa ng panibagong

organo galing sa selula ng orihinal na organong pasyente.

Base sa artikulong "Hope For Infertile Cancer Survivors" ni Fish (2013), ang nasabing

prosesong medika ay maari ring maging alternatibong lunas sa kanser na siyang magiging pamalit

sa nakasanayang proseso ng panggagamot na chemotherapy. Sinasabi sa pag-aaral na maaaring

mapalitan ng stem cells ang mga selula ng kanser upang maiwasang kumalat ito sa katawan ng

tao na siyang nagiging dahilan sa unti-unting pagkamatay ng selula ng katawan. Ang chemotherapy

ay maaari ding makapagdulot ng side-effect na puwedeng makapagpabaog sa isang pasyente dahil

sa labis na radyasyon. Ngunit sa tulong ng stem cell therapy, maaaring maiwasan o mapagaling

ang mga baog na pasyente na madalas ay wala nang lunas.

Ayon naman sa pag-aaral ng ALS Therapy Development Foundation, may mga kaso na

walang mabuti o masamang dulot ang maaaring maibigay sa kalusugan ng isang pasyenteng

sumailalim sa stem cell therapy. Inobserbahan ng mga eksperto ang mga taong naging instrumento

sa kanilang eksperimento upang matukoy kung mayroong masama o mabuting epekto nga ba

talaga ito sa katawan ng tao. Makalipas ang ilang linggo, walang

naging pagbabago sa kalusugan ng mga taong kasangkot sa eksperimento. Sa kabilang banda,

nakagigimbal naman ang resulta ng eksperimento ng ibang mga eksperto at natuklasan nilang

maaaring maging mitsa ito, sa pagkabuo ng mga bukol sa parting tinurukan dahil hindi maayos ang

pagdaloy ng selula sa ugat. Naging tipak ng kalamnan ang selula dahil hindi na makontrol ang

mabilis na pagdami nito.

Page 76: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

150

Maraming klase ang stem cell therapy, iba't iba ang maaaring mapagkuhanan ng mga

selula na gagamitin sa proseso ngunit magkakaiba ang bilis ng aksyon nito depende kung saan ito

nakuha. Ang embryonic stem cell therapy ay isang uri ng nasabing proseso na gumagamit ng stem

cell na galing sa mga namumunong embryo dahil mas mabisa at aktibo ito sa pagdedebelop ng

mga organo at kalamnan. Sinasabing hindi etikal ang prosesong ginagawa rito dahil ikinamamatay

ng supling ang pagkuha sa kanila ng mga selula na maaari ding maisahalintulad sa aborsyon dahil

sa pagkitil ng murang bunay. Nagiging instrumento na lamang ang mga ito upang mapaganda ang

kalusugan ng ibang tao.

Layunin

Ang ulat-analitikal na ito ay naglalayong maipabatid sa mga mambabasa ang proseso ng

stem cell therapy at ang mga posibleng masasamang epekto na maidudulot nito sa mga taong

sumailalim na rito. Naglalayong masagot ng pag-aaral sa stem cell therapy ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang posibleng masamang epekto ng stem celltherapy sa katawan ng tao?

2. Ano-ano ang kapaki-pakinabang na dulot ng stem cell therapy at ang pagiging posibilidad

nito bilang lunas sa kanser?

3. Ano-ano ang rason sa patuloy na pagtangkilik ng mga tao sa stem cell therapy?

Saklaw

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mambabasa

tungkol sa sumisikat na prosesong medikal na stem cell therapy upang hindi basta-bastang

tumangkilik ang mga tao sa nasabing proseso. Nakatuon din ito sa mga pangunahing impormasyon

na dapat malaman ng isang tao tungkol sa prosesong medikal upang hindi mapasama sa kanilang

kalusugan ang pagtangkilik dito. Inilarawan sa pag-aaral ang mga posibleng mabubuti at

masasamang epekto ng stem cell therapy, patunay na maaaring makapagpagaling ito ng mga

malulubhang sakit gaya ng kanser at ang patuloy na pagdlami ng pagtangklik ng mga tao rito.

Page 77: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

151

Limitasyon

Nakabatay lamang ang pag-aaral na ito sa ebidensiyang mula sa mga iba’t ibang

babasahin, mga balita, programang pangkalusugan, mga nakapanayam na doktor, at mga opinyon

ng mga tagatugon sa isinagawang sarbey. Hindi ito batay sa mga eksperimento o resulta ng mga

pagsusuring medikal mula sa mga taong aktuwal na nakaranas ng Mabuti o hindi mabuting epekto

ng stem cell therapy.

Diskusyon

Mga Posibleng Masamang Epekto ng Stem Cell Therapy sa Katawan ng Tao

Ang pangunahing suliranin ng pag-aaral sa stem cell therapy ay tungkol sa pagkilanlan sa

mga masasamang epekto nito sa katawan ng tao. Ayon sa mga natuklasan ng mga mananaliksik,

kahit na marami ang mga mabubuting dulot nito sa katawan ng tao, mayroong kaakibat naman ito

na posibleng makapagdulot ng masamang epekto ngunit hindi gaanong karami gaya ng inaasahan

ng mga mananaliksik. Ang mga masasamang dulot ng nasabing prosesong medikal ay ang

sumusunod:

1. Pagkabuo ng mga bukol sa katawan ng tao. Sinasabi na kapag hindi nabantayan ang mga

selulang itinurok, namumuo ang mga ito sa isang parte ng katawan ng tao na siyang

nagiging bukol na gawa sa laman. Sa mabuting palad, hindi naman nakakamatay ang mga

bukol na natuklasang epekto ng proseso.

2. Ataxia telangiectasia o abnormal na pagtubo ng spinal cord at utak. Base sa pag-aaral ng

mga eksperto, isang lalaki na sumailalim sa embryonic stem cell therapy ang nagkaroon ng

nasabing karamdaman. Ang nabanggit na sakit ay isang hind pangkaraniwan na

karamdaman na nagreresulta sa pagiging inkapasidad ng isang tao at paghina ng

sistemang imyuno at baga.

3. Pagiging hindi etikal na gawain partikular na ang embryonic stem cell therapy. Hindi man

ito isang masamang epekto sa kalusugan ay masasabing hindi naman ito nararapat na

gawain upang ipalit ang murang buhay sa ibang taong may malubhang karamdaman. Isang

napakakontrobersilyal na usapin ito dahil nababangga nito ang karapatan ng taong

mabuhay at ang batas na bawal kumitil ng buhay.

Page 78: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

152

4. Sanhi ng stroke at pamamaga ng parte ng utak dahil sa hindi maayos na pagsasagawa ng

proseso. Bumabara ang stem cells sa mga ugat na nagiging sanhi ng pagputok nito kapag

hindi na makadaloy ang dugo rito. An9 pagdami ng mga hindi mapagkakatiwalaang website

na nag-aalok ng nasabing proseso ay isa sa mga pinagkukuhanan ng pag-asa ng mga may

wala nang lunas na sakit, ngunit ang masama rito ay niloloko lamang sila ng mga ito upang

kumita, imbis na makatulong sa kalusugan ay lalo pa nitong nailalagay sa piligro ang buhay

ng umaasang pasyente.

5. Posibilidad na walang maging epekto ang pagtuturok ng stem cell dahil sa sistemang

imyuno ng tao sa kadahilanang pinapatay kaagad nito ang mga itinurok na selula. Mula sa

ika-walong tanong sa talatanungan, 77 tagatugon ang sumagot ng Oo, samantalang 67

naman ang sa Hindi. Halos sampung sagot lamang ang ikinalamang ng Oo sa Hindi at mula

rito ay makikita na mas pumapanig ang mga tagatugon na hindi etikal o imoral ang

pagsasagawa ng embryonic stem cell therapy dahil sa proseso nitong pangangalap ng mga

selula sa mga namumuong embryo. sa kabilang banda, marami pa rin ang mga sumang-

ayon na hindi ito imoral. Ngunit kung sakaling ipagpatuloy ang ganitong pangangalap ng

selula, mas maiging sa napalaglag nang mga sanggol ang kuhanan nila ng mga selulang

kakailanganin sa proseso.

Mula sa ika-pitong tanong ng talatanungan, 66 tagatugon ang sumagot na

"Nakakapagpabata ito 33 sa "Nakakapag-ayos ng nasirang organo 30 sa

"Nakakapagpagaling ng malulubhang sakit'; 18 sa "Nakakalakas ng sistemang imyuno" 12

sa Nakakapagpabalik ng paningin'; 5 sa Nakakamatay ito'; 4 sa "Mas nakakapagpalala ng

sakit" 3 sa "Nakakatulong sa pag-iwas sa pagkabaog' 2 sa "Nagreresulta sa mga bukol sa

katawan"; at parehong 1 sa "Walang masama o mabuting epekto sa katawan

Ang grap 4 ay nakapokus sa pagdaragdag ng datos para sa suliranin bilang 1 at 2.

Naipakita sa resulta na mas maraming magagandang dulot ang alam ng mga kalahok kaysa sa

mga masasamang epekto nito. Sinabi na hindi pa talaga lingid sa kaalaman nila ang mga

masasamang dulot nito kaya naman sa tulong ng pag-aaral tungkol sa paksang ito, malalaman ng

mga mambabasa ang mga posibleng maging negatibong dulot nito sa katawan ng tao.

Page 79: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

153

Malaking puntos ng sagot ng mga tagatugon ay nasa epektong nakakapagpabata ito. Gaya

ng nabanggit kanina, maraming kilalang personalidad ang nagsasabing nakakapagpabata ito, kaya

naman ito ang unang pumapasok na pangunahing magandang dulot nito sa katawan ng tao. Mas

ginagamit kasi ang nasabing proseso bilang pampaganda ng panlabas na anyo dahil mabilis makita

ang resulta nito hindi gaya ng mga produktong pinapahid lamang sa mukha.

Pakinabang na Dulot ng Stem Cell Therapy sa Katawan ng Tao

Ang pangalawang suliranin naman ay ang pakinabang na dulot ng nasabing prosesong

medikal at ang posibilidad nito bilang lunas sa malulubhang sakit gaya ng kanser, Ayon sa mga

nakalap na datos ng mga mananaliksik, napakarami ng mga posibleng mapagaling ng stem cel

therapy. Ang mga ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Parkinsons Disease

2. Alzheimer's Disease

3. Heart Diseases, Stroke, at Diabetes (Type 1)

4. Birth defects o kapansanan simula noong ipinanganak

5. Pinsala sa spinal cord

6. Pagsasaayos sa mga nasirang organo

7. Pagpapabata ng mukha

Mula sa pangatlong tanong sa talatanungan, 116 tagatugon ang sumagot ng Oo, samantalang

28 naman ang sa Hindi.

Lahat ng mga bagay na walang siguradong pagkakakilanlan ay natural na pinagsasliksikan ng

mga eksperto upang mahasa ang mga posibleng potensiyal na kontribusyon nito. Maraming bilang

ng tagatugon ang sumang-ayon na dapat bigyang importansya ang pag-aaral sa sterm cell therapy.

Hindi kasi maikakaila ang mga positibong balita ng nasabing prosesong medikal dahilan upang

makilala ito ng mga tao sa iba’t bang bansa. Inilagay ng mga tagatugon ang kani-kanilang mga

rason sa pagsang-ayon at hindi pagsang-ayon sa nasabing pag-aaral sa stem cell therapy. Pagiging

malaking ambag nito sa larangan ng medisina ang pangunahing sagot ng mga kalahok dito,

samantalang para sa iba hindi ito mahalaga sapagkat ginagamit lang ito bilang pampaganda.

Sa ikalimang tanong sa talatanungan, 113 tagatugon ang sumagot ng 0o, samantalang 31

naman ang sa Hindi.

Page 80: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

154

Karamihan ng mga tagatugon ay sumang-ayon na maaaring maging lunas ang stem cell

therapy sa sakit na kanser. Kahit na wala pang kasiguraduhan ang pagiging gamut nito, naniniwala

pa rin ang mga tao sa kakayahan nito.

Ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik, mayroong kakayahan ang nasabing proseso na

masolusyonan ito dahilsa taglay nitong aktibidad sa katawan na maaaring makapagpalit ng mga

selula ng kanser. Natural na sa mga stem cell na bumuo ng panibagong selula kaya naman

akmang-akma ito bilang lunas sa nasabing sakit. Ang pagiging posibilidad nitong maging lunas sa

kanser ay hindi pa rin sigurado kung kaya nitong mapagaling ang isang daang porsiyento ang

naturang sakit. Ngunit maraming eksperto na ang nagsasabi na malaki ang potensiyal nitong

maging pamalit sa chemotherapy na pangunahing lunas sa kanser. Kaya naman ay patuloy pa rin

ang pagsasaliksik ng mga eksperto sa mga maaaring maging kapaki-pakinabang na dulot nito

upang magamot ang mga malulubhang sakit na walang lunas gaya ng kanser.

Mga Rason sa Patuloy na Pagtangkilik ng mga Tao sa Stem Cell Therapy

Ang panghuli at pangatlong suliranin ay tungkol sa mga rason kung bakit patuloy ang

pagtangkilik ng mga tao sa stem cell therapy bilang pampaganda ng hitsura at kalusugan. Ayon sa

teorya ni Bartky at Bordo na pinag-aralan ng mga mananaliksik, malimit sa ilang kababaihan na

tumangkilik ng mga prosesong pampaganda upang maging kaaya-aya sa paningin ng mga tao sa

lipunan. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pagiging mapanghusga ng lipunan ang nag-

uudyok sa kanila na sumailalinm sa nasabing proseso katulad ng stem cell therapy. Ngunit sa

naging resulta sa isinagawang sarbey, kakaunti lamang ang pumayag na magpasailalim sa stem

cell therapy. lan sa mga dahilan nila ay hindi sila sigurado kung ano ang mga puwedeng maidulot

nito sa kanilang kalusugan at ang ilan naman ay kontento na sa kung ano ang ibinigay ng Panginoon

sa kanila. Kahit papaano, mayroon namang mga tagatugon na gustong sumailalim sa nasabing

prosesong medikal kung bibigyan sila ng tsansa; malimit na kadahilanan nila ay ang magagandang

dulot nito sa kalusugan na kanilang nabalitaan tungkol dito.

Mula sa ika-anim na tanong sa talatanungan, 77 tagatugon ang sumagot ng Hindi,

samantalang 67 naman ang sa Oo. Isa sa mga dahilan ng mga tumatangkilik nito ay ang kakayahan

nitong makapagpabata at makapagpaganda ng hitsura. Marami na ring mga patunay na galing pa

sa mga sikat na personalidad ang nagsabing epektibo itong paraan sa pagtatanggal ng wrinkies at

Page 81: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

155

iba pang signs of aging. Ngunit ayon sa resulta na isinagawang sarbey, hindi lahat ay naniniwala

sa kakayahan nitong makapagpabata.

Mula sa ika-siyam na tanong naman, 131 tagatugon ang sumagot ng Hindi, samantalang

13 naman ang sa Oo. Ang lahat ng mga sumagot sa Oo ay hiningan ng dahilan kung ano ang rason

sa likod ng pagsasailalim sa nasabing prosesong medikal. Lisa lamang ang naging sagot na mga

tagatugon: ito ay dalhil sa dulot ng stem cell therapy na makapagpabata ng mukha.

Ayon sa isinagawang sarbey sa katanungang Ano-ano ang kalimitang dahilan ng mga tao

sa pagsasailalim sa stem cell therapy?", 78 tagatugon ang sumagot na "Para sa pagpapaganda ng

hitsura"; samantalang 25 sa "Dahil sa magandang dulot nito sa kalusugan"; 24 sa “Dahil gusto

nilang sumubok ng bagong lunas para sa kanilang sakit"'; 18 sa "Dahil may pera silang pambayad

para sa pagsasailalim dito"; 15 sa "Dahil pinayuhan sila ng doktor na sumailalim sa prosesong

medikal na ito'; 12 sa "Para subukan kung totoo ang mga balita tungkol dito"; 4 sa "Dahil gusto

nilang magyabang'; at 1 sa ibang sagot.

Gaya ng inaasahan, karamihan sa mga tagatugon ang sumagot ng mayroong kinalaman

sa pagpapaganda. Mas nagiging tanyag kasi ang nasabing proseso bliang gamit sa pagsasaayos

ng hitsura ng mukha. Ito rin ang nauusong paggamit ng naturang proseso dahil na rin sa malakas

na impluwensiya ng mga artista na nagkokomento tungkol sa pagiging mabisa nitong pampabata.

Kongklusyon

Ang stem cell therapy ay makabubuti lamang sa ating kalusugan kapag tama ang paggamit

dito at kung ang dahilan ng pagsailalim ay pinayo ng isang espesyaista o eksperto, dahil ang

medikal na prosesong ito ay hindi lamang basta parmpaganda o pampabata, ito rin ay isang medikal

na proseso na maaaring magbigay ng bagong pag-asa sa mga may karamdaman o maging

katapusan ng sang buhay, Mahalaga ang ating kalusugan; ito ay isang kayamanang kailangan

nating ingatan kayat huwag basta- basta isailalim ang sarili sa anumang medikal na proseso para

lang sa walang katuturang bagay.

Masasabing kahit hindi man isang daang porsiyentong nakuha ng mga mananaliksik ang

kanilang mga inaasahang resulta sa pagsasagawa ng sarbey, naging bukas ang isipan nila sa iba

pang dahilan kung bakit hindi ito nangyari. Maaaring hindi pa talaga gaanong popular ang stem cell

therapy sa buong bilang ng mga kalahok dahil marami sa kanila ang hindi handang magpasailalim

sa nasabing prosesong medikal.

Page 82: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

156

Marami lamang ang nakakaalam sa terminong stem cell therapy ngunit ilan lamang sa mga

ito ang nakaalam sa mga proseso kung paano isinasagawa ito. Mahalaga rin na bigyang-

importansiya ang masusing pag-aaral ng stem cell therapy upang mabigyang linaw at kasagutan

ang mga kuro-kuro kaugnay rito. Sa kabilang banda, maraming sakit naman ang kayang bigyang

lunas ng stem cell therapy ngunit kailangan munang alarmin o siguraduhin mula sa mga eksperto

kung ano-ano lang ba talagang sakit ang angkop sa ganitong uri ng panggagamot.

Rekomendasyon

Para sa lahat ng taong gustong magpasailalim sa stem cell therapy, nararapat lamang na

sa mapagkakatiwalaang ospital o medikal na institusyon lamang magsagawa nito. Maging maingat

sa pagtitiwala sa mga makabagong medikal na proseso lalo na't kung hindi pa ito napapatunayang

maigi ng siyensiya, at hindi pa ito subok ng panahon. Hindi lamang dapat basta-basta tinatangkilik

ang isang proseso lalo na kung wala pang sapat na kaalaman tungkol dito. Hangga't maaari,

basahin ang mga pahayag ng mga eksperto o mga taong may awtoridad, gaya na lamang ng

sekretarya ng Department of Health (DOH) upang malaman kung maaaring magpasailalim dito.

Para sa mga susunod na mananaliksik, makatutulong ang mga programang

pangkalusugan sa telebisyon para makapagbigay ng mga impormasyong may kinalaman sa

pangkalahatang kalusugan, lalong-lalo na kung walang makuhang eksperto na maaaring

makapanayam ng personal. Maging masipag at matiyaga rin sa paghahanap ng mga reperensiyang

magagamit ng lubusan sa pag-aaral

Para sa iba pang maipapayo ng mga mananaliksik, maging kuntento na sa kung ano ang

ibinigay ng Diyos lalo na sa mga nagbabalak na sumailalim sa stem cel therapy para sa

pagpapaganda ng pisikal na anyo. Hindi sagot ang medisina upang masabing magandaang hitsura

ng isang tao.

Sanggunian

Barrett, S. (M.D.). (2012, September 14). The Shady Side of Embryonic Stem Cell Therapy.

Retrieved December 19,2012, from http://www.quackwatch.org/06Research Projects/

stemcell.html/

Page 83: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

157

Mula sa: Francisco, G., et.al (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Pahina 164

Stem Cell Research: Pros and Cons in Research. (2008). Retrieved December 19, 2012, from

http://explorable.com/stem-cell-pros-and-cons.html/

Fish, C. (2012, December 13). Hope For Infertile Cancer Survivors Provided By Stem Cell

Research Medical News Today). Retrieved December 19, 2012, from http://www.

medicalnewstoday.com/releases/253864.php

Heger, M. (2010, January-February). Stem Cell science takes off. Discovery Magazine, XXx,

23.

Maienschein, J. (2003). Whose view of life? Embryos cloning and Stem cells. London:

Harvard University Press.

Odorico, J., Zhang, S.C., Pedersen, R, et. al. (2005). Human Embryonic Stem Cells. USA:

Garland Science/BIOS Scientific Publishers.

Panno, J. (Ph.D.). (2005). The New Biology: Stem Cell Research: Medical Applications and

Ethical Controversy. USA: Facts on File Inc.

Papadaki, E. (2012, December 21). Feminism Objectifcation. Retrieved March 1, 2013, from

http://plato.stanford.edu/entries/feminism-objectification/#FemApp0bj

Park, A. (2011, June 25). Stem Cell Miracle? New Therapies May Cure Chronic Condition

like Alzheimers. Retrieved December 15, 2012, from http://www.time.com/time/

magazine/article/0,9171,2078130,00.html

Pelley, S. (2012, January 8). Stem Cell Fraud: A 60 minutes Investigation. Retrieved March

1,2013, from http://www.cbsnews.com/8301-18560_162-57497588/stem-cell-fraud-a-60

minutes-investigation/?pageNum=2

Ross, V. (2012, January-February). Stem Cell research hits more painful setbacks. Discovery

Magazine, 69.

Pigura 15.2. Halimbawa ng Ulat-Analitikal

Page 84: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

158

Pagsasanay

Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

A. Panuto: Gumamit ng kompletong pangungusap sa pagsasagot sa mga tanong sa ibaba. 1. Ano ang kahalagahan ng ulat-analitikal para sa iba’t ibang larangan?

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Para saan ang liham paglilipat o letter of transmittal? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Bakit mahalagang gumamit ng talaan ng nilalaman? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Ano ang dapat nilalaman ng Ehukitibong Buod? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

B. Panuto: Sa paraang patanong, isulat sa patlang ang posibleng paksa ng ulat-

analitikal para sa mga larangang makikita sa ibaba. Ang unang numero ay magsisilbing halimbawa ninyo. PAKSA 1. Food and Beverage Business

Ano ang magandang produktong pwede nating buuin at ibenta na tatangkilikin ng mga mag-aaral sa kolehiyo._______________________ _________________________________________________________

2. Internet o Computer Café Business ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 85: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

159

Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang sulating gawain)

3. Photography Business ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Animation Industry ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Panuto: Basahin ang talata sa ibaba. Punan ang patlang ng tamang sagot. Nasa kahon sa

ibaba ang mga pagpipilian.

Ang 1. __________ ay may iba’ ibang tungkulin sa trabaho tulad ng pagbibigay o

paglilipat ng pangkalahatang impormasyon, pagpepresenta ng resulta ng 2. _________, at

paggawa ng mapanghikayat na 3. ___________.

Ang isang 4. __________ ay isang teknikal o propesyunal na dokumento na

isinusulat para gamitin sa pamhalaan o sa 5. __________. Nagmumula ang mga

impormasyong inilalagay sa isang ulat-analitikal ang mga katangian ng isang ulat at ng

isang 7. __________.

Iba’t iba ang tunguhin ng ulat-analitikal depende sa larangan. Ilan sa mga

tunguhing ito ay magtaya ng mga 8. __________, bumuo ng mga 9. __________, sumuporta

sa mga desisyon at 10. __________ ng mga napapanahong isyu.

May iba’t ibang bahagi ang ulat-analitikal na wala sa ibang uri ng ulat. Ang 11.

__________ ay isang liham na ginagamit kung tagalabas ang gagawa ng ulat-analitikal. 12.

__________ ang listahan ng mga imahen tulad ng mga grap at dayagram upang maglahad

ng mga komplikadong ideya sa kanilang mambabasa.

Tulad ng anumang pananaliksik, ang ulat analitikal ay nararapat na may 13.

__________, diskusyon, 14. __________, at rekomendasyon. 15. __________ naman ang

bahagi kung saan inillilista ang mga pinaghanguan, sinipi, o ginagamit sa pananaliksik.

desisyon magsuri kongklusyon pananaliksik

liham paglilipat negosyo argumento ulat

sanggunian imbestigasyon solusyon talaan ng ilustrasyon

opurtunidad introduksiyon ulat-analitikal

Page 86: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

160

Pagsasanay 3. (mamarkahan bilang performans na gawain)

Panuto: Sumulat ng isa hanggang dalawang pahinang ulat-analitikal kaugnay sa isang

paksa mula sa alinmang larangan sa ibaba.

1. midya

2. teknolohiya

3. sikolohiya

4. medisina

5. batas

6. turismo

7. edukasyon

8. politika

9. inhinyeriya

10. marketing

Pamantayan sa Paggagrado:

Pamantayan Puntos Iskor

1. Malinaw ang layunin sa pagpili ng paksa 20

2. Kompleto ang mga bahagi ng ulat-analitikal at tama ang gamit ng

wika

20

3. Mahusay ang pagkakasulat at tama ang gamit ng wika. 20

4. Gumagamit ng wastong sanggunian at may mahusay na

kongklusyon at rekomendasyon

20

5. Pinaghandaan ang presentasyon sa harap ng klase at gumagamit

ng biswal na pantulong para rito.

20

Kabuuan 100

Page 87: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

161

Paglalagom

• Ang isang ulat-analitikal ay isang teknikal o propesyunal na dokumento na isinusulat

para gamitin sa pamahalaan o negosyo.

• Nagmumula ang mga impormasyong inilalagay sa isang ulat-analitikal sa mga

sarbey, rekord-pinansyal, at iba pang mapagkakatiwalaang hanguan ng

impormasyon.

• Tunguhin ng ulat-analitikal na: magtaya ng opurtnidad, bumuo ng mga solusyon,

sumuporta sa mga desisyon, maglarawan ng problema, pagsusuri ng produkto,

magrekomenda ng produkto, magsuri ng napapanahong isyu, magbigay n mga

bagong pananaw kaugnay sa dati nang isyu.

Sanggunian

• Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex

Book Store Inc.

• Sukla, R. (2017). An Analysis Report In 3 Steps (Your Boss Will Like This!). PenPath.

https://penpath.com/blog/3-steps-analysis-report-boss-will-like/

Page 88: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

MODYUL 16 Pagbuo ng Manwal

Panimula

Sa pang-araw-araw nating pamumuhay sa ngayon ay atin nang kaakibat ang

mga tekonolohiya na gawa ng tao, ang ilan dito ay ang mga gadgets na laging bitbit,

makinarya na ginagamit sa produksyon at appliances na makikita sa sulok ng bawat tahanan.

Marahil ang mga bagay na ito ay pamilyar na sa iyo lalo na kung araw-araw mo itong

ginagamit, ngunit bago mo lubusang magamit nang husto ay marahil ay naranasan mo ang

magbuklat ng manwal na kasama ng bago mong biling appliances. Sa araling ito ay

malalaman mo ang kahulugan at kahalagahan ng manwal, gayundin ay dapat mong

maranasan ang lumikha ng isang halimbawa ng manwal.

Bunga sa Pagkatuto (Learning Outcomes)

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

• natutukoy ang kahulugan ng manwal;

• naiisa-isa ang mga uri ng manwal ayon sa gamit;

• nailalapat ang mga payo sa pagsulat ng manwal para sa paggamit; at

• nakasusulat ng manwal para sa paggamit ayon sa balangkas ng mga bahagi nito.

Page 89: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

163

Aralin 1. Pagbuo ng Manwal

Inilahad nina Francisco et al. (2017),

na ang manwal ay mga pasulat na gabay o

reperensiyang materyal na ginagamit sa

pagsasanay, pag-oorganisa ng mga gawain

sa trabaho, pagbuo ng mga mekanismo,

pagpapatakbo ng mga kagamitan o

makinarya, pagseserbisyo ng mga produkto

o pagkukumpuni ng mga produkto. Ang mga

gamit tulad ng appliances sa bahay, mga

gamit sa opisina tulad ng kompyuter, fax machine, printer, cellphone, at iba pa ay laging may

tinatawag na user manual o user guides. Tungkulin ng isang teknikal na manunulat ang

pagsulat ng mga manwal na ito.

Ang manwal ay nagtuturo sa isang tao kung paano gagamitin o gagawin ang isang

bagay. Higit na komprehensibo at malawak ang saklaw nito kaysa sa instruksiyon. Ang

manwal ay nagbibigay ng mga panuto para sa mga komplikadong gawain katulad ng eroplano

o sasakyan, maraming magkahiwalay na manwal ang kinakailangan (Francisco et al. 2017).

Aralin 2. Iba’t ibang uri ng manwal ayon sa gamit

(Francisco et al. 2017):

1. Manwal ng Pagbuo (Assembly Manual) – para sa konstruksiyon o pagbuo ng isang

gamit, alignment, calibration, testing, at adjusting ng isang mekanismo.

2. Manwal para sa Gumagamit o gabay sa Paggamit (User Manual o Owner’s Manual)

– naglalaman ng gamit ng mekanismo, routine maintenance o regular na

pangangalaga at pagsasaayos ng mga kagamitan, at mga pangunahing operasyon o

gamit ng isang mekanismo.

Mula sa: home.bt.com (2018) Pigura 16.1. Manwal

Page 90: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

164

3. Manwal na Operasyonal (Operational Manual) – kung paano gamitin ang mekanismo

at kaunting maintenance.

4. Manwal-Serbisyo (Service Manual) – routine maintenance ng mekanismo,

troubleshooting, testing, pag-aayos ng sira, o pagpapalit ng depektibong bahagi.

5. Teknikal na Manwal (Technical manual) – nagtataglay ng espesipikasyon ng mga

bahagi, operasyon, calibration, alignment, diagnosis, at pagbuo.

6. Manwal para sa Pagsasanay (Training Manual) – ginagamit sa mga programang

pampagsasanay ng particular na mga grupo o indibidwal.

Aralin 3. Komponent ng Manwal

Karaninwang nilalaman ng isang manwal ang alinman sa sumusunod (Francisco et al. 2017):

1. tiyak na depinisyon;

2. deskripsyon ng mga mekanismo

3. sunod-sunod na hakbang o instruksiyon; at/o

4. pagsusuri ng mga proseso.

Nakatuon ang bahaging ito sa manwal para sa Gumagamit o Gabay sa Paggamit (User

Manual o User Guide) dahil ito ang pinakakaraniwang uri ng manwal.

Awdiyens

Pangunahing konsiderasyon sa pagbuo ng manwal para sa gumagamit ay ang

awdiyens. Ang wika at teknikal na detalye ay dapat na angkop at nauunawaan ng inaasahang

gagamit ng isang produkto o mekanismo. Kailangan ng deskripsyon ng mekanismo,

depinisyon ng mga termino, instruksiyon sa pagpapagana o pagpapatakbo, at solusyon sa

mga posibleng problema sa operasyon ng produkto. Kailangan din ng grapikong ilustrasyon

upang malinaw na makita ang mga bahagi ng produkto. (Francisco et al., 2017)

Kahit papaano pa kakomplikado ang isang produkto o mekanismo, kailangang gawing

malinaw, simple, at tiyak ang wika sa user manual. Kailangan ding ikonsidera ang mga

Page 91: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

165

pagpapaikli ng mga salita o mga simbolong gamit sa manwal upang maging akma sa

kakanyahan ng gagamit nito (Francisco et al., 2017).

Disenyo

Narito ang mga gabay sa pagbuo ng mabisang manwal (Francisco et al., 2017):

1. Madaling sabihin at madaling masundan ang mga panuto;

2. May kaakit-akit na disenyo;

3. May mga ilustrasyon para palawakin ang pag-unawa ng mambabasa;

4. Magagamit na reperensiya sa hinaharap;

5. Naglalaman ng tungkol sa mga paksa, gawain, pamamaraan, at iba pang

impormasyong nakaayos sa lohikal na pagkakasunod-sunod.

Aralin 4. Balangkas ng Isang Manwal o Gabay sa Paggamit

(Francisco et al. 2017)

1. Pabalat na Pahina – kailangan may malinaw na pamagat. Ang pamagat ay sumasagot

sa tanong na, “Tungkol saan ang manwal na ito?” o “ano ang nilalaman ng manwal?”

Ang pamagat ay maaring may disenyo na angkop sa larangang pagagamitan nito.

2. Talaan ng Nilalaman – dito itinatala ang mga pahina at ang pagkakasunod-sunod ng

mga gawain sa loob ng manwal.

3. Introduksyon – nagpapaliwanag tungkol sa Ano-Paano-Sino. Ano ang nilalaman ng

manwal o tungkol saan ang manwal? Paano gamitin ang manwal? Sino ang gagamit

o para kanino ang manwal?

4. Navigational Tips – pahina na may biswal na simbolo na mgagamit upang unawain

ang mga bahagi ng manwal.

a. Gamit at Tungkulin – dito nakalahad kung paano ginagamit o saan ginagamit

ang isang bagay.

Page 92: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

166

• Saklaw – dito nakasulat kung ano lamang ang mga paksang tatalakayin

sa manwal, partikular sa mga gamit at tungkulin. Naglalagay din dito ng

mungkahi kung saan maaring pumunta o tumawag kung ang isang

problema ay hindi na sakop ng manwal.

• Takdang Gamit – dito isa-isang nakalahad ang mga gamit o usage ng

isang bagay.

• Deskripsyon – dito inilalarawan ang bawat bahagi ng bagay at

kadalasang karugtong ito ng mga takdang gamit.

• Espesipikasyon – dito iniisa-isa ang mga katangian ng gamit at

gayundin kung may espesyal na mga katangian ang mga ito na wala

sa ibang kagamitan.

Dito rin nakalagay kung ito ay isang bago o updated na bersiyon ng

isang gamit na nauna nang ilabas.

b. Prinsipyo ng Operasyon – binabanggit dito kung ano ang disenyo at kung bakit

ito idinisenyo nang gayon. Kung may iba’t ibang operasyon para sa bawat

bahagi ng kagamitan, iniisa-isa itong ilarawan.

• Introduksyon – ipinapakilala nito kung ano ang katawagan sa gamit o

instrumento. Inuulit at binibinigyang-diin din ang mga takdang gamit

nito.

• Teoritikal na Kaligiran – isinasaad ang mga pinagbatayang teorya at

mga pag-aaral na naging dahilan sa pagkabuo ng gamit o instrumento.

• Gamit at Instrumento – isinasaad dito ang pangkalahatang gamit ng

instrumento.

• Pagsusuri ng Datos – dito inilalagay ang pagsusuri o analisis ng mga

datos na pinag-aralan sa pagbuo at produksyon ng gamit o

instrumento. Ito ay magiging patunay na ang gamit o instrument ay

dumaan sa masusing pag-aaral, eksperimentasyon, at pagkakabuo

kung kaya masasabing matibay at kapaki-pakinabang ito para sa mga

gagamit.

Page 93: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

167

c. Instruksyon sa Operasyon – dito inilalagay ang sinusunod na mga panuto at

pamamaraan sa paggamit ng mga bagay o kung paano gagamitin o paandarin

ang mga ito.

• Ang Gumagamit – dito inilalarawan kung sino ang mga maaring

gumamit ng instrumento.

• Mga Kontrol at Indikasyon – Ito ay may guhit, ilustrasyon o larawan ng

mga kontrol na pinipindot o ginagalaw upang magamit ang instrumento.

Nilalagyan din ng pangalan at paliwanag ang mga simbolo sa mga

kontrol at ipinapaliwanag ang mahahalagang indikasyon tulad ng mga

kulay ng ilaw na makikita depende sa sitwasyon.

• Pamamaraan sa Pagsisimula – dito iniisa-isang ipaliwanag ang bawat

hakbang na kailangang sundin upang mabuksan at magamit ang

instrumento, kung ano ang kailangang kuryente o baterya, at kung ano-

ano ang buton na pipindutin.

• Mga hakbang sa Paggamit – isa-isang nakalahad kung paano

gagamitin ang bawat bahagi ng gamit o instrumento. Ipinapaliwanag

din dito ang mga bawat bahagi ng gamit o instrumento. Ipinapaliwanag

din dito ang mga prosesong kailangang sundin upang maisagawa ang

isang tungkulin ng instrumento.

d. Serbisyo at Pagmementena – dito nakasulat ang mga paraan ng pagsasaayos

ng gamit o instrumento kung sakaling magkaroon ng anumang di-inaashanag

problema sa paggamit nito at nakalagay din dito kung saang lugar o opisina

maaring magtungo upang ipagawa ang gamit o instrumento.

• Karaniwang Problema – dito iniisa-isang ilahad ang mga posibleng

maranasang problema ng gamit o instrumento at ang mga posibleng

dahilan kung bakit umuusbong ang mga problemang ito. Halimbawa.

Mali o di-maingat na paggamit ng taong gumagamit nito.

• Simpleng Solusyon – dito nagbibigay ng mga mungkahing solusyon sa

mga karaniwang problemang nararanasan ng gamit o instrument, at

mga solusyong maari at kayang gawin ng user nang hindi na

kailangang pumunta sa opisinang nagseserbisyo.

Page 94: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

168

5. Apendiks – ito ang mga kalakip na dokumentong may kaugnayan sa kabuuan ng

nilalaman ng manwal.

a. Glosaryo para sa mga termino – nakatala nang paalbeto ang mga termino ng

mga bagay, proseso, gamit ng instrumento, at kahulugan ng mga ito,

b. Talahanayang Reperensiya – nasa anyong talahanayan o table ang mga

reperensiyang ginagamit sa mga pagsusuri ng datos o alinmang bahagi ng

papel o manwal.

6. BIbliograpiya – paalpabetong talaan ng mga reperensiya o mga binasang dokumento,

lumilitaw o nababanggit man ang mga ito sa mismong papel ng manwal o hindi.

Aralin 5. Mga Payo sa Pagsulat ng Manwal

(Francisco et al. 2017)

1. Gumamit ng payak na salita. Iwasan ang mga jargon o teknikal na salita, maliban kung

sadyang kinakailangan. Ipaliwanag ang teknikal na salita sa unang beses na

gagamitin ito.

2. Buuin ang mga unang akronim sa unang banggit.

3. Maging konsistent sa paggamit ng terminolohiya, tono, at estilo ng pagsulat.

4. Gumamit ng maiikling pangunugusap at parirala.

5. Gumamit ng numbered list.

6. Gumamit ng ilustrasyon (larawan, grap, flowchart, o screen display) kung angkop sa

tinatalakay na konsepto at para sa pagpapadali sap ag-unawa. Dapat lagging malapit

ang posisyon ng mga biswal na element sa inilalarawang tekso.

7. Tingnan at rebisahin ang mga posibleng mali sa ispeling at gramatika.

Page 95: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

169

Pagsasanay

Pagsasanay 1. (mamarkahan bilang sulating gawain)

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

__________ 1. Pasulat na gabay o dokumento na ginagamit sa pagsasanay, pag-oorganisa

ng mga gawain sa trabaho, pagbuo ng mga mekanismo, o pagtuturo sa isang tao kung

paano gawin ang isang bagay.

__________ 2. Uri ng manwal na naglalaman ng gamit ng mekanismo o ng pangunahing

operasyon ng isang mekanismo

__________ 3. Uri ng manwal na ginagamit sa mga programang pampagsasanay ng

partikular na mga grupo ng indibidwal.

__________ 4. Ang pahinang ito ay may mga biswal na simbolo na magagamit upang

unawain ang mga bahgi ng manwal.

__________ 5. Sa bahaging ito nakalahad ang mga gamit o usage ng isang bagay.

__________ 6. Sa bahaging ito ng manwal, iniisa-isang ipaliwanag ang bawat hakbang na

kailangang sundin upang mabuksan at masimulang gamitin ang instrumento.

__________ 7. Dito nagbibigay ng mga mungkahing solusyon sa mga karaniwang

problemang nararanasan ng gamit o instrumento.

__________ 8. Nakatala dito nang paalpabeto ang mga termino ng mga bagay, proseso,

gamit ng instrumento, at ang kahulugan ng mga ito.

__________ 9. Sa bahaging ito ay may ilustrasyon o larawan ng mga kontrol na pinipindot

o ginagalaw upang magamit ang instrumento.

__________ 10. Ito ang bahaging naglalaman ng patunay na ang gamit o instrumento ay

dumaan sa masusing pag-aaral, eksperimentasyon, at pagkakabuo.

Page 96: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

170

Pagsasanay 2. (mamarkahan bilang performans na gawain)

Paglalagom

• Ang manwal ay mga pasulat na gabay o reperensiyang materyal na ginagamit sa

pagsasanay, pag-oorganisa ng mga gawain sa trabaho, pagbuo ng mga mekanismo,

pagpapatakbo ng mga kagamitan o makinarya, pagseserbisyo ng mga produkto o

pagkukumpuni ng mga produkto.

Sumulat ng isang manwal para sa paggamit ng alinman sa sumusunod. Sundin ang mga

pangunahing bahgi ng manwal. Pumili lamang ng isa (1). Ilagay sa short bond paper.

• Isang bagay na ginagamitan ng teknolohiya

• Isang bagay na mahalagang ginagamit sa bahay

• Isang bagay na kailangan ng baterya o kuryente upang gumana

• Isang bagay na hindi mo kayang mabuhay kung wala ito

• Isang bagay na kadalasang gamit ng mga kabataan

• Isang bagay na magagamit tuwing may emergency o sakuna

Pamantayan sa Paggagrado:

Pamantayan Puntos Iskor

1. Malinaw ang mga panuto sa ginawang manwal 15

2. Gumamit ng mga ilustrasyon para ipaliwanag ang nilalaman 15

3. Simple ang mga salita, konsistent sa paggamit ng terminolohiya,

tono, at estilo sa pagsulat 15

4. Sinunod ang espesipikong mga bahagi ng isang manwal 15

5. Malinis ang pagkakagawa at presentable 10

Kabuuan 70

Page 97: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

171

• Ang manwal ay nagtuturo sa isang tao kung paano gagamitin o gagawin ang isang

bagay.

• Ang manwal ay may iba’t ibang uri ayon sa gamit; Manwal ng Pagbuo (Assembly

Manual), Manwal para sa Gumagamit o gabay sa Paggamit (User Manual o Owner’s

Manual), Manwal na Operasyonal (Operational Manual), Manwal-Serbisyo (Service

Manual), Teknikal na Manwal (Technical manual), at Manwal para sa Pagsasanay

(Training Manual)

• Karaninwang nilalaman ng isang manwal ang alinman sa sumusunod; tiyak na

depinisyon, deskripsyon ng mga mekanismo, sunod-sunod na hakbang o instruksiyon;

at/o pagsusui ng mga proseso.

Sanggunian

• Francisco, Gonzales, at Batnag (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex

Book Store Inc.

• Prokaza, J. (2018). How to find instruction manuals for computers, phones and other

gadgets online. BT.Com.

https://home.bt.com/tech-gadgets/internet/how-to-find-instruction-manuals-for-

computers-phones-and-other-gadgets-online-1136396922

Page 98: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

172

Page 99: Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang (TECH-VOC) (Q2)

173