pagsulat sa filipino sa piling larang (akademik)€¦ · mga kasagutan sa anumang...

18
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kuwarter 2 - Modyul 7: Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Larawang-Sanaysay Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas Senior High School

Upload: others

Post on 14-Mar-2021

98 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

Pagsulat sa Filipino

sa Piling Larang (Akademik)

Kuwarter 2 - Modyul 7: Akademikong Sulatin:

Pagsulat ng Larawang-Sanaysay

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Senior High School

Page 2: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Filipino – Ikalabindalawang Baitang Alternative Delivery Mode Kuwarter 2 -Modyul 7: Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Larawang -Sanaysay Unang Edisyon 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga hiniram na materyales ( awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga materyales o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa . Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua

Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Manunulat: Teresa P. Mingo,PhD, Aileen P. Matundan Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS Maria Dulce Cuerquiz, MT Sol P. Aceron,PhD Leonor C. Reyes Aniceta T. Batallones Mga Tagaguhit at Nag-layout : Mr. Ryan Roa Ms. Mary Sieras Mr. Allan Guibone Mrs. Alma Sheila Alorro Leonor C. Reyes Mga Tagapangasiwa Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III Panrehiyong Direktor Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V Pumapangalawang Panrehiyong Direktor Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V Tagapamanihala Rowena H. Paraon, PhD Pumapangalawang Tagapamanihala Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino Brenda P. Galarpe, SSP- 1 Marisa D. Cayetuna,P-1 Aniceta T. Batallones, MAFIL Leonor C. Reyes, MAEDFIL Joel D. Potane, LRMS Manager Lanie O. Signo, Librarian II Gemma Pajayon, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro Telephone Nos.: (08822)855-0048 E-mail Address: [email protected]

Page 3: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang

(Akademik)

Kuwarter 2 - Modyul 7: Akademikong Sulatin:

Pagsulat ng Larawang -Sanaysay

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador

mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat naming

ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng inyong mga

puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials (i.e. songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

Senior High School

Page 4: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

Talaan ng Nilalaman

Para Saan ang Modyul Na Ito ..................................................................................................... i Ano ang Inaasahan Mo ................................................................................................................. i Paano Mo Matutunan .................................................................................................................. i Mga Icon ng Modyul ..................................................................................................................... ii Ano ang Nalalaman Mo ............................................................................................................... iii

Aralin 1: Akademikong Sulatin:.Pagsulat ng Larawang -Sanaysay

Alamin ……………………………………………………………………………1

Balikan: Paglalahad sa Pananaw………………………………………………1

Tuklasin: Pagsulat ng Larawang-Sanaysay ………………………………….1

Halimbawa ng Larawang-sanaysay………………………………...3

Suriin: Pagsagot sa Tanong ........................................................................ 6

Pagyamanin:Panonood ng Larawang-Sanaysay Video……………………..7

Isaisip: Paghahambing sa dalawang uri ng Sanaysay……………………….7

Isagawa:Pagbuo ng Sariling Larawang -Sanaysay…………………………..7

Tayahin: Pangwakas na Pagtataya ……………………………………………8 Susi sa Pagwawasto ……………………………………………………………………………..9 Mga Sanggunian ................................................................................................................. .10

Page 5: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

Para Saan ang Modyul na Ito

Matutunghayan sa modyul na ito ang nilalaman at ang mga pamamaraan sa pagsulat ng isang Larawang- Sanaysay.

Sadyang inihanda ang modyul na ito upang makatuklas ng mga bagong kaalaman

sa pagsulat ng paksa. . Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang ang kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at panonood. Tutulungan ka ng modyul na ito na matukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konsepto sa wastong pagsulat ng Larawang- Sanaysay.

Sa aralin ding ito, pinag-uusapan ang kahalagahan ng pagbabahagi ng mga

karanasan sa paglalakbay at ipinapakita kung paano binabalangkas ang bawat bahagi ng modyul upang malinang at maisakatuparan ang mga layuning nabanggit para sa mga mag-aaral na gagamit nito.

Ano ang Inaasahan Mo

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko (CS_FA11/12PB-0m-o-102)

2. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling

sulatin(CS_FA11/12PT-0m-o-90)

Paano Mo Matutunan

Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

• Basahin at unawain ng mabuti ang mga konseptong pangkasanayan.

• Sundin ang mga bawat panuto na ibinibigay sa bawat gawain at pagsasanay.

• Sagutin ang lahat ng mga ibinibigay na gawain at pagsasanay.

i

Page 6: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

Mga Icon ng Modyul

ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin .Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang maaasahan nila sa aralin.

SUBUKIN Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy ang lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa tatalakaying paksa.

BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang matukoy ito upang matiyak na may napadagdag pang kaalaman.

TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan ng kwento, pagsasanay ,tula, awitin ,sitwasyon at iba pang paraan .Ginagalugad dito ang mga ideyang magkikintal ng mahalagang kaisipan.

SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin.Maaari rin itong pagtalakay sa paksa.

PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan. Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin at gawain batay sa natutunan sa aralin.

ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng pagsusulit ,gawain at pagsasanay.

ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang mailalapat sa tunay na buhay.

TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng pagkatuto mula sa natamong kasanayan .

KARAGDAGANG GAWAIN

Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga mag-aaral .

SUSI SA PAGWAWASTO

Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain

ii

Page 7: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

Ano ang Nalalaman Mo

Panimulang Pagtataya

A. Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay naglalahad ng kawastuan at may katotohanan at MALI naman kung ito’y walang katotohanan. Isulat ito sa sagutang papel.

_____1.Ang Larawang- Sanaysay ay laging kinapalooban ng mga konsepto na sanaysay , sanay at lakbay. _____2.Ang Larawang- sanaysay ay isang sulatin kung saan higit ng nakararami ang larawan kaysa sa salita o panulat. _____3.Marami ang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin. _____4.Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lang sa mga larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli. _____5.Isipin ang mga manonood o titingin sa iyong Larawang-Sanaysay upang maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay gayundin ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng kapsyon.

B. Pagpapaliwanag: (5 puntos bawat isa )

1. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng Larawang-Sanaysay?

2. Alin ang mas gusto mong gawin , Lakbay - Sanaysay o ang Larawang - Sanaysay ? Bakit?

iii

Page 8: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

Aralin

Akademikong Sulatin:

1

Pagsulat ng Larawang -Sanaysay

Alamin

Inaasahang pagkatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral ay:

1.Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko. CS_FA11/12PB-Om-o-102

2.Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling

sulatin. CS_FA11/12PT-Om-o-90

Balikan

Panuto: Paglalahad ng Pananaw: Isulat ito sa sagutang papel. Magbigay ng iyong pananaw kung gaano nakatutulong ang mga programang

pampaglalakbay upang makita hindi lamang ng mga dayuhan ang kagandahan ng bansa

ngunit higit ang mga Pilipino?

Tuklasin

Larawang - Sanaysay

Ang larawang sanaysay ay isang koleksiyon o limbag na mga imahe o larawang

inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari,

mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan. Ito ay gaya rin ng iba pang uri

ng sanaysay na gumagamit ng mga pamamaraan sa pagsasalaysay. Sa pagsasalaysay,

maaaring gamitin mismo ang mga binuong larawan o dili kaya’y mga larawang may maiikling

teksto o kapsyon. Malaki ang naitutulong ng larawang may teksto sapagkat nakatutulong ang

mga ito sa mga ideya/ kaisipang ipinakikita ng larawan. Ang pagtataglay ng larawan ay dapat

na isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o

kaisipang nais ipahayag. Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga larawang may

kronolohikal na ayos.

Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-

sunod ng larawan. Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay maaari nang

gamitin ang isang larawang may natatanging dating. Ibig sabihin, sa isang kuhang larawan ay

naroon na ang lahat-lahat ng mga ideya.

1

Baitang : 12 Markahan: Ikalawa Panahong Igugugol: Ikalabing-apat na Linggo

Page 9: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

➢ Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga

larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli. Kailangang

makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng magbabasa o titingin ang

mga katitikang isusulat dito.

➢ May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring maglagay

ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin. Kailangang

maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng larawang-sanaysay.

➢ Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng

larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong

gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang

pagiging malikhain..

. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat Larawang-Sanaysay

1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.

2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.

3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.

4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.

5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.

6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.

7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.

8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito. https://www.elcomblus.com/paglikha-ng-pictorial-essay-o-larawang-sanaysay/

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Larawang-Sanaysay

1.Pumili ng isang paksa at mga larawang may kaugnayan nito.

2.Maghanap ng mga datos na susuporta sa iyong gagawing sanaysay.

3. Pagsunod-sunurin ang mga larawan na naaayon sa tema .

4.Lagyan ng pagkakawing ang bawat larawan na kinapapalooban ng iyong damdamin na

maaaring makapukaw sa interes ng mga mambabasa.

5.Simulan ang iyong sanaysay sa pahapyaw na paglalarawan sa bawat imahe at lapatan ito

ng iyong kuro o saloobin.

6. Makakatulong sa iyo ang paggamit ng mga transisyunal devices upang magkaroon ng

kohirens ang iyong pagsulat.

7. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay.

2

Page 10: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

Halimbawa ng Larawang-Sanaysay: Tunghayan ,Basahin at Unawain ang halimbawa

“ANG MGA MAG-AARAL NG UST SENIOR HIGH SCHOOL (UST-SHS) SA LOOB AT LABAS NG BGPOP”

ni:Trisha Capulong

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

Kasabay ng maligayang pagsalubong sa mga bagong mag-aaral noong Thomasian

Welcome Walk ay ang pagtanggap nila sa lahat ng mga responsibilidad na kanilang haharapin

bilang isang mahabagin, maaasahan, at tapat na Tomasino.

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

Hindi nagtagal matapos ang pagpasok ng mga mag-aaral sa Arch of the Centuries,

nagsimula na ang pormal na klase. Tuloy-tuloy ang mga gawaing ibinibigay – PeTas,

pagsasanay, pananaliksik, atbp. – bilang paghahanda sa kolehiyo na tunay ngang nagbigay

ng pagsubok sa kanila.

Page 11: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

3

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

Dahil sa mga aktibidad na ipinapagawa, nagkakaroon ng magandang pagsasama ang

bawat klase na binubuo ng mga mag-aaral na may iba’t ibang pinanggalingan, ugali, pananaw,

at talento.

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

Hindi lamang sa silid-aralan natututo ang mga mag-aaral, mayroon ding mga

kaganapan sa labas ng kanilang mga kweba. Nagkaroon ng senior high school week na

pinaghandaan ng lahat kahit binigyan lamang ng kaunting oras. Dito nagkaroon ng tagisan ng

mga natatagong talento.

4

Page 12: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

Nag-imbita rin ng mga propesyonal sa iba’t-ibang larangan upang magbahagi ng

kanilang kaalaman sa mga mag-aaral.

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

Bukod sa pagpapahusay sa mga katalinuhan ng Senior High School, tinuturuan din

sila kung paano magkaroon ng teamwork, kung paano makipagkaibigan, at magpakumbaba.

Kitang-kita ito sa pagdiriwang ng Senior High School ng kanilang Intramurals na

pinamagatang Synergy. Nagkaroon ng oportunidad ang mga Tomasino na ilabas ang kanilang

angking galing sa larangan ng pampalakasan.

5

Page 13: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

Lahat ng mga katuturan sa silid-aralan, at lahat ng mga pangyayaring nagaganap sa kanila sa labas ng kanilang gusali, o mas kilala na BGPOP, ay ilan lamang sa mga humuhubog sa kanila upang maging handa sa labas ng unibersidad. Mapapansing malayo man sa pagiging perpekto ang UST-SHS, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang bumuo ng Tomasinong hindi lamang hasa ang utak, kundi malaki rin ang puso para sa iba.

https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/

Suriin

Basahin ang katanungan at sagutin ito sa sagutang papel.

1.Ibigay ang kahulugan at pagkaunawa sa Larawang-Sanaysay bilang isang

akademikong sulatin? ( CS-FA11/12PB-Oa-101)

2. Ano-ano ang pakakatulad at pagkakaiba ng Lakbay-sanaysay at Larawang-

Sanaysay?

3. Bakit kailangang maging mapili sa mga larawang ilalagay sa pagbuo ng Larawang-

Sanaysay?

4. Paano mo mabubuo nang maganda at kahika-hikayat ang isang larawang-

sanaysay?

5.Ano-ano ang layunin ng Larawang-Sanaysay?

6

Page 14: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

Pagyamanin

PANONOOD NG LARAWANG – SANAYSAY VIDEO: Panuto: 1.Panoorin ang larawang – sanaysay video sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=M2Thmr3CyJk 2. Pagkatapos mong mapanood , sagutin ang mga katanungan at isulat sa sulating papel. a. Ano ang paksa sa larawang-sanaysay na iyong napanood ?

b. May pagkakatulad ba o pagkakaiba ang karanasan ng mga tauhan sa iyong

napanood sa tunay mong karanasan ukol sa paksa?

Isaisip

Paghahambing sa dalawang uri ng sanaysay. Paghambingin ang lakbay sanaysay at larawang sanaysay ayon sa katangian, kahulugan, layunin at gamit

sa pamamagitan ng Venn diagram.

(Pagkakaiba) (Pagkakaiba) Lakbay- Sanaysay Larawang- Sanaysay

Isagawa

Pagbuo ng Sariling Larawang -Sanaysay . Isulat ito sa sagutang papel o bondpaper. Sundin ang mga paraan sa pagsulat nito. Subuking gumamit ng 8-10 larawan . Sundin ang rubriks sa pagmamarka.

Pamantayan Puntos

Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat Larawang-Sanaysay.

10

Nakasusulat ng organisado , malikhain at kahika-hikayat na Larawang-Sanaysay.

10

Nakasusulat ng Larawang-Sanaysay batay sa maingat ,wasto , at angkop na paggamit ng wika .

10

Makatotohanan ang nabuong Lakbay-Sanaysay. 10

Kabuoang Puntos 40

7

Pagkakatulad

Page 15: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

Tayahin Pangwakas na Pagtataya:

Panuto:Pagsusuri: Lapatan ng tamang sagot tungkol sa kaaalaman ng larawang-

sanaysay ang hinihingi ng bawat bilang . Sundin ang pormat na ito sa iyong pagsagot

sa sagutang papel.

Larawang-Sanaysay

1.Katuturan

2.Katawagan sa Ingles

3.Materyal na gamitin

4 Mga .kahalagahan

5.Pamamaraan/Ayos

6.Mga Katangian

7.Mga Layunin

8.Tungkol saan ang paksa?

9.Paano naiiba sa tradisyonal na sanaysay?

10.Bilang ng paksa

8

Page 16: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

Susi sa Pagwawasto

:

9

PANIMULANG PAGTATAYA 1. MALI 2.TAMA 3.MALI 4.TAMA 5.TAMA PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Larawang-Sanaysay

1.Katuturan Ang larawang sanaysay ay isang koleksiyon o limbag na mga imahe o larawang inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.

2.Katawagan sa Ingles Pictorial essay or photo essay

3.Materyal na gamitin larawan

4 Mga .kahalagahan mapaigting ang kaalaman sa paksa gamit ang larawan makatulong sa pagkilala ng mga ideya ,kaisipan ,panig sa isyu

5.Pamamaraan/Ayos Kronolohikal o maayos pagkakasunod-sunod ng larawan

6.Mga Katangian

Maayos na pagpili at paggamit ng larawan, mahusay at malikhaing na pagsalaysay, mismong paggamit ng larawan,maingat na iniaayos ang larawan,malinaw ang mensahe at iba pa

7.Mga Layunin

Magibgay ng kasiyahan o aliw sa mga taong gumagawa nito o sa mababasa,magbigay ng impormasyon tungkol sa paksa,malinang ang pagiging malikhain, nagpaliwanag ng particular na konsepto at nagpapahayag ng damdamin

8. Tungkol saan ang paksa?

Tao , pangyayari, lugar at iba pa

9.Paano naiiba sa tradisyonal na sanaysay?

Larawan ang gamit sa pagssalaysaya

10.Bilang ng paksa

Isa lamang

Page 17: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

MGA SANGGUNIAN Ailene,Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan

(Akademik )Phoenix Publishing 2016

Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016

Internet Sites

https://www.scribd.com/presentation/437310093/LARAWANG-SANAYSAY https://11stem19ustshs.wordpress.com/2017/05/04/blog-post-title/ https://www.youtube.com/watch?v=27b8Cq0NRDA https://www.elcomblus.com/pag

Page 18: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)€¦ · Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga Gawain ii. Ano ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya A. Alamin natin

Para sa mga katanugan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) DepEd Division of Cagayan de Oro City Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro Telefax: ((08822)855-0048

E-mail Address: [email protected]