pagsulat sa iba’t ibang disiplina

45
PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Upload: kali

Post on 21-Jan-2016

427 views

Category:

Documents


6 download

DESCRIPTION

PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA. PAGSULAT. KATUTURAN AT LAYUNIN. ANO NGA BA ANG PAGSULAT?. - PowerPoint PPT Presentation

TRANSCRIPT

Page 1: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Page 2: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

PAGSULAT

KATUTURAN AT LAYUNIN

Page 3: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

ANO NGA BA ANG PAGSULAT?

Page 4: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

1. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o paggamit ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)

Page 5: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et al., 2002)

Page 6: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.

Page 7: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

Page 8: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Anyo ng pagsulat ayon sa layunin:

EkspresibFormulariImaginatiboInformatibPersweysib

Page 9: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Mga layunin ng pagsulat Para kay James Kinneavy (1971) may

limang kategorya sa pagsulat na naging rason kung bakit nagsusulat ang tao. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Ekspresiv Personal na pagsulat upang maipahayag

ang sarili

Page 10: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Mga layunin ng pagsulat

2. Formulari Isang mataas at istandardisadong pasulat

katulad ng kasulutan o kasunduan sa negosyo o bisnes at iba pang transyong legal, politikal, at pang-ekonomiya

3. Imaginativ Ginagamit upang mabigyang-ekspresyon ang

mapanilikhang imahinasyon ng manunulat sa pagsulat ng mga dula, awit, tula, isksrip at iba pa

Page 11: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Mga layunin ng pagsulat 4. Informativ Upang magbigay ng mahahalagang

inpormasyon at ebidensya 5. Persweysiv Upang makapanghikayat, mapaniwala

ang mambabasa dahil sa mga ebidensya katibayang ipinahayag

Page 12: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Gawaing interaktib

Sabihin ang kategorya (layunin) ng mga sumusunod na sulatin:

1. iskrip pampelikula2. Thesis3. Subpoena4. Memorandum of Agreement5. Diary6. Shopping list

A.EkspresibB.FormulariC. ImaginatiboD. InformatibE. Persweysib

Page 13: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Gawaing interaktib Sabihin ang kategorya (layunin)

ng mga sumusunod na sulatin:7. Ulat pamanahon8. Panunumpa sa katungkulan9. Talumpati ng Kandidato10. Tula11. journal12. Liham pangkaibigan13. State of the Nation Address14. Bisnes kontrak15. mensahe

Page 14: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Sosyo-Kognitibong na Pananaw sa Pagsulat

Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang ang kognitib naman ay tumutukoy sa pag-iisip.

Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.

Page 15: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Pagsulat bilang multidimensyonal na proseso

Para kay Badayos, ang multidimensyonal na proseso ng pagsulat ay binubuo ng sumusunod na proseso:

Bago sumulat Binubuo ito ng pagpili ng paksa, paglikha ng mga

ideya at pagbuo ng mga ideya

Pagsulat Pagbuo ng draft, pagtanggap ng fidbak, pagsangguni

at pagrerebisa

Page 16: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Pagsulat bilang multidimensyonal na proseso

• Paglalathala• Sangkot dito ang pagdidisplay ng

komposisyon o sulatin sa bulletin board o kaya’y paglilimbag o paglalathala

Page 17: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Mga mungkahing tanong

Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat? Ano ang layunin sa pagsulat nito? Saan at paano ako makakakuha ng sapat

na datos kaugnay ng aking paksa? Paano ko ilalahad ang mga datos na aking

nakalap upang maging higit na makahulugan ang aking paksa?

Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?

Page 18: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?

Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsulat? Kailan ko ito dapat ipasa?

Paano ko pa mapagbubuti ang aking teksto?

Page 19: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Mga Hakbang sa Pagsulat:

Prewriting/ Gawain Bago Sumulat

Pagsulat ng Draft/ BuradorRevising o PagbabagoEditing o PagwawastoPublishing o Paglalathala

Page 20: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Mga Hakbang sa PagsusulatPre-writing- Ginagawa rito ang pagpili ng

paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.

Page 21: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Mga Hakbang sa Pagsusulat

Actual writing – Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.

Page 22: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Rewriting – Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong gramar, bokabulari at pagkakasunud-sunod ng mga ideya o lohika.

Mga Hakbang sa Pagsusulat

Page 23: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Kalikasan ng Pagsulat ayon kina White at Arndt (1991)

• Paglabas ng Ideya• Paggawa ng Istruktura• Paggawa ng Burador• Pagpopokus• Pagtataya o Ebalwasyon• Muling Pagtingin

Page 24: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Mga Katangian ng Epektibong Pagsulat:Kalinawan ( Clarity )Kaangkupan ( Appropriateness )Kahustuhan ( Completeness )May Katangian ng Katiyakan

( Emphasis )Kawastuhan ng Gramar (Gramatical

Accuracy )May Layunin o Hangarin ( Objective )Mababasa at Mauunawaan

( Readability )

Page 25: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Mga dapat itanong sa sarili kung magrerebisa ng isinulat:

Tama ba ang aking pangungusap?Maayos at malinaw ba ang pagkakalahad?May pagkakaugnay ba ang aking mga

ideya?May malabo ang ideya?Angkop ba ang ginamit kong salita?May kaisahan ba ang bawat talataan ?Malinaw ba ang pangkalahatang

mensahe?

Page 26: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Mga Uri ng Pagsulat

Akademik Teknikal Journalistic Referensyal Profesyonal Malikhain

Page 27: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

TEKNIKAL Isang praktikal na

komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t –ibang uri ng mambabasa.

Ito ay naiuugnay sa pagsulat ng mga manwal at gabay sa pag-aayos halimbawa, ng kompyuter o anumang bagay na may kalikasang teknikal.

Page 28: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat.

Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin.

TEKNIKAL

Page 29: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

TEKNIKAL

Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal.

Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science at technology.

Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa.

Page 30: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

TEKNIKAL Nagbibigay bg

impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin

Layunin nitong maibahagi ang impormasyon tungkol sa isang paksa sa paggawa ng isang bagay.

Kasama rito ang proposal at iba pang uri ng propesyonal na dokumeto

Page 31: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

REFERENSYAL May kaugnayan sa malinaw at wastong

presentasyon ng paksa. Ito ay isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag,

nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri. Halimbawa nito ay teksbuk, balita, ulat

panlaboratoryo, manwal at pagsusuring pangkasaysayan

Ang layunin ng referensyal na pagsulat ay maiharap ang impormasyong batay sa katotohanan o kaya’y makabuo ng kongklusyon batay sa katotohanang ito.

Ang anyo ng impormasyon ay kailangang totoo o tunay, tamang-tama, obhetibo at komprehensibo

Page 32: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa.

Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o endnotes.

REFERENSYAL

Page 33: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon.

Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.

REFERENSYAL

Page 34: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

JOURNALISTIC Ang isang balitang

pamperyodiko ay sumasagot sa lahat ng mga tanong ng pangjornalistik na sino, ano, saan, kailan at bakit.

Ang pagsulat ng balita ay tuwiran at hindi paliguy-ligoy.

Ang pangunahing punto ay inilalagay sa unahan at ang iba pang impormasyon ay isinisiwalat mula sa pinakamahalaga patungo sa di-gaanong mahalaga.

Pinipili nang maingat ang mga salita at pinanatiling simple at tuwiran ang istilo ng pagsulat.

Page 35: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist.

Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magazin.

JOURNALISTIC

Page 36: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Sa jornalistik na pagsulat, isaalang- alang ang mga sumusunod na mungkahi: Kunin agad ang punto ng istorya. Iwasan ang mahahabang pangungusap

hangga’t maari Sumulat ng malinaw

JOURNALISTIC

Page 37: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

AKADEMIK Ito ay maaaring maging

kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon.

Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

Page 38: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Isa sa pinakamahalaga rito ay ang pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pangangatwiranan

Ang layunin ng akademikong pagsulat ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng pananaliksik na ginawa.

AKADEMIK

Page 39: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Maliwanag Ang paglalahad ng mga

ideya ay dapat malinaw. Ang manunulat ay may pananagutang gawing malinaw ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat bahagi ng teksto

May Paninindigan Kailangang may sarili kang

pagpapasya at paninindigan sa partikular na paksa na iyong isinulat

May Pananagutan May pananagutan ang

manunulat sa pagkilala sa mga awtoridad na ginamit na sanggunian sa papel na pang-akademiko

AKADEMIK

Page 40: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Narito ang mga katangian ng akademikong pagsulat:

Pormal Sa pagsulat ng sanaysay,

iwasan ang mga kolokyal na salita at mga ekspresyon

Obhetibo Ang pagsulat dito ay

obhetibo at hindi personal o pansarili. Kaunti lamang ang salitang tumutukoy sa manunulat at sa mambabasa

Binibigyang-diin ang impormasyon na gustong ibigay

Page 41: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

PROFESYONAL Ito ay nakatuon sa

isang tiyak na profesyon.

Saklaw nito ang mga sumusunod:1. police report – pulis2. investigative report – imbestigador3. legal forms, briefs at pleadings – abogado4. patient’s journal – doktor at nurse

Page 42: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Malikhain Masining na uri ng pagsulat

sa larangan ng panitikan o literatura.

Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat.

Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.

Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay.

Page 43: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Ginagamit ng manunulat ang imahinasyon upang lumikha ng karakter, senaryo o pangyayari upang bumuo ng kuwento o tumalakay sa isang senteal na isyu o paksa

Maaring gumamit ang manunulat ng unang panauhan (pumaloob bilang karakter) o kaya’y ikatlong panauhan ( bilang tagapagsalaysay)

Sa malikhaing pagsulat, sariling-sarili ng manunulat ang format, lengguwahe, organisasyon ng kanyang sulatin.

Malikhain

Page 44: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Gawaing interaktib Ano ang layunin ng akademikong

pagsulat? Bakit kailangang suportahan ang mga

ideya sa akademikong pagsulat? Magbigay ng sariling reaksyon kung ano

ang kaibahan ng ginagawang pagsulat sa elementarya at haiskul?

Ano ang journalistik na pagsulat? Bakit may malaking pananagutan ang

sinuman sa pagsulat ng tekstong teknikal?

Page 45: PAGSULAT SA IBA’T  IBANG DISIPLINA

Gawaing interaktib Magsulat ng isang sanaysay tungkol sa isa sa

mga sumusunod na paksa:

Ako at Ang Pisay Ang Aking mga Magulang

Ang Aming Barangay Ang Materyal na Mundo

Ang Aking Pangarap