pagsusuri ng araw ng mga buldoser at dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

29
ARAW NG MGA BULDOSER AT DAPITHAPON NG ISANG BANGKANG PAPEL SA BUHAY NI ATO Jun Cruz Reyes

Upload: jcnitafan

Post on 15-Jan-2017

221 views

Category:

Education


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

ARAW NG MGA BULDOSER AT

DAPITHAPON NG ISANG BANGKANG PAPEL SA

BUHAY NI ATOJun Cruz Reyes

Page 2: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

Talambuhay ng AwtorSi Jun Cruz Reyes (Pedro Reyes Jr.) ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong ika-27 ng Hulyo 1974. Isa siyang manunulat ng piksyon, makata at pintor. Anak siya nila Pedro Reyes at Teofila Cruz. Nakuha niya ang kanyang Bachelor of Arts sa Political Science sa University of the East at Bachelor of Science sa Foreign Studies Lyceum of the Philippines. Nakapagturo siya sa Philippine Science High School, Unibersidad ng Pilipinas, De La Salle University at sa Polytechnic University of the Philippines. Nalimbag ni Reyes ang: Utos ng Hari at iba pang kwento, 1981; Tutubi-tutubi ‘Wag kang Magpahuli sa Mamang Salbahe, 1987 isang nobela; Negros, 1988, isang aklat ng mga kwento, tula at sanaysay; mga Daluyong , at mga Unos sa Panahon ni Rolando Olalia, 1989. Gumawa rin siya ng Dokumentaryo, 1983, at nagsagawang mga eksibit ng kanyang mga pininta noong 1982 at 1989. Dalawa sa kanyang aklat, ang Utos ng Hari at Tutubi, ang nanalo sa National Book Awards for fiction mula sa Manila Critics Circle noong 1981 at 1987.

Page 3: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

Tumanggap rin siya ng maraming parangal mula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Cultural Center of the Philippines at ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang mga kwentong nanalo ng Palanca ay ang mga sumusunod: Isang lumang kwento, ikatlong parangal, 1973; Mula kay Matandang Iskong Basahan, Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng Isang Bangkang Papel sa Buhay ni Ato, ikalawang parangal, 1977, Utos ng Hari, ikatlong parangal, 1978; Mga kwentong kapos, ikatlong parangal , 1979; Syeyring ikalawang parangal , 1986. ang iba pa niyang nakatanggap ng Palanca ay: grand prize para sa kanyang nobelang Tutubi, 1982; ikatlong parangal para sa kanyang koleksyon ng tula; Syeyring at iba pang Tula, 1986; pangalawang parangal naman sa sanysay na Ilang Talang Luma Buhat sa Talaarawan ng Isang may Nunal sa Talampakan, 1980; ikatlong parangal sa isang tala II, 1986. ang kanyang dokumentaryong, Dumagat-Ibong Lagalag, ay nanalo sa Catholic Mass Media Awards. Dalawa sa kanyang mga tula ang nanalo ng parangal sa Talaang ginto ng surian: Ang Isang Tula Para sa’yo, 1976, at Paano Ba Humabi ng mga Pangarap? 1987. (Galang,1994)

Page 4: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

Pinagkunan ng Maikling Kuwento

Piling Maikling Kwento ng Huling (50 Taon) ni Genoveva Edroza Matute

Page 5: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

Kaligirang Pangkasaysayan at Kaugnayan sa Kuwento

Nasulat ang maikling kuwentong ito noong 1981. noong 1981 rin naitala ang isa malalakas na bagyo na nagsalanta sa pamamagitan ng pinakamalalakas na hangin nito 260kph max. Ito ang bagyong Anding na tumama noong Nobyembre ng 1981.

May kaugnayan sa kuwento sapagkat ang kuwento ay sinulat tungkol sa mga taong nasalanta ng bagyo, nailahad ang kanilang paghihirap at pagtitiis makaraos lamang sa buhay.

Page 6: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

MISISAng nagbibigay ng mga pagkain sa mga nasalanta ng bagyong Didang.

Laging naiinis sa mga taong nagsisiksikan at hindi binibigyan ang mga mamamayang wala sa listahan niya.LAPAD

Sapagkat mula sa simula pa lamang ng kuwento ay hindi niya iniisip ang mga taong hindi nabibigyan ng pagkain ang sa kanya lang ay magawa ang tungkuling ibigay ito sa mga taong nasa listahan.NANA TESANG

Isa sa mga taong hindi nabigyan ng pagkain dahil wala sa listahan. Ina siya nina Ato, Neneng, Bodyok, Bengbeng at Popoy.LAPAD

Sa simula pa lang ng kuwento ay iniisip na niya ang kapakanan ng mga anak na hindi pa kumakain hanggang sa wakas ay inaalala niya ang kanyang mga anak.

Tauhan

Page 7: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

Ato (Jaime Santos)Ang pangunahing tauhan sa kuwento. Anak siya ni Nana Tesang.

Patay na ang kanyang ama kung kaya siya ang sumalo sa mga responsibilidad ng yumaong ama.Bilog

Sa simula ay tinitingala niya ang mga taong nasa kabayanan. Naniniwala siya na nasa looban lamang nagaganap ang karahasan, ang pananakot, ang paimbabaw na bait at ang pagsasalita ng masasakit sa kapwa tao. Pero nagbago ang kanyang pananaw nakikita rin pala ito sa labas din ng looban. Kay-rami pala ng mga taong ganito.Neneng

Anak din ni Nana Tesang at kapatid ni Ato. Tumutulong kay Ato para mapakain ang mas nakababata pa nilang kapatid.Lapad

Simula pa lang ng kuwento ay handa na siyang tumulong kay Ato hanggang sa wakas ay patuloy niyang tinutulungan ang kapatid.

Page 8: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

Ka TebanAng kasama nila Ato sa looban na mayroong hanapbuhay

na palayan. Ang nakakaangat sa looban.Lapad

Sapagkat simula pa lang sa kuwento ay nagpapakita ng pagiging makasarili kahit nga nagbigay sila kina Ato pero kulang at di sapat ang mga ito sa mga pinagawa niya kina Ato. Hanggang wakas ganito ang kanyang pag-uugali.Manuel

Amain/Tatang ni Ato. Kapatid ni Nana Tesang. Ang kasama niya sa paghahakot sa bahay nina Ka Teban.LapadDahil mula sa simula ng kuwento ay tumutulong na siya kina Ato hanggang sa kahit gipit na rin sila ay nagbibigay pa rin siya.

Page 9: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

ASAWA NI KA TEBANAng laging nagpapaala kina Ato na pag-ingatan ang

mga gamit na kanilang ililipat sa itaas ng kanilang magarang bahay.LAPAD

Simula pa lang ng kuwento hanggang sa wakas nagpapakita siya ng pag-alala sa mga bagay kaysa kanyang kapwa.UNYO

Pinsan ni Ato na tumulong sa kanya para makapunta sa kabayanan. Ito rin ang namumuno para sumakay ng totoong bangka.LAPAD

Ang kanyang katangian na tumutulong sa kanyang pinsang si Ato ay nanatili hanggang sa wakas.

Page 10: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

Mrs. LimAng may-ari ng grocery na ninakawan ni Ato.

LapadHindi siya nagbago na pinaratangang si Ato na

matagal na nag-aaligid sa kanilang grocery kahit hindi naman totoo.Capt. Gonzales

Ang nagsiyasat kay Ato at hinayaang mabugbog ang kaawa-awang bata.Lapad

Hindi nagbago ang kanyang isip mula sa simula hanggang sa wakas na masamang tao talaga si Ato.

Page 11: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

Tatay ni AtoNamatay dahil sa ulcer. Mapagmahal na ama at di

nawawalan ng pag-asa sa buhay.Lapad

Simula pa lang ay lagi na siyang nag-iisip ng mabuting hinaharap hanggang sa wakas ay nasa katangian niya pa rin ang mabuting ama.Mang David

Amo ng Tatay ni Ato sa baradero.Lapad

Hindi siya nagbago sapagkat kailanman ay hindi niya binigyan ng halaga ang mga nagtatrabaho sa kanya.

Page 12: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

BodyokAng kapatid ni Ato na tumulong din sa paghahanapbuhay ngunit

tumigil dahil sa pananakit sa kanya ng among si Chua.Bilog

Sa simula ay hinahayaan niya na inaapi siya ng among Intsik ngunit ng sinasaktan na siya ay itinigil na niya iyon at nanlaban na sa kanyang amo.Chua

Ang pinagtatrabahuan ni Bodyok na isang Intsik na laging nagagalit kay Bodyok at pinagmumura niya ito.Lapad

Siya ay hindi nagbago sa pakikitungo kay Bodyok ito nanatiling masama.Bengbeng at Popoy

Iba pang kapatid ni Ato.Lapad

Hindi sila nagbago bilang mga inosenteng kapatid ni Ato.

Page 13: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

EntabladoBaryoKasagsagan ng Bagyo o

Pagsusungit ng PanahonKalsadang naging Ilog Baryong tabing-ilog o

Dulong Baryo o LoobanMagarang Bahay nina Ka

Teban

KamaligMalabonKabayananPalengkeBodegaAraw ng mga BuldoserSelda

Tagpuan

Page 14: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

Uri ng BanghayLinear na BanghayNagkaroon ng pag-uusad ang kuwento mula sa paghingi ni Nana Tesang ng pagkain, tumulong sa paghahakot ng palay si Ato, pag-alala ni Ato sa pagkamatay ng kanyang ama hanggang sinira ang kanilang bahay gamit ang buldoser na ikinalungkot niya at lalong ikinahirap nila. At pagpunta ng kuwento na kung saan napilitang magnakaw si Ato at nagwakas sa pagkakakulong niya.

Page 15: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

Bahagi ng Banghay

SimulaNagsimula ang kuwento sa paglalarawan sa katangian

ng Misis ng tagapagsalaysay na kung saan siya ang nagbibigay ng pagkain sa mga nasalanta ng bagyong Didang. Hiningan siya ng pagkain ni Nana Tesang na kanyang tinanggihan dahil wala siya sa listahan. Umuwi sa Nan Tesang na malungkot kasabay niya sa pag-uwi ang anak na si Ato na nagsasagwan ng bangka.

Page 16: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

Saglit na KasiglahanGinising si Ato ng kanyang ina para maghakot ng palay kina Ka

Teban. Ang kanyang ginawa ay ang pagsalin ng palay sa sako. Tanghali na ng sila ay makatapos. Napagkuwentuhan nila Ka Teban na ‘yon ay kakaibang bagyo.Tunggalian:

Tao laban sa KalikasanAng pagsasalanta ng bagyo na nagpalugi sa kabuhayan ng mga taga-looban tulad na lamang ni Ka Teban. At paghihirap na rin ng mamamayan na makakain tulad na lamang nila Ato na madali lamang naubusan ng pagkain.

Page 17: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

Tao laban sa kapwaAng pagbigay ni Ka Teban ng pagkaing na hindi katumbas ng hirap na ginawa ng mga nagtrabaho sa kanya.Ang pagkahuli kay Ato na nagnakaw. Bilang parusa siya ay binugbog, hinusgahan at inalipusta na hindi man lamang inalam ang kadahilanan ng kanyang pagnanakaw. Hindi nila inintindi ang kalagayan ni Ato.Tao laban sa lipunanAng pagpapasira ng mga bahay sa looban sapagkat sila ang sinisisi sa pag-umpisa ng baha, pugad ng masasama at para malinis na ang ka-Maynilaan na siyang dinahilan ng makapangyarihang tao.

Page 18: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

KasukdulanNaalala ni Ato ang kanyang ama na nagpapalakas ng

loob nila na kung saan naniniwala siyang aasenso sila at konting pagpupunyagi na lang ang kailangan. Siya ay hindi nawawalan ng pag-asa. Nakikita sa kanyang ama ang pagpupursigi para mataguyod sila sa pamamagitan ng pagtatrabaho kay Mang David hanggang sa mamatay ito dahil sa ulcer. Ito ang gabing tumapos sa kanilang ambisyon. Dahil sa pagkamatay ng kanyang siya na ang humalili sa mga responsibilidad. Nagtrabaho na siya sa kanyang murang edad katulong ang kanyang kapatid na si Neneng pati ang ina niya.

Page 19: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

KakalasanDumating ang araw ng mga buldoser. Sinira ang

mga kabahayan ng mga mamamayan sa looban. Hindi nila alam kung saan sila patutungo at nasabi na lang nila na bahala na ang Diyos. Kasabay ng pagkasira ng kanilang bahay ay ang pagsira na rin nila sa pagkatao ni Ato.

Page 20: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

WakasNamulat siya sa katotohanan na hindi lamang taga-looban

ang masasama kundi pati na rin ang taga-kabayanan. Maraming mga taong hindi umiintindi sa kalagayan ng kanilang kapwa. Kinabukasan, binigyan siya ng agahan na nagpalipas ng kanyang gutom. Buhat sa rehas na kinaroroonan ay makikita niya ang kanyang kapwa bata sa plasa na naglalaro ng bangkang papel at nasabi niya sa sarili na hindi siya nag-iinggit sapagkat hindi na iyon ang panahon ng paglalaro. Sinalat niya ang ilang bigas na naiwan sa kanyang basing bulsa.

Page 21: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

TeoryaTEORYANG REALISMOAng akda ay nagpapakita ng mga karanasan at nasasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Ito ay hango sa totoong buhay at mga pangyayari.Patunay:“Kung hindi ka kadikit ay hindi ka makakabit.”Paliwanag:Sa panahon ngayon ay makikita natin na kung saan ang mga taong walang kinakapitan ay hindi nabibigyang pansin. Katulad na lamang ng mga Taong

Page 22: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

TEORYANG ROMANTISISMOAng layunin ng akdang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.Patunay:Pagdating ng tanghali ay susumahin nila ni Neneng ang kanyang kita. Kulang na naman. May utang pa sila sa serbisyo sa pagpapalibing sa ama. Doon din sa kita nila dapat manggaling ang pambayad. Pati si Neneng ay kumayod na rin.Paliwanag: Ito ay teoryang romantisismo na kung saan ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng isang anak sa mga magulang at mga kapatid na kung saan ay nagtrabaho siya para itaguyod ang pamilyang ng naiwan ng ama na nagawa niya pang magnakaw upang may makain ang kanyang pamilya.

Page 23: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

TEORYANG NATURALISMOIto ay nagpapakita ng expresyon ng buhay at lipunang taglay ang mga pangit at madilim na realidad.Patunay:At iginante nila sa katauhan ni Ato ang kanilang hinanakit sa mundo. May dugong tumulo sa kanyang ilong. Nakalasa siya ng alat. Alat na pumait nang mahaluan ng luha.Paliwanag:Ang paglalarawan sa pagbubugbog kay Ato ay nasa natural na paraan na kung saan makakagawa ka talaga ng imahen sa iyong isipan sa nangyari kay Ato.

Page 24: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

TEORYANG SOSYOLOHIKALAng layunin ng akda ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Patunay:Magandang-maganda si Misis sa kanyang gayak. Pustorado. Kuntodo make-up, nakamalapad na sambalilo at nakamalaking salaaming may-kulay pa siya. At kanyang manikuradong daliri ay namumutiktik sa brelyante.Kaya lang, ang kanyang gayak ay nakakasalungat ng ayos ng kanyang mga binibiyayaan na panay nakapambaha.Paliwanag:Makikita sa kuwento ang kalagayan sa lipunan ng mga mahirap na kaiba talaga sa mayayaman. Makikitang puno ng brilyante ang katawan ng Misis ng tagapagsalayasay samantalang ang mga taong sa kanyang harap ay nahihirapan makahanap ng makakain

Page 25: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

TEORYANG ARKETAYPALAng pagkakaroon ng pagkakaparehas o pagkakatulad sa bahagi ng kuwento sa iba pang kuwentoArketaypal sa Tatlong buhay ni Julian CandelabraTulad ni Julia nagnakaw rin ang pangunahing tauhan sa kuwentong ito na si Ato.Patunay:Sa grocery ni Mrs. Lim siya huminto. Kinakabahang nagplano. Nagmatyag. Naghanap ng pagkakataon. Pagkakataong natiyempo sa dakot niya sa kahon ng bigas sa matalas na mata ng tindera.

Page 26: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

TEORYANG MORALISTIKONangangahulugan itong may layunin ang panitikan na ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao—ang pamantayan ng tama o mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiyang nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan.Ang pagtulong sa mga magulang:Patunay:Pagdating ng tanghali ay susumahin nila ni Neneng ang kanyang kita. Kulang na naman. May utang pa sila sa serbisyo sa pagpapalibing sa ama. Doon din sa kita nila dapat manggaling ang pambayad. Pati si Neneng ay kumayod na rin.Paliwanag:Noong namatay na ang ama ni Ato ay bukal sa kanyang loob na gawin ang naiwang responsibilidad ng ama katulong na rin ng kanyang kapatid na si Neneng.

Page 27: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

TemaHindi lahat ng masasama ay mahihirap at hindi lahat ng mabubuti ay mayayamanPatunay:Akala niya’y sa looban lamang nagaganap ang karahasan. Ang baklasin ang bahay-ng-may-bahay, ang takutin ang nangangatuwiran at ang pangkaraniwang paghahabulan ng mga sanggano. Akala niya’y mga siga lamang ang mabibigat ang kamay o isang Chua kaya. Akala niya’y doon lamang sa looban nakikita ang paimbabaw na bait na tulad ni Mang David. Akala niya’y doon lamang masakit manalita ang mga “tao.” Ngunit hindi pala. Kay-rami pala nila.Ngayo’y sina Misis naman ang kanyang nakikita, si Ka Teban at ang asawa nito, ang tinder ni Mrs. Lim, si Kapitan Gonzales at ang mga bataan nito. Sa dilim ng gabi, muli niyang nakita ang kabuuan ng kanialng looban at ang baha sa Dulong-Baryo. Walang masilungan sa looban at walang maisubo sa Dulong-Baryo. Malaya ang kanyang busog na gunita.

Page 28: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

Paliwanag:Naipakita sa kuwento hindi lamang ang pagkakaiba sa kalagayan sa

lipunan ng mayayaman at mahihirap ngunit pati na rin ang mga pananaw ng isang lipunan sa isang mayaman at mahirap. Kapag mayaman ay mabait ‘pag mahirap ay masama. Ito ang pananaw ngunit sa kuwento ipinakita na may mga mahihirap na mabubuti at mayayamang masama. Ang kabutihan ay nakadepende sa indibidwal at hindi sa estado ng pamumuhay

Page 29: Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa buhay ni ato

EntabladoSumisimbolo sa mga

mayayaman.Bangka

Sumisimbolo sa mahihirapBagyong Didang

Sumisimbolo sa mga problema

BuldoserSumisimbolo sa mayayamang

masasamaButil ng Bigas

Sumisimbolo sa Pag-asaBangkang Papel

Sumisimbolo sa kabataan

Simbolo