pagsusuri ng tula.doc

10
Elehiya ELEHIYA KAY INAY Kung ang kamataya’y isang panibagong paglalakbay aking Inay Sa iyong pagtawid ala-ala nami’y baunin Pagmamahal mo, pagkalinga, mga pagtitiis at pagdurusa Ngayo’y nakatakas ka na Habang nakamasid ka sa ‘ming iyong naiwan sa mga ibong nakasama mo, sa mga talangka at sigay na naging laruan mo sa mga along kahabulan mo at sa malawak na buhanginang naging palaruan mo Nawa’y naalala mo ang mga ito sa paglisan mo Mag-isang ninanamnam ang kalinga ng kalikasan habang isang ala-ala na lamang ang yakap ng iyong ina sa oyayi ng hangin, ipinaghele ka, sapagkat ika’y maagang naulila Lumaking salat sa pagmamahal sa magulang Tanging kaibigan naging takbuhan Inulila pa ng kapatid na turan animo’y isang sadlak sa dusang nilalang Pagkat ang isang kaibiga’y lumisan Tuluyan nang humalik sa lupa ang sarangolang dinagit ng hangin, Tanging pumpon ng bulaklak sa malamig na bato ang tangan mo Nakaukit na ang pangalan mo Ang naiwan sa ami’y mga ala-ala mo Nang isang inang kasabay kong nangarap, lumipad, kumalinga at sumalo sa aba ko. Sa bawat ngiti ng mga munting anghel na kinalinga mo isang munting kaluluwang pinanabikan mo Konting sulyap lamang sana anak ko Kahit ako’y malamig ng tila yelo Ngunit ito’y ipinagkait mo Ngayon aking ina sa iyong paglalakbay Baunin mo ang aming pagmamahal Ihalik sa hangin aming mga pagmamahal Ibulong sa Diyos na kami’y bantayan Yakapin ng pagmamahal kahit sa panaginip lang Nawa sa iyong pagtawid sa kabilang buhay masilayan mo ang kaginhawahang

Upload: lesleigh-ochavillo

Post on 13-Apr-2015

476 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

Ang mga halimbawa ng mga tulang liriko

TRANSCRIPT

Page 1: Pagsusuri ng tula.doc

Elehiya

ELEHIYA KAY INAY

Kung ang kamataya’y isang panibagong paglalakbay  aking InaySa iyong pagtawid ala-ala nami’y bauninPagmamahal mo, pagkalinga,mga pagtitiis at pagdurusaNgayo’y nakatakas ka naHabang nakamasid ka sa ‘ming iyong naiwansa mga ibong nakasama mo,sa mga talangka at sigay na  naging laruan mosa mga along kahabulan moat sa malawak na buhanginang naging palaruan moNawa’y naalala mo ang mga ito sa paglisan moMag-isang ninanamnam ang kalinga ng kalikasanhabang isang ala-ala na lamang ang yakap ng iyong inasa oyayi ng hangin, ipinaghele ka,sapagkat ika’y maagang naulilaLumaking salat sa pagmamahal sa magulangTanging kaibigan naging takbuhanInulila pa ng kapatid na turananimo’y isang sadlak sa dusang nilalangPagkat ang isang kaibiga’y lumisanTuluyan nang humalik sa lupaang sarangolang dinagit ng hangin,Tanging pumpon ng bulaklaksa malamig na bato ang tangan moNakaukit na ang pangalan moAng naiwan sa ami’y mga ala-ala moNang isang inang kasabay kong nangarap,lumipad, kumalinga at sumalo sa aba ko.Sa bawat ngiti ng mga munting anghel na kinalinga moisang munting kaluluwang pinanabikan moKonting sulyap lamang sana anak koKahit ako’y malamig ng tila  yeloNgunit ito’y ipinagkait moNgayon aking ina sa iyong paglalakbayBaunin mo ang aming pagmamahalIhalik sa hangin aming mga pagmamahalIbulong sa Diyos na kami’y bantayanYakapin ng pagmamahal kahit sa panaginip langNawa sa iyong pagtawid sa kabilang buhaymasilayan mo ang kaginhawahangdi natikman sa palad ko

Page 2: Pagsusuri ng tula.doc

DALIT PATRON NAMIN, SAN FRANCISCO, KAMI’Y TURUAN MO PAGKILALAG, PAGMAMAHAL, PAGLILINGKOD SA DIYOS.   1.     Mahal na Patron, sinilang ka sa munting bayan ng Paola. Mga dukhang magulang mo gumabay sa iyo.

 

2.     Isang kuwebang tiniman mo Banal na ermitanyo nag-franciscano ka at binuo sangay ng Minimo.

 

3.     Kaya lalo kang dinayo lapit sama mga katoto sa pagsaksi mo kay Kristo sa simpleng buhay mo.

 

4.     Naalaman ni Papa Sixto tungkol lahat sa iyo inatasan kang mangaral sa bansa at bayan.   5.     Api’t dukha kinalinga

lahat pinagpala maharlika’t mayayaman iyong tinuruan.  

6.     Kababang loob naman tuntunin sa buhay susi ng kabanalan sarili’t tahanan.   7.     Ang buhay ngayon naming batbat tigib kagipitan loob nami’y palakasin tiwala at dasal   8.     Amang Francisco, ituro po ninyo ano ang tunay na ligaya ang Mabini’y sumasamo sa Diyos umaasa.

Page 3: Pagsusuri ng tula.doc

SONETO

Dalawang Soneto Sa Mga Pastol 

Soneto IBato-bato po sa langitAng tamaa’y h’wag magalit.Kung kaya ikaw’y makinigAt tunghayan itong awit.Isang araw ay nagpunta Ka sa isang klinikaAt nagbukas ng pahina,Walang nakita ang mataKundi ang akda ng diyos.Ang dudulas ng taludtod,Yaong tugma’y maindayog;At ang sukat ay di kapos.Tiningala mo ba’ng diyosO nais mo ring maghambog?

Soneto IIKumpulang nagtipon ang pastol ng Diyos,Ang kunwaring layo’y sumambang malugod-Walang paki-alam kung anumang handogAng maidudulot ng kasamang liposNa nangagdalisay ng tanaga’t dalit.Nahan ka O pastol kapag nasa bukidItong punong pastol nagtiis nang sakitRumurok ang nais at pumasalangit?Ilang pagsosogang lagi kayong wala?O nag-aantabay diyos ang magwikang:Ako ang sundin n’yo! Ako ang bathala!(Lugmok katamlayan ang pastol-makata.)Manamba nang labis sa diyus-diyusan,Ang pinagpastula’y natitigang parang.

Page 4: Pagsusuri ng tula.doc

Oda

Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus

Ang bayan kong PilipinasLupain ng ginto’t bulakiakPa-ibig ang sa kanyang palad,Nag-alay ng ganda’t dilagAt sa kanyang yumi at gandaDayuhan ay nangahalinaBayan ko binihag kaNasadlak sa dusaIbon mang may layang lumipadKulungin mo at umiiyakBayan pa kayang sakdal dilag,Ang di magnasang makaalpas,Pilipinas kong minumutyaPugad ng luha at dalitaAking adhikaMakita kang sakdal laya.

Page 5: Pagsusuri ng tula.doc

Awiting Bayan

TALINDAW-URI NG AWITING O KANTAHING BAYANTalindaw-Awiting bayan tungkol sa pagsagwan.Sagwan, tayoy sumagwanAng buong kaya’y ibigay.Malakas ang hanginBaka tayo’y tanghaliin,Pagsagwa’y pagbutihin.

Oyayi o Hele URI NG AWITIN O KANTAHIN BAYAN.Matulog ka na, bunso,Ang ina mo ay malayoAt hindi ka masundo,May putik, may balaho.

KUNDIMAN -URI NG AWITING O KANTAHING BAYANSAMPAGUITASampaguita mutyang halamanBulaklak na ubod ng yamanIkaw lang ang siyang hinirangNa sagisag nitong bayan.At ang kulay mong binusilakAy diwa ng aming pangarapAng iyong bango't halimuyakSa tuwina ay aming nilalanghap.O bulaklak na nagbibigay ligayaAking paraluman mutyang SampaguitaLarawang mistula ng mga dalagaTanging ikaw lamangAng hiraman ng kanilang ganda.Ang 'yong talulot na kay gandaMga bubuyog nililigiran kaKung sa dalagang sinisintaAraw gabi'y laging sinasamba.

Page 6: Pagsusuri ng tula.doc

Mga Halimbawa

ng Tulang Liriko

Ipinasa ni: Bern Lesleigh Anne Ochavillo

Page 7: Pagsusuri ng tula.doc

Ipinasa kay:Dr.Josefina Vasallo

Elehiya Sa Isang MartirNi; Dennis Raymundo

Ikaw, gaya ng ibang bayani,

ay nag-alay ng buhay

sa panawagan ng bayan.

Pero walang lawrel

para sa’yo, isang di iniyakang sundalo.

Sa paninindigang walang dangal.

maglalaho ang lahat

para sa wala.

Page 8: Pagsusuri ng tula.doc

Habang ika’y nakahimlay dito

na isang kahihiyan

Ang sakripisyo’y di pansin.

Ang mga bata

na kinakahon ng akademya

Kapag ika’y natumba sa labanan,

Hindi nila malalaman.

Sila, na parang masayang ibon

Umaawit, pero hindi para sa’yo

Ni walang bulaklak

walang tinig ng papuri

sila, na balang araw

ay sasama rin sa’yo sa kawalan

Isa ka lamang anino

ng isang maikling buhay,

ng tagsibol na hindi dumating

at ang naratibo mo’y umiikot

na parang tuyong dahon

sa isang maliit na ipo-ipo

Umasim na ang kapayapaan ng kalangitan

Nangitim na ang mukha ng ulap

huminto na ang galit ng ihip ng hangin.

Page 9: Pagsusuri ng tula.doc

Sila rin ay tinalikuran ka.

Hindi mo ito kasalanan

Hindi nila ito kasalanan

Walang kahit sinong may kasalanan.

Lahat tayo’y may kasalanan.