pagsusuri sa piling akda

33
“Pormalistikong Pagsusuri sa Piling Tatlong Kuwento ni Liwayway A. Arceo” ni Bern Lesleigh Anne J. Ochavillo I. Introduksyon Ang maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Ayon kay Edgar Allan Poe ang kinikilalang Ama ng Maikling Kwento,ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap. Napakaraming pagpapakahulugan ng maikling kwento mula sa iba’t ibang manunulat. Ayon naman kay Reyes,ito ay isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-

Upload: lesleigh-ochavillo

Post on 26-Oct-2015

4.815 views

Category:

Documents


67 download

DESCRIPTION

Isang pagsusuri sa ilang piling mga katha

TRANSCRIPT

Page 1: Pagsusuri sa Piling Akda

“Pormalistikong Pagsusuri sa Piling Tatlong Kuwento ni Liwayway A. Arceo”

ni Bern Lesleigh Anne J. Ochavillo

I. Introduksyon

Ang maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang

pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon

lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad

ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring

naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Ayon kay Edgar Allan Poe ang kinikilalang Ama ng

Maikling Kwento,ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at

salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.

Napakaraming pagpapakahulugan ng maikling kwento mula sa iba’t ibang manunulat.

Ayon naman kay Reyes,ito ay  isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang

mahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang

kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Habang mula naman kay Gonzales ang kanyang

pagpapakahulugan ng maikling kwento ay maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa

madulang bahagi ng buhay. Hindi ito pinaikling nobela o buod ng isang nobela.

Tunay ngang ang  maikling kwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli

ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang

balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.

Ang sumusunod ay sangkap ng isang maikling kwento:

1. Banghay – tumutukoy sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga pangyayari.

Page 2: Pagsusuri sa Piling Akda

2. Tauhan – tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing

tauhan at pantulong na tauhan.

Dalawang Uri ng Paglalarawan ng May-akda sa Tauhan:

a. tuwirang pagpapahayag - kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa kwento

ang mga katangian ng tauhan

b. madulang pagpapahayag - kung matimpi ang paglalarawan ng tauhan, na

nangangahulugang mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng pagkilos at

pagsasalita niya.

3. Tagpuan – tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento.  

          Makatotohanan ang daigdig na inilalarawan sa ating imahinasyon upang

          makatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito.

 4. Paningin – pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento.

 

Nakikilala rito ang mga sumusunod:

a. paglikha ng nagsasalaysay

b. ang lugar at panahong sumasaklaw sa pagsasalaysay

c. ang taong pinagsasalaysayan nito.

d. ang relasyon ng pagsasalyasay at ang pangyayaring isinasalaysay

e. kung gaano ang nalalaman ng nagsasalaysay.

 

Mga Uri ng Paningin:

A. paningin sa unang panauhan – ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga tauhan na

siyang nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan  ng unang panauhang “ako”

Page 3: Pagsusuri sa Piling Akda

B. paningin sa pangatlong panauhan – ang nagkukwento ay gumagamit ng pangatlong

panauhan na malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwento. Ang nagsasalaysay

ay maaaring pumasok sa isipan at damdamin ng mga tauhan at sabihin sa bumabasa kung

ano ang kanilang iniisip o nadarama. Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang kilos

ng mga tauhan. Nasasabi ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o itago ang

nais niyang itago.

C. tinakdaang obhetibong paningin – ang pananaw ay limitado sa isa lamang tauhan sa

kwento. Maaaring ang pangunahing tauhan o di kaya’y alinman sa mga katulong na

tauhan sa kwento ang tagapagsalaysay.

D. obhetibong paningin o paninging palayon – ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera

o malayang nakalilibot habang itinatala nito ang bawat nakikita at naririnig. Ang

tagapagsalaysay ay hindi nakakapasok sa isipan ng tauhan at hindi rin nakapagbibigay

puna o paliwanag. Tumatayongtagapanood lamang siya ng mga pangyayari sa kwento.

Nakikita niya ang     

      ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang sinasabi nila , ngunit hindi niya tuwirang

      masasabi ang kanilang iniisip o nadarama.

E. paninging panarili – isang paraan ng pagsulat na sa pamamagitan ng daloy ng

kamalayan o “stream of consciousness”. Sumusulong ang kwento sa pamamagitan ng

paglalahad ng may-akda na ang isipan at damdamin ay naaayon sa damdamin at kaisipan

ng isang tauhan lamang. Isinasalaysay ang kwento sa pamamagitan ng unang panahunan

(first person). Gayunman hindi ginagamit ang panghalip na “ako”.

F. paninging laguman – magkasamang paggamit ng paninging panarili at palayon sa

kwento. Sa pamamagitan ng paningin na ito malawak ang kalayaan ng awtor sa

Page 4: Pagsusuri sa Piling Akda

pagsasalaysay, bagaman hindi rin siya dapat pumasok sa katauhan ng isang tauhan

maliban sa pangunahing tauhan.

5. Paksang-diwa o tema – tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentralna ideya ng

kwento na naghahayag ng pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapat ihayag sa isang salita o

parirala lamang kundi sabihin ito sa isang buongpangungusap.

Halimbawa:

                            “ ang pagsama ng isang tao”

 

-          kundi ihayag ang buong pangungusap nang ganito:

 

“kung minsan, ang pagsama ng isang tao ay dala ng  mapapait niyang karanasan sa

buhay ”

6. Katimpian – masining na paglalarawan sa damdamin. Ang maingay at nagpapalahaw na pag-

iyak ay di tanda ng kalaliman ng kalungkutan; di gaya ng tahimik, pigil at di mailuhang pighati.

7. Pahiwatig – tinatalakay ang pangyayaring nagaganap sa isang akda. Ipinahihiwatig ang

pangyayaring inaakalang mahalaga sa kwento. Dahil dito, nagiging malikhain ang mga

mambabasa sapagkat naiiwan ang kanyang guniguni o imahinasyon sa mga pangyayaring

nagaganap o maaaring maganap sa maikling katha. Sa pamamagitan din nito’y nagiging matimpi

ang pagsasalaysay, hindi nagiging kabagu’t bagot sa sinumang bumabasa ang paglalantad ng

mga sunud-sunod na pangyayaring inaakalang napakahalaga bilang isa sa pangunahing sangkap

ng maikling kwento.

8. Simbolo – ito ang mga salita na kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan

ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.

Page 5: Pagsusuri sa Piling Akda

Halimbawa:

 

                  Ang puti ay kumakatawan sa kalinisan o kawagasan samantalang ang pula ay

kumakatawan sa katapangan o kaguluhan.

 

9. Suliranin – mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang nagbibigay daan

upang magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwento. Dito makikita kung

paano kakaharapin ng mga tauhan ang paglutas sa suliraning kinakaharap.

 

10. Tunggalian – ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-

wili at kapana-panabik ang mga panggyayari kaya’t sinasabing ito ang sanligan ng akda.

Nagsisimula ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman

sa katuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa kahalagahan ng

layunin ; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli.

 

Mga uri ng Tunggalian:

a. tao laban sa tao

b. tao laban sa sarili

c. tao laban sa kalikasan

 

11. Kasukdulan – dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang madarama

ng mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing

tauhan o bayani sa kwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan,

Page 6: Pagsusuri sa Piling Akda

kailangang magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit,

mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihinatnan ng pangunahing tauhan.

12. Himig – ito’y tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring mapanudyo, mapagtawa at iba

pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng damdamin.

13. Salitaan – ang usapan ng mga tauhan. Kailangang magawang natural at hindi artipisyal ang

dayalogo.

14. Kapananabikan – nalilikha ito sa paglalaban ng mga tauhan o ng bidang tauhan laban sa

mga kasalungat niya. Ito ang pagkabahalang nararamdaman ng mga mambabasa bunga ng hindi

matiyak ang magiging kalagayan ng pangunahing tauhan sa kanyang pakikipagtunggali.

15. Kakalasan – ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.

16. Galaw – tumutukoy ito sa pagkakalahad o pag-unlad ng kwento mula sa pagkakalahad ng

suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha.

 

17. Wakas – bagama’t ang kwento’y maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga

pagkakataong kailangan pa rin ng katuusan upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng

kasukdulan. Maaari itong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing

tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.

I. Paglalahad ng Suliranin

Sa pag-aaral na ito, kinilala ng mananaliksik ang mga sangkap ng isang maikling kwento

at mula rito ay susuriin niya ang ilang piling kwentong isinulat ni Liwaway A. Arceo, upang

matukoy ang maaring pagkakapareho o pagkakaiba ng mga ito base sa mga siniping pahayag at

linya na mababasa sa mga kwento.

Page 7: Pagsusuri sa Piling Akda

II. Kahalagahan

Ang pananaliksik ay isinagawa ngayong taong panuruan 2013-2014 sa Pampamahalaang

Unibersidad ng Bukidnon, Malaybalay City Bukidnon.

Ang pag‐aaral na isinagawa ng mananaliksik ay naglalayong makapag‐ambag ng

impormasyon tungkol sa mga sangkap ng isang maikling kwento na matatagpuan sa akdang

pampanitikan na magbibigay gabay sa mga mambabasa.

Maragdagan ang kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa mga nilalaman ng isang

maikling kwento. Maipaabot sa kanila na mahalagang malaman at matukoy ang sangkap ng

isang maikling kwento upang mas lalong maintindihan ang akdang binabasa. Ang papel na ito ay

makatutulong nang malaki sa mga mambabasa upang maunawaan nilang mabuti at maintindihan

ang kabuuan ng mga nasusulat na mga maikling kwento.

Makapagbibigay ang pananaliksik na ito ng sapat na impormasyon upang lumawak ang

kaalaman tungkol sa mga paksang tinalakay ng mataas na paaralan at kolehiyo at makatutulong

sa kanilang isasagawang pananaliksik sa mga pormalistikong pananaw na napapaloob sa iba

pang anyo ng akda.

III. Saklaw ng pagsusuri

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa tatlong maikling kwentong isinulat ni

Liwayway A. Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa (1943)”, “Ang Sukatan ng Ligaya” at

“Banyaga” at susuriin ito sa pamamagitan ng tatlong sangkap ng maikling kwento na napili ng

mananaliksik: Tauhan, Himig at Galaw ng kwento.

IV. Pagsusuri/Analisis

Page 8: Pagsusuri sa Piling Akda

Tauhan

Ang tauhan ay tumutukoy sa mga karakter na gumagalaw sa kwento na maaaring

pangunahing tauhan at pantulong na tauhan. Sa pagsusuring ito, tinutukoy ang uri ng tauhan

ayon sa katangian na mayroon ito. Mula sa deskripsyon ng kanyang galaw at dayalogong

kanyang binibitawan natutukoy kung anong klaseng tao ang karakter sa kwento.

Uhaw ang Tigang na Lupa

Heto ang mga linyang gagamiting patunay sa uri ng pagkataong mayroon ang Ina sa

kwentong Uhaw ang Tigang na Lupa.

“Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...”

“Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang ‘di ako makita. Kailangang ‘di ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang ‘di ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwang kung mayroon siyang ipinagbabawal.”

“Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkabo buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin.”

“Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang palad ang aking balikat at nadarama ko pa ang salat ng kanyang mag daliri; ang init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang pagkakadantay...”

“Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-idlip, patuloy sa kanyang pagluha kung walang makakita sa kanya...”

“Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.”

“Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko naaming kay Ina ang tinig na yaon:Maaangkin mo na, mahal ko!”

Ang mga linyang sinipi sa itaas ay pagsasalaysay ng anak sa kuwento na magpapatunay

na ang kanyang Ina ay isang mapagtimping tao. Sa kabila ng sakit at karupukan ng kanyang

Page 9: Pagsusuri sa Piling Akda

kalooban ay ipinapakita pa rin niyang siya’y nagpapakatatag at matapang para sa mga tao sa

kanyang paligid. Siya ay isang babaeng sa kabila ng sakit ng kanyang pakiramdam ay

nagpapakita at nagagawa niyang ipakita ang katapangan at pagiging mapagtimpi.

Ang Sukatan ng Ligaya

Heto ang mga linyang gagamiting patunay sa uri ng pagkataong mayroon si aling Isyang

sa kwentong Sukatan ng Ligaya.

“Ang Inang. . . nagbibihis na naman! Parang inip na inip dito sa ‘min . . .” matatandaan pa niyang parunggit nito. At kung may bahid man ng katotohanan itong sinabing iyon ni Medy ay hindi na siya nagpahalata.

Napabuntunghininga nang malalim si Aling Isyang. Hindi siya makatutol kapag ang sinasangkalan ni Medy ay ang asawa nito. Nahihiya siyang biguin ang manugang. . . Iniiwasan niyang may masabi ito.

Nanibago si Aling Isyang nang tumayo siya. May kataasan ang taking ng sapatilya.At matigas ang entrada. Hindi pa siya humahakbang ay waring nananakit na ang kanyang talampakan.

Isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi siya magtagal sa bahay ni Medy. Ang gusto ni Medy ay lagi siyang susunod sa mga sinasabi nito upang walang masabi ang iba. Sa kanyang pakiramdam naman ay iniipit ang kanyang mga kilos at hindi siya Malaya. Gayunman ay ayaw na niyang maging alangan ang kanyang anak sa pamantayan ng kanyang manugang, kaya’t sinisikap niyang makibagay.

“Hindi naman. . . ’’ pagkakaila niya. “Syempre. . . medyo lang ako naninibago at mababa ang kotso. . .”

Saglit na nakawala sa diwa ni Aling Isyang ang mga nagdaan nang marinig ang masayang tawanan nina Medy at Eddie. At nakadama na rin siya ng kasiyahan. Pinilit niyang masiyahan.

Susunud-sunod naman si Aling Isyang. Ingat na ingat siya sa paghakbang. Nananakit ang kanyang mga paa sa suot na sapatilya. Ngunit sinarili niya iyon.

Napuno ng kaligayahan ang puso ni Aling Isyang nang matanaw na niya ang makipot at maalikabok na landas na bumubungad sa kanilang nayon. Waring abot-kamay na niya ang kanilang tarangkahan.

Ang mga siniping linya sa itaas ay nagpapatunay lamang na isang mapagtimping Ina si

Aling Isyang. Kahit na nahihirapan siyang makibagay sa tahanan ng kanyang anak na si Medy,

Page 10: Pagsusuri sa Piling Akda

pinipilit niyang ipakita na hindi siya nahihirapan dahil ayaw niyang nasasaktan ang anak.

Ipinapakita niyang kaya niya kahit na sa puso niya ay nagpupumiglas ang damdaming nagnanais

na umuwi na sa nayon at lumanghap ng sariwang hangin. Mula sa mga piling mga linya,

mababasa nating, para sa ikasisiya at hindi pagtatampo ng anak ay nagtitimpi si Aling Isyang sa

kanyang pakiramdam kahit na nahihirapan siya.

Banyaga

Heto ang mga linyang gagamiting patunay sa uri ng pagkataong mayroon si Fely sa

kwentong Banyaga.

“Ang hirap sa kanila…ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang…noon…kung natakot ako sa iyakan…” Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.

“Sa kotse na” ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako masilat…baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.

Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib.

Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos.

“Congratulations!” pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.

Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin.

At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.

Mula sa mga siniping linya sa itaas, napatunayan lamang na ang pangunahing

tauhang si Fely ay isang mapagtimping uri ng tao. Kahit na makikita sa panlabas na anyo na siya

ay isang matapang at may paninindigang babae ay may itinatago siyang damdamin sa loob

Page 11: Pagsusuri sa Piling Akda

niyang nais kumawala ngunit pilit niya itong itinatago sapgkat gusto niyang patunayan sa lahat

na siya’y may narrating sa buhay at tama lamang ang desisyon niyang pagpunta sa Maynila

noon. Pinatunayan ng mga piling pahayag na kahit sa katatagan ni Fely ay may ginawa pa rin

siyang pagtitimpi ng kanyang pakiramdam, pati na ang pakiramdam na hindi na makilala ang

sarili.

Himig

Ang himig ng isang kuwneto’y tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring mapanudyo,

mapagtawa at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng damdamin. Mula sa

paglalarawan at mga binitawang dayalogo ng mga tauhan sa kwento ay tutukuyin ng

mananaliksik ang damdamin ng kwento.

Uhaw ang Tigang na Lupa

“Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...”

“Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyang hindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan.”

“Hindi rin kumikibo si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol.”

“Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: si ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na guhit.”

“Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: Sapagkat ako’y hindi makalimot... Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanyang at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama.”

Mula sa liham,

“Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na

Page 12: Pagsusuri sa Piling Akda

hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan...”

Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan; sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako’y nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin...

Ang mga siniping pahayag sa itaas ay mga patunay na ang himig ng kwentong Uhaw ang

Tigang na Lupa ay may kalungkutan at lihim na paghihinakit. Ang mga linyang ito ay may

pagdiriin ng isang matinding damdamin ng kalungkutan dahil sa mga pangyayari at sitwasyon na

nagudyok sa mga karakter sa kwentong makadarama ng matinding kalungkutan. Ang anak, ang

ina, ang ama at ang babae sa liham.

Sukatan ng Ligaya

“Ang Inang. . . nagbibihis na naman! Parang inip na inip dito sa ‘min . . .” matatandaan pa niyang parunggit nito. At kung may bahid man ng katotohanan itong sinabing iyon ni Medy ay hindi na siya nagpahalata. Nadama niya agad ang hinanakit sa tinig nito nang pansinin ang kanyang paghahanda sa pag-alis. Ngunit talagang hindi siya mawili sa tahanan nina Medy.

“Aba, oo! Sinabi ‘yan mismo ni Medy.” “Ika sa kin. . . mas mahal mo raw si Idad kaysa kanya. . . hindi raw pareho ang tingin mo sa kanila. . .”

Naupo si Aling Isyang sa sopa upang hintayin sina Medy. Hinintay niyang lapitan siya ng mga apo, ngunit waring hindi siya napapansin. Bigla niyang nagunita ang apat na apo kay Idad. Marinig lamang ng mga iyon ang kanyang mga yabag ay nag-uunahan na sa paglapit sa kanya at unahan din sa pagkapit sa kanyang saya.

Wala sa pamamasyal ang isip ni Aling Isyang. Nasa bukid, sa piling ni Mang Laryo, ni Idad, at ng kanyang mga apo. Lalong naging masidhi ang kanyang pananabik sa mga apong naiwan nang makasakay siya sa kotse.

Hindi sinasadya ay napailing si Aling Isyang. Naisip niya kung paanong ang kanyang dalawang anak na kapwa babae, kapwa maganda at pareho ang inabot sa paaralan, ay nagkaroon ng magkaibayong kapalaran sa kabuhayan nang magsipag-asawa.

May kapaitang sumasaisip ni Aling Isyang na kung naroon siya sa kanilang sariling nayon, hindi niya kakailanganin ang magkunwari. Hindi niya kakailanganing magsuot ng anumang hindi siya nagiginhawahan. Kilala niya ang lahat ng tao at nakikilala rin siya. Hindi niya kailangan ang kumilos nang labag sa kanyang kalooban, upang masiyahan lamang sina Medy.

Page 13: Pagsusuri sa Piling Akda

At nakaramdam ng lungkot si Aling Isyang nang magunita ang mga naiwan sa nayon. Naalala niya ang ginagawa niyang paghihimay ng alimango o alimasag para sa kanyang mga apo. Gayundin ang ginagawa niyang pagsisilbi kay Mang Laryo.

Ang mga siniping linya sa itaas ay tahasang nagpapahayag at nagpapatibay na ang

kwentong Sukatan ng Ligaya ay may himig ng kalungkutan at tagong paghihinakit. Si Aling

Isyang na nalulungkot dahil kailangan niyang makibagay sa paraan ng pamumuhay ng anak na si

Medy at nalulungkot dahil sa napalayo siya sa nayong kinagisnan kay Mang Laryo na kanyang

asawa at kay Idad na tinatangi niyang anak. Habang, makikitang may lihim na paghihinakit si

Medy kahit na mabuti ang pakikitungo niya sa Ina ay hindi pa rin niya maiwasang maghinanakit

dito dahil sa hindi ekwal na pagtatangi sa kanila ng kanyang kapatid.

Banyaga

“Ibang-iba na nga ngayon ang…lahat!” at nauulinigan niya ang bunting-hiningang kumawala sa dibdib ng matandang ale.

“...Ang hirap sa kanila…ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang…noon…kung natakot ako sa iyakan…” Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.”

Biglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina.

Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin.

Page 14: Pagsusuri sa Piling Akda

At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.

Ang mga nasa taas na piling siniping linya ay mga pahayag na magpapatunay na ang

kwentong Banyaga ay may himig ng kalungkutan at tinatagong paghihinakit. Sa kabila ng

tagumpay na naabot ni Fely sa buhay ay parang hindi pa rin niya maramdaman ang kasiyahan sa

tuwing bumabalik siya sa pook na pinanggalingan, sapagkat siya’y halos hindi na nito makilala

dahil sa pagbabago. Habang ang kanyang pamilya ay nalulungkot din sa pagbabago niya. May

lihim na hinanakit sa loob niya, sapagkat hindi na niya nakikilala ang kanyang sarili at mas

lalong nagmistula na siyang banyaga sa sariling bayan.

Galaw

Ang galaw ng kwento ay tumutukoy sa pagkakalahad o pag-unlad ng kwento mula sa

pagkakalahad ng suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha, maaring

hindi malutas o kaya’y nasa mambabasa ang paghuhusga kung ang suliranin ng mga tauhan ay

nalutas o hindi sa pagwawakas ng kwento. Sa pagbibigay ng buod ng kwento ay malalaman ng

mananaliksik ang pagkakasunod-sunod ng mga pangayayari na makakatulong upang matukoy

ang paraan ng paggalaw ng kwento.

Uhaw ang Tigang na Lupa

Ito’y kwento ng isang dalagitang nagkaroon ng mga magulang na kailanman ay hindi

niya kakikitaang naglalambingan. Nagsimula ang kwento sa pagkahabag ng anak sa kinikilos ng

ina: pagbuntong hininga nito at lihim na paghikbi tuwing gabi. Bumabalik sa gunita ng anak

ang mga pangyayari sa kanilang pamilya na isang beses lamang silang lumabas at nagsama.

Hanggang matuklasan nito na may mahal palang iba ang ama at matagal na nitong inililihim sa

pamilya nang mabasa nito ang talaarawan. Puno ng pagbabalik gunita ng mga pangyayari ang

Page 15: Pagsusuri sa Piling Akda

kwento. Dito nagsimulang magkaroon ng lihim na galit ang dalagita sa ama ngunit ang ina sa

kabila nang natuklasang pagtataksil ng asawa ay hindi nito ipinakitang siya’y nasasaktan sa

harap ng anak. Patuloy pa rin niyang inalagaan ang maysakit na asawa. Hanggang sa ito’y

binawian ng buhay at makuha na nito ang hinahangad na kasiyahan.

Mula sa buod ng kwentong Uhaw ang Tigang na Lupa na nasa itaas, pinatunayan lamang

na maayos ang galaw ng kwento sapagkat tahasang inilahad ng mga pangayayari ang suliranin

ng bawat tauhan, ang anak, ang ina, ang ama at ang babaeng tinutukoy sa liham. Sa galaw o

takbo ng kwento, unti-unti itong nasosolusyunan ng mga tauhan ang suliranin, bagaman

kamatayan ang naging solusyon sa problema ng ama na nagsilbing panangdaliang sagot sa isa sa

mga suliranin sa kwento, ay nakamit naman nito ang kasiyahan kahit na hindi nalutas ng ina at

ng anak ang problema ng bawat isa at sa huliha’y nanatili ang kanilang kalungkutan.

Sukatan ng Ligaya

Nagsimula ang kwento sa pagbalak ni Aling Isyang na bumalik na sa kanilang nayon na

sinubok na niya ng tatlong beses ngunit pinigilan siya ng kanyang anak na si Medy na nagnanais

na mamalagi ito sa kanyang tahanan. Namasyal sila habang ang utak ni Aling Isyang ay hindi

nakatuon rito, kundi sa naiwan niyang asawang si Mang Laryo at sa tinatangi niyang anak na si

Idad at ang mga anak nito doon s akanilang nayon. Nagkaroon ng pagbabalik gunita sa kwento,

kung saan ay naalala ni Aling Isyang ang panahon ng kanyang pagtutol sa pag-aasawa ni Medy

at Eddie na isang mayamang negosyante. Sa buong pamamasyal at sa pagdating nila sa isang

restawran ay pinipilit ni Aling Isyang na makibagay at sundin ang kagustuhan ng anak dahil

ayaw niyang may masabi ito. Habang sila’y kumakain ay bumabalik sa kanyang gunita ang mga

oras na silay kumakain doon sa nayon kasama si Mang Laryo, si Idad, mga anak at asawa nito

Page 16: Pagsusuri sa Piling Akda

na walang pagpapanggap at masaya silang lahat. Nang pinayagan na ni Medy na umuwi si

Aling Isyang ay nakaramdam ito ng gaan at kasiyahan sa kalooban, kahit na alam niyang may

paghihinakit si Medy dahil sa hindi pantay na kanyang pagtatangi sa dalawang anak ay alam

niyang mas nagiging masaya siya sa nayon.

Base sa ibinigay na buod ng kwento sa itaas ay makikitang ang galaw ng kwentong

Sukatan ng Ligaya ay maayos at may pagkasunod-sunod. Nailhad nito ang suliranin ni Aling

Isyang na hindi pagiging panatag sa tahanan ni Medy at kahit sa pamandaliang paraan ay nalutas

niya ito sa pamamagitan ng pag-uwi sa kanilang nayon ay hindi tahasang nalutas niya ang buong

suliranin, ito ay ang paghihinakit ni Medy sa kanyang ‘di pantay na pagtatangi. Datapwat puno

ito ng pagbabalik gunita upang mas maintindihan ng mambabasa ang mga pangyayaring

pangkasalukuyan na binanggit sa kwento, ngunit hindi ito nakasira sa pag-unawa ng mambabasa

sa galaw ng mga pangyayari.

Banyaga

Bumalik si Fely sa kanilang nayon upang paunlakan ang imbitasyon ng kanyang

napagtapusang paaralan sa haiskul. Nagsimula ang kwento sa pag-aayos ni Fely sa sarili

habang ang kanyang Nana Ibang ay bakas ang pagtataka at kalungkutan sa pagbabagong

nangyayari sa kanya. Sa kanilang usapan ay bumalik sa kanyang gunita ang mga pangayayari

sa nakaraan hanggang sa mga pangyayari kanina lamang sa kanyang pagdating. Naalala niya

ang kanyang pagpupumiglas na pumunta ng Maynila upang makipagsapalaran, ang pagpunta

ng Amerika; naalala niya ang pakikitungo ng buong mag-anak sa kanya sa tuwing sya ay

umuuwi mula sa Maynila at nakaramdam sya ng bigat sa dibdib at hindi pagkilala sa sarili.

Nang dumating na si Gardo, ang kanyang kaklase na president ng mga nagsitapos sa kanilang

paaralan ay naalala niya ang pagiging malapit nila sa isa’t isa, naging iba ang kanyang

Page 17: Pagsusuri sa Piling Akda

pakiramdam ng malaman niyang may asawa’t anak na ito. Nang dumating na siya sa paaralan,

pinatitinginan siya ng mga tao, animo’y may malaking pagtataka at sa kanyang kalooban ay

malaking bagabag ang naramdaman, parang hindi na niya makilala ang sarili at hindi na siya

makilala ng lupang kanyang pinagmulan.

Ang ibinigay na buod ng kwentong Banyaga sa itaas ay nagpapakita ng maayos na galaw

ng pangyayari mula sa paglalahad ng suliranin ng pangunahing tauhan na si Fely na kung saan ay

naging banyaga na siya sa sariling pamilya at bayan hanggang sa paglutas niya rito sa

pamamagitan ng pagkaramdam ng pagsisisi at sakit ng loob sa nangyaring pagbabago sa kanya,

ngunit maiintindihan sa kwento na hindi lubusang nalutas ni Fely ang sariling suliranin sapagkat,

pagsisisi at pagkalungkot lamang ang ipinahahayag sa huling bahagi ng kwento at hindi inilahad

kung may ginawa siya upang mapawi ang pakiramdam sa suliranin. Nailhad nito ang suliranin at

kahit sa pamandaliang paraan at nalutas ito ng tauhan.Iyon lamang ay puno ito ng pagbabalik

gunita upang mas maintindihan ng mambabasa ang mga pangyayaring pangkasalukuyan na

binanggit sa kwento, ngunit hindi ito nakaapekto upang hindi maayos na maunawaan ang

kwentong binabasa.

V. Natuklasan/Findings

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang “Pormalistikong Pagsusuri sa Tatlong Kwento ni

Liwayway A. Arceo.” Sa pamamagitan ng pagtukoy sa tatlong napiling mga sangkap ng

maikling kwento na nakapapaloob sa tatlong piling katha at sa masusing pagbasa sa mga ito,

natuklasan ng mananliksik ang sumusunod:

Page 18: Pagsusuri sa Piling Akda

Ang pangunahing tauhang napili sa kwentong Uhaw ang Tigang na lupa ay ang Ina na

isang babae; nagtataglay ito ng ugaling pagiging mapagtimpi sa kanyang pakiramdam kahit na

siya’y lubos na nasasaktan.

Ang pangunahing tauhang napili sa kwentong Sukatan ng Ligaya ay si Aling Isyang na

isang babae; nagtataglay ng ugaling pagiging mapagtimpi sa kanyang damdamin kahit na siya’y

nahihirapan sa piling ng anak at nangungulila sa kanyang nayon.

Ang pangunahing tauhang napili sa kwentong Banyaga ay si Felyna isang babae;

nagtataglay siya ng ugaling pagiging mapagtimpi sa kanyang damdamin at pakiramdam upang

maipakita na siya ay matapang, matatag at binago na ng kapalaran.

Samakatuwid, natuklasan ko na ang ginamit na tatlong kwento sa pag-aaral na ito

na isinulat ni Liwayway A. Arceo ay nagtataglay ng mga pangunahing tauhang babae;

parehong nagtataglay ang mga pangunahing tauhan na ito ng ugaling pagiging

mapagtimpi sa kanilang kalooban at damdamin.

Ang himig ng kwentong Uhaw ang Tigang na Lupa ay kalungkutan; nagtataglay rin ito

ng damdaming hindi tahasang pagpapahayag ng hinanakit upang hindi masaktan ang sinuman sa

pamilya.

Ang himig ng kwentong Sukatan ng Ligaya ay kalungkutan; may bahid din ito ng

damdaming hinanakit na nililihim upang hindi masaktan ng ina ang anak at hindi masaktan ng

anak ang ina.

Page 19: Pagsusuri sa Piling Akda

Ang himig ng kwentong Banyaga ay kalungkutan; nakapapaloob din ang damdaming

pagtatago ng hinanakit ng pamilya sa kanyang pagbabago at sa sarili dahil sa pagbabagong

tinatamasa upang isipin ng marami na nananatili ang kanyang katatagan.

Samakatuwid, natuklasan kong ang tatlong kwentong isinulat ni Liwayway Arceo

na napiling gamitin sa pananaliksik na ito ay may himig ng kalungkutan at damdaming

lihim na paghihinakit.

Ang galaw ng kwentong Uhaw ang Tigang na Lupa ay maayos na umunlad, mula sa

paglalahad ng suliranin sa mga unang bahagi pa ng kwento, pagbabalik-gunita sa mga nakaraang

pangyayari at paglutas at pagtugon ng mga pangunahing tauhan sa suliranin kahit na hindi

tahasang inilahad sa akda kung nasolusyunan ba ang lahat ng problema sa pagwawakas ng katha.

Ang galaw ng kwentong Sukatan ng Ligaya ay mabuting nailahad sa pamamgitan ng

tahasang pagpapahayag ng suliranin sa kwento na matatagpuan sa unang bahagi, pagkakaroon ng

pagbabalik gunita sa mga pangyayari sa nakaraan upang mabigyang hustisya ang mga binanggit

na pangyayari sa kasalukuyan, at ang wakas ng katha na kung saan ay panandalian lamang na

naresolba’t nalutas ng pangunahing tauhan ang suliraning kanyang kinakaharap.

Ang galaw ng kwentong Banyaga ay maayos at mabuting pag-unlad ng mga pangyayari

mula sa unang bahagi pa ng kwento na kung saan ay ipinahahayag ang suliranin ng tauhan, ang

kanyang pagbabalik gunita sa mga pangyayari sa nakaraan at ang kanyang hindi tuwirang

paglutas sa suliraning kinakaharap kahit na hindi talaga nasagot ng maayos ang malaking

problemang kinakaharap ng tauhan at naging maayos pa rin ang pagwawakas nito.

Samakatuwid, ang tatlong kwentong sinulat ni Liwayway Arceo na siyang ginamit

sa pagsusuring ito ay nagtataglay ng galaw ng pangyayaring maayos ang pagkalahad mula

Page 20: Pagsusuri sa Piling Akda

sa pagtuklas sa suliranin, pagkakaroon ng pagbabalik tanaw at paglutas ng suliranin kahit

hindi ang kabuuan nito sa wakas na bahagi; ang paglutas sa suliranin ng mga kwento ay

hindi lubusang inihayag, nasa mambabasa na ang paghuhusga upang bumuo ng sariling

solusyon sa pangunahing suliranin ng tauhan.

VI. Konklusyon

Napatunayan ng mananaliksik na ang mga maikling kwento na ginamit sa pag‐aaral na

isinulat ni Liwayway A. Arceo ay may pagkakatulad sa nilalaman nitong mga sangkap:

katangian ng tauhan, sa himig o damdamin ng kwento at ang galaw ng kwento dahil sa

magkakaiba man ang pahiwatig ng mga kwentong ito ay iisang istilo at pamamaraan lamang ang

ginamit ni Arceo. Ipinapakita ni Liwayway A. Arceo ang katangian at ugali ng tauhan na

mahalagang sangkap sa isang maikling kwento na may pagkakahawig-hawig sa tatlong

kwnetong sinuri. Ipinakita rin niya ang iisang himig o damdamin sa tatlong kwento, magkaiba

man ang sitwasyon ng mga tauhan sa tatlong kuwento ay nagpapahayag pa rin ang mga ito ng

iisang damdamin. At panghuli, ay ang kanyang tatlong kuwento ay may parehong galaw ng mga

pangyayari na maaring tawaging trademark niya bilang isang manunulat.

Napatunayan ng mananaliksik na ang mga maikling kwento na ginamit sa pag‐

aaral na isinulat ni Liwayway A. Arceo ay naglalaman ng mga sangkap na may pagkakahawig,

dahil ang paraan ng pagkagamit ng mga ito ay sa parehong paraan. Ipinapakita ni Liwayway A.

Arceo sa tatlo niyang kwento ang sarili niyang istilo sa pagbuo ng tauhan, sa himig at galaw na

may pagkakahawig.

Page 21: Pagsusuri sa Piling Akda

Sa kabuuang kaisipan, mas lalong maiintindihan ng mambabasa ang maikling

kwento kung nalalaman niya ang istilo ng isang manunulat sa kanyang paggamit ng mga sangkap

ng isang maikling kwento.

Mga Aklat

Arceo, Liwayway, S. (1991). Uhaw ang tigang na lupa atbp., Loyola Heights, Quezon City,

Manila, Philippines.

Casanova, Arthur P. et al. (2001). Panitikang Pilipino, Rex Bookstore.

Gonzales, Lydia F. S. (2005). Realismong Pananaw.

Holland, Danny, (2007). Reaching teens in their natural habitat. p. 49.

Mabanglo, Ruth, S. (2006). Family resource kit ng UH. Manoa Center of the Family.

Mag‐atas, Rosario G. (1994). Panitikang kayumanggi pangkolehiyo. Metro Manila 24K, Printing

Press.

Reyes, Soledad S. (1983). Kritisismo. Shaw Boulevard. Pasig Metro Manila.

Reyes, Soledad S. (1992). Kritisismo Mga teorya at antolohiya para sa epektibong pagtuturo ng

panitikan. Pp. 39‐53.

Sauco, Teofilo. (1992). Ang magmamani. Manila: Mayon Pub. Co., 1933. Pp. 1‐60.

Mga Tesis

Page 22: Pagsusuri sa Piling Akda

Abdul, Junairah A. S. (2008). Realidad sa Nobelang “Banaag at Sikat ni Lope K. Santos:

Mindanao State University.

Baybayon, Glorilyn. S. (1995). Pagpapahalagang Moral sa Nobelang Daluyong. Mindanao State

University, Marawi City.

Cabana, Grace A. (1999) Ang Kalagayang Realismo sa mga Piling Nobelang Pilipino. Mindanao

State University, Marawi City.

Dipatuan, Saima L. (2009). Ang Realsimo sa Nobelang Dugo sa Bukang Liwayway ni Rogelio

R. Sikat. Mindanao State University Marawi City.

Jumalon, Rodson, E. (2008). Mga Pagpapahalagang Moral sa mga Piling Maikling Kwento ni

Genoveva Edroza‐Matute. St. Michael’s College, Iligan City.

Mangoda, Naifa L. (2007). Realismo sa Nobelang “Daluyong” ni Lazaro Fransico Mindanao

State University, Marawi City.

Masbud, Sittie Jalilah D. S. (2005). Ang Realismo sa Nayon at Lunsod ng Nobelang “Anak ng

Lupa” ni Domingo Landicho: Mindanao State University.

Mullanida, Pilmore. (1995‐1996). Mga Elementong Historikal sa Nobelang: “Dugo sa Bukang

Liwayway ni Rogelio R. Sicat”.

Journal

The Encyclopedia of Philosophy, International Edition, New York. American Corporation Vol. 7

(2005).

Page 23: Pagsusuri sa Piling Akda

Chua, Anthony T. S. (2009). Philippine Mabuhay, News Malat sa Kabataan. Vol. 17 no. 46

(Nov. 13‐19).

Villamin, A.M. (Aug. 2003). On Values Education, Graft and Corruption. Philippine Journal of

Education p. 96.

Diksyunaryo

American Webster Dictionary, National Bookstore.

Tagalog English Dictionary, Rex Bookstore.

Internet

dr.holmesmargie.www.com.twothousandnine

www.teenstoday topicssitemapcharacteristics

Pert and Nita Curry.www.ninety and dime.com.2003