pagtataya ng natutuhan

60
Pagtataya ng Natutuhan Sangguniana: Lydia B. Liwanag, Ph.D. Pamantasang Normal ng Pilipinas

Upload: barb

Post on 09-Feb-2016

511 views

Category:

Documents


17 download

DESCRIPTION

Pagtataya ng Natutuhan. Sangguniana : Lydia B. Liwanag , Ph.D. Pamantasang Normal ng Pilipinas. - PowerPoint PPT Presentation

TRANSCRIPT

Page 1: Pagtataya ng Natutuhan

Pagtataya ng

Natutuhan

Sangguniana: Lydia B. Liwanag, Ph.D. Pamantasang Normal ng Pilipinas

Page 2: Pagtataya ng Natutuhan

Sa K -12 Kurikulum ng Edukasyon, inaasahan na mababago ang pananaw sa larangan ng Pagtataya. Binibigyang diin sa K-12 na ang pagtataya ay ginagamit bilang kagamitang panturo tungo sa pagkatuto sa halip na isang paraan para sa layunin ng pagmamarka.

Page 3: Pagtataya ng Natutuhan

ANO ANG PAGTATAYANG PANGKLASRUM?

Ito ay ang pangangalap, interpretasyon at paggamit ng mga impormasyon upang matulungan ang mga guro na makagawa ng mabuting desisyon para sa mga kaukulang interbensyon upang mapabuti ang pagtuturo at pagkatuto.

Page 4: Pagtataya ng Natutuhan

Ang mga mag-aaral ay aktibong kalahok sa pagtataya at magagamit nila ang resulta ng pagtataya para sa sariling pag-unlad. Kaya dapat na ang mga pagtataya ay tumutulong sa mga mag-aaral na magtagumpay bilang malikhaing tagaganap na may kaalaman sa halip na taga-ulit at taga-memorya ng ideya ng ibang tao.

Page 5: Pagtataya ng Natutuhan

Tatlong Uri ng Isang Balanseng Gawain sa Pagtataya

Pagtatayang Tradisyunal(Pencil & Paper Tests)

Pagtatayang Pagsasagawa(Performance Based Assessment)

Paggawa/Pagpapakita(Performance) Produkto/Ginawa

(Product)

Portpolyo

Page 6: Pagtataya ng Natutuhan

Pagtatayang Tradisyunal

(Traditional Assessment)1. Ito ay isang uri ng pagtataya na kilala sa

tawag na lapis at papel na pagtataya o pagsusulit.

2. Dito binibigyan ng pagsusulit ang mga mag-aaral na pare-pareho ang tanong, oras, panuntunan at ang inaasahang sagot.

3.Madalas na sinusuri nito ang mga mababang antas ng kognitibong kasanayan.

Page 7: Pagtataya ng Natutuhan

4. Ang mga aytem sa pagsusulit ay maaaring ginagamitan ng mga salita, numero, simbolo o larawan kaya’t ang mga madalas na nakakapasa ay ang mga taong may talino sa linggwistika, lohika/matematika o viswal.

5. Ginagawa ito lalo na kung ang nais ay obhektibong pamamaraan na pagmamarka at pagpili ng mga dapat parangalang pang-akademiko sa klase.

Page 8: Pagtataya ng Natutuhan

PAGHAHANDA PARA SA PAGTATAYAA. Anu-ano ang mga uri ng pagtataya?

1. Pagtatayang Pormal(Tanong:Ano na ang alam mo?)

1.1 Mga Pormata. Tama-malib. MCQ(maraming pagpipiliang tanong)c. Pagtatapat-tapatd. Paglalahad(sanaysay)e. Standardizedf. Norm-referencedd. Criterion-referenced

Page 9: Pagtataya ng Natutuhan

Pagtatayang Pagsasagawa (Performance Assessment)1. Ito ay isang uri ng pagtataya na

kinakailangang aktwal na ipakita ng mga mag-aaral ang kasanayan na nais husgahan.

2. Tinataya nito ang mga matataas na antas ng kognitibong kasanayan at mga kasanayang pangsaykomotor.

3. Binibigyang-diin ang mga kasanayang maaaring isagawa sa totoong buhay.

Page 10: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Prinsipyo ng Pagtataya

Pagbibigay-diin sa Pagtataya para sa Pagkatuto sa Halip na Pagtataya sa Natutunan

1. Ginagamit ang pagtataya bilang kagamitang panturo na naglalayon sa pagkatuto sa halip na pagbibigay lamang ng grado at ebalwasyon.

Page 11: Pagtataya ng Natutuhan

2. Ang mga mag-aaral ay aktibong partisipant sa pagtataya at nagagamit ang nilalaman ng pagtataya sa pagkatuto.

3. Parehong ginagamit ng guro at mag-aaral ang pagtataya upang mabago o mapabuti ang mga gawain sa pagkatuto at pagtuturo

Page 12: Pagtataya ng Natutuhan

4. Pagsasagawa ng mga peer tutoring o pagtatambal ng mga mag-aaral na mas mabilis matuto sa mga mag-aaral na may kabagalan

Page 13: Pagtataya ng Natutuhan

1. Pinoproseso ng mga mag-aaral ang mga impormasyong nasa pagtataya upang makagawa ng mga desisyon para sa kanilang pag-unlad, makilala kung ano ang may kalidad na gawain, mataya ang sarili at maipaalam ang kanilang kalagayan at progreso upang marating ang hinahangad na pagkatuto.

PAGSASANGKOT SA MGA MAG-AARAL SA

PAGTATAYA

Page 14: Pagtataya ng Natutuhan

2. Dinidirekta ng mga mag-aaral ang sariling pagkatuto: ano ang dapat nilang matamo, nasaan na sila ngayon at paano matatakpan ang puwang sa pagkatuto.

PAGSASANGKOT SA MGA MAG-AARAL SA

PAGTATAYA

Page 15: Pagtataya ng Natutuhan

GAMIT NG MGA DI-TRADISYUNAL NA

PAGTATAYA1. Sa pamamagitan ng mga di-

tradisyunal na pagtataya, nakukuha ng mga guro ang mabisang impormasyon tungkol sa kanilang mga mag-aaral na mula sa iba’t ibang paraan.

2. Nakapagbibigay ang mga pagtatayang ito ng mga ebidensya ng pagsasagwa na higit pa sa kaalamang natutuhan at nagbibigay ng malinaw na larawan sa kabuuang natutunan ng mag-aaral sa klase.

Page 16: Pagtataya ng Natutuhan

PAG-UUGNAYAN NG PAGTATAYA AT ISTANDARD O PAMANTAYAN

1. Ang mahalagang pagtataya ay malinaw na nakikita kung ano ang tinataya at sinusukat ang higit na dapat pahalagahan.

2. Bilang isang patakaran sa ating pagtuturo ngayon, hinihikayat na gamitin ang pagtatayang pagsasagawa (Performance-based) sa pagsukat sa kakayahan ng mga mag-aaral.

Page 17: Pagtataya ng Natutuhan

MGA URI NG PAGTATAYA NG NATUTUNAN

TRADISYUNAL DI-TRADISYUNAL

Pagsusulit Alternatibong Pagtataya

Gamit ng Lapis at Papel

Pagsasagawa (Performance Type)

Maramihang Pamimili (Multiple Choice Test)

Pagpupuno o sariling pagbibigay ng sagot (Supply Type)

Isang Tamang Sagot (Single Correct Answer)

Maramihang tamang sagot (Many correct answer)

Kabuuang Pagsusulit (Summative)

Pagsusulit habang natututo (Formative)

Page 18: Pagtataya ng Natutuhan

MGA URI NG PAGTATAYA NG NATUTUNAN

TRADISYUNAL DI-TRADISYUNALProdukto o Kinalabasan

(Outcomes only)Proseso at Produkto

(Process and Product)Fokus sa Kasanayan (Skill-

Focused)Batay sa gawain o task

(Task-based)Hindi magkakaugnay ang

kaalaman (Isolated Facts)Aplikasyon ng Kaalaman

(Application of Knowledge)Walang kontekstong

gawain (Discontextualized Task)

May kontekstong mga gawain (Contextualized Task)

Pagtatayang Panlabas (External Evaluation)

Sariling Pagtataya ng mga mag-aaral (Student-Self Evaluation)

Page 19: Pagtataya ng Natutuhan

MGA PAMATNUBAY NA SIMULAIN SA PAGTATAYA

Si Stiggins (1997) ay nagbigay ng mga

sumusunod na pangunahing simulain na magbibigay patnubay ng

pokus tungo sa isang komprehensibong pananaw

ng pagtataya:

Page 20: Pagtataya ng Natutuhan

MGA PAMATNUBAY NA SIMULAIN SA PAGTATAYA1. Pagkakaroon ng malinaw

na Pag-iisip at Epektibong Komunikasyon

2. Mahalaga ang Papel ng Guro sa Pagtataya

Page 21: Pagtataya ng Natutuhan

MGA PAMATNUBAY NA SIMULAIN SA PAGTATAYA

3. Mga Mag-aaral ang Pangunahing Tagagamit ng Resulta ng Pagtataya

4. Pagkakatoon ng Mataas na Uri ng Pagtataya

Page 22: Pagtataya ng Natutuhan

MGA PAMATNUBAY NA SIMULAIN SA PAGTATAYA5. Pagbibigay ng Tuon sa Intra

at Interpersonal na Epekto

6. Pinapatnubayan ng Pagtataya ang Pagtuturo

Page 23: Pagtataya ng Natutuhan

MGA PARAAN NG PAGTATAYA

Uri ng Pagkatuto na Tinataya1. Konseptwal na kaalaman 2. Prosedyural na kaalaman

3. Proseso ng Pagkatuto 4. Atityud at Gawi

5. Produkto ng Pagkatuto

Page 24: Pagtataya ng Natutuhan

MGA PARAAN NG PAGTATAYA

Sa aklat na Learner-Centered Assessment – inaangkupan ng mga

paraan ng pagtataya ang bawat uri ng pagkatuto

Page 25: Pagtataya ng Natutuhan

MGA PARAAN NG PAGTATAYA

1. Konseptwal/Deklarativ na kaalaman – Pagsasagawa,

Panayam, Pagsagot sa Pagsusulit na Pasulat

2. Prosedyural na kaalaman – Obserbasyon, Panayam,

Interbyu, Portfolyo

Page 26: Pagtataya ng Natutuhan

MGA PARAAN NG PAGTATAYA

3. Proseso/Produkto ng Pagkatuto – Pagsasagawa,

Portfolyo4. Atityud at Gawi –

Interbyu, Obserbasyon, sample ng mga Gawa

Page 27: Pagtataya ng Natutuhan

MGA PARAAN NG PAGTATAYA

Narito ang ilang tiyak na paraan ng pagtataya sa proseso at produkto ng

pagkatuto.

Page 28: Pagtataya ng Natutuhan

MGA PARAAN NG PAGTATAYA

PROSESO PRODUKTOPanayam/Interbyu

Pagsulat ng sanaysay

Obserbasyon, pasulat na datos

Paggawa ng proyekto

Mga ginawang logo o jornal

Portfolyo

Pasalita/Pasulat na sariling ebalwasyon

Pagsasagawa o demonstrasyon, eksibit

Page 29: Pagtataya ng Natutuhan

MGA PARAAN NG PAGTATAYA

PROSESO PRODUKTOPag-uusap sa ginawang proyekto o produkto

Imbestigasyon, Pagsasagawa, Pagguhit, Dula, Kuwento

Tseklist, rating scale, feedback forms

Imbentaryo ng Atityud

Sariling Pagsasalita ng mga mag-aaral (Self-talk)

Sarbey

Mga pagsusulit, Report ng Progreso

Pasulat na Pagsusulit

Page 30: Pagtataya ng Natutuhan

Iba’t ibang Paraan / Metodo ng Pagtatayang Pangsilid-aralan

May Pinipiling

Sagot (Selected Response

)

Sariling Pagsagot(Constructed Response)

Obserbasyon ng Guro

Sariling Pagtatay

a

•Maramihang Pamimili•Dalawahang Pamimili•Pagtatapat-tapat•Interaktiv

Maikling Sariling Sagot na Aytem

Pagsasagawa ng mga Gawain (Performance-Based Tasks)

Pagsulat o Essay

Oral na Pagtatanong

•Formal•Di-formal

•Sarbey ng Atityud•Talatanungan •Imbentaryo•Sosyometrik na mga kagamitan

•Maikling sagot•Pagpupuno (Completion)•Paglalabel ng dayagram•Pagpapakita ng ginawa

Produkto•Proyekto •Drowing / Illustrasyon•Sariling tula o kuwento•Refleksyon•Jornal•Grap o Table•Portfolio

Kasanayan•Madulang Pagbasa•Debate•Pagsasalita•Pagsasakilos•Demostrasyon ng Gawain

•Kontroladong Pagsulat•Malayang Pagsulat

•Impormal na pagtatanong•Interbyu•Pagsusulit•kumperensya

Page 31: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagbasa (Sekondarya)WORKSHEET 3

Mga Kasanayan sa Pakikinig/Pagbasa Mga Kompetensi Mga

Tradisyunal na

Pagsusulit

Produkto / Pagsasagawa

1. Nabibigyang reaksyon ang pananaw, tono, layunin at saloobin ng akda.

Sariling Pagsagot

(Constructed Response

Test)

•Pagsasakilos•Madulang pagbasa•Sabayang pagbigkas

Page 32: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Kasanayan sa Pakikinig/PagbasaMga Kompetensi Mga

Tradisyunal na Pagsusulit

Produkto / Pagsasagawa

2. Nabibigyang kahulugan ang magkakaugnay na pahayag upang maibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayariNapipili ang mga salitang magagamit para sa tiyak na sitwasyon

Maramihang pagpipiliang pagsusulit(Multiple

Choice Test)

•Debate hinggil sa isang balita/ talumpati News Story•Talumpati tungkol sa isang tampok na isyu mula sa akda

Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagbasa (Sekondarya)WORKSHEET 3

Page 33: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Kasanayan sa Pakikinig/PagbasaMga Kompetensi Mga

Tradissyunal na

Pagsusulit

Produkto / Pagsasagawa

3. Naiuugnay ang mga kaisipan sa tekstong binasa sa mga pansariling karanasan

-aktwal-naranasan-nasaksihan-narinig/nabasa

Sariling Pagsagot

•Pagkukwento•Pagsasakilos•Pagguhit

Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagbasa (Sekondarya)WORKSHEET 3

Page 34: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Kompetensi Mga Tradisyuna

l na Pagsusulit

Produkto / Pagsasagaw

a

1. Naisusulat nang wasto ang mga babala, patalastas o direksyon

Pagsulat ng patalastas,

babala, tuntunin na gamit ang malaking

titik at bantas

Pagsulat ng Poster o paggawa ng bulletin board

Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagsulat (Sekondarya)WORKSHEET 4

Page 35: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Kompetensi Mga Tradisyuna

l na Pagsusulit

Produkto / Pagsasagaw

a

2. Naisusulat ang mga tuntunin sa paaralan sa anyong payak na pangungusap

Pagsulat ng patalastas,

babala, tuntunin na gamit ang malaking

titik at bantas

Pagsulat ng Handbook hinggil sa mga tuntunin ng paaralan

Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagsulat (Sekondarya)WORKSHEET 4

Page 36: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagsulat (Sekondarya)WORKSHEET 4

Mga Kompetensi

Mga Tradisyun

al na Pagsusulit

Produkto / Pagsasagawa

3. Nakasusulat ng liham pangangalakal

Pagsulat ng mga bahagi

ng liham

Pagsulat ng liham tungkol sa binibiling produkto sa kompanya

4. Nakasusulat ng talatang naglalahad ng tao, lugar o pangyayari

Pagsulat ng talata ayon sa modelo

Malayang pagsulat ng komposisyon ayon sa mga paksa o isyu sa paligid

Page 37: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagsulat (Sekondarya)WORKSHEET 4

Mga Kompetensi Mga Tradisyunal

na Pagsusulit

Produkto / Pagsasagawa

5. Nakasusulat ng talatang naglalarawan ng ng tao, lugar o pangyayari, kultura

Pagsulat ng talata ayon sa modelo

Pagsulat ng paglalarawan ng mga gawi, tradisyon o kultura ng lugar

6. Nakasusulat ng talatang nangangatwiran tungkol sa isang isyu

Pagsulat ng talata ayon sa modelo

Pagsulat ng sariling panig sa isang isyu na ipadadala sa editor

Page 38: Pagtataya ng Natutuhan

Pag-unawa sa Binasa

Pag-unawa sa Binasa

Tradisyunal na Pagtataya

Perpormans / Pagtatayang Nakabatay sa

Produkto1. Magagamit ang impormasyon nabasa sa pagbibiigay prediksyon at ebalwasyon.

Completion Type Test

•Isadula ang maaring mangyari sa seleksyon.

2. Mababatid ang pangunahing layunin ng impormatib na teksto.

Constructed Response Test

•Graphic Organizer•KWL

Page 39: Pagtataya ng Natutuhan

Pagsulat at Komposisyon

Pagsulat at Komposisyon

Tradisyunal na Pagtataya

Perpormans / Pagtatayang Nakabatay sa

Produkto1. Nakikilala ang bahagi ng payak na pangungusap ayon sa tungkulin sa pagsulata.

Pagmomodelo •Pagsulat ng talata sa layuning: - mailarawan ang lugar - Makapagsalaysay ng mga karanasan

2. Naikukwentong muli ang epiko sa loob ng 5-7 pangungusap na patalata.

Pagsasaayos ng mga ssalita upang makabuo ng talata

•Sumulat ng pasalaysay na naratibo sa layuning maikwetong muli ang isang epiko.

Page 40: Pagtataya ng Natutuhan

Rubric sa Pagtataya ng Talata / Sulatin

Mga Krayterya

1 2 3 4

Organisasyon Hindi maayos ang organisasyon ng mga ideya at walang panimula at kongklusyon

May lohikal na organisasyon ngunit hindi masyadong mabisa ang panimula at kongklusyon

Maayos ang organisasyon pagkakabuo ng talata na may angkop na simula at kongklusyon

Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa kabuuan ng talata, mabisa ang panimula at malakas ang kongklusyon batay sa ebidensya

Level Ng Pagsasagawa (Performance)

Page 41: Pagtataya ng Natutuhan

Rubric sa Pagtataya ng Talata / Sulatin

Mga Krayterya

1 2 3 4

Lalim ng Refleksyon

Napakababaw na walang paguugnay ang dati at bagong kaalaman at makikita lamang kung ano ang tinalakay sa klase

Mababaw at hindi gaanong nakikita ang pag-uugnayan ng dati sa bagong kaalaman

Malalim na nakikita ang pag-uugnayan ng dati sa bagong kaalaman

Napakalalim na nakikita ang pag-uugnayan ng dating kaalaman at karanasan sa bagong kaalaman

Page 42: Pagtataya ng Natutuhan

Rubric sa Pagtataya ng Talata / Sulatin

Mga Krayterya

1 2 3 4

Paggamit ng Wika at Mekaniks

Kailangang baguhin dahil halos lahat ng pangungusap ay may mali sa gramar, baybay at gamit ng bantas.

Mga kaihnaan dahil maraming mali sa gramar, baybay at gamit ng bantas

Mahusay dahil kakaunti lamang ang mali sa gramar, baybay at gamit ng bantas

Napakahusay dahil walang mali sa gramar, baybay at gamit ng bantas, may mayamang vocabularyo

Page 43: Pagtataya ng Natutuhan

Rubric sa Pagtataya ng Talata / Sulatin

Mga Krayterya

1 2 3 4

Presentasyon

Mahirap basahin dahil sa hindi maayos at malinis na pagkakasulat

May kahirapang unawain ang pagkakasulat ng pangungusap

Malinis ngunit hindi lahat ay maayos ang pagkakasulat ng mga pangungusap

Malinis at maayos ang pagkakasulat ng talata

Page 44: Pagtataya ng Natutuhan

Rubric sa Pagtataya ng Talata / Sulatin

Mga Krayterya

1 2 3 4

Pamamahala ng Oras

Hindi handa at hindi tapos

Naisumite dahil binantayan ng guro

Ginamit ang oras na itinakda sa paggawa at naibigay sa tamang oras

Ginamit ang sapat na oras at may ebidensya na ginagawa ito sa labas ng kalse at sariling disenyo ang plano sa pagsulat

Page 45: Pagtataya ng Natutuhan

RUBRIC SA DULA-DULAAN/ISKIT

Iskala ng Pagmamarka: 5 ( Napakahusay) 4 (Mahusay) 3 (Katamtaman)

2 (Di-gaanong mahusay) 1 (Di-lubhang mahusay)PAMANTAYAN POKUS PAGMAMARKA

PANGKAT GURO

1. Pagbibigay ng interpretasyon

•Tama at angkop sa diwa ng nilalaman ang pagpapakahulugan/ interpretasyon ng piyesa. Nagpakita ng reyalistikong tagpo ng maigting na tunggalian ng mga tauhan.

2. Pagkakaganap ng mga tauhan

•Maayos, makatotohanan, at makatarungang pagbibigay buhay sa uri ng personalidad na taglay ng tauhan sa piyesa mula sa pagsasalita, pagkilos at ekspresyon ng mukha.

Page 46: Pagtataya ng Natutuhan

PAMANTAYAN POKUS PAGMAMARKAPANGKAT GURO

3. Mga kasuotan, bagay/props na gamit sa tagpuan

•Umaangkop sa papel na tauhan ang kasuotang ginamit. Naaayon ang mga props at kagamitan sa panahon at kalagayan ng sitwasyon sa dula.

4. Kaangkupan ng tunog/ musika

•Isinasaad ng mga musika at tunog na inilapat ang himig, tema at damdamin ng dula na nakatulong upang higit na mabigyang buhay ito.

KABUUAN:Interpretasyon: 17-20 (Napakahusay) 13-16 (Mahusay) 9-12 (Katamtaman)

5-8 (Di-gaanong mahusay) 1-4 (Di-lubhang mahusay)

Page 47: Pagtataya ng Natutuhan

RUBRIC SA PAGSASATAO

Iskala ng Pagmamarka: 5 ( Natatangi) 4 (Napakahusay) 3 (Mahusay)

2 (Kasiya-siya) 1 (Hindi kasiya-siya)PAMANTAYAN PAGTATAYA

1. Reyalistiko at natural ang pagganap sa katauhang binibigyang buhay.

2. Angkop ang ekspresyon ng mukha sa ipinakikitang emosyon o sa damdaming pinalilitaw.3. Umaakma ang gmait ng tinig sa edad, saloobin at kaisipan ng tauhang ginagampanan.

Page 48: Pagtataya ng Natutuhan

RUBRIC SA PAGSASATAO

PAMANTAYAN PAGTATAYA

4. Mahusay at malinaw ang pagbibitiw ng mga pahayag kaya’t nauunawaan.

5. Maayos ang blocking sa paggalaw ng tauhan.

6. May angkop ng kasuotan at pangkalahatang anyo ng tauhan sa kanyang papel na ginagampanan.7. Nakapukaw ng interes at kawilihan sa mga manonood ang pagsasatao.

Interpretasyon: 17 – 20 ( Natatangi) 13 – 16 (Napakahusay) 9 – 12 (Mahusay)

5 – 8 (Kasiya-siya) 1 – 4 (Hindi kasiya-siya)

Page 49: Pagtataya ng Natutuhan

Noon NgayonPagbibigay diin sa kalalabasan o resulta

Pagtatataya sa proseso kung paano natuto

Hiwa-hiwalay ang pagtuturo ng mga kasanayan

Integratibo o magkakaugnay ang pagtuturo ng mga kasanayan

Pagsasaulo ng mga impormasyon

Aplikasyon ng kaalaman

Gamit ng lapis at papel na pagsusulit

Mga awtentikong gawain

Mga gawaing walang konteksto

Mga gawaing may konteksto o sitwasyon

Mga Kalakaran sa Pagtatayang Pangsilid-Aralan

Page 50: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Kalakaran sa Pagtatayang Pangsilid-Aralan

Noon NgayonIsa lang ang tamang sagot na mga pagsusulit

Maraming maaaring tamang sagot

Itinatago ang resulta ng pagsusulit, guro lang ang nakakaalam

Ang mag-aaral at maging ang magulang ang nakakaalam ng resulta

Isahan ang pagkuha ng pagsusulit

Pangkatan ang pagtataya

Ginagawa ang pagsusulit pagkatapos magturo

Ginagawa habang nagtuturo

Page 51: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Kalakaran sa Pagtatayang Pangsilid-Aralan

Noon NgayonHindi gaanong malinaw sa mag-aaral ang resulta ng pagsusulit

Malinaw at nauunawaan ng mga mag-aaral ang tunay na nangyayari sa pagsusulit

Obhektibong Pagsusulit Mga pagsusulit na malaya sa pagsagot ang mga bata (constructed response tests)

Guro lang ang nagtataya

May sariling pagtataya

Isang paraan lang ng pagtataya ang ginagawa ng guro

Maraming paraan ang ginagawa

Hindi regular ang pagtataya ng guro

Patuloy ang pagtataya

Page 52: Pagtataya ng Natutuhan

Ito ay paraan ng pagtataya kung saan ang guro ay nagmamasid at naghuhusga sa ginagawang pagpapakita ng mga mag-aaral ng kanilang mga kasanayan o kagalingan sa pagbuo ng produkto, paglikha ng sagot, at pagpapakita o presentasyon

Ito ay magkasamang paggawa at

produkto (performance and product).

Pagtataya Batay sa Pagsasagawa

( Performance Based Assessment )

Page 53: Pagtataya ng Natutuhan

Pagtataya Batay sa Pagsasagawa

( Performance Based Assessment )

Ang binibigyang diin ay ang kakayahan ng mga mag-aaral na maisagawa ang mga gawain at makalikha ng kanilang sariling produkto o gawa gamit ang sariling kaalaman at kasanayan. Ang terminong performance based assessment ay kapareho rin ng performance assessment.

Page 54: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Katangian ng Performance Based

Assessment o Pagtatayang Batay sa Pagsasagawa

Ang mga mag-aaral ay nagsasagawa, lumilikha, bumubuo o may ginagawang isang bagay.

Malalim na pag-iisip at pangangatwiran ang tinataya.

Patuloy ang pagsasagawa na maaaring abutin ng ilang araw o linggo.

Hinahayaang magpaliwanag, magdepensa ang mga mag-aaral.

Page 55: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Katangian ng Performance Based

Assessment o Pagtatayang Batay sa Pagsasagawa

Nakikita nang direkta ang pagsasagawa.

Malaman ang mga ideya na ipinahahayag .

Walang isang tamang sagot.

Ang mga gawain ay kaugnay ng tunay na nangyayari sa paligid.

Page 56: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Gawain o Task sa Pagtatayang Batay sa

PagsasagawaRestricted Type Tasks – isang tiyak na kasanayan ang sinusubok at nangangailangan ng maikling sagot. Maaaring maitulad ang mga gawaing ito sa mga tanong na kailangang sagutin sa pagsulat ng maikling talata o mga pagsasanay na nangangailangan ng interpretasyon na tulad sa mga aytem na may nawawalang bahagi na dapat punan ng mga mag-aaral (open-ended items).

Page 57: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Halimbawa nito: Bumuo ng bar grap mula sa mga datos na

ibinigay. Basahin ang artikulo sa pahayagan at

sagutin ang mga tanong. Makinig sa isyu na pinag-uusapan sa TV at

ipaliwanag ang iyong panig. Umawit o awitin mo ang awit. Bigkasin mo ang tula. Isulat sa isang talata ang kahalagahan ng

pangangalaga sa mga kagubatan.

Page 58: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Gawain o Task sa Pagtatayang Batay sa

PagsasagawaExtended type Tasks – mas kumplikado, malawak at kailangan ang mahabang panahon o oras sa pagsasagawa. Nangangailangan ito ng kolaboratibong gawain ng mga mag-aaral at ng maraming sanggunian o pagkukunan ng impormasyon.

Page 59: Pagtataya ng Natutuhan

Mga Halimbawa nito: Sumulat ng isang awit o tula at iparinig ito sa

klase. Maghanda ng plano o mga hakbang sa

paggamit ng mga basura. Magsagawa ng pananaliksik sa mga uri ng

pagkain na binibili ng mga mag-aaral sa kantina at gumawa ng report tungkol dito.

Magdesenyo ng isang patalastas para sa isang produkto.

Maglathala ng isang newsletter ng inyong klase.

Page 60: Pagtataya ng Natutuhan

Pagtatayang Portfolyo (Portfolio Assessment)

Ito ay isang uri ng pagtataya na nangangailangan ng pangongolekta ng isang mag-aaral ng iba’t ibang bagay na makapagpapatunay ng kanyang natutuhan sa klase. Ito ay ginagawa nang may layunin at matagalan. Nagbabago ang porma at laman nito ayon sa kagustuhan ng may-ari nito.