pagtukoy sa layunin, pananaw at damdamin ng teksto
TRANSCRIPT
![Page 1: Pagtukoy sa Layunin, Pananaw at Damdamin ng Teksto](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022081414/58715ef71a28ab8e5b8b724d/html5/thumbnails/1.jpg)
Pagtukoy sa Layunin,
Pananaw, at Damdamin ng
Teksto
![Page 2: Pagtukoy sa Layunin, Pananaw at Damdamin ng Teksto](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022081414/58715ef71a28ab8e5b8b724d/html5/thumbnails/2.jpg)
PananawPagtukoy kung ano ang preperensiya ng
manunulat sa teksto. Ibig sabihih, natutukoy rito kung ano ang distansya niya sa tiyak ba paksang tinatalakay. Nasa unang panauhan ba ito na maaaring magpakita na personal ang pespektiba niya sa paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong panauhan na nagbibigay ng obhetibong pananaw at paglalahad sa paksa?
![Page 3: Pagtukoy sa Layunin, Pananaw at Damdamin ng Teksto](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022081414/58715ef71a28ab8e5b8b724d/html5/thumbnails/3.jpg)
Layunin Tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng diskursong ginamit sa pagpapahayag. Hal. Naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukwento lang ng isang tiyak na karanasan o sitwasyon?
![Page 4: Pagtukoy sa Layunin, Pananaw at Damdamin ng Teksto](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022081414/58715ef71a28ab8e5b8b724d/html5/thumbnails/4.jpg)
LayuninMaaari ding nangangatuwiran ito o kaya naman ay hinihikayat ang mambabasa na pumanig sa opinyon o paninindigan niya. Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais solusyunan ng may akda.
![Page 5: Pagtukoy sa Layunin, Pananaw at Damdamin ng Teksto](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022081414/58715ef71a28ab8e5b8b724d/html5/thumbnails/5.jpg)
DamdaminIpinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo o kaya naman ay matibay na paniniwala o panindigan tungkol sa isang pangyayari o paksa.
![Page 6: Pagtukoy sa Layunin, Pananaw at Damdamin ng Teksto](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022081414/58715ef71a28ab8e5b8b724d/html5/thumbnails/6.jpg)
DamdaminDahil sa damdamin na ipinahahayag ng
teksto, hindi naiiwasan na ito rin ang nagiging pakiramdam ng mambabasa sa pagbasa nito. Sa katapusan ng pagbasa, maaari ding tasahin ng isang mambabasa kung nagtagumpay ba ang manunulat na iparamdam ang layunin ng teksto.
![Page 7: Pagtukoy sa Layunin, Pananaw at Damdamin ng Teksto](https://reader036.vdocuments.pub/reader036/viewer/2022081414/58715ef71a28ab8e5b8b724d/html5/thumbnails/7.jpg)
PANANAW
LAYUNIN
DAMDAMIN