pagtuturo ng talasalitaan

23
Ang Pagtuturo at Paglinang ng Talasalitaan April M. Bagon-Faeldan

Upload: april-m-bagon-faeldan

Post on 10-Apr-2015

4.128 views

Category:

Documents


48 download

DESCRIPTION

mula sa aklat ni dr. paquito badayoscompiled by:aprilmbagon-faeldanvictoria, oriental [email protected]

TRANSCRIPT

Page 1: Pagtuturo ng Talasalitaan

Ang Pagtuturo at Paglinang ng Talasalitaan

April M. Bagon-Faeldan

Page 2: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Ano ang Talasalitaan?Ang mga salita na itinuturing na pinakadiwa ng isang wika ay ang kabuuang talasalitaan ng wikang ito. Ayon sa mga Anglo-Saxon ang talasalitaan ay isang imbakan ng mga salita na dapat angkinin at mahalagahin. Sa mga Instsik naman, ito’y isang malawak na dagat ng mga salita na dapat hulihin. Alin sa dalawang kaisipang ito ang inyong higit na sinasang-ayunan?

Page 3: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Gumamit tayo ng mga salita sa pagpapahayag ng ating naiisip at nadarama. At dapat isaisip na mahalaga ang wastong paggamit ng mga salita sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Ngunit dapat din nating mabatid na ang ganap na kawastuhan at kaliwanagan ng isang mensahe ay nakabatay sa mga salitang ating pinipili. Ang mga salita bilang pinakamahalagang sangkap ng wika ay mauuri natin sa dalawang pangkat: mga salitang pangnilalaman (content words) at mga salitang pangkayarian (function words).

Page 4: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Mga Salitang Pangnilalaman. Ito ay mga salitang may isang tiyak na kahulugan at nagsisilbing mahahalagang salita sa loob ng pangungusap. Ang mga salitang ito’y maaaring tumukoy sa isang tao, halimbawa, titser; isang bagay- lapis; kilos o galaw- tumayo, lumundag, katangian- maganda o dikaya’y isang kalagayan- matiwasay. Ang mga salitang ito’y may taglay nang sariling kahulugan kahit hindi pa isama sa ibang salita. Kabilang sa mga salitang pangnilalaman ay ang mga pangngalan, pandiwa, pang-uri at pang-abay.

Page 5: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Mga Salitang Pangkayarian. Ito ay mga salita o kataga na nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan kapag nasa pangungusap at tungkulin nito na mapagsama-sama at mapag-ugnay-ugnay ang mga salitang pangnilalaman, upang makabuo ng pangungusap. Kabilang sa mga salitang pangnilalaman ang mga pangatnig, pang-angkop, pang-ukol, pantukoy at pangawing.

Page 6: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Ang Paglinang ng TalasalitaanAng pagtatamo ng mga salita ay maaring

bunga ng isang paglinang ng talasalitaan. Ayon kay Channell (1988), ang isang bagong talasalitaan ay maaangkin lamang ng mag-aaral kung maibibigay niya ang kahulugan alinsunod sa gamit nito sa loob at labas ng isang konteksto at magagamit din niya ito nang buong husay sa pakikipagtalastasan.

Page 7: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Ano ang ibig sabihin ng pag-alam sa kahulugan ng isang salita?Kailangang may sapat na kamalayan sa iba’t ibang katangian ng isang salita ang mag-aaral bago lubusang sabihin na alam niya ang salitang ito. Dapat may kabatiran ang mag-aaral sa kahulugan nito sa kasalukuyang konteksto; ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa ibang salita na may kahulugan; ang ibang kahulugan na maaari itong taglayin; ang ibang anyo nitong panggramatika; paano ginamit ang salita at mga sitwasyong pinaggagamitan nito.

Page 8: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Halimbawa: Pansinin ang iba;t ibang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay ngunit magkakaiba ng bigkas. – tubo

• maaaring kahulugan:• tubó - isang uri ng pananim• tubo - bakal na pandaluyan ng tubig• tubò - pakinabang sa isang negosyo• tubô - sumibol na

– paso• maaaring kahulugan:• pasó - lipas na• paso - makitid na daan• pasò - nalapnos dahil sa init• pasô - taniman ng halaman•

Page 9: Pagtuturo ng Talasalitaan

Mga Salik na Nakakaimpluwensya sa Paglinang ng Talasalitaan.

May ilang salik na nakaaapekto sa paglinang ng talasalitaan ng mga mag-aaral. May mga pag-aaral na nagpapatunay na ang mga salitang natutuhan sa pamamagitan ng aktibong paggamit nito ay higit na natatandaan kaysa sa mga salitang naririnig lamang o nababasa kaya. Ang pag-uulit at malimit na paggamit ng mga salita ay mahalaga para sa pagtatamo nito. Ang sampung minutong pagsasanay sa paglinang ng talasalitaan araw-araw ay mas mabisa kaysa sa minsanang limampung minutong pagkaklase.

Page 10: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Mga Talasalitaang Aktib at Pasib• Aktibo at pasibong nagagamit ng isang taal na

tagapagsalita ng wika ang mga salita o talasalitaan.

• Aktibong ginagamit ng isang tao ang mga salita kapag siya’y nagtatalumpati o di kaya’y nagsusulat.

• Pasibong nagagamit ang mga salita sa pakikinig at pagbasa. Ito’y tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na maunawaan ang mga salitang ginamit sa pagsasalita at pagsulat ng ibang tao.

Page 11: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Ang Aktibo at Pasibong Gamit ng mga SalitaTinatayang maraming salita ang nauunawaan ng

isang tao kaysa sa mga salitang aktibo niyang ginagamit. Ayon kina Richards et.al (1985).. , ang isang taal na tagapagsalita ng wika ay maaaring magtaglay ng mahigit sa 100,000 pasibong talasalitaan ngunit ang taglay niyang aktibong talasalitaan ay maaaring nasa pagitan lamang ng 10,000 hanggang 20,000 salita.

Page 12: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, dapat pagpasiyahan ng guro ang mga salitang sa palagay niya’y karapat-dapat na ituro para sa aktibong gamit at aling salita ang mahalagang nakikilala o natutukoy ng mga mag-aaral kapg sila’y nakikinig o nagbabasa. Kaya sa pagtuturo ng talasalitaan, hindi kailangang bigyan ng magkakaparehong diin ang mga salitang nililinang. Upang lubusang malinang ang aktibong talasalitaan ng mga mag-aaral, kailangang maglaan ang guro ng mahaba-habang panahon para sa pagbibigay ng mga halimbawa, pagbibigay ng mga tanong at paglikha ng mga pagsasanay kung saan magagamit ng mga mag-aaral ang natutuhang mga bagong salita.

Page 13: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Madaling maituro ang mga pasibong talasalitaan. Halimbawa, maaaring himukin ang mga mag-aaral na hulaan ang kahulugan ng isang salita ayon sa pagkakamit nito sa pangungusap. Dapat ding ipabatid sa mga mag-aaral na hindi nila kailangang alaming lahat ang kahulugan ng mga salitang makakaharap nila sa araw-araw. Sa halip, kinakailangang marunong silang pumili ng mga salitang sa palagat nila’y kapaki-panibang. Higit pa sa rito, malamang na makatagpo ang mga mag-aaral ng mga salitang sa palagay nila’y mahalaga para sa kanilang personal na pangangailangan, ituro man ito o hindi ng guro.

Page 14: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Ang mga Salita at Pagpapakahulugan sa mga ito

Maraming dapat alamin ang guro tungkol sa kalikasan at katangian ng mga salita kung nais niyang maituto nang mahusay ang talasalitaan.

Page 15: Pagtuturo ng Talasalitaan

• DenotasyonKung pinag-uusapan ang mga pagpapakahulugan sa

isang salita, karaniwan nang tinutukoy ay ang kahulugan nitong konseptwal, iyong kahulugang nag-uugnay dito sa isang bagay, tao, lugar o pangyayri. Ito ang tinatawag nating kahulugang denotatib. Halimbawa, ang denotasyon ng salitang bahay ay isang tirahan- isang gusali na itinayo para tirahan ng tao. Nananatili ang kahulugang ito kahit na sa ibat-ibang konteksto. Ang denotatibong kahulugan ay ipinalalagay na sentral o pangunahing kahulugan ng isang talasalitaan.

Page 16: Pagtuturo ng Talasalitaan

• KonotasyonBukod sa kahulugang denotibo, ang isang salita ay

maaaring magtaglay ng pahiwatig na emosyunal o pansaloobin. May mga salitang nagtaglay ng posibo o negatibong konotasyon . samantalang ang iba’y maaaring neutral ang kahulugan. Suriin natin ang mga salitang panukala at pakana na parehong nangangahulugan ng isang proyekto o proposisyon. Kung ang panukala ay may positibong konotasyon, negatib naman ang pahiwatig ng salitang pakana.

Page 17: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Ang pagpapakahulugang konotibo ay maaaring mag-iba-iba ayon sa saloobin, karanasan at sitwasyon ng isang tao. Halimbawa, ang salitang dagat ay maaaring magkaroon ng iba-ibang pakahulugan tulad ng malawak, tahimik, masungit, mapanganib, atb.

• Mayroon ding pagpapakahulugang kontibo na kaugnay sa sosyo-kultural na kaligiran na ikinakapait ng isang pangkat ng tao sa isang aytem na leksikal. Ang kulay pula, halimbawa, ay may konotasyon na kasaganaan at magandang kapalaran para sa mga Instsik, samantalang sa ibang tao, ito’y maaring maghudyat ng panganib o di kaya’y pagsalakay.

Page 18: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Salita na maraming kahulugan (Polysemy)May mga salita na iisa ang anyo subalit nagtataglay ng

dalaw o mahigit pang kahulugan. Polysemous ang tag sa mga salitang ito. Kung babasahin o di kaya’y maririnig natin ang salitang kamay, agad na pumapasok sa ating isipan na ito’y bahagi ng katawan. Ngunit maari rin itong magtaglay ng iba-ibang kahulgan gaya ng mga sumusunod na halimbawa: kamay na bakal, mahabang kamay, malikot na kamay atb. Samakatuwid, hindi sapat na masabi ng mag-aaral ang kahulugan ng salita ayon sa pagkakamait sa pangugusap. Dapat ding talakayin ang lawak ng gamit nito na magpapakita ng isang dimension ng kakayahang komunikatibo ng mag-aaral.

Page 19: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Mga Istratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan– Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis)

• Mauunawaan ng isang mag-aaral ang isang salita sa pamamagitan ng pagsusuri ng kayarian nito sa salitang-ugat, mga panlapi, paraan ng pagkakabuo ng salita tulad ng payak, maylapi, inuulit at tambalan.

Page 20: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Halimbawa:Ibigay ang kahulugan ng mga salita ayon sa panlaping ginamit o paraan ng pahkatuto.

• ligaya → ___________________• kaligayahan → ___________________• maligaya → ___________________• kahoy → ___________________• makahoy → ___________________• kahuyin → ___________________• kamoteng-kahoy→ ___________________

Page 21: Pagtuturo ng Talasalitaan

– Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay-kahulugan (Context Clues)

• Ang mga palatandaan o pahiwatig na makikita sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-uugnay ng mga salitang sinusundan o sumusunod sa di-kilalang salita. Nasa ibaba ang iba’t ibang paraan ng pagpapakahulugan ng mga salita sa tulong ng mga pahiwatig.

Page 22: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Sa pamamagitan ng kasingkahulugan ng salita na napapaloob sa pangungusap.

• Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng mga salita.

• Sa pamamagitan ng ng katuturan o kahulugan ng salita. • Pag-uugnay sa sariling karanasan• Ayon sa sitwasyong pinaggagamitan ng salita• Sa pamamagitan ng ng buod o lagom ng binasa• Sa pamamagitan ng ng pagbibigay ng halimbawa• Sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salita• Sa pamamagitan ng paglalarawan• Sa pamamagitan ng pahiwatig na tono o damdamin

Page 23: Pagtuturo ng Talasalitaan

• Ang Pag-uugnay ng mga Salita (Word Association)