pagtuturo sa panlunas na pagbasa

23
PAGTUTURO: PANLUNAS NA PAGBASA MARIE JOY F. GAN TEACHER-I Apolonio Samson Elementary School

Upload: marie-joy-gan

Post on 02-Aug-2015

188 views

Category:

Education


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

PAGTUTURO: PANLUNAS NA PAGBASA

MARIE JOY F. GANTEACHER-I

Apolonio Samson Elementary School

Page 2: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

INTRODUKSIYON

Hindi nagiging pare-pareho ang progreso ng pagkalinang ng kasanayan at kakayahan sa pagbasa. Kahit na kung minsan may mataas na I.Q ay nagkakaroon din ng problema na nagiging sagwil at balakid sa pagkalinang ng kasanayan sa pagbasa. Maraming sanhi at salik na nakakaimpluwensiya sa pagtamo ng kakayahan sa pagbasa.

Page 3: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

SANHI AT SALIK NA

NAKAKAIMPLUWENSIYA SA PAGTAMO

NG KAKAYAHAN SA PAGBASA

Page 4: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

1. Pagkakaiba-iba ng indibidwalNagkakaiba-iba ang mag-aaral sa larangang:

a. Pisikal- may malinaw, may malabong paningin, may normal, may kapansana o depekto sa panding, sa pagsasalita.

Page 5: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

b. Mental- iba-iba ang I.Q ng mga mag-aaral: may matalino, may kahinaan ng ulo, may mahinang memorya, mahinang pang-unawa.

c. Sosyal- may lista o bibo, may mahiyain, may palabati, may walang kibo.

Page 6: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

d. Emosyonal- may sensitibo o maramdamin, may matatakutin, may malakas at buong loob.

e. Sanligang Kultural- may laki sa urban centers, may taga-lalawigan, may magkakaibang kaugalian ang pook na nilakihan.

Page 7: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

IBA PANG SALIK AT SANHI NG KAHINAAN NG MAG-AARAL SA

PAGBASA

Page 8: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

a. Hindi epektibong paraan ng pagtuturo na ginamit ng guro, walang gaanong kasanayan, at kabatiran sa pagtuturo.

b. Kakulangan sa magagaling na babasahing instruksyunal, mga aklat at iba pang kagamitan.

Page 9: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

c. Hindi maayos na kapaligiran na pinag-aaralan o hindi maayos na silid-aralan, mga silid-aralang hindi makagaganyak sa pagkatuto.

d. Kakulangan sa eksposyur sa mga babasahin at kagamitan gaya ng aklat, dyaryo, magasin at iba pa.

Page 10: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

e. Kawalan ng koordinasyon sa pagsisikap ng paaralan, ng tahanan at ng pamayanan.

Page 11: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

DAYAGNOSIS O PAGSUSURI SA DEPEKTO

Page 12: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

Upang malapatan ng karampatang lunas ang depekto sa pagbabasa, kailangang alamin ang mga sanhi, kakulangan, depekto at mga palatandaan ng kahinaan. Nararapat isagawa ang pagsusuri o dayagnosis. Ang dayagnosis, ayon kay Webster, ay ang sining ng pagkilala ng karamdaman batay sa mga palatandaan at mga sintomas.

Page 13: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS

1.Problema sa Pananalita

a. Stutteringb. Stammeringc. Lispingd. Maling bigkase. Maling diin, tono o ritmo

1. Bigyan ng maraming ehersisyo para sa diskriminasyong biswal at awditori.

2. Ipasuri at panlunasan sa speech clinic ang kahinaan sa pananalita.3. Tulungang magkaroon ng tiwala sa sarili.

Page 14: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS

2. Reversalsa. Reversal o pagpapalit-palit ng mga titik gaya ng d sa b, ng n sa u, ng m sa w.

4. Bigyang lunas ang depekto sa paningin.Bigyan ng ehersisyo sa diskriminasyon sa mga titk, hugis, anyo, configuration.Patnubayan ang pagbasang mula kaliwa-pakanan.

Page 15: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS

b. Kinetik rebersal- nagpapalit-palit ang ayos ng titik sa loob ng salita gaya ng:Malakas-makalasAlamat- amalatAmihan- ahimanBahala- balaha

5. Patnubayan ang pagbasang mula kaliwa-pakanan.6. Pabigyang pansin ang simula ng salita.7. Bigyan ng sapat na pagsasanay sa simulang katinig.

Page 16: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS

8. Ipakilala ang mga patinig.

9. Ipatunton ng daliri ang salita habang bumabasang marahan.

Page 17: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS

c. Transposisyon rehersal gaya ng “masiglang naglalaro” ay “naglalarong masigla” o “ako si Juan dela Cruz” ay “Juan dela Cruz ako.”

10. Pagamitin ng marker na gagabay sa pagbasa.11. Bigyan ng sapat na oras ang pagbasa.12.Patnubay sa maingat na pagbasa.

Page 18: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS

d. Pagdaragdag/ Pag-aawas Nagdaragdag o

binabawasan ang mga salita/ pangungusap.

13. Bawasan ang tension sa klase upang hindi nerbyusin ang mag-aaral.14. Gumamit ng higit na madali ngunit kawili-wiling babasahin.

Page 19: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS

Hal.Ang “masaya sila” nagiging “masasaya sila”.

Ang “malapalasyong tahanan” ay nagiging “mapalasyong tahanan.”

15. Pabutihin ang pakilala sa mga salita.16. Bigyan ng sapat na pagsasanay sa pagbasang by thought units at hindi paisa-isang salita.

Page 20: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS

Nawawala o hindi nababasa ang ilang salita.

16. Bigyan ng sapat na pagsasanay sa pagbasang by thought units at hindi paisa-isang salita.17. Gumamit ng higit na madali ngunit kawili-wiling babasahin.

Page 21: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS

e. Pag-uulit o RegressionUlit-ulit na

binabasa ang pantig, slaita o parirala.

Pabali-balik sa pagbasa.

18. Bigyang-pagkilala at papuri ang mag-aaral kailanman at nakapagpapakita ng pag-unlad o pagbabago sa kakayahan.19. Palahukin sa mga choral reading.

Page 22: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS

Pauntol-untol, o paudlut-udlot na pagbasa.

Matagal na pagtigil sa gitna ng pangungusap.

Hindi binibigyang-pansin ang mga bantas.

20. Bigyan ng mga pagsasany sa pag-unawa ng maikli at madadaling babasahin upang malinang ang kasanayn sa komprehensyon.21. Bigyan ng sapat na pagkakataong makabasang pabigkas o oral reading.

Page 23: Pagtuturo sa panlunas na pagbasa

THANK YOU!