pahayag

16
Mga Ispisifik o Espesyal na Pagbibigay- diin 1.Pagpoposisyon Bahagi lamang ng pangungusap ang binibigyang diin para ipakita ang kahalagahan. Halimbawa: Bigla dumating siya. Habang nasa kasagsagan pa ang mga kilusang pangkababaihan at pang-gay, kailangan na nilang akopahin ang sentro.

Upload: reggie-boy-beringuela

Post on 19-Jun-2015

1.547 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: pahayag

Mga Ispisifik o Espesyal na Pagbibigay- diin

1.Pagpoposisyon

Bahagi lamang ng pangungusap ang binibigyang diin para ipakita ang kahalagahan.

Halimbawa:

Bigla dumating siya. Habang nasa kasagsagan pa ang mga kilusang pangkababaihan at pang-gay, kailangan na nilang akopahin ang sentro.

Page 2: pahayag

2.Pagbubukod

Kung ilalaan sa simula, sa gitna o sa wakas ng pangungusap ang bibigyang-diing susing salita, mas efektibong ihiwalay.

Halimbawa:

Doon …. Sa dako pa roon … sa daigdig ng mga kababalaghan at lagim, nakahimlay ang guniguni.

Page 3: pahayag

3. Pag- uulit

Isinasagawa ito sa paraang muling binabanggit ang importanteng idea alinman sa mismong salita o singkahulugan.

Page 4: pahayag

Mga Varayti ng Pag- uulit

a. Tautones

Ito ang pag- uulit ng susing salita.

Halimbawa:

Sa bagong biling bahay sa bagong subdivision sa umuuwi ang bagong kasal.

Page 5: pahayag

b. Epizeuxis

Nagaganap ang pag- uulit sa mga sugnay at halos magkalapit na magkalapit.

Halimbawa:

Hawakan mo, at hawakan nang mahigpit, nang hindi makawala.

Page 6: pahayag

c. Anafora

Pag- uulit sa unahan ng bawat sugnay.

Halimbawa:

Hayaang humagulhol ang aso sa tumana.

Hayaang sa duluha’y may lampong na pusa.

Hayaang sa punso’y may katyaw na tumutuka.

Rogelio G. Mangahas

Page 7: pahayag

d. Anadiplosis

Pag uulit sa unahan at hulihan ng parehong salita o symploche na maari din sa magkasunod na sugnay o pangungusap.

Halimbawa:

Kamukha ng isang sagang walang mukha,

Kabila ng pula’t itim ang kabila…

Anacleto L. Bustamante

Page 8: pahayag

e. Epanadiplosis

Pag-uulit sa hulihan at unahan ng magksunod na sugnay o pangungusap.

Halimbawa:

Sa kaluwagan mo sa ‘king kaagipitan, kagipitang minsan ay pinagpulasan…

Bitawan Mo Ako

Jose M. Buhain

Page 9: pahayag

f. Polyopton

Pag-uulit saanman sa unahan, gitna o hulihan ng pangungusap na bukod sa posisyon, gayundin sa anyo ng salita.

Halimbawa:

Ngumiti ka naman ng konting ngiti para sa akin, Emily. (Mula sa isang awiting Ingles): “Smila a little smile for me, Emily, Emily.”

Page 10: pahayag

4. Pagbabalanse at Pagsasalungat o Antitesis

Maaaring pagtitimbang ito ng dalawang idea na magkaagapay sa pamamagitan ng pag uulit ng salita o dalawang idea na magkasalungat.

Halimbawa:

Kung kailangan mo itong gawin, ito’y dahil sa karapatan mong gawin.

Page 11: pahayag

5. Empanados o Kiyasmus o Pagbabaliktad ng mga salitang inuulit.

Halimbawa:

Sa bawat buhay may kamatayan, sa bawat kamatayan may buhay.

Page 12: pahayag

6. Paggamit ng mga Panuring (pang-uri at pang-abay)

Samantala mga intensiv ang tawag sa mga panuring na pang-abay. Ang mga panuring na pang-uri ay maaaring pagparisin, salansanin o posisyunin.

Page 13: pahayag

7. Polysyndeton at Asyndeton

Paghihiwalay ng mga salita sa serye ng mga pang-uri sa pamamagitan ng bantas na kuwit (,) bago ang pang-ugnay na at ang polysyndenton; samantalang , tanging sa pamamagitan lamang ng kuwit (,) ang asyndenton.

Page 14: pahayag

8. Elipsis

Ginagamit ito pag may kinakaltas na salita o bahagi ng pangungusap na ayaw nang banggitin pa dahil alam na ng parehang nag-uusap ayon sa pinagbabahaginhan nilang kabatiran at karanasan.

Page 15: pahayag

9. Rima at Ritmo

Sa prosa, hindi gaanong pansinin ang rima. Nagagawa ito, malay man o hindi ng nagsasalita sa anyong aliterasyon o paggamit ng magkakasintunog na fonema sa simula ng dalawa pang salita. Ginagamit ito sa pagbibigay-diin sa antitesis, o sa pag-uugnay ng simula, gitna at wakas ng isang pangungusap.

Page 16: pahayag

Dalawang uri ng Aliterasyon

1. konsonansa- ang pag-uulit ng mga katinig.

2. Asonansa- ang pag-uulit ng mga patinig.