pakikinig

30
Group 1: Ang Masining na Pakikinig

Upload: dennimar-domingo

Post on 22-May-2015

490 views

Category:

Education


11 download

DESCRIPTION

Sining ng Pakikipagtalastasan

TRANSCRIPT

Page 1: Pakikinig

Group 1: Ang Masining na Pakikinig

Page 2: Pakikinig

Pakikinig

 ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig. Mayroong itong kumbinasyon ng tatlong

bagay: tinanaggap na tunog, nauunawaan, natatandaan.

Page 3: Pakikinig

Ang pakikinig isang proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa narinig.Ito ay mula sa tunog o salita na narinig, sa pamamagitan ng auditory nerve, mabilis na dinadala sa utak (brain) upang bigyan ng pagpapakahulugan at pagsusuri(analyze) kung ano ang narinig. Ang utak ang siyang nagbibigay ng interpretasyon at pag-unawa at doon nagkakaroon ng kahulugan ang narinig

Page 4: Pakikinig

% Inilalaan sa apat na Kasanayan

45%

30%

16%

9%

Apat na Makrong Kasanayan

PakikinigPagsasalitaPagbasaPagsulat

Page 5: Pakikinig

Proseso ng Pakikinig

Tunog o mensahe

Interpretasyon ng

mensahe

Pagdala ng mensahe o tunog sa

utak

Pagpapakahulugan sa salita o tunog

Pagdala ng mensahe o

tunog sa auditory nerve

Pagsagot sa mensahe o tunog sa narinig na/reaksyon

Proseso ng Pakikinig

Page 6: Pakikinig

Tatlong Layunin ng Pakikinig Pakikinig upang maaliw Pakikinig upang lumikom ng

impormasyon/kaalaman Pakikinig upang mag-suri

Limang Hakbang sa proseso ng Pakikinig1. Pag-tanggap ng mensahe2. Pag-pokus ng atensyon sa tinanggap na

mensahe3. Pag-papakahulugan4. Pagalala/Pagtanda5. Pagtugon

Page 7: Pakikinig

Kahalagahan ng Pakikinig

• Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.

• Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.

• Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.

Page 8: Pakikinig

Mga Bahagi ng Tainga

Page 9: Pakikinig

Mga Bahagi ng Tainga

Page 10: Pakikinig
Page 11: Pakikinig
Page 12: Pakikinig
Page 13: Pakikinig

Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig

• Maging handa sa pakikinig• Magkaroon ng layunin sa gagawing pakikinig• Bigyang pansing ang agwat o pagkakaiba ng

pagsasalita sa pakikinig• Kilalanin ang mahalagang

kaalaman/impormasyon• Unawaing mabuti ang sinasabi ng nagsasalita• Iwasan ang pagbibigay ng puna habang hindi

pa tapos ang nagsasalita

Page 14: Pakikinig

MGA URI NG TAGAPAKINIG

• Eager Beaver Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu

nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.

• Sleeper Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang

tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong makinig.

• TigerSiya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang

Page 15: Pakikinig

• BewilderedSiya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.

• FrownerSiya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.

Page 16: Pakikinig

• RelaxedIsa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.

• Busy BeeIsa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.

Page 17: Pakikinig

• Two-eared ListenerSiya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.

Page 18: Pakikinig

Mga Bagay ma Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig

Edad o gulang

Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa.

Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanilan, kantandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang pandinig

Page 19: Pakikinig

Oras

Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig. Ang isang tagapakinig na tawagan sa

hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan.

May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig.

Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.

Page 20: Pakikinig

Kasarian

Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa

babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes.

Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag.

Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip

Page 21: Pakikinig

Tsanel

Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp.

Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.

Page 22: Pakikinig

Kultura• Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay

nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig. Ang pananalangin ng ating mga kapatid na

katutubo ay iba sa pananalangin nating mga kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura.

Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na itong magsalita.

Page 23: Pakikinig

Konsepto sa sarili

ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.

Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan.

Page 24: Pakikinig

Lugar Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang

nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam.

Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.

Page 25: Pakikinig

Nakikinig

Alalahaning may magkakaibang tonong pagsasalita batay sa mga taong nakikinig. May tonong nang-hihikayat, may tonong nanlilibang at humahamon upang mag-isip ang mga nakikinig.

Page 26: Pakikinig

MGA URI NG PAKIKINIGDeskriminatibo

Layunin;• matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-

pasalitang paraan ng komunikasyon.• binibigyan pansin ang paraan ng

pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang nagsasalita.

Komprehensibo Kahalagahan:• Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.• Maintindihan ang nilalaman at kahulugan

ng kanyang pinakikinggan.

Page 27: Pakikinig

Paglilibang

Layunin:• upang malibang o aliwin ang sarili• ginagawa para sa sariling kasiyahan

Paggamot

Kahalagahan:• matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita

na madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita

Page 28: Pakikinig

Kritikal

Layunin:• gumamit ng pagbubuo ng hinuha

upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.

• Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig

• Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan

Page 29: Pakikinig

Pagkabingi

Ang pagkabingi o kahinaan sa pagdinig (Ingles: deafness, hearing impairment) ay ang kalagayan ng isang taong hindi makarinig.

Isa itong katayuan ng pagkakaroon ng taong buo bahagi lamang na bawas sa kakayahang makapansin o makadetekta at makaunang mga tunog.

Sanhi itong malawak na saklaw ng mga biyolohikal at pampaligid na mga bagay. Maaaring mangyari ang kawalan ng pandinig 

sa anumang organismong nakakasagap ng tunog.

Page 30: Pakikinig

Mga Sanhi ng Pagkakabingi

Ingay Sobrang paginom ng gamot

( chemotheraphy, antibiotics, aspirin) Trauma Impeksyon sa Tainga