pamahayagang pangkampus: pagsulat ng editoryal

Download Pamahayagang Pangkampus: Pagsulat ng Editoryal

If you can't read please download the document

Upload: medem-f-fadriquela

Post on 30-Oct-2014

1.004 views

Category:

Documents


94 download

TRANSCRIPT

MEDEN F. FADRIQUELA New Era University High School Department

Ang EditoryalAyon sa diksiyunaryung Webster, ang Editoryal ay isang lathalain sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng puna ng editor o kauri nito.

Ayon naman sa batayang aklat sa pamahayagan, itoy isang artikulong nagbibigay kahulugan sa mga balita.

Ayon naman kay Miller, ang pinakamagaling na katuturan ng Editoryal ay yaong nagsasabing ang artikulong itoy isang ambag sa pakikipagtalo sa isang paksang napapanahon.

Ang nangingibabaw na katangian, samakatwid ng isang Editoryal ay ang pagiging napapanahon tumatalakay sa umiiral na mahahalagang balita.

MGA PAMAMARAAN SA PAGSULAT:Ang editoryal ay kailangang magtaglay ng isa lamang ideya o panukala.

Ang paksa ng editoryal ay hinahango sa mga balitang pangkasalukuyan na may malaking kahalagahan sa nakararami, maging sa mga magaaral, mga mamamayan o sa buong bansa.

Kailangan itong maging malinaw Kung ang layunin ay sirain ang katwirang ipinahayag ng balita, ng editoryal o ng liham sa editor, iukol ang unang bahagi ng editoryal sa pagsasaad na muli ng kanilang katwiran nang malinaw at maikli.

Kailangan itong maging makatwiranManakanakay simulan ang artikulo sa mga bagay na kilala patungo sa lalong di-kilala o kayay mula sa maliliit na detalye patungo sa lalong masaklaw o pangkalahatan.

Gawing matipid sa mga salita subalit gawing mabisa at kaakitakit ang mga pangungusap.Gumamit ng mga tayutay o kayay mga siniping pangungusap upang lalong maging kawili- wili ang editoryal

Bawat sabihiy kailangang itoy may patunayUpang higit na maging kapanipaniwala ang isang editoryal , kailangang lakipan ito ng mga katibayan bilang patunay sa binibigyang katwiran o kaya namay samahan ito ng siniping kuro-kuro ng mga autoridad.

Kailangan itong pangibabawan ng isang himig ng pagpapahayag, maging ng katapatan man, ng galit o katatawanan. Kailangang itoy makatotohanan.Kailangang batid na

ganap ng editor ang kanyang paksa.Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga aklat, magasin, lathalain o journal na may kaugnayan sa paksa.

Kailangan itong umiwas sa pagmumura ni sa pagsesermon. Napatitingkad ang kagandahan ng isang editoryal ng matalinong pagbibigay ng mga puna. Sa kabilang dako naman, ang pagpapahiwatig ng pagmumura o ng pagsesermon ay nakababagot sa mambabasa.

MGA URI NG EDITORYAL:Ang nagpapabatid Sa pamamagitan ng matalinong paghaharap ng mga katibayan ay napapawi nito ang maling paniniwala ng bayan at tuloy naipababatid ang katotohanan ng isang pangyayari o bagay.

Ang nagpapakahulugan

Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay pinipiga nito ang hahantungang kahulugan ng isang balita, isyu,pangyayari o kalagayan.

Ang pumupuna at nagbibigay ng reporma.

Matamang tumutuligsa ito sa tiwaling hakbangin ng may kapangyarihan, samahan, lipunan, karaniwang mamamayan,atbp. At nagmumungkahi ng mga reporma sa kapakanan ng nakararaming mamamayan sa kalahatan.

Pagpaparangal at pagbibigay puri - Walang tanging tungkulin ang

ganitong artikulo kundi pahalagahan ang kinauukulan sa pamamagitan ng mga pangungusap na busog sa diwang mabulaklak subalit matapat.

Nagpapahalaga sa mga natatanging araw Kalimitang itoy tumatalakay sa

kaarawan ng mga dakila at bayani ng bansa,gayon din naman sa iba pang mahahalagang pagdiriwang.

Paglilibang Itoy isang editoryal na sa pangibabaw na anyo ay mapapansing nakalilibang, subalit kung susuriing mabutiy may madaramang natatagong iba at malalim na kahulugan.

Paglalahad na nababatay sa tahasang sabi - karaniwan itoy maiigsi subalit malaman.

Ang editoryal ay may 3 bahagi:

Panimula na siyang nagpapakilala ng paksa.

Katawan na kalimitang binubuo ng dalawa o tatlong talataan na nag-susuri sa pangyayari naghaharap ng mga katibayan na sapaglalahad ng sariling kurukurong laban o sang-ayon sa paksa ay nakakaakit din sa mambabasa na bumuo ng kanilang sariling kurukuro

Wakas na nagbibigay ng mga tagubilin o mungkahi.