pambansang salbabida at kadena ng dependensiya: isang · pdf fileilalahad at susuriin ng...

21

Click here to load reader

Upload: vukhuong

Post on 30-Jan-2018

359 views

Category:

Documents


52 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

Malay 27.1 (2014): 48-68

Copyright © 2014 by De La Salle University

Nagsimula bilang pansamantalang pang-ampat sa krisis ng disempleyo (unemployment) noong dekada 70 sa ilalim ng diktadurang Marcos ang Labor Export Policy (LEP), at mula noo’y naging permanente na itong patakaran ng mga sumunod na administrasyon sa Pilipinas. Ilalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay ng LEP sa Pilipinas, sa lente ng Teoryang Dependensiya. Saklaw ng kritikal na pagsusuring ito ang lahat ng administrasyon mula sa diktadurang Marcos hanggang sa ikalawang administrasyong Aquino na pawang nagpatupad sa LEP bilang kasangkapan sa paglikha ng trabaho. Sa pangkalahatan, ang artikulong ito’y ambag din sa patuloy na intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa larangan ng ekonomiks.

Mga Susing Salita: Teoryang Dependensiya, neokolonyalismo, polisiya sa ekonomiya, Labor Export Policy, migrasyon, globalisasyon, intelektuwalisasyon ng wikang Filipino

The Philippine Labor Export Policy (LEP) was an initially temporary policy implemented in the 1970s to help resolve the unemployment crisis under the Marcos dictatorship, and from then on became a permanent fixture in successive regimes’ policies. This article presents and analyzes the origins, development, and current problems brought by or related to the Philippine LEP, using the lens of Dependency Theory. This critical review encompasses all regimes from the Marcos dictatorship to the second Aquino administration which all implemented the LEP as a job generation scheme. In general, this article also contributes to the continuing intellectualization of the Filipino language in the field of economics.

Keywords: Dependency Theory, neocolonialism, economic policy, Labor Export Policy, migration, globalization, intellectualization of the Filipino language

Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang Kritikal na Pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas/National Lifesaver and Chains of Dependence: A Critical Review of the Philippine Labor Export Policy (LEP)

David Michael San JuanPamantasang De La Salle, [email protected]

Page 2: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

49Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya D.M. San Juan

PANIMULA

Kontekstuwalisasyon ng Teoryang Dependensiya sa Pilipinas

Sa mga nakaraang dekada, naging popular ang Teoryang Dependensiya o Teoría de la Dependencia/Dependency Theory sa Amerika Latina at iba pang kontinenteng bahagi ng Third World ngunit sa Pilipinas ay hindi pa ito gaanong ginagamit. Katunayan, batay sa pagkonsulta ng mananaliksik sa online archives ng mga nangungunang unibersidad sa Pilipinas, wala pang tesis o disertasyon sa Pilipinas na naglapat ng Teoryang Dependensiya sa pagsusuri ng opisyal na patakarang ekonomiko ng bansa, bukod sa disertasyon ng mananaliksik sa Centro Escolar University-Manila. Samakatwid, ang pananaliksik na ito ay ambag din sa intelektuwalisasyon ng Filipino sa larangan ng ekonomiks, partikular kaugnay ng kontekstuwalisasyon ng Teoryang Dependensiya sa Pilipinas.

Ayon kay Dos Santos (231-236), ang dependensiya ay “...sitwasyon na ang ekonomya ng ilang bansa ay ikonokondisyon ng pag-unlad at paglawak ng ekonomya ng iba pang bansa na nakapangingibabaw sa una” na maaaring uriin sa dependensiyang kolonyal at dependensiyang pinansiyal-industriyal. Idinagdag ni Dos Santos na bukod sa pag-impluwensiya nito sa ugnayang internasyonal ng bansang pinangingibabawan, saklaw rin ng ganitong dependensiya ang “mga estrukturang internal: oryentasyon ng produksyon, porma ng akumulasyon ng kapital, reproduksyon ng ekonomya, at, kasabay nito, ang kanilang estrukturang panlipunan at pampolitika.” Sa madaling sabi, sa pananaw ng mga naniniwala sa Teoryang Dependensiya, pinagsasamantalahan ng mga bansang industriyalisado ang mga bansang mahihirap sa pamamagitan ng neokolonyalismo sa ekonomiya at politika: sinasamantala ng una ang likas na kahinaan ng huli sa pamamagitan ng pagpapanatili sa pre-industriyal o kaya’y semi-industriyal na sitwasyon ng maraming bansang Third World na karaniwa’y mga dating kolonya ng mga bansang First World.

Sa isang talumpati sa plenary session ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), ipinahayag ni Dr. Ernesto “Che” Guevara (isang physician, ekonomista at popular na lider ng mga gerilyang katuwang ni Fidel Castro sa pagpapatalsik ng diktadura ni Fulgencio Batista), ang buod ng kritisismo ng Teoryang Dependensiya sa pandaigdigang status quo, na nagbigay-linaw rin sa mga estruktura ng dependensiya na binanggit ni Dos Santos: “Ang pagpasok ng kapital mula sa mga mauunlad na bansa’y rekisito sa paglalatag ng dependensiyang ekonomiko. Ang pagpasok na ito’y may iba-ibang porma: mga utang na may mabibigat na kondisyon; puhunang naglalagay sa isang bansa sa kamay ng mga mamumuhunan; halos pangkalahatang subordinasyong teknolohikal ng palaasang bansa sa maunlad na bansa; kontrol ng malalaking monopolyong internasyunal sa kalakalang panlabas; at sa ilang malalang kaso, ang paggamit ng dahas bilang sandatang ekonomiko na sumusuhay sa iba pang porma ng pagsasamantala.”

Kaugnay ng pahayag ni Guevara, inilarawan naman ni Amin (9) ang daigdig bilang entidad na nahahati sa mga bansang “developed” at “underdeveloped” na ang agwat ay “hindi kumitid” at sa halip “…ay lalong lumalawak at nagdulot ng mga unang krisis sa sistemang kapitalista na nagsimula pa lamang maging pandaigdigang sistema.” Ang mga gayong krisis ay kitang-kita sa paglala ng sosyo-ekonomikong agwat sa pagitan ng mga bansang developed o First World, at ng underdeveloped o Third World, na pinananatili at pinatitibay pa ng pandaigdigang sistemang kontrolado ng mga bansang First World sa pamamagitan ng mga multilateral na ahensiyang nagpapautang. Ayon pa kay Amin (11), ang kanyang pananaliksik ay naglalarawan sa “mga mekanismo ng dependensiya at naglalantad sa proseso ng development ng underdevelopment.” Sa paglalantad sa “mga mekanismo ng dependensiya,” ipinaliliwanag ni Amin (237) kung paano pinagsasamantalahan ang mga bansang Third World sa ilalim ng global na sistemang kapitalista: “Ang ekonomyang

Page 3: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

50 Malay Tomo XXVII Blg. 1

underdeveloped ay binubuo ng mga sektor, ng mga kumpanya na katapat ng at hindi gaanong nakapaloob sa mga entidad na ang sentro de grabidad ay nasa mga sentro ng kapitalistang daigdig. Hindi isang bansa ang makikita, sa pagpapakahulugang ekonomiko niyon, na may integradong pamilihang internal. Depende sa laki nito at sa barayti ng kanyang mga eksport, ang ekonomyang underdeveloped ay tila binubuo ng iba’t ibang ‘atom’ ng gayong tipo.” Ang mga ‘atom’ na ito’y tumutukoy sa mga industriya at negosyo sa Third World na pawang bumubuo sa ekonomiyang import-dependent (nakadepende sa import) at export-oriented (nakatuon sa eksport) na idinisenyo alinsunod sa pangangailangan ng mga bansang First World at/o mga bansang mayaman sa kapital.

Ang gayong kalagayan ng Third World ay sumasalamin sa sitwasyon ng Pilipinas: ang ekonomiya nito’y isang tuldok na binubuo ng maraming ‘atom’ ng mga industriya ng semi-manupaktura at serbisyo (malls, fastfood chains, call centers) na nagpapanatili sa dependensiya nito sa mga dayuhang kapitalista, sa panahong ang malaking porsiyento ng mga talentado at may kasanayang kabataang manggagawa at propesyunal ng Pilipinas ay nangangarap

magtrabaho o aktuwal na nagtatrabaho sa ibang bansa o kaya nama’y walang ibang pamimilian kundi ang magtrabaho sa mga dayuhang kumpanyang multinasyunal, sa mga subsidiary, at mga dummy nito sa bansa. Binigyang-diin din ni Amin (248-249) na ang dayuhang puhunan sa Third World ay inilalagak para makapagkamal ng tubo ang mga kumpanyang multinasyunal, at di para ganap at tunay na mapaunlad ang Third World, lalo pa at karamihan sa mga kumpanyang multinasyunal ay nagpapadala (nagre-repatriate) ng tubo mula sa Third World tungo sa kanilang mga pinagmulang bansa at naglalaan lamang ng kakarampot na porsiyento para sa reinvestment sa Third World, bagay na nagpapanatili sa asymmetry sa kaunlarang ekonomiko ng First World at ng Third World. Ang ganitong sitwasyon ay pinatutunayan ng sumusunod na datos.

Sa konteksto ng Pilipinas, ginagamit na palusot ng mga kontemporanyong administrasyon ang pag-akit sa dayuhang puhunan o foreign investment upang pigilan ang paglaganap ng nasyonalistang kaisipan na nagbibigay-diin sa pagsandig sa sarili sa aspektong ekonomiko na makakamit sa pamamagitan ng pambansa/makabansang industriyalisasyon kaakibat ng tunay na reporma

Talahanayan 1. Kita ng Foreign Direct Investments (FDI) at Kitang Mula sa FDI na Muling Ipinuhunan

o Reinvested FDI Earnings (2004-2012)

Year Primary income on FDI (in US$)

Reinvested FDI Earnings (in US $)

% of Primary income on FDI Reinvested

2004 1,373,000,000 141,000,000 10%2005 1,391,000,000 140,000,000 10%2006 2,015,000,000 485,000,000 24%2007 2,133,000,000 620,000,000 29%2008 1,675,000,000 53,000,000 3%2009 2,150,000,000 155,000,000 7%2010 2,125,000,000 182,000,000 9%2011 2,137,000,000 983,000,000 46%2012 No Data Available 1,061,000,000 Data Unknown

Pinagkunan: Bangko Sentral ng Pilipinas Online (2014) at World Bank Database Online (2014)

Page 4: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

51Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya D.M. San Juan

sa lupa at modernisasyon ng agrikultura. Bunsod nito, nananatiling prodyuser-suplayer-eksporter lamang ng hilaw na materyales at tao (Overseas Filipino Workers o OFWs) ang bansang Pilipinas. Samakatwid, akmang-akma sa sitwasyon ng Pilipinas ang Teoryang Dependensiya.

Sa konteksto ng Teoryang Dependensiya, lugi ang Pilipinas dahil sa mga patakarang ekonomiko na import-dependent at export-oriented. Ang mga ganitong patakaran ang bumubuo at nagpapatibay sa mga “mekanismo ng dependensiya” na binanggit ni Amin, at sa mga estruktura ng “dependensiyang ekonomiko” na binanggit naman ni Dos Santos at Guevara. Sa ganitong sistema, puhunan, utang, at makinarya/teknolohiya ang karaniwang import ng mga bansang gaya ng Pilipinas, habang manggagawa/propesyunal, hilaw na materyales, semi-manupaktura, at tubo naman ang karaniwang eksport ng mga bansang Third World. Higit na malaki ang pakinabang ng mga bansang mauunlad at/o mayaman sa kapital sa ganitong sistema sapagkat: 1) ang puhunan nila sa Third World ay tumutubo nang malaki (bagay na karaniwang ineeksport nila pabalik sa kanilang mga bansa mula sa Third World); 2) kontrolado nila ang maraming pinansiyal na institusyong gaya ng IMF, World Bank, at maging malalaking pribadong bangko na nagpapautang sa mga bansang Third World; 3) hindi nila gaanong tinutulungan ang mga bansang Third World na

umunlad sa teknolohiya at/o pagmamanupaktura ng makinarya, upang mapanatili ang kanilang lucrative na monopolyo rito; 4) mababa ang halaga, sa pangkalahatan, ng mga hilaw na materyales at semi-manupaktura ng Third World na ineeksport sa mga bansang mauunlad at/o mayaman sa kapital, kumpara sa halaga ng makinarya/teknolohiya at iba pang produktong iniimport ng una sa huli; at 5) ang migrasyon ng mga manggagawa/propesyunal mula Third World tungong mga bansang mauunlad at/o mayaman sa kapital ay nakababawas sa pangkalahatang yamang tao (human resources) na kinakailangan ng una upang maiahon sa kahirapan at dependensiya ang kanyang sarili. Malinaw kung gayon na batay na rin sa kalikasan o nature nito, bahagi ng mga estruktura ng dependensiya ang Labor Export Policy (LEP).

Upang h ig i t na makapag-ambag sa kontekstuwalisasyon ng Teoryang Dependensiya, patutunayan ng papel na ito na ang mga benepisyo ng Pilipinas sa LEP ay pinalalabnaw kundi man pinawawalang-bisa ng masasamang epekto nito sa bansa at sa mga mamamayan nito, habang kumukubra naman ng higit na malaking pakinabang sa LEP ng mga bansang mauunlad at/o mayaman sa kapital na patuloy sa kanilang makroekonomikong pag-unlad bunsod na rin ng pagsasamantala nila sa pawis at dugo ng mga migrante mula sa Third World.

Pigura 1. Ang Ekonomiya ng Pilipinas sa Konteksto ng Teoryang Dependensiya

IMPORTDEPENDENSIYA SA EKONOMYA

EKSPORT

BANSANGMAUUNLAD

AT/O MAYAMAN SA KAPITAL

PILIPINAS

MANGGAGAWA/PROPESYUNALHILAW NA MATERYALESSEMI-MANUPAKTURA (semi-processed goods)TUBO

PUHUNANUTANGMAKINARYA/TEKNOLOHIYA

Page 5: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

52 Malay Tomo XXVII Blg. 1

Kasaysayan ng Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas

Ang Labor Export Policy (LEP) sa Pilipinas ay

ipinatupad ng diktadurang Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng Presidential Decree (PD) 442, na mas kilala bilang Labor Code of 1974. Inilalahad ng Book One, Article 12 ng nasabing dekreto ang polisiya ng Estado kaugnay ng mga manggagawa, na sumasaklaw sa pagpapalakas sa “network ng public employment offices” at rasyunalisasyon ng “partisipasyon ng pribadong sektor sa rekrutment at pagbibigay ng trabaho (placement) sa mga manggagawa, sa loob ng bansa at sa ibayong dagat, upang paglingkuran ang mga layunin ng pambansang kaunlaran...” at pagtiyak sa “...maingat na pagpili sa mga manggagawang Pilipino para sa mga trabaho sa ibayong dagat...” Sa pamamagitan naman ng Book One, Article 17 ng PD 442 ay itinatag ng rehimeng Marcos ang “Overseas Employment Development Board” na may tungkuling “...magpatupad, sa tulong ng mga kaugnay na entidad at ahensiya, ng sistematikong programa para sa pagbibigay ng trabaho sa ibayong dagat sa mga manggagawang Pilipino na sobra sa pangangailangang lokal at upang protektahan ang kanilang mga karapatan sa patas at makatarungang patakaran sa trabaho (employment practices).” Sa ganitong konteksto, ang LEP “...sa simula ay itinuturing na pansamantalang patakaran sa pagpapaliit ng mataas na antas ng disempleyo o unemployment rate ng bansa...” (De Castro 697-717). Bunsod nito, ipinahahayag ng mga organisasyon ng mga migrante na ipinatupad ng rehimeng Marcos ang LEP bilang “pamigil sa panlipunang ligalig” (KASAMMA-KOREA) at

panupil sa “...protestang dulot ng malawakang kawalan ng trabaho sa bansa at ng krisis sa pulitika...” (Medina and Pulumbarit). Katunayan, sa ilalim ng rehimeng Marcos, mataas ang antas ng kawalan ng trabaho (unemployment rate) at ng kakulangan ng trabaho (underemployment rate), gaya ng ipinakikita ng Talahanayan 2.

Ang estadistika sa tumataas na perang padala (remittances) ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs) sa mga nakalipas na taon – na nagpapakitang halos umabot sa 20 beses ang laki ng remittances mula noong 1989 hanggang dalawang dekada pagkatapos – ay nagpapatunay na ang LEP ay itinuturing pa ring iskema ng paglikha ng trabaho sa ilalim ng mga rehimeng sumunod sa diktadurang Marcos, ayon sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na inilalahad sa Talahanayan 3.

Ang gayong halos laging lumalaking remittances sa nakalipas na dalawampung taon ay ginawang posible ng pagpapatuloy ng at pagpapalawak sa LEP ng mga rehimeng post-Marcos na sa simula’y itinuring lamang na pansamantalang remedyo sa disempleyo sa maligalig na panahon sa ilalim ng diktadurang Marcos (Wolgram 11 at Ofreneo 263-283). Mula sa unang administrasyong Aquino hanggang sa kasalukuyang gobyernong Aquino, iba’t ibang iskema ang ipinatupad na nagbigay-daan sa pagiging permanente ng LEP bilang bahagi ng programa sa paglikha ng trabaho, sa halip na patibayin ang baseng industriyal ng bansa (Bello, “Capitalism’s Last Stand?” 144-145) at gawing moderno ang sektor ng agrikultura upang makapagbigay ng sapat at sustentableng trabahong lokal sa mga mamamayang Pilipino.

Talahanayan 2.Antas ng Kawalan at Kakulangan ng Trabaho sa Ilalim ng Rehimeng Marcos

Taon 1970-1974 1975-1979 1980-1982 1983-1985Unemployment Rate 5.6% 7.1% 8.9% 11.2%Underemployment Rate 13.4% 11.8% 26.3% 30.8%

Pinagkunan: Yap (1996)

Page 6: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

53Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya D.M. San Juan

Bunsod ng pagbibigay-priyoridad sa utang, ang pagpapanatili at pagpapalawak ng LEP ay inilako ng gobyerno bilang pamalit sa paglikha ng trabahong domestiko na hindi mabisang maisabalikat dahil sa matamlay na kalagayan ng mga industriyang kapos sa pamumuhunan ng Estado. Ang sitwasyong ito ay dulot ng Automatic Appropriations Law o Presidential Decree No. 1177 na nagtatadhana ng awtomatikong pagbabayad ng gobyerno sa mga utang nito. Ang dekretong ito’y nilagdaan ng diktadurang Marcos, at hindi ginalaw ng mga rehimeng post-

Edsa, kahit na noong panahon ng tinaguriang “rebolusyonaryong gobyerno” ni Corazon Aquino. Ayon kay Bello (“Our Failed Labor Export Policy”), dahil sa Automatic Appropriations Act, ang “bayad sa interes bilang porsyento ng buong badyet ng gobyerno ay umabot ng 28% noong 1996 at 29% noong 2005 mula 7% noong 1980” at ang pamumuhunan o “capital expenditures” naman ng gobyerno ay sumadsad “sa 16% noong 1996 at 12% noong 2005 mula 26% noong 1980.” Mas tuwiran ang paglalantad ni Candazo sa pagmamantini sa LEP ng unang administrasyong

Talahanayan 3. OFW Remittances Mula 1989-2012

Year OFW Remittances In US dollars1989 1,001,911,0001990 1,203,009,0001991 1,649,374,0001992 2,221,788,0001993 2,276,395,0001994 3,008,747,0001995 3,868,578,0001996 4,306,491,0001997 5,741,835,0001998 7,367,989,0001999 6,021,219,0002000 6,050,450,0002001 6,031,271,0002002 6,886,156,0002003 7,578,458,0002004 8,550,371,0002005 10,689,005,0002006 12,761,308,0002007 14,449,928,0002008 16,426,854,0002009 17,348,052,0002010 18,762,989,000

2011 20,116,992,0002012 21,391,333,000

2013 (Prelim.) 20,604,789,000

Page 7: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

54 Malay Tomo XXVII Blg. 1

Aquino na nagsulong ng “mas aktibong marketing strategy para sa pagpapatrabaho ng mga Pilipino sa ibayong dagat. Ginawang mas accessible ang pagtatrabaho sa ibang bansa. Itinayo ang mga one-stop processing window. Binuo rin ang mga panrehiyong opisina ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Nagpadala ng mga marketing mission sa ibang bansa upang maghanap ng mas maraming employer para sa mga manggagawang Pilipino. Ang target noon ay ang deployment ng kalahating milyong Pilipinong manggagawa bawat taon.” Samakatwid, tila mga komoditing ipinagbibili na ang turing ng gobyerno sa mga OFW noon pa man.

Upang mapatunayan ang pahayag ni Candazo, kailangan lamang suriin ang Executive Order (EO) No. 247 na “nagreorganisa” sa POEA sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mandato nito sa pagkontrol, pangangasiwa, at pagkokoordineyt ng mga iskemang kaugnay ng pag-eeksport ng mga manggagawang Pilipino. Sa pamamagitan ng ganitong reorganisasyon, pinalakas ng unang administrasyong Aquino ang pakikisangkot ng gobyerno sa LEP at lalo itong itinaguyod bilang patakarang pang-estado sa paglikha ng trabaho. Bukod sa pormal na reorganisasyon ng POEA, isinama ng gobyernong Aquino ang LEP sa Medium-Term Philippine Development Plan for 1987-1992: “1. Ang pagpapatrabaho sa ibayong dagat ay patuloy na magbibigay ng pansamantalang employment hanggang sa panahon na ang ekonomya ng bansa ay kaya nang lumikha ng sapat na trabaho. 2. Ang labor market facilitation para sa mga manggagawa sa loob ng bansa at sa ibayong dagat ay lalong pagbubutihin upang mapagtagpo ang mga mamamayan at ang mga trabaho” (Brillo 24-61). Bunsod ng ganitong mga polisiya, idinagdag ni Brillo na “...ang migrasyon ng mga manggagawa ay makabuluhang tumaas sa ilalim ng administrasyong Aquino. Batay sa mga rekord ng POEA, ang bilang ng mga migranteng manggagawang Pilipino ay tumaas sa 686,461 noong 1992 mula 449,271 noong 1987, na may average na 11.29% taunang antas ng pagtaas.”

Samantala, tahasan namang idineklara ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na “Ang

pagpapatrabaho sa ibang bansa ay nananatiling isang istratehikong programang pangkaunlaran ng ating gobyerno... sapagkat ang programa sa pagpapatrabaho sa ibang bansa ay isang pangunahing haligi ng pambansang kaunlaran. Hindi lamang ito nakatutulong sa pagpapaliit ng suliranin ng disempleyo sa bansa, kundi nagsasampa rin ng hindi matatawarang dayuhang salapi na kailangan para pondohan ang mga proyektong pangkaunlaran at mga istratehikong programa sa ating bansa” (Oishi 84). Batay sa pahayag na ito, malinaw na lumikha ng sistema ng dependensiya ang LEP na kitang-kita sa pag-asa ng Pilipinas sa kagustuhan ng mga dayuhang bansa na magbigay ng mga trabahong kontraktuwal sa mga Pilipino, sa halip na linangin at gamitin nito ang saganang likas na yaman para makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan. Ang pagpapalawak ng administrasyong Ramos sa LEP ay lalong naisakatuparan sa pamamagitan ng pagsasabatas nito sa “Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995” (Republic Act 8042). Sa pamamagitan ng batas na ito ay inilahad ng gobyerno “ang mga polisiya ng pagpapatrabaho sa ibayong dagat” at nagtakda ng “...mas mataas na pamantayan sa proteksyon at promosyon ng kapakanan ng mga migranteng manggagawa, ng kanilang mga pamilya at mga Pilipino sa ibayong dagat na nagdurusa...” Sa Section 2 ng R.A. 8042 ay balintunang binabanggit na “Bagamat kinikilala natin ang makabuluhang ambag ng mga migranteng manggagawang Pilipino sa pambansang ekonomya sa pamamagitan ng kanilang mga padalang pera, hindi isinusulong ng Estado ang pagtatrabaho sa ibang bansa bilang paraan ng pasusteni sa paglago ng ekonomya at pagkamit ng pambansang kaunlaran,” na agad ding “binaligtad” sa isa pang probisyon ng batas: “Gayunman, ang deployment ng mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat... sa pamamagitan ng mga local service contractor at manning agencies ay hinihikayat. Maaaring maglaan ng karampatang insentibo para sa kanila.” Samu’t saring programang naglalaan ng pondo para sa pagpapatrabaho sa ibang bansa ang inisa-isa ng Republic Act 8042 tulad ng “emergency

Page 8: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

55Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya D.M. San Juan

repatriation fund” na gagamitin sa panahon ng digmaan, kaguluhan at iba pang di inaasahang pangyayari na makaaapekto sa mga migranteng Pilipino. Karagdagang ebidensiya sa pagsandig ng administrasyong Ramos sa LEP ang pagsusuri ni Brillo (24-61): “Ipinakikita ng mga estadistika mula sa mga institusyong pinansyal gaya ng World Bank, NEDA, at Department of Finance na ang labor export policy ay nananatiling mahalagang bahagi ng programang ekonomiko ng gobyerno. Samakatwid, sa kabila ng usapin ng peligro at social cost ng migrasyon, hindi binaligtad ng R.A. 8042 ang padron ng polisiya ng migrasyon ng mga manggagawa.”

Pinag-ugnay rin ni Bello (“Our Failed Labor Export Policy”) ang liberalisasyon ng ekonomiya at ang LEP na kapwa ipinatupad ng administrasyong Ramos: “Dahil sa malawakang disempleyo na dulot ng liberalisasyon ng kalakalan sa industriya at agrikultura at sa kawalan ng kakayahan ng gobyerno na itaguyod ang mga aktibidad sa ekonomiya na makasasalo sa mga mawawalan ng trabaho, bumaling sa pandaigdigang pamilihan ang mga Pilipino.” Sa ilalim ng administrasyong Ramos, naging kasapi ng General Agreement on Tariffs and Trade-World Trade Organization (GATT-WTO). Ang wala sa panahong pagsapi sa nasabing ahensiya ng globalisasyon ay nagwasak sa sektor industriyal ng Pilipinas, at malao’y humantong sa malawakang pagkawala ng mga trabaho bunsod ng mahinang baseng industriyal ng bansa na hindi pa handa sa full-blast na kumpetisyon sa ilalim ng mga tuntunin ng GATT-WTO. Karugtong nito, ipinaliwanag ni Diokno-Pascual (147-164) ang ilan sa mga dahilan kung bakit nabigo ang “Proyektong Ramos” gaya ng pagdepende nito sa “...perang padala ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat at malayang dayuhang kapital–perang portfolio na makilos at napakasensitibo sa mga salik na sentimental....” Binigyang-diin pa ni Diokno-Pascual na ang perang padala ng mga manggagawa sa ibayong dagat ay bumubuo sa higit sa 5% ng gross domestic production (GDP) mula 1995 hanggang 1997. Noong 1997, umabot na ito sa 7% ng GDP.”

Hindi rin naiba ang populistang administrasyong Estrada sa ibang rehimen, sa usapin ng pagsusulong sa LEP bilang isang pambansang patakaran. Inihayag ni Gaite na “ang maikling panahon ng pinatalsik na Pangulong Estrada ay lalo lamang nagsistematisa sa pagpapadala ng mga Pilipino sa ibayong dagat. Kinasangkapan ng kanyang administrasyon ang Technical Education for Skills Development Authority (TESDA) bilang institusyon na maghahanda ng mga kasambahay, entertainers at iba pang uri ng manggagawang pang-eksport.” Ayon pa kay Gaite, nag-organisa rin ang administrasyong Estrada – sa koordinasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Foreign Affairs (DFA); at ng Department of Trade and Industry (DTI) – ng mga “job fair” na naging kasangkapan para makapamili ng mga manggagawang Pilipino ang mga rekruter at employer.

Gaya ng iba pang administrasyon, isinulong din ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang institusyonalisasyon ng LEP. Bahagi ng LEP ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang “malikhaing ideya” ng pagsasanay ng “super-maids para magtrabaho sa mga mauunlad na bansa” (Pernia 13-34). Binanggit naman sa ulat ng Asia Pacific Mission for Migrants (APMM) na “...isa sa mga unang policy announcement” ng rehimeng Macapagal-Arroyo na “dapat manatili sa ibayong dagat ang mga Pilipinong nagtatrabaho roon.” Para lalong pagtibayin ang sentral na papel ng LEP sa pambansang ekonomiya, nilagdaan ni Macapagal-Arroyo ang Presidential Decree No. 76 na nagdedeklara sa Year 2002 bilang “Year of the Overseas Employment Providers.” Sa ilalim din ng rehimeng Macapagal-Arroyo, isinabatas ang House Bill 387 o “An Act Liberalizing and Accelerating the Processing and Deployment of Overseas Filipino Workers.” Lalong pinabilis ng nasabing batas ang proseso ng deployment ng OFWs upang akitin ang mas maraming mamamayan na maging migranteng manggagawa. Sa isang aklat hinggil sa digmaan at pag-eeksport ng mga manggagawa, inilarawan ni Tyner (95) ang aktibong promosyon ng LEP sa ilalim ng administrasyong Macapagal-Arroyo

Page 9: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

56 Malay Tomo XXVII Blg. 1

“na determinado ring mas tahasang gamitin ang pagpapatrabaho sa ibayong dagat bilang paraan ng pagsustine sa paglago ng ekonomya... Isinantabi nito ang mga naunang diskurso ng migrasyong ‘managed’, at ng migrasyon bilang prosesong natural, at buong-pusong sinuportahan ang intensipikasyon ng pag-eeksport ng mga manggagawa.” Idinagdag pa ni Tyner na “Tuluy-tuloy na itinakda ni Macapagal-Arroyo ang target na isang milyong manggagawa ang dapat maideploy sa bawat taon, at isinulong niya ang pilosopiyang nakabatay sa pagpapataas ng efficiency at pagtatanggal ng burukratikong red tape...” Kaugnay nito, inatasan ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang POEA na “agresibong maghanap ng mga bagong labor market, at idiversify ang mga umiiral na market...”

Bunga ng mga nabanggit, tinaguriang “nakadepende sa remitans” ng Migrante International, ang ekonomiya ng Pilipinas na pinatutunayan ng pagiging “numero unong tagasampa ng perang dayuhan” ng pag-eeksport ng mga manggagawa sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Ayon pa sa Migrante International, “Ang pagtaas ng remitans ay sumasalamin sa paglobo ng deployment ng mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo na lumagpas sa isang milyon (1.24 million) noong 2007. Nangangahulugan ito na 3,700 Pilipino ang umaalis ng bansa patungong ibayong dagat araw-araw, bukod pa sa mga di dokumentadong manggagawa.”

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ipinagpapatuloy ang LEP bilang patakaran ng Estado. Katunayan, ang pagsuporta sa LEP ay bahagi ng at binibigyang-diin sa Philippine Development Plan (2011-2016). Bukod dito, isinabatas na rin ang programang Kindergarten to 12 years of Basic Education na nagdaragdag ng dalawang taong senior high school upang mapabilis ang produksiyon ng mga manggagawang akma ang kasanayan sa pangangailangan ng mga dayuhan (San Juan 96-120).

Sa konteksto ng naunang pagtalakay sa kaligiran ng LEP, malinaw na napatunayan

ang mga sumusunod: sunud-sunod na rehimen ang nagpatupad ng LEP bilang isa sa mga pangunahing kasangkapan sa paglikha ng trabaho; isinulong ang LEP sa halip na industriyalisasyon at modernisasyon ng agrikultura sa kabila ng katotohanan na ang dalawang iskemang ito’y mas akma sa Pilipinas na sagana sa likas na yaman; lalong naging nakadepende sa mga dayuhang bansa ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa LEP; bilang pagpapatibay sa LEP, iniangkop sa mga pangangailangan ng dayuhan ang sistemang pang-edukasyon ng bansa sa kasalukuyan.

Paghina ng Pagmamanupaktura

Ikinukubli ng LEP ang kahinaan ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagsasampa ng limpak-limpak na remitans na nagiging dahilan upang hindi na mapansin ang pagkabansot ng mga lokal na industriya. Sa unang tingin, malusog ang ekonomiya ng Pilipinas batay sa Gross Domestic Product (GDP), ngunit malalantad ang kahinaan nito kapag sinipat ang paghina ng sektor ng pagmamanupaktara sa mga nakaraang taon kasabay ng paglawak ng dependensiya ng ekonomiya sa remitans ng OFWs. Habang halos laging palaki nang palaki ang remitans, ang balance of payments ng bansa sa mga produkto ay nagrerehistro ng negatibong paglago gaya ng ipinakikita sa talahanayan sa ibaba, kasabay ng paghina ng pagmamanupaktura (bilang porsiyento ng Gross Domestic Product/GDP) batay sa estadistika mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (2014) at World Bank Database (2014).

Gaya ng ipinakikita ng talahanayan, bunsod ng lumalaking remitans ay tila bantulot ang gobyerno ng Pilipinas na buhayin at palakasin ang sektor ng pagmamanupaktura sa pamamagitan ng pagdaragdag ng suporta sa mga industriya, lalo na yaong nakatuon sa pamilihang lokal. Tila kuntento na ang gobyerno sa remitans at hindi ito nagsisikhay na palakasin ang mga domestikong industriya, lalo pa’t ang remitans ay nagpatuloy sa paglaki kahit pagkatapos ng pagsambulat ng pandaigdigang krisis na nagsimula noong 2008. Samakatwid, “(a)ng pinakaseryosong negatibong

Page 10: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

57Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya D.M. San Juan

epekto ng LEP ay ang pagpapabaya sa domestikong produksyon at matamlay na pamumuhunan sa imprastraktura, agrikultura, pagmimina, promosyon ng eksport, at panlipunang pag-unlad dahil sa mabilis na pagpasok ng pondo mula sa remitans. Ang bansa ay maihahalintulad sa isang lalaking tinamad na sapagkat nakakatanggap ng remitans mula sa asawang nagtatrabaho bilang kasambahay sa ibang bansa. Para sa gobyerno, ang mabilis na kita mula sa remitans ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kawalan nito ng kakayahan na isulong ang mga komprehensibong programang makapagpapaunlad sa ekonomya” (Laquian). Isang pananaliksik ni Tabuga (7) na inilabas ng isang ahensiya ng gobyerno – ang Philippine Institute for Development Studies (PIDS) – ang nagpaalala sa gobyerno na “...ang mga remitans ay di dapat tratuhing panacea (gamot sa lahat) na magbibigay ng dahilan sa gobyerno na huwag nang magpatupad ng mga reporma sa polisiya na magtitiyak ng pangmatagalang progreso sa ekonomya.” Kaugnay nito, ang kakulangan ng

pamumuhunan ng gobyerno ang isa sa mga pangunahing dahilan ng kawalan ng paglawak ng mga industriya (“industrial deepening”) sa bansa (Intal at See).

Ang malaking remitans ng OFWs ay nagsisilbi ngang salbabida ng sisinghap-singhap na ekonomiya ng bansa, ngunit ito’y itinataguyod habang kinalilimutan ang sektor ng industriya na may potensiyal ding mag-ambag sa paglago ng ekonomiya. Umasa na lamang ang Pilipinas sa pag-eeksport ng mga manggagawa at pagkubra ng remitans, sa halip na bigyang-pansin din ang paglinang sa saganang likas na yaman nito. Taliwas ang programa ng Pilipinas sa ginagawa ng ilang mauunlad at umuunlad na bansa sa Asya, gaya ng pinatutunayan ng datos hinggil sa porsiyento ng pagmamanupaktura sa kanilang GDP, at ang relatibong maliit na porsiyento ng remitans bilang bahagi ng kanilang GDP. Gaya ng Pilipinas, ang Nepal ay isa ring bansang nakadepende sa remitans, kaya kapansin-pansing mahina rin ang sektor ng pagmamanupaktura roon.

Talahanayan 4. Remitans ng OFWs, Balance of Payments, at Pagmamanupaktura Bilang Porsiyento ng GDP (1999-

2012)

Year OFW RemittancesIn US dollars

Balance of Payments in US dollars

Manufacturing as Percent of the Philippine GDP

1999 6,021,219,000 -5,977,000,000 23%2000 6,050,450,000 -5,971,000,000 24%2001 6,031,271,000 -6,265,000,000 25%2002 6,886,156,000 -5,530,000,000 25%2003 7,578,458,000 -5,851,000,000 25%2004 8,550,371,000 -5,684,000,000 24%2005 10,689,005,000 -7,773,000,000 24%2006 12,761,308,000 -6,732,000,000 24%2007 14,449,928,000 -8,391,000,000 23%2008 16,426,854,000 -12,885,000,000 23%2009 17,348,052,000 -8,842,000,000 21%2010 18,762,989,000 -10,966,000,000 21%2011 20,116,992,000 -15,652,000,000 21%2012 21,391,333,000 -14,818,000,0001 21%

1 Preliminary ang datos para sa 2012.

Page 11: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

58 Malay Tomo XXVII Blg. 1

Binigyang-diin sa pag-aaral nina Barajas et al. (17) na karaniwang ginagamit ang remitans ng mga migrante para sa panlipunang seguridad ng kanilang pamilya at pagbili ng mga pangunahing pangangailangan sa buhay, sa halip na ilaan din sa pamumuhunan sa mga industriya o negosyo. Ayon pa sa kanila, walang isa man lamang sa mga bansang ang remitans ay matagal nang lumalagpas sa 10% ng GDP ang makapagsasabing pinondohan o kaya’y binigyang-daan ng remitans ang “makabuluhang pag-unlad ng ekonomya.” Pinatotohanan nila na “...naiaahon ng remitans sa kahirapan ang mga tao ngunit hindi karaniwang nagiging entreprenur ang mga resipyent ng remitans.” Wasto rin ang gayong pagsusuri sa Pilipinas sapagkat gaya ng pinatutunayan ng Consumer Expectation Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2013, malaking porsiyento ng remitans ang ginagasta ng mga pamilya sa pagkain, kalusugan, edukasyon, at pagbabayad-utang, habang napakaliit lamang ang inilalaan nila sa pamumuhunan.

Pang-aabuso, Pagsasamantala, Dependensiya at Karerang Pabaratan (Race-to-the-Bottom)

Sa pangkalahatan, mas nagbebenepisyo ang mga bansang pinagtatrabahuhan ng OFWs kaysa sa Pilipinas, dahil ang bawat migranteng Pilipino ay katumbas ng nawalang skilled na manggagawa

at propesyunal. Ang mga manggagawang ineeksport ng Pilipinas sa mga bansang industriyal ang siya mismong utak at katawan na kinakailangan ng bansa upang makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng industriyalisasyon at modernisasyong agrikultural.

Ang ganitong di pantay na kalakaran na pumapabor sa mga bansang industriyalisado ay lalong malalantad kung susuriin ang ebidensiya ng pagsasamantala sa mga manggagawa gaya ng mas mababang suweldo kumpara sa suweldo ng mga manggagawa na mamamayan ng mga bansang pinagtatrabahuhan ng mga OFW. Sa Taiwan, ang pagtaas sa minimum na buwanang sahod ng mga manggagawa mula NT$18,780.00 o P25,813.30 tungong NT$ 19,047.00 o P26,180.29 ay di sumasaklaw sa lahat ng manggagawa, sapagkat ang minimum na sahod ng mga household-based caretaker ay mananatili sa NT$15,480 o P21,268.90 (Philippine Daily Inquirer). Umaayon ito sa ulat ni Bindra hinggil sa LEP sa Pilipinas na naglalarawan sa pangkalahatang sitwasyon ng mga OFW: “Maraming Pilipino ang nangingibang-bayan sapagkat mas malaki ang sinasahod nila sa ibang bansa. Gayunman, ang mga migranteng manggagawa ay di mamamayan ng mga bansang iyon... Yaong nasa walang katiyakang kategoryang “visitor” ay nagtitiis sa mapagsamantalang kondisyon sa trabaho dahil sa bantang deportasyon o biglang kanselasyon

Talahanayan 5Pagmamanupaktura at Remitans Bilang Porsiyento ng GDP ng Ilang Bansang Asyano

CountryPagmamanupaktura Bilang

Porsyento ng GDP Remitans Bilang Porsyento ng GDP

2008 2009 2010 2011 2012 2008 2009 2010 2011 2012Philippines 23 21 21 21 21 10.7 11.9 10.8 10.3 9.8

South Korea 28 28 30 31 31 1.0 0.7 0.5 0.5 0.5Malaysia 25 24 25 24 24 0.6 0.6 0.4 0.4 0.4Indonesia 28 26 25 24 24 1.3 1.3 1.0 0.8 0.8

China 33 32 32 32 No Data Available 0.5 0.5 0.6 0.6 0.5

Nepal 8 7 7 6 7 21.7 23.1 21.7 22.4 25.0

Pinagkunan: World Bank Database (2014).

Page 12: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

59Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya D.M. San Juan

ng kontrata. Madalas, ang mga Pilipino, kasama ang iba pang migranteng manggagawa, ang unang nawawalan ng trabaho sa panahon ng krisis sa ekonomya at bihirang mabigyan ng oportunidad na magkaroon ng mga trabahong may mataas na estado.”

Isang bahagi naman ng ulat ng Human Rights Watch ang nakatuon sa “pagsasamantala at pang-aabuso sa mga migranteng manggagawa sa Saudi Arabia,” kasama na ang mga testimonya ng mga migranteng Pilipino. Lalong lumala sa mga nakalipas na taon ang pagsasamantala at pang-aabuso sa mga migrante sa Saudi dahil sa patakarang Saudization (nitaqat) ng gobyerno roon – na nagtatakda ng mas estriktong limitasyon sa migrasyon at pagpapalayas ng mga migrante upang diumano’y magkaroon ng trabaho ang mga mamamayan ng Saudi. Libu-libong Pilipino ang matagal na nagsiksikan sa tinatawag na tent city sa Jeddah, Saudi Arabia habang naghihintay na maproseso ang kanilang exit papers. Sa usapin ng sahod, mababang-mababa rin ang suweldo ng mga kasambahay sa Saudi Arabia at sa United Arab Emirates. Noong 2012 lamang itinaas sa $250 mula $400 ang minimum na sahod ng mga kasambahay sa mga nasabing bansa (Doha News Online). Sa kabila ng nasabing pagtataas, nasa $384 lamang ang average na sahod ng mga kasambahay na nasa ilalim ng kumpanyang Qatar Maid Service, ngunit ang mga kasambahay na Ethiopian at Bangladeshi na nagtatrabaho sa kanila ay tumatanggap lamang ng halos $220 (Doha News Online). Samantala, $800 ang minimum na sahod para sa mga mamamayan ng Saudi Arabia (Arabian Business Online, “Saudi sets minimum wage for nationals”); $9,922 naman ang average household income ng mga mamamayan ng UAE (Arabian Business Online, “UAE monthly household income revealed”); $8,219 naman ang average monthly household income ng mga mamamayan ng Qatar (The Peninsula Qatar). Malinaw kung gayon na ang LEP ay sinasamantala ng mga mauunlad na bansa sa pamamagitan ng baratilyong pasahod sa mga manggagawa mula sa Third World.

Dahil sa LEP, nagagawa rin ng mauunlad na bansang tulad ng Singapore na mamili ng mas murang lakas-paggawa gaya ng pinatutunayan ng kanilang pagbibigay-priyoridad sa pagkuha ng mga kasambahay na Cambodian at iba pang mamamayan na handang magtrabaho sa suweldong mas mababa pa sa tinatanggap ng mga Pilipinong kasambahay (The Guardian Online). Habang tumitindi ang kumpetisyon sa pagitan ng mga bansang Third World na nagkakandarapa sa pagbebenta ng kanilang sariling mamamayan, lalo namang tuwang-tuwa ang mga employer sa mauunlad na bansa na sinasamantala ang karerang pabaratan (“race to the bottom”). Kung tutuusin, ang pagtitipid sa suweldo ng mga manggagawa ang pangunahing dahilan kung bakit pinapayagan – at kung minsa’y hinahikayat pa – ng mga mayayamang bansa ang pagtatrabaho ng mga migranteng mula Third World. Sa aspektong ito’y malinaw na higit ang pakinabang ng mga bansang destinasyon ng mga migrante kaysa pakinabang ng kanilang mga pinagmulang bayan.

Maging sa mga bansang itinuturing na bahagi ng Kanluran–at ng “demokratikong daigdig”–gaya ng Canada, may mga migranteng manggagawang Pilipino na nabiktima ng isang transnasyunal na korporasyon na hindi nagbayad ng airfare, overtime, at recruitment agency fees ng mga migrante at hindi rin sumunod sa napagkasunduang mga oras ng kontrata (The Tyee Online). Ang mga manggagawang ito’y saklaw ng programa ng gobyernong Canadian na tinatawag na Temporary Foreign Worker Program (TFWP). Ayon sa National Union of Public and General Employees ng Canada, ang TFWP ay ginagamit ng mga korporasyon “...upang pagsamantalahan ang mga migranteng manggagawa na walang sapat na proteksiyon, benepisyo, at sahod sa trabaho.” Sa simpleng salita, ito’y isang iskema ng mga mapagsamantalang kumpanya na kumukuha ng mga kontraktuwal na trabahador mula sa mga bansang Third World gaya ng Pilipinas at Tsina, sa halip na mga Canadian, sapagkat ang huli’y mas malaki ang suweldo at karaniwang binibigyan ng trabahong permanente.

Page 13: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

60 Malay Tomo XXVII Blg. 1

Sa Estados Unidos na isa sa mga nangungunang destinasyon ng mga OFW batay sa laki ng remitans na mula roon, marami ring dokumentadong kaso ng pang-aabuso at pagsasamantala. Halimbawa, iniulat nina Gao at Hitchon na “isang hukom pederal ang nag-award ng halos 4.5 milyong dolyar sa 347 Pilipino, pagkatapos mapatunayang sila’y binitag ng isang kumpanya sa Los Angeles sa sitwasyong mala-alipin bilang mga guro sa mga paaralang publiko sa Louisiana...” at may “mahigit 100 Pilipinong manggagawa sa shipyard sa New Orleans” ang naglantad na sila’y nakaranas ng “diskriminasyon, pagbabanta at pang-aabuso,” bukod pa sa “pagnanakaw ng sahod, mga ilegal na kaltas at pagnanakaw ng tax refund...” Nagbigay ng backgrounder si Costa sa iba pang kaso na nagpapatunay ng pag-iral ng mapagsamantalang iskema ng pagpapatrabaho sa Estados Unidos – gaya ng kondisyong mala-alipin, hindi pagbabayad ng minimum na suweldo at overtime pay, mga cultural exchange program na ginamit upang pagsamantalahan ang mga manggagawa–na nambiktima sa mga migrante, kasama na ang mga Pilipino.

Sa Malaysia, inulat ni Motlagh na bukod sa “50,000 mga batang Indonesian na walang estado at nakatira sa probinsya ng Sabah” bilang mga manggagawa sa mga plantasyon ng palm, “libu-libo ang mula sa Pilipinas, pawang supling ng mga manggagawang dumating nang pana-panahon mula noong dekada 70 upang punan ang pangangailangan sa murang lakas-paggawa sa ngayo’y ikalawa sa pinakamalaking industriya ng palm oil sa buong mundo.” Ayon pa kay Motlagh, walang papeles ang mga manggagawang ito kaya naman ang kanilang mga anak ay pinagkakaitan din ng serbisyong pangkalusugan at edukasyon “habang ang rehiyon ay patuloy na nakikinabang sa kanilang pinagpawisan.”

Sa panananaliksik naman ni Sayres, na inisponsor ng International Labor Organization (ILO), inilantad ang mga sumusunod na pang-aabusong dinaranas ng mga Pilipinong kasambahay sa mga bansa sa Timog-silangang Asya: “Pagpapalit ng kontrata; misreprentasyon/pekeng job orders; di pagbabayad ng o kaya’y

pagbabayad ng sahod na mas mababa sa napagkasunduan; berbal, pisikal, at sekswal na pang-aabuso; mahahabang oras ng trabaho; kawalan ng akomodasyon; kakulangan ng pagkain.” Sa pananaliksik ni Halabi, pinatunayan na tuloy pa rin ang ganitong mapagsamantalang sistema ng “pang-aaliping may kontrata” (contract enslavement) na patuloy pa ring bumibiktima sa mga kasambahay sa Saudi Arabia, kasama na ang mga Pilipino. Detalyado ring inilantad ng pananaliksik nina Cameron at Mitchell ang pag-iral ng pang-aabuso at pagsasamantala sa mga migrante sa at mula sa Pilipinas at iba pang bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Tinalakay naman sa pananaliksik ni Chan ang pagsasamantala sa mga migranteng manggagawa sa Singapore tulad ng mas mababang average na suweldo kumpara sa average na suweldo ng mga Singaporean, mas mahabang oras ng trabaho kaysa mga Singaporean, at substandard na tirahan. Ang pag-iral ng Tripartite Action for the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers in the ASEAN Region (ASEAN TRIANGLE Project 2012-2016) ng International Labor Organization (ILO) ay isang ebidensiya rin na ang pagsasamantala sa mga migranteng manggagawa sa ASEAN ay talamak pa rin. Ang nasabing proyekto ay naglalayong “...magbunga ng makabuluhang reduksyon sa pagsasamantala ng mga migranteng manggagawa sa rehiyon...”

Ang mga nabanggit na pananaliksik ay ilan lamang sa napakarami pang pag-aaral na nagpapatunay na ang LEP ay isang porma ng pagsasamantala sa mga manggagawang mula sa Third World na tinitipid na kanilang mga employer sa First World. Samakatwid, ang mito ng mutwal na benepisyo sa ilalim ng LEP ay maliwanag na isa lamang mito. Dapat bigyang-diin na mas maraming OFW ang apektado ng ganitong pagsasamantala sapagkat mayorya sa mga bagong OFW ay mga manggagawang blue-collar na mas mababa ang suweldo, batay sa datos mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) gaya ng ipinakikita sa Talahanayan 6.

Page 14: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

61Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya D.M. San Juan

Ang mataas na antas ng pag-unlad ng buhay (human development) sa mga nangungunang pinagkukunan ng mga remitans ng OFW, batay sa Human Development Index/HDI ng United Nations, kumpara sa antas ng pag-unlad ng buhay sa Pilipinas ay nagpapakita na ang mga migranteng Pilipino ay nakapag-aambag nang malaki sa at esensiyal sa pag-unlad ng mga bansang iyon. Ipinakikita ng Talahanayan 7 ang nangungunang 20 pinagkukunan ng remitans ng OFWs na pawang mauunlad na bansa na may mataas na puntos sa Human Development Index, kumpara sa puntos ng Pilipinas (0.65).

Sa pananaliksik ni Tan, pinatunayan na nakapag-ambag nang malaki ang mga migranteng manggagawa sa paglago ng ekonomiya ng pinakamayayamang bansa batay sa kanilang real gross domestic product (RGDP). Ayon kay Tan, mayorya sa mga bansang ito’y may malalaking populasyon ng migrante, batay na rin sa datos mula sa World Bank. Kapansin-pansin na ang mga bansa/teritoryong ito’y mga bansa/teritoryong destinasyon din ng mga OFW. Katunayan, ang Qatar, Singapore, Hong Kong, Kuwait, Norway, UAE at US ay kasama sa 20 nangungunang destinasyon ng mga OFW.

Talahanayan 6. Bilang ng Mga Nadeploy na Landbased Overseas Filipino Workers Ayon sa 10 Nangungunang

Kategorya ng Okupasyon, New Hires: 2007-2012

Kategorya ng Okupasyon 2007 2008 2009 2010 2011 2012

All Occupational Categories Total 313,260 376,973 349,715 341,966 437,720 458,575

Household Service Workers 47,878 50,082 71,557 96,583 142,689 155,831

Nurses Professional 9,178 11,495 13,014 12,082 17,236 15,655Waiters, Bartenders and Related Workers

9,276 13,911 11,977 8,789 12,238 14,892

Caregivers and Caretakers 14,399 10,109 9,228 9,293 10,101 10,575

Wiremen and Electrical Workers 6,980 8,893 9,752 8,606 9,826 10,493

Plumbers and Pipe Fitters 9,187 9,664 7,722 8,407 9,177 9,987

Welders and Flame-Cutters 6,140 6,777 5,910 5,059 8,026 9,657

Laborers/Helpers General 7,317 9,711 8,099 7,833 7,010 9,128

Charworkers, Cleaners and Related Workers

6,300 11,620 10,056 12,133 6,847 8,213

Cooks and Related Workers 5,124 5,791 5,028 4,399 5,287 6,344

Others 191,481 238,920 197,372 168,782 209,283 207,800

Page 15: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

62 Malay Tomo XXVII Blg. 1

Ang malaking ambag ng mga Pilipino sa ekonomiya ng mauunlad na bansa ay lalong magiging malinaw kung susuriin ang mga sektor na pinagtatrabahuhan ng maraming OFW. Halimbawa, dapat bigyang-diin na ang libu-libong kasambahay na Pilipino – na bumubuo sa mayorya ng OFWs – sa mauunlad na bansa ay gumagampan sa mga gawaing bahay at kung gayo’y esensiyal upang magkaroon ng karagdagang oras sa kani-kanilang trabaho ang mag-asawa o ang mga may-ari ng bahay na mamamayan ng mga bansang iyon. Kung hihinto sa pagtatrabaho ang mga kasambahay na Pilipino, malaki ang posibilidad na sumadsad ang ekonomiya ng maraming mauunlad na bansa sapagkat mapipilitan ang kanilang mga mamamayan na magbawas ng oras para sa kanilang trabaho o kaya’y hindi na magtrabaho

para magampanan ang mga responsabilidad nila sa bahay na sinasalo ng mga kasambahay na pinapasahod nila ng baratilyo. Narito ang bilang ng mga Pilipinong kasambahay sa iba’t ibang mauunlad na teritoryo/bansa: 136,723 sa Hong Kong (2010); 35,000 sa Qatar (2012); mas mababa sa 100,000 sa Kuwait (2010); 70,000 sa Singapore (2013); at 250,000 sa Saudi Arabia (2011).

Mga Panlipunang Epekto (Social Costs) ng LEP

Lalong mapatutunayan ang pinsala ng LEP sa Pilipinas kapag sinipat ang mga panlipunang epekto nito sa bansa. Sa isang pananaliksik na pinondohan ng Friedrich Ebert Stiftung (FES), inisa-isa ni Alcid ang napakaraming panlipunang

Talahanayan 7. Top 20 Sources of OFW Remittances and Their Scores in the Human Development Index

Top 20 Sources of Remittances

Amount of Remittances in US

Dollars (2012)

Score in the Human Development Index

(2012)1. USA 9,116,826,000 0.942. Canada 1,972,911,000 0.913. Saudi Arabia 1,728,593,000 0.784. UK 1,071,650,000 0.885. Japan 1,009,595,000 0.916. UAE 960,972,000 0.827. Singapore 865,504,000 0.908. Germany 541,313,000 0.929. Italy 427,292,000 0.8810. Hong Kong 420,207,000 0.9111. Norway 382,000,000 0.9612. Qatar 321,575,000 0.8313. Australia 267,164,000 0.9414. Greece 260,030,000 0.8615. South Korea 176,438,000 0.9116. Taiwan 167,979,000 No Data17. Bahrain 166,612,000 0.8018. Malaysia 165,614,000 0.7719. Kuwait 157,121,000 0.7920. Netherlands 102,789,000 0.92

Page 16: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

63Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya D.M. San Juan

epekto ng LEP tulad ng “exodus ng mga nars, kasama na ang mga dating doktor,” bagay na inaasahang “hahantong sa malubhang krisis sa sistemang pangkalusugan...” ng bansa, “...de-skilling ng mga propesyunal...” at ang “negatibong impact ng migrasyon sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa mga bata.” Hinggil sa exodus ng mga manggagawa sa sektor ng kalusugan, ang sumusunod na datos mula sa World Health Organization (WHO) ay nagpapatunay na balido pa rin ang pananaliksik ni Alcid. Kapansin-pansin na kulang na kulang ang mga manggagawa sa sektor ng kalusugan sa Pilipinas, at higit na mataas ang bilang ng mga manggagawa sa nasabing sektor sa mga bansang destinasyon ng mga migranteng Pilipino.

Kaugnay ng deskilling, binabanggit ng papel ni Siar na inilathala ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na ang “deskilling ng migranteng manggagawa ay patuloy na nangyayari... Maaari itong tingnan sa maraming perspektiba: isang paraan ng bansang destinasyon para punan ang kakulangan sa mga manggagawa sa secondary market

sa pamamagitan ng pagsamantala sa murang reserbang lakas-paggawa, isang transisyon sa mga migrante upang sila’y makaakma sa ‘mga pamantayan’ ng bansang destinasyon, o isang porma ng institusyonalisadong diskriminasyon...” Binigyang-diin ni Siar na ang “...deskilling ay nakapipinsala” sapagkat “nagdudulot ito ng di kinakailangang pabigat (unnecessary burden) sa mga migrante” at ito’y isang “kalugihan” kapwa para sa mga destinasyong bansa at sa mga pinanggalingang bansa ng mga migrante dahil ito ang dahilan kung bakit hindi nagagamit nang husto ng destinasyong bansa ang mga kasanayan at talento ng mga skilled na migrante at kung bakit maraming skilled na manggagawa ang umaalis sa mga pinanggalingan nilang bansa. Kinumpirma naman ni Van Milink ang pag-iral ng deskilling maging sa mga Pilipinang nagtatrabahong kasambahay sa Hong Kong na iniwan ang kanilang “akademiko o propesyunal na karera sa Pilipinas nang sila’y magpasyang magtrabaho sa ibang bansa, bagay na di lamang nagbibigay ng kakaunting oportunidad sa pagkakamit ng mga bagong kasanayan na magagamit nila

Talahanayan 8. Mga Bansang Nangunguna sa RGDP Per Capita at Proporsiyon ng Migranteng Populasyon

EconomyRank,

RGDP per capital, 2010

Migrants as proportion of

total population 2010 (%)

Average annual RGDP

growth, 2006 to 2010

RGDP growth, 2010

Rank, RGDP growth, 2010

Qatar 1 74.2 16.6 16.6 2Luxembourg 2 34.2 1.9 2.7 149Macao, China 3 55.1 12.2 27.0 1Singapore 4 38.7 6.6 14.8 4Norway 5 9.9 0.8 0.7 191Kuwait 6 76.6 2.6 3.4 126Brunei Darussalam 7 37.1 0.7 2.6 150United Arab Emirates 8 43.8 3.2 1.4 179

United States 9 13.8 0.7 3.0 139Hongkong, China 10 38.8 4.0 7.0 52

Pinagkunan: Tan, 2013 (from databank.worldbank.org)

Page 17: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

64 Malay Tomo XXVII Blg. 1

pagbalik, kundi nagiging sanhi rin upang ang mga kasanayan sa kanilang dating edukasyon ay maging uncompetitive at out-dated.” Naglahad ng empirikal na datos hinggil sa deskilling sina Zosa and Orbeta, Jr.

Hinggil sa pagdami ng mga nasirang pamilya (broken families) sa hanay ng mga OFW, ipinanukala ni Senador Miriam Defensor-Santiago ang Senate Bill 1779 noong 2007. Ayon sa nasabing panukalang-batas, maraming ulat mula sa Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Non-Government Organizations ang nagpapatunay na ang mga suliraning gaya ng “pumalyang kasal (broken marriages), adiksyon sa droga, imoralidad sa seks, krimen, pagpapakamatay o mga psychological breakdowns” ay maiuugnay “sa pangmatagalang paghihiwalay ng mga mag-asawa at ng kanilang mga anak” na malinaw na bunga ng LEP. May ebidensiyang empirikal na rin hinggil sa mga ganitong kaso, tulad ng isang sarbey ng OWWA sa rehiyong Cordillera na sumasaklaw sa 100,000 OFWs. Ayon sa nabanggit na surbey, “3 sa 10 contract workers mula sa Cordillera ang nang-iwan sa kanilang mga pamilya o kaya’y nakipaghiwalay sa kanilang mga asawa, batay sa kanilang remitans mula 2006 hanggang 2007” (Cabreza). Ipinaliwanag naman ni Dizon-

Añonuevo sa pag-aaral na iprinesenta sa 2008 UN-sponsored International Conference on Gender, Migration and Development na “Mayorya sa mga anak ng mga migranteng manggagawa ay walang kamalayan sa kondisyon ng buhay ng kanilang mga magulang sa ibang bansa... Ang ilan sa anti-social behaviors ng mga bata gaya ng adiksyon sa droga o paghinto sa pag-aaral ay itinuturing ng mga tao na tanda ng rebelyon nila sa pag-iwan sa kanila ng kanilang mga magulang.” Inihayag din nina Zosa at Orbeta na “ang impact ng pansamantalang migrasyon sa mga bata... ang pinakaproblematikong panlipunang epekto” ng LEP. Dokumentado rin na mas malaki ang impact sa mga bata kapag ang ina, sa halip na ang ama, ang nagtrabaho sa ibang bansa (Institute of Labor Studies). Dapat bigyang-diin na maraming migranteng Pilipino ay babae, at marami sa kanila ang may pamilya/anak. Sa bawat 11 lalaking OFWs, may 10 babaeng OFWs noong 2008-2010 ayon sa datos na inilabas ng National Statistical Coordination Board (NSCB) noong 2012. Sa pinakahuling datos mula sa POEA, 185,601 sa 340,279 new hires noong 2010 ang babae, at 175,296 naman sa 331,752 noong 2009 ang babae.

Bukod sa deskilling at pagkasira ng mga pamilya, suliranin din ang talamak na illegal recruitment. Makikita sa mga kasong hinawakan ng Philippine Overseas Employment Administration

Talahanayan 9. Manggagawa sa Sektor ng Kalusugan sa Bawat 10,000 ng Populasyon sa Piling Bansang

Destinasyon ng mga Migranteng Pilipinong Nagtatrabaho sa Sektor ng Kalusugan

Bansa Nursing at Midwery Personnel sa Bawat 10,000 ng Populasyon

Doktor sa Bawat 10,000 ng Populasyon

Philippines 6 (2004) 1.153 (2004)United States 9.815 (2005) 2.42 (2009)United Kingdom 10.13 (2010) 2.74 (2010)Qatar 7.372 (2006) 2.757 (2006)Libya 6.8 (2009) 1.9 (2009)Germany 11.10 (2009) 3.60 (2009)Canada 10.43 (2009) 1.98 (2008)Australia 9.589 (2009) 2.991 (2009)

Page 18: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

65Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya D.M. San Juan

(POEA) mula 2004-2010, ang tindi ng suliraning ito, bukod pa sa mga hindi naiuulat na kaso na dokumentado naman ng mga organisasyon ng migrante.

Panghuli, dapat bigyang-diin na mayorya sa mga OFW ay nasa kasibulan ng buhay, sa kanilang prime years. Nangangahulugan ito na sa halip na makapag-ambag sa pag-unlad ng Pilipinas sa panahong pinakaproduktibo sila, ang mga migrante’y pinagsasamantalahan ng mauunlad na bansa na nakikinabang nang husto sa kanilang kabataan at kahusayan. Mismong ang National Statistical Coordination Board (NSCB) sa isang ulat ay nagtanong na “Kailan natin mabibigyan ng oportunidad sa trabaho ang pangkat na ito ng mga kabataan na marami’y katatapos pa lamang ng kolehiyo upang sila’y direktang makatulong sa paglago ng ating ekonomiya sa halip na ekonomiya ng ibang bansa? Kailan natin maiibsan ang social cost ng Pinoy diaspora?” Ayon sa nasabing ulat ng NSCB, halos 50% ng mga OFW ang nasa edad 25-29 at 30-34.

PANGWAKAS

Sa pangkalahatan, lalo lamang ikinadena ng LEP sa dependensiya ang Pilipinas. Pinigilan at binansot nito ang pag-unlad ng mga industriya sa Pilipinas sapagkat nahirati na ang gobyerno sa pagdepende sa remitans. Ang kaso ng Pilipinas ay kahawig din ng sitwasyon ng Nepal na isa ring bansang lubos na nakadepende sa remitans. Naging salbabida ng ekonomiya ng Pilipinas ang remitans ng OFWs ngunit higit naman ang pakinabang ng mga bansang destinasyon ng

OFWs sa LEP. Pinalalabnaw ng samu’t saring panlipunang epekto ang mga benepisyong nakukuha ng bansa sa pamamagitan ng LEP. Gayundin, maraming OFWs ang nabibiktima ng pang-aabuso at pagsasamantala ng mga employer sa mga bansang destinasyon ng mga migranteng manggagawa.

Sa lente ng Teoryang Dependensiya, ang mga estruktura ng ekonomikong dependensiya ng Pilipinas sa mga bansang First World ay pinanatili at pinatitibay pa ng LEP sapagkat hindi ito humahantong sa dibersipikasyon ng ekonomiya sa pamamagitan ng industriyalisasyon at iba pang ekonomikong aktibidad na makalilinang sa pamilihang lokal ng bansa tungo sa isang sistemang ekonomikong makalilikha ng sapat na trabaho para sa mga mamamayan upang hindi na kailangangin pa ang pag-eeksport ng milyun-milyong manggagawa sa ibayong-dagat. Habang nananatiling prayoridad at opisyal na patakaran ng gobyerno ang LEP, mananatili rin ang mga kadena ng dependensiya ng Pilipinas sa ekonomiya ng mauunlad na bansa. Sa ganitong diwa, hinihikayat ang mga awtoridad ng Pilipinas at iba pang bansang Third World na suriing mabuti at malao’y ibasura ang kanilang LEP, at humanap ng alternatibong landas patungong kaunlaran na hindi na magsasakripisyo sa yamang tao ng bansa, sa altar ng tubo at ginhawa para sa mayayamang bansang mapagsamantala.

SANGGUNIAN

Alcid, Mary Lou L. Migrant Labour in Southeast Asia: Country Study: The Philippines. Friedrich Ebert Stiftung/FES. c. 2005.

Talahanayan 10. Mga Kaso ng Illegal Recruitment na Hinawakan ng POEA

Taon 2004 2005 2006 2007 2008 2009 2010

Bilang ng Mga Kaso 1,462 1,198 1,504 1,624 1,687 1,610 1,648

Bilang ng Mga Inaksiyunan 650 206 350 339 329 183 283

Page 19: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

66 Malay Tomo XXVII Blg. 1

Amin, Samir. Unequal Development: An Essay on the Social Formations of Peripheral Capitalism. Dār al-ṬalīṬah lil-ṬibāṬah wa-al-Nashr, 1976.

Arabian Business Online. “Saudi sets minimum wage for nationals.” 14 January 2013. Web. 20 June 2013. www.arabianbusiness.com/saudi-sets-min-wage-for-domestic-workers-452156.html

Arabian Business Online. “UAE monthly household income revealed.” 03 February 2009. Web. 20 June 2013. www.arabianbusiness.com/monthly-household-income-revealed-80418.html

Asia Pacific Mission for Migrants/APMM. Labor export policy of developing countries: The Case of the Philippines and Indonesia. c.2009. Web. 20 June 2013. http://iboninternational.org/resources/pages/EDM/75/65

Bangko Sentral ng Pilipinas. “Overseas Filipinos’ Cash Remittances by Country, by Sources. Web. 10 August 2014. http://www.bsp.gov.ph/statistics/efs_ext3.asp

Bangko Sentral ng Pilipinas. “Philippines: Balance of Payments.” Web. 10 August 2014. http://www.bsp.gov.ph/statistics/statistics_key.asp

Bangko Sen t ra l ng P i l ip inas . “Consumer Expectations Surveys.” Web. 10 August 2014. www.bsp.gov.ph/downloads/Publications/2013/CES_2qtr2013.pdf

Barajas, Adolfo et al. “Do Workers’ Remittances Promote Economic Growth?” IMF Working Paper. 2009. Web. 10 August 2014. http://www10.iadb.org/intal/intalcdi/pe/2009/03935.pdf

Bel lo , Walden. Capi ta l i sm’s Las t S tand? Deglobalization in The Age of Austerity. London: Springer. 2013. 144-145.

Bello, Walden. “Our Failed Labor Export Policy.” Philippine Daily Inquirer Online. 04 April 2011. Web. 24 Oct 2013. http://opinion.inquirer.net/viewpoints/columns/view/20110404-329240/Our-Failed-Labor-Export-Policy

Bindra, Tanya Kaur. “In Pictures: The misery of migrant workers.” Aljazeera Online. 2012. Web. 20 June 2013. http://www.aljazeera.com/indepth/inpictures/2012/12/20121217981786357.html

Brillo, B.B. “Path Dependence, Increasing Returns, and Philippine Labor Migration Policy.” Crossroads 8.1 (2008): 24-61.

Cabreza, Vincent. “3 of 10 OFWs have stopped remitting pay -- OWWA survey.” Philippine Daily Inquirer Online. 11 October 2007. Web. 20 June 2013. http://globalnation.inquirer.net/news/

breakingnews/view/20071011-93869/3_of_10_OFWs_have_stopped_remitting_pay_--_OWWA_survey_?ModPagespeed=off

Cameron, Sally and Janet Mitchell. “Trafficking and Related Labour Exploitation in the ASEAN Region.” International Council on Social Welfare. 2007. Web. 10 August 2014. http://www.icsw.org/doc/Trafficking%20Labour%20Exploitation%20in%20ASEAN%2007.pdf

Candazo, Romeo. “A Critique of the Philippine Overseas Employment Program.” Federation of Filipino Organizations in the Netherlands. c.1996. Web. 20 June 2013. http://ffon1.fortunecity.ws/newpage7.htm

Chan, Aris. “Hired on Sufferance: China’s Migrant Workers in Singapore.” China Labour Bulletin. 2011. Web. 10 August 2014. http://www.clb.org.hk/en/files/File/research_reports/Singapore.pdf

Costa, Daniel. “Litigation reveals extensive abuse of guest workers in the U.S.” The Economic Policy Institute Blog. 24 December 2012. Web. 20 June 2013. http://www.epi.org/blog/litigation-extensive-abuse-us-guest-workers/

De Castro, R.C. “Weakness and Gambits in Philippine Foreign Policy in the Twenty-first Century.” Pacific Affairs, 83.4 (2010): 697–717.

Diokno-Pascual, MT. “Fidel’s Failed Economy.” Kasarinlan: Philippine Journal of Third World Studies, 14.3 (1999): 147-164.

Dizon-Añonuevo, Mai. “Addressing the Social Cost of Migration in the Philippines: The Atikha Experience.” International Conference on Gender, Migration and Development, Manila. 25-26 September 2008. Web. 20 June 2013. http://www.ifad.org/events/remittances/2013/kathmandu/4_Atikha_NEPAL.pdf

Doha News Online. “Ambassador: Qatar saw ‘drastic’ decline in Filipina maids.” 14 January 2013. Web. 20 June 2013. http://dohanews.co/ambassador-qatar-saw-drastic-decline-in-filipina-maids-in-2013

Dos Santos, Theotonio. “The Structure of Dependence.” The American Economic Review, Vol. 60 (1970): 231-236.

Gaite, Ferdinand. “State Exaction and Corruption: Robbing the Filipino Migrants Twice.” First International Assembly of Migrants and Refugees. 2008. Web. 20 June 2013. http://iamr3.files.wordpress.com/2010/07/ferdinand-gaite_keynote-paper.pdf

Page 20: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

67Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya D.M. San Juan

Gao, George and Joe Hitchon. “Filipino Workers Urge Overhaul of U.S. Guest Worker Policies.” Inter Press Service News Agency. 19 March 2013. Web. 20 June 2013. http://www.ipsnews.net/2013/03/filipino-workers-urge-overhaul-of-u-s-guest-worker-policies/

Guevara, Che. “On Development.” 25 March 1964. Web. 14 August 2014. https://www.marxists.org/archive/guevara/1964/03/25.htm

Halabi, Romina. “Contract Enslavement of Female Migrant Domestic Workers.” c. 2007. Web. 24 Oct 2013. https://www.du.edu/korbel/hrhw/researchdigest/slavery/fmd.pdf

Human Rights Watch. “Bad Dreams: Exploitation and Abuse of Migrant Workers in Saudi Arabia.” 13 July 2004. Web. 20 June 2013. http://www.hrw.org/reports/2004/07/13/bad-dreams

Institute of Labor Studies/ILS. “Migration “Orphans”: On the Social Cost of Migration on Children Left Behind.” ILS Policy Brief Vol. 1 No. 1 January 2011. Web. 20 June 2013. http://ilsdole.gov.ph/wp-content/uploads/2012/08/Orphans-ILS-Policy-Brief-vol1_is1.pdf

Intal, P.S. Jr. and E. See. “Whither the Philippine Manufacturing Sector: Looking Back, Way Forward.” Production Networks, Industrial Adjustments, Institutions, Policies and Regional Cooperation Conference of the DLSU-Angelo King Institute. 2006. Web. 24 Oct 2013. www.dlsu.edu.ph/research/centers/aki/_pdf/_concludedProjects/_volumeI/IntalSee.pdf

Katipunan ng mga Samahan ng Migranteng Manggagawa sa Korea/Collective of Migrant Workers’ Organizations in Korea (KASAMMA-KOREA) . “Mig ran t Or i en t a t i on : THE PROGRESSIVE MOVEMENT OF OVERSEAS COMPATRIOTS.” 2007. Web. 24 Oct 2013. http://www.kasammako.prophp.org/education.htm

Laquian, Prod. “The Philippines’ Labour Export Policies – Pros and Cons.” Asia Pacific Memo Online. 2011. Web. 20 June 2013. http://www.asiapacificmemo.ca/the-philippines-labour-export-policies-pros-and-cons

Medina, A. and Pulumbarit, V. “How Martial Law helped create the OFW phenomenon.” 21 September 2012. Web. 24 Oct 2013. http://www.gmanetwork.com/news/story/275011/pinoyabroad/ofwguide/how-martial-law-helped-create-the-ofw-phenomenon

Migrante International. “Anti-Migrant Regime: Nine Years Under Arroyo.” 2010. Web. 20 June 2013. http://internationalmigrants.org/cms/aggregator/categories/6

Motlagh, Jason. “Palm Oil for the West, Exploitation for Young Workers in Malaysia.” The Atlantic Online. 08 April 2013. Web. 20 June 2013. http://www.theatlantic.com/international/archive/2013/04/palm-oil-for-the-west-exploitation-for-young-workers-in-malaysia/274769/

National Statistical Coordination Board/NSCB. “The Pinoy Diaspora: Where Do Our OFWs Come From and Where Do They Go?.” 16 May 2012. Web. 25 October 2013. http://www.nscb.gov.ph/sexystats/2012/SS20120516_ofw.asp

National Union of Public and General Employees. “UFCW voices migrant worker concerns at federal roundtable on Temporary Foreign Worker Program.” 12 March 2013. Web. 20 June 2013. http://www.ufcw.ca/index.php?option=com_content&view=article&id=3290:ufcw-makes-its-voice-heard-in-roundtable-on-temporary-foreign-worker-program&Itemid=6&lang=en

Ofreneo, Rene E. “Migration and Development: When Will the Turning Point Come?”, in Filomeno S. Sta. Ana III (ed.) Philippine Institutions: Growth and Prosperity for All. 2010. 263-283. Action for Economic Reforms, Inc.

Oishi, Nana. 2005. Women In Motion: Globalization, State Policies, And Labor Migration In Asia. Stanford University Press. 84

Pernia, E. “Is labor export good development policy?” The Philippine Review of Economics 48.1 (2011): 13-34. http://paase.org/images/Pernia21_PerniaPRE_June_2011_060612.pdf

Philippine Daily Inquirer. “Taiwan wage hike benefits Filipino workers.” 07 April 2013. Web. 20 June 2013. http://globalnation.inquirer.net/71397/taiwan-wage-hike-benefits-filipino-workers

San Juan, David Michael M. “Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa Edukasyon: Ideolohikal na Kritik ng Programang K to 12 ng Pilipinas.” Malay, 26.1 (2013): 96-120.

Siar, Shiela V. “From Highly Skilled to Low Skilled: Revisiting the Deskilling of Migrant Labor.” Philippine Institute for Development Studies Discussion Paper Series No. 2013-30. http://www.pids.gov.ph/dp.php?id=5176&pubyear=2013

Sayres, Nicole. An Analysis of The Situation of Filipino Domestic Helpers. International Labor

Page 21: Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang · PDF fileIlalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay

68 Malay Tomo XXVII Blg. 1

Organization. c.2004. Web. 20 June 2013. http://www.ilo.org/manila/whatwedo/publications/WCMS_124895/lang--en/index.htm

Tabuga, Audrey D. “How do Filipino families use the OFW remittances?” PIDS Policy Notes 2007-12. http://dirp4.pids.gov.ph/ris/pn/pidspn0712.pdf

Tan, Randolph. “The role of foreign migrant workers in several economic successes in Asia and the Middle East.” 21 September 2012. Web. 25 February 2013. www.asiapathways-adbi.org/2013/02/

The Guardian Online. “Maid in Singapore: will Cambodian domestic workers be better protected?” 11 November 2013. Web. 20 December 2013. http://www.theguardian.com/global-development/poverty-matters/2013/nov/11/maid-singapore-cambodia-domestic-workers

The Peninsula Qatar Online. “Average monthly income of Qatari household soars.” 10 January 2013. Web. 20 June 2013. http://thepeninsulaqatar.com/news/qata/221261/average-monthly-income-of-qatari-household-soars

The Tyee Online. “Denny’s Settles with Filipino Migrants.” 01 March 2013. Web. 20 June 2013. http://thetyee.ca/News/2013/03/01/Dennys-Migrant-Workers

Tyner, James. The Business of War: Workers, Warriors And Hostages in Occupied Iraq. Ashgate Publishing, Ltd. 2006. 95

Wolfgram, A. “I Have It “Maid” in Taiwan: Runaway Filipino Domestic Household Workers and Taiwan’s Foreign Labor Policy.” National Chengchi

University, Taiwan. 2012. Web. 24 Oct 2013. http://nccur.lib.nccu.edu.tw/retrieve/80614/602701.pdf

World Health Organization. Health Personnel Density. Web. 20 June 2013. http://www.who.int/gho/health_workforce/en/

Van Milink, Renske. “Reskilling the Skills of the Skilled?: A report analyzing the pre-departure and Hong-Kong based reintegration training programs and their effects on the lives of Filipino Domestic Workers in Hong Kong.” University of Utrecht, 2011. Web. 20 June 2013. http://dspace.library.uu.nl/bitstream/handle/1874/209169/FINAAAL%2520thesis.pdf

Yap, J. “Inflation and Economic Growth in the Philippines.” Philippine Institute for Development Studies, September 1996. Web. 20 June 2013. http://core.kmi.open.ac.uk/download/pdf/7105318.pdf.

Zosa, Victorina and Aniceto Orbeta Jr. “The Social and Economic Impact of Philippine International Labor Migration and Remittances” Philippine Institute for Development Studies Discussion Paper. Series No. 2009-32. Web. 20 June 2013. http://www.pids.gov.ph/dp.php?id=4508&pubyear=2009

Paunawa: Ang malaking parte ng pananaliksik na ito ay bahagi ng disertasyon na pinamagatang “A Dependency Theory Critique of Selected Segments of the Philippine Development Plan (PDP 2011-2016)” na idinepensa ng mananaliksik sa kaguruan ng Graduate School ng Centro Escolar University (CEU)-Manila noong 2013.