pamumuhay kay cristo - pag-aaral ng biblia sa pamamagitan ... · pdf fileisang kabanata...

26
Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin Panimula Ang pag-aaral na ito ng Biblia ay may apat na aralin batay sa mga talata mula sa Magandang Balita Ayon kay Juan at iba pang mga aklat sa Biblia. Ang bawat aralin ay may mga katanungan at iminumungkahing mga kasagutan. BASAHIN Sa iyong pagsisimula, basahin mo muna sa sumusunod na pahina ang mga salita ni Franklin Graham na magpapalakas sa iyong loob, at ang Magandang Balita ayon kay Juan. PAG-ARALAN Pagkatapos ay basahin mo ang mga aralin at sagutin ang mga katanungan na makikita doon. KABISAHIN Kabisahin ang dalawang talata ng bawat aralin, simula sa Juan 3:16 (matatagpuan ang mga talatang kakabisahin sa hulihan ng bawat aralin). Para maging madali ang pagkakabisa, i-print mo ito sa isang papel na maaari mong dalhin araw araw. Alamin mo kung paano mas mapapadali pa ang pagkakabisa sa dulo ng babasahing ito. PAGBULAY-BULAYAN Isiping mabuti ang mga talata habang pinag-aaralan mo at kinakabisa ang mga ito. Hilingin mo sa Panginoon na tulungan kang maintindihan ang Kanyang Salita at ipakita sa iyo ang tiyak at praktikal na paraan para magamit mo ito sa iyong buhay.

Upload: vonhan

Post on 01-Feb-2018

332 views

Category:

Documents


12 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Panimula

Ang pag-aaral na ito ng Biblia ay may apat na aralin batay sa mga talata mula sa Magandang Balita Ayon kay Juan at iba pang mga aklat sa Biblia. Ang bawat aralin ay may mga katanungan at iminumungkahing mga kasagutan.

BASAHIN

Sa iyong pagsisimula, basahin mo muna sa sumusunod na pahina ang mga salita ni Franklin Graham na magpapalakas sa iyong loob, at ang Magandang Balita ayon kay Juan.

PAG-ARALAN

Pagkatapos ay basahin mo ang mga aralin at sagutin ang mga katanungan na makikita doon.

KABISAHIN

Kabisahin ang dalawang talata ng bawat aralin, simula sa Juan 3:16 (matatagpuan ang mga talatang kakabisahin sa hulihan ng bawat aralin). Para maging madali ang pagkakabisa, i-print mo ito sa isang papel na maaari mong dalhin araw araw. Alamin mo kung paano mas mapapadali pa ang pagkakabisa sa dulo ng babasahing ito.

PAGBULAY-BULAYAN

Isiping mabuti ang mga talata habang pinag-aaralan mo at kinakabisa ang mga ito. Hilingin mo sa Panginoon na tulungan kang maintindihan ang Kanyang Salita at ipakita sa iyo ang tiyak at praktikal na paraan para magamit mo ito sa iyong buhay.

Page 2: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Mga Salita Mula kay Franklin Graham na Magpapalakas ng iyong Loob

Mahal kong kaibigan,

Kung ikaw man ay nagsisimula pa lamang sa pagiging Kristiano o nagbabalik-loob kay Cristo matapos na mag-alinlangan nang ilang panahon, o kasalukuyang may nilulutas na mabigat na problema, maaaring ito na ang magiging simula ng isang bago at nananatiling kaugnayan mo kay Jesu-Cristo.

Sinabi ni Jesus, “Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap” (Juan 10:10). Gusto ng Diyos na maranasan mo ang isang masagana at kasiya-siyang buhay, at naihanda na Niya ang lahat ng kailangan upang maisagawa ito. Narito ang ilang katotohanan tungkol sa buhay na ito.

Una, ang Biblia ay pagkain para sa buhay espirituwal---na katulad din ng iyong katawan ay nangangailangan din ng nutrisyon. Sa pamamagitan ng Kanyang Salita, nangungusap ang Diyos sa iyo at inihahayag Niya ang Kanyang plano para sa iyong bagong buhay. Ipinapayo kong basahin mo ang Magandang Balita ayon kay Juan bago mo basahin ang ibang aklat sa Biblia. Pagkatapos, ituloy mo ang pagbabasa ng Biblia araw-araw. Subukan mong magbasa ng isang kabanata araw-araw.

Matatagpuan mo sa dokumentong ito ang mga aralin sa Biblia at, sa dulo ng bawat aralin, ilang mga talatang kakabisahin. Pag-aralan mo kaagad ito, dahil habang nag-aaral ka at nagsasaulo, tutulungan ka ng Biblia na lumago at maging makabuluhang Cristiano.

Ikalawa, ang panalangin ang iyong koneksiyon sa Diyos. Ugali-ing simulan ang bawat araw sa pamamagitan ng ilang minutong panalangin. Sa umpisa, maaaring maasiwa kang makipag-usap sa Diyos at maaaring mahirapan kang mag-isip ng mga sasabihin mo. Ngunit habang patuloy mo itong ginagawa, mas magiging makahulugan ang iyong mga panalangin. Kaya simulan mo ang bawat araw sa pamamagitan ng isang panalangin, at pag-aralan ding manalangin sa buong araw kung kinakailangan. Sabihin mo ang lahat ng mga problema at pasanin mo sa Diyos, dahil interesado Siya sa lahat ng ginagawa mo. “Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo” (I Pedro 5:7).

Ikatlo, ang isang Cristiano ay nagpapatotoo kay Cristo. Ikaw ang kanyang kinatawan saan ka man pumunta. Ang ibig sabihin ba ay pupunta ka sa mga lansangan at kakausapin mo ang bawat makakasalubong mo? Hindi naman. Ang ibig sabihin lang ay simula na ito ng isang pagpapanibagong buhay. Pagkatapos, manalangin ka, na araw araw ay maibahagi mo si Cristo sa iba. At masdan mo kung paano kang bibigyan ng Diyos ng mga pagkakataon! Habang matapat mong pinag-aaralan at sinasaulo ang Biblia, mas magiging handa ka na gawin ito.

Page 3: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Ikaapat, hindi ka magiging epektibong Cristiano nang nag-iisa. Humanap ka ng isang iglesya kung saan tapat na ipinapahayag ang Salita ng Diyos at doon ka magpa-miyembro. Makipagkaibigan ka sa ibang mga Cristiano sa iyong simbahan, dahil malaki ang nagagawa ng pakikipag-ugnayan sa kapwa Cristiano para sa paglago ng iyong espiritu. Maaalalayan ka ng iyong pastor sa iyong panibagong buhay na kasama ang Panginoon.

Ang pagpapasya mong tanggapin si Cristo ay hindi nangangahulugang malulutas na agad ang lahat ng mga problema mo. Ang totoo niyan, maaari ka pang magkaroon ng panibagong problema! Makikita mo na ang diablo, na kaaway ninyo ng Diyos, ay siguradong gagawa ng paraan para sirain ang pagkilos ng Diyos sa buhay mo. Pagdududahin ka niya sa iyong pananampalataya kay Cristo. Iisa lang ang paraan para matalo si Satanas at iyon ay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Gayahin mo ang ginawa ni Jesus nang tuksuhin Siya sa ilang. Sa bawat tukso ng diyablo, binalikan ni Jesus ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabanggit ng mga talata mula sa Kasulatan (tingnan ang Mateo 4:4, 7, 10).

Ang mga sumusunod na aralin mula sa Biblia at mga talata ay naglalaman ng mga pangako at mga katiyakan na napakahalaga sa iyong buhay-Cristiano. Paulit-ulit mong basahin ang mga ito. Pag-aralan mong gamitin ang mga Kasulatan bilang saligan ng iyong pananampalataya.

Lubos ka nawang pagpalain ng Diyos sa pagtahak mo sa bagong landas ng pananampalataya.

Franklin Graham

Page 4: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 1 - Pagkilala kay Cristo

Kung ikaw man ay bagong mananampalataya o muling nagpapasigla ng iyong pagtatalaga kay Cristo, mainam na balikan natin ang ilang pangunahing katotohanan tungkol kay Jesu-Cristo at sa kaligtasang iniaalok Niya.

Ang Pangangailangan Natin ng Kaligtasan

Maaaring mayroon kang kilalang tao na higit na mas mabuti kaysa sa ibang tao, pero wala ka sigurong matutukoy na taong hindi kailanman nagkamali (Roma 3:23). Ang bunga ng kasalanan at pagkukulang ng tao ay walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos na banal at perpekto. At dahil ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay, ang walang hanggang pagkahiwalay sa Kanya ay katumbas ng walang hanggang kamatayan. “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan” (Roma 6:23).

PANGAKO 1: ANG PANGAKONG KALIGTASAN

Tinatalakay sa Biblia ang tungkol sa “kaligtasan,” na nangangahulugan ng paglaya mula sa walang hanggang kamatayan, at ng pakikipagkasundo sa Diyos at ng katiyakang mabubuhay tayo nang walang hanggan kasama ang Diyos. Malinaw na ipinapaliwanag ng Juan 3:16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon ng kaligtasan at buhay na walang hanggan:

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sang-katauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:16Isa-isahin natin ang mga bahagi ng talatang ito para lalo nating maunawaan ang simpleng katotohanang ipinapahayag nito:

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan…”Ang sangkatauhan ay tumutukoy sa iyo at sa lahat ng mga tao sa buong mundo. Mahal ka ng Diyos, at ang susunod na bahagi ng talata ay nagpapakita kung gaano ka Niya kamahal:

“…kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak …”Mahal na mahal ka ng Diyos kaya ibinigay niya ang kanyang Anak (Romans 5:8). Binayaran ni Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos, ang parusa ng ating mga kasalanan nang mamatay Siya sa krus. Inako Niya ang ating mga kasalanan, at namatay Siya minsan para sa lahat. Nang mamatay Siya, sinabi Niya, “Naganap na!” (Juan 19:30), na nangangahulugang nagampanan na Niya ang lahat ng kailangang gawin upang maligtas ang tao.

Page 5: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Bilang “Anak ng Diyos”, si Jesus ay kapantay ng Diyos. Siya ay bahagi ng tinatawag ng mga nag-aaral ng Biblia na “Trinity”: Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Pero ang nakakamangha, kahit na si Jesus ay kapantay ng Diyos Ama (Juan 1:1-3; 10:30), pinili pa rin Niyang maging tao at mamatay para sa atin (Filipos 2:5-8).

“…upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak …”Kung sumasampalataya ka na si Jesu-Cristo ang Anak ng Diyos, at tatanggapin mo Siya bilang Tagapagligtas, hindi mo na kakailanganing bayaran pa ang parusa sa iyong mga kasalanan—dahil si Jesus na ang nagbayad ng parusa noong Siya ay namatay sa krus.

“…kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”Sa halip na walang hanggang kamatayan at pagkahiwalay sa Diyos, magkakaroon ka ng buhay na walang hanggan sa oras na magtiwala ka kay Cristo. Malalaman mo na:

pinatawad na ang iyong mga kasalanan (Colosas 1:14)anak ka ng Diyos (Juan 1:12)mayroon ka nang buhay na walang hanggan (Juan 3:16)

PAGTATALAGA NG IYONG BUHAY KAY JESU-CRISTOTinanggap mo na ba si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas mo? Kung gayon, sa bisa ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos, mayroon ka nang buhay na walang hanggan. Kung hindi mo pa Siya tinatanggap, maaari mo itong gawin ngayon na (Roma 10:13)! Maaari mong tanggapin si Jesu-Cristo sa buhay mo ngayon kung mananalangin ka ng tulad nito:

Mahal kong Panginoong Jesus, alam kong ako ay makasalanan at kailangan ko ang Iyong kapatawaran. Naniniwala ako na namatay Ka para sa aking mga kasalanan. Tatalikuran ko na ang aking mga kasalanan. Inaanyayahan kita ngayon sa aking puso at buhay. Gusto kong magtiwala at sumunod sa Iyo bilang aking Panginoon at Tagapagligtas.

Sa pangalan ni Jesus. Amen.

Sauluhin mo ang Juan 3:16, at kung sakaling magkaroon ka ng alinlangan sa iyong kaligtasan, gamitin mo ito bilang saligan ng iyong pananampalataya.

PANGAKO 2: ANG PANGAKO NG TAGUMPAY LABAN SA TUKSO

Ayaw ni Satanas na magkaroon ka ng kaugnayan sa Diyos. Pagtutuunan niya ng pansin ang ilang mga kahinaang espirituwal sa buhay mo para maibagsak ka niya. Huwag kang mabigla kung mangyari man ito! Sa halip, alisin mo ang pansin sa iyong mga kahinaan, at ituon mo ang iyong tiwala kay Jesu-Cristo, na Siyang makakatulong sa iyo. Nangako ang Diyos na hindi ka tutuksuhin ng higit sa iyong makakayanan (1 Corinto 10:13)

Page 6: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Maaaring maisip mong parang ikaw lang yata ang tinutukso, pero lahat ng mananampalataya ay dumaraan sa parehong pagsubok. Hindi kasalanan ang tuksuhin. Kahit si Cristo man ay tinukso din (Hebreo 4:15). Subalit nakakapasok ang kasalanan kapag bumigay ka sa mga tukso.Upang mapagtagumpayan ang tukso, kaagad mong ilapit sa Diyos ang problema mo bago pa ito mag-ugat sa buhay mo. Maging positibo sa iyong mga panalangin. Huwag mong balik-balikan ang mga bagay na nakakatukso sa iyo, at sa halip ay isipin mo ang mga magagandang bagay (Filipos 4:8)

Hilingin mo sa Diyos na ilagay ang mga magagandang bagay na ito sa iyong isipan. Pagbulay-bulayan mo ang 1 Corinto 10:13 at asahan mo ang pangako nitong tagumpay kapag natutukso ka.

PANGAKO 3: ANG PANGAKO NG PAGPAPATAWADAng pagsasanay na mamuhay bilang Cristiano ay katulad din ng pagsasanay sa paglakad. Maraming beses kang babagsak at tatayong muli, lalo na kapag nagsisimula ka pa lang (Awit 37:23-24).

Noong nagsasanay ka pa lang maglakad, madalas natutumba ka. Pero nananatili ka bang nakatumba? Hindi, sa halip aabutin mo ang kamay ng nanay o tatay mo na tutulong sa iyo para makatayo uli. Ganoon din ang pag-aaral na lumakad kasama ang Diyos. Kapag bumagsak ka, lumapit ka sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, at tanggapin mo ang Kanyang maawaing kamay na tutulong sa iyo.

“Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid.” --- 1 Juan 1:9

Kapag nakagawa ka ng isang bagay na ayaw ng Diyos, at ipinakita ito sa iyo ng Banal na Espiritu, humingi ka na agad ng tawad sa Diyos. Kapag ginawa mo ito, matututuhan mo—sa pamamagitan ng karanasan—ang habag at pagpapatawad ng Diyos at ang kagalakan ng araw-araw na pakikipagugnayan sa Kanya.

Sauluhin mo ang 1 Juan 1:9 at isagawa ito araw-araw. Angkinin mo ang Salita ng Diyos at magtiwala ka sa Kanyang pagpapatawad at paglilinis.

PANGAKO 4: ANG PANGAKO NG KANYANG PRESENSYADahil tao ka, natural lang na mag-alinlangan ka, madismaya paminsan-minsan, manghina at mangulila. Pero hindi ka kailanman nag-isa; nasa iyo si Cristo, at gusto ka Niyang tulungan na magbago ayon sa gusto Niyang mangyari sa iyo (Filipos 1:6).

Tutugunin Niya ang lahat ng kailangan mo at iingatan ka Niya araw-araw (Hebreo 13:5)

Alam ni Jesus ang kahinaan ng kanyang mga tagasunod at ang pangangailangan nila ng lakas na espirituwal. Gusto Niyang malaman nila na kahit hindi nila personal na kasama si Jesus, ang Banal na Espiritu, na alam nating bahagi ng Trinity, ang pumapalit sa Kanya at siyang tumutugon sa kanilang mga pangangailangan (Juan 14:16).

Page 7: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Maaari mong maging Tagapayo ang Banal na Espiritu, o gaya ng pagkakasabi sa ibang salin ng Biblia, ang iyong mang-aaliw. Maaari mo rin Siyang maging guro. Habang binabasa mo ang Biblia at humihingi ka ng tulong sa Diyos na maintindihan ito, ang Banal na Espiritu na nasa iyo ay papatnubayan ka sa lahat ng katotohanan (Juan 16:13). Papatnubayan din Niya kayo (Roma 8:14), pagyayamanin ang iyong buhay (Juan 6:63; Roma 8:11), at palalakasin ka Niya para makapamuhay ka bilang Cristiano (Galacia 5), at gagawin kang saksi para sa ibang tao (Gawa 1:8).

Ang mga pangako ng kaligtasan, ng tagumpay laban sa tukso, ng pagpapatawad, at ng nanatiling presensya ng Diyos ay mapapasaiyo araw-araw. Angkinin mo ang presensya ng Diyos, magti-wala ka sa Kanyang mga pangako, at mamuhay ka na nakadepende sa Kanyang Banal na Espiritu na nananahan sa iyo.

Sagutin ang mga tanong sa susunod na pahina.

Page 8: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 1 - Ang Iyong Tugon

Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagtingin sa mga talata sa Magandang Balita ayon kay Juan.

Ano ang dahilan bakit naparito si Jesus? Juan 1:29

Paano inalis ni Jesus ang kasalanan ng buong mundo? Juan 19:16-18

Mahal ng Diyos ang lahat ng tao kaya ibinigay Niya ang Kanyang Anak para mamatay sa krus. Sinasabi ng Juan 3:16 kung paano tayo makikinabang sa ginawa ng Diyos.

Isulat ang iyong pangalan sa mga patlang: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos [kay] _______ kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang [kung si] ___________ ay sumampalataya sa kanya, [si] _________________ ay hindi mapahamak, kundi [si] ____________ [ay] magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Balang araw ay matatapos ang ating pisikal na buhay, pero ang buhay na ibinibigay sa atin ng Diyos ay walang hanggan – wala itong katapusan. Ano ang kailangan mong gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan? Juan 3:16

Ano ang bagong kaugnayan na iyong tinatamasa ngayon dahil sa pananampalataya mo kay Cristo? Juan 1:12

Ano ang mangyayari sa mga taong hindi sumampalataya kay Cristo? (a) Juan 3:18 (b) Juan 3:36

Hindi makakamtan ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagiging relihiyoso, pagsunod sa mga batas, o paggawa ng mabuti, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. Ano ang sinabi ni Jesus sa Juan 11:25-26?

Ano ang nangyayari sa oras na sumampalataya ka kay Cristo? Juan 5:24

Ngayon, balikan mo ang iyong mga sagot at sabihin sa isa o dalawang pangungusap kung paano ka mapapatawad at magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

Page 9: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

PANGHULING KAISIPAN:Ngayon na tinanggap mo na si Jesu-Cristo bilang Panginoon mo at Tagapagligtas, angkinin mo ang katiyakan ng kaligtasan. Kagaya ng batang nangangailangan ng pagkain araw-araw para lumaki, kailangan din ng mga anak ng Diyos ng espirituwal na pagkain.

1. Magsaulo ka ng dalawang talata mula sa Aralin 1.

Ang pangakong kaligtasan: “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” - Juan 3:16

Ang pangakong kapatawaran: “Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid.” - 1 Juan 1:19

2. Magpatuloy ka sa susunod na aralin, ang “Paglago kay Cristo.”

Page 10: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 2: Paglago kay Cristo

Nais ng Diyos na makatagpo ka nang personal araw-araw.

Maaaring magtaka ka sa bagay na ito, pero pag-isipan mo sandali: Nang tanggapin mo si Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas, naging miyembro ka na ng pamilya ng Diyos, isang anak ng Diyos. Maaari mong tawaging Ama ang Diyos.

Ang sino mang mabuting magulang ay gustong makasama ang kanyang mga anak—minsan sabay sabay lahat ng anak —pero madalas ay isa-isa. Ito ang paraan para mas makilala ang isang tao— ang makasama siya nang sarilinan.

Ang pinakamagandang paraan para makilala mo ang iyong Ama sa langit ay magbigay ka ng oras na makasama siya

nang sarilinan. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kanyang Salita at pakikipag-usap sa Kanya sa pananalangin.

PAKIKINIG SA DIYOS: PAGBABASA NG KANYANG SALITA“Pano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan…… Ang banal mong kautusa’y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman.” - Awit 119:9,11

Kung ngayon ka pa lang nagsisimulang magbasa ng Biblia, mas magiging interesado ka siguro sa Magandang Balita ayon kay Juan dahil napakaganda ng pagkakalahad dito ng plano ng Diyos para sa ating kaligtasan.

Kapag natapos mo nang basahin ang aklat ni Juan, maaari kang magpatuloy sa pagbabasa ng Aklat ng Mga Gawa para mabasa mo kung paano ibinahagi ng mga unang Cristiano ang kanilang pananampalataya sa mga tao sa paligid nila. Ang pagbabahagi ng iyong pananampalataya ay isa sa mga mahahalagang bagay na magagawa mo para sa Diyos.

Kung hindi ka pa gaanong nakakapagbasa ng Biblia, maaari mong gamitin ang mga makabagong salin. Magtanong ka sa iyong pastor o sa Christian bookstore na malapit sa iyo.

Habang nagbabasa ka ng Biblia, pagbulay-bulayan mo ang sinasabi nito. Ang ibig sabihin ng pagbubulay-bulay ay matamang pagiisip ng mga bagay na espirituwal. Ito ay ang tahimik, seryoso at malalim na pag-iisip tungkol sa Diyos—kung gaano Siya kahanga-hanga, ang magagandang bagay na ginawa Niya para sa iyo, ang mga bagay na gagawin pa Niya para sa iyo, at kung ano ang gusto Niyang gawin mo para sa Kanya.

Page 11: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Habang nagbabasa ka ng Biblia, maaaring may mapansin ka na:

isang pangakong maaari mong panghawakanisang gabay para sa araw na kasalukuyang arawisang utos na dapat mong sundinisang paalala tungkol sa kasalanan o espirituwal na pangangailangan sa buhay moisang makahulugang talata na dapat mong sauluhin

Huwag mong madaliin ang pagbabasa o piliting makatapos ng marami. Sa pagsisimula, ang magandang gawing gabay ay magbasa ng isang kabanata araw-araw. Bigyan mo ng panahon na makita ang lahat ng mga bagay na sinasabi sa iyo ng Diyos mula sa mga talata. Hindi mo kailangang madaliin ang pakikipagusap mo sa Diyos.

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS: PANALANGIN“Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban. 15At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya.” –1 Juan 5:14-15

Pagkatapos mong magbasa at magbulay-bulay sa Salita ng Diyos, manalangin ka. Kausapin mo ang Diyos na tulad ng pakikipagusap mo sa iyong mapagmahal na magulang, na nagnanais ng pinakamabuti para sa iyo, at gustong tulungan ka sa lahat ng bagay.

Puwede kang manalangin sa Diyos kahit na anong oras—habang nagmamaneho ka papasok sa trabaho, naghahanda ng hapunan, naglalaba, nag-aaral sa eskwela. Pero kailangang magkaroon ka rin ng oras sa maghapon na talagang nasa Kanya lang ang atensiyon mo at walang anumang nakakaabala.

Maaaring maganda para sa iyo ang umaga – yung presko ka pa, bago ka magsimula ng iyong mga gawain. O pwede rin sa gabi – pagkatapos ng araw mo at nag-iisip ka na ng gagawin para sa kinabukasan at naghahanda na para matulog. Mas maganda kung gagawin mong umaga at gabi ang pakikipag-usap mo sa Diyos! (Awit 55:17).

Kahit pa anong oras, gawin mong tuloy-tuloy ang iyong pakikipag-usap sa Diyos. Si Jesus ay maagang gumising para manalangin at nagpupunta sa isang lugar na tahimik (Lucas 5:16).

Page 12: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

GABAY SA PANALANGINMaaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod kung paano kang magsisimulang makipag-usap sa Diyos:

- Purihin mo Siya dahil sa mga katangian Niya—Siya ang Maylikha at Tagapagpanatili ng buong sansinukob, pero interesado sa iyo!

- Pasalamatan mo Siya sa lahat ng Kanyang mga ginawa, sa lahat ng mga ginagawa Niya para sa iyo, at sa lahat ng Kanyang mga ipinangakong gagawin para sa iyo.

- Aminin sa Kanya ang mga bagay na ginawa o sinabi mo na ngayon ay pinagsisisihan mo. Gusto ng Diyos at kaya Niya tayong patawarin sa ating mga kasalanan (1 Juan 1:9).

- Ipanalangin mo ang iyong pamilya.

- Ipanalangin mo ang ibang tao—mga kaibigan o kapitbahay na may mga pangangailang pisikal man o espirituwal.

- Ipanalangin mo ang iyong sarili. Humingi ka ng gabay sa Panginoon para sa bagong araw. Humingi ka ng tulong para sa mga problema mo. Hilingin mo na bigyan ka Niya ng pagkakataon na makapaglingkod sa kanya.

- Ilista mo ang mga gusto mong ipanalangin para wala kang makalimutan at para maitala mo ang mga sagot ng Diyos. (Maaaring ang sagot ng Diyos ay “Oo”, “Hindi” o “Maghintay”!) Isulat mo ang iyong listahan sa isang maliit na notebook o sa computer mo o sa cellphone —o sa isang maliit na sulatan na maaari mong ilagay sa bulsa o sa pitaka.

Tandaan mo na pwede kang manalangin sa Diyos kahit na anong oras, kahit na saan, at kahit na tungkol sa anumang bagay – para humingi ng mga bagay na kailangan mo o pasalamatan Siya para sa mga bagay na tinanggap mo. Tulad ng mapagmahal na magulang, interesado ang Diyos sa lahat ng nangyayari sa iyo.

Naghihintay Siya na makausap ka ng sarilinan!

Sagutin ang mga tanong sa susunod na pahina.

Page 13: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 2: Ang Iyong Tugon

Nagsasalita sa atin ang Diyos sa pamamagitan ng Biblia, at nakakausap naman natin Siya sa pamamagitan ng panalangin. Habang ginagawa natin ito, lalo nating nalalaman ang magaganda niyang pangako at pagpapala. Hangarin ng araling ito na maging mas makabuluhan ang pagbabasa mo ng Biblia at pananalangin.

1. Basahin ang mga talata sa ebanghelyo ayon kay Juan, at isulat ang mga bagay na sinasabi ni Jesus tungkol sa Kanyang sarili:

Juan 6:35Juan 8:12Juan 10:9Juan 11:25-26

2. Ano ang ipinangako ni Jesus kung susundin mo ang Kanyang mga utos? Juan 14:21

3. Ano pa ang tulong na ipinangako Niya sa Juan 14:26?

4. Sa Juan 13:34-35, ano ang hinihiling ni Jesus na gawin mo, at bakit?

5. Basahin ang Juan 21:1-6. Ilarawan kung ano ang nangyari sa mga talatang 3 at 6. Ano ang mahalagang aral na matutuhan mo sa mga talatang ito? Ano ang katulad na katotohanan ang itinuturo sa Juan 15:5?

6. Bilang mananampalataya, ano ang mga pribilehiyo mo? Juan 16:24

7. Habang lumalago ka kay Cristo, lalago din ang iyong pananampalataya at pagtitiwala, at mananalangin ka ng may katiyakan. Ano ang pangako sa iyo sa Juan 15:16?

Page 14: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

PANGHULING KAISIPAN:Ang Diyos Espiritu Santo ang iyong guro, at ginagamit Niya ang Kasulatan upang turuan ka. Habang patuloy kang nagbabasa, nag-aaral, nagsasaulo ng mga talata, at nananalangin, lalong magiging totoo sa iyo si Cristo at makakaranas ka ng kasiyahan sa iyong buhay.

1. Isaulo ang dalawang talata ito para sa Aralin 2.

Katiyakan sa panalangin: “Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito’y naaayon sa kanyang kalooban. At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo alam din nating ibinibigay niya - ang bawat hinihiling natin - sa kanya.” - 1 Juan 5:14-15

Tagumpay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos: “Pano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan. Ang banal mong kautusa’y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman.” - Awit 119:9,11

2. Magpatuloy ka sa susunod na aralin, “Pagsunod kay Cristo.”

Page 15: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 3: Pagsunod kay Cristo

Habang lumalago ka bilang isang bagong Cristiano, masusumpungan mo na ang tunay na kasiyahan at kaganapan ng iyong buhay ay makakamtan lamang sa pagbibigay kay Jesu-Cristo ng lubusang pangunguna sa iyong buhay. Ang ibig sabihin nito ay bigyan siya ng pangunahing autoridad sa iyong buhay bilang Hari at Panginoon.

Ang pagiging Cristiano ay hindi lamang pagpunta sa simbahan ng isang oras tuwing Linggo. Ang tunay na tagasunod ni Jesu-Cristo ay handa na sumunod sa Kanya buong buhay, 24/7. At ito ang ganap na buhay at kasiya-siyang paglalakbay (Juan 10:10)!

Ang pagtanggap kay Jesu-Cristo bilang Panginoon – pagkakaroonn ng buhay na sumusunod at umaasa kay Cristo – ay magdudulot ng pagbabago kung paano ka mamuhay.

MABUHAY NANG BUONG PUSOUna, ang mamuhay na kasama si Jesu-Cristo bilang Panginoon ay isang buong pusong pamamaraan ng pamumuhay. Tinawag tayo para maglingkod sa Diyos nang buong puso! Ang sumusunod nang buong puso ang hinahanap ng Diyos (2 Cronica 16:19). Isuko mo ang iyong puso sa Kanya araw-araw, maging handa at maluwag ang iyong kalooban na maging tulad Niya at paglingkuran ang Hari ng iyong buhay (Efeso 6:7)

ANG PAG-IIBIGANPangalawa, ang mamuhay na kasama si Jesu-Cristo bilang Panginoon ay isang ugnayan ng pag-iibigan. Ang pag-ibig mo sa Diyos ay maipapakita sa pamamagitan ng iyong pagsunod (Mateo 22:37-40). Ang pag-ibig ay higit pa sa nararamdaman—ito ay isang bagay na ating ginagawa. Kung mahal mo ang iyong Hari, susundin mo ang kanyang mga utos (Juan 14:21).

Ang pagsunod ay may kinalaman sa bawat aspeto ng ating buhay: relasyon sa pamilya at mga kaibigan, sa trabaho, propesyon at mga ambisyon para sa kinabukasan – ang lahat ng ito ay kailangang isuko sa plano ng Diyos. Mas dapat na pinapansin natin kung ano ang iniisip ng Diyos tungkol sa atin kaysa sa iniisip ng ibang tao. Ang pera natin sa bangko, ari-arian, oras at lahat-lahat ng bagay na inaangkin nating atin, ay dapat na sumailalim sa kontrol ng Diyos. Kahit na ating pakikipagkaibigan, at oras para magrelaks ay dapat na isuko kay Cristo. Maging handing sumunod kay Cristo kahit na may kakailanganing kapalit (Lucas 14:33)

Sa pamamagitan ng ating pagsunod kay Cristo, mas nakikilala natin siya at mas nagiging kawangis natin siya. Nating totoo si Jesus para sa atin.

Page 16: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

LUMABAN PARA MANALO!Pangatlo, ang mamuhay na kasama si Jesu-Cristo bilang Panginoon ay pamumuhay na ang layunin lamang ay kilalanin at parangalan ang kaluwalhatian ng Diyos. Para maisakatuparan ang planong ito, kailangan ang aktibo at disiplinadong pagsisikap. Inilarawan ni Apostol Pablo ang buhay ng isang Cristiano na tulad ng kompetisyon sa Olympics. Kung paanong ang isang manlalaro ay dumadaan sa matinding pagsasanay para manalo, tayo rin ay may hamon na ayusin ang ating relasyon kay Cristo, lumago sa ating pagkakaunawa sa Salita ng Diyos, ayusin ang ating mga pag-uugali para mas maging kawangis ni Cristo, at tularan si Cristo (1 Corinto 9:24).

Kung paano nating gamitin ang 24 oras na ibinibigay sa atin sa bawat araw ang siyang magsasabi kung gaano kabunga ang ating buhay Cristiano at ang ating paglilingkod kay Cristo. Tinawag tayo ng Diyos para maging mabunga, para sa Diyos. Kung paanong ang isang sanga ay kumukuha ng katas para mabuhay mula sa baging, napapanatili naman natin ang ating buhay Cristiano sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo at pag-amin na sa Kanya lang tayo aasa (Juan 15:5). Ganyan tayo dapat mamuhay para masiyahan ang Diyos (1 Corinto 10:31).

MAGBAGO KAAt panghuli, ang mamuhay na kasama si Jesu-Cristo bilang Panginoon ay pamumuhay na nabago. Hindi naman magiging perpekto ang buhay natin. Pero kapag bumagsak tayo, madadala natin ang mga pagkabigo na iyon kay Jesu-Cristo. Nangako Siyang patatawarin tayo at lilinisin sa ating mga kasalanan (1 Juan 1:9). Araw-araw ay kailangan nating bitawan ang mga dati nating pamumuhay at tandaan na mga bago na tayong nilalang (Efeso 4:24). Sa pagtalikod natin sa ating mga kasalanan at pagtanggap ng bagong buhay na ibinigay ni Cristo, ay mas nagiging matibay ang ating pagbabago upang maging kawangis Niya (Roma 12:2).

Madalas na ang buhay Cristiano ay salungat sa agos ng buhay sa mundong ito. Kaya nga kailangan natin ang buong pusong paninindigan sa ating pangako, tunay na pagmamahal kay Jesu-Cristo, isang disiplinadong buhay, handing aminin ang ating mga pagkakamali, at iwanan na natin ang dating pamumuhay para maging matagumpay ang ating buhay kay Cristo. Kapag isinuko natin ang lahat ng aspeto ng ating buhay kay Jesu-Cristo, maaari tayong mamuhay nang ganap ayon sa Kanyang nais.

Sagutin ang mga katanungan sa susunod na pahina.

Page 17: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 3 - Ang Iyong Tugon

Masaganang buhay – posible nga kaya ito? Tinawag ba tayo ni Jesus na lubusang sumunod sa kanya para lang maging mabubuting tao o talagang ipinapakita niya ang tunay na daan para maging maligaya? Handa ka na bang magtiwala sa pangunguna ng Mabuting Pastol at gawing Panginoon ng iyong buhay si Jesus? Maaaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod na tanong para mas maunawaan mo ang ibig sabihin ng kagalakan kapag tunay na isinuko mo ang iyong buhay sa pamamahala ng Diyos.

1. Pag-aralan ang 1 Corinto 6:19-20 at sagutin ang tatlong mahahalagang tanong tungkol sa pagiging Panginoon ni Cristo sa buhay mo:

Ngayong Cristiano ka na, naging ano ang iyong katawan? Bakit si Cristo na ngayon ang nagmamay-ari ng buhay mo?

Ano na ngayon ang dapat na maging layunin ng buhay mo?

2. Basahin ang Lucas 6:46-49 at sabihin sa isa o dalawang pangungusap kung ano ang itinuturo ni Jesus sa Kanyang talinghaga tungkol sa matalino at sa hangal na nagsipagtayo ng bahay:

Ano ang dapat nating gawin kung tinatawag nating Panginoon si Jesus?

Anong espirituwal na katotohanan ang ipinapakita ng bahay na itinayo sa bato?

Anong espirituwal na katotohanan ang ipinapakita ng bahay na walang pundasyon?

3. Ano ang sinasabi ni Apostol Santiago tungkol sa pagsunod sa sinasabi ng Biblia? Santiago 1:22-25

4. Ang pagsunod kay Jesu-Cristo bilang Panginoon ang tunay na sukatan ng iyong pagtatalaga sa Kanya. Ano ang sinasabi ni Apostol Juan tungkol sa pagsunod? Hanapin ang sagot sa bawat talata ng 1 Juan 2:3-6.

5. Ano ang isa pang tiyak na paraan upang mapatunayan mong ikaw nga ay kay Cristo? 1 Juan 3:14

6. Habang lumalago ka kay Cristo, may ilang pagkakataong mabibigo mo Siya. Walang taong nabuhay nang perpekto maliban kay Jesus. Maging tapat ka sa pag-amin na bumagsak ka at ipahayag mo ang iyong kasalanan. Magbigay ng maikling paliwanag sa itinuturo ng 1 Juan 1:8-10 tungkol sa pagpapahayag ng kasalanan at pagpapatawad.

7. Ano ang nais ong ipagpasalamat ngayon sa Diyos, tungkol sa pangangailangan mo ng kapatawaran ng Diyos? 1 Juan 2:1-2

Page 18: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

PANGHULING KAISIPAN:

1. Magsaulo ng dalawang talata mula sa Aralin 3.

Ipamuhay ang Salita ng Diyos: “Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.” - Joshua 1:8

Pagpapatibay ng aking pag-ibig sa Diyos: “Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya.” - Juan 14:21

2. Magpatuloy ka sa iyong huling aralin, “Magpatotoo para kay Cristo.” Maaaring ito ang pinakamahalagang aralin sa lahat. Ito ay tungkol sa pagbabahagi ng iyong pananampalataya sa iba.

Page 19: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 4 - Pagpapatotoo para kay Cristo

Nilalahad ng isang testigo sa korte ang nalalaman niya tungkol sa nangyari. Ang isang Cristianong nagpapatotoo ay sinasabi ang lahat ng alam niya tungkol kay Jesu-Cristo at kung ano ang ibig sabihin ng pagkakatiwala ng kanyang buhay kay Cristo.

Nang sinimulan ni Jesus ang Kanyang ministeryo, tumawag Siya ng dalawang mangingisda, sina Simon Pedro at ang kapatid nitong si Andres, at sinabi sa kanila, “Sumunod kayo sa akin… at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao” (Mateo 4:19). Sa paglipas ng mga panahon, ganoon din ang tawag na ipinaparating sa lahat ng sasampalataya kay Jesu-Cristo. Inaabot niya ang mga tao sa pamamagitan ng masugid na patotoo ng mga taong tulad mo (2 Corinto 5:19-20).

ANG IYONG HALIMBAWABilang isang testigo para kay Cristo, ang buhay mo ang pinakamahalagang bahagi ng iyong patotoo. Ikaw ay isa nang bagong nilalang. Ang pinakamagandang patotoo na magagawa mo ay kung paanong lalabas sa iyong pag-uugali ang bago mong pananampalataya (Mateo 5:16). Ang ibig sabihin, dapat na makita sa buhay mo at pag-uugali ang isang buhay na isinuko na kay Jesu-Cristo. Hindi naman ibig sabihin na kailangang maging perpekto ka muna bago ka magpatotoo. Tiyak na makakaranas ka ng pagbagsak paminsan-minsan habang nagsasanay ka pang lumakad. Ngunit katulad ng sinasabi sa unang aralin, handa kang patawarin ng Diyos sa iyong mga kasalanan at tulungan ka Niyang makabangon muli.

ANG KAPANGYARIHAN NG BANAL NA ESPIRITUKailangan mo rin ng tulong na galling sa labas sa iyong sarili para magpatotoo. Ito ang gawain ng Banal na Espiritu. Ipinangako ni Jesus na bibigyan tayo ng Banal na Espiritu ng kapangyarihang magsabi sa iba tungkol sa Kanya (Gawa 1:8). Kapag malinis ang buhay mo at lumalakad ka sa ilalim ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, makakapagpatotoo Siya sa pamamagitan mo.

Pinili si Felipe para maglingkod sa simbahan dahil siya ay “puno ng Espiritu at katalinuhan” (Acts 6:3). Nagtatagumpay na ang paglilingkod niya sa Samaria (Gawa 8:4-13) nang tawagin siya ng isang anghel para pumunta sa Gaza (Gawa 8:26), kung saan ang isang opisyal ng Etiopia ay pabalik na mula sa Jerusalem. Kasalukuyang binabasa ng opisyal ang kabanatang 53 ng Aklat ni Isaias. Puspos ng Banal na Espiritu, kinausap ni Felipe ang opisyal gamit ang talata mula Kasulatan at ibinahagi niya ang magandang balita tungkol kay Jesus.

Page 20: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ANG KAPANGYARIHAN NG SALITA NG DIYOSAng pangatlong mahalagang sangkap para maging epektibong testigo ay ang Salita ng Diyos: ang Biblia. Sa kwento ni Felipe, inilagay ng Diyos ang akmang talata na babasahin ng opisyal ng Etiopia bago Niya ipinadala si Felipe para ipaliwanag ito. Kapag natanim ang Salita ng Diyos sa puso ng isang tayong handa nang tumanggap, nagkakaroon ito ng bunga – isang bagong mananampalataya ni Cristo (1 Pedro 1:23). Kapana-panabik na ibahagi mo sa iba ang iyong bagong pananampalataya. Isang magandang paraan para magsimula ay ang pagkuwento kung paanong binago ni Jesus ang iyong buhay. Makapangyarihan ang isang simple ngunit tapat na patotoong personal. Kailangan ding alam mo ang mga katotohanan ng Magandang balita upang maibahagi rin ang mga ito.

ANG MAGANDANG BALITA Ito ang buod ng Magandang Balita, sa apat na mahahalagang katotohanan:

Katotohanan 1: Ang plano ng Diyos – kapayapaan at buhayNilalang tayo ng Diyos ayon sa Kanyang larawan (Genesis 1:27). Mayroon tayong kakayahang makipag-ugnayan sa Kanya, at kalayaang pumili kung mamahalin at susundin natin Siya o hindi. Pagkatapos Niyang likhain ang daigdig, lubos na nasiyahan ang Diyos sa lahat ng Kanyang nilikha, kasama ang tao.Katotohanan 2: Ang ating problema – pagkahiwalay sa DiyosNang nilikha ng Diyos ang unang lalaki at babae – si Adan at si Eba – inilagay Niya sila sa isang magandang hardin at binigyan ng isang utos: maaari nilang kainin ang mga bunga ng bawat puno, maliban sa isa. Ang pagkain ng ipinagbabawal na bunga ng naturang puno ay mangangahulugan ng kamatayang espirituwal at panghabang-panahong pagkahiwalay mula sa Diyos (Genesis 2:16-17). Nakakalungkot, sumuway (o “nagkasala”) sina Adan at Eba, at sila’y nahiwalay mula sa Diyos (Genesis 3:22-24). Mula noon, bawat tao ay nagkasala na rin (Roma 5:12). Kung hindi natin kasama si Jesus, lahat tayo ay nakakaranas ng ganitong pagkahiwalay mula sa Diyos.Katotohanan 3: Ang solusyon mula sa Diyos – ang krusHindi tayo hinayaan ng Diyos nang walang pag-asa. Ipinadala Niya ang Kanyang Anak, si Jesu-Cristo, para mamatay sa krus at mabuhay na muli. Nang ginawa iyan ni Jesus, binayaran Niya ang parusa para sa ating mga kasalanan, at winakasan ang pagkakahiwalay natin sa Diyos(1 Timoteo 2:5-6). Ang magdadala sa atin sa Diyos ay ang pananampalataya kay Jesu-Cristo, hindi ano pa mang pagsisikap sa sarili nating lakas at kakayahan. Maliligtas lamang tayo sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos (Efeso 2:8-9).Katotohanan 4: Ang ating tugon – tanggapin si CristoNagbigay ang Diyos ng paraan upang makabalik sa Kanya, subalit dapat natin itong tanggapin. Dapat nating tanggapin na tayo ay makasalanan, at pagkatapos ay magsisi tayo. Mahalagang bahagi ng pagsisising kinakailangan natin ay ang pagtalikod sa kasalanan at ang pagbaling at pagsunod kay Jesu-Cristo (Gawa 3:19). Sa pamamagitan ng pananampalataya, dapat tayong magtiwala na binayaran na nga ni Jesus ang parusa ng ating mga kasalanan, at tanggapin Siya bilang Panginoon ng ating buhay. Kapag ginawa natin ito, tayo ay magiging mga anak ng Diyos (Juan 1:12) at magkakaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16).

Page 21: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

PAGBABAHAGI NG IYONG PANANAMPALATAYAKapag ipinapaliwanag mo ang Mabuting Balita, makakatulong na iguhit mo ito sa papel para sa kaibigan na binabahaginan mo. Subukan mong sundan ang apat na pamamaraang ito:

HAKBANG 1: IPALIWANAG ANG MGA KATOTOHANAN.Sa itaas ng iyong papel, isulat ang apat na katotohanan tungkol sa Mabuting Balita. Isulat mo ang mga ito isa-isa at gumamit ng isa o dalawang talata para sa bawat isa. Pagkatapos ay iguhit ang larawan kung saan nasa isang panig ang Diyos at nasa kabilang panig naman ang tao. Habang ginagawa mo ito, ipaliwanag mo ang mga talata na tumutukoy sa pagkakahiwalay ng tao sa Diyos. Gawin ito hanggang maipakita mo kung paano napag-ugnay ng krus ang panig ng Diyos at ang panig ng tao, at kung paano natin matatawid ang tulay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.

Narito ang halimbawa ng larawan:

HAKBANG 2: MAGBIGAY NG ISANG PAANYAYAKung nararamdaman mong inaakay ka ng Banal na Espiritu at nakikita mong positibo ang tugon ng tao sa mga sinasabi mo, maaari mo siyang anyayahan nang tulad nito, “Kung ang paglalarawang ito ay totoo—at lubos akong naniniwala na totoo ito—kung ganoon lahat tayo ay nasa isang panig ng bangin o nasa kabila”

Page 22: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Pagkatapos ay magtanong ka ng ganito: “Nasaang panig ka? Dito o dito?” Kung ang kaibigan mo ay hindi tiyak o alam na naroon siya sa maling panig, ipaalala sa kanya na maaari siyang makatiyak sa kanyang panig sa pamamagitan ng:

1. Pag-amin sa kanyang pangangailangan – na siya ay isang makasalanan2. Pagiging handa sa pagtalikod sa kasalanan (magsisi).3. Pananampalataya na namatay sa krus si Jesu-Cristo at muling nabuhay para sa kanya.4. Pananalangin ng paanyaya kay Jesu-Cristo na pumasok at manguna sa kanyang buhay sa tulong ng Banal na Espiritu.

HAKBANG 3: SAMAHAN SA PANALANGIN ANG TAONG BINABAHAGINAN Sinasabi sa Kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon” (Roma 10:13).

Tandaan, si Jesu-Crsito ang pinto tungo sa buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ng panalangin, makakapasok tayo sa pintuang iyon at tanggapin Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas. Pangunahan ang tao sa simpleng panalangin gaya nito:

Mahal kong Panginoong Jesus, alam kong makasalanan ako at kailangan ko ang Iyong kapatawaran. Naniniwala akong namatay Ka para sa aking mga kasalanan. Nais ko nang talikuran ang aking mga kasalanan. Inaanyayahan kita ngayon sa aking puso at buhay. Gusto kong magtiwala at sumunod sa Iyo bilang aking Panginoon at Tagapagligtas.Sa pangalan ni Jesus. Amen.

HAKBANG 4: BIGYAN NG KATIYAKAN ANG BAGONG MANANAMPALATAYA TUNGKOL SA KANYANG DESISYON.Kung tapat na sinabi ng iyong kaibigan ang panalanging iyon, siya ay isa nang Cristiano at ligtas na mula sa walang hanggang kamatayan! Maaari mong ibahagi sa kanya ang ilang mga talata sa Biblia (tulad ng Juan 5:12-13) upang magkaroon siya ng katiyakan sa bago niyang katayuan sa harap ng Diyos:

FOLLOW-UPKapag tinulungan mo ang isang tao na sumampalataya kay Cristo, tandaan mo na ang taong ito ay isang espirituwal na sanggol (1 Pedro 2:2). Upang lumaki ang sanggol, kailangan niya ng pagkain at pag-aalaga. Ang ibig sabihin ay kailangang mahikayat ang binabahaginan na kaagad magsimulang pag-aralan ang Biblia at manalangin. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paggamit nitong online na pag-aaral sa Biblia. Ibahagi mo kung ano ang natutunan mo mula sa Pamumuhay kay Cristo. Himukin mo rin ang bagong Cristianong ito na maghanap ng isang simbahan na nagtuturo ng Salita ng Diyos para makasama rin niya ang iba pang sumasampalataya kay Cristo at patuloy siyang lumago.

Sagutin ang mga katanungan sa susunod na pahina

Page 23: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

ARALIN 4: Ang Iyong Tugon

Ang isang testigo sa hukuman ay nagpapatotoo na alam niya ang isang pangyayari. Ang isang testigo para kay Cristo ay nagpapatotoo tungkol sa nalalaman niya kay Jesu-Cristo at kung ano ang kahulugan ng personal na pagtitiwala sa Kanya.

1. Ano ang Mabuting Balita na kailangan nating ibahagi sa iba? 1 Corinto 15:1-4

2. Ano ang kapangyarihang taglay ng Mabuting Balita? Roma 1:16

3. Ano ang tatlong bagay na kailangang mayroon ang isang nagpapatotoo?

Mateo 5:16

Gawa 1:8

1 Pedro 1:22-23

4. Balikan ang Aralin 3 tungkol sa pagpapatotoo at ipaliwanag ang paglalarawan ng “Tulay tungo sa Buhay”

5. Kung ang isang tao ay naniniwalang siya ay makasalanan at kailangan niya ng Tagapagligtas, ano ang kailangan niyang gawin?

Gawa 3:19

Juan 10:9

Juan 1:12

6. Ano ang maaaring matiyak ng isang taong sumampalataya kay Jesucristo? Juan 3:16

Page 24: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

PANGHULING KAISIPAN

1. Magsaulo ng dalawang talata nula sa Aralin 4.

Sabihin sa iba ang tungkol kay Cristo: “Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.” - Gawa 1:8

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.” - Mateo 4:19

2. Magpatuloy sa susunod na pahina para matuto kung paano isasaulo ang mga talata mula sa Biblia.

Page 25: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Paano isasaulo ang mga talata sa Biblia

Ang dalawang memory verses na kasama sa bawat aralin ay napakahalagang bahagi para matapos mo ang araling ito ng Pamumuhay kay Cristo. Pagkatapos ng bawat aralin, kabisahin mo ang dalawang talata para sa araling iyon. Pagkatapos mong isulat o ilimbag ang talata at makabisa, ilagay mo ito sa lugar na lagi mong makikita para mareview.

Nagdududa ka ba sa iyong kakayahan na makabisa ang mga talatang ito mula sa Biblia? Narito ang ilang mga tips para matulungan ka: BIGKASIN NG MALAKASSabihin mo nang malakas ang talata para habang binabasa mo ay naririnig mo rin at iniisip. Napansin mo ba ang sarili mo kapag nakikinig ka sa isang awit na bago mo lang naririnig? O kapag may sinasabi sa iyo ang isang tao? Natatandaan ng ating tenga! Gamitin mo ang built-in “memory chip” na ito para mas mabilis kang makapagkabisa ng mga talata.

GAWIN MONG PARE-PAREHO ANG PAGBIGKASAng apat na memory verse cards ay mayroong paksa tulad ng “Isabuhay ang Salita ng Diyos,” at nakasulat din kung ano ang kabanata at talata. Ganito ang gawin mong pakakasunod-sunod sa iyong pagbigkas:

1. Ang Paksa2. Kung saang aklat nanggaling, halimbawa Roma 3:233. Ang talata mismo4. Ulitin kung saang aklat nanggaling

Makakatulong na maging permanente sa iyong kaisipan ang mga talata kapag paulit-ulit na binibigkas mo sa ganitong pagkakasunod-sunod ang mga ito.

BIGKASIN ITO NANG “PHRASE BY PHRASE”Kung sa tingin mo ay napakahaba ng talata, kabisahin mo ito nang paisa-isang phrase o parirala. Pagkakabisa mo sa isang parirala, saka mo idagdag ang susunod hanggang makabisa mo na ang buong talata. Kahit na magsimula ka lang sa tatlo o apat na salita, sabihin mo kung saang aklat nanggaling bago at pagkatapos ng isang parirala.

PAULIT-ULIT MO ITONG BIGKASINAng tunay na sikreto ng pagkakabisa ng mga talata ay pagbabalik-aral, pagbabalik-aral . pagbabalik-aral Bigkasin nang madalas ang talata, habang humihingi ng tulong sa Diyos na tulungan kang maintindihan itong mabuti at maisabuhay mo ito.

Page 26: Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ... · PDF fileisang kabanata araw-araw. ... 16, namarahil ay ang pinakasikat na talata sa Biblia, kung paano ka magkakaroon

Pamumuhay kay Cristo - Pag-aaral ng Biblia sa pamamagitan ng apat na aralin

Pagtatapos sa kurso

Congratulations! Natapos mo na ang araling ito habang nagsisimula ka ng iyong bagong buhay kay Cristo. Huwag mong kalilimutang manalangin at magbigay ng oras sa pagbabasa ng Biblia araw-araw. At kung wala ka pang nakikitang simbahan, hinihimok kitang maghanap na.

Huwag mong kalimutan kung bakit kailangan nating magsimba. Hindi tayo nagsisimba para lang maaliw o para lang makipag-sosyalan. Nagsisimba tayo dahil gusto ng Diyos na lumago ang ating mga espiritu, at para mangyari ito ay kailangan nating makisalamuha sa iba pang mananampalataya. Kailangan mo sila at kailangan ka rin nila. Kailangan mong marinig ang Salita ng Diyos, at kailangan mo rin ng mga oportunidad na maglingkod kay Cristo. Kapag hindi tayo

nakisalamuha sa iba pang mananampalataya, nagiging tigang at walang bunga ang ating buhay espirituwal.

Sinasabi sa Biblia, “Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.” (Hebreo 10:25). Ipanalangin mo sa Diyos na dalhin ka sa simbahang inihanda Niya para sa iyo. Ipanalangin mo rin na tulungan ka Niyang maging angkop ang iglesyag ito sa iyo, at lumago ang iyong pananampalataya sa pamamagitan nito.

Ang mga talata ay mula sa Magandang Balita Biblia 2005 c Philippine Bible Society. Ginamit na may pahintulot ng Philippine Bible Society.