pan ulaan

3
Panulaan Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Ang artikulong ito ay hindi sumisipi ng anumang sanggunian o pinagmulan . (Nobyembre 2009) Tumulong sa pagpaganda ng artikulo sa pagdagdag ng mga sipi sa mga makakatiwalaang pinagmulan . Ang hindi matiyak na nilalaman ay maaaring mapagdudahan at matanggal. Tumuturo dito ang Berso. Para sa berso sa awitin, magtungo sa Berso (musikang popular) . Para sa gulay, pumunta sa Bersa . Si Walt Whitman ay tanyag sa ika-19 dantaong Amerikanong panulaan. Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay . Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing- waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba. Mga nilalaman 1 Mga uri ng tula 2 Mga sangkap ng tula

Upload: merlyn-thoennete-arevalo

Post on 15-Jan-2016

236 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

kahulugan ng panulaan

TRANSCRIPT

Page 1: Pan Ulaan

PanulaanMula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Ang artikulong ito ay hindi sumisipi ng anumang sanggunian o pinagmulan. (Nobyembre 2009)Tumulong sa pagpaganda ng artikulo sa pagdagdag ng mga sipi sa mga makakatiwalaang pinagmulan. Ang hindi matiyak na nilalaman ay maaaring mapagdudahan at matanggal.

Tumuturo dito ang Berso. Para sa berso sa awitin, magtungo sa Berso (musikang popular). Para sa gulay, pumunta sa Bersa.

Si Walt Whitman ay tanyag sa ika-19 dantaong Amerikanong panulaan.

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.

Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

Mga nilalaman

1 Mga uri ng tula 2 Mga sangkap ng tula 3 Tingnan din 4 Mga link na panlabas

Mga uri ng tula

Liriko o pandamdaming tula Awit - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman Dalit/Himno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.

Page 2: Pan Ulaan

Elehiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal) Soneto - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding

pagkukuro-kuro Patnigan Duplo Balagtasan Naratibo o nagsasalaysay Padula/Drama

Mga sangkap ng tula

Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.

Sukat - bilang ng pantig ng tula. Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.

o Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.

o Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.

o Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma: Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig Mga nagtatapos sa l,m, n, ng, w, r, y

Sining o kariktan - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa.

Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay. o Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang

ilantad ang talinghaga sa tula Anyo - porma ng tula. Tono/Indayog - diwa ng tula. Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan