pang abay

20
PANG-ABAY

Upload: rhich-praxides

Post on 20-Jun-2015

12.128 views

Category:

Education


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pang Abay

PANG-ABAY

Page 2: Pang Abay

• Istruktural na kahulugan: ang pang-abay ay makikilala dahil kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala.

• Pansemantikang kahulugan: ito ay nagbibigay- turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-abay.

Page 3: Pang Abay

Mga Uri ng Pang-Abay

Page 4: Pang Abay

Pang-abay na Kataga o Ingklitik

Mga katagang laging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan.

• Ba daw/raw pala man• Kasi din/rin tuloy muna• Kaya naman nga lamang/lang• Na yata pa sana

Page 5: Pang Abay

Halimbawa:

• Nailigtas ba ang mga minerong natabunan sa minahan?

• Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring sakuna.

• Kumain muna kayo bago umalis.• Matalino naman siya kahit masungit.

Page 6: Pang Abay

Pang-abay na salita o parirala1. Pang-abay na Pamanahon: ay nagsasaad kung

kalian naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

Pamanahong may Pananda(nang, sa, noong, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,

umpisa, hanggang)

Halimbawa: • Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw?• Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan.• Tuwing Pasko ay nagtitipun-tipon silang mag-

anak.

Page 7: Pang Abay

Pamanahong walang Pananda(kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas,

sandali, atb.)Halimbawa:

• Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino sa CCP.

• Panauhing pandangal ang Pangulong Marcos sa pagkakaloob ng Gantimpalang TOYM mamaya.

• Ipinagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika – 40 na kaarawan.

Page 8: Pang Abay

Pamanahong nagsasaad ng Dalas(araw-araw, oras-oras, taun-taon, atb.)

Halimbawa:• Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng

santakrusan.• Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang

mapanatili ang kanyang kalusugan.• Taun-taon ay dapat tayong magbayad ng buwis

para sa ikapagtatagumpay ng mga proyekto ng pamahalaan.

Page 9: Pang Abay

2. Pang-abay na Panlunan: tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa.

Halimbawa:• sa + pangngalang pambalana

Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.

• sa + pangngalang pantanging di ngalan ng tao Maraming nagsasaliksik sa U.P., sa Ateneo, at

sa PNC tungkol sa wika

Page 10: Pang Abay

• sa + panghalip na panao Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo.

• sa + panghalip na pamatnig Nagluto sa ganito ang kanyang ina.

• Kay/kina + pangngalang pantanging ngalan ng tao Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng

keyk para sa iyong kaarawan. Sasama ako kay Mitch para gumawa ng takdang

aralin.

Page 11: Pang Abay

3. Pang-abay na Pamaraan: ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinahayag ng pandiwa o ng isang kayariang hango sa pandiwa.

Halimbawa:• Kinamayan niya ako nang mahigpit.• Natulog siya nang patagilid.• Bakit siya umalis na umiiyak?

Page 12: Pang Abay

4. Pang-abay na Pang-agam: ang tawag sa mga pang-abay na nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.

Halimbawa:• Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa

desisyon ng Sandiganbayan.• Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa

Pilipinas.• Waring natutupad din ang ating mga pangarap.

Page 13: Pang Abay

5. Pang-abay na Kundisyunal: nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Pinangungunahan ng kung, kapag, o pag, at pagka-

Halimbawa:• Matutupad ang mga layunin ng ating pamahalaan

para sa bayan kung buong-puso tayong makikipagtulungan sa mga maykapangyarihan.

• Luluwang ang ekonomiya ng bayan kapag nakapagtatag ng maraming industriya dito sa atin.

• Maraming dolyar ang papasok sa Pilipinas kapag nakapagbibili tayo ng langis sa ibang bansa.

Page 14: Pang Abay

6. Pang-abay na Panang-ayon: ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ang ilan sa ganitong pang-abay ay oo, opo, tunay, talaga, atb.

Halimbawa:• Opo, susundin ko po ang utos ninyo.• Tunay, na maganda siya.

Page 15: Pang Abay

7. Pang-abay na Pananggi: yaong pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi. Tulad ng hindi/di at ayaw.

Halimbawa: • Hindi pa lubusang nagagamot ang sakit na

kanser.• Ngunit marami pa rin ang ayaw tumigil sa

pagsisigarilyo.

Page 16: Pang Abay

8. Pang-abay na Panggaano o Pampanukat: yaong nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na gaano o magkano?

Halimbawa:• Tumaba ako nang limang libra.• Dinagdagan niya ang biniling lansones nang

apat na guhit.• Tumagal nang limang oras ang operasyon

niya.

Page 17: Pang Abay

9. Pang-abay na Kusatibo: nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.

Halimbawa:• Nagkasakit si Mhina dahil sa

pagpapabaya sa katawan.• Mapapaniwala ko siya dahil dito.

Page 18: Pang Abay

10. Pang-abay na Benepaktibo: nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagganap sa kilos ng pandiwa o layunin ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:• Mag-aroskaldo ka para sa maysakit.• Magbenta ka ng mga alaga mong manok

para sa matrikula mo.

Page 19: Pang Abay

11. Pang-abay na Pangkaukulan: pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol.

Halimbawa: • Nagplano kami tungkol sa gagawin nating

pagdiriwang.• Nagtapat siya sa ina hinggil sa kanilang

pagiging magnobyo.

Page 20: Pang Abay

12. Pang-abay na pamitagan: nagsasad ng paggalang.

Halimbawa:• Kailan po kayo uuwi?• Opo, aakyat na po ako.