pang angkop

10
FILIPINO VI Magandang Umaga!!!

Upload: joann-salalila-aquino

Post on 30-Nov-2015

1.594 views

Category:

Documents


263 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pang Angkop

FILIPINO VI

Magandang Umaga!!!

Page 2: Pang Angkop

Romy: Saan kaya natin magandang ilagay ang streamer?Dina: Doon sa madaling makita.Romy: Saan nga?Dina: Sa may pader. Madali itong mababasa ng mga tao. Romy: Hindi puwede. Marami nang nakadikit na babala roon.Dina: Alam ko na. Bakit hindi natin ito isabit sa mga punong nasa daan?Romy: Oo nga. Isabit natin ito sa mga punong nasa magkabilang daan. Maraming tao ang makakakita rito.

Page 3: Pang Angkop

Tuklasin:Pansinin ang usapan ng

magkaibigan. May ginamit na mga kataga na nag-uugnay sa mga salita.Halimbawa:

magandang ilagaymadaling makitaitong mababasanakadikit na babalapunong nasa magkabilang daan

Ano ang gamit sa mga pahayag ng pang-ugnay na

–ng at na?

Page 4: Pang Angkop

Tuklasin:Ginagamit na pang-ugnay ang mga katagang ito ng

salitang naglalarawan ng salitang inilalarawan.

Tinatawag na pang-angkop ang na at -ng

Halimbawa:

batang masipag

mabait na bata

Page 5: Pang Angkop

Ang mga pang-ugnay na –ng at na ay tinatawag na pang-angkop. Ginagamitan ang mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawan

Tandaan

Page 6: Pang Angkop

Gawin:

A. Buuin ang mga pangungusap sa paglalagay ng na at -ng. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Umalis patungo______ probinsya ang mag-anak.2. Bibisitahin nila ang kanila______ mga kamag-anak.3. Mangunguha rin sila ng sariwa______prutas at gulay sa bukid.4. Maliligo rin sila sa malinis _______ilog sa tabi ng kanila_______bahay5. Makikipaghabulan din sila sa mga hayop _______maamo sa parang.

B. Gamitin sa pangungusap ang mga parirala na may na at –ng.

1. tulay na kawayan2. buhanging pino3. sariwang hangin4. mapuputing bato at malinaw na tubig5. matataas na bundok

Page 7: Pang Angkop

A. Piliin ang mga pang-angkop na –ng at na sa bawat pangungusap. Sabihin ang dalawang salita na pinag-uugnay ng mga ito.

1. Maraming magagandang balak si Linda sa kanyang pagtatapos.

2. Ipinangako niya sa sariling lalo siyang magsisipag sa pag-aaral.

3. Siya ay dating tamad na mag-aaral.4. Ngunit ngayong pasukan ay nagbago na siya.5. Matiyagang nagbabasa siya ng aklat.6. Kahit makapal na aklat ay tinatapos niyang basahin.7. Maraming bagong kaalaman siyang nakukuha sa mga aklat.8. Tahimik na aklatan ang paborito niyang puntahan.9. Maraming aklat siyang nahihiram dito.10. Umuuwi siyang masaya pagkagaling sa aklatan.

Paunlarin:

Page 8: Pang Angkop

B. Sumulat ng mga nais mong gawin ngayon na magtatapos ka na sa elementarya. Ituloy ang sumusunod na pahayag. Gawin ito sa kuwaderno.

1. Nais kong….2. Nangangako ako na….3. Hindi na ako….4. Lalo kong….5. Magiging masipag….

Paunlarin:

Page 9: Pang Angkop

  Napakahalaga (1) ____ imulat ang ating mga kabataan sa pagkilala sa mga katutubo (2)____ likha (3)____ sining ng ating mga ninuno. Ipagmaaki sa buong daigdig (4)____ ang tatak-Pilipino ay dapat ibandila kaninuman, saanman, at kailanman. Maihahasik ng mga guro sa kabataan ang tunay (5)____ pag-ibig sa sariling (6)____ bayan. Gamitin (7) ____ lunsaran ang mga babasahin (8)____ pampanitikan sa pagtuturo. Marami tayo (9)____ maiikling katha, sanaysay, at tula (10)____ makabayan (11) ____ makatutulong sa paghubog ng mura (12) ____ isipan.

C. Basahin ang mga talata. Tukuyin ang tamang pang-angkop para sa mga puwang upang mabuo ang talata. Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel

Page 10: Pang Angkop

Salamat po!!!