pang angkop

Upload: joann-salalila-aquino

Post on 02-Mar-2016

660 views

Category:

Documents


25 download

TRANSCRIPT

  • FILIPINO VI

    Magandang Umaga!!!

  • Romy: Saan kaya natin magandang ilagay ang streamer?Dina: Doon sa madaling makita.Romy: Saan nga?Dina: Sa may pader. Madali itong mababasa ng mga tao. Romy: Hindi puwede. Marami nang nakadikit na babala roon.Dina: Alam ko na. Bakit hindi natin ito isabit sa mga punong nasa daan?Romy: Oo nga. Isabit natin ito sa mga punong nasa magkabilang daan. Maraming tao ang makakakita rito.

  • Tuklasin:Pansinin ang usapan ng magkaibigan. May ginamit na mga kataga na nag-uugnay sa mga salita.Halimbawa:magandang ilagaymadaling makitaitong mababasanakadikit na babalapunong nasa magkabilang daanAno ang gamit sa mga pahayag ng pang-ugnay na ng at na?

  • Tuklasin:Ginagamit na pang-ugnay ang mga katagang ito ngsalitang naglalarawan ng salitang inilalarawan.Tinatawag na pang-angkop ang na at -ngHalimbawa:batang masipagmabait na bata

  • Ang mga pang-ugnay na ng at na ay tinatawag na pang-angkop. Ginagamitan ang mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawanTandaan

  • Gawin: A. Buuin ang mga pangungusap sa paglalagay ng na at -ng. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

    1. Umalis patungo______ probinsya ang mag-anak.2. Bibisitahin nila ang kanila______ mga kamag-anak.3. Mangunguha rin sila ng sariwa______prutas at gulay sa bukid.4. Maliligo rin sila sa malinis _______ilog sa tabi ng kanila_______bahay5. Makikipaghabulan din sila sa mga hayop _______maamo sa parang.

    B. Gamitin sa pangungusap ang mga parirala na may na at ng.

    tulay na kawayanbuhanging pinosariwang hanginmapuputing bato at malinaw na tubigmatataas na bundok

  • A. Piliin ang mga pang-angkop na ng at na sa bawat pangungusap. Sabihin ang dalawang salita na pinag-uugnay ng mga ito.Maraming magagandang balak si Linda sa kanyang pagtatapos.Ipinangako niya sa sariling lalo siyang magsisipag sa pag-aaral.Siya ay dating tamad na mag-aaral.Ngunit ngayong pasukan ay nagbago na siya.Matiyagang nagbabasa siya ng aklat.Kahit makapal na aklat ay tinatapos niyang basahin.Maraming bagong kaalaman siyang nakukuha sa mga aklat.Tahimik na aklatan ang paborito niyang puntahan.Maraming aklat siyang nahihiram dito.Umuuwi siyang masaya pagkagaling sa aklatan.Paunlarin:

  • B. Sumulat ng mga nais mong gawin ngayon na magtatapos ka na sa elementarya. Ituloy ang sumusunod na pahayag. Gawin ito sa kuwaderno.Nais kong.Nangangako ako na.Hindi na ako.Lalo kong.Magiging masipag.Paunlarin:

  • Napakahalaga (1) ____ imulat ang ating mga kabataan sa pagkilala sa mga katutubo (2)____ likha (3)____ sining ng ating mga ninuno. Ipagmaaki sa buong daigdig (4)____ ang tatak-Pilipino ay dapat ibandila kaninuman, saanman, at kailanman. Maihahasik ng mga guro sa kabataan ang tunay (5)____ pag-ibig sa sariling (6)____ bayan. Gamitin (7) ____ lunsaran ang mga babasahin (8)____ pampanitikan sa pagtuturo. Marami tayo (9)____ maiikling katha, sanaysay, at tula (10)____ makabayan (11) ____ makatutulong sa paghubog ng mura (12) ____ isipan. C. Basahin ang mga talata. Tukuyin ang tamang pang-angkop para sa mga puwang upang mabuo ang talata. Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel

  • Salamat po!!!

    Bayang magiliw,Perlas ng silanganan,ito ang mga unang Salita ng ating pambansang awit,na ang musika ay likha ni Julian Felipe,Ang pambansang awit ay tinugtog at inawit Sa pagbubukas ng paaralan sa umaga,na siya ring tinugtog noong Hunyo 12,1898 sa Kawit,Cavite nang iproklama ang kasarinlan ng Pilipinas. Isinilang si Felipe sa Cavite,noong Enero 28, 1861.Bunso sya sa 12 anak nina Justo Felipe at Victoria Reyes.Sinasabing maaring nakuha niya ana kanyang kakayahan sa musika sa kanyang ama na miyembro ng koro ng simbahan.*