pangarap ni janna denise fronteras
TRANSCRIPT
PangarapJanna Denise Y. Fronteras; 2 – St. Francis Xavier
Sa buong magdamag ay di makatulogDahil puso ko ay kumakabog- kabog;Ikaw lamang aking tanging iniirogPagpupunyagi sa ‘yo inihahandog.
Alam ko lingid ‘to sa kaalaman mo
Di mo pansin ang aking pagsusumamo;
Lahat ay gagawin para lamang sa ’yo
Kahit mahirap, iindahin ko ito.
Sa ‘king daigdig, ikaw ang tanging ilaw
Inaasam ang ‘yong tinig bawat araw;
Para akong sorbetes na natutunaw
‘Pag nakikita kita at natatanaw.
Susungkitin sa langit, mga bituin
Upang pag-ibig mo ay aking maangkin;
Pangako, ikaw ang tanging mamahalin
Pero alam kong ‘di ako pipiliin.