panghalip (kami, kayo..)
DESCRIPTION
TRANSCRIPT
Kami, Tayo, Kayo at Sila
(Panghalip)
Tignan ang larawan ng pamilya. Ano ang napapansin niyo sa kanila?
Basahin natin ang isang maikling tula tungkol sa masayang pamilya Masaya
Kami ay masayaSilang lahat ay masayaKayo ba at masaya?Tayong lahat ay masayang-masayaKapag ang pamilya ay sama-sama
Bakit nga ba mahalaga na masaya ang isang pamilya?
Paano natin mapapanatili na masaya ang isang pamilya?
Basahin natin ang mga sumusunod na salita
Kami Sila
Tayo Kayo
Ang kami, tayo, sila at kayo ay mga salitang pamalit sa ngalan ng tao upang maging kanais-nais itong pakinggan o basahin. Tinatawag din ito na mga panghalip.
Kami - ginagamit bilang pamalit sa pangalan ng taong nagsasalita at ng kanyang mga kasama
Halimbawa:
Kami ay magkakamag-anak.
Kami ay magkakamag-anak.
Nagsasalita
Kasama
Tayo - ginagamit bilang pamalit sa pangalan ng taong nagsasalita at ng kanyang mga kasama at kausap.
Halimbawa:
Tayo magbabasa ng isang kwento.
Nagsasalita
Kasama at Kausap
Tayo ay magbabasa ng isang kwento
Kayo - ginagamit bilang pamalit sa pangalan ng dalawa o higit pang tao na kinakausap
Halimbawa:
Kayo po ba ang mga bisita ng aking lola?
Nagsasalita
Kausap
Kayo po ba ang mga bisita ng aking lola?
Sila - ginagamit bilang pamalit sa pangalan ng dalawa o higit pang tao na pinag-uusapan
Halimbawa:
Sila ang aming lolo at lola.
Nagsasalita Kinakausap
Nag-uusap
Pinag-uusapan
Sila ang aming lolo at lola.
Panghalip Ginagamit na pamalit sa…
Kamingalan nagsasalita at ng
kanyang kasama
Tayongalan ng nagsasalita,
kanyang kasama at kausap
Kayongalan ng dalawang tao o
higit pa na kausap
Sila ngalan ng dalawa o higit pang
tao na pinag-uusapan
Pagsasanay
1. Sagutan ang Subukin Pa Natin sa sa pahina 275-276 ng Pluma 1
Takdang Aralin
1. Sagutan ang Tiyakin Na Natin sa pahina 277-278 ng Pluma 1