pangngalan

11
Pangngalan Linda Reyes

Upload: giacomo-bradley

Post on 03-Jan-2016

1.893 views

Category:

Documents


88 download

DESCRIPTION

Pangngalan. Linda Reyes. Ano ang pangngalan ?. Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao , bagay , pook , o pangyayari . Halimbawa:  Juliet Lazaro  lapis  eskuwela  Pasko. Mga Uri ng Pangngalan. Ito ay maaaring  pantangi  o  pambalana . - PowerPoint PPT Presentation

TRANSCRIPT

Page 1: Pangngalan

Pangngalan

Linda Reyes

Page 2: Pangngalan

Ano ang pangngalan?

• Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari.

• Halimbawa:o  Juliet Lazaroo  lapiso  eskuwelao  Pasko

Page 3: Pangngalan

Mga Uri ng Pangngalan

• Ito ay maaaring pantangi o pambalana.

• Pangngalang Pantangi: tumutukoy sa pangalan ng tao, pook, o pangyayari; nagsisimula sa malaking titik kung isinusulat

o Halimbawa: Gloria Macapagal Arroyo, Nueva Vizcaya, Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Page 4: Pangngalan

Mga Uri ng Pangngalan

• Pangngalang Pambalana: tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari

o Halimbawa: bata, babae, lalake, mesa, silya, hardin, kaarawan

Page 5: Pangngalan

Mga Uri ng PangngAlan

• Ito ay maaaring tahas o basal.

• Pangngalang Tahas: mga bagay o materyal na iyong nakikita o nahahawakano lansak: iisang uri ng mga tao o bagay

Halimbawa: armi, barkada, banda, tropao di palansak: mga bagay na isinasaalang-

alang nang isa-isaHalimbawa: nanay, bata, mesa, pagkain

Page 6: Pangngalan

Mga Uri ng Pangngalan

• Pangngalang Basal: mga bagay na di materyal at mga bagay na matatagpuan lamang sa diwa o kaisipano Halimbawa: pag-ibig, panahon, pilosopiya

Page 7: Pangngalan

Kayarian ng Pangngalan

1.Payak (common) Halimbawa: nars, lapis, ibon

2.Maylapi (with affix) Halimbawa: kagitingan, pag-ibig

3.Inuulit (repeated) bahay-bahay, bayan-bayan

4.Tambalan (compound)1. Halimbawa: Punong-kahoy, bahay-kubo, hanapbuhay

Page 8: Pangngalan

Pambabae: mga pangngalan na tumutukoy lamang sa babae

Halimbawa:• doktora• ina• weytres• prinsesa• ninang• Maria• lola

Panlalake: mga pangngalan na tumutukoy lamang sa lalake

Halimbawa:• doktor• ama• weyter• prinsipe• ninong• Mario• lolo

Kasarian ng Pangngalan

Page 9: Pangngalan

Kasarian ng Pangngalan

• Di-tiyak: mga pangngalang 'di matiyak kung ang tinutukoy ay babae o lalakeo Halimbawa: sanggol, magulang, kapatid, kapitbahay,

tao, kamag-anak, pinsan, pamangkin, estudyante

• Walang kasarian: mga pangngalan na mga bagay na walang buhayo Halimbawa: mesa, bolpen, kompyuter, papel

Page 10: Pangngalan

Mga Pananda ng Pangngalan

BILANG ANG NG SA PARA SA

PANANDA PARA SA PANGNGALANG PAMBALANA

ISAHAN ang ng sa para sa

MARAMIHAN ang mga ng mga sa mga para sa mga

PANANDA PARA SA PANTANGING NGALAN NG TAO

ISAHAN si ni kay para kay

MARAMIHAN sina nina kina para kina

Page 11: Pangngalan

halimbawa

1. Bumili si Rose ng libro.

2. Si Mary, na kaibigan ko, ay nariyan.

3. Pulutin mo ang pera.

4. Si Jose Rizal ay Pambansang Bayani ng Pilipinas.

5. Igalang mo ang ukol sa relihiyon.