pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga pilipino ......mga suliranin •sa panahon ng...

12
Pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan.

Upload: others

Post on 26-Feb-2021

74 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino ......Mga Suliranin •Sa panahon ng pamumuno ni Ramos ay nakaranas ng mga suliranin ang bansa na nakaapekto sa katatagan

Pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula

1986 hanggang sa kasalukuyan.

Page 2: Pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino ......Mga Suliranin •Sa panahon ng pamumuno ni Ramos ay nakaranas ng mga suliranin ang bansa na nakaapekto sa katatagan

Ang Bagong Saligang Batas ng

Pilipinas

• Ang saligang-batas o konstitusyon ay kalipunan ng mga patakaran at simulain upang maisakatuparan ng estado ang kapangyarihan nito. Itinuturing itong pinakamataas na umiiral na batas sa bansa at nakaayon dito ang lahat ng iba pang batas sa bansa.

• Mula sa deklarasyon ng kasarinlan noong 1898, ang Pilipinas ay nagkaroon ng tatlong saligang-batas. Ito ang Saligang-Batas ng 1935, Saligang-Batas ng 1973, at Saligang-Batas ng 1987 (na ginagamit hanggang sa kasalukuyan). Ilan pang nagdaang konstitusyon at mga organic act ang Konstitusyon ng Malolos (1899-1901), Organic Act ng 1902, Philippine Autonomy Act ng 1916, Konstitusyon ng 1943 (1943-1945), at Freedom Constitution ng 1986.

Page 3: Pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino ......Mga Suliranin •Sa panahon ng pamumuno ni Ramos ay nakaranas ng mga suliranin ang bansa na nakaapekto sa katatagan

Ang Administrasyon ni Corazon

Cojuanco-Aquino (1986-1992)

Si Corazon C. Aquino ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas at unang pangulo ng Ikalimang Republiko. Panlabing-isa siya sa lahat ng mga nagging pangulo ng bansa. Siya ay iniluklok sa puwesto ng sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng EDSA People Power. Agad niyang ibinalik ang kalayaan at demokrasya at pinairal ang mga probisyon ng bagong konstitusyon. Ang kaniyang pamahalaan ay malugod na binigyan ng pagkilala ng Estadod Unidos at ng iba pang bansa sa mundo. Iba’t ibang programa ang ipinatupad ng pamahalaang Auino. Layunin ng mga programang ito na maibangon ang bagsak na ekonomiya ng bansa at magbigay ng serbisyo-publiko sa mamamayang Pilipino. Ang ilan sa kaniyang mga programa ay ang sumusunod:

Page 4: Pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino ......Mga Suliranin •Sa panahon ng pamumuno ni Ramos ay nakaranas ng mga suliranin ang bansa na nakaapekto sa katatagan

• Pagpapalaya sa mga bilanggong political • Pagtatag ng Presidential Commision on Human

Rights • Pagtatatag ng Presidential Commision on Good

Government • Pagpapanibagong tatag ng Department of Social

Welfare and Development • Pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian

Reform Program (CARP 1988) • Pagpapatupad ng Generic Drugs Law • Pinagtibay ng Philippine National Police Law • Pagpapatibay sa Local Government Code of 1991 • Libreng pag-aaral sa hayskul

Page 5: Pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino ......Mga Suliranin •Sa panahon ng pamumuno ni Ramos ay nakaranas ng mga suliranin ang bansa na nakaapekto sa katatagan

Mga Suliranin • Ang administrasyong Aquino ay naharap sa mga suliraning

humamon sa katatagan ng pamahalaan. Pangunahin sa mga ito ang makailang ulit na pagsasagawa ng kudeta o ang pang-aagaw sa kapangyarihan gamit ang puwersa. Karaniwan itong inilulunsad ng maliit na pangkat mula sa hanay ng military.

• Simula 1986 hanggang 1989 ay nakaranas ng anim na kudeta ang pamahalaang Aquino. Ang RAM ang pangunahing pangkat na pinaniniwalaang responsible sa mga pag-aalsang ito. Ang ilan sa mga itinuturong pinuno ng mga pag-aalsang ito ay sina Tenyente-Koronel Gregorio Honasan, Rolando Abadilla, at iba pang pinuno ng Ram. Bagama’t nagapi ang mga pag-aalsang ito ay bumaba naman ang tiwala ng mga namumuhunan na magtayo ng negosyo sa bansa.

Page 6: Pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino ......Mga Suliranin •Sa panahon ng pamumuno ni Ramos ay nakaranas ng mga suliranin ang bansa na nakaapekto sa katatagan

Ang Administrasyon ni Fidel Valdez

Ramos (1992-1998)

Si Fidel V. Ramos ay dating Vice-Chief of Staff sa rehimeng Marcos. Isa rin siya sa namuno sa Rebolusyon sa EDSA sa panig ng mga military at nakahimok ng libong sundalo upang makiisa. Muli siyang itinalagang Kalihim ng Tanggulang Pambansa sa ilalim ng administrasyon ni Cory Aquino. Sa panahon ng kaniyang pagkapangulo ay hinangad niya na ang kaniyang administrasyon ay maging daan upang maging handa ang Pilipinas sa hamon ng globalisasyon particular sa ekonomiya. Naging tuon ng pamahalaang Ramos ang industriyalisasyon o paglago ng mga industriya sa bansa. Ang mga programang ipinatupad niya upang makamit ng bansa ang inaasahan nitong pag-unlad:

Page 7: Pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino ......Mga Suliranin •Sa panahon ng pamumuno ni Ramos ay nakaranas ng mga suliranin ang bansa na nakaapekto sa katatagan

• Ipinatupad ang Philippines 2000 o Medium-Term Philippine Development Plan (MTPDP)

• Isinulong ang usaping pangkapayapaan sa Moro National Liberation Front (MNLF)

• Nilutas ang suliranin sa malawakang blackout

• Inalis ang mga patakarang hadlang sa pagsisimula ng malayang kalakalan

• Itinatag ang Presidential Anti-Crime Commision (PACC)

Page 8: Pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino ......Mga Suliranin •Sa panahon ng pamumuno ni Ramos ay nakaranas ng mga suliranin ang bansa na nakaapekto sa katatagan

Mga Suliranin

• Sa panahon ng pamumuno ni Ramos ay nakaranas ng mga suliranin ang bansa na nakaapekto sa katatagan ng ekonomiya at pamahalaan. Ang ilan sa mga suliraning ito ay ang sumusunod:

• Asian Financial Crisis– bumaba ang halaga ng piso at tumaas naman ang presyo ng dolyar at iba pang salaping dayuhan na kailangan ng Pilipinas upang makabili ng mga kailangan nitong produkto at makapagbayad ng utang nito.

• Protesksiyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW)- Ipinatupad ng pamahalaan ang Batas Republika blg. 8042 o ang Migrant Worker Act na naglalayong bigyan ng proteksiyon ang mga OFW habang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Page 9: Pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino ......Mga Suliranin •Sa panahon ng pamumuno ni Ramos ay nakaranas ng mga suliranin ang bansa na nakaapekto sa katatagan

• Pagtatayo ng Tsina ng mga Estruktura sa Mischief Reef– Noong 1995 ay natuklasan ng Philippine Navy na may itinayong estrukturang military ang mga Tsino sa Mischief Reef, isa sa pulutong ng coral reef sa Spratly Islands. Kaagad nagpadala ng mga barko, helikopter, at eroplano ang Pilipinas at nahuli ang mga Tsino na natagpuan nila rito.

• Nagpadala rin ng protesta ang Pilipinas sa Tsina sa natuklasang mga estrukturang Tsino. Itinanggi ng Tsina na pangmilitar ito at sinabing ito ay himpilan lamang ito ng mga mangingisdang Tsino kung panahon ng tag-ulan.

Page 10: Pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino ......Mga Suliranin •Sa panahon ng pamumuno ni Ramos ay nakaranas ng mga suliranin ang bansa na nakaapekto sa katatagan

Mga Isyu at Hamon • Pagtaas ng bilang ang mga krimen na

nagging sanhi ng karumal-dumal na kamatayan ng mga nagging biktima, ang nag-udyok kay Ramos na ipatupad noong 1993 ang Batas Republika blg. 7659 o ang Death Penalty Law. Ang mga taong nagkasala ng pagpatay, panggagahasa, pagdukot ng tao, at iba pang karumal-dumal na krimen ay papatawan ng parusang kamatayan.

Page 11: Pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino ......Mga Suliranin •Sa panahon ng pamumuno ni Ramos ay nakaranas ng mga suliranin ang bansa na nakaapekto sa katatagan

•Noong 1997 ay nagging usapaan ang isyu ng charter change o pagpalitan ng ilang probisyon ng Saligang-Batas ng 1987. Ang samahang People’s Initiative for Reform, Modernaization, and Action o PIRMA ay nangalap ng lagda ng isang milyong Pilipino upang maipakita ang pagsuporta sa charter change.

Page 12: Pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino ......Mga Suliranin •Sa panahon ng pamumuno ni Ramos ay nakaranas ng mga suliranin ang bansa na nakaapekto sa katatagan

• Ang isyu ng korupsiyon ay nagging banta rin sa katatagan ng pamahalaan sa panahon ni Ramos. Ang PEA-AMARI Land Deal ay isa lamang sa mga proyekto na isinasangkot sa isyu ng korupsiyon sa pamamahala ni Ramos. Ang AMARI ay pribadong kompanyang dayuhan sa nagsagawa ng reklamasyon o pagtatambak ng lupa sa bahaging tubig ng isang pook. Sa pagsang-ayon ng ahensiya ng pamahalaan na Public Estates Authority (PEA), nagsagawa ng reklamasyon ang Amari sa Freedom Island at kalapit nitong katubigan sa Manila Bay.