pangungusap

26
Paano mo ipinapakita ang pagiging HOSPITABLE?

Upload: rey-clifford-marollano

Post on 17-Nov-2014

2.747 views

Category:

Documents


14 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Pangungusap

• Paano mo ipinapakita ang pagiging HOSPITABLE?

Page 2: Pangungusap

P UN SG PAANGU

Page 3: Pangungusap

Ano ba ang pangungusap?

Page 4: Pangungusap

• Ito ay grupo ng mga salita at/o isang sambitlang may patapos na himig sa dulo.

Page 5: Pangungusap

HALIMBAWA:• Nanay!• Aray!• May sunog!• Halika.• Umuulan.• Opo.• Magandang umaga po.

Page 6: Pangungusap

S a n g k a p

• Paksa• Panaguri

Page 7: Pangungusap

paksa

• Ito ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap.

Page 8: Pangungusap

panaguri

• Ito ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa.

Page 9: Pangungusap

Mga Uri ng Paksa at Panaguri

1. PAKSANG PANGNGALAN

HAL:Naghihintay ng ulan ang mga magsasaka.

1. PANAGURING PANGNGALAN

HAL:Tungkol sa pagbabayad ng buwis ang editoryal ngayon.

Page 10: Pangungusap

2. PAKSANG PANGHALIP

HAL:Kami ay delegasyon ng Pilipinas.

2. PANAGURING PANGHALIP

HAL:Siya ang puno ng barangay.

Page 11: Pangungusap

3. PAKSANG PANG-URI

HAL:Hinahangaan ang matatalino.

3. PANAGURING PANG-URI

HAL:Malinamnam ang manggang hinog.

Page 12: Pangungusap

4. PAKSANG PANG-ABAY

HAL:Ang dito ay maghintay muna.

4. PANAGURING PANG-ABAY

HAL:Bukas ang alis ng mga turista.

Page 13: Pangungusap

5. PAKSANG PANDIWA

HAL:Huwag mong gambalain ang nananalangin.

5. PANAGURING PANDIWA

HAL:Nagsasaka siya.

Page 14: Pangungusap

6. PAKSANG PAWATAS

HAL:• Hilig niya ang

magtinda.• Kinalilibangan ko

ang magbasa.

6. PANAGURING PAWATAS

HAL:Manggamot ang naging trabaho niya sa nayon.

Page 15: Pangungusap

ANTAS

Page 16: Pangungusap

PAKSA

• Buong Paksa• Payak na Paksa

• Ang mabuting bata ay kinagigiliwan ng marami. • Ang mabuting

bata ay kinagigiliwan ng marami.

Page 17: Pangungusap

PANAGURI

• Buong Panaguri• Payak na

Panaguri

• Ang mabuting bata ay kinagigiliwan ng marami. • Ang mabuting

bata ay kinagigiliwan ng marami.

Page 18: Pangungusap

Mga Pangungusap na Walang Paksa

1. Mga Pangungusap na Eksistenyal

HAL:a. May mga turista ngayon sa

Embarcadero.b. Mayroon ding ganyan sa amin.

Page 19: Pangungusap

2. Mga Pangungusap na Pahanga

HAL:a. Kayganda ng tanawin sa Pilipinas!b. Ang tapang mo pala!

Page 20: Pangungusap

3. Mga Sambitla

HAL:a. Ay!b. Aray!

Page 21: Pangungusap

4. Mga Pangungusap na Pamanahon

HAL:a. Alas-dos na.b. Mainit ngayon.c. Umuulan.d. Maaga pa.

Page 22: Pangungusap

5. Mga Pormulasyong Panlipunan

HAL:a. Magandang umaga po.b. Tao po.c. Mano po.d. Salamat po.

Page 23: Pangungusap

Ayos ng

Pangungusap

Page 24: Pangungusap

Panaguri-Paksa

• Pangungusap na nasa Karaniwang-Ayos.

• HAL:• Nag-aaral ng Wikang

Filipino ang maraming banyaga sa Pilipinas.

Page 25: Pangungusap

Paksa-Panaguri

• Pangungusap na nasa Di-karaniwang Pangungusap.

• HAL:• Ang maraming banyaga

sa Pilipinas ay nag-aaral ng Wikang Filipino.

Page 26: Pangungusap

GAWAIN

• Sa isang buong papel, sumulat ng isang sanaysay tungkol sa pagiging hospitable ng mga Pilipino gamit ang iba’t ibang uri, antas, at ayos ng pangungusap.