panimula

20
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN Panimula Sa panahon ngayon ang tanging iniintindi ng tao ay ang mamuhay silang masaya, matalino at ang paghahanap ng espirituwal na bagay na naaangkop sa sarili nilang kapakanan at balewala ang kapakanan ng iba. Hindi lang ito matatawag na isang pilosopiya dahil ito’y nagbibigay ng praktikal na epekto kundi sa iba’t ibang bagay din. Halimbawa, ang pananay ng tao sa materyal na bagay at ang ui ng pagkakakilala nila sa sarili at ang pagkakaunawa nila sa layunin ng buhay. Ito’y para sa kanila ay puro pagpapakasaya o pagpapasasa lamang na naging batayan na sa anumang mga katanungan at problema. Ditto rin sa pilosopiyang ito nakabatay ang aborsyon na itinuturing ng mga tao na mayroong napakalayong epekto sa kanilang buhay batay sa iba’t ibang paniniwala sa buhay. Ang aborsyon ay ibinatay ayon sa layunin ng tao sa buhay

Upload: kenneth-maimot

Post on 22-Oct-2014

441 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

Page 1: PANIMULA

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG

KASAYSAYAN

Panimula

Sa panahon ngayon ang tanging iniintindi ng tao ay ang mamuhay silang

masaya, matalino at ang paghahanap ng espirituwal na bagay na naaangkop

sa sarili nilang kapakanan at balewala ang kapakanan ng iba.

Hindi lang ito matatawag na isang pilosopiya dahil ito’y nagbibigay ng

praktikal na epekto kundi sa iba’t ibang bagay din. Halimbawa, ang pananay

ng tao sa materyal na bagay at ang ui ng pagkakakilala nila sa sarili at ang

pagkakaunawa nila sa layunin ng buhay. Ito’y para sa kanila ay puro

pagpapakasaya o pagpapasasa lamang na naging batayan na sa anumang

mga katanungan at problema.

Ditto rin sa pilosopiyang ito nakabatay ang aborsyon na itinuturing ng mga tao

na mayroong napakalayong epekto sa kanilang buhay batay sa iba’t ibang

paniniwala sa buhay. Ang aborsyon ay ibinatay ayon sa layunin ng tao sa

buhay at kung papaano masisiyahan ang isang babaeng gumagawa ng

Aborsyon.

KALIGIRANG KASAYSAYAN

BALANGKAS TEORETIKAL

Page 2: PANIMULA

BALANGKAS KONSEPTUAL

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang paksang ito ay magtatalakay tungkol sa mga sanhi at epekto ng

Aborsyon sa ibang babae at ang mga suliraninna kanilang haharapin kung

sila’y nagpapalaglag. Ang mga paksang tatalakayin ay ang mga sumusunod:

1. Bakit ang mga babae ay naiisipang magpalaglag?

2. Ano-ano ang mga epekto nito sa bagay na:

a. Pisikal

b. Sikolohikal

3. Ano ang dating ng aborsyon ukol sa:

a. Pagiging legal nito

b. Sa moralidad

c. Katarungan

Ang pag-aaral na ito ay hindi lamang nakatuon sa isang panig kundi ito’y

ngbibigay ng opinion para maliliwanagan ang mga mambabasa tungkol sa

pagpapasya ukol sa Aboryon.

Maliban sa layuning ito, ang pag-aaral na ito ay nagbibigay katuparan sa

layuning maisakatuparan ang pangangailangan sa asignaturang ito.

HIPOTESIS

Laganap na sa panahon ngayon ang aborsyon lalong lalo na sa mga

kabataang estudyante.

Page 3: PANIMULA

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang paksa ng Aborsyon ay pangkaraniwan na sa ngayon. Ayon sa ibang

mga tao, hindi nila matagpuan ang epekto nag aborsyon. Sa pamamagitan

ng pag-aaral na ito, ang mga taong ito ang siya ring kinauukulan para

malaman nila ang kahalagahan at katotohanan ukol sa sanhi at epekto ng

aboryon.

Ang pag-aaral na ito ay walang pinapanigan ngunit ibig lamang

makapagbigay ng opinion para maliliwanagan ang mga mambabasa sa

pagpapasya tungkol sa aboryon. Batid naman natin na pati ang mga

kabatang estudyante ay nasasangkot sa bagay na ito. Makakatulong ang

pag-aaral na ito upang mamulat ang mga kabataan o kababaihan sa

maaaring maging epekto nito sa kanilang buhay.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakaratay sa paksa ng sanhi o mga sanhi at mga

epekto ng aborsyon. Ito ay nakatutok sa mga dahilan kung bakit ang mga

kababaihan ay pumasok sa gawaing ito o bakit sila nagpapalaglag, ang

epekto nito sa kanilang mga katawan at sa sikolohikal na bagay; ang dating

ng aborsyon sa legalidad, moralidad at katarungan. Ito ay limitado lamang

galing sa mga impormasyon na nakuha sa mga responde at mga

dokumentadong mga aklat.

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

Aborsyon o Pagkalaglag ng Bata – ay isang salitang ginagamit kung ang

pagbubuntis ay nahinto sa maagang panahon. At ayon sa pangmedisinang

Page 4: PANIMULA

salita ito ay nangahulugan ng pagkatigil ng pagbubuntis at pagkatanggal ng

batang hindi pa naiisilang sa panahong tatlong buwan pa lamang sa

sinapupunan. Maaaring ito ay sanhi ng isang aksidente o ito’y sinasadya

na pagpapalaglag. Pagkaraan

ng tatlong buwan ng pagbubuntis ang pagtigil nito ay tinatawag na

pagkalaglag. Kung nagkaroon ng bahagyang pagdudugo ng bahay

bata at ang bata sa loob at buahy pa ang tawag dito ay “panganganib” na

aborsyon o “pagbabanta ng pagkalaglag. Kung may pagdudugo at

sumasakit ang tiyan at ang dinadaana ng bata ay nabubuka, mayroong

katiyakan ang pagkalaglag ng bata. Ang bata sa loob ng sinapupunan ay

tiyak na wala ng buhay pag nailabas ito ayon sa mga sintomas na

nabanggit. Kung ang lahat ng bahagi ng nasa sinpupunan ay

natanggal na ito au tinatawag na ganap na aborsyon. Kung may

bahagi pa ng bata sa sinpupunan ang naiwan ito au tinatawag na hindi

ganap na aborsyon.

Ang sadyang Pagpapalaglag – ito ay naganap na ayon na rin sa kagustuhan

ng babae o kusang loob na ipinatanggal ang bata sa sinapupunan. Ito ay

maaaring nasa legal o illegal na katuwiran, ayon sa batas ng bansang

kanilagn tinitirhan o kinaroroonan

Maraming aborsyon na naganap na sinasadya sa katuwirang pangkalusugan

o pangmedisina. Mayroon ding tinatawag na para sa kapakanan ng babae na

nagdadalantao. Maaring ang dahilan ay ang pagbubuntis sa labas ng matris,

o ang pagbubuntis ng babae na ang bata ay lumalaki sa fallopian tube o sa

tubo ng matris at hindi sa bahay ng bata mismo. Ang bata sa sitwasyong

nabanggit ay hindi mabubuhay at ito’y mapanganib sa buhay ng ina. Ito’y

Page 5: PANIMULA

mamatay at puputok sa tubo na maaaring maging dahilan din ng pagkamaty

ng ina kung ito ay hindi maooperahan kaagad. Kung ang babaing

nagbubuntis ay magkakaroon ng tigdas sa maagang panahon kailangan

niyang ipapatanggal ang bata na nasa sinapupunan sa dahilan na ito’y

lalabas na baldado o kulang sa pag-iisip. Sa kaso naman ng pagkahalay, ang

ganitong uri ng aborsyon ay ginagawa. Ang nagbubuntis na may sakit sa

puso, bato at sa dugo ay maaaring pahintulutan na isagawa ang aborsyon

para sa kapakanan ng buhay ng ina. Ang tinatawag na “therapeutic abortion”

ay gingamit o isinasagawa kung ang babae ay marami ng mga anak o

dumadan na sa maraming ulit na panganganak at ang kanyang kalusugan at

edad ay nahihirapan na siyang magdadala ng pinagbubuntis niya.

KABANATA II

MGA KAUGANAY NA LITERATURA NA PAG-AARAL

Ayon sa nabanggit sa mga lumang aklat ng medisina, ang aborsyon ay

nagmula sa Tsina. Ito ay nag-umpisa sa Emperador ng tsina na si Shin

Nung, sa panahong 37 B.C. Ito’y nagtataglay ng preskripsyon para sa

sadyang pagpapalaglag sa pamamagitan ng markuriya.

Bago ang 1600 dekada, mayroong kakaunting naitatag na mga relihiyon o

mga legal na balakid para maisagawa ito bago magiging ganap na tao ang

isang sanggol sa sinapupunan. Doon sa Estados Unidos, ang aborsyon bago

nabubuo ang bata ay hindi labag sa kanilang batas sa ilalim ng

pangkaraniwang bats bago kalagitnaan ng dekada 1800. ang batas ng

Estado ay nagbabawal ng aborsyon bago ang giyera sibyl. Ang ibang

Page 6: PANIMULA

manbabatas ay hindi nagpapalabas ng batas tungkol sa aborsyon pagkatapos

magpasa ng mga batas nito.

Hanggang matapos ang dekada 1800 o bago ito magwakas, ang simbahan

ng Romano Katoliko ay walang itinatag na doktrina laban sa aborsyon, bago

maging ganap na tao ang bata sa sinapupunan. Ang mga katolikong pari ay

nagbigay kahulugan ng animasyon na ito ang punto ng paglaki ng sanggol sa

loob ng sinapupunan ng 40 at 80 araw pagkatapos ng konseptual na

panahon. Ngunit noong 1969, ang simbahang Katoliko ay nagproklama na

ang aborsyon ay hindi makatarungan. Sa kasalukuyan, ang simbahan ay

nagbibigay permiso tungkol ditto sa mga espesyal na kadahilanan ng

medisina.

Ang aborsyon ay isang nakakasira, pagtanggal o pag-aalis ng isang buhay na

itlog na nasa bahay bata bago ito maging ganap na tao sa loob ng

sinapupunan, ito ay bago ang bata maging ganp at puwede na siyang iluwal.

Ang aborsyon ay ang paghinto ng pagbubuntis bago ang batang isisilang.

Ang aborsyon ay ang resulta ng pagkamatay ng bata sa loob ng sinapupunan

ito’y maaring tawagin na sadya o hindi sinasadya. Ang hindi sinasadyang

aborsyon ay nagaganap kung ang bata ay natanggal sa katawan ng ina

dahilan sa mga natural na pangyayari o dahil sa aksidente. Ang sadyang

aborsyon ay kusang ginanap para alisin ang batang nasa sinpupunan at ito’y

isinagawa sa artipisyal na paraan o medical.

Sa mga taong nakaraan, ang aborsyon ay isang paksang kontrobersyal.

Isang mahalagang aspeto ng kontrobersiyang ito ay kung ang isang babae ay

papayagan ng batas na magpalaglag at kung puwede sa anong kadahilanan

Page 7: PANIMULA

o sitwasyon. Isa pang bagay ay kung anong paraan na ang batas ay

papangalagaan ag isang sanggik sa sinapupunan.

Sa Estados Unidos, ang pagpapalagalag ay isang kriminalidad na tinatawag

na felony. Ang paggamit ng gamot o instrumento ng babae sa intensyon na

matataggal ang kanyang dinadala sa sinapupunan ay tinawag na isang

criminal sa gawa. Datapwat karamihan sa kanila ay nagbibigay lunas ng

“therapeutic abortion” kung nakataya ang buhay ng ina sa panahon ng

knayang pagbubuntis.

Ang aborsyon ay binibigyan ng permiso sa pamahalaan ng Inglatera sa loob

ng 28 linggo ng pagbubuntis at kung papayagan o hahayaan ang paglaki ng

bata bago ito ipapaganap ang aborsyon ay maaring makasama sa kalusugan

ng ina. Sa bansang Pilipinas ang aborsyon ay matinding pingbabawal ng

gobyerno maliban sa mga kasong ang buhay ng ina ay nalalagay sa panganib

kung ipagpapatuloy ang kanyang pagbubuntis.

KABANATA III

PAMAMARANG GINAMIT

PARAAN NG PAGPILI NG KALAHOK

INSTRUMENTONG GAGAMITIN

PARAAN NG PANGANGALAP NG DATUS

Page 8: PANIMULA

URI NG GAGAMITING ESTADISTIKA

PRESENTASYON/ANALYSIS AT INTERPRETASYON NG MGA PAKSA

A. Mga Uri at Pamamaraan ng Aborsyon

1. Mga Uri

a. Hindi sinasadya na aborsyon- ito ay nagyayari, wlang medical o

ibang pamamaraan, kusang nalaglag ang sanggol sa

sinapupunan o ang pagkalaglag. Mayroong 10 o 20 porsiyento

na pagbubuntis ang nauwi sa pagkalaglag. Sa batas

pangkalahatan, ang tsansa ng pagkalaglag ay mas mataas sa

mga may edad ng babae o sa mga mero nang karanasan ng

pagkalaglag ng sanggol.

Bagamat ang dahilan ng pagkalaglag ng sanggol ay hindi

lubusang maunawaan, ito’y nalaman na maaring dahil sa lahi ng ina

na merong depekto ang kanyang katawan na nakuah sa dugo o

hormone.

b. Ang Sadyang Aborsyon- ito’y ang paggamit ng gamot o

instrumento para maalis o mahinto ang pagbubuntis

2. Mga Paraan ng Aborsyon

a. Endometrial Aspitation- ito ay ang paggamit ng tubo para maalis

ang pinagbubuntis. Ito ay ipapasok sa daanan ng bata papunta

ng bahay bata. Ito’y isinasagawa kung ang pagbubuntis ay

Page 9: PANIMULA

nasa paghinto ng regal hanggang walong linggo ng

pagdadalangtao.

Ang ibang paraan ng maagang aborsyon ay: una, ang

pagbubuka ng dinadaanan ng bata sa pamamagitan ng paghihigop

ng nasa loob. Pangalawa, ang paggamit ng dalawang tubo na

hihila ng nasa loob na sanggol at ang placenta o inunan. Anf

daanan ng bata ay tuturukan ng pangpamanhid bago isagawa ang

aborsyon.

Ayon dito sa pag-aaral na ito ang doctor na gumawa nito ay

gumagamit ng maliit na bakal para matiyak na lahat ng placenta at

mga kabahagi nito ay nalilinis na. maliban sa tubong panghigop

ang gagamitin, ang ibang paraan ay ang pagsasagawa ng D at E

kesa D at C bago mag-ikalabindalawang lingo. Ang D at B ang

ginagamit na paraan nila para hindi sila mahirapan sa babayaran at

hindi na kailangan pa ang pangpamanhid.

1. Bakit naiisipan ng mga babae ang magpalaglag?

Maraming dahilan kung bakit ang mga babaeng

nabubuntis o nabubuntisan ay naisipang magpapalaglag.

Ito’y nababatay sa ilalim ng mga pangyayari sa kanilang mga

buhay. Sa mga kabataang babae, ang pagkamapusok ang

dahilan at ugat ng pagbubuntis ng wala sa panahon na

nauuwi sa abosyon. Dahilan na rin sa meron o galing sila sa

pamilyang may pangalan sa lipunan o may mahigpit na mga

magulang.

Page 10: PANIMULA

Ang iba pang mga dahilan ay maaring sila ay biktima ng

panggagahasa at nabuntis na para sa kanila’y napakasakit

na karanasan at ito’y nagbibigay ng sikolohikal na epekto sa

kanila.

2. Mga epekto ng aborsyon

a. Pisikal – sa maraming pagkakataon na sa tuwing

ginagawa nila ang aborsyon sa loob ng mga klinika ay

nakalagay sa panganib ang buhay ng ina. Karamihan

ay nagkakaroon ng inpeksyon o natetano dahil na rin sa

hindi maayos ang pagkagawa. Kung meron matinding

pagdudugo sa oras ng pagsagawa ng aborsyon ay

posibleng ito ay ikamamatay ng ina.

b. Sikolohikal – ang mga pagsusuri na naganap ay napag-

alaman nila na ang sadyang aborsyon ay posibleng

magkakaroon ng ganitong epekto sa babae. Una ito ay

napag-alaman na ganito ang kasasapitan pero merong

mga palatandaan pagkaraan ng ilang mga araw. Ang

isipin nilang nawala ang sanggol ay naging resulta ng

isag masidhing karanasan na hindi nila mawaglit sa

isipan sa mahabang panahon. Ganito din ng epekto sa

mga babaeng naging biktima ng panggagahasa.

Maaring mawalan sila ng tamang pag-iisip dahil dito.

Ang estado ng Aborsyon

Page 11: PANIMULA

1. Sa Pilipinas – ang sadyang pagpalaglag ditto sa

ating bansa ay lihim na isinasagawa. Ang batas

ay mahigpit na nagbabawal nito. Dahil maraming

hindi iniulat na mga kaso ng aborsyon, mayroong

estimadong limampung kaso ang nalabag sa

araw-araw sa buong kapuluan. Ang pinakamatindi

ay ang nangyari dito sa Pilipinas ay sa loob ng

Metro Manila dahil ito ang ulo ng prostitusyon.

2. Ibang mga bansa – meron mga bansa sa buong

mundo na ginagawang legal ang aborsyon ngunit

maraming kaso nito ang mahigpit na

inoobserbahan sa katuwirang pangkalusugan.

BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. Buod

Ang Aborsyon ay malinaw na inilalahad na isang kondisyon sa an

gating antas ng medisina ay dapat isaalang-alang. Mayroong dalawang

katuwiran ito. una, na nag aborsyon ay malinaw na isang abnormalidad ng

pagbubuntis kung saan nakasalalay o nasa mapanganib ang buhay ng ina at

ng sanggol kung hindi naagapan.

Pangalawa, ang midwife ay kailangang nakaantabay sa panahon ng

pagbubuntis. Kung ang midwife ay gumagawa ng aborsyon na mag-isa, siya

ay posibleng mapaghinalaan na kasabwat sa pagsasagawa nito at maaring

siya’y makulong dahil dito.

Page 12: PANIMULA

Sa makatuwid, ang aborsyon ay isang kaso na ang isang babe ay

namimili. Kung ang lipunan ay mahigpit sa mga babaeng nabuntis na walang

maituturing na asawa, ito ay isang malaking epekto ng kanyang gagawing

desisyon. Maraming pagkakataon na ang aborsyon ay naganap sa

kadahilanan ng hindi inaasahang pagbubuntis kung ito’y resulta ng

panggagahasa o pagpapabaya.

Ngunit ang epekto ng aborsyon ay matindi. Ito’y nangangahulugan ng

pisikal at sikolohikal na pagkasira. Sa kabila nito, maraming kaso rin kahit

walang aborsyon ang kapakanan ng kalusugan ng babae sa pagbubuntis ay

naapektuhan. Sa ganitong uri ng kaso, ang paggawa ng konsiderasyon ay

nakabatay sa isang balanseng kalagayan at ang pagpili ay nasa babae at ang

kanyang doctor.

B. KONKLUSYON

Matapos mapag-alaman ang iba’t ibang bahagi ng aborsyon, nabigyan

ng konklusyon na ang pag-aaral na ito na tungkol sa aborsyon ay hindi

tama ayon sa ating moralidad. Ang aborsyon ay pumipigil ng isang

sanggol na mabuhay na normal at ang buhay na ito ay hindi nanggagaling

sa atin kung saan ito’y galing sa Panginoong Diyos at wala tayong

karapatang kumitil nito.

Maraming pagtatalo tungkol sa aborsyon at ito’y isa raw paraan para

maibsan ang mga problema, ngunit hindi ito ang tunay na kalutasan at

hindi dapat na ito’y piliin. Wala ring katiyakan ang isang ina na gumawa

nito kung talagang siya ay malayo s kapahamakan dahil ang sadyang

aborsyon ay mapanganib. Ito ay tinatawag na mapanganib na solusyon.

C. REKOMENDASYON

Page 13: PANIMULA

Ang pagpipili ay kailangang balance at kailangang ito’y naayon sa mga

iba’t ibang dating sa ating bansa, moralida at pagtanggap.

Bilang rekomendasyon, ang mga sumusunod ay:

1. Ang masusing pag-aaral ng batas tungkol sa aborsyon ay kailangang

gawin. Ang aborsyon ay illegal at mayroong hindi naitalang mga kaso

nito at ang buhay ng mga babaeng gumawa nito ay mapanganib. Ang

mga lisensyang gumawa nito maliban sa mga kasong pinapayagan ng

batas ay maaring mabawian sila ng lisensya.

2. Ang mga kabataan ay kailangang mapag-aralan lalo na sa kapusukan.

Ang aksidenteng pagbubuntis ay isang resulta o dahilan kung bakit

dudulog sila sa aborsyon.

3. Maraming pagsusuri ang isinagawa tungkol ditto lalo na sa bilang ng

aborsyon na ginanap dito sa Pilipinas. Ang pag-aaral na ito ay masusi

sa dahilan na maaring kaso ang hindi naiulat at hindi naitala at ito’y

nangangahulugan na walng katotohanang maipakita kung anong

pagtitimbang ang gagawin ng nasa pamahalaan tungkol dito.

Page 14: PANIMULA

BIBLIYOGRAPIYA

1. Burtlier, Douglas Jr. Abortion, Medicine and Laws. San Francisco:Prentice Hall Inc., 1986, pp. 34-36

2. Dawson, Richel N. Dangers of Abortion. New York: Wiley and Sons, 1976. p. 204.

3. Donohue, John K. Why Women Resort to Abortion. New york:Prentice Hall, 1979. pp. 10-13.

4. Denney, Myron. “A Matter of Choice: Essential Guide to Every Aspect of Abortion”, Newsweek, March 15, 1986.

5. Emmens, Carol A. The abortion Controversy. New York: New York Press, 1987.

6. Infanio, Josefa. A Study on abortion. (unpublished) Silliman University, 1996, page 3.

7. Miranda, Catalina. “Impact of Abortion.” Philippine Panorama. August 20, 1989. pp. 3-4.

8. Meily, Anita S. “Wife and Husband Speaks.” Philippine Panorama, January 12, 1989.

9. William, Glenville. “Abortion,” American Encyclopedia.Chicago: Encyclopedia American Corporation, 1977.