panitikan sa panahon ng isinauling kalayaan 1946-1971

22
Panitikan sa Panahong Isinauli ang Kalayaan 1946- 1971

Upload: melanie-azor

Post on 05-Feb-2015

1.266 views

Category:

Education


14 download

DESCRIPTION

Panitikan sa Panahon Matapos ang Digmaang Pandaigdig

TRANSCRIPT

Page 1: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Panitikan sa Panahong Isinauli

ang Kalayaan1946-1971

Page 2: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Melanie R. Azor Tagapag-ulat

Page 3: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Masalimoot na pangyayari ang mga naganap sa panahong ito. Sa simula’y pagtatayong muli ng nawasak na moog. Ang mga nasalantang nilikha ng digmaan at ang alaala ng mga nasawing mahal sa buhay ay mga pangitaing nagpapabuntung-hininga. Ang mga kabiguan ng pangarap, ang kalupitan ng nagdaang sigwa, at iba pang masasaklap na karanasan, ang namalasak sa katha.

Page 4: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Kaligirang PangkasaysayanTumatalakay sa masasamang karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng Hapon1. Tungkol sa kalupitan ng mga Hapones2. Kahirapan ng pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ng mga Hapones3. Kabayanihan ng mga gerilya

Page 5: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Natupad ang pangakong pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas noong 1945. At sa ika-apat ng Hulyo taong 1946 isinauli ng mga Amerikano ang kalayaan ng mga Pilipino. Sa mga panahong ito, naging balakid ng Pilipinas sa kaniyang pagsasarili ang Ekonomiyang naapektuhan ng digmaan.

Page 6: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Panitikan sa Panahon ng Republika (1946-1971)

At dahil sa kalayaang natamo, higit ding sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa...Nagkaroon ng KOMERSYONaisulat ng panandalian lamang upang maihabol sa palimbagan at mabayaran agad.

Page 7: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

PAMPANITIKAN Pinag-isipang mabuti ang pagkasulat, maayos ang pagbabalangkas ng mga pangyayari.

Page 8: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Sumigla muli ang panitikan sa Pilipinas *Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng mga Hapon, Kahirapan ng pamumuhay noon atbp * Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera * Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature noong 1950

Page 9: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng Surian ng Wikang Pambansa  * Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo  * Nagbukas din ang palimbagan ng lingguhang babasahin: Liwayway, Bulaklak, Tagumpay, Ilang-ilang atbp

Page 10: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Filipino: Taliba ng Inang Wika (TANIW)

Kapisanan ng Diwa at Panitik (KADIPAN)

Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino (KAMPI)

Page 11: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Obra ng Manunulat

Page 12: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Si Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.

Page 13: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971
Page 14: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Isang Dipang LangitAmado V. Hernandez

Sa munting dungawan, tanging abot-malasay sandipang langit na puno ng luha,maramot na birang ng pusong may sugat,watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,sa pintong may susi't walang makalapit;sigaw ng bilanggo sa katabing moog,anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

Page 15: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Ang maghapo'y tila isang tanikalana kala-kaladkad ng paang madugoang buong magdamag ay kulambong luksang kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,kawil ng kadena ang kumakalanding;sa maputlang araw saglit ibibilad,sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Page 16: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantangsa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,sa bitayang moog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon -bilangguang mandi'y libingan ng buhay;sampu, dalawampu, at lahat ng taonng buong buhay ko'y dito mapipigtal.  

Page 17: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirapat batis pa rin itong aking puso:piita'y bahagi ng pakikilamas,mapiit ay tanda ng di pagsuko.

 Ang tao't Bathala ay di natutulogat di habang araw ang api ay api,tanang paniniil ay may pagtutuos,habang may Bastilya'y may bayang gaganti.

Abril 22, 1952

Page 18: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Edgardo M. Reyes  (20 September 1936- 15 May 2012)

Ang isa sa mga tinaguriang Haligi ng Kontemporaryong Panitikang Pilipino. Ilan sa kanyang mga nasulat ay ang Laro sa Baga, Sa mga Kuko ng Liwanag at Ligaw na Bulaklak. Siya rin ang isa sa mga autor ng Mga Agos sa Disyerto. Ang kanyang mga likha ay unang natampok sa Tagalog na magasin na Liwayway.Bukod sa pagiging isang manunulat, si Edgardo ay isa ring mahusay na “Screenwriter.” Ilan sa kanyang mga likha tulad ng Laro sa Baga at Mga Uod at Rosas ay nagkamit na ng mga papuri. Ang mga ito ay nakilala sa buong mundo at naisalin na sa iba’t-ibang wika.

Page 20: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Si Julio, isang mahirap na mangingisda, ay nagpunta sa Maynilaupang hanapin ang kaniyang kababata’t kasintahang si Ligaya. Isang araw bago ang pagpuntang ito ni Julio sa Maynila, umalis si Ligaya na kasama ang isang babaeng may pangalang Ginang Cruz upang makapag-aral at makapaghanapbuhay sa lungsod. Noong nasa Maynila na, naging biktima si Julio ng mga mapanlamang na mga tao. Nakaranas si Julio ng mga pang-aabuso habang nagtatrabaho sa isang lugar ng konstruksiyon. Sa paglaon, nawalan siya ng trabaho at naghanap ng isang disenteng pook na matutulugan. Unti-unting nawawalan na ng pag-asa si Julio na matagpuan pa si Ligaya.

BUOD

Page 21: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Kalaunan, nakita rin niya si Ligaya…Lumagi sila sa isang retawrant habang pinagusapan ang nangyari sa isa't isa. Natuklasan ni Julio na naging biktima ng prostitusyon si Ligaya. Nagustuhan naman daw siya ng isang Intsik, si Ah Tek, na kukunin siya nito. Matapos ang kanilang paguusap, napagpasyahan nilang tumakas at bumalik sa kanilang probinsya. Magkikita sa gabi ng alas-dose hanggang alas-3 ng madaling araw. Kapag hindi dumating si Ligaya, ibig sabihin lang nito ay hindi siya makararating. 

Lumipas ang mga araw at wala pa ring nagpapakitang Ligaya hanggang sa makaabot kay Julio sa pamamagitan ng isang kaibigan ang pagkamatay nito. Nahulog si Ligaya sa taas ng kanyang tinutuluyan. Naging balisa si Julio bago hanggang matapos ang libing. Sa huli, napatay niya si Ah Tek. Napatay naman siya ng kalapit tao sa bahay ni Ah Tek.

20 Setyembre 1966

Page 22: Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971

Salamat sa

Pakikinig!