panitikan sa panahon ng isinauling kalayaan

47
PANITIKAN SA PANITIKAN SA PANAHON NG PANAHON NG ISINAULING KALAYAAN ISINAULING KALAYAAN

Upload: wynces-shaira-legaspi

Post on 24-Apr-2015

8.209 views

Category:

Documents


30 download

TRANSCRIPT

Page 1: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

PANITIKAN SA PANITIKAN SA PANAHON NG PANAHON NG

ISINAULING KALAYAANISINAULING KALAYAAN

Page 2: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pangakong pagbabalik ng mga Amerikano ay natupad noong 1945. Nagdiwang ang mga Pilipino at ang mga namundok na gerilya nang may higit sa tatlong taon ay kasa-kasama na ng mga hukbong mapagpalaya ng mga Amerikano.

Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang ika-4 ng Hulyo, 1946 sapagkat dito isinauli ang kalayaan. Nawala ang tanikala, nawala ang gapos. Sa unang pagkakataon ay naging malaya sa turing ang mga Pilipino.

Page 3: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

KALAGAYAN NG PANITIKAN

Tila naging mapaghangad sa makukuhang gantimpala ang mga manunulat nang panahong ito bago pa sumulat ng anumang akda ay inaalam muna kung aling pahayagan kaya ang magbabayad dito ng malaking halaga.Isa sa naging kapansin-pansing pangyayari sa Panitikang Pilipino sa panahong ito ay ang pagsulpot ng mga kabataang mag-aaral sa larangan ng panulat. Naging mga ulirang manunulat na Amerikano sina Ernest Hemingway, William Saroyan, at John Steinbeck sa kanilang mahusay na teknesismo ng panulat.Sila ang nagbigay ng diwang mapanghimagsik at kapangahasan sa panitikang Tagalog at Ingles.

Page 4: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

MGA PAKSA NG PANITIKAN

1.Tungkol sa kalupitan ng mga Hapones

2.Kahirapan ng pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ng mga Hapones

3.Kabayanihan ng mga gerilya

Page 5: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

MGA PAHAYAGAN AT MAGASIN

1.LIWAYWAY

2.BULAKLAK

3.ILANG-ILANG

4.SINAG-TALA

Page 6: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

MGA AKLAT NA NALIMBAG

• MGA PILING KATHA – (1947-1948) ni Alejandro G. Abadilla; kinilala bilang “AMA NG MALAYANG TALUDTURAN”

•ANG MAIKLING KWENTONG TAGALOG (1886-1948) ni Teodoro Agoncillo

•AKO’Y ISANG TINIG (1952)-katipunan ng mga tula at sanaysay ni Genoveva Edroza Matute

•MGA PILING SANAYSAY-(1952) ni Alejandro G. Abadilla

Page 7: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

•MANLILIKHA, MGA PILING TULA (1961-1967) ni Rogelio Mangahas

•MGA PILING AKDA NG KADIPAN (1965) ni Efren Abueg

•PITONG DULA (1968) – ni Dionisio Salazar

•MANUNULAT:MGA PILING AKDANG PILIPINO (1970) ni Efren Abueg

•SINING AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL NG PANITIKAN (1965) ni Rufino Alejandro

Page 8: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

MGA AKLAT KAY J.RIZAL

•Nang Musmos Pa si Rizal at Ulirang Mag-aaral si Rizal na sinulat ni DIOSDADO CAPINO

•Ang Buhay at Mga Akda ni Rizal – BEN UNGSON

•Rizal, Ang Bayani at Guro at iba pa – DOMINGO LANDICHO

•Gabay sa Pag-aaral ng Noli at Gabay sa Pag-aaral ng Fili – EFREN ABUEG

Page 9: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

ANG MULING PAGSIGLA NG PANITIKAN SA INGLES

MGA PAHAYAGANG INGLES

•Philippine Free Press

•Morning Sun – Sergio Osmena Sr.

•Daily News- Ramon Roces

•Philippines Herald – pamilya Soriano

•Chronicle –pamilya Lopez

•Bulletin - Menzi

Page 10: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

MGA AKLAT SA INGLES

•Heart of the Islands (1974) ni Manuel Viray-kalipunan ng mga tula

•Phil. Cross Section(1950) nina Maximo Ramos at Florentino Valeros

•Prose and Poems (1952) ni Nick Joaquin

•Phil. Writing (1953) – ni T.D. Agcaoli

•Phil. Harvest (1953) nina Maximo Ramos at Florentino Valeros

•Horizon’s East (1967)Artemio Patacsil at Silverio Baltazar

Page 11: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

ANG TIMPALAK-PALANCA

Isa ring nakapagpasigla sa ating mga manunulat na Pilipino ang pagkakalunsad ng “Timpalak-Palanca” o “Palanca Memorial Awards for Literature” na pinamumunuan ni Ginoong Carlos Palanca Sr. noong 1950. Magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagbibigay gantimpala ang timpalak na ito bagama’t ang nagtatag ay yumao na. Ang larangang pinagkakalooban dito ay ang MAIKLING KWENTO, DULA at TULA.

Page 12: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

ANG MAIKLING KATHANG NAGWAGI NOONG

1950-1951

•MABANGIS NA KAMAY..MAAMONG KAMAY – Pedro Dandan

•PLANETA, BUWAN AT MGA BITUIN – Elpidio Kapulong

•KWENTO NI MABUTI – Genoveva Edroza- Matute

Page 13: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

DULANG UNANG NAGKAMIT NG GANTIMPALANG PALANCA

-HULYO 4,1954 A.D. – sinulat ni Dionisio Salazar

TULANG NAGKAMIT NG GANTIMPALANG PALANCA

- ALAMAT NG PASIG – sinulat ni Fernando Monleon

Page 14: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

PANITIKAN SA PANAHON NG AKTIBISMO

Page 15: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang pagiging malaya sa turing ng mga Pilipino ay hindi maatim tanggapin ng ilang mga mamamayang Pilipino, lalo na ng mga kabataan.

Naging mainit ang pamamalasak ng aktibismo ng mga kabataan noong 1970-1972. Samutsaring paniniwala ang dahilan ng kanilang pagiging aktibista.

Sa masusing pagmamasid at pag-aaral sa takbo ng pamahalaan, marami sa ating mga kabataan ang naniniwalang di na “demokratiko” kundi isang “gobyernong kapitalista” ang umiiral sa ating bayan sapagkat damang-dama raw nila ang lalong paghihirap ng mga mahihirap at lalong pagyaman ng mga mayayaman. Ang iba naman ay may patuloy na

Page 16: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

Nanalig na matatag ang pamahalaang demokratiko at mga tao lamang na nagpapatakbo ng pamahalaan ang mga kakulangan. Ang iba naman ay may paniniwalang dapat nang palitan ng “sosyalismo” o “komunismo” ang bulok na pamahalaan. Iba’t ibang samahan ang naitatag at nasapian ng ating mga kabataan nang panahong ito. May mga kabataang napabilang sa “Bagong Hukbo ng Bayan [ New Peoples’ Army], may mga naging “burgis” radikal o rebelde at mayroon ding mga nanatiling parang walang pakialam sa takbo ng pamahalaan.

Sa kalahatan, maraming kabataan ang naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa takbo ng pamahalaan. Subalit sa kanilang pamamahayag hinggil sa pagbabagong ito na dala na rin marahil ng matinding damdaming makabayan at upang mabigyang diin na rin ang kahalagahan ng kanilang

Page 17: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

Kanilang kahingian ay naging matalim at mabalasik ang panunulat ng ilan nating kabataan. At dahil dito, kasama ng ilang rebeldeng manunulat, marami sa kanila ang nangapiit sa mga kampong militar ng bansa.

Marami ring akda ang naisulat sa panahong ito, ngunit dahil sa ang mga akda’y mahigpit na ipinagbawal sa una pa lang na paglalahathala at karamihan sa mga umakda’y kailangang lapitan pa’t makapanayam, ang pangangalap at pagpapahalaga ng mga akdang ito ay ipinauubaya na sa mga masusing nagsaliksik.

Page 18: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

ANG BINHI NG AKTIBISMO

Humantong sa pagkakadeklara ng “BATAS MILITAR [Martial Law] noong 1972 ang BINHI NG AKTIBISMO. Ngunit masasabing ang binhi ay naihasik na sa mga kabataan maging noong mga panahon pa nina Lapulapu, Lakandula, Rizal at iba pa. Sadya pa ring masasabi na monopolohiya ng kabataang may init ng dugong dumadaloy sa kanilang ugat ang dahilan ng paghihimagsik laban sa makapangyayaring lakas ng Pilipinas. Kaya’t balido ang sinabi ni Rizal na “ANG KABATAAN ANG SIYANG PAG-ASA NG BAYAN”.

Page 19: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

KALAGAYAN NG PANITIKAN

** Punung-puno ng damdaming mapanghimagsik

** Nagkaroon ng kamulatang panlipunan

** Maliban sa makinilya, gumamit din sila ng PINSEL at isinulat sa mga plakard, sa PULANG PINTURA ang mga kaugnay na salitang nagpapahayag ng karaingan at pakikibaka

** Tinalakay nila ang kabulukan ng lipunan at pulitika

Page 20: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

MGA KABATAANG BUMANDILA

• ROLANDO TINIO

•ROGELIO MANGAHAS

•EFREN ABUEG

•VIRGILIO ALMARIO aka RIO ALMA

•CLEMENTE BAUTISTA

Page 21: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

PANULAANG FILIPINO

Nagtataglay ng tatlong [3] katangian ang mga tulang naisulat ng mga batang makata at mananalumpati sa panahong ito ng aktibismo:

A. ang pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng bayan

B. ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok na pagpapasasa ng mga nanunungkulan at;

C. ang tahasang masasabing labag sa kagandahang-asal na panunungayaw at karahasan sa pananalita

Page 22: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

MGA TULANG NAMAYAGPAG

• MGA A! NG PANAHON [1970] ni Alejandro Q. Perez

•KALIKASAN [1970] – ni Aniceto Silvestre

•PERIGRINASYON AT IBA PANG TULA [1970] ni Rio Alma

•MGA TULA NG BAYAN KO AT IBA PA [1972] – ni V.G. Suarez

•SITSIT SA KULIGLIG [1972] ni Rolando Tinio

•MGA GINTONG KAISIPAN [1972] ni Segundo Esguerra

Page 23: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

ANG DULA, MAIKLING KWENTO AT NOBELA

Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling kwento o maging nobela sa panahong ito, hindi lamang sa paksa kundi maging sa usapan ng kanilang mga tauhan sa akda.

Payak ngunit makatotohanan ang salitaan o lenggwaheng ginagamit nila ngunit kadalasa’y ang payak at makatotohanang usapan, bagama’t nasa makabagong panahon na ay hindi pa rin makayanang basahin ng mga babaeng may bakas pa ni Maria Clara, lalo’t ang usapan ay usapang lalaki o ginagamit sa tagpo ng pakikipagtalik.

Page 24: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

ANG MGA PELIKULA AT KOMIKS

Nang panahon ding ito ng aktibismo, nagsimulang napanood ang mga pelikulang malalaswa na nakasisira sa kaugaliang silanganin-ang tinatawag na mga PELIKULANG BOMBA.

Dito rin dumagsa ang mga komiks at iba pang babasahin na ang mga larawang iginuhit ay walang mga saplot sa katawan.

Page 25: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

Page 26: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Nagsimula ang panahon ng Bagong Lipunan noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Nagpatuloy pa rin ang gawad Carlos Palanca sa pagbibigay patimpalak.

Halos tungkol sa IKAUUNLAD NG BAYAN ang karaniwang paksain ng mga akda tulad ng Luntiang Rebolusyon (Green Revolution), Pagpaplano ng Pamilya, Wastong Pagkain ( Nutrition), “Drug Addiction”, Polusyon, at iba pa.Pinagsikapan ng Bagong Lipunan na maputol ang malalaswang mga babasahin, gayundin ang mga akdang nagbibigay ng masasamang impluwensya sa moral ng mga mamamayan.Ang lahat ng mga pahayagang

Page 27: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

pampaaralan ay pansamantalang pinahinto, at maging ang mga samahang pampaaralan.

Nagtatag ang pamahalaang militar ng bagon kagawaran na tinawag na “MINISTRI NG KABATIRANG PANGMADLA”upang siyang mamahala at sumubaybay sa mga pahayagan, aklat, at iba pang babasahing panlipunan.

Muling naibalik ng dating Unang Ginang IMELDA MARCOS sa pagpapanibagong-buhay ang ating mga SINAUNANG DULA tulad ng SENAKULO, EMBAYOKA NG MGA MUSLIM at iba pa.Ipinatayo niya ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, at maging ang Metropolitan Theater ay muli niyang ipinagawa upang mapagtanghalan ng mga dulang Pilipino.

Page 28: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

Naging laganap din ang pag-awit noon sa wikang Pilipino. Maging ang mga ipinadadala sa ibang bansa ay awiting Pilipino rin ang inaawit

Ang mga lingguhang babasahin tulad ng KISLAP, LIWAYWAY at iba pa ay malaki ang naitulong sa pagpapaunlad ng Panitikan. Naging Lagusan ito ng manunulat upang mailathala ang kanilang mga akda.

Tahasang masasabi na nagningning din ang Panitikang Filipino nang panahong ito.

Page 29: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

ANG PANULAANG TAGALOG

-Naglabasan ang mga “slogan” sa panahon na ito ng Bagong Lipunan:

halimbawa: Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan

Tayo’y kumain ng gulay, upang humaba ang buhay

Magplano ng pamilya, nang ang buhay ay lumigaya

Ang pagsunod sa magulang, tanda ng anak na magalang

Page 30: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

Naging paksa ng mga tula ang PAGKAKAISA, TIYAGA, PAGPAPAHALAGA SA PAMBANSANG KULTURA, UGALI, KAGANDAHAN NG KAPALIGIRAN.

Kabilang sa mga nagsisulat ng tula sa panahong ito sina PONCIANO PINEDA, ANICETO SILVESTRE, JOSE GARCIA RELEVO, BIENVENIDO RAMOS, VICENTE DIMASALANG, CIR LOPEZ FRANCISCO.

Pilipino: Isang Depinisyon – PONCIANO PINEDA

Page 31: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

MGA AWITING FILIPINO

Ganito ang ilan sa mga awiting lumitaw nang mga unang taon ng Bagong Lipunan

BAGONG LIPUNAN

I. May bagong silang/may bago nang buhay

Bagong Bansa, bagong dangal/ sa bagong lipunan

II. Nagbabago ang lahat/tungo sa pag-unlad

at ating itanghal/ Bagong Lipunan

III. Ang gabi’y nagmaliw nang ganap

At lumipas na ang magdamag

Page 32: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

Madaling araw/ ay nagdiriwang

Sa umagang daratal/

IV. Ngumiti ang pag-asa/

Sa umagang anong ganda (ulitin ang I)

Noong 1975, nagbago ang takbo ng kasaysayan ng awiting Pilipino nang ang “TL Ako sa Iyo” ay awitin ng pangkat Cinderella. Ang awiting ito ay naging popular sa tawag na HIMIG-MAYNILA. Binubuo ito ng ilang “balbal” na Pilipino may kakaibang kumpas kaya mabilis na tinanggap ng mga tao. Narito ang awit.

Page 33: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

TL AKO SA ‘YO

Ewan ko ba kung bakit type kita/ di ka naman guwapo

Kahit malabo ang pagpili ko/ TL ako sa iyo

Panay kantyaw ng mga utol ko/ Dehins ka raw bagay sa kagandahan ko/

Malabo na raw ba ang mata ko/ at TL – kita

[KORO]

Kalyeng liku-liko ang takbo ng isip ko/

Sabi ng lolo may toyo ang utak ko.

Sabi ng lola ay humanap ng iba/ may porma’t mayaman

TL wala naman.

[ulitan ang unahan]

at na –TL- kita…..Ikaw ang true love ko.

Page 34: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

Naging tanyag din si RICO J. PUNO sa pag-awit ng himig-Maynila tulad ng kanyang “The Way We Were”. Narito ang isang saknong ng kanyang awit.

Alaala/nang tayo’y mag-sweetheart pa

Namamasyal sa Luneta

Nang walang pera/

So it’s the laughter/we will remember/

The way we were/Remember the way we were.

Page 35: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

Sa kaligirang ito, ang ilan pang mga mang-aawit na kompositor ay nadagdag pa. Kabilang dito sina Freddie Aguilar, Florante, Jose Marie Chan, at ang magkakasamang Tito, Vic at Joey. Naging matagumpay ang “ANAK” ni Freddie Aguilar dahil sa dalang diwa at damdaming ipinahahayag ng awiting ito. Sa katunayan ay nagkaroon pa nga ito ng salin sa Hapon at sa iba pang wika. Narito ang awit:

Page 36: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

ANAK

No’ng isilang ka sa mundong ito

Laking tuwa ng magulang mo.

At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo

Di malaman ang gagawin

Minamasdan pati pagtulog mo

Sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay

Sa pagtimpla ng gatas mo

At sa umaga nama’y kalong ka ng iyong amang

Tuwang-tuwa sa iyo.

Page 37: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

III. Ngayon nga’y malaki ka na

At nais mo’y maging malaya

Di man sila payag walang magagawa

Ikaw nga’y biglang nagbago

Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila’y sinuway mo.

IV. Di mo man lang inisip na ang kanilang

ginagawa’y para sa ‘yo.

Pagkat ang nais mo’y masunod ang layaw mo

Di mo sila pinapansin.

V. Nagdaan pa ang mga araw

At ang landas mo’y naligaw

Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo.

Page 38: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

At ang una mong nilapitan

Ang iyong inang lumuluha

At ang tanong “Anak, ba’t ka nagkaganyan?”

VI. At ang iyong mata’y biglang lumuha

Nang di mo napapansin

Pagsisisi ang sa isip mo’t nalaman mong

Ikaw’y nagkamali [3x]

Narito pa ang awit ni FLORANTE na kaisa ng Bagong Lipunan sa panawagan sa lalong makabuluhang pamamayan.

Page 39: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

AKO’Y PINOY

I. Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa

Pinoy na isinilang sa ating bansa

Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga

Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika.

KORO

Wikang Pambansa/Ang gamit kong salita

Bayan kong sinilangan/Hangad kong lagi ay kalayaan

II. Si Gat Jose Rizal noo’y nagwika

Siya ay nagpangaral sa ating bansa

Ang hindi raw magmahal sa sariling wika

Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda

Page 40: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

ANG DULA SA BAGONG LIPUNAN

Nanguna sa pagpapanibagong-buhay ng ating mga sinaunang dula ang ating Unang Ginang ng bansa na si GNG. IMELDA MARCOS. Binuhay niya ang sarsuwela ng mga Tagalog, Sinakulo at Embayoka ng mga Muslim na pawang itinanghal sa ipinakumpuni niyang Metropolitan Theater at ipinatayong Folk Arts Theater at Cultural Center of the Philippines.

Lalong nakapagpasigla sa dula nang panahong iyon at maging sa kasalukuyan ang mga sumusunod na samahang pandulaan.

Page 41: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

1. PETA – nina Cecille Guidote Alvarez at Lino Brocka

2. REPERTORY PHILIPPINES – nina Rebecca Godines at Zenaida Amador

3. UP REPERTORY – ni Behn Cervantes

4. TEATRO FILIPINO – ni Rolando Tinio

ANG PELIKULANG PILIPINO Nagkaroon ng taunang Pista ng mga Pelikulang Pilipino sa panahong ito. Sa tuwing may ganitong kapistahan ay pawang mga pelikulang Pilipino lamang ang ipinalalabas sa mga sinehan sa Metro Manila. Ginagawaran ng gantimpala at pagkilala ang nagwawaging mga pelikula at artista.

Page 42: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

Nagsilabas sa panahong ito ng Bagong Lipunan hanggang 1979 ang mga pelikulang walang romansa o seks subalit tinangkilik dahil sa kakaibang kayarian nito, tulad ng :

-MAYNILA..SA MGA KUKO NG LIWANAG – sinulat ni Edgardo Reyes. Isinapelikula sa direksyon ni Lino Brocka at sa pangunguna ni Bembol Roco

-MINSA’Y ISANG GAMUGAMO- ang pangunahing bituin dito ay si Nora Aunor

-GANITO KAMI NOON..PAANO KAYO NGAYON?- pinangunahan nina Christopher de Leon at Gloria Diaz

-INSIANG –pinangunahan ni Hilda Koronel

-AGUILA – pinangunahan nina Fernando Poe Jr., Jay Ilagan , at Christopher de Leon

Page 43: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

PAHAYAGAN,KOMIKS, MAGASIN AT IBA PANG

BABASAHIN

Sa panahong ito ng Bagong Lipunan, nagbihis ng panibagong anyo ang nilalaman ng mga pahayagan. Ang mga balitang dati’y naglalahad ng karahasan tulad ng patayan, nakawan, panggagahasa, at iba pa ay napalitan ng mga balitang pangkaunlaran, pang-ekonomiko, disiplina, pangkultura, turismo at iba pa. Narito ang mga sumusunod na pahayagan

Page 44: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

1. BULLETIN TODAY

2. TIMES JOURNAL

3. PEOPLE’S JOURNAL

4. BALITA

5. PILIPINO EXPRESS

6. PHIL. DAILY EXPRESS

7. EVENING EXPRESS

8. EVENING POST

Page 45: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

Sadyang nakahiligan nang basahin ng mga mamamayang Pilipino ang magasing LIWAYWAY simula pa noong 1922. Bukod sa Liwayway, ang ilan pang magasing mababasa nang panahong ito ay ang:

1. KISLAP

2. BULAKLAK

3. EXTRA HOT

4. JINGLE SENSATION

Page 46: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

Bukod sa mga magasin, para namang mga kabuteng nagsisulpot ang mga komiks na siyang kinagiliwang basahin ng marami. Kabilang dito ang mga sumusunod:

1. PILIPINO

2. EXTRA

3. LOVE LIFE

4. HIWAGA

5. KLASIK

6. ESPESYAL

Page 47: Panitikan Sa Panahon Ng Isinauling Kalayaan

KABUUANG TANAW SA PANITIKAN SA PANAHON

NG BAGONG LIPUNAN

Sa kabuuang tanaw, masasabing ang sangay ng Panitikang Pilipino na nanaluktok sa Bagong Lipunan ay ang mga SANAYSAY, AWIT, MGA TALUMPATI, AT TULA.

Walang pinag-iba ang mga maikling kwento nang panahong ito sa mga naisulat noong bago magkaroon ng aktibismo, gayun din naman ang mga nobela at dula.