panrehiyong sentro ng wikang filipino...

2
Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino (PSWF-IV-B) Pahapyaw na Kasaysayan Pormal na itinatag ang Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino IV-B (PSWF, IV-B) sa Palawan State University (PSU) nang lagdaan at pagtibayin ang Kasulatan ng Kasunduan sa pagitan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ng PSU noong ika-14 ng Agosto, 1995 sa pamamagitan ni Dr. Ponciano B. P. Pineda, Tagapangulo ng KWF at Dr. Crispiniano R. Acosta, Pangulo noon ng PSU. Ang KWF ay isang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas na itinatadhana ng Batas Republika Blg. 7104. Ang Kasulatan ng Kasunduan ay muling nilagdaan noong ika-6 ng Hulyo, 2001 nina Dr. Nita P. Buenaobra, Komisyoner at Dr. Teresita L. Salva, Pangulo ng PSU at noong ika-25 ng Hulyo, 2012 sa pagitan ni Kom. Jose Laderas Santos, Tagapangulo ng KWF at Dr. Jeter S. Sespeñe, Pangulo ng PSU. Ang gusali ng PSWF IV-B ay pormal na ipinagkaloob ng dating kinatawan ng Palawan na si Kgg. Dennis Victorino M. Socrates na ngayon ay Pangalawang Puno ng lalawigan sa papagitan ng pakikipag-ugnayan ni Dr. Erlinda D. San Juan, dating direktor ng PSWF at ni Prop. Sylvia S. Javarez, kasalukuyang direktor sa Ang PSWF-IV-B ay katuwang ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pagpapaunlad, pagtataguyod at sa patuloy na paggamit ng wikang Filipino bilang wikang pambansa habang sinasaliksik at pinangangalagaan ang mga wikang katutubo ng Pilipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa at kaunlaran ng sambayanang Pilipino. http://psu.palawan.edu.ph/ Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino (PSWF-IV-B)

Upload: dangcong

Post on 03-Feb-2018

261 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

Page 1: Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino (PSWF-IV-B)psu.palawan.edu.ph/.../Panrehiyong_Sentro_ng_Wikang_Filipino_IV-B.pdf · nabanggit ay ang mga Sagisag-Kultura ng Palawan (Cultural

Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino (PSWF-IV-B)

Pahapyaw na Kasaysayan

Pormal na itinatag ang Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino IV-B (PSWF, IV-B) sa Palawan State University (PSU) nang lagdaan at pagtibayin ang Kasulatan ng Kasunduan sa pagitan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ng PSU noong ika-14 ng Agosto, 1995 sa pamamagitan ni Dr. Ponciano B. P. Pineda, Tagapangulo ng KWF at Dr. Crispiniano R. Acosta, Pangulo noon ng PSU.

Ang KWF ay isang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas na itinatadhana ng Batas Republika Blg. 7104. Ang Kasulatan ng Kasunduan ay muling nilagdaan noong ika-6 ng Hulyo, 2001 nina Dr. Nita P. Buenaobra, Komisyoner at Dr. Teresita L. Salva, Pangulo ng PSU at noong ika-25 ng Hulyo, 2012 sa pagitan ni Kom. Jose Laderas Santos, Tagapangulo ng KWF at Dr. Jeter S. Sespeñe, Pangulo ng PSU.

Ang gusali ng PSWF IV-B ay pormal na ipinagkaloob ng dating kinatawan ng Palawan na si Kgg.

Dennis Victorino M. Socrates na ngayon ay Pangalawang Puno ng lalawigan sa papagitan ng pakikipag-ugnayan ni Dr. Erlinda D. San Juan, dating direktor ng PSWF at ni Prop. Sylvia S. Javarez, kasalukuyang direktor sa

Ang PSWF-IV-B ay katuwang ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pagpapaunlad, pagtataguyod at sa patuloy na paggamit ng wikang Filipino bilang wikang pambansa habang sinasaliksik at pinangangalagaan ang mga wikang katutubo ng Pilipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa at kaunlaran ng sambayanang Pilipino.

http://psu.palawan.edu.ph/

Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino (PSWF-IV-B)

Page 2: Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino (PSWF-IV-B)psu.palawan.edu.ph/.../Panrehiyong_Sentro_ng_Wikang_Filipino_IV-B.pdf · nabanggit ay ang mga Sagisag-Kultura ng Palawan (Cultural

Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino (PSWF-IV-B)

i lalim ng pamamahala ni Dr. Jeter S. Sespeñe, Pangulo ng PSU

Mga Aktibidades

Ilan sa mga Intellectual Property Rights na nakamit ng PSWF IV-B ay ang pagbabalangkas ng Trilingual Dictionary ng mga sumusunod: Ingles – Pilipino - Cuyunon; Ingles – Pilipino - Agutaynen at; Ingles – Pilipino – Cagayanen. Maliban sa mga diksyunaryong nabanggit ay ang mga Sagisag-Kultura ng Palawan (Cultural Icon).

Kasama din ang PSWF IV-B sa balidasyon sa Deskripsyon at Distribusyon ng mga wika sa Palawan. Ito rin ay naging katuwang sa

pagsalin sa Filipino ng joint manifesto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan at ng Palawan State University hinggil sa Declaration of the Province of Palawan as a Zone of Sustained Peace, Development and Prosperity.

Ang PSWF ay patuloy na nagsasagawa ng pananaliksik at nagsisilbing sanggunian sa larangang ng pagsasalin at iba pang gawain na may kaugnayan sa wika at kultura ng lalawigan. Ito ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa KWF, National Commission for Culture & the Arts (NCCA), Department of Education (Dep Ed) at National Commission on Indigenous People.

For inquiries, contact:

Prof. Sylvia JavarezPSWF IV-B Director

[email protected]

Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino Bldg., Palawan State University, Tiniguiban Heights, Puerto Princesa City