para sa iyong kagalakan - dwynrhh6bluza.cloudfront.net · pag-ibig ay handang tapatan ang...

43
PARA SA IYONG KAGALAKAN John Piper Desiring God Minneapolis, Minnesota

Upload: others

Post on 28-Oct-2019

14 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

PARA SA IYONG

KAGALAKAN

John Piper

Desiring God Minneapolis, Minnesota

PARA SA IYONG KAGALAKAN Inilathala ng Desiring God Lahat ng mga sipi sa banal na kasulatan ay kinuha mula sa: Ang Dating Biblia (1905) http://www. wordproject.org/tl/index.htm Ginamit ng may pahintulot. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Isinalin mula sa Ingles ni Jose Rico Domingo, pastor ng Greenhills Christian Fellowship – Ortigas Center, Pasig City

TALAAN NG NILALAMAN

Panimula ……………………………………………7 Bakit Kinailangang Mamatay si Hesus? ………..11 Paano Ako Mamahalin ng Diyos?...................... 15 Paano Kung Hindi ko Mahalin ang Diyos?..........19 Paano ko Mamahalin ang Diyos na Hinahayaang Lumaganap ang Kasamaan?...23 Bakit Lahat Tungkol sa Diyos? …………………..27 Ano Ang Ibig Sabihin Nito Para sa Akin?............31 Ano Ang Dapat Kong Gawin?.............................37 Mga Mapagkukunan…………………………….....41

PANIMULA

DALAWANG libong taon na nakalipas, si Hesus at

kanyang mga alagad ay nag-uusap tungkol sa isang paksa “Sino sa tingin ng mga tao ang sinasabi nilang Anak ng Diyos?” ang tanong niya sa kanila. Sumagot sila at nagbigay ng kanilang nalalaman. Subalit, itinaas ni Hesus ang antas ng kanilang usapin. Mula sa kaisipan sa pagiging personal, tinanong niya silang muli “Sino ako sa tingin ninyo?” Madali lamang sagutin ang mga tanong kung ano ang sinasabi ng ibang tao. Ngunit may panahon na tayo mismo ay dapat humarap sa tanong ni Hesus. Sino nga ba si Hesus sa atin? Ang pangkaraniwang sagot: Si Hesus ay isang magaling na guro na may mabuting kaugalian at mahabagin. Ayon kay C.S. Lewis – Ang Britanyong may akda ng The Lion, the Witch and the Wardrobe – na ang mga katwirang ito ay di nababagay:

Ipinapagliban ko ang maling kaisipan na sinasabi ng karamihan tungkol sa Kanya: “Ako ay

7

handang tumanggap kay Hesus bilang mabuting guro, ngunit hindi ang kanyang pagiging Diyos. Iyan ay isang bagay na di natin dapat banggitin. Ang isipin na isang pangkaraniwang tao lamang ang nagsabi ng ganoong mga bagay na binanggit ni Hesus ay hindi isang mabuting guro. Siya ay

maaaring nahihibang – katulad ng isang taong nagsasabi na siya ay nilagang itlog – o kaya siya ang Diablo ng Impiyerno. Kailangan mong mamili. Na siya ay ang hinirang, at sa ngayon, Ang Anak ng Diyos: o kaya isang taong nasisiraan ng bait o mas malala pa. Maaari mo siyang patahimikin bilang isang hangal, maaari mo siyang lapastanganin at patayin bilang kampon ng kadiliman; o maari mo siyang sambahin at tawaging Panginoon at Diyos. Ngunit huwag tayong mangusap ng walang kabuluhan na siya ay isang mabuting guro lamang. Hindi niya ito iniwan upang tayo ay pumili ng gusto nating isipin. Hindi niya ito nilayon.

Ang tanong na ito- Sino sa tingin ninyo si Hesus? – ay ang pinakamahalagang katanungan na maaari mong sagutin. Sa librito na ito ni John Piper sasagutin 8

niya ang ilan sa mga karaniwang at mahahalagang katanungan tungkol kay Hesus - sino siya, bakit siya pumarito, ano ang kanyang nagawa, at bakit natin dapat pangahalagahan. Kung naitanong mo ang mga bagay na ito at hinahanapan ng kasagutan- hindi sa pamamagitan ng iyong kaisipan at mga pinaniniwalaan kung hindi sa pamamagitan ng Salita

ng Diyos- inaanyayahan ka naming makiisa. Para sa iyong kagalakan.

9

BAKIT KINAILANGANG NAMATAY SI HESUS?

Na siyang inilagay ng Diyos na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Diyos. -Roma 3:25

Narito ang pagibig, hindi sa tayo'y umibig sa Diyos, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan. -1 Juan 4:10

Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Kristo, na naging sumpa sa ganang atin - Mga taga Galacia 3:13 Why Did Jesus Have to Die?

11

KUNG ang Diyos ay hindi tapat, walang pangangailangan na ang kanyang bugtong na Anak ay magdusa at mamatay. At kung ang Diyos ay di mapagmahal, walang kasiyahan para sa kanyang Anak upang magdusa at mamatay. Ngunit ang Diyos ay tapat at mapagmahal. Samakatuwid ang kanyang pag-ibig ay handang tapatan ang pangangailangan ng kanyang hustisya.

Ang kanyang Kautusan ay nagsasaad “At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas” (Deuteronomio 6:5). Ngunit mas mahal pa natin ang ibang mga bagay. Ito ang anyo ng kasalanan- pagwawalang bahala sa Diyos at paghahangad ng ibang bagay at pagsunod sa mga bagay na ito. Kaya ang sabi ng Bibliya “Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos” (Roma 3:23). Niluluwalhati natin ang ating lubos na ikinagagalak. At hindi iyon ang Diyos.

Samakatuwid hindi maliit ang pagkakasala dahil ito ay laban sa Diyos na Dakila. Ang kabigatan ng paglalait ay ayon sa dangal ng pagkatao. Ang Lumikha ng lahat ay nararapat na bigyan ng pagkilala, paghanga at katapatan. Ang ating hindi pagbigay ng kahalagahan sa kanya ay pagtataksil. Ito ay paglalapastangan sa Diyos at sumisira sa kaligayahan ng sangkatauhan.

12

Dahil ang Diyos ay tapat hindi niya minamaliit ang mga krimeng ito. Nakakaramdam siya ng banal na galit sa mga may sala. Sila ay dapat na maparusahan, ito ay maliwanag “Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23). “Ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay” (Ezekiel 18:4).

Mayroong nagbabadyang paghuhukom sa lahat ng kasalanan. Ang hindi pagbibigay ng parusa ay hindi pagiging matapat. Ang pagkakasala sa Diyos ay parurusahan. Isang malaking kasinungalingan ang hindi pagtugon dito. Kaya ang sabi ng Diyos “Sumpain yaong hindi umayon sa mga salita ng kautusang ito upang gawin” (Galacia 3:10, Deuteronomio 27:26).

Ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay di nakasalalay sa kaparusahan para sa mga makasalanan. Hindi siya nasisiyahan sa pagpapakita ng poot kahit na siya ay may karapatang magalit. Ngunit ipinadala niya ang kanyang bugtong na Anak upang tumanggap ng kanyang kapootan at ipawalang sala ang magtitiwala sa kanya. “Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Kristo, na naging sumpa sa ganang atin” (Galacia 3:13).

Ito ang ibig sabihin ng salitang “pangpalubagloob” sa mga talata sa pahina 11. Ito ay ang pag-aalis ng poot sa pamamagitan ng pagpataw sa kahalili. Ang kahalili ay ibinigay din ng Diyos. Ang

13

kahalili, Si Hesu Kristo, ay di lamang sumalag ng poot ng Diyos; ito ay kanyang inako upang tayo ay di na magdusa. Ang poot ng Diyos ay nararapat lamang, ito ay naubos, hindi inurong.

Huwag natin gawing biro o maliitin ang kanyang pag-ibig sa atin. Hindi natin lubos na pasasalamatan ang kabutihan ng Diyos hanggat di natin isinasapuso ang kabigatan ng ating pagkakasala sa Diyos at ang parusang kakambal nito. Subalit kung sa pamamagitan ng biyaya, makakasumpong tayo sa kabutihan ng Diyos at tanggapin na di tayo nararapat sa kanyang pag-ibig, titingnan natin ang pagdurusa at pagkamatay ni Kristo at sasabihing “Narito ang pagibig, hindi sa tayo'y umibig sa Diyos, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan” (1 Juan 4:10). 14

PAANO AKO MAMAHALIN NG DIYOS?

Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya. - Epeso 1:7

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. - Juan 3:16

Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay. Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Diyos ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay dahil sa atin. - Roma 5:7-8 How Can God Love Me?

15

ANG sukutan ng pagmamahal ng Diyos ay makikita

sa dalawang paraan: Isa ay sa sukat ng ibinuwis niya para sa kabayaran ng ating kasalanan. At ang pangalawa ay sa ating hindi pagiging karapat dapat sa kanyang pagligtas sa atin.

Nalalaman natin ang kanyang pagsasakripisyo sa mga salitang “Ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak” (Juan 3:16). Naririnig din natin ito sa salitang “Kristo”. Ito ay hango sa salitang Griyego “Christos,” o “Anointed One,” o “Messiah”. Ito ay salitang may taglay na mataas na karangalan. Ang Mesiyas ay ang hari ng Israel. Sasakupin niya ang mga Romano at magdadala ng kapayapaan at katiwasayan sa Israel. Sa kabuuan, ang kinatawan na isinugo ng Diyos upang tubusin ang mga makasalanan ay ang kanyang Diyos na Anak, at ang itinalagang Hari ng Israel. – tunay ngang Hari ng sanglibutan (Isaiah 9:6-7).

Kapag isinama pa natin ang ngakagigimbal na pagpako sa krus na tiniis ni Kristo, nagiging maliwanag na ang sakripisyo ng Diyos Ama at Diyos Anak ay di mapapantayan – walang katulad, kung susukatin mo ang layo ng antas ng Diyos at ng tao. Ngunit pinili ng Diyos ang pagbubuwis upang tayo ay maligtas.

16

Ang sukat ng kanyang pag-ibig ay lalong lumalaki kung iisipin natin ang ating pagiging makasalanan. “Madaling tanggapin ang magbuwis ng buhay para sa mga mabubuti. Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin kahit tayo ay makasalanan sa pagkamatay ni Kristo para sa atin” (Roma 5:7-8). Ang nararapat sa atin ay parusahan dahil sa poot ng Diyos hindi pagmalasakitan.

Narinig ko itong sinabi na “Ang Diyos ay di nagbuwis ng buhay para sa mga palaka.Siya ay tumutugon sa ating halaga bilang tao.” Ito ang sukdulan ng kabutihan. Tayo ay mas mababa pa sa mga palaka. Ang mga palaka ay di nagkasala, di nagrebelde laban sa Diyos, kaya hindi kinailangan mamatay ng Diyos para sa mga palaka. Hindi sila masama ngunit tayo ay masama. Napakalaki ng ating pagkaka-utang sa Diyos at siya lamang ang maaaring tumubos sa atin.

May natatanging paliwanag lamang sa ginawang pagsasakripisyo ng Diyos para sa atin. Hindi dahil sa atin. Kundi dahil sa kanyang “lubos na kabutihan.” (Epeso 1:7). Ito ay kanyang ipinagkaloob. Ito ay hindi pagtapat sa ating halaga. Ito ay dahil sa kanyang nag-uumapaw na pagpapahalaga. Sa katunayan, ito ang pag-ibig ng Diyos, walang katapusan: matinding pagsuyo upang mahalina ang mga hindi karapat-dapat na mga makasalanan, ang dakilang pagbubuwis, upang tayo ay magkaroon ng lubos na kagalakan magpakailan man, ito ang kagandahan ng Diyos. 17

PAANO KUNG HINDI KO MAHALIN ANG DIYOS?

Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay sumasa kaniya. - Juan 3:36 At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa't ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay. - Mateo 25:46 Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan. - II Tesalonica 1:9 19

SA ating pinakamasayang sandali ayaw nating mamatay. Ang kagustuhang mamatay ay nangyayari lamang kung di na natin kayang pagtiisan ang pagdurusa. Ang ating tunay na kagustuhan ay pagliligtas hindi kamatayan. Gusto nating bumalik ang masasayang araw muli. Gusto nating matanggal ang sakit. Kung maaari lamang mabuhay ang ating mga pumanaw na mahal sa buhay. Nais natin ang kasiglahan at kasiyahan.

Pawang nagbibiro tayo sa pagturing sa kamatayan ng pagtatapos ng isang magandang buhay. Ito ay isang kaaway. Hindi ito nag-uugnay sa mga magagandang karanasan sa buhay. Tinuturing nating kaibigan ang kamatayan sa paghahambing sa mga di magandang pangyayari, Ang pagtanggap sa halik ng kamatayan sa harap ng paghihirap ay hindi ang natatanging inaasam kung hindi kawalan ng pag-asa. Ang itinitibok ng ating mga puso ay buhay na maligaya.

Ganyan ang pagkalikha sa atin ng Diyos. “Inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso” (Ecclesiastico 3:11). Nilikha tayo sa wangis ng Diyos, at ang Diyos ay may buhay ng walang hanggan. Tayo rin ay hinubog upang mabuhay magpakailanman. At tayo ay mabubuhay nga ng gayon. Ang kabaligtaran ng buhay na walang hanggan ay hindi ang pagkaubos ng buhay. Ito ay ang Impiyerno. Madalas itong ipangaral ni Hesus ng higit pa kanino man at malinaw niyang itinuro na ang pagtangi sa buhay na walang

20

hanggan na kanyang ipinagkaloob ay hindi hahantong sa pagwawakas kung hindi sa matinding pagdurusa sa pagtanggap ng poot ng Diyos: “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay sumasa kaniya” (Juan 3:36).

At ito ay magpakailan pa man. Sabi ni Hesus “At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa't ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay” (Mateo 25:46). Ito ay nagpapakita ng matinding pagtutol at pagsuway sa Diyos. Ang babala ni Hesus, “At kung ang mata mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Diyos na may isang mata, kay sa may dalawang mata kang mabulid sa impierno; Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy” (Markos 9: 47-48).

Samakatuwid ang buhay na walang hanggan ay hindi lamang pagdugtong sa kasalukuyang buhay na may pagdurusa at pagsasaya. Kung ang Impiyerno ay ang pinakamasamang hantungan ng buhay, ang buhay na walang hanggan naman ang pinakamaganda. Ito ay pagkamit ng lubos na kagalakan kung saan ay wala ng kasalanan at kalungkutan. Lahat ng kasamaan at nakapipinsala ay mawawala na sa kasalukuyang mundong ginagalawan. Lahat ng mabuti – lahat ng nagbibigay 21

ng tunay at tumatagal na kaligayahan – ay mananatili at malilinis at ipagiibayo pa.

Tayo ay babaguhin upang maging angkop ang ating pangangatawan sa di lubos na maisip na naghihintay na kagalakan sa ating nabubuhay. “Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, anumang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya” (1 Corinto 2:9). Ito ang katotohanan ngayon at magpakailanman: Para sa mga nagtitiwala kay Kristo paparating pa lamang ang ganap na kasaganaan. Masasaksihan natin nagsasaganang kaluwalhatian ng Diyos. “At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesu Kristo” (Juan 17:3). Para dito nagdusa at namatay si Kristo. Papaano natin tatanggihan ito bilang ating kayamanan at patuloy na mabuhay?

22

PAANO KO MAMAHALIN ANG DIYOS NA HINAHAYAANG LUMAGANAP ANG KASAMAAN?

At tungkol sa inyo ay inyong ipinalagay na kasamaan laban sa akin; nguni't ipinalagay ng Dios na kabutihan. - Genesis 50:20 Sapagka't sa katotohanan sa bayang ito'y laban sa iyong banal na Lingkod na si Jesus, na siya mong pinahiran, ang dalawa ni Herodes at ni Poncio Pilato, kasama ng mga Gentil at ng mga bayan ng Israel, ay nangagpisanpisan, Upang gawin ang anomang naitakda na ng iyong kamay at ng iyong pasiya upang mangyari. - Mga Gawa 4:27-28

Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Dios. - Deutoronomio 29:29 How Can I Love a God Who Allow 23 23 232 23 Evil2

23

ANG pinakamakabuluhang bagay na masasabi natin

tungkol sa pagdurusa at kasamaan ay, kay Hesu Kristo, ginawa ito ng Diyos para sa kabutihan. Ang pinagsimulan ng kasamaan ay nababalot ng hiwaga. “Free Will” ang tawag natin sa misteryong ito. Hindi maipaliwanag kung papaano piniling magkasala ang ganap na nilikha. Isa pang pangalan ng hiwagang ito ay “the sovereignty of God.” Ito ay totoong nakasaad sa Bibliya, ngunit marami pa ring di masagot na katanungan. Ang Bibliya ay di nagsasabi ng lahat ng gusto nating malaman. Sa halip sinasabi nito “Ang mga bagay na lihim ay nauukol sa Panginoon nating Diyos” (Deuteronomio 29:29).

Sa kaibuturan ng Bibliya at Kristiyanismo hindi natin makikita ang pinagmulan ng kasamaan, ngunit ipinapakita nito ang pagkilos ng Diyos at ang pagsalungat niya sa kasamaan – naging walang hanggang kabutihan at kagalakan. May mga palatandaan sa Banal na Kasulatan na ganito ang tadhana ng Mesyas. Si Jose, anak ni Jacob, ipinagbili bilang alipin sa Ehipto. Nagmistulan siyang pinabayaan sa loob ng 17 taon. Ngunit sa pagkilos ng Diyos siya ang naging tagapamahala ng Ehipto, at ng panahon ng matinding tagtuyot siya ang naging tagapagligtas ng nagbenta sa kanya. Ang kabuuan ng kuwento ay pinaliwanag ni Jose na “At tungkol sa inyo ay inyong ipinalagay na kasamaan laban sa akin; nguni't ipinalagay ng Diyos na kabutihan upang mangyari ang gaya sa araw na ito, na iligtas ang 24

buhay ng maraming tao” (Genesis 50:20). Ito ay nagsilbing pagpapakilala sa gawain ni Hesu Kristo, tinalikuran upang magligtas.

Tunghayan natin ang pinagmulan ni Kristo. Dati ang Diyos ang natatanging Hari ng Israel. Ngunit nag-aklas ang mga Isrelita at humiling ng taong hari: “Hindi; kundi magkakaroon kami ng hari sa amin; (1 Samuel 8:19). Kalauna inamin nila “Sapagka't aming idinagdag sa lahat ng aming mga kasalanan ang kasamaang ito, na humingi kami para sa amin ng isang hari” (1 Samuel 12:19). Ngunit naroon ang Diyos. Mula sa hanay ng mga haring ito si Kristo ay isinugo sa mundo. Ang walang salang tagapagligtas ay nagmula sa makasalanang pinanggalingan upang magligtas ng mga makasalanan.

Ngunit ang pinaka-nakamamanghang pangyayari ay ang pagtatagumpay ni Kristo sa kasamaan at pagdurusa ay ang pagdaan niya sa mga bagay na ito. Bawat pagtataksil at pagpaparusa kay Kristo ay kasalanan at kasamaan. Ngunit bahagi dito ang Diyos. Ang sabi ng Bibliya “Siya, na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Dios, kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay" (Gawa 2:23). Ang latay sa kanyang likod, tinik sa kanyang ulo, ang pagdura sa kanyang pisngi, mga pasa sa kanyang mukha, pako sa kanyang palad, sibat sa kanyang tagiliran, ang alipusta ng mga maykapangyarihan, pagtaksil ng kanyang kaibigan, paglisan ng kanyang mga alagad- ito ay sanhi ng pagkakasala at bahagi ng 25

plano ng Diyos sa pagtanggal ng kapangyarihan ng kasalanan. “Ang dalawa ni Herodes at ni Poncio Pilato, kasama ng mga Gentil at ng mga bayan ng Israel, ay nangagpisanpisan, upang gawin ang anumang naitakda na ng iyong kamay at ng iyong pasiya upang mangyari” (Mga Gawa 4:27-28).

Wala ng hihigit pang kasalanan sa pagtakwil at pagpatay sa Anak ng Diyos. Wala ng mas hihigit pang pagdurusa at pagkawalang-sala sa pinagdaanan ni Kristo. Ngunit bahagi dito ang Diyos. “Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya” (Isaiah 53:1). Ang kanyang paraan sa pag-gapi ng kasamaan at pagdurusa ay ang pag-gamit ng kasamaan at pagdurusa. “Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan” (Isaias 53:5). Hindi ba’t ang pagdurusa ni Kristo ay pagpapahayag sa mundo na walang kasalanan o kasamaan na hihigit pa sa kapangyarihan ng Diyos, sa pamamagitan ni Kristo, na di kayang gawing walang hanggang kabutihan at kagalakan? Ang pagdurusang ating idinulot ang naging panimula ng ating kaligtasan. At sinabi ni Hesus, “Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lukas 23:34). 26

BAKIT LAHAT TUNGKOL SA DIYOS?

Sapagka't si Kristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; - 1 Pedro 3:18

Datapuwa't ngayon kay Kristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Kristo. - Efeso 2:13

Kung magkagayo'y paparoon ako sa dambana ng Dios, sa Dios na aking malabis na kagalakan: - Awit 43:4 27

SA kabuuan ng lahat, ang Diyos ay ang Ebanghelyo.

Ang Ebanghelyo ay ang “mabuting balita.” Ang buhay Kristiyano ay hindi pag-aaral ng Diyos kundi balita mula sa Diyos. Ito ay katulad ng mga bilanggo sa digmaan na nakakarinig mula sa nakatagong radyo ng balita ng pag-asang paglaya at pagsagip. Kaya nagtataka ang mga bantay kung bakit nagbubunyi ang mga bilanggo.

Ngunit ano ang pinakamabuti sa mabuting balita? Nagtatapos ang lahat sa iisang bagay lamang: Sa Diyos. Ang lahat ng nasasaad sa Ebanghelyo ay tungkol sa Kanya, kung hindi man ay hindi ito ang Ebanghelyo. Halimbawa, ang “kaligtasan” ay hindi mabuting balita kung ito ay upang di mapunta sa impiyerno lamang at hindi para sa Diyos. “Pagpapatawad” ay hindi mabuting balita kung ito ay para sa pagpawi ng kabigatan ng loob lamang at hindi patungo sa Diyos. “Pagpapawalang-sala” ay hindi mabuting balita kung ito ay tumitigil sa ating pagiging katanggap-tanggap lamang sa Diyos, at hindi sa pakiki-isa sa Diyos. “Pagtubos” ay hindi mabuting balita kung ito ay nagpapalaya lamang sa atin sa kasalanan, ngunit hindi nag-uugnay sa Diyos. “Pagkalinga” ay hindi mabuting balita kung tayo ay nilalalgay lamang sa pamilya ng Diyos at hindi sa kanyang kanlungan.

Ito ay mahalaga. Marami ang tumatanggap sa mabuting balita na hindi niyakap ang Diyos. Walang sapat na katibayan na tayo ay binago na ng Diyos 28

dahilan lamang gusto nating makaiwas sa impiyerno. Ito ay natural na pagnanais, lamang hindi mula sa Diyos. Hindi ito nangangailangan ng panibagong buhay upang isa-isip ang pagkakaroon ng kapatawaran, o ang pagpawi ng poot ng Diyos, o kasiguruhan ng kasaganaan sa kabilang buhay. Itong mga bagay na ito ay madaling tanggapin na hindi nangangailangan ng pagbabagong buhay. Hindi mo kinakailangan ng “ipanganak muli” upang gustuhin ang mga bagay na ito. Gusto rin ito ng Diyablo. Hindi mali ang pagnanais nito. Isang kahibangan ang hindi pagkakaroon ng kagustuhan nito. Ngunit ang katibayan ng ating pagbabago ay gusto nating magkaroon ng mga ito sa ating pakiki-isa sa Diyos. Ito ang pinakamakabuluhang pagsasakripisyo na ginawa ni Kristo. “Dahil si Kristo man ay minsang nagdusa dahil sa kasalanan. Ang matuwid para sa mga hindi matuwid upang madala niya tayo sa Diyos” (1 Pedro 3:18). Bakit ito ang diwa ng mabuting balita? Dahil tayo ay nilikha upang mamuhay sa lubos at tumatagal na kagalakan sa pagsilay at pagtamo ng kuluwalhatian ng Diyos. Kung ang ating kagalakan ay nagmumula sa mas mababang pinagkukunan, tayo ay hindi sumasamba sa tunay na Diyos at Siya ay ating tinatalikuran. Nilikha niya tayo upang maipakita natin sa ating buhay ang kagalakang ito. Ang Ebanghelyo ni Kristo ay ang mabuting balita na ang pagbubuwis ng buhay ng kanyang bugtong na Anak, ay ginawang 29

paraan ng Diyos upang tayo ay madala sa kanya at tayo ay magkaroon ng walang hanggang kagalakan. Bago pa man dumating si Kristo, nagpakilala na ang Diyos bilang daluyan ng lahat ng ating

kagustuhan. “Iyong ituturo sa akin ang landas ng

buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man” (Awit 16:11). Pagkatapos ay isinugo niya si Kristo upang magdusa “upang tayo ay dalhin sa presensiya ng Diyos.” Ang ibig sabihin nito ay pinadala niya si Kristo upang ang sangkatauhan ay magkaroon ng pinakamalalim at pinakamatagal na kagalakan. Pakinggan natin ang kanyang pag-anyaya: Tumalikod sa “nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala” (Hebreo 11:25) at magtungo sa “kasayahan magpakailanman” (Awit 16:11). Halina kay Kristo!

30

ANO ANG IBIG SABIHIN NITO PARA SA AKIN?

Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos. - 1 Juan 5:13 Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan. - Juan 5:24

Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, - Mga Gawa 3:19 Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Diyos, na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Hesu Kristo sa ikabubuhay na walang hanggan. - Judas 1:21 II JuaWhat Does All This Mean for Me? 31

Nilikha tayo ng Diyos para sa kanyang kaluwalhatian.

Dalhin mo rito ang aking mga anak na lalaki na mula sa malayo,.. yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian. - Isaias 43:6-7

NIlikha tayo ng Diyos upang palawakin ang kanyang kadakilaan- gaya sa pagpapalaki ng mga bituin sa pag-gamit ng teleskopyo. Nilikha Niya tayo upang isalin sa atin at ipakita ang kanyang kabutihan at katototohanan, at kagandahan, at karunungan at katarungan. Ang pinakamakabuluhang pagpapakita ng kaluwalhatian ng Diyos ay ang pagkakaroon ng matinding kagalakan kung sino siya sa ating buhay. Ibig sabihin ang kaluwalhatian ay sa Diyos at atin ang kaaliwan. Nilikha tayo ng Diyos na siya ay lubos na maluwalhati sa ating buhay kapag tayo ay lubos na masagana sa kanya. __________________________

Ang bawat tao ay dapat mabuhay para sa Kaluwalhatian ng Diyos. Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos.- 1 Corinto 10:31

Kung tayo ay nilikha para sa kaluwalhatiaan ng Diyos, maliwanag na tayo ay dapat mamuhay para sa 32

kanyang ikaluluwalhati. Ang ating tungkulin ay ayon sa kanyang disenyo. Samakatuwid ang ating pangunahing tungkulin ay ipakita ang kabuluhan ng Diyos sa ating buhay sa ating kapanatagan sa kanya. Ito ang anyo ng pagmamahal sa Diyos (Mateo 22:37) at pagtitiwala (1 Juan 5:3-4) at pasasalamat sa kanya (Awit 100:2-4). Ito ang ugat ng tunay na pagsunod, lalo na sa pagmamahal sa kapwa (Mga taga Colosas 1:4-5). _____________________________

Lahat tayo ay nabigo sa pagluwalhati sa Diyos na nararapat lamang.

Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos; - Mga Taga Roma 3:23

Ano ang ibig sabihin ng “hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios”? Ang ibig sabihin ay wala sa atin ang ganap na nagtiwala at nagpahalaga sa Diyos ayon sa nararapat. Hindi tayo nasiyahan sa kanyang kadakilaan at sumunod sa kanyang mga yapak. Hinanap natin ang ating kagalakan sa mga ibang bagay; at itinuring na mas mahalaga sa Diyos, na isang tatak ng sumasamba sa isang diyos-diyosan (Mga Taga Roma 1:21-23). Simula ng pumasok ang kasalanan sa mundo, ang tao ay hindi tumatanggap 33

sa Diyos bilang pinakamahalagang kayamanan sa kanyang buhay (Mga Taga Epeso 2:3). Ito ay isang matinding pagkakasala sa kadakilaan ng Diyos. (Jeremias 2:12-13). _______________________

Lahat tayo ay nararapat lamang na parusahan ng Diyos. Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan… - Mga Taga Roma 6:23

Hindi natin pinahalagahan ang kaluwalhatian ng Diyos. Papaano? Sa pagkakaroon ng pagnanais sa mga ibang bagay ng higit pa sa Kanya. Sa ating hindi pagpapasalamat, hindi pagtitiwala at pagsuway sa Kanya. Kaya nararapat lamang na itakwil niya tayo sa kanyang paraiso magpakailanman. “Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan” (2 Mga Taga Tesalonica 1:9). Ang salitang “impiyerno” ay ginamit sa Bagong Tipan labing dalawang beses – labing–isa binanggit ni Hesus mismo. Ito ay hindi kagagawan ng mga mahina at galit na mensahero ng Diyos. Ito ay isang babala mula sa Anak ng Diyos na namatay upang iligtas ang mga makasalanan sa kaparusahan. Ang pagwawalang bahala dito ay isang malaking pagkakamali. 34

Kung ang Bibliya ay tumigil na sa puntong ito, tayo ay naitadhana na sa isang panghinaharap na walang pag-asa. Subalit, hindi ito dito nagtatapos. __________________________________

Ipinadala ng Diyos ang kanyang Anak upang magbigay ng Buhay na walang hanggan at lubos na kagalakan.

Si Kristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan - 1 Timoteo 1:15

Ang mabuting balita ay namatay si Hesus para sa mga makasalan katulad natin. Siya ay muling nabuhay upang maging katibayan na ang kanyang pagkamatay ay nagbibigay buhay at maghandog ng buhay na walang hanggan at kagalakan (1 Mga Taga Corinto 15:20). Ibig sabihin maaaring magpawalang sala ang Diyos at siya pa rin ay makatarungan (Mga Taga Roma 3:25-26). “Sapagka't si Kristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Diyos(1 Pedro 3:18). Ang pagtungo sa Diyos ay kung saan matatagpuan ang lubos na malalim at pangmatagalang kasiyahan.

35

Ang mga benepisyong tinubos ng pagkamatay ni Kristo ay ibinibigay sa mga nagsisisi at nanampalataya sa kanya.

Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka. - Mga Gawa 16:31

“Pagsisi” ay ang pagtalikod sa lahat na mapanlinlang na pangako ng kasalanan. “Pananampalataya” ay ang pagiging masagana sa lahat ng pangako ng Diyos na kay Kristo. “Ang sumasampalataya sa akin,” sabi ni Hesus, “ kailan ma'y hindi mauuhaw.” (Juan 6:35). Hindi natin pinagsisikapan ang kaligtasan, hindi natin maaangkin ito (Mga Taga Roma 4;4-5). Ito ay isang biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya (Mga Taga Epeso 2:8-9). Ito ay isang kaloob (Maga Taga Roma 3:24). Makakamit natin ito kung ito ang ating pinakamimithi sa lahat. (Mateo 13:44). Kapag ito ay ating nagawa na, ang dahilan ng paglikha ng Diyos sa tao ay magiging ganap na. Siya ay ating niluluwalhati at tayo ay sumasagana sa kanya – magpakilanman. 36

ANO ANG DAPAT KONG GAWIN?

At nang siya'y umalis na lumalakad sa daan, ay may isang tumakbong lumapit sa kaniya, at lumuhod sa harap niya, at siya'y tinanong, Mabuting Guro, ano ang gagawin ko upang ako'y magmana ng buhay na walang hanggan? - Marcos 10:17 At siya'y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob, at, nanginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas, at sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas? - Mga Gawa 16:29-30 37

Talikuran ang mga mapanlinlang pangako ng kasalanan.

Tumawag ka sa Panginoong Hesus na iligtas ka sa iyong kasalanan, kaparusahan at pagkagapos mula rito. “Sapagka't, ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.” (Mga Taga Roma 10:13).

Magtiwala ka sa pag-asang ibinibigay ng Diyos na kay Kristo.

Buwagin ang kapangyarihan ng mga pangako ng makasalanang pamumuhay sa pagtiwala sa mga masaganang pangako ng Diyos.

Magsimulang magbasa ng Bibliya upang matutunan ang mga mahahalaga at mapagkakatiwalaang pangakong magpapalya sa atin sa kasalanan. (2 Pedro 1:3-4).

Maghanap at dumalo sa isang “Bible –believing

church” at sumamba at sumagana kasama ng mga mananampalataya. (Mga Taga Filipos 3:7).

38

Alam mo ba ang kautusan ng Diyos na ikaw ay magalak?

Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon! - Awit 100:2

Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso. - Awit 37:4

Ang pinakamagandang balita sa mundo ay walang pagsasalungat sa ating pinakamataas na kagalakan at ang ganap na kabanalan ng Diyos. Ang ating kasaganaan sa Diyos kay Hesus ay nagdadakila sa Kanya bilang ating pinakamimithing kayamanan at nagdadagdag ng kagalakan- magpakailanman at walang katapusang kagalakan- na hindi mapapantayan. 39

Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man. Mga Awit 16:11

MINUMUNGKAHING BABASAHIN MULA KAY JOHN PIPER

50 Reasons Why Jesus Came to Die Seeing and Savoring Jesus Christ Don’t Waste Your Life Desiring God When I Don’t Desire God Taste and See God Is the Gospel Future Grace

Para sa kumpletong listahan ng mga magagamit na mga pamagat, pumunta sa www.desiringGod.org. Recommendations

41

TUNGKOL SA DESIRING GOD

Layunin ng Desiring God Ministries na ikalat ang simbuyo ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos para sa kagalakan ng sanlibutan kay Hesu Kristo. Inaanyayahan naming kayo na bumisita sa aming website para makakuha ng maraming libre at diskwentong aralin mula kay Pastor John Piper katulad ng mga aklat, CD, DVD, sermon, Sunday School materials para sa kabataan at marami pang iba. Desiring God 2601 East Franklin Avenue Minneapolis, MN 55406-1103 Toll Free: 1.888.346.4700 Web: www.desiringGod.org

WWW.DESIRINGGOD.ORG

Sa aming website, ay makikita niyo ang mga daan-daan ng mga mapagkukunan at mga produkto para matulungan kayo na mahanap ang iyong kagalakan sa Diyos tulad ng mga sermon, mga talambuhay, seminars, at iba pa na maaring mabasa, mapakinggan at mapanood – na walang bayad. Sa aming tindahan ay makikita niyo lahat ng aklat, CDs, MP3s at DVDs ni John Piper na maaring bilhin.

ANO MAN ANG MAKAKAYANG IBAYAD

Ang Desiring God ay hindi naglalayuning magnegosyo. Ang layunin naming ay ikalat ang Ebanghelyo. Ito ang dahilan kaya kami ang nag-aalok ng mga “online resources” ng walang bayad at nagbebenta ng ibang mga aklat sa napakababang presyo habang aming makakaya. Kahit mababa ang aming bentahan, alam naming na minsan mayroon mga taong hindi makayang magbayad. Para sa kanila, may patakaran kami na Kahit Ano ang Makakayang Ibigay. Tatanggapin naming ang kahit ano man ang ibigay sa amin. Lubos na nagagalak kami na ipamigay ng walang bayad ang ano mang binagay rin sa amin (Mateo 10:8). At hindi namin nais na ang gastusin ay maging hadlang sa Ebanghelyo ni Kristo (1 Corinto 9:12). Kaya kung nais niyo ng kopya ng ano mang aklat o kaya ay audio resource na mayroon kami, nguni’t limitado ang pera niyo, huwag kayong mahiya! Makipag-ugnay lamang sa amin at paalam kung ano ang nais niyo, at kasiyahan naming punuin ang inyong kahilingan.

TUNGKOL SA MAY AKDA

Si John Piper ay pastor ng pangagaral sa Bethlehem Baptist Church sa Minneapolis, Minnesota. Lumaki siya sa Greenville, South Carolina at nag-aral sa Wheaton College, kung saan una niyang naramdaman ang tawag sa ng Diyos na maging ministro. Siya ay nagkamit ng mga titulo mula sa Fuller Theological Seminary (Bachelor of Theology) at sa University of Munich (Doctor of Theology). Anim na taon siyang nagturo ng Biblical Studies sa Bethel College sa St. Paul, Minnesota at noon 1980 ay tinanggap niya ang tawag na magsilbing pastor sa Bethlehem. Siya ay may-akda ng maraming aklat at ang kanyang mga mensahe ay maririnig sa programang radio na pinamagatang “Desiring God”. Siya at si Noel na kanyang misis ay may apat na anak na lalaki, isang babae at dumaraming bilang ng mga apo.