philippine history - pagsiklab ng ikalawang pandaigdigang labanan
TRANSCRIPT
Paksa: Kalagayang Pampulitika ng Pilipinas sa Panahon ng AmerikanoPangkat bilang: 1Seksyon: 1-CSA
Layunin ng Pananakop
Benevolent Assimilation Kautusan na ibinaba ni Pangulong Mc Kinley noong Disyembre 21, 1898 Nagsasabing ang pananakop ng Estados Unidos ay hindi magiging katulad sa
paraan ng Espana Unang pahayag ng Amerika ng kanilang polisiya tungo sa mga Pilipino
Manifest Destiny Kaisipan ng Amerikano na dapat nilang gawing sibilisado ang mga barbaro ng
silangan Sa pananaw ng mga Amerikano, may tungkulin silang turuan ang mga Asyano
sa larangan ng edukasyon at sa medisina Naging katwiran ng mga Amerikano upang sakupin ang Asya
White Man’s Burden Isang tula ni Ruyard Kapiling White ang nagsisimbolo sa mga Amerikano
Pamahalaang Militar
Pinuno ng Sandatahang Lakas (Estados Unidos): Pangulong McKinley Isinailalim sa pamahalaang militar ang Maynila Paglutas ng mga suliranin sa lalong madaling panahon ang ginamit na dahilan Hinirang si Heneral Wesley Merritt, puno ng sandatahang lakas ng Estados Unidos sa
Pilipinas, na maging Gobernador Heneral noong Agosto 26, 1898
Otis (1898-1900) at MacArthur (1900-1901) ehekutibo, lehislatibo at hudisyal
Inalis ang kapangyarihang hudisyal sa kamay ng Gobernador Militar matapos maitatag ang hukuman
Sunod na inalis ang kapangyarihang lehislatibo nang maitatag ang Komisyon ng Pilipinas noong unang araw ng Setyembre 1900
Inalis ang kapangyarihang ehekutibo sa Gobernador Heneral ng pasinayaan si William H. Taft bilang Gobernador Sibil ng Pilipinas
Nanatili ang kapangyarihang ehekutibo sa Gobernador Militar sa bahagi ng Pilipinas na hindi pa sumusuko sa mga Amerikano
Pagbukas ng mga paaralang pangmadla
Pagtatag ng hukuman Kataastaasang Hukuman 9 mahistrado (6 Pilipino, 3 Amerikano)
Binigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na pumili ng pinuno, sa pamamagitan ng halalan
Komisyong Schurman
Mas kilala sa tawag na “First Philippine Commission” na naging lehistatura ng Pilipinas Tinatag ng Presidente ng Estado Unidos na si William McKinley noong Enero 20, 1899
Tinatag para pag-aralan ang sitwasyon dito sa Pilipinas Ginamit upang magbigay rekomendasyon kung papaano ang kilos na gagawin
ng Amerika
Ang huling ulat na isinumite ay noong Enero 3,1900 na inirekomenda ang pagtayo ng sibil na gobyerno na mayroong “bicameral legislature” at pagsasarili sa usapang pera
Inirekomenda rin ang pagtayo ng sistema para sa pampublikong edukasyon
Mga Kasapi Presidente: Jacob Gould Schurman Miyembro (1899):
George Dewey (Admiral of the United States Navy) Charles H. Denby (Former Minister to China) Elwell S. Otis (Military Governor) Jacob G. Schurman (Head of the Commission) Dean C. Worcester (Philippines Affairs Expert)
Susog Spooner
Paglilipat ng kapangyarihan mula sa kongreso patungo sa Pangulo Layunin nitong palitan ng pamahalaang sibil ang pamahalaang militar sa Pilipinas Panandalian lamang hanggang magkaroon ng permanenteng pamahalaan Itinatag noong Marso 2,1901
Komisyong Taft
Binuo ni US President William McKinley noong Marso 16, 1900 Itinalaga si William Howard Taft ni Pres. McKinley para pamunuan ito Isa sa mga layunin nito ay palitan ng Pamahalaang Sibil ang Pamahalaang Militar ng
Pilipinas Isa sa mga naitatag ng Taft Commission ay ang Korte Suprema Halos 100 na batas ang nagawa na may kinalaman sa pagpapatayo ng serbisyong sibil,
pagpapaayos sa mga harbor, at pagtatag ng iba’t ibang kawanihan ng gobyerno
Pamahalaang Sibil
Binubuo ng mga sibilyan Binigyang kapangyarihan ang Pilipinas ng lehislatibo simula Septyembre 1, 1900
Si William Taft ay itinalaga bilang Pinunong Ehekutibo sa mapayapang probinsya simula Hulyo 4, 1901 at naging unang Gobernador Sibil
Napalitan ang Gobernador Sibil sa Gobernador Heneral noong 1905, sa termino ni Luke E. Wright, na naging unang amerikanong Gobernador Heneral ng Pilipinas
Itinuro ang wikang ingles at kaisipang demokratiko sa mga pilipino. Naibahagi sa mga magsasaka ang ilang lupain dating pag-aari ng mga kastila
Batas Pilipinas 1902
Tinatawag din na Batas Cooper Pinagtibay noong unang araw ng Hulyo, 1902 Nilalaman ang mga karapatan ng mga Pilipino Pagtatayo ng Asamblea ng Pilipinas
Lehislatura ay nagkaroon ng dalawang kamara Komisyon
Mataas na Kamara- Amerikano at Pilipino
Asemblea Mababang Kamara
- Pilipino
Kapangyarihang hudisyal ay nilagay sa Kataastaasang Hukuman at Hukumang Tagapamayapa
Mga Partido Pulitikal
Federal
Pinakaunang partidong naitatag sa Pilipinas Naitatag sa pamumuno ni Trinidad Pardo De Tavera Naitatag noong Disyembre 23,1900 Suportado ng Presidente ng Estados Unidos (William Taft) Illustrado ang mga naturang miyembro ng partido Naglalayong maging estado ng Amerika ang Pilipinas Naglalayong tanggapin ng Pilipinas ang buerokrasyang handog ng pamahalaang
Amerika Tinatayang nagkaroon ng humigit kumulang na 150,000 na miyembro, probinsyal at
lokal 22 lamang na miyembro ang naitalaga sa posisyon matapos ang halalan noong Hulyo
1907 Kontrolado ang pulitika sa Maynila Sa kadahihilanan ng pagkatalo ng federalista, nagpalit ng pangalan ang partido sa
"democrat nacionalist party, bilang pangunahing "opposition group" sa nacionalista party
Nacionalista
Naitatag noong Abril 29, 1907
Sa simula'y nahahati sa dalawang grupo partido independista union nacionalista
Layuning maitatag ang agarang kalayaan mula sa mga mananakop Binubuo rin ng mga illustrado 58 na miyembro ang naitalaga sa mga posisyon matapos ang halalan noong Hulyo 1907 Nagkaroon ng di pagkakaunawan sa pagitan ni Manuel Quezon at ni Sergio Osmena, na
nag udlot ng muling pagkakahati ng grupo sa dalawa Taong 1924, Nang magkabati ang dalawang lider na nag udlot ng muling pagkabuo ng
partido Kontrolado ang pulitika ng pamahalaan na nag udlot sa pagbagsak ng federalista party Nagkaroon muli ng di pagkakaunawaan na nag udlot sa pagkakatatag ng pro’s at anti’s
Asembleya ng Pilipinas
Naitatag noong Oktubre 16, 1907 Binubuo ng 80 miyembro Lahat ng mga miyembro ay Pilipino Nabuo ang asembleya ayon sa Philippine bill of 1902 o Cooper Act, na
nagbigay ng kapangyarihan sa asembleya na gumawa ng mga batas Itinalaga ang mga miyembro noong Hulyo 30, 1907 Kasama ng Komisyon ng Pilipinas, nagamit ng asembleya ang kanilang kapangyarihan
sa mga kristiyanong probinsya lamang. Ang mga di-kristiyanong probinsya ay napasasailalim sa kapangyarihan ng komisyon
Batas Jones 1916
Tinawag din na Philippine Autonomy Act of 1916 Ang mga ebidensya ng maayos na pamahalaan ay ang ginamit na pinangakong
kalayaan sa Pilipinas Ang bagong halal na si Woodrow Wilson bilang Presidente ang dahilan ng pagbabago
ng direksyong polisiya sa katanungang pang kalayaan ng Pilipinas
Mataas at Mababang Kapulungan
Pagkatapos ng labanang Espanyol - Amerikano Gobernador Heneral
Ehekutibo Lehislatibo Hudisyal
Komisyon September 1, 1901
Pinuno- William Taft
Miyembro- Dr. Dean Worcester - Mr. Luke Wright
- Mr. Henry Ide - Prof. Bernard Moses
1901 Komisyon ng Pilipinas
Pangulo ng Estados Unidos Philippine Bill 1902
1907 Komisyon ng Pilipinas
Pangulo at Senado ng Estados Unidos
Asembleya ng Pilipinas 80 seats qualified voters in their district
October 16 (Manila Grand Opera House)- Nacionalista- Nacional Progresista
Sergio Osmena immediate and complete independence
1913 Presidente Woodrow Wilson (Estados Unidos) Gobernador Heneral Francis Burton Harrison Komisyon ng Pilipinas
5 Pilipino at 4 na Amerikano Gregorio Araneta Juan Sumulong Rafael Palma
Jones Law October 16, 1916 Komisyon ng Pilipinas at Lehislatura ng Pilipinas
Senado “Mataas na Kapulungan” Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (House of the Representatives)
“Mababang Kapulungan”
Pilipinasasyon ng Pamahalaan (Harrison)
Patakarang maglagay ng mga Pilipinong may kakayahang mamahala Ginawa upang ihanda at sanayin ang mga Pilipino sa sariling pamamahala
Nahirang si Gobernador Francis Burton Harrison Lalong dumami ang bilang ng mga Pilipinong namamahala Dahilan upang pasalamatan at binigyang gawad na Pagkamamamayang
Pilipino ng Lehislatura ng Pilipinas
Ang patakaran na ito ay nagsilbi ng dalawang hangarin Nakuhang magkaisa ng mga katutubo
Pinayagan ang mga Amerikano na magpatakbo ng kanilang kolonyal na gobyerno sa Pilipinas
Sa pamamagitan ng napakaliit na “lakas-tao at paggasta”
Pilipinasasyon ay unti-unting napatupad simula 1899-1912 Mabilis na sinubaybayan noong 1913 Si Harrison ang namahala
Ito’y itinuloy sa mga paraan Ayon sa tagapangasiwang sangay ng kolonyal na gobyerno
Lahat ng opisina ay ibinigay sa mga Pilipino kalakip sa katawilasan ng Gobernador Heneral at ang opisina sa departamento ng publikong tagubilin
Ayon sa pambatasang sangay ng kolonyal na gobyerno Sa taong 1902, ang “All-American Philippine Commission” ay isinagawa
papalabas ng pambatasang tungkulin sa kolonya
Ayon sa panghukumang sangay ng kolonyal na gobyerno Lahat ng opisina ay ibinigay ng maaga sa mga Pilipino, kabilang ang mga
nasa kataas-taasang hukuman
Sa taong 1918, 80-85% ng kolonyal na gobyerno ng Amerikano sa Pilipinas ay nasa kamay na ng mga Pilipino
Pilipinasasyon noong 1935 Naitatag ang “All-Filipino”
Nagsariling pamahalaan Pinamunuan ni Manuel Quezon
Pagdating ng mga Hapon Simula 1942 at nanatili ng 3 taon Ipinatupad ng Estados Unidos ang pangakong kalayaan sa kabila ng pananakop
ng mga Hapon Taong 1946, natupad na ang kalayaan ng Pilipinas
Misyong Wood-Forbes
Leonard Wood Gobernador Heneral (1921-1927) Ang mga Pilipino ay natuto sa mga Amerikano ng pamamaraang pulitikal Nang magkaroon ng krisis sa kabinete, ang mga pulitikong Pilipino, na
pinamunuan ni Quezon ay tumanggi na makipag tulungan kay Gobernador Heneral Wood
William Forbes Gobernador Heneral (1909-1913)
Binuo muli ang Maynila na itinulad sa pangangailangan at pamantayan ng mga Amerikano
Taong 1913 ng tinalaga ni Woodrow Wilson si Francis Harrison bilang Gobernador Heneral ng Pilipinas
Pagpabor ni Harrison sa Pilipinasasyon Nakipagtalo ang mga republikanong Amerikano dahil sa kanilang pananaw na ang
Pilipinasasyon ay mahina at nakapagpababa lamang ng serbisyo Para suportahan ang posisyon, nang mahalal si Warren Harding bilang bagong
presidente, pinadala nya sa ibang lugar si Heneral Leonard Wood at William Forbes Oktubre 1921 ng ini-ulat ni Wood at Forbes na ang Pilipinas ay hindi handa para sa
kalayaan at maraming edukadong Pilipino ang humihiling pa rin na manatili sa pananakop ng Amerika
Pagsikil sa Nasyonalismo
Brigandage Act Pinapasa ni William Taft noong Nobyembre 12, 1902 Nagdeklara na kapalit ng anumang gawaing paglaban, pagnanakaw o kaguluhan, ay
pagpatay o 20 taon sa bilangguan, at kung may tumulong sa kanila ay pwede naman makakuha ng 10 taon
Reconcentration Act Napasa nuong Hunyo 1903 Nagpahintulot sa mga gobyerno ng mga probinsya na ilipat lahat ng naninirahan sa
mga baryo papunta sa bayan
Sedition Law Pinasa noong Nobyembre 4, 1901 Nagbibigay ng parusang pagpatay sa sinumang magdeklara ng kalayaan o
paghihiwalay sa Estados Unidos
Flag Law Taong 1907 Ipinagbawal ang pagtataas ng watawat o simbolo ng mga rebolusyonaryong Pilipino
Mga Sanggunian:
A Brief History of the Philippines by Alip Ang Pilipinas at mga Pilipino Noon at Ngayon by Teodoro A. Agoncillo Britannica Online Encyclopedia East Asia 1800-1949 by Sanderson Beck History of the Filipino people by Teodoro A. Agoncillo and Oscar M. Alfonso The Americanization of Manila 1898-1921 by Cristina Evangelista Torres The Other Philippine History Textbook (Book 2) - The American Period to the Present
Christine l. Diaz