photos by rhoda viajar busog sa...

4
17 Human Rights FORUM Masasagot ba ng Accelerated Hunger Mitigation BUSOG SA KASALATAN N OONG NAKARAANG linggo, ipinalabas sa telebisyon ang Philippine Agenda on Hunger. Ayon dito, may mga pamilyang nag-uulam na lang ng fish cracker dahil kulang ang pambili nila ng pagkain. Ayon sa ilang lider maralita, masarap din ang cornik na tig-piso bilang pang-ulam sa kanin. Mayroon ding mga nanay na kumukuha sa basurahan ng tira sa mga restoran, katulad ng nakita ko sa kahabaan ng Tomas Morato kagabi. n Ni AGNES M. ILAGAN Ang unang responsibilidad ng isang bansa ay siguruhin ang [karapatan sa] sapat na pagkain ng kanyang mga mamamayan – Arcadio Cruz, FAO ............................................................................................................................. May mga batang nagkoko- mersyal ng noodle na nag- sasabing sila’y maswerte dahil pagkain ito ng kanilang pamil- ya. 1 May komersyal din na nagsasabing makakatipid ang mga nanay kung itong noodle na ito ang bibilhin, kasama ang pagpipiko sa isang higanteng calculator. Sa patalastas ko rin nakita na pangalawa na pala ang Pilipinas sa may insidente ng napakaraming batang mal- nourished sa buong mundo. Kagabi rin, pinatalastas sa telebisyon ang ‘20 Barangay Food Terminal’ bilang bahagi ng ‘Accelerated Hunger Miti- gation Program’ ng gobyerno. May piniling 20 barangay kung saan dadalhin ang mga suplay ng pagkain para mas malapit na sa mga taong bibili. Sa ‘Food for School Program’ naman, bibigyan ng tig-isang kilong bigas (protein fortified rice) ang mga batang nasa Grade 1, pre- school at kindergarten na nanggagaling sa mga pamil- yang kabilang sa antas na tinaguriang ‘nakararanas ng matinding gutom’. 2 Binigyan ang Department of Education (DepEd) ng P 2B at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P 750M (sa P 1.126T budget) para sa feeding program. 3 Dagdag pa rito ang P 478M (Dep Ed) at P 180M (DSWD) na ibibigay galing sa natipid sa pagbabayad utang. Sinasabi sa nakaraang estadistika ng Social Weather Station (SWS) na may 19% sa mga Pilipino ang nakakaranas Program ang Problema sa Kagutuman? ng kagutuman na matindi o severe hunger. Tinatayang may bilang itong 25 milyon. Ayon sa mga pag-aaral, lumalabas na mataas nga naman ang nagagastos sa sigarilyo, alak at load ng cell phone, imbes na mapunta sa pagkain. 4 Ang ganitong maling kaisipan, maling pagtatalaga ng prayoridad sa buhay ay repleksyon lamang ng maling prayoridad ng mga namumuno. Noong unang quarter ng 2006, ang total hunger incidence ay 16.9%. Tumaas ito sa 19% ngayong unang quarter ng 2007. Ang problema sa sapat na pagkain ay malaking sagka sa kaunlaran ng bansa. Photos by Rhoda Viajar NAGBIBILAD: hindi biro ang maging magsasaka. Photo by Ramil Andag

Upload: phungduong

Post on 06-Feb-2018

249 views

Category:

Documents


14 download

TRANSCRIPT

Page 1: Photos by Rhoda Viajar BUSOG SA KASALATANphilrights.org/wp-content/uploads/2010/10/Busog-sa-kasalatan.pdf · kaisipan, maling pagtatalaga ng ... supply-and-demand na balangkas. Ang

17Human Rights FORUM

Masasagot ba ng Accelerated Hunger Mitigation

BUSOG SAKASALATAN

NOONG NAKARAANG linggo,ipinalabas sa telebisyon ang PhilippineAgenda on Hunger. Ayon dito, maymga pamilyang nag-uulam na langng fish cracker dahil kulang ang

pambili nila ng pagkain. Ayon sa ilang lider maralita,masarap din ang cornik na tig-piso bilang pang-ulamsa kanin. Mayroon ding mga nanay na kumukuha sabasurahan ng tira sa mga restoran, katulad ng nakitako sa kahabaan ng Tomas Morato kagabi.

n Ni AGNES M. ILAGAN

Ang unang responsibilidad ng isang bansa ay siguruhin ang[karapatan sa] sapat na pagkain ng kanyang mga mamamayan

– Arcadio Cruz, FAO.............................................................................................................................

May mga batang nagkoko-mersyal ng noodle na nag-sasabing sila’y maswerte dahilpagkain ito ng kanilang pamil-ya.1 May komersyal din nanagsasabing makakatipid angmga nanay kung itong noodle naito ang bibilhin, kasama angpagpipiko sa isang higantengcalculator. Sa patalastas ko rinnakita na pangalawa na pala angPilipinas sa may insidente ngnapakaraming batang mal-nourished sa buong mundo.

Kagabi rin, pinatalastas satelebisyon ang ‘20 BarangayFood Terminal’ bilang bahaging ‘Accelerated Hunger Miti-gation Program’ ng gobyerno.May piniling 20 barangay kungsaan dadalhin ang mga suplayng pagkain para mas malapit nasa mga taong bibili. Sa ‘Food forSchool Program’ naman,bibigyan ng tig-isang kilongbigas (protein fortified rice) angmga batang nasa Grade 1, pre-school at kindergarten nananggagaling sa mga pamil-yang kabilang sa antas natinaguriang ‘nakararanas ngmatinding gutom’.2

Binigyan ang Department ofEducation (DepEd) ng P2B at angDepartment of Social Welfareand Development (DSWD) ngP750M (sa P1.126T budget) parasa feeding program.3 Dagdag parito ang P478M (Dep Ed) atP180M (DSWD) na ibibigaygaling sa natipid sa pagbabayadutang.

Sinasabi sa nakaraangestadistika ng Social WeatherStation (SWS) na may 19% samga Pilipino ang nakakaranas

Program ang Problema sa Kagutuman?ng kagutuman na matindi osevere hunger. Tinatayang maybilang itong 25 milyon.

Ayon sa mga pag-aaral,lumalabas na mataas nganaman ang nagagastos sasigarilyo, alak at load ng cellphone, imbes na mapunta sapagkain. 4 Ang ganitong malingkaisipan, maling pagtatalaga ngprayoridad sa buhay ayrepleksyon lamang ng malingprayoridad ng mga namumuno.

Noong unang quarter ng2006, ang total hunger incidenceay 16.9%. Tumaas ito sa 19%ngayong unang quarter ng 2007.

Ang problema sa sapat na pagkain ay malaking sagka sa kaunlaran ng bansa. Photos by Rhoda Viajar

NAGBIBILAD: hindi biro ang maging magsasaka. Photo by Ramil Andag

Page 2: Photos by Rhoda Viajar BUSOG SA KASALATANphilrights.org/wp-content/uploads/2010/10/Busog-sa-kasalatan.pdf · kaisipan, maling pagtatalaga ng ... supply-and-demand na balangkas. Ang

18 Human Rights FORUM

Pinakamataas ang pagdanas nggutom dito sa Metro Manila.

Gumawa ng pagsusuri angNational Nutrition Council(NNC) noong 2006, gamit angsupply-and-demand na balangkas.Ang buod ng problema ay sakadahilanang (1) walangmaibili ng pagkain ang mga taoat (2) kulang ang supply ngpagkain sa bansa. Sa usapingdemand, sinasabing kinakai-langang paramihin ang pera sabulsa ng mga Pilipino, pataasinang maayos na kalusugan atnutrisyon ng mga tao, atpangasiwaan ang populasyonng bansa. Sa bahagi naman ngsupply, ang natukoy na solusyonay ang pagpapataas ngproduksyon ng pagkain at pag-aayos sa daluyan upangmapaabot ang sapat na pagkainsa mamamayan.

Sa madaling sabi, nagu-gutom ang mga Pilipino dahilwalang pagkaing nakalaan okulang ang mga pagkain at walasilang perang pambili ngpagkain, ayon sa NationalNutrition Council. Sa kasa-lukuyan, may 19% ng Pilipinoang nakararanas ng tinatawagna involuntary hunger.

Gamit ang Rights-BasedApproach (RBA), iginiit ngNNC na kailangang matugunanang kagutuman dahil bawat taoay may karapatan sa sapat napagkain. Kinikilala ng NNC naang gobyerno ay may obli-gasyong tiyakin ang kase-guruhan sa pagkain. Kinikilalarin ng NNC na ang kagutumanay isang isyung pangkaunlaran:ito’y nagiging sagka sa paglagong ekonomiya ng bansa atlalong nagsasadlak ng karami-

han sa mga Pilipino sa kahira-pan. Dahil dito, nagkaroon ngisang planong pangnutrisyonmula 2005-2010. Ipinangako dinng Pilipinas na buburahin anglahat ng porma ng pagkakait sakanyang mamamayan sapamamagitan ng MilleniumDevelopment Goals (MDG).Kasama sa MDG ang kahirapanat kagutuman bilang mga por-ma ng pagkakait na kailangangnabura na pagsapit ng 2015.

Pagpapataas ng Supplyng Pagkain

May mga programa anggobyerno sa pagpapataas ngproduksiyon ng pagkain.Nandiyan halimbawa ang‘Gulayan ng Masa’ ngDepartment of Agriculture (DA),ang programa sa patubig/irigasyon ng National

Irrigation Administration(NIA), at ang mangrovereforestation ng Department ofEnvironment and NaturalResources (DENR). Pero hindilang hanggang sa pagpapataasng produksyon ang dapatasikasuhin. Kung mataas ngaang produksyon at hindi namannapapaabot sa mamamayan angproduktong pagkain, wala ringsaysay ang mga ganitongprograma.

Bukod dito, kailangan dingsiguruhin na ang mgaproduktong pagkain, tulad nggulay na galing Benguet, aymabibili ng mamamayan. Una,dapat siguruhin na ito ay ligtaskainin. Pangalawa, at masimportante, dapat siguruhin naito’y hindi lalangawin sa mgapalengke dahil sa kumpetisyongdala ng mga nagdadagsaang

HUNGER MITIGATION PROGRAM FRAMEWORKUnavailable or insufficient food HUNGER No money to buy food

Hunger Mitigation Measures

Supply Side Demand Side

Increase foodproduction

Enhance efficiency oflogistics & food delivery

Put more money in poorpeople’s pockets

Promote goodnutrition

Managepopulation

Productivityprograms includinglivestock, crops,marine regeneration(mangrove andcoastal fisherydevelopment), farmfamily (Gulayan ngMasa) and irrigation- DA, DENR, NIA

a) Barangay Food Terminal& Tindahan Natin - DA,NFA, DSWD

b) Ports (RORO)-maximumuse of private ports,shipping - DOTC/PPA

c) Farm to market roads -DPWH, DA, DAR, AFP

d) Efficient local transport -LGUs/Leagues of P/C/M/B, DILG, PNP

e) Food for School Program- DepED, DSWD

f) Creation of NGO networkto support feedingprograms - DSWD

g) Community tradeable ricecertificates - NFA

a) Improve productivity in coconutareas (coconut coir, virgincoconut oil & other value-addingproducts; coconut production) -DA, PCA (CIIF)

b) More aggressive micro-financing- Microfinance ProgramCommittee

c) Maximize employmentopportunities in construction &maintenance of farm-to-marketroads, irrigation and roadsidemaintenance - DPWH, MMDA,PNP, NIA, DAR, DA, AFP

d) Aggressive training - TESDA,DOLE, DSWD, CHED

e) Upland land distribution (4Mhas for jethropa, rubber) - DAR,DENR

a) Conduct socialmarketing-DOH, NNC/LGUs

b) Promoteexclusivebreastfeeding,appropriatecomplementaryfeeding andincreasedconsumptionof vegetables- DOH, NNC,LGUs

c) Nutritioneducation inschools -DepED

ResponsibleParenthood- DOH,POPCOM,LGUS/ULAP/Leagues ofP/C/M/B

Source: Executive Order 616

Page 3: Photos by Rhoda Viajar BUSOG SA KASALATANphilrights.org/wp-content/uploads/2010/10/Busog-sa-kasalatan.pdf · kaisipan, maling pagtatalaga ng ... supply-and-demand na balangkas. Ang

19Human Rights FORUM

gulay at prutas galing sa ibangbansa. Aminin na lang natin nasa kasalukuyang kalagayan ngating sistemang produksiyon,ang ating lokal na produkto aywalang kakayahang makipag-kumpetensiya sa mas murangproduktong galing sa labas.Kaya nga marapat lang nabigyan muna ng proteksiyon atpangangalaga ang ating mgalokal na produkto tulad nggulay at iba pang pagkain, paranaman hindi malugi at tuluyangmawasak ang kabuhayan ngating maliliit na magsasaka.

Bagama’t hindi bahagi ngAHMP, may plano din ang DAna pataasin ang produksiyon ngpalay. Ngunit ang nakaka-bahala, sa Ginintuang Ani naprograma ng DA, pulos mgahybrid at certified seeds lamangang gagamitin. Alam namannating kaakibat sa paggamit ngmga hybrid na palay ay angpaggamit ng mga pestisidyo atiba pang kemikal na nakaka-lason hindi lamang ng tao kunding kapaligiran. Isa pang isyudito ay ang pagkawala ng mgatraditional varieties ng palay, nadi hamak ay mas resistant samga peste at sakit.

Marami ring mgakatanungan sa isyu ng patubig.Halimbawa, ilan sa atingmagsasaka ang nabibigyan ngirigasyon? Ito ba ang mgamaliliit na magsasakangumaasa sa kanilang maliitangproduksyon? Paano natitiyak nalikas-kaya ang suplay ng tubig?Habang tinitiyak natin angpatubig sa mga taniman, maymga programa naman ba paratiyakin ang kaligtasan ng mgawatershed?

Kung may mangrovereforestation man, wala ringsaysay ito kung hindi titiyakinng DENR na wala nang mangrovedeforestation. Ilan na ba sa mgayamang dagat ang naging beachfront at resorts, at ano angginagawa para pigilan angpagdami ng mga ito?Kailangang tingnan kungextractive (ibig sabihin kuha langtayo ng kuha) ang ating polisiyapara sa likas na yaman ng bansa.Hindi lamang ito usapin ngpagkain para sa mga susunodna panahon kundi kaligtasan na

rin ng mamamayan atpagpapayaman ng biodiversity.

Sa pagpapaabot naman ngmga pagkain, nariyan ang ‘20Barangay Food Terminal’ at‘Tindahan Natin.’ Sa ‘Food forSchool Program,’ bibigyan ng 1kilong bigas araw-araw sa loobng 120 araw ang mga pamilyana may severe hunger. Ibibigayang bigas sa mga bata sa Grade1, nasa pre-school at day carecenter. Sa programang ‘TindahanNatin,’ sinisikap na magkaroonng murang mga bilihin tulad ngbigas at noodles ang mgatindahan. Ipinapatupad ito samay 49 na probinsya natinitingnang may mataas nainsidente ng kagutuman.Mayroon din ang NNC na FoodInsecurity and VulnerabilityInformation and MappingSystems (FIVIMS).

Pero ang mga ito ay hinditunay na kasagutan sa problemang kagutuman, lalo na sakanayunan. Halimbawa, angmga pamilyang dumaranas ngmatinding kawalan at gutom atnasa ilalim ng 120-araw na‘Food for School Program.’Paano masisiguro na sila ay maymakakain pa rin pagdating ngika-121 at sa mga susunod pang

araw?Paano naman ang mga

pamilyang nakakaranas ngmatinding gutom pero hindinasasaklaw ng ‘Tindahan Natin’na programa?

Isa pang isyu dito ay angpagtugon sa kaseguruhan sapagkain sa mga lugar na maygiyera. Ang mga tao dito aytiyak na hindi nakakapagtanim,o kung nakapagtanim man,maaaring nasira ang kanilangmga pananim dahil sa giyera odi kaya’y wala silang akses sakanilang pananim dahil ngasila’y nasa mga evacuationcenters. Sapat ba ang kanilangkinakain habang nasa mgacenters? Ligtas ba ang tubig nakanilang iniinom? Isinaalang-alang ba ang ganitong realidadng programang AHMP?

Sa katagalan, hindi rinnakakatulong ang ginagawa ngpamahalaan na feeding programdahil ito’y isang dole-out programlamang. Hindi nito tinutugunanang tunay na ugat ngkagutuman at hindi nitosinasagot ang katanungangbakit hindi mapakain ng mgatao ang kanilang sarili.

Kailangang tingnan dinkung may kakayahan ang mga

nagpoprodyus ng pagkain namagbyahe ng kanilang mgaprodukto bagamat merongteknolohiya at imprastrukturatulad ng RORO at farm-to-marketroads.

Sa Demand SideHabang sinisiguro ang sapat

na suplay ng pagkain, dapatding pinagsisikapan namagkaroon ng kakayahangbumili ang mahihirap namamamayan. Kailangan angmga programa na tutugon saganitong pangangailan ng mgamagsasaka. Importante dito angpagtitiyak na ang mga nasasektor agrikultura, maging angmga ordinaryong mamamayan,ay may akses sa mga productiveresources. Para sa magsasaka, itoay ang pagkakaroon ng sarilinglupang sakahan.

Hanggang 2008 na lamangang panahon para sapamamahagi ng lupa sa ilalimng Comprehensive AgrarianReform Program (CARP), atmarami pang lupain ang hindipa naipamamahagi. Maging samga lupang iniulat ng DAR nanaipamahagi na, marami paring problema (tingnan angsalaysay tungkol sa hunger strikeng mga magsasakang miyembro ngTask Force Mapalad sa pahina 12).Dapat isaalang-alang nggobyerno ang nagingeksperyensya ng ibang bansadito sa Asya na matagumpay nanagpatupad ng repormangagraryo, tulad ng Malaysia,South Korea at Hapon, nangayo’y pawang mas maunladna kumpara sa Pilipinas.

Mga Rekomendasyon

Apektado ang produksiyon ng pagkain kung walang akses sa teknolohiya. Pepito Frias

Rhoda Viajar

Page 4: Photos by Rhoda Viajar BUSOG SA KASALATANphilrights.org/wp-content/uploads/2010/10/Busog-sa-kasalatan.pdf · kaisipan, maling pagtatalaga ng ... supply-and-demand na balangkas. Ang

20 Human Rights FORUM

Unang dapat asikasuhin angintegridad ng pagkain.

Dapat bigyang pansin angkaligtasan ng pagkain. Ang mgaisasaalang-alang dito ay: angpinanggalingan ng pagkain,sino ang gumawa ng pagkain,paano tiniyak ang kaligtasan ngpagkain.

Iminumungkahi na sa halipna magdagdag ng mga proteinisolates sa bigas halimbawa, masmaigi kung sa natural napagkain na tumutubo sa atingkapaligiran manggaling angmga sustansyang hinihingi.Maraming bitamina ang mgapagkaing hindi binibigyangpansin ng mga programa ngating gobyerno.

Halimbawa, may mga lokalna variety ng bigas na pwedengituring na kumpletong pagkainna dahil nilalaman nito angtinatawag na ‘go, grow andglow components.’ Pinoprodyusito sa likas-kayang pamama-raan na hindi nakakasira sakapaligiran. Bakit hindi buhu-san ng suporta ng gobyerno angpagprodyus nito?

Sa halip na mamahagi ngvegetable-based noodles, pwedenamang tiyakin na ang mgagulay na pinoprodyus ng mgalokal na magsasaka ay inuunasa mga pamilihan. Kung angisang produkto o pagkain aynapoprodyus o nagagawa dito,bakit kailangan pang mag-import? Usapin pa rin ito ngsuporta sa mga magsasaka atpagtiyak sa seguridad sapagkain nila at ng buongsambayanan.

Sa usapin ng seguridad sapagkain, nakakabahala namalalaking lupain ang inilalaanpara sa pagtatanim ng mgagagamitin para sa bio-fuel.Maaring mauwi na naman tayosa monocropping (na mapamin-sala sa kalusugan ng lupa) nakung saan mga corporate farmslamang ang makikinabang.Kailangang isipin itong mabutidahil hindi lamang ito usapinng suplay at demand, kundiusapin na ito mismo ngkapaligiran. Sa mga pag-aaralsa Malaysia at Indonesia, malakiang nagawang pinsala ngpagtatanim ng jethropa dahilnabawasan ang biodiversity.

Sumugod ang mga elepante samga nayon maging ang mgatigre dahil nabawasan angkagubatan. Wala man tayongmga elepante at tigre sa atingkagubatan, pero may mgakatutubong pamayanan, mgahayop, kulisap, ibon, halaman,atbp. na umaasa dito paramabuhay.

Nakasaad sa AHMP ang landreform sa upland para taniman ngjethropa. Paano naman ang landreform sa lowland para tanimanng pagkain? Matatapos na angCARP sa 2008 at marami pa rinang hindi nabibigyan ng lupaat suporta serbisyong pang-agraryo.

Mahalaga din ang usapinggender sa isyu ng seguridad sapagkain. Para sa mga nanay nanagpapasuso, kung saan maybreastfeeding program, kai-langang tiyakin na ang mgananay ay kumakain din ng sapat.Natitiyak ang kalusugan ngmga nanay sa pamamagitan ngcheck-up at iba pang suportangserbisyo sa mga nagbubuntis atnagpapasusong mga nanay.Marami pa ang dapat gawin saganitong usapin. Halimbawa,ang paglalagay ng mga espasyosa mga pagawaan at komunidadkung saan maaring makapag-pasuso ang mga nanay atmaalagaan ang kanilang mgaanak ay halos hindi panapapatupad.

Kailangan ding tingnan ng

gobyerno ang resulta ng pag-aaral na nagsasabing mahigitsa 40% ng kababaihan ay irondeficient. Hindi biro ang epektong kalusugan ng isang nanay sakanyang mga anak.

Ayon kay Dr. Ofelia Templo,dating Assistant DirectorGeneral ng NEDA, kailanganding maging malinaw sapamahalaan kung ano angtinatarget nitong bawasan: angbilang ng mga mahihirap napamilya sa usapin ng pagkain ofood poor families, o ang bilang ngmga probinsyang nasasubsistence incidence katulad ng30 piniling probinsya na hindinaman ibig sabihin ay food poor.Aniya, kailangan ding tingnankung may budget ang mgakinauukulang LGU para sapagpapatupad ng mgaprogramang kontra gutom.Importante din ang maayos nakonsultasyon sa mga taongapektado.

Transparency atAccountability

Kinakailangan ng malinawna ulat mula sa gobyerno nanakalathala kung paanoginastos ang badyet para saAHMP. Ang ulat ay maglalahadkung sinu-sino ang mganakatanggap, at feedback mula samga benipisyaryo ng BarangayFood Terminals, Food for SchoolProgram, Gulayan ng Masa,atbp. Kailangan ding silipin ang

mga ito sa usapin kung ligtas,katanggap-tanggap sa kultura,abot-kaya at naabot ng mgamamamayan.

Kailangan ding iulat kungpaano tinulungang madala sapamilihan ang mga produktong mga nagpoprodyus ngpagkain. Seryosohin natin angipinapangako nating pag-angatpara sa 30 napiling mahihirapna lalawigan. Siguruhin namagkakahanapbuhay ang mgamay kakayahang maghanapbuhay. Magbigay suporta saproteksyon ng mga matatandaat bata, maging ng mga maykapansanan at naaksidente dahilsa paggawa.

Iminumungkahi rin angpagtatayo ng mga food securitycouncils sa mga barangay atlokal na pamahalaan napopondohan mula sa pambansaat lokal na budget. Ang mgakonseho ay tutulong sapamahalaang lokal na mailagayang mga mekanismo saprogramang pagkain. Sila rin aygagawa ng mga paraan upangmaging popular sa mgamamamayan ang programa.

Ang Pilipinas ay lumagda sapandaigdigang tratado ngEconomic, Social and CulturalRights. Bilang Estado-Partido nalumagda, may obligasyon ito namagtataguyod, igalang atbigyang kaganapan angKarapatan para sa Sapat naPagkain. Hindi ‘instant’ angsagot , hindi instant noodles, oagarang pagpapababa nggutom. Manapa’y pagsusuri ngmga patakaran, programa atpagpapatupad ng mga serbisyopubliko. Usapin ito ng buhay,sikmura at kaganapan ng mgamamamayan. Usapin ito ngisang pamahalaang nagpa-padaloy ng isang lipunangtutugon para sa kalayaan sakagutuman at pagkauhaw. Ditotayo magsisimula.

(Si Agnes M. Ilagan ay LiaisonOfficer ng Women’s Institute forSustainable Economic Action[WISE-ACT].)

NOTES1 PDI March 26, 2007 A1-A122 MS March 28, 2007 A1-A23 ibid4 PDI,March 21, 2007, A2.

TEXT NG TEXT: Mas importante pa nga ba sa pagkain? Jay Azucena