pi 100 readings

28
Sa Aking mga Kabata Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Sa langit salitang kaloob ng langit Sanlang kalayaan nasa ring masapi Katulad ng ibong nasa himpapawid Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian At ang isang tao’y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamanin kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel, Sapagkat ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin. Ang salita nati’y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una

Upload: michael-moore

Post on 15-Sep-2015

79 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

required readings PI 100 under Wilfreda Legaspi except Mi Ultimo Adios

TRANSCRIPT

Sa Aking mga KabataKapagka ang bayay sadyang umiibigSa langit salitang kaloob ng langitSanlang kalayaan nasa ring masapi

Katulad ng ibong nasa himpapawidPagkat ang salitay isang kahatulanSa bayan, sa nayo't mga kaharian

At ang isang taoy katulad, kabagayNg alin mang likha noong kalayaan.Ang hindi magmahal sa kanyang salitaMahigit sa hayop at malansang isda

Kaya ang marapat pagyamanin kusaNa tulad sa inang tunay na nagpalaAng wikang Tagalog tulad din sa Latin,

Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,Sapagkat ang Poong maalam tuminginAng siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.Ang salita natiy tulad din sa iba

Na may alfabeto at sariling letra,Na kaya nawalay dinatnan ng sigwaAng lunday sa lawa noong dakong una

Sa Kabataang FilipinoItaas ang iyongMalinis na nooSa araw na ito,Kabataang Pilipino!Igilas mo na rin ang kumikinang mongMayamang sanghayaMagandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!

Makapangyarihang waniy lumilipad,At binibigyang ka ng muning mataas,Na maitutulad ng ganap na lakas,Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad,Malinis na diwa, sa likmuang hangad.

Ikaw ay bumabaNa taglay ang ilawNg sining at aghamSa paglalabanan,Bunying kabataan,At iyong kalagiun ang gapos mong iyangTanikalang bakal na kinatalianNg matulain mong waning kinagisnan.

Ikaw na lagi nang pataas nag lipad,Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap,Na iyong Makita sa Ilimpong ulapAng lalong matamisNa mag tulaing pinakananais,Ng higit ang sarapKaysa ambrosia at nectar na awagasNg mga bulaklak.

Ikaw na may tinigNa buhat sa langit,Kaagaw sa tamisNa kay Filomenang Malinis na hiomig,Sa gabing tahimikAy pinaparam mo ang sa taong sakit,Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigasSa lakas ng iyong diway nagagawadNg buhay at gilas,At ang alaalang makislapAy nabibigayan ng kamay mong masikapNg buhay na walang masasabing wakes.

At ikaw, na siyangSa may ibat ibangBalani ni Febong kay Apelas mahal,Gayundin sa lambong ng katalagahan,Na siayng sa guhit ng pinsel mong tangayNakapaglilipat sa kayong alinman;

Hayo nay tumakbo! Sapagkat ang banalNa ningas ng waniy nais maputunganKayong naglalamay,At maipamansag ng tambuling tangan,Saan man humanggan,Ang ngalan ng tao, sa di matulusangLawak ng palibot na nakasasaklaw.

Malwalhating araw,Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!Ang Lumikhay dapat na pasalamatan,Dahilan sa kanyang mapagmahal,Na ikawy pahatdan.

Dahil sa Karunungan Nagkaroon ng Kinang ang BayanKarunungang pantas ay sigla ng buhay,Na sa atiy galling ang ibinibigay,Siyang naggagawad sa sariling bayanNg walang paglipas na mga tagumpay,At katulad pa rin ng hanging mahinay,Nagpapasariwa sa kabulaklakan,Gayon din ang dulot niyong karununganNa nagpapayabong sa sangkatauhan.

Dahilan sa kanyay nagpapakasakitAng tao pati na ng pananahimik,Dahilan sa kanyay nanasnaw na pilitAng sining at agham na kaakit-akit,Na siyang sa taoy nagbibigay-dikit,Bukal sa bundukin na lubhang malinis,Gayon din ang dunong: nanunuyong tikisSa baying payapat ligtas sa ligalig.

Doon sa ang tronoy ginawa ng dunong,Bagong kabataay sadyang umuusbong,Mga kamaliay kanyang natutunton,At dangal ng diwa, ang pinayayabong;Ang liig ng bisyoy kanyang napuputol;Salay namumutla kung nasasalubong;Sinusupil nya ang bansang ulupong,At hangal mang tao ay kanyang inaampon.

At gaya ng bukal, na kung dumidiligSa mga halamat bukid sa paligid,Ay inihahandog nang buong pag-ibigSa lahat ang kanyang malamig na tubig,Sa mga pasigat kanugnog na bukid,Sa kalikasan may hindi nagkakait;Gayon din ang taong sa dunong mahilig,Sa lalong mataas na dangal nananhik.

Sa kaniyang labiy daloy na malinisNg bait at dunong ang namamalisbis,Ang aral ng kanyang buong pananaligAy nagpapalayo sa masamang hilig,Na nangababasag sa pampang pagsapit,Katulad ng alon pag humahagupit,Itoy uliran ng taong may isip,Na ang tinutungoy landasin ng langit.

Sa dibdib ng taong kapus-kapalaraySiyang nagbibigay ng kaliwanagan;Siyang gumagapos sa salarin namatSa iba ay aliw ang iniaalay,Kung ang buti niyay siyang pinapakayAt sa kanyang dibdib ang butiy may tanglaw;At ang karunungan ay lubhang marangal,

Na siyang pabangong tiyak na sa buhay.Katulad ng isang kabatuhang lantad,Sa gitna ng alon na lubhang marahas,Pag-angil ng bagyo na napakalakas,Ay dinudusta lang kung pinagmamalas,Na kapag napagod sa unang paghampas,Ay umuurong nat takot na aalpas;Gayundin angh dunong na siyang may hawakNg sa bayan natiy pamitik sa lakad.

Sa batong sapiro niyayaring sadya,Pinapupurihan ang lupaing mutya;Sapagkat sa dibdib ng anak napunlaAng halamang ang iyong bulaklak ay diwaAt sa pag-ibig ding laging nasisirayMamamasdan niyong nangamamahalaSa bayang marangal na tapat sa tuwa,Kabihasnay siyang inaalagata.

Tinulad sa umagang waring ginintuangGinto rin ang buhos ng bukang liwayway,Tulad ng umagang gintot pulang kulay,Ang isinasabog na lubhang makinang;Ganyan din ang handog niyang karunungangMay hiyas na hain sa nangabubuhay,At siyang sa ating bayang minamahalAy nagbibigay ng pagka-walang hanggan.

Awit ni Maria ClaraWalang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.

Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng inaPaggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya.

Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan,Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang mapanglawSa wala nang ina, wala nang tahana't walang nagmamahal.

Awit ng ManlalakbayKagaya ng dahong nalanta, nalagas,Sinisiklut-siklot ng hanging marahas;Abang manlalakbay ay wala nang liyag,Layuin, kalulwa't bayang matatawag.

Hinahabul-habol yaong kapalarangMailap at hindi masunggab-sunggaban;Magandang pag-asa'y kung nanlalabo man,Siya'y patuloy ring patungo kung saan!

Sa udyok ng hindi nakikitang lakas,Silanga't Kanlura'y kanyang nililipad,Mga minamahal ay napapangarap,Gayon din ang araw ng pamamanatag.

Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw,Siya'y maaaring doon na mamatay,Limot ng daigdig at sariling bayan,Kamtan nawa niya ang kapayapaan!

Dami ng sa kanya ay nangaiinggit,Ibong naglalakaby sa buong daigdig,Hindi nila tanto ang laki ng hapisNa sa kanyang puso ay lumiligalig.

Kung sa mga tanging minahal sa buhaySiya'y magbalik pa pagdating ng araw,Makikita niya'y mga guho lamangAt puntod ng kanyang mga kaibigan.

Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik,Sa sariling baya'y wala kang katalik;Bayaang ang puso ng iba'y umawit,Lumaboy kang muli sa buong daigdig.

Abang manlalakbay! Bakit babalik pa?Ang luhang inyukol sa iyo'y tuyo na;Abang manlalakbay! Limutin ang dusa,Sa hapis ng tao, mundo'y nagtatawa.

Huling PaalamPaalam na, sintang lupang tinubuan,Bayang masagana sa init ng araw,Edeng maligaya sa amiy pumanawAt perlas ng dagat sa dakong Silangan.

Inihahandog ko ng ganap na tuwaSa iyo yaring buhay na lanta nat aba;Naging dakila may iaalay rin ngaKung dahil sa iyong ikatitimawa.

Ang nanga sa digmaan dumog sa paglabanHandog din sa iyo ang kanilang buhay,Hirap ay di pansin at di gunamgunamAng pagkaparool o pagtagumpay.

Bibitayat madlang mabangis na sakitO pakikibakang lubhang mapanganib,Pawang titiisin kung ito ang naisNg bayat tahanang pinakaiibig.

Akoy mamamatay ngayong minamalasAng kulay ng langit na nanganganinagIbinababalang araw ay sisikatSa kabila niyang mapanglaw na ulap.

Kung dugo ang iyong kinakailanganSa ikadidilag ng iyong pagsilang,Dugo koy ibubot sa isa man lamangNang gumigiti mong sinag ay kuminang.

Ang mga nasa ko, mulang magkaisip,Magpahanggang ngayon maganap ang bait,Ang ikawy makitnag hiyas na marikitNg dagat Silangan na nakaliligid.

Noo moy maningning at sa mga mataMapait na luha bakas may wala na,Wala ka ng poot, wala ng balisa,Walang kadunguat munti mang pangamba,

Sa sandaling buhay maalab kong naisAng kagalingan mot ang paiwang sulitNg kaluluwa king gayak ng aalis:Ginhaway kamtan mo! Anong pagkarikit!

Nang maabat ikawy mapataas lamang,Mamatay at upang mabigyan kang buihay,Malibing sa lupang puspos ng karikatSa silong ng iyong langit ay mahimlay.

Kung sa ibang araw ikawy may mapansinNipot na bulaklak sa aba kong libing,Sa gitna ng mga damong masisinsin,Hagkat ang halik moy itaos sa akin.

Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis,Mataos na taghoy ng may sintang sibsib,Bayang tumaggap noo ko ng init,Na natatabunan ng lupang malamig.

Bayan mong akoy malasin ng buwanSa liwang niyang hilanot malamlam;Bayan ihatid sa aking liwaywayAng banaang niyang dagling napaparam.

Bayaang humalik ang simoy ng hangin;Bayaang sa huning masayay awitinNg darapong ibon sa kurus ng libingAng buhay payapang ikinaaaliw.

Bayaang ang araw na lubhang maningasPawiin ang ulan, gawing pawang ulap,Maging panganuring sa langit umakyat,At ang aking daing ay mapakilangkap.

Bayaang ang aking maagang pagpanw,Itangis ng isnag lubos na nagmamahal;Kung may umalala sa akin ng dasal,Akoy iyo sanang idalangin naman.

Idalangin mo rin ang di nagkapalad,Na nangamatay nat yaong nanganhirapsa daming pasakit, at ang lumalangapnaming mga ina luhang masaklap.

Idalangin sampo ng bawat ulilaat nangapipiit na tigib ng dusa;idalangin mo ring ikawy matubos nasa pagkaaping laong binata.

Kung nababalot na ang mga libinganNg sapot na itim ng gabing mapanglaw,at wala ng tanod kundi pawing patay,huwang gambalain ang katahimikan.

Pagpitagan mo ang hiwagang lihim,at mapapakinggan ang tinig marahil,ng isang saltero: Ito ngay ako ringinaawitanka ng aking paggiliw.

Kung ang libingan kong limot na ang madlaay wala nang kurus at bato mang tandasa nangangabubukid ay ipaubayangbungkalit isabog ang natipong lupa.

Ang mga abo koy bago pailanglangmauwi sa wala na pinaggalingan,ay makalt munag parang kapupunanngiyong alabok sa lupang tuntungan.

Sa gayoy walaa ng anoman sa akin,na limutin mo mat aking lilibutinang himpapawid mo kaparangat hanginat ako sa iyoy magiging taginting.

Bango, tinig, higing, awit na masayaliwanag aat kulay na lugod ng matatuulit-ulitin sa tuwi-tuwina.

Akoy yayao na sa bayang payapa,na walang alipit punoing mapang-aba,dooy di nanatay ang paniniwalaat ang naghahari Diyos na dakila.

Paalam anak, magulang, kapatid,bahagi ng pusot unang nakaniig,ipagpasalamat ang aking pag-alissa buhay na itong lagi ng ligalig.

Paalam na liyag, tanging kaulayaw,taga ibang lupang aking katuwaan,paaalam sa inyo, mga minamahal;mamatay ay ganap na katahimikan.

Liham sa mga Dalagang Taga-MalolosEuropaPebrero 1889

SA MGA KABABAYANG DALAGA SA MALOLOS:

Nang aking sulatin ang Noli Me Tangere, tinanong kong laon, kung angpusuang dalaga'y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko mangsinaliksik yaring alaala; matay ko mang pinagisa-ngisa ang lahat gdalagang makilala sapul sa pagkabat, ay magisa-gisa lamang angsumaguing larawang aking ninanas. Tunay at labis ang matamis naloob, ang magandang ugal, ang binibining any, ang mahinhing asal;gunit ang lahat na ito'y laguing nahahaluan g lubos na pagsuy atpagsunod sa balang sabi hiling nang naggagalang amang kalulua(tila baga ang kaluluwa'y may iba pang ama sa Dios,) dala g malabisna kabaitan, kababaan g loob kamangmagan kay: anaki'y mga lantanghalaman, sibul at laki sa dilim; mamulaklak ma'y walang bago,magbuga ma'y walang katas.

gun at gayong dumating ang balitang sa inyong bayang Malolos,napagkilala kong ako'y namal, at ang tu ko'y labis. D sukat akosisihin, d ko kilala ang Malolos, ni ang mga dalaga, liban sa isangEmilia, at ito pa'y sa galan lamang.

gayong tumugon kayo sa uhaw naming sigaw g ikagagaling g bayan;gayong nagpakita kayo g mabuting halimbawa sa kapu dalagangnagnanasang paris ninyong mamulat ang mata at mahago sa pagkalugam,sumisigla ang aming pag-asa, inaaglah ang sakun, sa pagka at kayo'ykatulong na namin, panatag ang loob sapagtatagumpay. Ang babaingtagalog ay di na payuk at luhod, buhay na ang pagasa sa panahongsasapit; wal na ang inang katulong sa pagbulag sa anak na palalakhinsa alipust at pagayop. Di na unang karunugan ang patug g ulo sabalang maling utos, dakilang kabaitan ang gisi sa pagmura, masayangpangaliw ang mababang luh. Napagkilala din ninyo na ang utos g Diosay iba sa utos g Par, na ang kabanalan ay hindi ang matagal naluhod, mahabang dasal, malalaking kuentas, libaguing kalmin, kund angmabuting asal, malinis na loob at matuid na isip. Napagkilala dinninyo na d kabaitan ang pagkamasunurin sa ano mang pita at hiling gnagdidiosdiosan, kundi ang pagsunod sa katampata't matuid, sapagka'tang bulag na pagsunod ay siyang pinagmumulan g likong paguutos, at sabagay na ito'y pawang nagkakasala. D masasabi g pun par na silalamang ang mananagot g maling utos; binigyan g Dios ang bawat isa gsariling isip at sariling loob, upang ding mapagkilala ang lik attapat; paraparang inianak g walang tanikal, kund malay, at saloob at kalulua'y walang makasusupil, bakit kay ipaaalipin mo sa ibaang maragal at malayang pagiisip? Duag at mal ang akal na ang bulagna pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang mag isipisip at magnilaynilay. Ang kamangmagan'y, kamangmagan at d kabaita't puri. Dihiling g Dios, pun g katarugan, na ang taong larawan niya'y paulolat pabulag; ang hiyas gisip, na ipinalamuti sa atin, paningnigin atgamitin. Halimbaw baga ang isang amang nagbigay sa bawat isang anakg kanikanyang tanglaw sa paglakad sa dilim. Panigasin nila angliwanag g ilaw, alagaang kus at huag patain, dala g pag-asa sa ilawg iba, kund magtulongtulong magsangunian, sa paghanap g daan. Ulolna di hamak at masisisi ang madap sa pagsunod sa ilaw g iba, atmasasabi ng ama: "bakit kita binigyan ng sarili mong ilaw?" guni't dlubhang masisisi ang madap sa sariling tanglaw, sapagka't marahil angilaw ay madilim, kay ay totoong masam ang daan.

Ugaling panagot ng mga may ibig mang ulol, ay: palal ang katiwal sasariling bait; sa akal ko ay lalong palal ang ibig sumupil ng baitng iba, at papanatilihin sa lahat ang sarili. Lalong palal angnagdidiosdiosan, ang ibig tumarok ng balang kilos ng isip ng DIOS; atsakdal kapalaluan kataksilan ang walang gaw kund pagbintagan angDios ng balang bukang bibig at ilipat sa kanya ang bal niyang nas,at ang sariling kaaway ay gawing kaaway ng Dios. D dapat naman tayongumasa sa sarili lamang; kund magtanong, makinig sa iba, at sakagawain ang inaakalang lalong matuid; ang habito sutana'y walangnaidaragdag sa dunong ng tao; magsapinsapin man ang habito ng huli sabundok, ay bulubundukin din at walang nadaday kungd ang mangmang atmahinang loob. Nang ito'y lalong maranasan, ay bumili kayo ng isanghabito sa S. Francisco at isoot ninyo sa isang kalabao. Kapalaran nakung pagka pag habito ay hind magtamad. Lisanin ko ito at dalhin angsalit sa iba.

Sa kadalagahang punlaan ng bulaklak na mamumuga'y dapat ang babai'ymagtipon ng yamang maipamamana sa lalaking anak. Ano kaya ang magigingsupling ng babaing walang kabanalan kund ang magbubulong ng dasal,walang karunugan kungd awit, novena at milagrong pangulol sa tao,walang libagang iba sa panguingue magkumpisal kay ng malimit ngmuli't muling kasalanan? Ano ang magiging anak kund sakristan, bataanng cura magsasabong? Gaw ng mga ina ang kalugamian ngayon ng atingmga kababayan, sa lubos na paniniwal ng kanilang masintahing pus, atsa malaking pagkaibig na ang kanilang mga anak ay mapakagaling. Angkagulaga'y buga g pagkabat at ang pagkabata'y nasa kandugan gina. Ang inang walang maitutur kund ang lumuhod humalik g kamay,huwag magantay ng anak ng iba sa dug alipustang alipin. Kahoy nalaki sa burak, daluro pagatpat pangatong lamang; at kung sakal'tmay batang may pusong pangahas, ang kapangahasa'y tag at gagamitinsa sam, paris ng silaw na kabag na d makapakita kund pag tatakipsilim. Karaniwang panagot ang una'y kabanalan at pagsinta sa Dios.gun at ano ang kabanalang itinur sa atin? Magdasal at lumuhod ngmatagal, humalik ng kamay sa par, ubusin ang salap sa simbahan atpaniwalaan ang balang masumpugang sabihin sa atin? Tabil ng bibig,lipak ng tuhod, kiskis ng ilong..... bagay sa limos sa simbahan,sangkalan ang Dios, may bagay baga sa mundong ito na d ar at likhng Maykapal? Ano ang inyong sasabihin sa isang alilang maglimos sakayang panginoon ng isang basahang hiram sa nasabing mayaman? Sino angtaong d palal at ulol, na mag lilimos sa Dios at magaakalang angsalant niyang kaya ay makabibihis sa lumikh ng lahat g bagay?Pagpalain ang maglimos sa kapus, tumulong sa mayhirap, magpakain sagutom; gun at mapulaan at sumpain, ang bigi sa taghoy ng mahirap,at walang binubusog kund ang sandat, at inubos ang salap sa mgafrontal na pilak, limos sa simbahan sa frayleng lumalagoy sa yaman,sa misa de gracia ng may tugtugan at paputok, samantalang ang salapingito'y pinipig sa buto g mahirap at iniaalay sa paginoon g maibiling tanikalang pangapus, maibayad ng verdugong panghampas. kabulaganat kahiklian ng isip!

Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari."Gaw at hind salit ang hiling ko sa inyo" ani Cristo; "hind anakni ama ang nagsasabing ulit-ulit ama ko, ama ko, kund ang nabubuhayalinsunod sa hiling g aking ama." Ang kabanalan ay wal sa pulpol nailong, at ang kahalili ni Cristo'y di kilala sa halikang kamay. SiCristo'y d humalik sa mga Fariseo, hindi nagpahalik kailan pa man;hind niya pinatab ang may yaman at palalong escribas; wal siyangbinangit na kalmen, walang pinapagcuintas, hiningan ng pamisa, at dinagbayad sa kanyang panalangin. Di napaupa si San Juan sa ilog ngJordan, gayon din si Cristo sa kanyang pangangaral. Bakit ngayo'y angmga pari'y walang bigong kilos na di may hinihinging upa? At gutom pahalos nagbibili ng mga kalmen, cuentas, correa at ibapa, pang day ngsalapi, pampasam sa kalulua; sa pagkat kalminin mo man ang lahat ngbasahan sa lup, cuintasin mo man ang lahat ng kahoy sa bundokibilibid mo man sa iyong bayawang ang lahat ng balat ng hayop, at anglahat na ito'y pagkapaguran mang pagkuruskurusan at pagbulongbulonganng lahat ng pari sa sangdaigdigan, at iwisik man ang lahat ng tubig sadagat, ay di mapalilinis ang maruming loob, di mapatatawad ang walangpagsisisi. Gayon din sa kasakiman sa salapi'y maraming ipinagbawal, namatutubos kapag ikaw ay nagbayad, alin na ng sa huag sa pagkain ngkarne, pagaasawa sa pinsan, kumpari, at iba pa, na ipinahihintulotkapag ikaw ay sumuhol. Bakit, nabibili baga ang Dios at nasisilaw sasalaping paris ng mga pari? Ang magnanakaw na tumubos ng bula decomposicion, ay makaaasa sa tahimik, na siya'y pinatawad; samakatuiday ibig ng Dios na makikain ng nakaw? Totoo bagang hirap na angMaykapal, na nakikigaya sa mga guarda, carabineros guardia civil?Kung ito ang Dios na sinasamba g Frayle, ay tumalikod ako sa ganyangDios.

Maghunos dil ng tayo at imulat natin ang mata, lalong lal na kayongmga babai, sa pagka't kayo ang nagbubukas ng loob ng tao. Isipin naang mabuting ina ay iba, sa inang linalang ng fraile; dapat palakhinang anak na malapit baga sa larawan ng tunay na Dios, Dios na dnasusuhulan, Dios na d masakim sa salap, Dios na ama ng lahat, nawalang kinikilingan, Dios na d tumatab sa dug ng mahirap, na dnagsasaya sa daing ng naruruhagi, at nangbubulag ng matalinong isip.Gisingin at ihand ang loob ng anak sa balang mabuti at mahusay naakal: pagmamahal sa puri, matapat at timtimang loob, maliwanag napagiisip, malinis na asal, maginoong kilos, pagibig sa kapu, atpagpipitagan sa Maykapal, ito ang itur sa anak. At dahil ang buhay aypun ng pighat at sakun, patibayin ang loob sa ano mang hirap,patapagin ang pus sa ano mang paganib. Huag mag antay ang bayan ngpuri at ginhawa, samantalang lik ang pagpapalaki sa bat, samantalanglugam at mangmang ang babaing magpapalaki g anak. Walang maiinom salab at mapait na bukal; walang matamis na buga sa punlang maasim.

Malaki ngang hind bahagy ang katungkulang gaganapin ng babai sapagkabihis ng hirap ng bayan, nguni at ang lahat na ito'y d hihigitsa lakas at loob ng babaing tagalog. Talastas ng lahat angkapanyarihan at galing ng babayi sa Filipinas, kay g kanilangbinulag, iginapus, at iniyuk ang loob, panatag sila't habang angiba'y alipin, ay ma-aalipin din naman ang lahat ng mga anak. Ito angdahilan ng pagkalugam ng Asia; ang babayi sa Asia'y mangmang atalipin. Makapangyarihan ang Europa at Amerika dahil duo'y ang mgababai'y malaya't marunong, dilat ang isip at malakas ang loob.

Alam na kapus kayong totoo g mga librong sukat pagaralan; talastas nawalang isinisilid araw araw sa inyong pagiisip kund ang sadyang pangbulag sa inyong bukal na liwanag; tant ang lahat na ito, kaypinagsisikapan naming makaabot sa inyo ang ilaw na sumisilang sa kapuninyo babayi; dito sa Europa kung hind kayamutan itong ilang sabi, atpagdamutang basahin, marahil ay makapal man ang ulap na nakakubkob saating bayan, ay pipilitin ding mataos g masantin na sikat g araw, atsisikat kahit banaag lamang ... D kami manglulumo kapag kayo'ykatulong namin; tutulong ang Dios sa pagpaw g ulap, palibhasa'y siyaang Dios g katotohanan; at isasaul sa dati ang dilag g babayingtagalog, na walang kakulagan kund isang malayang sariling isip,sapagka't sa kabaita'y labis. Ito ang nasang lag sa panimdim, nanapapanaginip, ang karagalan g babaying kabiak g pus at karamay satu hirap g buhay: kung dalaga, ay sintahin g binat, di lamangdahilan sa ganda tamis g asal, kund naman sa tibay g pus, taasg loob, na makabuhay baga at makapanghinapang sa mahin maruruwagang lalaki, makapukaw kay g madidilag na pagiisip, pagisang dalaga bagang sukat ipagmalaki g bayan, pagpitaganan g iba,sapagka at karaniwang sabi sabi g mga kastil at pari na nangagalingdiyan ang karupukan at kamangmagan g babaying tagalog, na tila bagaang mali g ilan ay mal na nang lahat, at anaki'y sa ibang lup aywal, g babaing marupok ang loob, at kung sabagay maraming maisusurotsa mata g ibang babai ang babaying tagalog..... Gayon ma'y dalamarahil g kagaanan g lab galaw g dil, ang mga kastil, at parpagbalik sa Espanya'y walang unang ipinamamalabad, ipinalilimbag atipinagsisigawan halos, sabay ang halakhak, alipust at tawa, kund angbabaing si gayon, ay gayon sa convento, gayon sa kastilang pinatuloy,sa iba't iba pang nakapaggagalit; sa tuing maiisip, na angkaramihan ng mal ay gaw g kamusmusan, labis na kabaitan, kababaang loob kabulagan kayang kalalagan din nila..... May isangkastilang nagayo'y mataas na tao na, pinakai't pinatuloy natin sahabang panahong siya'y lumiguyliguy sa Filipinas ... pagdating saEspanya, ipinalimbag agad, na siya raw ay nanuluyang minsan saKapangpagan, kumai't natulog, at ang maginoong babaying nagpatuloy aygumayon at gumayon sa kanya: ito ang iginanti sa napakatamis na loobng babayi ... Gayon din ang unang pahili ng pari sa nadalaw nakastila, ay ang kanyang mga masusunuring dalagang tagahalik ng kamay,at iba pang kahalo ang giti at makahulugang kindat ... Sa librongipinalimbag ni Dn. Sinibaldo de Mas, at sa, iba pang sinulat ng mgapari, ay nalathala ang mga kasalanang ikinumpisal ng babai na diilinilihim ng mga pari sa mga dumadalaw na Kastila, at kungmagkaminsan pa'y dinadagdagan ng mga kayabagan at karumihang hindimapaniniwalaan ... Di ko maulit dito ang mga di ikinahiyang sinabi ngisang fraile kay Mas na di nito mapaniwalaan ... Sa tuing maririnig mababasa ang mga bagay na ito'y itinatanong namin kung Santa Mariakaya ang lahat ng babaying kastila, at makasalanan na kaya baga anglahat ng babaying tagalog; guni kong sakali't magsumbatan atmaglatlatan ng puri'y ... Datapua't lisanin ko ang bagay na ito,sapagka't d ako paring confesor, manunuluyang kastil, namakapaninir g puri ng iba. Itabi ko ito at ituloy sambitin angkatungkulan g babai.

Sa mga bayang gumagalang sa babaing para g Filipinas, dapat nilangkilanlin ang tunay na lagay upang ding maganapan ang sa kanila'yinia-asa. Ugaling dati'y kapag nanliligaw ang nagaaral na binata ayipinagaganyayang lahat, dunong, puri't salapi, na tila baga angdalaga'y walang maisasabog kundi ang kasamaan. Ang katapang-tapaga'ykapag napakasal ay nagiging duag, ang duag na datihan aynagwawalanghiya, na tila walang ina-antay kundi ang magasawa paramaipahayag ang sariling kaduagan. Ang anak ay walang pangtakip sa hinag loob kundi ang alaala sa ina, at dahilan dito, nalunok na apdo,nagtitiis g tampal, nasunod sa lalong hunghang na utos, at tumutulongsa kataksilan g iba sa pagka't kung walang natakbo'y walangmanghahagad; kung walang isdang munti'y walang isdang malaki. Bakitkaya baga di humiling ang dalaga sa iibign, g isang maragal atmapuring galan, isang pusong lalaking makapag-ampon sa kahinaan ngbabai, isang marangal na loob na di papayag magka anak ng alipin?Pukawin sa loob ang sigla at sipag, maginoong asal, mahal napakiramdam, at huwag isuko ang pagkadalaga sa isang mahina at kuyumingpuso. Kung maging asawa na, ay dapat tumulong sa lahat ng hrap,palakasin ang loob ng lalaki, humati sa paganib, aliwin ang dusa, ataglahiin ang hinagpis, at alalahaning lagi na walang hirap na dimababata g bayaning puso, at walang papait pang pamana, sa pamanangkaalipustaan at kaalipinan. Mulatin ang mata g anak sa pagiigat atpagmamahal sa puri, pagibig sa kapua sa tinubuang bayan, at sapagtupad g ukol. Ulituliting matamisin ang mapuring kamatayansaalipustang buhay. Ang mga babai sa Esparta'y sukat kunang uliran atdito'y ilalagda ko ang aking halimbawa:

Nang iniaabot g isang ina ang kalasag sa papasahukbong anak, ay itolamang ang sinabi: "ibalik mo ibalik ka," ito ga umuwi kang manalo mamatay ka, sapagkat ugaling iwaksi ang kalasag g talong natakbo inuwi kaya ang bangkay sa ibabaw g kalasag. Nabalitaan g isang inana namatay sa laban ang kanyang anak, at ang hukbo ay natalo. Hindiumiimik kundi nagpasalamat dahil ang kanyang anak ay maligtas sa pul,guni at ang anak ay bumalik na buhay; nagluksa ang ina g siya'ymakita. Sa isang sumasalubong na ina sa mga umuwing galing sa laban,ay ibinalita g isa na namatay daw sa pagbabaka ang tatlong anakniya,--"hindi iyan ang tanong ko ang sagot g ina, kundi nanalo natalo tay?--Nanalo ang sagot g bayani. Kung ganoo'y magpasalamattayo sa Dios!" ang wika at napa sa simbahan.

Minsa'y nagtag sa simbahan ang isang napatalong har nila, sa takotsa galit sa bayan; pinagkaisahang kulugin siya doon at patain ggutum. g papaderan na ang pinto'y ang ina ang unang nag hakot gbato. Ang mga ugaling ito'y karaniwan sa kanila, kay ga't iginalangng buong Grecia ang babaing Esparta. Sa lahat g babai, ang pul gisa ay kayo lamang na taga Esparta ang nakapangyayari sa lalaki.Mangyari pa, ang sagot g babai, ay kami lamang ang nagaanak glalaki. Ang tao, g mga Esparta ay hind inianak para mabuhay sasarili, kungdi para sa kanyang bayan. Habang nanatili ang ganitong mgaisipan at ganitong mga babai ay walang kaaway na nakatungtong glupang Esparta, at walang babaing taga Esparta na nakatanaw g hukbong kaaway.

D ko inaasahang paniwalaan ako alang-alang lamang sa aking sabi:maraming taong d natingin sa katuiran at tunay, kund sa habito, saput g buhok kakulangan kay ng ngipin. gun at kung ang tanda'ymagalang sa pinagdaanang hirap, ang pinagdaan kong buhay hain saikagagaling ng bayan, ay makapagbibigay g tand sa akin, kahit maiklman. Malay ako sa, pagpapasampalataya, pag didiosdiosan, paghalilikay sa Dios, paghahangad na paniwalaa't pakingang pikit-mata, yukang ulo at halukipkip ang kamay; guni't ang hiling ko'y magisip, magmulaymulay ang lahat, usigin at salain kung sakal sa ngalan ngkatuiran itong pinaninindigang mga sabi:

Ang una-una. "Ang ipinagiging taksil g ilan ay nasa kaduagan atkapabayaan g iba."

Ang ikalawa. Ang iniaalipust ng isa ay nasa kulang g pagmamahal sasarili at nasa labis g pagkasilaw sa umaalipust.

Ang ikatlo. Ang kamangmaga'y kaalipinan, sapagkat kung ano ang isipay ganoon ang tao: taong walang sariling isip, ay taong walangpagkatao; ang bulag na taga sunod sa isip ng iba, ay parang hayop nasusunod-sunod sa tal.

Ang ikaapat. Ang ibig magtag g sarili, ay tumulong sa ibang magtagg kanila, sapagkat kung pabayaan mo ang inyong kapu ay pababayaan karin naman; ang isa isang tingting ay madaling baliin, gun at mahirapbaliin ang isang bigkis na walis.

Ang ika-lima. Kung ang babaing tagalog ay d magbabago, ay hind dapatmagpalaki g anak, kungd gawing pasibulan lamang; dapat alisin sakanya ang kapangyarihan sa bahay, sapagka't kung dili'y ipagkakanulong walang malay, asawa, anak, bayan at lahat.

Ang ika-anim. Ang tao'y inianak na paris-paris hubad at walang tal.D nilalang g Dios upang maalipin, d binigyan g isip para pabulag,at d hiniyasan g katuiran at g maulol g iba. Hind kapalaluanang d pagsamba sa kapu tao, ang pagpapaliwanag g isip at paggamitg matuid sa anomang bagay. Ang palalo'y ang napasasamba, angbumubulag sa iba, at ang ibig paniigin ang kanyang ibig sa matuid atkatampatan.

Ang ika-pito. Linigin ninyong magaling kung ano ang religiongitinutur sa atin. Tingnan ninyong mabuti kung iyan ang utos ng Dios ang pangaral ni Cristong panglunas sa hirap g mahirap, pangaliw sadusa g nagdudusa. Alalahanin ninyo ang lahat g sa inyo'y itinutur,ang pinapatuguhan g lahat ng sermon, ang nasa ilalim ng lahat ngmisa, novena, kuintas, kalmen, larawan, milagro, kandil, corea atiba't iba pang iginigiit, inihihiyaw at isinusurot araw-araw sa inyongloob, taiga, at mata, at hanapin ninyo ang puno at dulo at sakaiparis ninyo ang religiong sa malinis na religion ni Cristo, attingnan kung hind ang inyong pagkakristiano ay paris ng inaalaganggatasang hayop, paris ng pinatatabang baboy kay, na d pinatatabalang alang sa pagmamahal sa kaniya, kund maipagbili ng lalong mahalat ng lalong masalapian.

Magbulay-bulay tayo, malasin ang ating kalagayan, at tayo'y mag isipisip. Kung itong ilang buhaghag na sabi'y makatutulong sa ibinigay sainyong bait, upang ding maituloy ang nasimulan ninyong paglakad.

"Tub ko'y dakil sa puhunang pagod" at mamatamisin ang ano mangmangyari, ugaling upa sa sino mang magahas sa ating bayan magsabi ngtunay. Matupad naw ang inyong nasang matuto at har na gang sahalaman g karunugan ay huwag makapitas g bugang bubut, kund angkikitili'y piliin, pagisipin mun, lasapin bago lunukin, sapagka't sabalat g lup lahat ay haluan, at di bihirang magtanim ang kaaway ngdamong pansir, kasama sa binh sa gitn g linang.

Ito ang matindin nas g inyong kababayang si

_JOS RIZAL_Europa, 1889.

Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon(The Philippines a Century Hence)