piyudalismo at manoryalismo sa europa

60
By group 3

Upload: diane-faie-valenzuela

Post on 25-Nov-2015

3.791 views

Category:

Documents


44 download

DESCRIPTION

About Feudalism in Europe Report with a quiz at the end

TRANSCRIPT

  • By group 3

  • To be reported by:Diane, Mara, Cassandra, Marielle, at Mariz

  • Nagsimula noong ika- 5 hanggang ika- 15 na siglo.Ugnayan ng lord (panginoon)at ng vassal (basalyo) dahil sa kaguluhan at kawalan ng kaayusan.May tatlong aspeto: politikal, ekonimiko at sosyal.

    Sa panahon na ito, waring nakatali ang mga serf o magsasaka sa malalawak na lupain ng kanilang panginoon, tumitira sa bahay na ibinibigay sa kanila kasama ang kinatatayuan lupa at mga hayop na gagamitin sa pagsasaka.Kapalit ng ginagawang trabaho ng magsasaka para sa lord, poprotektahan sila nito.

    Ang mga serf naman ay hindi katulad ng mga alipin, dahil maski silay may iba pang obligasyon at buwis na dapat bayaran sa panginoon hindi lamang sa pagtatrbaho sa mga lupa nito, may karapatan sila sa mga ari-arian at hindi sila maaaring ibenta ng kanilang panginoon.

  • May kasunduan ang mga panginoong may-ari ng lupa at mga miyembro ng pangkat maharlika, at ito ay:

    Pinagkalooban ng mga fief (lupa) ang mga basalyo, kapalit ng proteksyono tulong na militar at paglilingkod na ibinigay ng basalyo sa panginoon.

    Pananagutan ng panginoon na ipagtanggol at pangalagaan ang mga basalyo nito at gawing maayos at makatarugan ang kanyang pakikitungo. Siya rin ang magbibigay hustisya sa kanyang mga basalyo, nagpapasya tungkol sa pag-aasawa at paglilingkod sa kanyang pamilya kapag namatay ang basalyo.

    Ang basalyo ay dapat magkaloob ng serbisyong militar sa panahon ng pakikidigma ng panginoon at magbigay ng pinakamatabang hayop na alaga at bahagi ng inani sa panginoon sa panahon na ikakasal ang anak na lalaki nito.

    Tungkulin din ng mga basalyo ang paglaan ng kanilang serbisyo sa bahay ng panginoon kapag may okasyon at pagsagip sa panginoon kapag nadakip ito ng kaaway.

  • Sandigan ng piyudalismo ang lupang manor na nagtustos sa mga pangangailangang pangkabuhayan ng naninirahan doon. Tinawag na isang manor ang isang pamayanang may lawak na mula 350 hanggang 800 ektarya, na kinabibilangan at tinitirhan ng panginoon at ng kanyang mga basalyo.

    Sumunod ang mga magsasaka sa sistemang three field o tatluhang pagsasaka. Sa gayon, halinhinang hindi tinatamnan ang isang sangkatlong bahagi ng sakahan upang makapagpahinga at hindi maubusan ng sustansya ang lupa.

    May hati sa mga inani ang bawat naninirahan sa manor. May karapatan siyang pansarili at karapatang magkaroon ng pag-aari at kayamanan.

  • Tatlong pangkat sa lipunan

    Mga hari at maharlika tulad ng duke, konde, baron at knight o kabalyero

    Mga malalayang tao at mga magsasaka

    Mga alipin

  • Laging nakikipagdigma ang mga maharlika kaya bumuo sila ng pribadong hukbo na tinatawag na kabalyeroKaramihan ay anak na lalaki ng mga maharlika

    Pitong taong gulang sinasanay at tinatawag silang page

    Pagsapit ng 14 taong gulang tinatawag silang squire o eskudero

    Sa edad pa lang na 21 sila tatanghaling kabalyero

  • Itinuturing banal na okasyon at puno ng dignidad ang seremonyang paggawad ng kabalyero

    Inaasahan ang kabalyero ang pinakamataas ng huwaran ng kagandahang asal

    Ang kabalyerismo ay nakatulong upang gumawa ng mararangal na gawain ang mga kabalyero, dahil dito nabuo at umiral ang isang kodigong kabutihang asal at kilos.

  • Gawing bilanggo ang lord at mapilitan ang kanyang vassal na magbayad ng malaking pantubos

    Maipagtanggol ang mga sarili

    Mapanatili nila ang kakayahan sa pakikipaglaban

  • Ang tawag sa pagsunod sa asal at kilos ng isang knight.

    Ito ay hango sa salitang cheval; kabayo naman sa French; Chevalier/ Mandirigmang nakasakay sa kabayo

  • TapatMagalangMatapangMalakasTunay na kaibiganLikas na pinunoPinakikisamahan ng maayos ang mga bilanggo

  • Simbahan

    Kababaihan

    Bata

    Mahihina

    Mahihirap

  • Nagsusuot ng chain mail o baluti sa paglaban

    Napaka importante sa mga knight ang kabayo sa pakikidigma

    Kailangang mahasa ng mga knight ang pagsakay sa kani-kanilang kabayo

  • Chansons de geste ang tawag sa panitikan sa chivalryMahahabang tula sa mga knightTema ng dangal at panlilinlangPag-ibig at digmaan Tagumpay at pagkataloIsinulat ni Chretien de Troyes ang buhay ni King Arthur at ang mga Knight ng Round Table noong ika-12 sigloIsinulat ng serman na si Gottfried von Strassburg ang trahedyang pag-iibigan nina Tristan at IsoldeThe Song of Roland ng mga French na ukol sa pakikipaglaban ni Roland at ng Twelve Peers, at ang pinakamatapat na vassal ni Charlemagne

  • Karamihan sa mga tao sa Europa ay nakatira sa mga village o nayon. Pag-aari ng panginoon o kabalyero ang lahat ng mga lupain sa loob ng nayon. Kadalasan, nakamit ng mga magsasaka ang karapatang magtanim sa kanikanilang bahagi ng sakahan. Mayroong mga malayang magsasakang nagbabayad ng salapi o pagkain sa panginoon, mayroon din namang naninilbihan sa panginoon.Ang lahat ng naninirahan sa nayon ay nagtatrabaho sa lupain, mayroon din namang ibang taong tulad ng mga taga- giling ng trigo, panday o iba pang binabayaran ang kanilang serbisyo. Noong sumapit ang 1100, nagsimulang lumitaw ang mga maliliit na bayan sa buong Europa. Karamihan sa mga ito ay itinayo sa gilid ng kastilyo at silaay nagbayad ng upa sa may ari ng kastilyo. Hindi na kinakailangan pang silay manilbihan pa sa panginoon dahil nakapipili sila ng mga gawaing pagkakakitaan o ikabubuhay. Marami rin sa kanila ang nagtayo ng mga pagawaan ng mga bagay na pinakinabangan ng iba na binibili ng mga kababayan at bisita sa kanilang lugar. Umusbong din ang negosyo sa mga damit na lana at seda, mga kagamitang yari sa bakal at kahoy. Mga alahas, baboy, rekado at marami pang iba.

  • Isa sa dahilan ng pagunlad ng mga bayan sa Europa ang paglago ng komersyo noong gitnang panahon. Nagkaroon ng tuwirang ugnayan ang mga bansa sa silangan at kanluran sa pamamagitan ng kalakalan. Dumadami ang mga bayan at lungsod sa patligid ng dagat mediterrenean, Dagat Baltic sa Hilagang EuropaAng mga Europeong mangangalakal ay sumama sa krusada ay nagsibalikna maraming dalang produkto galing sa silangan. Gamit nila ang rutang katinan mula Italy hanggang sa ibayo ng Alps sa gitna at hilagang Europa, ang rutang tubig mula sa Baltic at baybayin ng karagatang at lanliko patungong England at Flandens, France ay sumigla rin. Ang Flandens ay naging tagpuan ng mga ruta patungo sa loob ng France.Pinakamabiling mga produkto sa Europa ang kalakal mula sa Silangan.

  • Sumilang at umusbong ang sistemang kapitalismo at pagbabangkoNaitatag sa mga baya at lungsod ang samahan ng mga manggagawa3 uri ng pagsasanay upang higit na maabuti ang uri ng produktoApprentice, journeyman, master craftsmanLumakas ang kalakalan sa pagitan ng mga Europeo at arabe at turko noong 1300Isang grupo ng mga negosyante sa lombary ang nagtatag ng unang bangko

  • (Masamang epekto)Hindi gaanong umunlad ang pagsasaka at kalakalan

    Tinuring ng mababang uri ang trabahong manwal at pagbubungkal ng lupa habang itinuturing ang pagiging kawal na mataas na posisyon

    (Mabuting epekto)Nalinang at napakinabangan ang mga nakatiwangwang na lupain

    Napangalagaan ang mga mamamayan sa mga kaaway

  • Natuon ang pansin ng mga panginoon sa labanan

    Maraming kabalyero ang sumama sa krusada kaya napabayaan ang pagsasaka

    Ayaw na ring sumama ng mga basalyo at mas gudtong magbayad ng salapi

    Umuupa ng sundalong propesyonal

  • Naisulong ang kalakalan sa pagitan ng Europa at mga bagong tuklas na palengke sa silangan

    Umunlad ang mga bayan at lungsod

    Lumakas muli ang kapangyarihan ng mga hari

  • To be reported by:Aileen, Marissa, Jairuz at Mudlong

  • Isang malaking lupaing sinasaka

    Pagmamay-ari ng Lord ang 1/3 hanggang ng kabuuang lupang sakahan ng manor

    Common ay ang lugar na ginagamit bilang pastulan ng mga alagang hayop ng mga karaniwang tao

  • Kadalasang pambukid ang buhay ng mga tao at karamihan sa kanila ay nakatira sa manorMay tatlong uri ang mga magbubukid:Ang mga alipin na maaring bilhin at ipagbili tulad ng hayopAng mga serf na hindi maaring umalis ng manorAng freeman na mga pinalayang alipin na kadalasay may sariling lupaNagtatrabaho ang mga magbubukid ng tatlong araw sa loob ng isang linggo sa lupain ng LordThree field system ang tawag sa sistema ng pagtatanim nila na sinusunod sa manor

  • Hinahati ang lupain sa tatlong bahagi:Isang bahagi ay maaring tamnan; halimbawa ang una ay trigo, pangalawa ay gulay at ang pangatlo ay hindi tatamnan

  • Ito ay matatagpuan sa tabi ng sinasakang bukid

    Ang mga tirahan ay yari sa mga sanga na binalutan ng putik

    Ang iba ay may mga chimney

    Ang kasangkapang pambahay ay yari sa kahoy

    Iilan lamang ang kasangkapan na ginagamit

  • Tirahan ng lordItinayo upang ipagtanggol ang lord laban sa kanyang kaawayMay keep na lubos na pinagtibay maging ligtas na taguan ng mga taoPanahon ng labanan ang mga tagapagtanggol ng kastilyo ay tumayo sa mga rampart or isang mataas na bunton ng lupaHinahadlangan ng isaang moat o isang bambang sa labas ng paderDrawbridge ang tanging paraan upang makapasok sa kastilyoSa gabi inaaliw ng mga payaso ang lord ng kastilyoBukas din ang kastilyo para sa tumutugtog ng musika o kaya tumutula o umaawit tungkol sa pag-ibig, pakikipagsapalaran at dakilang pakikipaglaban ng mga knight.

  • Ang mga damit ay hinahabi galing sa tanimSa mga tupa na kanilang inaalagan nanggagaling ang lanaNagmumula ang katad sa mga kambing at bakaAng mga kahoy panggatong ay nagmula sa gubatTinapay, alak, butil, pagkain; mga ginawagawa sa loob ng manorMas madami silang nakakain na karneng baboy kaysa sa karne ng bakaKakaunti lang ang kinakaing dayami ng mga baka; madami silang alagang baboy na madaling hanapan ng pagkainAng karne ng manok mga aning prutas at gulay ay ang mga karaniwang pagkain ng naidaragdag sa pang-araw-araw na pagkainAng pangunahing inumin ay cider, serbesa at alak

  • Ang piyudalismo ay isang pamamaraan ng pamumuhay kung saan walang sentralisadong pamahalaan o pamumuno kaya ang kapangyariahn ay nasa kamay ng panginoong may lupaAng tungkulin ng lord ay magkaloob ng fief (lupa) sa kanyang vassal (basalyo), ipagtanggol ang kanyang vassal laban sa mga mananalakay o masasamang loob at maglapat ng nararapat ng katarungan sa lahat ng mga alitanAng tungkulin ng vassal ay ippagtanggol ang lord at magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng pantubos kung mabihag ang lord sa digmaanAng layunin ng pakikidigma ng knight ay upang kunin at gawing bilanggo ang kalabang lord nang mapilitan ang mga vassal nito na magbayad ng malaking pantubosAng tawag sa mga mandirigma noong panahong piyudal ay knight. Siya ay nakasuot ng chain mail, isang uri ng baluti na binubuo ng magkakabit na bakal at nakasakay sa kabayo

  • Bago maging ganap na mandirigma, ang knight ay sumasailalim muna sa pagsasanay sa kahusayan sa pandirigma bilang page at squireAng tawag sa alituntunion ng isang knight ay chivalryIlan sa mga katangian ng isang knight at pagiging tapat, magalang, matapang, malakas, at hindi inaanlintana ang paghihirap sa panahon ng pakikidigma. Isa siyang tunay na kaibigan at likas na pinuno sa harap ng kanyang mga kasamahanAng halimbawa ng mga paksa ng panitikan ng chivalry ay ang kadakilaan ng mga knight; dangal at panlilinlang; pagibig at digmaan; at tagumpay at pagkataloAng manoryalismo ay sistemang pang-ekonomiya na gumagabay sa paraan ng pagsasaka at ang ugnayan ng lord at magbubukidTatlo ang uri ng mga magbubukid na nagsasaka sa manor- ang mga ito ay ang mga alipin, serf at freemanAng mga magbubukid ay naninirahan sa nayon; ang lord ay sa kastilyo

  • Dum dum dum duuuuuum..

  • RulesNo cheating (opening of books and notes and coaching when it is time to answer)One representative for every questionPabilisan ng pagtayo. Maunang tumayo, siya muna maganswerTen seconds ang palugit para sa pagtayo. Kung walang tumayo, susunod na question na at walang makukuhang points sa tanong na iyon, pero kasama pa rin yun sa perfect score. Five seconds ang palugit sa pagsagot pag nakatayo na. Kung hindi nakasagot o mali yung sagot, hindi na siya ulit makakasagot para sa question na iyon.PointsOne point for every questionUp to 20 questions, o kung ano ang aabutin ng oras.(unang tanong susunod!)

  • Pagsasaka ng malalaking lupa

    Ugnayan ng Lord at Vassal

    Pagdepende ng mga tao sa Lord

    Pagdepende ng Lord sa Tao

  • Mula ika- 9 hanggang ika- 14 na siglo

    Mula ika- 5 hanggang ika- 15 na siglo

    Mula ika- 6 hanggang ika- 18 na siglo

    Mula ika- 11 hanggang ika- 20 na siglo

  • Vassal, Lord at Knight

    Ekonomikal, Sosyal at Propesyonal

    Sosyal, Politikal at Edukasyonal

    Politikal, Ekonomikal at Sosyal

  • Lupa

    Alipin

    Tubig

    Basalyo

  • Chevalier

    Chivalier

    Cheivalier

    Chievalier

  • Tapat

    Matapang

    Maamo

    Likas na pinuno

  • Balot

    Balute

    Baluti

    Baloti

  • Page, eskudero o squire, kabalyero

    Amateur, Skilled, professional

    Apprentice, journeyman, master craftsman

    Pagtatanim, paghihintay, pagaani

  • Christian

    Christine

    Nathan

    Tristan

  • Karaniwan

    Common

    Simple

    Special

  • Three field party

    Three field way

    Three field system

    Three field program

  • Rampart

    Rampant

    Moat

    Trench

  • Field

    Bahay

    Simbahan

    Nayon

  • Chimney

    Bintana

    Altar

    Bakuran

  • Metal

    Kahoy

    Tanim

    Putik

  • Defense Towers

    Fox Hole

    Castle

    Keep

  • Sa loob ng kastilyo

    Sa loob ng mga tirahan sa nayon

    Sa loob ng manor

    Sa keep

  • Naisulong ang kalakalan sa pagitan ng Europa at mga bagong tuklas na palengke sa silangan

    Naging mahina ang mga basalyo

    Umunlad ang mga bayan at lungsod

    Lumakas muli ang kapangyarihan ng mga hari

  • Gottfried von Strassburg

    Chretien de Troyes

    Charlemagne

    Roland

  • Silangan

    Kanluran

    Hilaga

    Timog

  • Sanay inyong naintindihan

  • Di ka nakinig sa report no?

  • Uh. Uhm. Mali po eh

  • Ano nangyari?

  • Yan ang nagbasa

  • Kasing talino mo na si Princess Bubble gum!

  • Mastered na ang lesson! Inspired?

    *