"plant tree. save lives"1st issue - 2nd quarter of 2016

2
A ng pagtutulungan ng iba’t ibang grupo upang ingatan ang kapaligiran at paghandahan ang komunidad sa banta ng pagbaha dala ng climate change ay nasaksihan sa naganap na tree planting community activity sa Southville 8 (SV8) Resettlement sa bayan ng Rodriguez, Rizal noong Pebrero 19, 2016. Magmula 6:30 n.u. hanggang 9:30 n.u., sama-samang nagtanim ng 105 punla ng kawayan sa pampang ng Sapang Punay na umiikot sa proyekto ang 320 estudyante ng mga kursong Medical Technology, Nursing at Physical Therapy mula sa UE Ramon Magsaysay Memorial Medical Center, Inc. (UERMMCI), ang lokal ng pamahalahan ng Bgy. San Isidro, Rodriguez, ang Homeowners’ Association ng SV8 Phase 4 at ng Phase 2, ang Rodriguez Health Unit, ang NHA at ang Baque Corporation na debeloper ng SV 8. Ang pagtatanim ng mga kawayan ay bahagi ng National Service Training Program (NSTP) ng mga estudyante ng UERMMCI na may temang “Plant Tree, Save Lives.” “PLANT TREE. SAVE LIVES”, INILUNSAD SA SOUTHVILLE 8, RODRIGUEZ, RIZAL Tree planting community activity sa Southville 8 (SV8) Resettlement sa bayan ng Rodriguez, Rizal noong Pebrero 19, 2016, sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang grupo kabilang ang UERMMCI at Lokal na Pamahalaan.

Upload: vuongtuyen

Post on 29-Jan-2017

226 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: "Plant Tree. Save Lives"1st Issue - 2nd Quarter of 2016

Ang pagtutulungan ng iba’t ibang grupo upang ingatan ang kapaligiran at paghandahan ang komunidad sa banta ng pagbaha dala ng climate change ay

nasaksihan sa naganap na tree planting community activity sa Southville 8 (SV8) Resettlement sa bayan ng Rodriguez, Rizal noong Pebrero 19, 2016. Magmula 6:30 n.u. hanggang 9:30 n.u., sama-samang nagtanim ng 105 punla ng kawayan sa pampang ng Sapang Punay na umiikot sa proyekto ang 320 estudyante ng mga kursong Medical Technology, Nursing at Physical Therapy mula sa UE Ramon Magsaysay Memorial Medical Center, Inc. (UERMMCI), ang lokal ng pamahalahan ng Bgy. San Isidro, Rodriguez, ang Homeowners’ Association ng SV8 Phase 4 at ng Phase 2, ang Rodriguez Health Unit, ang NHA at ang Baque Corporation na debeloper ng SV 8. Ang pagtatanim ng mga kawayan ay bahagi ng National Service Training Program (NSTP) ng mga estudyante ng UERMMCI na may temang “Plant Tree, Save Lives.”

“PLANT TREE. SAVE LIVES”, INILUNSAD SA SOUTHVILLE 8, RODRIGUEZ, RIZAL

Tree planting community activity sa Southville 8 (SV8) Resettlement sa bayan ng Rodriguez, Rizal noong Pebrero 19, 2016, sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang grupo kabilang ang UERMMCI at Lokal na Pamahalaan.

Page 2: "Plant Tree. Save Lives"1st Issue - 2nd Quarter of 2016

Ang Bgy. San Isidro, sa pamumuno ni Punong-Barangay Dennis L. Hernandez ang nagkaloob ng mga punla ng kawayan at ang mga tauhan na rin ang nagbungkal ng lupa upang madaling-tamnan. Ang NHA Project Office at ang Baque Corporation ang pumili naman ng lugar para sa nasabing gawain. Samantala, bahagi ng programang pangkomunidad ng dalawang HOA ang pag-aalaga ng mga natanim na kawayan. Nakatakdang tamnan rin ng mga puno ang ibang lugar na dinaraanan ng Sapang Punay sa SV8.

Ang UERMMCI ay isa sa mga dalawang institusyon ng nagsusulong ng Adopt A Community Project sa bayan ng Rodriguez kasama ang Rotary Club of Metro West Triangle, Quezon City.

NOEL AFABLE Pangulo, SV8 Phase 4

PERCIVAL SANCHEZ Pangulo, SV8 Phase 2