ponoloji, morpoloji, leksikal
TRANSCRIPT
Filipino 1Ponoloji, Morpoloji at Leksikal
Marasigan, Carlo P.BSNAME - IIB
Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino
• Ponoloji - Pag-aaral ng makabuluhang tunog.
• Fown o speech sounds – tunog ng bawat wika na ginagamit sa pagsasalita.
• Fonetiks – sangay ng linggwistiks kung saan pinag-aaralan ang tunog sa pagsasalita.
Mga tatlong salik na kinakailangan para makapagprodyus ng tunog
1. Pinanggagalingang lakas o enerhiya. Ito ang gumagawa ng puwersa o presyon na nagpapalabas ng hangin na galing sa baga.
2. Artikulador. Nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng tunog.
3. Resonador. Ang sumsala at nagmomodopika ng mga tunog patungong bibig.
Ang mga Prinsipal na Sangap ng Pananalita
Tunog na Oral. Mga tunog na sa bibig lamang nanggagaling ang hangin.
Tunog na neysal. Pumapasok ang palabas na hangin sa ilong.
Nasa bibig ang apat na mahalagang sangkap sa pagbigkas ng mga tunog.
1. Dila at Panga (sa ibaba)2. Ngipin at Labi (sa unahan)3. Matigas na ngalangala (sa itaas)4. Malambot na ngalangala (sa likod)
Nabibigkas ang mga patinig sa pamamagitan ng pagtaas at pagbaba ng alinman sa tatlong bahagi ng dila- harap,
sentral, likod – at sa pamamagitan ng pagpababagu-bago sa hugis ng espasyo
ng bibig kasama na ang mga labi na dinaraanan ng tinig.
Ponoloji ng Wikang Filipino
1. Ang Ponema.Ponema ng tawag sa pinakamaliit na
makabuluhang tunog ng salita.
Ang Filipino ay may 21 ponema – 16 sa mga ito ang katinig – p, t, k, (glottal) / b, d, g, m, n, y, h, s, l, r, w, y, / at 5 ang patinig – a, e, i, o, u.
Ang patinig ay itinuturing na siyang pinakatampok o pinakaprominenteng
bahagi ng pantig.
a. Mga Katinig/Konsonant.
Ang pagkakaiba ng tunog ng mga katinig at patinig ay naayon sa mga pagkakaiba ng artikulasyon. Maaring walang tunog o may tunog.
PARAAN NG ARTIKULASY
ON
PUNTO NG ARTIKULASYON
Panlabi
Pang-ngipin
Pang-gilagid
Pangangatal
GlottalPalatal Velar
Pasaraw. t.m. t.
Pb
Td
Kg
,
Pailongm. t. m n n
Pasutsotw. t. s h
Pagilid m. t. l
Pakatal m. t. r
Malapatinigm.t. y w
Mga Ponemang Katinig / Konsonant ng Filipino
Mga Ponemang Patinig/ Vawel ng Filipino
Harap Sentral Likod
Mataas i u
Gitna e o
Mahaba a
Ang /i/, halimbawa, ay tinatawag na taas-harap sapagkat kapag binigkas ito, ang harap na bahagi ng dila ang gumagana na karaniwa’y umaarko ng pataas.
Mga DiptonggoAng diptonggo ng Filipino ay aw, iw, iy, ey, ay, oy at uy. Ang alinmang sinundan ng malapatinig na /y/ /o/ /w/ na napapagitan ng dalawang patinig ay hindi maituturing na diptonggo.
Harap Sentral Likod
Mataas iw, iy uy
Gitna ey oy
Mahaba aw, ay
Halimbawa ng diptonggo sa Filipino
• Giliw• Kami’y (dinaglat na kami at ay)• Reyna• Kalabaw• Bahay• Aruy• Kahoy
Mga Pares Minimal
Ang pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkutalad sa bigkas maliban sa isang ponema na magkatulad na magkatulad sa isang ponema na pusisyon ay tinatawag na pares minimal.
Mga Ponemang Suprasegmental
1. Tono
Ang pagtaas at pagbaba ng tono ng boses ay depende kung gaano kabilis magbaybreyt ang ating vokal-kord. Mabilis na vaybresyon, mas mataas ang tono ng boses, kung di gaano ang baybreyson, mas mababa naman ito.
Mga Ponemang Suprasegmental
Sinasabing tonal ang isang wika kung nagbabago ang kahulugan ng isang salita o pahayag sa sandaling binago ang tono nito.
• Ma1 (mataas) - Nanay• Ma2 (mababa-pataas) - Abaka• Ma3 (pababa-pataas) – Kabayo• Ma4 (mataas-pababa) – Kagalitan o Pagsabihan
Ang tagalog bilang isang wikang hindi tonal ay maari ring magpakita ng pagbabago ng taas o baba ng tinig / tono na maaring nakapagbigay ng iba’t ibang pagpapakahulugan:
1. Punto ng Tono – Pantig na may kaugnay na tonong makahulugan.
2. Antas ng Tono – Sa bawat punto ng tono, isa sa tatlong nagpakilalang antas ng tono ang lumilitaw, tulad ng iskala na nasa ibaba.
3 = mataas – sang nota ang taas sa ikalawa2 = katamtaman o normal na lawak ng tono1 = mababa – isang notang mababa sa ikalawa
Halimbawa:a. na3 b. ka3
ka2 ni2
ni1 na1
Gayon din naman ang lugal ng pagbabagk ng tono sa isang pangungusap. Nagiging makahulugan ang pangungusap gaya ng sumusunod:
Halimbawa:2
Nagpuputol
3Ng puno
Ang lalaki1
3Nagpuputol
2Ng puno
1Ang lalaki
Hubog ng Tono
1. Ganap ang buong pagbaba2. Kalahating pagbaba-kulang sa
isang antas3. Pagpapanatili ng antas ng tono4. Pagtaas ng tono mula sa pangwakas
na punto ng tono
Mga Halimbawa:• Mga utos na walang diin
– Lumapit ka
• Tanong na humihingi ng impormasyon– Nasaan siya
• Paksa na simula ng isang Oo o Hindi na tanong na pasalungat– Nandiyan ba
• Tanong na napili– Kakain ka ba o hindi
2. Haba
Ang pagpahaba ay bahagyang paghinto ng binibigkas na pantig o silabol ng salita nang hindi naman pinuputol ang paglikha ng tunog sa nasabing pantig.
Ang paggamit ng kolon [ : ] ay nagpapakilala ng haba ng pagbigkas na magpapabago ng kahulugan ng isang salita.
Sa ibang salita:
• /kasa.ma/* = ‘companion’• /kasama/ = ‘tenant’• /magnana.kaw/ = ‘thief’• /magna.na.kaw/ = ‘will steal’• /magna.nakaw = ‘will go on stealing’
AntalaSa ating pagsasalita o pakikipag-usap, saglit tayong humihinto o tumitigil upang bigyang-diin o linaw ang mensaheng nais nating iparating sa ating kausap. Tinatawag nnating itong antala o hinto.
Sa pag-aantala ng pagsasalita, ang isang (1) ay maaring katawanin para pansamantalang paghinto at dalawang bar ( // ) naman pasa sa lubusang pagtigil.
Pangungusap:
“Hindi Puti,” Na ang ibig sabihin sa Ingles ay “It’s not white” , ngunit kung lalagyan ng antala ang pagitan ng “hindi” at “puti” makikita ang pagkakaiba ng mensahe. ‘Hindi / Puti.” Na ang ibig sabihin sa Ingles ay “no, it’s white.”
Morpoliji
Pag-aaral ng istruktura ng mga salita at ang relasyon nito sa iba pang mga salita ng wika.
Morpema
Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan (Santiago 2003)
Uri ng Morpema
1. Malayang Morpema (Free Morpheme) - Mga salitang may sariling kahulugan na hindi na maaring hatiin. Itinuturing din itong salitang ugat.
2. Di-Malayang Morpema (Bound Morpheme) Mga salitang binubuo ng salitang-ugat at panlapi o afiks na nakakabit.
Mga Morpemang Diversyunal at Infleksyunal
1. Ang diversyunal na morpema nagbago ang kahulugan nito dahil sa pagkakabit ng iba pang morpema o afiks nito.
Pansinin ang pagbabagong naganap sa salitang tubig (likidong iniinom, pinanghuhugas o pinanghahalo)
• ma~ + tubig – ang ma~ ay nagtataglay ng katangiang taglay ng salitang ugat at pagkamarami nito.
• tubig + an – ~an may kahulugang lugar na kakikitaan ng mga bagay na marami na tinutukoy sa salitang ugat.
• pa~ + tubig – pa~ tumutukoy sa isang bagay na ang gamit ay para matupad o maging katotohanan ang diwang isinasaad ng salitang-ugat.
• mag~ tu+tubig – mag~ nagsasaad ng kilos o bagay at nakabubuo ng pangngalang tumutukoy sa taong ang gawain o hanapbuhay ay ang kilos na isinasaad ng salitang-ugat o bagay na tinutukoy ng salitang ugat. May pag-uulit sa unang pantig ng salitang-ugat.
2. Ang Infleksyunal na morpema ay hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita o morpema (sa kategoryang sintaktika) kung kinakabitan ng iba pang morpema o afiks.
Malalaman kung ang isang salita ay natapos na, nag-umpisa n, o nagpapatuloy o nag-uumpisa na ng kilos. Hal. Maglinis (pawatas), - naglinis, naglilinis, maglilinis.
Ang mga infleksyunal na morpema ay tumutukoy sa tungkuling panggramatika o gramatik fanksyon at ang deriversyunal na morpema ay may karagdagang semantika.
Pagbabagong Morpoponemiko
(1)AsimilasyonSakop ng uring ito ang pagbabagong nagaganap sa /n/ sa pusisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.
Mga dalawang uri ng asimilasyon: (a) asimilasyong parsyal at (b) asimilasyong ganap
Ang asimilasyong parsyal o di-ganap ay yaong karaniwang pagbabagong nagaganap sa pailong na /n/ sa pusisyong pinal ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog.
Mga halimbawa[pang-] + paaralan = pampaaralan[pang-] + bayan = pambayan
Ang huling ponemang /n/ ng isang morpema ay nagiging /n/ kung ang kasunod ay alinman sa mga sumusunod na ponema: /d, l, r, s, t/.
Mga halimbawa:[pang-] + dikdik = pandikdik[pang-] + taksi = pantaksi
Sa amilasyong ganap, bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /n/ ayon sa puntong artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.
Mga halimbawa:[pang-] + palo = pampalo = pamalo[pang-] + tali = pantali = panali
Mga halimbawa:
Yaong maaaring gamitan ng dalawang uri ng asimilasyon.
[pang-] + kuha = pangkuha = panguha[pang-] + tabas = pantabas = panabas
Yaong hindi ginagamitan ng asimilasyong ganap:[pang-] + bansa = pambansa(*pamansa)[pang-] + luto = panluto (*panuto)
2. Pagpapalit ng PonemaMay mga ponemang nababago o napapalitan sa pagbuo ng salita./d/ /r/Ang ponemang /d/ sa pusisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.
Mga halimbawa:Ma- + dapat = marapatMa- + dunong = marunong
May mga halimbawa namang ang /d/ ay nasa pusisyong pinal ng salitang nilalapian. Kung ito ay hinuhulapian ng [-an] o [-in], ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/.
Mga halimbawa:Lapad + -an lapadan = laparanTawid + -in tawidin = tawirin
Samantala, sa halimbawang: ma- + dunong a madunong – marunong
Mapapansing maaring magkapalitan ang /d/ at /r/. (Ang simbolong – ay ginagamit upang ipakita na ang dalawang ponema ay maaring magkapalitan.)
May mangilang-ngilang pagkakataon na ang nabubuong salita ay magkaiba ng kahulugan, tulad ng madamdamin ‘full of feeling’, at maramdamin ‘sensitive’.
Sa ilang halimbawa, ang /h/ ng panlaping /-han/ ay nagiging /n/.
Halimbawa:Tawa + -han tawahan tawanan
/o/ ----- /u/Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian o salitang inuulit ay nagiging /u/. Sa mga salitang inuulit, ang /o/ ay nagiging /u/ sa unang hati lamang ng mga salita.
Mga halimbawa:Dugo+an -- DuguanMabango mabangung-mabango
3. Metatesis
Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng pusisyon.
Mga halimbawa:-in- + lipad ---- nilipad-in- + yaya -- niyaya
May mga salitang nagkakaroon ng pagkaltas ng ponema bukod sa pagkakapalit ng pusisyon ng dalawang ponema.
Mga halimbawa: atip + -an atipan aptan tanim + -an taniman tamnan
4. Pagkakaltas ng Ponema
Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang pantinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi dito.
Mga halimbawa: takip- =an takipan takpan sara + -an sarahan sarhan
5. Paglilipat-diinMay mga salitang nagbabago ang diin kapag nilalapian. Maaring malipat ng isa o dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaring malipat ng isang pantig patungong unahan ng salita.
Mga halimbawa: basa + -hin basahin ka- + sama + -han kasamahanLaro + -an laruan (lugar)
Ang anumang pagbabago ng morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko. Nangyayari ang pagbabagong angyon ng morpema dahil sa mga ikinakabit na makabuluhang tunog.
Leksikal
Ang katuturan ng salita ay maaring magbago ng kahulugan sa pamamagitan ng pagsasama-sama o pagdaragdag ng mga morpema na maaring nasa anyong malaya at di-malayang morpema.
Ang salitang likhain halimbawa ay binubuo ng salitang-ugat na likha at hulaping in. kung ito ito’y kakabitan ng ma isang malayang morpema, magbabago rin ang kahulugan at magiging malikhain na isa ng pang-uri, mula sa pandiwang likhain.
Matatalakay pa ang iba pang kalikasan ng leksikal sa Filipino sa aralin kaugnay ng alfabeto at ortografiang Filipino.