portfolio sa sikolohiyang pilipino

26
SIKOLOHIYANG PILIPINO Portfolio RODOLFO T. ACHAS III ARIC JOHN L. BELONGHILOT CELINE A. MEMBREBE (Mag-aaral) Bb. CZARINA ANN BERMAS – ALFONSO (Guro)

Upload: ronceis-achas

Post on 14-Apr-2017

348 views

Category:

Education


16 download

TRANSCRIPT

Page 1: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

SIKOLOHIYANG PILIPINO

Portfolio

RODOLFO T. ACHAS III

ARIC JOHN L. BELONGHILOT

CELINE A. MEMBREBE(Mag-aaral)

Bb. CZARINA ANN BERMAS – ALFONSO(Guro)

Page 2: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Talaan ng mga Nilalamanii

Pahina

PAMAGAT i

TALAAN NG MGA NILALAMAN ii

PAGHAHANDOG iii

KABANATA 1 MAIKLING PANIMULA: CREATIVE RESUME

ANG KABATAANG PINOY…………………………..…… 1

KABANATA 2 MAKA-KAPWA AKO

ANG NAPILING LARANGAN…………………………….. 5

KABANATA 3 KATUTUBONG KONSEPTO

BAHALA NA……………………………………………...… 8

KABANATA 4 DEAR X: ADVICE COLUMN

WASH YOUR PROBLEM…………………………………. 15

KABANATA 5 MOVING FORWARD

I-CHIKA MO NA IYAN……………………………………... 19

NOON AT NGAYON……………………………………….. 20

KULANG AT SAPAT……………………………………….. 21

MAY NAGTEXT………………………………………..…… 22

Page 3: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Paghahandogiii

Inihahandog at iniaalay

namin ng buong puso’t

kaluluwa ang isang

munting likha na ito sa

aming mga pamilya,

kaibigan, kay Mam Cza,

kay Doc. E, sa URS at

sa Poong Lumikha.

Celine © Aric © Third

The CAT Group

Page 4: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Ang Kabataang Pinoy

Millenials o Peter Pan Generation, iyan ang modernong kabataang Pinoy. Sinasabi

palagi ng Mama ko noon at sigurado kong narinig niyo na rin ito, “Ang mga bata ngayon ay

ibang-iba kaysa sa amin noon.” Kahit anong gawin ko ay talaga yatang negatibo ang mensahe

ng mga kataga na ito nung bata pa ako. Pero sa tuwing naiisip ko ang sinambit ni Gat. Rizal ay

talaga yatang napapawi ang aking paghihimutok sa pagkukumpara ng aking magulang sa noon

at ngayon. Sabi nga niya na kaming mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Kaya naging mabuti

na ang pananaw ko kapag naririnig ko na ang mga salita ni Mama kapag pinagagalitan niya

ako. Tunay na kaiba kami sa inyo noon. Kasama naman talaga sa kabataan ang pagiging

pasaway pero sana naman ay paminsang pagkatiwalaan ninyo ang aming mga kakayahan.

Dahil ang aming mararating sa bandang huli ay kayo, tayo ang makikinabang din.Katulad ng pagtitiwala ng ating bayani sa kabila ng hindi niya pagtunghay sa mga

nangyayari ngayon pero walang alinlangan niyang sinambit na, “Ang Kabataan ang Pag-asa ngBayan.” May mga ilan mang naliligaw ng landas ngunit ilan lamang sila sa napakalaking bilangng mga kabataan ng nagsusumikap upang ibalik ang pagtitiwala na naibigay sa kanila ngkanilang mga magulang, bayan at ng ating bayani.

Buo rin ang tiwala ko na kung gagabayan ng tama at papakitaan ng mga tamanggawain ang mga kabataan ngayon sigurado naman na iyon ang kanilang gagayahin. Ang bawatisa ay natututo hindi lang sa kanyang sarili, ang pagkatuto ay naipapamahagi at maaarimakuha mula sa mga karanasan ng iba. Ang kabataang Pinoy ngayon ay tunay ngang kaiba sakabataan noon. Dahil hindi sila salat sa pangangailangan para matuto. Na kung anuman angmeron ngayon ay sa kabutihan palagi ng bansa ang layon. https://youtu.be/sqCTD2tkTkk

1

Pinalitan nila ng “Marcha Nacional Filipina” ang titulo nito at agad na naging “National Anthem” kahit wala pa itong liriko o titik. Nang

sumunod na taon, isang tula na may titulong “Filipinas” na bumagay sa komposisyon ni Felipe ang isinulat ng isang batang sundalo na

si Jose Palma. Ito ang ginawang opisyal na liriko ng Pambansang Awit. #PambansangAwitTrivia

Page 5: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Hilig kong makipagsapalaran anuman

ang mangyari.

PANUTO: Tahakin ang linya upang lubusang makilala ang isang kabataang Pinoy.

Kung minsa’y may ugali ka talagang

lumalabas kahit hindi dapat.

Palagi ko itong naipapakita sa

aking kapwa tulad ng pagtulong.

Sa dami ng mga problemang dumaan, kailangan

ko talagang humingi ng tulong sa ibang tao.

Ako ang tipo ng babae na hindi sumusuko

anuman ang problemang dumating.

Ibinabagay ko ang ugali ko sa kung sinuman ang

nakakahalubilo ko.

2

Si Rizal ay pampito sa labing-isang anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Ang kanyang mga kapatid ay sina Saturnina,

Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad. #PambansangBayaniTrivia

Ako si CELINE A. MEMBREBE, nakagawian ko na ang ipagsa bahala na kung ano man ang

mangyayari. Minsan pa nga naiisip ko na bakit ako susuko kung hindi ko pa naman

nasusubukan. Di ba? Mas nakakatuwa nga yung mga bagay na masusubukan at masusukat ang

galing. May mga ilan kasi na kahit hindi pa nasusubukan ay sumusuko na kaagad. Marami akong

kakaibang bagat na sinubukan na alam kong makakabuti sa pagkatao ko at magdudulot ng

mabuti sa akin bilang isang Psych major. Ngayon isa na akong online seller, hindi ko na

inaalintana ang hiya. Mahirap kasi talaga itong pinasok ko at alam kong talagang mapapasubo

ako. Pero nung ginagawa ko na ay ayos naman na at masaya rin. Masasabi ko na buo na ang

tiwala ko sa aking sarili lalo na't nakikisalimuha ako sa iba't ibang klase ng tao sa pamamagitan

nito. Malaki ang utang na loob ko sa aking magulang dahil lagi silang nakasuporta sa akin. Ang

mabutingg pakikisama ko sa aking kapwa ang naging sanhi kung bakit patuloy na lumalago ang

aking negosyo. Patuloy kong pagtitibayin ang kagandahang loob na aking tinataglay dahil alam

kong isa itong sangkap upang mapagtagumpayan ko ang aking pangarap.

Page 6: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Hirap akong makihalubilo sa maraming

tao. Marahil likas na sa akin.

PANUTO: Tahakin ang linya upang lubusang makilala ang isang kabataang Pinoy.

Kapag kinakailangan ay sumusunod ako

sa agos ng mga kaibigan ko.

Magaling akong makiramdam at

dapat lahat meron nito.

Sa oras ng pangangailangan. Lagi ko

lamang pinagtitibay ang aking kalooban.

Lagi kong isinasaisip and Diyos, kaya kapag may

gawain sa school lagi kong iniiwan sa Kanya.

Lumilingon din naman ako sa aking

pinanggalingan.

Sinusubukan ko palaging makisama at makipag-

usap sa iba dahil kailang kong matutunan ito.

3

Ang Pambansang Wika ay nakilalang Pilipino noong 1961. Pagkaraan ng ilang taon, pinalitan ang pangalan nito ng Filipino.

#PambansangWikaTrivia

Ako si ARIC JOHN L. BELONGHILOT, kung hindi mo ako kilala marahil magiging tingin mo sa

akin ay suplado, tahimik at patay na bata o walang pakialam sa mundo. Pero sa totoo lang

mahiyain lang talaga ako. Ewan ko ba, pero bata pa lang ganito na ako. Pero marunong naman

akong makisama, pwede ba naming hindi? Sa lahat naman ng napupuntahan ko kailangan ko

talagang makipagkilala. Lakasan ng loob lang iyan. “Ang pakikipagkapwa ay isa sa mga

mahahalagang dapat matutunan niyo. Lalo na dahil mga Psych Major Student kayo.” Iyan ang

mga kataga na sinabi sa amin ng Professor namin na sinusunod ko naman. Sensitibo din ako sa

damdamin ng ibang tao. Marunong akong makiramdam, kaya nga mas pinili ko ang kurso na

sikolohiya para mas maaral ko pa ang ganitong ugali. Pero sa tingin ko may impluwensya rin

ang aking relihiyon sa aking ugali. Malaking bahagdan ng aking pagbabago sa aking sarili ang

naidulot ng aking relihiyon. Kaya tunay akong masaya na napabilang ako at maging isang “Latter

Day Saints”. Ang lahat ng aking pagbabago ay utang na loob ko sa aking pamilya. Kaya patuloy

at lalo akong nagsusumikap para sa kanila at pati na rin sa aking sarili.

Page 7: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Anuman ang mangyari ay push na ito.

Keri ko ito. Walang hindi kakayanin.

PANUTO: Tahakin ang linya upang lubusang makilala ang isang kabataang Pinoy.

Masama bang mahalin ang kapwa ko?

Kapwa kong lalaki? Siya gusto ko eh.

Kapag nakikita ko siya talagang

natutulala ako.

Sa bawat tagumpay na nakakamit ko ay

palagi kong inaalay sa aking pamilya.

Bakit ayaw ninyong maniwala na nakakaramdam din

ako ng pagkabalisa lalo na kung mali ang ginawa ko.

May mga oras na pinipilit kong iayon ang

mga kilos ko batay sa mga kasama ko.

Kahit saan ako magpunta lagi akong nakakahanap

ng mga makakasama at makakasundo.Sabi ni Mam ito ang

meron kami ni Mr. A.

Ako si RODOLFO T. ACHAS III, mas kilala bilang Third. Nung first year college kasi ako sa Pasig

Catholic College ay binansagan ako ng mga classmates ko na “Third” para social raw pakinggan.

HAHA! Nung una hirap akong makisama sa kanila. Pero hindi naman pwedeng hindi ako

makisama di ba? Pero bahala na!, ika nga nila. Maraming masasayang alaala na naiwan ko na

roon. Isa na rito ang umibig. Ewan ko ba sadyang walang nakakaligtas sa pana ni kupido.

Mapalalaki, babae, bakla, tomboy, butiki o baboy. Ngunit sadyang lahat ng kasiyahan ay

natatapos din at kailangan nating magsimula muli. Pero sa kabila ng mga kabiguan ko. Ramdam

ko na hindi ako pinababayaan at binibiyayaan pa rin ako ng Diyos. Patunay rito nung dumating

ako sa Rizal ay naging SPES grantee ako kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag-aral

sa URS – Morong. At sa kolehiyo namin ay naging Dean’s Lister ako na hindi ko maaabot kundi

dahil sa magulang ko at sa Diyos. Kaya lahat ng nakakamit ko ay itinataas ko at ito’y utang na

loob sa kanila. Dahil magaling akong makisama, mabilis akong nakahalubilo at nakahanap ng

magiging kasama bilang aking mga barkada.

Ang watawat ng Pilipinas ay natatangi. Naihahayag nito kung ang bansa ay nasa digmaan. Kapag ang pulang kulay ay nasa itaas,

nangangahulugan na ang Pilipinas ay nasa digmaan. #PambansangWatawatTrivia

4

Page 8: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Maka-kapwa Ako!: Ang Napiling Larangan

Iniisip ko nung una na kung ano nga ba ang tinatahak kong landas kasi parang hindinagtutugma ang gusto ko sa ginagawa ko. Kasi nais ko ang negosyo pero iba ang kurso na kinukuhako. Pero naisip ko na wala naman palang mali sa napili kong kurso at sa ginagawa ko ngayon. Kasi angmga napag-aralan ko sa Sikolohiya lalo na sa Sikolohiyang Pilipino ay nakakatulong sa akin upang masmaunawaan at matutunan na intindihin ang aking mga mamimili. May mga pagkakataon kasi na maymamimili na lolokohin ka at hindi ka sisiputin. Siyempre nakakainis lang.

Pero dahil nga ako ay isang mag-aaral ng asal ng tao ay nakakayanan ko silang intindihin.Sa una ay mahirap pero sa paraan na ito ay nasusubok ang pagtitimpi ko sa mga tulad nila. Perokapag naiisip ko na gusto ko rin ang ginagawa ko ay talagang nababawasan ang poot ko sa mgapasaway na mamimili.

Sa aking pagnenegosyo ay may mga naisaalang-alang akong dapat at di-dapat gawin nasiyang may mabuting dulot sa akin. Ang mga positibong epekto na maaaring mangyari kung magawako ang dapat at hindi dapat gawin ay una, mababago ko ang mga kahinaan na dapat ay maging akingkalakasan. Pangalawa, bilang isang negosyante ay handa akong tanggapin anuman ang positibo atnegatibong mangyayari. Tatangapin ko din ang opinyon ng ibang tao kung ito ang masmakakapagpaunlad sa aking sarili at kakayahan. At ang huli, ay magagamit ko ang pagiging isangpropesyonal kung ang disiplina ay magsisimula sa aking sarili at maibabahagi ko ito sa ibang tao.

Ang Positibong Epekto ng Aking Pagkilos ng Tama

5

Ipinagdiriwang ang “Linggo ng Sampaguita” sa San Pedro, Laguna tuwing Pebrero 16 – 20. #PambansangBulaklakTrivia

Kumita sa sariling

pagsisikap at

paraan.Magbabayad ng

buwis.

Tangkilikin ang

produkto ng bansa.

Di-dapat pinapatulan ang

mga loko-loko na

customer.

Huwag

manlalamang sa

kapwa.

Huwag masyadong

mataas kung

magtubo.

Page 9: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Sabi nila na wala raw kaming major. Hindi tulad ng ibang pamantasan na may clinical

psychology bilang major nila o educational psychology. Pero tunay nga naman na walang ganun sa

URS kaya raw sa human resource office daw swak ang mga tulad namin. Wala namang problema sa

aking kung mapunta ako sa industrial setting. Mas gusto ko nga na sa office lang kaysa yung maraming

nakakahalubilo na tao. Masasabi ko sa ngayon na hindi ko pa kakayanin na makihalubilo pero

sinusubukan ko na ngayon para kapag nagtrabaho na ako ay hindi na ako mahihirapan.

At may mga ilan akong naisip na dapat kong gawin para maging epektibong manggagawa.

At sa pamamagitan nito ay masusukat ko rin kung nagagawa ko ba ang aking mga napag-aralan mula

sa aking kurso sa aking napiling larangan.

Masasabi kong isa akong epektibong human resource officer kapag nagawa ko lahat ng

dapat kong gawin sa pamamagitan ng pagiging matapat sa serbisyo. Malaki ang epekto nito unang una

sa sarili ko lagi kong tatandaan na ginagawa ko ito para sa sarili ko gayundin sa aking pamilya at ito ay

sasalamin sa kanila sa bawat tama at mali kong ginagawa. Pangalawa para sa iba, mabibigyan ko sila

ng pagkakataon na patunayan ang sarili nila gayun din para sa kaunlaran ng kanilang sarili sa kanilang

motibasyon at kakayahan. Pangatlo para sa kompanya, magkakaroon ng mataas na pagunlad dulot ito

ng pagiging epektibong personnel.

6

It’sOur o ITCHHOUR

Pantay ang

pakikitungo sa

lahat ng

empleyado.

Hindi dapat

pumasok ng huli sa

naitakdang oras.

Hindi dapat

pinababayaan ang

mga mahahalagang

papel.Gamiting ang tamang

proseso sa hiring.

Maging maingat sa

bawat plano na

ilulunsad.

Isipin na may

kasama ka sa

opisina na dapat

gabayan din.

Di-dapat tanungin ang

aplikante ng mga tanong

na walang kaugnayan sa

kanyang pinapasukan.

Huwag kaagad husgahan

ang aplikante at hayaan

siyang magpaliwanag

muna.

Ang Positibong Epekto ng Aking Pagkilos ng Tama

Sa panahon ngayon, ang Bahay Kubo ay halos nakikita na lamang sa mga liblib na lugar ng bansa at sa mga bukid. Karaniwan itong

pahingahan ng magsasakang galing sa pagtatrabaho sa bukid. #PambansangTirahanTivia

Maka-kapwa Ako!: Ang Napiling Larangan

Page 10: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

7

Si Rizal ay pampito sa labing-isang anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonzo. Ang kanyang mga kapatid ay sina Saturnina,

Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad. #PambansangBayaniTrivia

Dapat at Di-dapat Ugaliin ng Isang Neurosurgeon

Maging sigurado sa

bawat desisyon.

DO’S DON’TS

Pag-iisipang

mabuti ang

bawat payo sa

mga pasyente.

Pantay ang

tingin sa

bawat

pasyente

Binibigay ang

buong

atensyon

habang nasa

trabaho.

Tunay na serbisyo ang

ibibigay hindi puro

papel lang ang alam.

Gahaman sa mga

lagay.

Pinipili ang

gustong

tulungan.

Dahil

kakilala ay

uunahin.

Walang

sinusunod

na batas.

Peke ang

lisensya at

hilaw ang talino

sa pag-oopera.

Kung susundin ko ang mga alituntunin na ito ay siguradong magtatagumpay ako

sa napili kong larangan. Tagumpay hindi dahil naging gahaman ako kaya naabot ko ang aking

mga pangarap. Bagkus naabot ko ang aking pangarap kasabay ng pagtulong ko sa aking

kapwa. Hindi lamang sa pamamagitan ng pagbibigay pag-asa kundi sa pamamagitan ng

pagtulong ko ay kahit papaano ay nadudugtungan ang kanilang tiwala sa Diyos.

Wala naming mawawala sa akin kung magiging tapat ako sa aking sinumpaan

bilang isang specialist ng utak. Mas nakakalungkot isipin kung ang pinag-arala ko ay hindi ko

magagamit sa tama. May mga ilan na ganun ang ginagawa. Pero hindi ko sila hinuhusgahan.

Iyon ang pinili nilang landas kaya anuman ang maging resulta ay sila rin ang aani.

Dati pinangarap kong mag-abroad pero naisip ko na kung sakaling maabot ko ang

aking pangarap ay dito na maglingkod. Dahil mas kailangan ako ng sarili kong bansa. Hindi man

direkta pero ang bawat nagtatrabaho ng Pilipino ay may ambag sa kung anuman ang mararating

ko kaya nararapat lang na maibalik ko ito sa mga taong naging bahagi ng pag-unlad ko. Hindi

man sila ang mismong tao na iyon. Pero kahit paano ay magawa ko ring maibalik sa kapwa ko.

Ang Positibong Epekto ng Aking Pagkilos ng Tama

Maka-kapwa Ako!: Ang Napiling Larangan

Page 11: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Anong pakahulugan mo sa “Bahala Na”? O alam mo nga angkahulugan nito? Minsan kasi basta ka na lang gagamit nito perosigurado ako na hindi lubos ang pagkakaintindi mo kung bakit mo itowinika. Hayaan mong tulungan kitang malinawan sa kung ano nga baang kalikasan ng katagang “Bahala Na”. Gamit ang video na naihandanaming na maaari mong mahanap sa pamamagitan ng link na itohttps://youtu.be/64_AA11Lwd0. Panuorin mo na lang ang video. Atpara naman suriin sa akademikong pamamaraan ang katagang ito,gagamitin ko ang saliksik na ginawa nila Ma. Ligaya Manuel Menguitoat Mendiola Teng-Calleja ng Ateneo de Manila University na maypamagat na “Bahala Na as an Expression of the Filipino's Courage,Hope, Optimism, Self-efficacy and Search for the Sacred”. Ito aynailathala Philippine Journal Of Psychology noong 2010 na kinilala rinng Psychological Association Of The Philippines (PAP).

Samahan niyo kaming tuklasin at dalumatin ng maigi ang mgakataga na ito. Sabay natin silipin ang kaliwanagan at kahalagahan ngmga kataga na ito sa atin bilang Pilipino at sa asignaturang ito.

Katutubong Konsepto: Bahala Na8

Ang pangalan ng prutas na ito ay hango sa salitang Tamil na “maangai” o sa salitang Malayalam na “maanga”.

#PambansangPrutasTrivia

Page 12: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Batay kay Flavier (1970), ang bahala na ay isang idyomatikongpariralang ginagamit ng mga Pilipino na nangangahulugang "Ang Diyos na angmaglalaan" o "Ang Diyos na ang magtatadhana." Ayon naman kay James (1990),pinakakahulugan din ng maikling pananalitang nito ang "Tingnan natin kung anoang mangyari," "Tingnan natin kung ano ang magaganap 'pag dating ng takdangpanahon," o "Mangyari na ang dapat maganap.“

May tatlong magkakaibang pananaw na nagbibigay ng linaw sa kungsaan nagmula ang katagang bahala na. Una na rito ay ang maka-relihiyon oespiritwal na kahulugan na nagsimula sa pananakop ng mga Kastila sa atingbayan. Isa pang pananaw na ang bahala na ay nasa pagitan ng konsepto ngpatalismo o pagtatadhana o ang paniniwala na ang lahat ng bagay ay hindi namababago at ito ay nakatadhana at wala tayong kontrol para pigilin pa ang mgamangyayari. Huli, ang bahala na ay tinitingnan bilang ekspresyon ng positibongugali at asal ng isang Pilipino.

BAHALA NA BILANG PAGTITIWALA SA NAIS NG DIYOS

Nabanggit na bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas may mgakatutubong Malay na naninirahan sa ating bansa. Sila ang pangunahin atpinakamalaking tribu sa ating bansa sa panahon na iyon. Dahil sila ang malakinggrupo, ang kanilang relihiyon ang mas kinilala ng lahat ng kanilang nasasakupanat nakakasama. Ang kanilang paniniwala ay nagsilbing gabay rin sa iba pang mganabubuong paniniwala o relihiyon. Ang paniniwala nila Bathala, ang pinakamabutiat makapangyarihang Lumikha na siyang nagbibigay at pinagmumulan ng lahat ngbagay na meron ang tao. Naniniwala sila na kung anuman ang mangyari ay ito angkaloob ng kanilang Bathala. Ang mga Pilipino noon ay lubos na nagtitiwala atipinapaubaya ang lahat sa Poon na Bathala. Ang paniniwalang ito ay nagdudulotna magkaroon sila ng masidhing at kakaibang pagtitiwala na magiging sigurado naang lahat ay ang “Bathala na ang mag-iingat” sa kanila anuman ang mangyari sakanila.

Dagdag pa rito, isa itong pagpapadamang pampilosiya ng mga Pilipinona naglalahad ng pananaw na "Haharapin ko ang anumang mangyari pagkatapos"ng isang pangyayari o gagawing kilos at hindi ang karaniwang patalistiko omapagmatalong pahiwatig. Ayon sa Pilipinong manunulat na si Paraluman S.Aspillera, maaaring nabago ang ekspresyon sa loob ng pagdaan ng panahon.Maaari itong nagmula sa "Bathala na!", na tuwirang nangangahulugang "Kunggugustuhin ng Diyos", o ni Bathala, ang Diyos ng mga sinaunang Tagalog, subalitnabago sa isang punto ng panahon. Maaari itong banggitin ng isang Pilipino naginawa na ang lahat ng posibleng kaparaanan para makaalis sa isang mahirap nakatayuan, kalagayan, o suliranin sa buhay. Isang makabagong bersiyon nito angmas buong bersiyong "Bahala na ang Diyos!" at ang mas nakakatawa atnakapagpapasiyang bersiyong "Bahala na si Batman!".

Bahala Na: Que sera sera9

Ang puno nito na tumataas hanggang 20 metro at may diametrong 20 centimetro ay karamihang ginagamit sa mga palaisdaan.

#PambansangDahonTrivia

Page 13: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

BAHALA NA BILANG PATALISMO

Ang pagtatadhana o patalismo ay isang kaugalian na kung saantinatanggap na lang ng buong loob ang mga pangyayari sa ating buhay.Minsan nauuwi ang pagtanggap na ito sa pagbaba ng tiwala sa sarili angpagkawala ng determinasyon para gumawa ng isang kilos na ang mag itoang makakatulong sa kanya para makalagpas sa mga suliranin. Ayon kay DeMesa (1979), tinalakay niya ng mas maigi ito sa konteksto ng gulong ngpalad o wheel of fortune na nagpapakita na kung anuman ang magingresulta ng ating tadhana ay kailangan nating tanggapin dahil wala tayongkakayanan upang baguhin ang mga maaaring mangyari. Ang iba namingmananaliksik ay pinakahulugan ito bilang gawain na pag-iwas sa tungkulinng isang tao. Ang kilalang larawan ni Juan Tamad na nag-aabang sa ilalimng puno ng bayabas na mahulog ang bunga nito ay isang napakagandanghalimbawa ng isang tao na nagpapakita ng ugali na bahala na. Kapagpinagsama-sama ang lahat ng mga saliksik ay nangangahulugan ang ugalina bahala na bilang isang pagpili ng isang tao na hayaan na ang mgamangyayari at may pasya na hindi na pa gumawa ng isang kilos. Atnaniniwala na kung anuman ang mangyayari ay naitadhana na itongmangyari at ito’y tunay na mangyayari kahit ano pa ang ating gawin.

Ang karaniwang tumatatak sa isipan ng karamihan pag narinig ang"Bahala Na" ay ang pagtalikod sa mga responsibilidad, ang paggawang mgapagdadahilan, ang hindi pagsisikap para tuparin ang mga kinakailangan,atbp.

Dahil dito, ang ugali ng "Bahala Na" ay tinitignan at kinikilala bilangisang negatibong ugali ng mga Pillipino. Sinasabi ng karamihan- kadalasanmga dayuhan- na ito'y walang iba kung hindi fatalism o isang escapist valuekung saan agad na sumusuko lamang ang mga Pilipino sa kanilanginaakalang kapalaran kapag sila'y nahihirapan sa hinaharapang sitwasyon oproblema. Tinitignan ito bilang isang ugali na kailangan alisin sa karakter ngmga Pilipino dahil ito'y pumipigil sa pag-asenso ng bansa.

Ngunit, sa Sikolohiyang Pilipino, ang ibig sabihin ng "Bahala Na" ay"hindi natin hawak ang bukas, hindi natin mailalagay sa ating palad angkapalaran ninuman, kung kaya’t dapat nating ipasa-Diyos ang magaganap."Ito'y simpleng pagtanggap ng naaayon kapag nagawa na ang lahat ngmakakaya ng isang indibidwal, kapag na-ubos na ang lahat ng kanyangkakayahan, at kapag wala nang posibleng magagawa sa pagkamit nglayunin na iyon.

Bahala Na: Que sera sera10

Likas na tahimik ang kalabaw. Bihira lamang itong mag-ingay. Kalimitan, sa umaga at sa hapon ito nanginginain ng mga damo.

#PambansangHayopTrivia

Page 14: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

BAHALA NA BILANG POSITIBONG KATAGA

May kaugnayan ang pariralang ito sa salitang bahala nanagbabadya ng pananagutan o responsibilidad, kaya't singkahulugan din itong pamamatnubay o pamamatnugot. Sa payak na kahulugan, ito ang tiwalaat pagbabantay o (nasa) pag-iingat. Maaari ring pamalit ito sa mga panawagpan-taong tagapangasiwa, katiwala, patnugot, at tagapangalaga.

Dito nagmula ang salitang pabahalaan, katumbas ng trusteeship oboard of trustees sa Ingles. Nag-ugat din sa salitang bahala at bathala, sakasong ito, ang salitang pamahalaan (gobyerno), na ayon sa mga pag-aaralpang-linggwistika na nagsasabing ang pamahalaan ay ang pinagsama-samang unlapi o prepiks na pang-, salitang bathala, at ang hulapi o supiksna -an. Kaya't. sa katunayan. nangangahulugan ang terminong"pamahalaan" na "Mamamanginoon sa ibabaw", "Maging panginoon saibabaw", o "Maging bikaryo ng Diyos.“

Ang kataga na ito ay tumutukoy sa kakayanan ng isang tao natanggapin ang mga pagsubok na dadating sa kanila. Na kabaligtaran ngpaniniwala na hindi natin control ang mga tadhana at pagkakataon bagkusnaniniwala ang isang tao na kung kikilos at susubukin na gawin ang isangtungkulin na naipagkatiwala sa kanya ay masisigurong aayon sa nais niyaang tadhana. Kasabay nito ay naitataas niya rin ang bawat hakbangin nakanyang gagawin sa Diyos. Tulad nga ng kasabihan na nasa tao ang gawaat nasa Diyos naman ang awa.

MGA HALIMBAWA

Kapag natapos ang isang estudyante sa pagsagot ng kaniyang pagsusulit atito'y na-ibigay na sa guro, wala na siyang magagawa pa sa pagpapataas opag-iiba ng resulta ng pagsusulit na iyon, kaya naman magtitiwala nalangsiya sa Diyos at aasa na mataas ang makuha niyang marka.

Kapag malapit-lapit na ang pagtitipon at ang lugar kung saan ito magaganapay sa labas, ang punong-abala ay magtitiwala nalang sa Panginoon o sakapalaran na hindi uulan sa panahon ng pagdiriwang.

Kapag ang isang binata ay umamin ukol sa kaniyang nararamdaman parasa babaeng liniligawan niya at ibinuhos na niya ang kaniyang buong puso saharapan ng dalaga, wala na siyang magagawa pa kung hindi magtiwala sakapalaran na ang babae ay ganoon rin ang nararamdaman para sa lalaki.

Bahala Na: Que sera sera11

Ang mag-asawang Agila ay magkasama habambuhay. Ang babae ay nangingitlog ng isa lang. At ang inakay ay inaalagaan ng mag-

asawang Agila sa loob ng mga 20 buwan. Dahil minsan lamang mag-prodyus sa loob ng 2 taon, mabagal silang dumami.

#PambansangIbonTrivia

Page 15: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Bahala Na: Que sera seraAng mga sumusunod na ilustrasyon ay naglalahad ng mga naging

resulta sa nangyaring pananaliksik nila Ma. Ligaya Manuel Menguito atMendiola Teng-Calleja na may pamagat na “Bahala Na as an Expression ofthe Filipino's Courage, Hope, Optimism, Self-efficacy and Search for theSacred”. Sa pananaliksik na ito ay gumamit sila ng Focus Group Discussiono FGD. At ang mga participant ay nahati batay sa kanilang kalagayan sabuhay.

12

Ang Bangus ay isang uri ng isdang tabang. Inaalagaan at pinalalaki ito sa mga palaisdaan. Puti ang kaliskis nito at malinamnam ang

laman. Bagama’t matinik ang Bangus, paborito ito ng maraming Pilipino. #PambansangIsdaTrivia

Page 16: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Bahala Na: Que sera sera13

Ang Barong Tagalog ay panlalaking pormal na kasuotang na may burda. Ang salitang “Barong Tagalog” ay may literal na kahulugang

“damit o baro ng Tagalog”.. #PambansangKasuotangPanlalakiTrivia

Page 17: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Bahala Na: Que sera sera14

Ang Baro ay walang kuwelyo at manipis ang tela na kasuotang pang-itaas ng mga kababaihang Pilipino. Ang Saya ay mahabang palda

na gawa sa mas makapal na tela ng koton, sinamay at iba pang kauri ng mga ito. #PambansangKasuotangPambabaeTrivia

Page 18: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Dear X: Wash you problem!15

Ang Baro ay walang kuwelyo at manipis ang tela na kasuotang pang-itaas ng mga kababaihang Pilipino. Ang Saya ay mahabang palda

na gawa sa mas makapal na tela ng koton, sinamay at iba pang kauri ng mga ito. #PambansangKasuotangPambabaeTrivia

Matagal ng suliranin at usapin ang juvenile delinquency sa ating bansa.

Kung anu-ano ng mga batas at panukala upang malunasan at pangalagaan ang

katayuan ng mga kabataan na maaaring mapabilang sa grupo na ito. May mga

batas rin na nag-uutos na kung nagawa mang hindi naaayon na kilos ang isang

tulad nila ay maaaring patawan ng nararapat sa parusa na mapangangalagaan pa

rin ang kanilang karapatang pantao at karapatan bilang isang kabataan.

Kasabay nito may mga samahan din na nangangalaga at nagsisilbing

tagapagsalita ng mga kabataan sa ating senado. May ilan ding mga partylist na

lumalaban para sa kapatan ng mga kabataan. Lubos ang naitutulong nila upang

mas maintindihan ang mga kabataan sa ating lipunan. At nakakatuwang isiping na

kahit papaano ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na magkaroon ng

lugar para sa pagbuo at paglikha ng mga batas na mangangalaga sa kapakanan

ng bawat tao sa ating lipunan. Isa rin itong patunay na may magagawa ang

kabataan na nagsasabi na tunay at dapay silang pangalagaan. Tulad nga ng sinabi

ng ating bayani na si Gat. Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

Makakamit na ang kabataan ang pag-asa kung mailalabas sa kanila ang

kakayanan na kinakailangan nila para maisakatuparan ang sinambit.

Ito ang nagpapakita na talagang nararapat na pangalagaan ang

kabataan na magiging sangkap din para sa kaunlaran ng ating bayan.

https://youtu.be/egvBwq1FB2g

Page 19: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Dear Nanay Deli,

Magandang araw po Nanay Deli!

Ako po pala si Cat, isa sa mga tagapayo sa kolum na ito. Nabasako po ang suliranin niyo po sa inyong anak. Papangalanan ko po muna anginyong anak bilang Juvi. Pero bago ko po simulan ang aking payo nais kopo munang bigyang linaw kung ano nga ba talaga ang kahulugan ngjuvenile delinquency batay sa mga pananaliksik at sa isang batas sa atingbansa.

Ayon sa Presidential Decree 603 o mas kilala bilang Child andYouth Welfare, naisasaad rito na ang juvenile delinquent ay maaaringtawagin bilang CICL o Child in Conflict with the Law. Nakasaad rin dito nakung ang pagkatao ay gumawa ng isang krimen na siyam na taong gulangat labinwalong taong gulang pababa ay maituturing na CICL.

Pero hindi sapat ito para maging batayan at matukoy na angisang bata ay kabilang na rito. Hindi tumigil ang mga sikolohista at iba pangsiyentista upang lubusang maintindihan ang pinagmumulan nito. Kayanatuklasan nila na ang pag-uugali na ito ay dulot ng sikolohikal atsosyolohikal na aspeto.

Batas sa mga saliksik, ang pag-uugali na ito ay parang isang linyana may positibo at negatibong direksyon na siyang makakatulong paramalaman kung tama ba o hindi ang kinikilos ng isang bata. Ito aynaihahalintulad sa antisocial behavior o pagiging malayo sa kapwa. Bukodpa rito ito rin ay itinuturing na asal na tumitindi kung hindi napapabayaan.Halimbawa ng mga ugali at asal ng maaaring tumukoy na isang delinquentang isang bata ay ang mga padalasang pagliban sa klase na walangpasabi sa magulang o sa mga guro. Kadalasan pa ay ang paggawa ngmga vandalism sa mga lugar na hind nararapat at hindi naaayon. Isa pa ritoay ang pagnanakaw at paggawa ng mga kilos na labag sa ating katulad ngadiksyon, pagpatay at panggagahasa. At ilan pang pagkilos na hindinararapat na gawin ng isang kabataan.

Kaya malinaw po Nanay Deli na ang anak niyo po ay isangjuvenile delinquent. Pero huwag po kayong mag-aalala. Batay po sa isangsaliksik ay mas madali pong malunasan ang mga batang katulad ni Juvi atmay mga paraan po kung ano ito mapipigilan at sigurado ko pong magigingmaayos na ulit ang kalagayan ng anak niyo.

Pero para po maisakatuparan ang hakbang na ituturo ko po aydapat po makipagtulungan po kayo sa anak niyo.

Dear X: Wash you problem!16

Ang Baro ay walang kuwelyo at manipis ang tela na kasuotang pang-itaas ng mga kababaihang Pilipino. Ang Saya ay mahabang palda

na gawa sa mas makapal na tela ng koton, sinamay at iba pang kauri ng mga ito. #PambansangKasuotangPambabaeTrivia

Page 20: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Bago ko po ipaliwanag ang mga hakbang na makakatulong sainyo upang matigil na po ang kakaibang pag-uugali ni Juvi ay dapatniyo po munang malaman kung saan po ito nagmula at ano po angnaging sanhi nito. Kung tunay nga po ba itong namamana, nakukuhasa barkada o dahil sa kung anong uri meron siya na pamilya.

Nabanggit ko nga po na ang pag-uugali na ito na parangisang continuum katulad ng nasa ilustrasyon sa ibaba.

Pinapakita rito na kung may magandang nakakasama angisang kabataan, may magandang katayuan o nag-aaral ng mabuti atmay pakikipag-usap o nasasabi ang mga problema sa magulang aymaaaring maiwasan ang nasabing suliranin. At dapat ding iwasan angmga hindi nakakabuti na mga grupo ng tao katulad ng mga barkada,mga pambubully sa school, hindi maganda uri ng pamilya dahilinaabuso ang anak at minsan dahil din pinili ng kabataan na gawin itosa kawalan ng makakausap na tao at kulang sa atensyon. Hindi pototoo ang iniisip niyo na ito ay namamana. Ito po ay sanhi ngkapaligiran at ng maling kaisipan na hindi nagabayan ang bata ngtama.

Dadako naman po ako sa maaaring maging daan upangmaiwasan ang suliranin na ito. Mas epektibo pong solusyon ang mgarecreational na Gawain at ang mga therapy. May dalawang uri ngtherapy na nasa ilalim ng model prevention evidence-based programsito ay ang multi-systemic therapy (MST) at family functional therapy(FFT) na makakatulong para maiwasan ito.

Dear X: Wash you problem!17

Ang Baro ay walang kuwelyo at manipis ang tela na kasuotang pang-itaas ng mga kababaihang Pilipino. Ang Saya ay mahabang palda

na gawa sa mas makapal na tela ng koton, sinamay at iba pang kauri ng mga ito. #PambansangKasuotangPambabaeTrivia

Positive Parent – Child

Relationship

Positive School

Attendance

JUVENILE DELINQUENCY

Protective Factors

IndividualFamilyPeerSchool and Community

Risk Factors

Positive Social

Orientation

Page 21: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Multi-systemic therapy (MST) ay nakapokus sa pagpapayo samga magulang kung paano pakikitunguhan ang isang bata. Dito ay maymga seminars din na ginagawa upang mas maipaliwanag ng mabuti anggampanin ng isang magulang sa kanyang anak at kung ano angnagiging epekto ng hindi magandang samahan sa isang pamilya. Atfamily functional therapy (FFT) naman ay nakatutok sa mga kabataanna may suliranin sa paggamit ng droga at pag-inom ng alak, pagpatay,paggawa ng kalaswaan at panghahalay, vandalism at pagliban sa klaseng walang katuturan ang dahilan na wala ring pasabi sa magulang atpaaralan. Sila ang mga napapabilang sa therapy na ito at sumasailalimsa mga seminars din para mas lubusan nilang maintindihan angnegatibong idudulot ng maling aksyon na ginagawa nila.

Tungkol naman po sa mga anak niyo na mas bata sa kanila aymay early childhood prevention o ECCD sa mga Day Care Center. Itopo ay pinatutupad ng DSWD upang bata pa lamang ay mailayo na sapagkakataon na mangyari ito sa kanila sa paglaki nila.

Pero kayo po ay magtiwal kung ipapadama niyo sa anak niyona minamahal niyo po siya at kaya niyo pong ibigay ang atensyon nakailangan niya ay ito po ang mas magandang paraan para magingmaayos po si Juvi.

Maraming salamat po! Hihintayin ko po ulit ang pagsulat niyona ayos na po ang anak niyo. Hanggang sa muli po.

Nagmamahal,

CAT

Dear X: Wash you problem!18

Ang Baro ay walang kuwelyo at manipis ang tela na kasuotang pang-itaas ng mga kababaihang Pilipino. Ang Saya ay mahabang palda

na gawa sa mas makapal na tela ng koton, sinamay at iba pang kauri ng mga ito. #PambansangKasuotangPambabaeTrivia

Page 22: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Pahayag mula kay Celine. Ang pinakamahalagang natutunan ko aykonsepto ng loob at labas. Dahil dito, ay mas nakilala ko ang aking sarili. Sakung ano ang pinagkaiba ng ugaling panlabas sa panloob. At dahil din sakonseptong ito, ay mas madedevelop ko ang aking mga katangian namagagamit ko sa future sa kung ano man ang magiging propesyon ko.//

Moving Forward: I-chika na iyan19

Pahayag mula kay Aric. Napakahalaga ng Sikolohiyang Pilipino, tinuruanako nito na maging sensitibo. Nalaman ko na iba’t iba ang ating pananaw atkonsepto sa mga bagay bagay, kultura at kasaysayan. Na ang mganabanggit ang nakakaapekto rito at dala na rin ito ng ibat-ibang grupo naating kinabibilangan kaya naman masasabi natin na magkaiba angkanluraning kaisipan at makapilipinong kaisipan. Na nararapat lamang napag-aralan pa natin ang mga konteksto ng sikolohiya na naaayon samakapilipinong kaisipan at karanasan ng mas mabigyan natin ng pansinang mga konsepto at mga pananaw na umusbong, nawala at nabago. Dahilisa ito sa magiging paraan natin para malunasan at mabigyang solusyonang mga suliranin nating mga Pilipino at gayundin ng maisakatuparan natinang layunin nitong makapagbigay ambag sa kanluraning sikolohiya.//

Pahayag mula kay Third. Sa totoo lang po talaga ay hindi ko naiisip namakakaya ko po itong asigntura na ito. Kasi po talaga ay nahihirapan akongumintindi ng Filipino. Hindi ko po maintindihan kung bakit. Pero hindi konaman po pwedeng hindi intindihin at aralin ito kasi kailangan ko po. Kayaang natutunan ko po na katangian mula sa pag-aaral ko po sa asignaturana ito ay ang pagtitiwala sa sarili at ang pagkakaroon ng lakas na loob.Tiwala sa sarili dahil mas kilala ko ang sarili ko at alam ko ang akinglimitasyon. Dahil nga alam ko ang limitasyon ko ay sinabi ko na kaagad nahindi ko kaya. Pero dahil natutunan ko na hindi lamang tiwala sa sarili angkailangan para makaraos sa mga pagsubok at ito nga ang lakas ng loob.Hindi dahil alam ko ang limitasyon ko ay hindi ko na susubukan. Kayasumubok ako at hindi naman ako nabigo dahil naging masaya ang pag-aralan ang Sikolohiyang Pilipino dahil inilapit ako nito sa tunay na konseptong Pagkapilipino. Tunay nga ng lahat ng pinaghirapan ay sa huli ay maymakakamit kang bagay na hindi mo inaakala. Tunay na nahirapan po akosa asignatura na ito pero pasalamat pa rin po ako sa mga naranasan atnatutunan ko po.//

Ang larong Sipa ay sumasagisag sa pagiging mabilis sa mga hakbanging dapat isagawa. Ang mga manlalaro ay gumagamit ng maliit na

bakal na may buntot o kumpol ng mga goma o tinastas na sako. Sinisipa ito ng mga manlalaro. #PambansangLaroTrivia

Page 23: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Sa totoo lang kung sa katulad din namin na Psych Major iaalok angasignatura na ito ay kahit papaano ay hindi kami mahihirapan na ibenta natangkilikin nila ito. Una, kailangan namin ito para makagraduate at makumpletoang aming mga yunits. Isang napakababaw na dahilan pa iyan pero totoo nadahilan ka dapat naming gustuhin. Pangalawa, sariling atin kaya dapat natingtangkilin. Kasi tungkol sa sikolohiya kaya tatangakilikin namin. At huli aykakaiba na uri ng pag-aaral sa sikolohiya kaya ang iba ay maaaringmamangha o ma-intriga kaya gugustuhin nilang pag-aralan pa lalo bukod sa itoay kailangan sa aming kurso.

Pero kung ang mga mag-aaral at ibang pamantasan ang aalukannaming na sigurado kaming hindi nanaisin ang asignatura na ito ay siguradongmapapasubo kami at mapapalaban sa matinding paliwanagan. Ito ang iisipinng isang tao na hindi pa nararanasan ang pakiramdam ng pag-aaral ngSikolohiyang Pilipino. Pero dahil naranasan na namin ito at talagang nadamanamin mismo at nakita namin ang kahalagahan nito ay siguradong magigingmadali ang pagbebenta namin nito sa iba. Sa pamamagitan ng paggawa ngmga briefers at video presentations na magpapakita ng halaga at maaaringmakuha nila sa pag-aaral nito. Maaari kasi nila kaming marinig o pakingganpero iba pa rin kasi ang may nakikita habang naipaliliwanag namin ito.

Sa pamamagitan ng mga malikhaing bagay na gagawin naming aymaaari naming maipakita ang mga matutunan nila katulad ng tunay nakahulugan ng bawat salita na madalas na nating ginagamit. Minsan kasimahilig tayong gumamit ng salita kaso hindi pala natin ito lubos nanaiintindihan. Ito ang bagay na kinatuwa ko sa pag-aaral ng SikolohiyangPilipino. Yung tipong mapapanganga ka na lang kasi nalaman mo yung tunayna kahulugan ng salitang araw-araw mong ginagamit. At malalaman mo namali pala ang nalalaman mo ukol sa konsepto ng isang salita. Pag-intindi sakasaysayan at kultura at pagkilala sa sarili bilang Pilipino na dapat mahalin angsariling wika na nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan ay siyang nagbubuklodsa atin.

Dagdag pa rito, kung ihahalintulad ang asignatura na ito sa isangprodukto, masasabi ko na ito ay may mataas na kalidad at kahit mahal mo itoibenta sa mga tao ay mabibili ito. Maswerte talaga kami na nabigyan ngpagkakataon na mapag-aralan ang asignaturang ito. Sapagkat nakapagbigaylinaw ito sa mga tunay na kahulugan ng mga katutubong konsepto sa atingbansa. Halimbawa na ang mga Filipino Values na akala namin ay pawangmabuti para sa aming kapwa. Na kalaunan ay aming natutunan na mayroondin palang negatibong epekto sa aming sarili at sa aming kapwa. Pinaliwanagng maigi rin ang loob at labas na ideya nito, ang konteksto nito bilang positiboat negatibong aksyon at ang kaibahan nito sa konteksto sa kanluranin.

Moving Forward: Noon at Ngayon20

Ang Cariñosa ay isang uri ng sayaw na kilala sa buong Pilipinas. Ang salitang Cariñosa ay salitang Kastila na ang ibig sabihin ay

mapagmahal, maganda, o palakaibigan. #PambansangSayawTrivia

Page 24: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Moving Forward: Kulang at Sapat21

Ang Lechon o buong Baboy na inihaw ay paboritong handa ng mga Pilipino sa mga pistahan at mga tanging pagdiriwang.

#PambansangPagkainTrivia

Kulang Sa Pansin (KSP) Sapat Sa Pansin (SSP)

Hindi ko pa maintindihan ang halaga ng

sikolohiyang Pilipino.

Mas nagkaroon ako ng interes dito dahil

lahat ng sinasabi rito ay mga

napapanahon.

Limitado lamang ang aking kaalaman sa

iba’t ibang konsepto ng ating kultura.

Naging mas sensitibo ako dahil mas

naintindihan ko pa ang ating kultura.

Dumedepende lang ako lagi sa

kanluraning sikolohiya at kaisipan.

Mahalaga pa lang pagaralan ang

makapilipinong kaisipan.

Naniniwala ako na alam lahat ng

kanluraning sikolohiya ang mga patungkol

sa ibat ibang konsepto natin.

Magkaiba ang konsepto at karanasan

nating mga Pilipino sa mga kanluranin.

Mababaw ang aking tingin sa mga

konsepto ng Pilipino.

Mas nabigyang linaw at lalim ang mga

konsepto nating mga Pilipino.

Ang pagkamulat natin sa mga

katutubong konsepto na naituro

ng asignatura na ito ay

maihahalintulad namin sa nakikita

larawan. Nung una ay salat na

salat kami sa tunay na kaalaman

sa likod ng mga konsepto sa

ating bansa. At nung namulat na

kami at lubos na naliwanagan ay

tila naging marangya kami tulad

ng nasa larawan. Marangya dahil

nagkaroon kami ng pagkakataon

na masilip at mapansin ang

ganda ng kabihasnan ng kultura

at kasaysayan ng ating bansa sa

tulong nito.

Page 25: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Moving Forward: May nagtext!22

Sa aming mahusay na guro,

maraming salamat sa pagmulat sa aming

kaisipan. Na naging dahilan upang mas

mapalawak ang aming kaalaman. Ang

bawat aralin na aming natutunan ay aming

maibabahagi sa aming kapwa na siya

naming maipagmamalaki sapagkat ito'y

naging tulay upang mas lubos naming

makilala ang aming sarili. Sent 4:01 PM

Celine

Masaya ako dahil marami akong

natutunan sa sikolohiyang Pilipino una

akala ko ito ay nakakatamad pag-aralan

dahil ito nga ay tagalog siguro ay nasanay

lang ako sa ingles na termino. Pero ito pala

ay masayang pag-aralan dahil na rin sa

tulong ng aking mga kamag-aral at aking

guro na si Mam Czarina na nagturo sa

amin. Binigyan niya ito ng kulay para mas

mapag-aralan namin at mapagtutukan ang

halaga ng pag-aaral nito. Natuwa ako sa “a

box of me” dahil wala pa talagang

nakapagpakwento sa akin ng tungkol sa

sarili ko pero dahil nga inisa-isa kami

kailangan ko na talagang magbahagi,

nagLAKAS LOOB lang ako ika nga ni Mam

Cza. Gayundin nagpapasalamat din ako sa

payo ng aking guro sa akin patungkol sa

mga dapat kung paunlarin sa aking sarili.

Sent 4:07 PM

Aric

Ang walong sinag ng watawat ay kumakatawan sa mga walong lalawigan na unang naghimagsik upang ipagtanggol ang kalayaan ng

bayan – Maynila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, Batangas, at Cavite. #PambansangWatawatTrivia

Page 26: Portfolio sa Sikolohiyang Pilipino

Moving Forward: May nagtext!23

Hello po Mam Cza! Inamin ko naman po

hindi ba sa iyo Mam na talagang hirap ako pagdating

sa ganitong eksena Mam. Pero talagang inintindi ko

po ang asignatura na ito. Ginusto at minahal ko po

ang Sikolohiyang Pilipino kaya ayun minahal din niya

ako. Buti pa ito nagbabalik ng effort. Chos! Pero hindi

ko po talaga ito magagawa kung hindi dahil po sa iyo

Mam. Natawa nga po ako nung sinabi mo po na kahit

ikaw po ay hirap din sa asignatura na ito. Napaisip

talaga po ako noon na paano na iyan kung siya ay

nahihirapan ay paano kaya niya kami mabibighani na

maintindihan o intindihin ito. Naloka talaga ako Mam.

Kasi lalo na ako hindi ko talaga keri. Pero salamat

talaga sa iyo Mam kasi na-enjoy ko po talaga ang

klase natin. Marami po talaga akong natutunan.

Sa mga kaklase ko naman po ay

natatawa po ako kapag sinasabi nilang halos

matunaw na ako at isuksok ko ulo ko sa pader para

maalala ko po yung mga inaral natin Mam. Kahit sila

napapansin po ang aking mga galaw kapag may

pagsusulit po tayo. Kasi napakahirap po talaga Mam.

Sent 4:15 PM

Third

Salamat poMam Cza!

Mwaa!

Noong Hunyo 12, 1898, tinugtog ang komposisyon ni Felipe habang inilaladlad sa unang pagkakataon ang bandila ng Pilipinas sabintana ng mansion ni Aguinaldo. #PambansangAwitTrivia