pre confirmation seminar

120
PARISH OF ST. RAPHAEL THE ARCHANGEL Basud , Camarines Norte SEMINAR SA SAKRAMENTO NG KUMPIL Prepared by Bro. Joemer V. Aragon Catechetical Ministry St. Raphael the Archangel Parish Basud , Camarines Norte

Upload: joemer-aragon

Post on 13-Jul-2015

945 views

Category:

Spiritual


51 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pre Confirmation Seminar

PARISH OF ST. RAPHAEL THE

ARCHANGEL

Basud, Camarines Norte

SEMINAR SA SAKRAMENTO NG KUMPIL

Prepared by Bro. Joemer V. Aragon Catechetical Ministry St. Raphael the Archangel ParishBasud , Camarines Norte

Page 3: Pre Confirmation Seminar

Binabago nya ako araw-araw

(4X)Ngayon, bukas at kailanman pag-ibig

nya ay laging wagas

Love, love, love tayo’y magmahalan

L ove, love, love tayo’y mag-awitan

Love, love, love tayo ay binabago nya

Binabago nya ako araw-araw (4X)

Ngayon, bukas at

kailanman kailanman pag-ibig nya ay

laging wagas

Love, love, love tayo’y maglundagan

Love, love, love tayo’y magkamayan

Love, love, love tayo ay binago niya

Page 4: Pre Confirmation Seminar

"Pagkagising sa Umaga, Hesus ikaw

ang nasa isip at ang buong katawan

koy, punong puno ng pag ibig.

katawan koy napapa indak, ang puso

ko'y umaawit. Ang mga paa ay

sumasayaw sa tugtuging makalangit.

Baywang ko'y kumekembot paa ko'y

umiindak, mga kamay kumakaway,

nagpupuring buong sigla,

lumulundag pa sa tuwa. Sumasayaw

kumakanta. Iyan ang alay ko sa iyo

aking ama." (Repeat it again)

Page 5: Pre Confirmation Seminar

OPENING LITURGYA. INTRODUCTION: BILANG PASIMULA HINGIN NATIN

ANG PATNUBAY NG BANAL NA ESPIRITU UPANG MAGING MAKABULUHAN AT MABUNGA ANG SEMINAR NA ITO

1. OPENING SONG:LIWANAG NG AMING PUSO

LIWANAG NG AMING PUSOSA AMI’Y MANAHAN KA

ANG INIT NG ‘YONG BIYAYASA AMIN IPADAMA

Page 6: Pre Confirmation Seminar

PATNUBAY NG MAHIHIRAP

O AMING PAG-ASA’T GABAY

SA AMING SAYA AT HAPIS

TANGLAW KANG KAAYA-AYA.

Page 7: Pre Confirmation Seminar

PARISH OF ST. RAPHAEL THE

ARCHANGEL

Basud, Camarines Norte

SEMINAR SA SAKRAMENTO NG KUMPIL

Prepared by Bro. Joemer V. Aragon Catechetical Ministry St. Raphael the Archangel ParishBasud , Camarines Norte

Page 9: Pre Confirmation Seminar

2. OPENING PRAYER

O DIYOS TUNAY NA LIWANAG, LUMIKHA

AT NAGBIGAY NG LIWANAG NA

WALANG HANGGAN, TANGLAWAN MO

ANG IYONG MGA LINGKOD NA UMAASA

SA YO. KAMI NAWA’Y PANGUNAHAN AT

GABAYAN SA LAHAT NG AMING MGA

GAGAWIN UPANG ANG SEMINAR NA ITO

AY MAGING MABUNGA AT

MAKABULUHAN PARA SA AMING

LAHAT. ITO ANG AMING PANALANGIN

SA PANGALAN NI HESUKRISTONG

AMING PANGINOON. AMEN.

Page 10: Pre Confirmation Seminar

3. PAGBASA NG MABUTING BALITA-Juan 20:21-22

sinabi ni Hesus “Sumainyo

ang Panginoon! Kung

paanong sinugo ako ng Ama,

gayundin naman, isinusugo ko

kayo - Pagkatapos, sila"y

hiningahan niya at sinabi -

tanggapin ninyo ang Espiritu

Santo".

Page 11: Pre Confirmation Seminar

4. TAHIMIK NA PAGNINILAY

5. PANALANGIN SA ESPIRITU SANTO:

BANAL NA ESPIRITU,

BUKSAN MO ANG AMING MGA PUSO UPANG MADAMA NAMIN ANG KAGANDAHANG LOOB NA HANDOG NG DIYOS SA AMING BUHAY. AT NANG SA ARAW NA ITO NG AMING PAKIKIPAGTAGPO SA ‘YO AY LUBOS KAMING MAKAPAGPASALAMAT SA LAHAT NG BIYAYA NA AMING TINANGGAP

Page 12: Pre Confirmation Seminar

• BANAL NA ESPIRITU

BUKSAN MO ANG AMING MGA ISIP UPANG KAMI AY MAGKAROON NG KAKAYAHAN NA UNAWAIN AT TANGGAPIN ANG MGA SALITA NG DIYOS NA AMING MARIRINIG AT MATATANGGAP

Page 13: Pre Confirmation Seminar

• BANAL NA ESPIRITU,

BUKSAN MO ANG AMING MGA PALAD UPANG ANG LAHAT NA AMING MATATANGGAP SA ARAW NA ITO AY BUKAS PALAD DIN NAMING MAIBAHAGI SA AMING PAMILYA, KAIBIGAN AT SA KOMUNIDAD NA AMING KINABIBILANGAN.

Page 14: Pre Confirmation Seminar

• HALINA BANAL NA ESPIRITU, HALINA’T MANAHAN KA SA AMIN, HALINA’T PANGUNAHAN MO KAMI SA AMING PAKIKINIG, PAGNINILAY AT PANANALANGIN. HALINA’T TULUNGAN MO KAMING MAKATUGON SA KALOOBAN NG DIYOS AMA AT MAKASUNOD KAY KRISTONG AMING PANGINOON. AMEN

6. CLOSING PRAYER – AMA NAMIN.

Page 15: Pre Confirmation Seminar

PARISH OF ST. RAPHAEL THE

ARCHANGEL

Basud, Camarines NorteSEMINAR SA SAKRAMENTO NG

KUMPIL

Inihanda ni Bro. Joemer V. Aragon Parish School Head Catechist Parish Catechetical Ministry St. Raphael the Archangel ParishBasud , Camarines Norte

Page 17: Pre Confirmation Seminar

UNANG PAKSA: SACRAMENTS ( IN GENERAL )

Paano ninyo

ipinapadama ang

pagmamahal ninyo

sa inyong mahal sa

buhay?

Page 18: Pre Confirmation Seminar

ALAMIN NATIN NGAYON ANG SINASABI NG SALITA NG DIYOS.

SALITA NG DIYOS: Juan 3:16

Gayon na lamang ang pag-ibig ngDiyos sa sanlibutan kaya ibinigayniya ang kanyang bugtong na anakupang ang sumampalataya sa kanyaay hindi mapahamak kundi upangmagkaroon ng buhay na walanghanggan.

Page 19: Pre Confirmation Seminar

Sino ang ipinadalang Diyos saSanlibutan?

Bakit ipinadala ngDiyos ang kanyangAnak sa atin?

Page 20: Pre Confirmation Seminar

Upang magkaroon ng buhay ng walanghanggan,

ANAK

Page 21: Pre Confirmation Seminar

Ipinadala ng AMA ang

kanyang ANAK na si Kristo

bilang tanda ng kanyang

pagmamahal, itinatag

naman ni Kristo ang

Simbahan at sa simbahan

ipinagdiriwang ang mga

Sakramento

Page 22: Pre Confirmation Seminar

AMA

KRISTO

SIMBAHAN

7 SAKRAMENTO

Page 23: Pre Confirmation Seminar

“Ito nga ang kalooban ngaking Ama, na ang lahat ngmakakita sa Anak at sumampalataya sa kanya ay magkamit ng buhay nawalang hanggan at bubuhayin ko siya muli sahuling araw” Jn. 6:40

Page 24: Pre Confirmation Seminar

Si Kristo ang

ibinigay ng Ama

upang maging

daan

katotohanan at

buhay ng tao

Page 25: Pre Confirmation Seminar

Paano makakamitng tao ang buhayng Diyos o grasyangnagpapabanal sapamamagitan ngAnak?

Page 26: Pre Confirmation Seminar

Nagtatag si Kristong PitongSakramento bilangmga bukal nggrasyangnagpapabanal.

Page 27: Pre Confirmation Seminar

Ipinagpapatuloy niKristo ang kanyangpamumuhay sa atingpiling sapamamagitan ngmga SAMRAMENTO.

Page 28: Pre Confirmation Seminar

Kung paanong ginamit ni

Kristo noong una ang

kanyang katawan sa

paggawa ng mabuti,

gayon din naman

ginagamit ngayon ang

sakramento sa

paggawad ng biyaya sa

mga kaluluwa.

Page 29: Pre Confirmation Seminar
Page 30: Pre Confirmation Seminar

Ano ang Sakramento?

• GALING ITO SA DALAWANG

SALITANG LATIN:

“SACRA” – IBIG SABIHIN AY

BANAL

“MENTO”- IBIG SABIHIN AY

TANDA

Ito ay banal na tanda na

itinatag ni Kristo upang

Page 31: Pre Confirmation Seminar

Bakit itinatag ni kristo ang mga sakramento?

Itinatag ni kristo ang pitong

sakramento upang maging ito’y

maging bukal ng grasyang

nagpapabanal, na kung saan

ipinagpapatuloy ni Kristo ang

kanyang pamumuhay sa ating

piling sa pamamagitan ng mga

sakramento.

Page 32: Pre Confirmation Seminar
Page 33: Pre Confirmation Seminar

AT DAHIL SI KRISTO ANG NAKAKA-TAGPO SA PAGTANGGAP NG BAWATSAKRAMENTO, ITO AY TANDA NA SIKRISTO AY : PATULOY NA NASA SIMBAHAN AT PATULOY NA NAGLILIGTAS SA MGA

KASAPI NITO NA WALANG IBA KUNDI

TAYONG LAHAT.

Page 34: Pre Confirmation Seminar

•PAANO NAUUGNAY ANG MGASAKRAMENTO SA KARANIWANGBUHAY NG TAO?

•SA BAWA’T YUGTO NG BUHAY NG TAO AYNAROON SI KRISTO SA MGASAKRAMENTO AT NAG-AANYAYA NATANGGAPIN SIYA.

Page 35: Pre Confirmation Seminar

YUGTO NG BUHAY MGA SAKRAMENTO

PAGSILANG BINYAG –TUMUTUGON SA KAPANGANAKAN

NG TAO. ISINISILANG TAYO SA

PAMILYA NG DIYOS.

PAGKAIN PARA

MABUHAY

BANAL NA EUKARISTIYA –

NAGBIBIGAY SA TAO NG PAGKAIN

UPANG MANATILING BUHAY AT

MAY HIGIT NA BUHAY SA

PANGINOON.

Page 36: Pre Confirmation Seminar

PAGLAKI KUMPIL –TUMUTUGON SA

PANGANGAILANGAN NG TAO

NA MAGKAROON NG TANGING

GAWAIN SA LIPUNANG

KINABIBILANGAN.

NAGPAPATIBAY SA ISANG

KRISTIYANO UPANG MAGING

SAKSI

Page 37: Pre Confirmation Seminar

PAGKAKASAKIT PAGPAPAHID NG BANAL NA

LANGIS – NAGPAPATIBAY SA

ISANG KRISTIYANO SA

PAGLALAKBAY PATUNGO SA

KABILANG BUHAY

DI-

PAGKAKAUNA

WAAN

PAGBABALIK-LOOB –

SA PAMAMAGITAN NITO, ANG

NASIRANG UGNAYAN SA DIYOS

AT KAPWA AY NABABALIK.

Page 38: Pre Confirmation Seminar

PANANAGUTAN PAG-AASAWA O MATRIMONYO –

NAGBIBIGAY SA SIMBAHAN NG

BAGONG KASAPI

PAGPAPARI O BANAL NA ORDEN –

1. DIAKONO

2. PARI

3. OBISPO

NAGBIBIGAY SA SAMBAYANANG

KRISTIYANO NG LIDER NA

MANGANGALAGA SA BAYAN.

Page 39: Pre Confirmation Seminar

PAGKAKAHATI – HATI NG MGA SAKRAMENTO:

•SAKRAMENTO NG PAG-ANIB ( SACRAMENT OF INITIATION 1. BINYAG 2. KUMPIL 3. BANAL NA EUKARISTIYA

•SAKRAMENTO NG PAGPAPAGALING ( SACRAMENT OF HEALING )

1. PAGBABALIK-LOOB 2. PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS

•SAKRAMENTO NG PAGTATALAGA NG SARILI 1. BANAL NA ORDEN 2. MATRIMONYO

Page 40: Pre Confirmation Seminar

MGA SAKRAMENTONG MINSAN LANGTINATANGGAP :

1.BINYAG 2. KUMPIL 3. BANAL NA ORDEN O PAGPAPARI

• NAG-IIWAN NG WALANG HANGGANGTATAK SA TAO NA SILA AY KAY KRISTO

Page 41: Pre Confirmation Seminar

• SAKRAMENTONG INUULIT AYON SA PAGKAKATAON:

1.MATRIMONYO – KUNG NABALO NA AT MULI PANG MAG-ASAWA .2.PAGPAPAHID NG BANAL NA LANGIS – PARA SA NAPAHIRAN NA GUMALING AT MULING NAGKASAKIT3.BANAL NA EUKARISTIYA4.PAGBABALIK-LOOB.

Page 42: Pre Confirmation Seminar

Ilan ang

Sakramento?

Page 43: Pre Confirmation Seminar

7 SAKRAMENTO

BINYAG

PAGPAPARIKASAL

PAGPAPAHID NG

LANGIS SA MAY

SAKIT

KUMPISAL

KUMPILBANAL NA

EUKARISTIYA

sakramento ng pag-anib

sakramento ng pagpapagaling

sakramento ng

pagtatalaga ng

sarili

Page 44: Pre Confirmation Seminar

Anu-ano ang tatlong pangunahing sangkap ngbawat sakramento?

Ang tatlong pangunahing sangkap ng

bawat sakramento ay mga:

• 1. MINISTRO - ang

tagapamahala ng sakramento.

• 2. BAGAY - ang nakikitang

bagay na ginagamit para sa

sakramento.

• 3. ANYO - mga salita na

ginagamit sa pagdiriwang ng

sakramento.

Page 45: Pre Confirmation Seminar

• Ang mga ito ay may "BISA" sapagkat

nabibigyang bisa nila ang mga hindi nakikitang

katotohanan na kanilang isinasagisag. Ang

mga sakramento ay laging tunay ("ex opere

operato"), dahil isinasagawa ito ng mga

ministro sa katauhan ni Kristo ("in persona

Christi").

• Ang mga ito ay nagbibigay ng mga "BIYAYA".

Ang biyayang nagpapabanal ay ang

pakikipagkaisa sa Diyos, na nawawala sa

bawat sandaling tayo ay nagkakaroon ng

kasalanang mortal. Ang biyayang sakramental

ay ang banal na tulong na ibinibigay ng bawat

sakramento upang maisagawa ang ating mga

tungkulin.

Page 46: Pre Confirmation Seminar

MGA DAPAT ISAULO AT ISAPUSO NG ISANG KUKUMPILAN:

• A. MGA PANGUNAHING PANALANGIN

1.ANG TANDA NG KRUS

2.AMA NAMIN

3.ABA GINOONG MARIA

4.LUWALHATI

5.SUMASAMPALATAYA

Page 47: Pre Confirmation Seminar

B. ANG PITONG SAKRAMENTO1. BINYAG

2. KUMPIL

3. BANAL NA EUKARISTIYA

4. KUMPaISAL O PAGBABALIK-LOOB

5. PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT

6. PAGPAPARI O BANAL NA ORDEN

7. MATRIMONYO

Page 48: Pre Confirmation Seminar

C. ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS

1. IBIGIN MO ANG DIYOS NG HIGIT SA LAHAT.

2. HUWAG MONG GAMITIN NG WALANG KATUTURAN ANG NGALAN NG DIYOS. (IGALANG MO ANG NGALAN NG DIYOS).

3. MANGILIN KA KUNG LINGGO AT PISTANG PANGILIN

Page 49: Pre Confirmation Seminar

ANG SAMPUNG UTOS (IKA-4 HANGGANG IKA-10)

4. IGALANG MO ANG IYONG AMA AT INA.

5. HUWAG KANG PAPATAY.

6. HUWAG KANG MAKIKIAPID.

7. HUWAG KANG MAGNANAKAW

8. HUWAG KANG SUMAKSI NG WALANG KATOTOHANAN LABAN SA IYONG KAPWA.

9. HUWAG MONG PAGNASAAN ANG HINDI MO ASAWA

10. HUWAG MONG PAGNASAAN ANG DI MO PAG-AARI

Page 50: Pre Confirmation Seminar

MGA DAPAT ISAULO AT ISAPUSO NG ISANG KUKUMPILAN

• D. ANG LIMANG UTOS NG SIMBAHAN

1. MAKIISA SA PAGDIRIWANG NG MISA KUNG LINGGO AT PISTANG PANGILIN.

2. MANGUMPISAL MINSAN MAN LAMANG SA ISANG TAON. TUMANGGAP NG BANAL NA KOMUNYON

LALO NA SA PANAHON NG MULING PAGKABUHAY.

3. MAG-AYUNO AT MANGILIN SA MGA ARAW NA ITINAKDA.

4. MAG-ABULOY PARA SA PANGANGAILANGAN NG SIMBAHAN.

5. MAGPAKASAL SA SIMBAHAN AYON SA BATAS

Page 51: Pre Confirmation Seminar

E. ANG PITONG KALOOB NG ESPIRITU SANTO:

1. KARUNUNGAN (WISDOM)

2. KAALAMAN (KNOWLEDGE)

3. PAG-UNAWA (UNDERSTANDING)

4. PAGPAPAYO ( GOOD COUNSEL)

5. KABANALAN (PIETY)

6. KATATAGAN (FORTITUDE)

7. BANAL NA PAGKATAKOT SA DIYOS (HOLY FEAR OF GOD)

Page 52: Pre Confirmation Seminar

Ano ba ang

Sakramento

ng kumpil?

Page 53: Pre Confirmation Seminar
Page 54: Pre Confirmation Seminar

II. TALAKAYAN:

1. Ano ang ginagawa ng mga

alagad?

- Nagkakatipon sa silid

2. Ano ang kanilang narinig at

nakita habang nagkakatipon

sila sa silid na iyon?

- Nakarinig sila ng hagunot

ng malakas na hangin at

may nakita silang waring

dilang apoy na lumapag

sa bawat isa.

Page 55: Pre Confirmation Seminar

Apoy at hangin dalawang

simbolo ng Espiritu Santo

Page 56: Pre Confirmation Seminar

4. Ano ang nangyari ng

mapuspos sila ng Espiritu

Santo?

–- NAKAPAGSALITA SILA

SA IBA’T IBANG WIKA AT

NAGKAROON NG LAKAS

NG LOOB AT

KAKAYAHAN NA

IPAHAYAG ANG SALITA

NG DIYOS.

Page 57: Pre Confirmation Seminar

Pentekostes- Ang Araw ng

Pentecostes Araw ng

pagdating ng Espiritu Santo

Araw din ng pagsilang ng

Simbahan

Pentecostes (pente=50) – Isang

malaking kapistahan ng mga

Hudyo, 50 araw pagkatapos ng

Paskuwa.

Maraming mga tao sa

Jerusalem,

iba’t ibang wika.

Page 58: Pre Confirmation Seminar

• PAGBUBUO:

–NANG SI HESUS AY NAMATAY, ANG

KANYANG MGA ALAGAD AY NAGSIMULANG

MAGKAHIWA-HIWALAY AT MAGTAGO

–SUBALIT NANG SI HESUS AY MULING

NABUHAY AT MAGPAKITA SA MGA

ALAGAD, IPINANGAKO NIYA ANG BANAL

NA ESPIRITU

–KUNG KAYA’T SILAY NAGKATIPUN-TIPON

SA ISANG SILID SA PAGHIHINTAY SA

BANAL NA ESPIRITU.

–KASABAY NG PAGHIHINTAY AY NAROON

ANG TAKOT SA KANILANG MGA PUSO.

Page 59: Pre Confirmation Seminar

• NGUNIT MAY MAGANDANG

NANGYARI SA KANILANG

PAGTITIPON

• TINANGGAP NILA ANG BANAL NA

ESPIRITU NA

NAG-ALIS NG KANILANG

KAHINAAN, TAKOT AT PAG-

AALINLANGAN AT

NAGBIGAY SA KANILA NG LAKAS

NG LOOB NA IPAHAYAG ANG

KANILANG PANANAMPALATAYA

KAY HESUS NANG WALANG TAKOT

MAGING SA HARAP NG PANGANIB

Page 60: Pre Confirmation Seminar

• 1. KATULAD NG MGA ALAGAD NI HESUS, MAY PAGKAKATAON BA SA IYONG BUHAY NANAKADAMA KAYO NG TAKOT O PANGHIHINA? BAKIT?

• 2. ANO ANG IYONG GINAWA PARA PAGLABANAN ANG IYONG TAKOT O KAHINAAN?

Page 61: Pre Confirmation Seminar

• SUMMING –UP:

– KATULAD NG MGA ALAGAD, MAY MGA PAGKAKATAON DIN SA ATING BUHAY NA TAYO AY NANGHIHINA, NATATAKOT, NAWAWALAN NG PAG-ASA O NAHIHIRAPAN

– SA MGA PANAHONG NARARAMDAMAN NATIN ITO, NAIS NATING MERON TAYONG MGA KASAMA TULAD NG MGA KAIBIGAN, BARKADA O ANG ATING KAPAMILYA MISMO.

– NGUNIT HIGIT PA SA ATING MGA KAIBIGAN AY MAYROONG ISANG TUNAY N A NAGBIBIGAY NG LAKAS NA SIYANG TUMUTULONG SA ATIN SA PANAHON NG ATING MGA KAHINAAN

Page 62: Pre Confirmation Seminar

–Ito ay ang Banal na Espiritu.

–Siya rin ang nagbigay ng lakas ng

loob sa mga alagad at sa mga unang

Kristiyano.

–Tinanggap natin ang banal na

espiritu sa sakramento ng binyag sa

panahong tayo ay nasa murang

gulang pa lamang. Noong bata pa

tayo kaya hindi pa natin lubos na

nauunawaan ang biyayang dulot nito.

Page 63: Pre Confirmation Seminar

–NGUNIT TAYO AY LUMALAKI AT

LUMALAGO, AT KAALINSABAY NG

PAGLAGO NATIN BILANG TAO AY

ANG PAGLAGO NATIN SA BUHAY

ESPIRITUAL KUNG SAAN TAYO AY

INAANYAYAHANG MAUNAWAAN

ANG B IYAYANG TINANGGAP NATIN

SA BINYAG NANG SA GAYON AY

MAISABUHAY AT MAPATATAG ITO.

–AT ITO AY NAGAGANAP SA

PAGDIRIWANG NG SAKRAMENTO

NG KUMPIL.

Page 65: Pre Confirmation Seminar

Ano ang sakramento ng Kumpil?ay ang sakramento na sa pamamagitan

ng kapangyarihan ng Espiritu Santo ay higit na napapalapit ang ugnayan ngbinyagan sa Simbahan at napagkakalooban ng lakas na aktibongipalaganap ang Ebanghelyo

pinagiging ganap ang biyayangtinanggap natin sa Sakramento ngBinyag

Page 66: Pre Confirmation Seminar

Ang Sakramento ng Kumpil ay ang

sakramento na nagbibigay ng mga biyaya

ng Espiritu Santo. Ito ay tinatawag na

Kumpil dahil ang sakramentong ito ang

nagpapatibay at nagpapatatag ng

biyayang tinanggap sa binyag. Sa

pamamagitan ng Espiritu Santo, tayo ay

nagiging ganap na Kristiyano at saksi ni

Kristo sa salita at gawa, hanggang sa

kamatayan.

Page 67: Pre Confirmation Seminar

Kailan itinatag ni Jesus ang Sakramento ng

Kumpil?

• Itinatag ni Kristo ang Sakramento ng Kumpil

ang sinabi niyang:

Juan 20:21-22 "Sumainyo ang Panginoon! Kung

paanong sinugo ako ng Ama, gayundin naman,

isinusugo ko kayo - Pagkatapos, sila"y

hiningahan niya at sinabi - tanggapin ninyo ang

Espiritu Santo".

• Ang unang Kumpil ay naganap noong

Araw ng Pentekostes (33 A. D.), nang

ang Espiritu Santo ay pumanaog sa

Birheng Maria at sa labindalawang

alagad na natitipon sa Senakulo ng

Jerusalem (Gawa 2).

Page 68: Pre Confirmation Seminar

Tanda sa Sakramento ng Kumpil

†Pagpapatong Ng Kamay

†Pagpapahid ng banal na

Krisma sa Noo

†Pagtapik sa pisngi

† name Tanggapin mo ang

tatak ng kaloob ng

Espiritu Santo

Page 69: Pre Confirmation Seminar

Pagpapatong Ng

Kamay

Ωnagpapahiwatigng “pagbaba ngEspiritu Santo

-Ayon sa halimbawa ninaPedro at Juan sa Gawa8:17

Page 70: Pre Confirmation Seminar

Pagpapahid ng

banal na Krisma sa

Noo

Banal na Krisma-banal na langis nabinasbasan ng Obispo tuwing Misa ng Krismatuwing Huwebes Santo ng umaga

Page 71: Pre Confirmation Seminar

• Tinatatakan ng KRUS ang tatak ni

Kristo

• Upang ipahiwatig na ikaw

kinukumpilan ay lalo pang nakikiisa

sa misyon ni Kristo na humantong sa

pag-aalay Niya ng Kanyang buhay sa

krus bilang tugatog ng knayang

gawang-pagliligtas. Paanyaya rin ito

sa iyo na huwag kang mahiya at

huwag matakot na manatiling saksi

at lingkod ni Jesuskristong namatay

sa krus, kahit pa humantong ito sa

iyong pagdurusa at kamatayan.

Page 72: Pre Confirmation Seminar

• Sa lumang tipan ang kahulugan

ng pagpapahid ay pagpapagaling,

paglilinis at pagpapalakas

(CCC1629)

• Sa pamamagitan ng Banal na

Krisma, tayo ay pinapagkaisa sa

makahari, pari at propeta na

ministeryo ni Kristo, dahil sa

Lumang Tipan, ang mga tao ay

nagiging pari, hari at propeta sa

pamamagitan ng pagpapahid

ng langis.

Page 73: Pre Confirmation Seminar

Si Isaias ay pinahiran ng langis

upang maging propeta (Isaias

61:1). Si Saul ay pinahiran ng

langis upang maging hari (1

Samuel 10:1) at si Aaron ay

pinahiran ng langis upang

maging pari (Levitico 8:12). Ang

pagpapahid ng langis ay

nagbibigay-diin sa pangalang

Kristo at Kristiyano, na

nangangahulugang "pinahiran

ng langis".

Page 74: Pre Confirmation Seminar

Kung gayon sa

sakramento ng Kumpil

tayo ay inaanyayahan na

makiisa sa misyon ni

Kristo na:

Hari

Pari

Propeta

Page 75: Pre Confirmation Seminar

1.MAKAPROPETANG

MINISTERYO

ay nangangahulugan na ag

bawat Kristiyano ay dapat

magpahayag ng Mabuting

Balita sa pamamagitan ng

salita at gawa.

Page 76: Pre Confirmation Seminar

2.MAKAHARING MINISTERYO

ay nagpapahayag ng

ating pakikipag-isa sa

kaharian ng Diyos at ng

ating kapangyarihan

laban sa pagkalat ng

kasalanan at

kamatayan.

Page 77: Pre Confirmation Seminar

3. MAKAPARING MINISTERYO

ay nangangahulugan na dapat tayong

manalangin lagi sa Diyos at ialay ang

ating buhay sa kanya kaisa ni Kristo.

Itong pangkalahatang pagkapari ng

bawat Kristiyano ay iba sa

sakramental na pagkapari na

tinatanggap ng pari sa Banal na

Orden. na nagbibigay sa

inordenahang pari ng kakayahan

upang magdiwang ng misa at

magpakumpisal

Page 78: Pre Confirmation Seminar

Sasabihin ng Obispo N. Tanggapin mo angtatak ng kaloob ng Espiritu Sato (Amen)

Ito ay panalangin upang maipagkaloob ngObispo ang kumpil

Tatak- parang tattoo subalit hindi pisikal kundiespiritwal na hindi nakikita ng pisikal natingmga mata

Ito ay permanenteng tanda na tinatawag na“karakter” na siyang dahilang kung bakitminsan lang tanggapin ang kumpil

- Ito ay nagpapahiwatig na ikaw ay ganap napag-aari ni Jesukristo at nakatalaga kangmakipagkaisa sa Kanyang misyon at gawingialok at ibahagi sa iyong kapwa ang biyayangnagpapabanal at nagliligtas

Page 79: Pre Confirmation Seminar

Pagtapik ng Pisngi

-sagisag ng katapangan

-kapayapaang hangad ng Obispo at

pagsugo ng may pagmamahal

bilang mga saksi ni Kristo.

Sinasabi ng Obispo Sumainyo ang

kapayapaan, (sagot: AT SUMAIYO RIN)

panalangin ito at paanyaya sa iyo

na upang manatiling matatag at

huwag maligalig kahit sa harap ng

pagsubok.

-patuloy mong kasama ang Espiritu

Santo

Page 80: Pre Confirmation Seminar

Saksi sa ibang salita ay martyr

“Hindi iyon tungkol sa maraming salitaat pakikipagdebate, hindi rin upang

bulabugin ang kapwa tao…. Ang magingsaksi ay pamumuhay sa hiwaga ng

Diyos. Nangangahulugan ito ng isangbuhay na walang saysay kung hindi

totoo na Merong Diyos.” Cardinal Suenens

Ang Maging Kumpilang Saksi

Page 81: Pre Confirmation Seminar

Sino ang ministro ng Kumpil?

Si KRISTO sa katauhan

ng Obispo bilang kahalili

ng mga Apostol,

gayunman, may mga

pagkakataon dala ng di

maiwasang mga

kadahilanan ay maaaring

ipagkaloob ng mga

Obispo sa mga pari ang

pagkumpil

Page 82: Pre Confirmation Seminar

1. INSPIRASYON NG BIBLIYA: Ang Espiritu

Santo ay nagsalita sa pamamagitan ng mga

propeta at mga apostol, at pinukaw rin nito

ang kanilang damdamin upang maisulat ang

Luma at Bagong Tipan. Katulad ng sinabi ni

Pedro:

2 Pedro 1:21

• "Sapagkat hindi nagbuhat sa

kalooban ng tao ag hula ng mga

propeta, ito"y galing sa Diyos at

ipinahayag ng mga taong

kinasihan ng Espiritu Santo" .

Page 83: Pre Confirmation Seminar

2. PAGDALAW NG ANGHEL: Si

Jesukristo ay ipinaglihi sa sinapupunan

ng Birheng Maria sa pamamagitan ng

Espiritu Santo. Kagaya ng sinabi ng

Arkanghel Gabriel sa kanya: Lucas 1:35

• "Bababa sa iyo ang

Espiritu Santo, at

lililiman ka ng

kapangyarihan ng

kataas-taasan. Kaya"t

banal ang

ipanganganak mo at

tatawaging Anak g

Diyos" .

Page 84: Pre Confirmation Seminar

3. PAGBIBINYAG KAY JESUS: Ang

Espiritu Santo ay pumanaog kay Jesus

sa pagbibinyag sa kanya sa ilog ng

Jordan. Ayon nga sa Mabuting Balita:Mateo 3:16-17

• "Nang mabinyagan si

Jesus, umahon siya sa

tubig. Nabuksan ang

langit at nakita niya ang

Espiritu g Diyos,

bumababa sa kanya

gaya ng isang

kalapati."

Page 85: Pre Confirmation Seminar

• 4. PENTEKOSTES: Noong araw ngPentekostes, pumanaog ang Espiritu Santo sa Birheng Maria at mgaalagad na natitipon sa Senakulo saJerusalem. Kagaya ng nakasaad saKasulatan:

Gawa 2:1-4• "Nang sumapit ang araw ng Pentekostes,

nagkatipon silang lahat sa isang lugar. At biglangnarinig ang isang ugong mula sa langit, animo"yhagunot ng malakas na hangin, at napuno nitoang bahay na kinaroroonan nila. May nakitasilang wari"y mga dilang apoy na lumapag sabawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ngEspiritu Santo at nagsalita ng iba"t ibang wika."

Page 86: Pre Confirmation Seminar

Anu-ano ang

kaloob ng

Espiritu Santo?

Page 87: Pre Confirmation Seminar

7 kaloob ng Espiritu Santo

KARUNUNGAN

PAGKATAKOT SA DIYOS

KABANALAN

KAALAMAN

PAYOPAG-UNAWA

KATATAGAN

Biyaya ng Diyos upang maging masunurin tayo

sa kanyang kalooban

Isaias

11:2-3

Page 88: Pre Confirmation Seminar

1. KARUNUNGAN: Ito ay ang kakayahan upangmalaman ang tama at mali at ayusin ang lahat ayonsa kalooban ng Diyos. Salungat nito ang kahangalan.

2. KAUNAWAAN: Ito ay ang kakayahan upangmaintindihan ang mga katotohanan ngpananampalataya ng madali at maayos. Salungat itosa kawlan ng kabatiran.

3. KAHATULAN: Ito ay ang kakayahan upangmalaman na rin ng maayos kaagad ang kalooban ngDiyos sa iba"t ibang sitwasyon ng buhay. Ito ay kasalungat ng katigasan ng ulo.

4. KALAKASAN: Ito ay ang kakayahanupang magtiyaga sa pagsunod sa kalooban ng Diyossa mga oras ng kahirapan. Salungat ito sakahinaan.

Page 89: Pre Confirmation Seminar

5. . KAALAMAN: Ito ay ang kaalaman upang matuklasanang mga katotohanan ng makamundo at espirituwal namundo at maisaysay ang mga ito sa Lumikha. Ito ay kabaligtaran ng kamangmangan.6. KABANALAN: Ito ay ang kakayahan upang sambahinang Diyos nang buong puso at mahalin ang ating kapwatulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Ang totoongpagsamba sa Diyos ay naipapakita sa totoongpagmamahal sa kanyang mga anak. Kasalungat ito ngkasamaan.7. TAKOT SA DIYOS: Ito ay ang kakayahan upang igalangang kapangyarihan ng Diyos at matakot sa kasalanan. Dapat nating iwasan ang kasalanan hindi upang matakotsa kaparusahan kundi upang matakot na maaaring atingmasaktan ang Diyos. ang takot ay hindi pagkasindak, jundiang pagsamba at paggalang sa maka-amang pag-ibig ngDiyos. Ito ay kasalungat ng kawalang galang.

Page 90: Pre Confirmation Seminar

BUNGA NG ESPIRITU

SANTO

(Galatians 5:22-23).

Page 91: Pre Confirmation Seminar

• Pag-ibig (love)

• Kagalakan (joy)

• Kapayapaan (peace)

• Pagtitiyaga (patience)

• Kabaitan (kindness)

• Pagbubukas-palad(generosity)

• Katapatan (faithfulness)

• Pagkamahinahon(gentleness)

• Pagtitimpi (self-control)

Page 92: Pre Confirmation Seminar

Ano ang katangian ng Kumpil?• Ang katangian ng Sakramento ng Kumpil ay

ang espirituwal na tanda na nagtatalaga ngating sarili kay Kristo. Winika ni San Pablo:"Tinatakan niya kami at pinagkalooban ngkanyang Espiritu, bilang katunayang tutuparinniya ang kanyang pangako" (2 Corinto 1:22). Ang katangiang ito ay hindi na mabubura pa sapagkat ito"y nangangahulugan ng atingpagiging kaisa ni Kristo. Ito"y katulad ng tandana nakatatak sa mga sundalo na nagpapahiwatigng kanilang katapatan sa kanilang pinuno o kaya"y selyong idinidikit na nagpapatunay saisang dokumento. Ang Sakramento ng Binyag at Banal na Orden ay nagtatatak din ng katangian; kung kaya"t ang mga nasabing Sakramento ay nagtataglay ng katangiang hindi nabubura at di na maaaring ulitin.

Page 93: Pre Confirmation Seminar

Sino ang maaaring kumpilan?

-Binyagang Katoliko

-May sapat na gulang na

upang magpasiya (12 yrs

old pataas)

-May kaalaman tungkol sa

sakramento ng Kumpil

Page 94: Pre Confirmation Seminar

Sino ang maaaringtumayo

bilang ninong/ninang?

-Higit na maganda kung angtatayo sa ninong/ninang sakumpil ay ang ninong o ninangsa binyag upangmaipagpatuloy niya angtungkuling ipinagkaloob sabinyag na kanyang tutuparin

Page 95: Pre Confirmation Seminar

• Hindi magulang ng kukumpilan

• Isang mabuting Katoliko na

kinumpilan na at pinili

• Hindi babata sa 16 na taong

gulang

• May sapat na kaalaman na at

matibay na hangaring tulungan

sng kukumpilan upang

maisakatuparan niya ang mga

tungkulin ng buhay Kristiyano

Page 96: Pre Confirmation Seminar

Ano ibig sabihin ng pagpapatong ngninong o ninang sa kanang balikat ngkinukumpilan sa sandaling pagkumpil?

-itinatalaga niya ang

kanyang sarili upang

gampanan ang kanyang

tungkulin bilang espiritual

na magulang at nang sa

gayon ay manatili at

maging mabunga para sa

iyo ang mga biyayang

kaloob ng Kumpil

Page 97: Pre Confirmation Seminar

Ano ang dapat na isuot ng kukumpilan?

• Ang dapat na isuot ng mga kukumpilanay disente subalit magayak. Hindi nakailangan ng mahahabang damit pang-kumpil dahil napagkakamalan lamangitong damit ng mga magsisipagtapos. Hindi na rin kailangan ng mga estolangpangkumpil sapagkat ang estola ay damit pangliturhiya na ginagamitlamang ng mga tumanggap ng Banal naOrden.

Page 98: Pre Confirmation Seminar

Tayo ay inaanyayahan ng

maging tunay na Saksi ni

kristo na buong tapang na

ipaglaban ang

pananampalataya, tulad

na mga alagad matapos

nilang tanggapin ang

Espiritu Santo sila’y

nagkaroon ng tapang at

lakas ng loob

Page 99: Pre Confirmation Seminar

THANK YOU

FOR YOUR LISTENING

MAY THE HOLY SPIRIT GUIDE US ALWAYS!

Page 100: Pre Confirmation Seminar

Iisa ang Espiritu natinanggap natin satinanggap ng mgaApostol. Kaya magagawarin natin ang nagawa ngmga Apostol.

Page 101: Pre Confirmation Seminar

KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB

• MGA GABAY NA TANONG:

1. NARANASAN NA BA NINYO ANG HUMINGI NG TAWAD PAGKATAPOS NA KAYO AY MAGKAGALIT O MAGKASAMAANG-LOOB O KAYA AY NAGKAMALI SA ISANG TAO?

2. MADALI BANG HUMINGI NG TAWAD?

Page 102: Pre Confirmation Seminar

• II. PAGBUBUO / PAGPAPALALIM

• III. PAG-UUGNAY

• BAKIT KAYA MAHIRAP HUMINGI NG TAWAD?

• ANO ANG KAILANGAN UPANG MAGAWA ITO?

• BASAHIN NATIN ANG KASAYSAYAN NG ISANG TAO NA HUMINGI NG TAWAD AT NAGBALIK-LOOB PAGKATAPOS MAGKASALA

Page 103: Pre Confirmation Seminar

• IV. SALITA NG DIYOS- LUKAS 15:11-32

• V. PAGTATALAKAY SA PAGBASA:1. SINU-SINO SNG MGA PANGUNAHING TAUHAN SA

TALINHAGANG BINASA NATIN?

2. ANO ANG GINAWA NG BUNSONG ANAK?

3. PAGKATAPOS IBIGAY NG AMA ANG KANYANG MANA ANO ANG KANYANG GINAWA?

4. ANO ANG NANGYARI SA KANYA MATAPOS MAUBOS ANG KANYANG SALAPI?

5. ANO ANG NADAMA NIYA NGAYONG NAGHIHIRAP NA SIYA? ANO ANG KANYANG NAGING PASYA?

Page 104: Pre Confirmation Seminar

6. ANO ANG NAGING REAKSYON NG AMA NG MAKITA ANG BUNSONG ANAK NA DUMARATING?

7. ANO ANG GINAWA NG ANAK?

8. TANDA NG PAGPAPATAWAD AN O ANG GINAWA NG AMA?

9. SAMANTALA. ANO ANG NAGING REAKSYON NG PANGANAY NA KAPATID?

10. ANO NAMAN ANG GINAWA NG AMA?

Page 105: Pre Confirmation Seminar

VI. KAHULUGAN NG TALINHAGA

• AYON SA ATING PANGINOONG HESUKRISTO, ANG AMA SA TALINHAGA AY LARAWAN NG DIYOS. MABIYAYA SA LAHAT, MABUTI MAN O MASAMA.

• MAPAGPATAWAD SA ANAK NA NAGKASALA NGUNIT NAGBABALIK –LOOB SA DIYOS.

• SIYA ANG DIYOS NA NATUTUWANG LUBHA SA PAGBABALIK NG MAKASALANAN AT TUMATANGGAP NA MULI DITO BILANG TUNAY NA ANAK NA MALAYA.

Page 106: Pre Confirmation Seminar

• ANG BUNSONG ANAK AY LARAWAN NATING LAHAT. LUMALAYO TAYO AT PINUPUTOL ANG UGNAYAN SA AMA SA TUWING TAYO AY GUMAGAWA NG DI MABUTI.

• ANG PAGLAYONG ITO SA AMA AT PAGPUTOL SA UGNAYAN NATIN SA KANYA AY TINATAWAG NA KASALANAN.

• ANG PAGBABALIK NG ANAK AT PAGHINGI NG TAWAD AY LARAWAN NG ATING PAGSISISI SA TUWING TAYO AY NAGKAKASALA.

• ANG PANGANAY NA ANAK AY LARAWAN DIN NATING LAHAT SA TUWING TAYO’Y AYAW MAGPATAWAD AT ANG TINGIN SA SARILI AY MAS MABUTI KAYSA IBA.

Page 107: Pre Confirmation Seminar

• VII. PAG-UUGNAY:

– LAHAT TAYO AY NAKAKARANAS MAGKASALA AT NAKADAMA NA MAHIRAP HUMINGI NG TAWAD.

– SA TINALAKAY NATING TALINHAGA, NAKITA NATIN ANG DALAWANG ANAK NA KAPWA NAKARANAS NA MAGKASALA SA AMA NGUNIT ANG ISA’Y NAGLAKAS-LOOB NA HUMINGI NG TAWAD SAMANTALANG ANG ISA AY DI MAN LAMANG TINANGGAP NA SIYA AY MAY PAGKAKAMALI.

– SAMANTALA ANG AMA NA KUMAKATAWAN SA DIYOS AY TIGIB NG PAGMAMAHAL AT HANDANG TUMANGGAP SA ANAK NA NAGBABALIK-LOOB AT NAGSISISI.

Page 108: Pre Confirmation Seminar

• KAILAN TAYO NAGKAKASALA AT ANO ANG KAILANGAN NATIN UPANG MAPATAWAD GAYA NG BUNSONG ANAK?

NAGKAKASALA TAYO KUNG NALALAMAN AT MALAYANG PINAGPAPASYAHAN NATING TUMALIKOD SA PANGINOON AT TUMANGGING GAWIN ANG KANYANG KALOOBAN.

Page 109: Pre Confirmation Seminar

• KASALANAN – AY ANG PAGTALIKOD SA DIYOS, PAGTANGGING GAWIN ANG KANYANG KALOOBAN. ITO’Y PAGTANGGI SA RELASYON NATIN SA DIYOS, SA KAPWA AT SA SARILI.

• ANG ISANG AKTO AY NAGIGING KASALANAN KUNG ALAM NATING MASAMA ITO AT PAGKATAPOS AY MALAYA TAYONG NAGPASYA NA GAWIN ITO

• ( CITE AN EXAMPLE )

Page 110: Pre Confirmation Seminar

• MADALAS TAYONG NAGKAKASALA SUBALIT HINDI MADALING HUMINGI NG TAWAD O MAGSISI.

• ANO KAYA ANG MAGIGING LAKAS NATIN UPANG HUMINGI NG TAWAD SA DIYOS AT SA KAPWA?

ANG KAPANGYARIHAN NG BIYAYANG NAKALILIGTAS NI KRISTO ANG NAG-UUDYOK SA ATIN UPANG HUMINGI NG KAPATAWARAN SA DIYOS AT SA KAPWA.

Page 111: Pre Confirmation Seminar

• TOTOONG MAHIRAP HUMINGI NG TAWAD SA ISANG TAONG ATING NASAKTAN O NAGAWAN NG KASALANAN.

• KUNG NAGAGAWA MAN NATING LUMAPIT AT HUMINGI NG TAWAD, ITO’Y BIYAYA NA RIN NG DIYOS.

• BAGO PA TAYO HUMINGI NG TAWAD, ANG BIYAYANG ITO NG DIYOS ANG SIYANG LAKAS NA UMAAKIT SA ATIN NA MAGBALIK.

• KADALASAN AY GINAGAMIT NG DIYOS ANG PAGHIHIRAP NA MINSAN AY BUNGA NG ATING PAGKAKASALA UPANG PAALALAHANAN TAYONG MAGBALIK-LOOB.

Page 112: Pre Confirmation Seminar

• KUNG PAANONG ANG PAGKALUBLOB NG ALIBUGHANG ANAK SA KAHIRAPAN AY NAGING DAAN PARA SIYA’Y MAGBAGO, GAYUNDIN NAMAN, GINAGAMIT NG DIYOS ANG MGA PANGYAYARING HINDI KANAIS-NAIS SA ATIN UPANG TAYO’Y KANYANG AKITIN.

• AT PAG TAYO’Y NAGBALIK, BAGAMA’T NAGSISIMULA ANG ATING PAGSISISI SA PANSARILING DAHILAN, PINAWAWAGAS ITO NG DIYOS HANGGANG TAYO’Y MAKAPAGSISI DAHIL SA PAGMAMAHAL SA KANYA.

Page 113: Pre Confirmation Seminar

• PAANONG SUMASAATIN ANG PAGPAPATAWAD NG DIYOS?

SA SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB, PINAGKAKASUNDO TAYO NG PANGINOONG HESUKRISTO SA AMA SA KAPANGYARIHAN NG ESPIRITU SANTO AT SA PAMAMAGITAN NG PARI.

SEE HIGHLIGHT NOTES

Page 114: Pre Confirmation Seminar

PAGHAHANDA SA PAGTANGGAP NG SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB

• 1. TAHIMIK NA PAGDARASAL – HIHINGIN NATIN ANG TULONG NG ESPIRITU SANTO UPANG BIGYAN TAYO NG LAKAS NA MAKITA, AMININ AT TANGGAPIN ANG ATING MGA KAHINAAN AT KASALANANG NAGAWA.

• 2. PAGSISISI – DAHIL SA ATING MGA KASALANAN AY NAKITA NATIN KUNG PAANO TAYO NAPALAYO SA DIYOS. KAYA PAGSISIHAN NATIN ANG MGA NAGAWANG KASALANAN KASABAY NITO ANG PANGAKONG DI NA MULING MAGKAKASALA.

Page 115: Pre Confirmation Seminar

PAGHAHANDA SA PAGTANGGAP NG SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB

3. PANGAKONG MAGBABAGO – ANG PAGBABAGO AY ISA SA MGA BUNGA NG TUNAY NA PAGSISISI. ITO AY ISANG BIYAYA NG DIYOS. NAPAKAHALAGANG MALAMAN NATIN ITO SAPAGKAT MAY KAAKIBAT O KASAMA ITONG TUNGKULING ATING GAGAWIN. HALIMBAWA: KUNG DATI TAYONG PALAAWAY, AY MAGSUMIKAP TAYONG MAGING PALAKAIBIGAN AT MAGING MABUTING TAO.

Page 116: Pre Confirmation Seminar

PAGHAHANDA SA PAGTANGGAP NG SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB

4. PANGUNGUMPISAL – ANG PAGLAPIT SA PARI AT PAGSABI NG KASALANAN.

HUWAG TAYONG MATAKOT O MAHIYA SAPAGKAT ANG PAGLAPIT NATIN SA PARI SA

SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB AY PAGLAPIT NATIN SA DIYOS AMANG MAPAGMAHAL AT MAPAGPATAWAD

Page 117: Pre Confirmation Seminar

MGA HAKBANG SA PAGKUKUMPISAL

– 1. LULUHOD O UUPO SA HARAPAN O SA TABI NG PARI AT MAG-AANTANDA NG KRUS.

– 2. SASABIHIN SA PARI: “BASBASAN MO PO AKO PADRE SAPAGKAT AKO AY NAGKASALA. ANG HULI

KO PONG KUMPISAL AY NOONG….” SABIHIN ANG BUWAN O ARAW. O KUNG DI NA MATANDAAN KUNG KAILAN AY SABIHIN SA PARI)

– 3. SASABIHIN NA SA PARI ANG MGA KASALANANG NAGAWA AT NAIS IHINGI NG TAWAD SA DIYOS.

– 4. HINTAYIN ANG IPADADASAL NG PARI SA HARAP NIYA (PAGSISISI) AT ANG ABSOLUSYON.

– 5. TANDAAN AT GAWIN ANG IPAPAYO NG PARI PAGKATAPOS NG KUMPISAL. MAARING ITO’Y MGA

PANALANGIN O KONKRETONG GAWAIN.

Page 118: Pre Confirmation Seminar

PANALANGIN NG PAGSISISI

• PANGINOONG HESUKRISTO, AKO AY NAGKASALA LABAN SA IYONG KABUTIHANG WALANG-HANGGAN. AKO’Y NAGSISISI NG BUONG PUSO AT NANGANGAKONG HINDI NA MULING MAGKAKASALA SA TULONG NG IYONG MAHAL NA GRASYA. AMEN.

Page 119: Pre Confirmation Seminar

PAGTUGON:

ANO ANG GAGAWIN MO UPANG MAGKAROON NG LAKAS NA HUMINGI NG TAWAD TUWING IKAW AY NAGKAKASALA

• KANINO KA LALAPIT UPANG KONKRETONG MAKAMTAN ANG HABAG AT AWA NG DIYOS NA LAGING HANDANG MAGPATAWAD? BAKIT

PAGDIRIWANG: RITO NG SAKRAMENTO NG PAGBABALIK LOOB

Page 120: Pre Confirmation Seminar