presentación de powerpointmay dalawang klaseng pagtugon sa mensaheng ito: pagtanggap o pagtanggi....

9
Liksyon 2 para sa ika-9 ng Enero, 2021 KRISIS SA PAMUMUNO

Upload: others

Post on 24-Jan-2021

4 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Presentación de PowerPointMay dalawang klaseng pagtugon sa mensaheng ito: pagtanggap o pagtanggi. Habang tinatanggihan natin ang mga mensaheng ito, nagiging mas matigas ang ating

Liksyon 2 para sa ika-9 ng Enero, 2021

K R I S I S S A

P A M U M U N O

Page 2: Presentación de PowerPointMay dalawang klaseng pagtugon sa mensaheng ito: pagtanggap o pagtanggi. Habang tinatanggihan natin ang mga mensaheng ito, nagiging mas matigas ang ating

Si haring Uzziah ay “gumawa ng matuwid sa harap ng mga matang Panginoon,.” (2Cr. 26:4). Gayunma’y, “ang kaniyang puso ay nagmataas, na anopa't siya'y gumawa ng kapahamakan (2Cr. 26:16), kaya kinailangan niyang ibahagi ang trono sa kanyanganak na si Jotam sa kanyang huling mga taon.

Tinawag bilang propeta si Isaias upang tuligsain ang mgakasalanan ng Israel sa gitna ng krisis. Nang mamatay si Uzziah, pinasya ng Dios na ulitin ang pagtawag kay Isaias bilang propetasa pamamagitan ng ng isang pangitain na nagmarka ng panibagong yugto ng kanyang misyon.

Ang konteksto ng pangitain

Ang kabanalan ng Dios. Isaias 6:1-4

Ang pagbabago ni Isaias. Isaias 6:5-7

Ang atas. Isaias 6:8

Ang mensahe. Isaias 6:9-13

Page 3: Presentación de PowerPointMay dalawang klaseng pagtugon sa mensaheng ito: pagtanggap o pagtanggi. Habang tinatanggihan natin ang mga mensaheng ito, nagiging mas matigas ang ating

Ayon sa tradisyon, pinsang buo ni Uzziah si Isaias, kaya malapit siya kay Uzziah.

Si Uzziah ay tapat na lingcod ng Dios. Binigyansiya ng mga dakilang kakayahan. Siya ay magaling mag-estratehiya, magtayo, at magsaka(2Cr. 26:5-7, 9-10, 15).

Gayunpaman, nais niyang maging higit pa sa ginawa ng Dios sa kanya. Ninais niyang gawin ang mga tungkulin ng pari, at pinarusahan siya ng Dios ng ketong (2Cr.26:16,19,21).

Ang ibang mga tao ay tila nahawa ng “ketong” sa asal. Kailangan nila si Isaias upang dalhin sila sa tanging banal, Dalisay, immortal, at sakdal na Hari.

Page 4: Presentación de PowerPointMay dalawang klaseng pagtugon sa mensaheng ito: pagtanggap o pagtanggi. Habang tinatanggihan natin ang mga mensaheng ito, nagiging mas matigas ang ating

ANG KABANALAN NG DIOS

“At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, Banal, banal, banal

ang Panginoon ng mga hukbo: angbuong lupa ay napuno ng kaniyang

kaluwalhatian!’” (Isaias 6:3)

Nais ni Uzziah na lumapit sa Dios, at nasaktansiya ng Kanyang kabanalan. Lumapit ang Dios kay Isaias, at siya’y nabago ng Kanyangkabanalan.

Nakaupo ang Dios sa mataas at marungal natrono; ang Kanyang presensya ang bumabalot salahat ng bagay. Umuuga ang mga pinto, at ang templo ay napuno ng usok. May mga nagliliyabna nilalang (Ang ibig sabihin ng serapin ay “nagliliiyab”) sa palibot Niya na nagpupuri at nagpapahayag ng Kanyang kabanalan.

Malinaw ang mensahe ng pangitain, banal ang Dios at nangangailangan Siya ng kabanalan (Lv. 11:45; 19:2; 20:26; 1P. 1:16). Napatibay ang pananampalataya ni Isaias gaya nina Ezekiel, Daniel, at Juan (Ez. 1; Dn. 10; Apo. 1

Page 5: Presentación de PowerPointMay dalawang klaseng pagtugon sa mensaheng ito: pagtanggap o pagtanggi. Habang tinatanggihan natin ang mga mensaheng ito, nagiging mas matigas ang ating

“Ano kayang kapangyarihan dito sa lupa ang

maigagayak laban sa Juda? Ano kaya ang

haharaping paglaban at pagtutol ni Isaias sa

kanyang misyon? Nakita niya ang Hari, ang

Panginoon ng mga hukbo; narinig niya ang

awit ng serapin, ‘Ang buong lupa ay napuno

ng kaniyang kaluwalhatian;’ at napatapang

ang propeta para sa gawain sa harap nya. Ang

alaala ng pangitaing ito ay daladala niya sa

kanyang mahaba at nakakapagod na misyon ”E.G.W. (Testimonies for the Church, book 5, cp. 91, p. 751)

Page 6: Presentación de PowerPointMay dalawang klaseng pagtugon sa mensaheng ito: pagtanggap o pagtanggi. Habang tinatanggihan natin ang mga mensaheng ito, nagiging mas matigas ang ating

“At hinipo niya niyaon ang aking bibig, at nagsabi, Narito, hinipo nito angiyong mga labi; at ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis.’” (Isaias 6:7) Napupuno ng usok ang Kabanalbanalang Dako bawat Araw

ng Pagtubos, kaya natatago ang pari sa kaluwalhatian ng Dios. Ang pangitain ay napaka pareho, kaya pakiramdam niIsaias ay hinusgahan… at hinatulan!!

Ang nagbabagang uling ay kinuha sa ginituang altar kung saan nasusunog ang insenso ng pamamagitan. Kumakatawan ito sa pammagitan ni Jesus. Siya lang ang tanging makapagpapatawad sa ating kasalanan at makakapagbago sa atin.

Ninais ni Uzziah na siya mismo ang maghandog ng insenso, at binayaran niya ang kanyang kasalanan. Nang dumikit kay Isaias ang nagbabagang uling, ginawa siyanginsenso ng Dios, at pinatawad ang kanyang kasalanan.

Page 7: Presentación de PowerPointMay dalawang klaseng pagtugon sa mensaheng ito: pagtanggap o pagtanggi. Habang tinatanggihan natin ang mga mensaheng ito, nagiging mas matigas ang ating

“At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinongyayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako.’” (Isaias 6:8)

Matapos aliwin ng kapatawaran ng Dios, nagkusa si Isaias na gawin anumang misyon naipagawa sa kanya ng Dios.

Sa wakas, makakahanap tayo ng aliw at lakas sa Makalangit naSanctuaryo na tutulong sa atin upang mapagtagumpayan ang atingmga pagdurusa at magawa ang ating misyon (Awit 73:17; Apocalipsis 5:4-6).

Hinihikayat tayo ni Pablo nalumapit ng may pagtitiwala saharapan ng trono ng Dios. Doon makakakita tayo ng biyaya dahilnamamagitan para sa atin si Jesus (Hebreo 4:14-16).

Page 8: Presentación de PowerPointMay dalawang klaseng pagtugon sa mensaheng ito: pagtanggap o pagtanggi. Habang tinatanggihan natin ang mga mensaheng ito, nagiging mas matigas ang ating

Nais ng Dios na magsisi at maligtas ang lahat (Jn. 3:16; 2P. 3:9). Patuloy Siyang nagpapadala ng mga mensahe ng pangangaral sa pamamagitan ng Kanyang mgamensahero (at bawat mananampalataya ay maaaringmaging mensahero).

May dalawang klaseng pagtugon sa mensaheng ito: pagtanggap o pagtanggi. Habang tinatanggihan natin ang mgamensaheng ito, nagiging mas matigas ang ating puso gaya ng kay Paraon. Ang ating mga tainga at mga mata ay unti-untingsumasara sa ating pagtanggi na makinig.

Ang mga tumanggap sa mensahe ay tinawag na “banal nalahi” (Isaias 6:13).

Page 9: Presentación de PowerPointMay dalawang klaseng pagtugon sa mensaheng ito: pagtanggap o pagtanggi. Habang tinatanggihan natin ang mga mensaheng ito, nagiging mas matigas ang ating

“Sa bawat naging kabahagi ng Kanyang biyaya, ang

Panginoon ay nagtatakda ng gawain para sa iba. Isa-

isa tayong tatayo sa ating lugar, na magsasabing,

‘Narito ako; suguin mo ako.’ Isaias 6:8. Sa ministro

ng salita, sa missionary nurse, sa Kristyanong

doktor, sya man ay negosyante o magsasaka,

propesyonal man o mekaniko—ang responsibilidad

ay nakaatang sa lahat. Gawain natin na ipahayag sa

mga tao ang ebanghelyo ng kanilang kaligtasan.

Bawat proyekto na ating ginagawa ay dapat maging

paraan upang matupad ito sa huli.”

E.G.W. (The Ministry of Healing, cp. 9, p. 148)