problemang panlipunan, mga problema sa edukasyon sa bansang pilipinas [pananaliksik]

31
DAHON NG PAGPAPATIBAY DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang, “Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas”. Inihanda at iniharap ang pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si Bb. Jessilyn Ranges ng mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV - St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011 Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan. Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges: _____________________ Gng. Brenilda Medina

Upload: jovis-malasan

Post on 05-Apr-2015

57.331 views

Category:

Documents


19 download

TRANSCRIPT

Page 1: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

DAHON NG PAGPAPATIBAYDAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay

pinamagatang, “Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa

Edukasyon Sa Bansang Pilipinas”. Inihanda at iniharap ang pananaliksik

na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si Bb. Jessilyn Ranges ng

mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV - St. Titus ng Flos Carmeli

Institution of Quezon City, SY 2010-2011

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at

inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan.

Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan

sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:

_____________________

Gng. Brenilda Medina

(Punong-Guro)

_____________________________

Bb. Jessilyn Ranges

(Guro sa Filipino)

Page 2: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

PASASALAMATPASASALAMAT

Lubos kong pinasasalamatan ang mga sumusunod dahil sa pagbibigay ng suporta upang aking mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito:

- Unang- una ako’y nagpapasalamat sa Diyos na maykapal sa pag-gabay sa

akin sa paggawa ng pananaliksik na ito at maisakatuparan ang mga bagay

upang mabuo ito.

- Sa aming butihing guro na si Bb. Jessilyn Ranges, sa pagtulong at pagbibigay

ng mga ideyang makakatulong sa paggawa ng pananaliksik na ito.

- Sa mga awtor, mga teorista at iba pang mga mananaliksik na aking

kinuhanan ng mga impormasyon at proposisyon na ukol sa aking paksa.

- Sa aking mga respondente, na sumagot sa aking mga tanong para sa sarbey

at interbyu na nakatulong ng malaki upang mas maging epektibo ang

pananaliksik na ito.

- Sa aking pamilya at kaibigan, na naniwala sa akin sa pagtapos ng

pananaliksik na ito at sa pagbibigay ng suporta na nakatulong rin sa akin

para maisagawa ng tama ang aking pananaliksik.

MARAMING SALAMAT PO.

TALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMAN

Page 3: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

PASASALAMAT

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”

A. INTRODUKSYON

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

D. SAKLAW AT LIMITASYON

E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

F. PARADIGM

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

B. MGA RESPONDENT

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

D. TRITMENT NG DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”

A. LAGOM

B. KONKLUSYON

C. REKOMENDASYON

BIBLIOGRAPIYA

Page 4: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

KABANATA I

ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO

A. INTRODUKSYON

Edukasyon, sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga

estudyante at kalidad ng pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito ang

Page 5: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

tumutulong sa isang bansa upang maging progresibo at maunlad. Ngunit kay

raming problemang panlipunan ang kinakaharap ng ating bansa at isa na

nga rito ang Edukasyon. Isang problemang nais ng matuldukan ng ating

gobyerno.

Sa panahon ngayon, kay rami nang kabataan ang hindi

nakakapagtapos ng pag-aaral at ang pangunahing dahilan nito ay kahirapan

na isa pang malaking problemang kinakaharap ng bansang Pilipinas. Ang

pagkakaroon ng korupt na gobyerno ay isang dahilan kung bakit naghihirap

ang ating bansa. Isa pang dahilan kung bakit may mga kabataang hindi

nakakapagtapos dahil nagiging rebelde ito. Maraming nakaka-impluwensiya

sa mga kabataan ngayon. Mga problemang pampamilya, pampinansiyal, at

ang iba’y napapabarkada.

Isa pang problemang pang-edukasyon ang mababang kalidad ng

pagtuturo. Dahil nga sa mga maling metodolohiya na naituturo sa mga

kabataan, inaakala nito na ito’y tama. Ang isang epektibo at magandang

kalidad ng pagtuturo ay hindi napagtatagumpayan ng isang guro dahil nga

kulang pa ito sa kaalaman tungkol sa kanyang napiling asignatura.

Kakulangan sa Pondo ay isa pang problema sa ating edukasyon, kahit na

sapat ang badyet ng ating gobyerno kung hindi maayos ang paggamit nito,

hindi uunlad ang Edukasyon sa ating bansa.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito’y naglalayon na linangin ang mga kaisipan ng

mga mamamayan ng bansa tungkol sa tunay na kalagayan ng edukasyon sa

ating bansa. Itatalakay rin dito ang mga problema, dahilan at epektibong

solusyon sa mga suliranin na tungkol sa Edukasyon. Ang mga

Page 6: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

impormasyong makukuha ay tumutulong upang mas makagawa ng isang

mas epektibong proposiyon at impormasyon na magmumulat sa mga tao na

ang pag-aaral ng mabuti ang susi sa isang masagang buhay at kinabukasan.

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa mga researcher. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para

makalikha pa siya ng mga impormasyon at makagawa ang isang researcher

ng isang konklusyon na puwedeng niyang ipaalam sa ibang tao upang mas

maging laganap ang kaalaman ng mga tao tungkol sa pag-aaral na ito.

Sa mga kabataan. Ang pag-aaral na ito ang magiging tulong nila

para malaman ang mga problema at sanhi ng mga suliranin sa Edukasyon.

Ito rin ay tutulong sa kanila upang kanilang makuro na may malaking

kinakaharap na problema ang ating bansa tungkol sa Edukasyon.

Sa mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay magiging batayan ng

mga magulang upang kanilang madalumat ang katotohanang malaki ang

problema ng ating bansa lalong-lalo na sa Edukasyon.

Sa pamahalaan. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa

pamahalaan upang mas mapalawig pa nila ang kanilang kaisipan at

hanggang sila’y makagawa ng iba’t ibang solusyon at paraan upang

masolusyunan ang problema sa Edukasyon ng ating bansa. Ang pag-aaral na

ito’y makakatulong sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng Edukasyon sa ating

bansa.

Sa komunidad. Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa mga mamamayan

na maging bukas ang kanilang mga isip at makagawa ng mga iba’t ibang

kuro-kuro para makatulong sa estado ng Edukasyon ng ating bansa.

D. SAKLAW AT LIMITASYON

Page 7: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

Ang pananaliksik na ito ay nakatutok sa pagbibigay at paggawa

ng mga kongkretong impormasyon at datos na ukol sa mga Problema sa

Edukasyon ng Bansang Pilipinas lamang. Ako’y mangangalap ng mga datos

sa Flos Carmeli Institution of Quezon City at sa Don Fabian, Commonwealth

Ave. Q.C. na makakatulong sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito.

E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga kinakaharap na Problema ng ating

bansa tungkol sa Edukasyon.

Sa pag-aaral na ito ay sisikaping masagot ang mga sumusunod na mga

tanong:

1. Ano ang Edukasyon? Paano ito nakakatulong sa isang bansa?

2. Anu-ano ang mga nararanasan na mga Problema sa Edukasyon ng

ating bansang pilipinas?

3. Malaki ba ang nagiging epekto nito sa ating bansa?

4. Anu-ano ang mga epektibong solusyon sa mga problemang ito?

F. PAGPAPAKITA NG PANANALIKSIK SA PAMAMAGITAN NG PARADIGM

Problemang Panlipunan : Mga Problema sa Edukasyon sa Bansang Pilipinas.

Page 8: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

Kakulangan ng Kagamitan

Kulang na pondong ibinibigay ng gobyerno.

Mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral

Hindi natututukan ang edukasyon sa mga liblib na

lugar.

Kakulangan ng klasrum.

Kakulangan ng aklat at iba pang kagamitang pang-eskuwela tulad ng lapis at mga kwaderno.

Dulot ng lubhang kakapusan sa buhay (kahirapan).

Pagrerebelde

Kawalan ng atensiyon ng mga magulang.

Impluwensiya ng masasamang barkada

Natututong magbisyo

Korupsiyon

Maling paggamit

ng pondo ng gobyerno.

Ginagamit ng pulitiko ang pondo ng gobyerno para sa kanyang sariling kadahilanan.

Kalayuan ng pook.

Kakulangan ng mga titser na nais magboluntaryo.

Page 9: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Page 10: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

Ayon sa aking mga nakalap na mga sanaysay, aklat, dokumento at iba

pa, Ang isang dahilan kung bakit nagiging malala ang kakulangan ng

classrooms at guro sa public schools ay maraming mga estudyante sa

private schools ang lumilipat sa public schools.Sa ngayon, halos 20 milyon

ang mga estudyante mula elementary hanggang high school sa public

school. Tumaas ng 11 porsiyento o may dagdag na mga 2.2 milyon na

estudyante.Ang pinakamalaking dahilan kung bakit lumilipat ang mga

estudyante sa private sa public schools ay kahirapan. Pataas na pataas na

ang tuition ngayon sa private schools dahil sa pagtaas na rin ng lahat na

bilihin (Ellen Tordesillas, journalist).

Sinasabi rin sa datos ng Department of Education, 58 lamang sa

bawat 100 estudyante na pumapasok sa Grade 1 ang nakatutuntong ng

hayskul at 14 lamang sa mga ito ang nakapagtatapos ng kolehiyo. Sa datos

na ito, di maitatago ang katotohanan na malaki ang problema natin sa

edukasyon. Dahil na rin sa kahirapan, hindi natatamasa ng kabataang

Pilipino ang karapatan nila sa edukasyon. Nakasaad mismo sa Konstitusyon,

Artikulo IV Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na “dapat pangalagaan ng

Estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mahusay na edukasyon

sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang

matamo ng lahat ang gayong edukasyon.” Dapat ay bigyan din ng

pinakamataas na prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon (Mylene

Padua).

Ayon sa National Statistics Office o NSO sa buong kapuluan ay

mayroong 34,295,000 na mga estudyanteng nag-aaral sa pampubliko at

pribadong paaralan edad anim hanggang dalawampu’t apat.  Sa kabuuang

ito, mas malaki ang porsyento sa ilalim ng pampublikong paaralan.  Mga

paaralang sinusubaybayan ng pamahalaan at ng gobyerno.  At sa loob ng

silid, ang “ratio” ng guro sa estudyante ay 1:42 o isang guro sa apatnapu’t

dalawang estudyante (cyndi18) . 

Page 11: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

Malinaw na masasakripisyo rin ang kalidad ng edukasyon dahil sa

sinasabing subject integration. Samantalang ang Filipino ay itinuturing na

“basic tool subject” katulad na lamang ng pagkatuto ng alpabeto, pagbasa,

at pagsulat nito, ang Sibika at Kultura naman ay nagtuturo ng kasaysayan,

pag-ibig sa bayan, at tamang pagtingin ng mag-aaral sa sarili at bansa bilang

Pilipino. Sa kalaunan, ito ang magbibigay sa kanila ng giya upang maging

mabubuting mamamayang Pilipino -- sa loob at labas ng bansa. Ngunit kung

“short cut” ang gagawin nating pagtuturo nito sa kanila, hindi malayong

“bansot” din ang magiging pagkilala nila sa kanilang mga sarili.Bukod pa

rito, kailangan ding ma-retrain ang mga guro dahil sa sinasabing pagsasama-

sama ng mga aralin. Kailangan ding maglabas ng bagong babasahin at

educational aides na aakma sa tinaguriang “revised subject

nomenclature.”Ito’y ilan lamang sa kagyat na makikitang problema sa

solusyong ipinipilit sa higit na malaking problema ng kakulangan sa badyet

para sa edukasyon at malinaw na hindi pagbibigay-prayoridad ng

pamahalaan dito(Bro. Eddie Villanueva,2009).

Hindi solusyon sa pagpapaangat sa kalidad ng edukasyon sa bansa

ang tig-isang taong dagdag sa elementarya at high school kundi ang

pagdagdag ng silid-aralan at mga guro. Hindi rin umano natututukan ng

isang guro ang kanilang mga estudyante dahil umaabot sa 65 mag-aaral sa

isang silid-aralan gayung 30 hanggang 35 lamang ang dapat. Dahil dito,

kailangang matutukan umano ng susunod na gobyerno lalo na ang

mamumuno sa Department of Education (DepEd) ang pagdagdag sa silid-

aralan at mga guro (Bernard Taguinod, 2010)

Lumabas kamakailan ang isang United Nations report na nagsasabing

ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay mas mababa pa kesa sa kalidad ng

edukasyon ng Tanzania at Zambia, dalawang bansa sa Africa na mas

mahirap pa sa ating bansa.Malubha na talaga ang kalagayan ng edukasyon

sa bansa natin kung nagawang malampasan tayo sa larangan ng edukasyon

ng mga bansang may sang-kapat lang ng yaman ng Pilipinas. Kulang ng

Page 12: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

66,881 na classroom ang ating bansa. Ang pondo na inilaan ni Mrs. Arroyo ay

para lamang makapagtayo ng 5,538 na classrooms. Ibig sabihin, kulang pa

din ng 61,343 na classrooms ang ating bansa. Kulang din ng 816,291 na silya

para sa mga estudyante. Kung kaya naman kung hindi standing room only o

SRO sa maraming klasrum ay nakaupo sa sahig ang maraming estudyante.

Kulang din ang bansa ng 64,060 na guro ngunit ang hiningi ni Mrs. Arroyo sa

Kongreso ay pondo para lang sa 10,000 guro. Kung kayat 54,060 guro ang

kailangan pa rin. At kung ihahambing mo sa bilang ng estudyante, para bang

sinasabi ng administrayon na kailangang turuan ng mahigit dalawang

milyong mag-aaral ang kanilang sarili. Pati sa punong-guro ay makunat si

Mrs. Arroyo. Ang hiningi niyang badyet ay para lang sa 2,000 punong-guro.

Ngunit ang pangangailangan ng bansa ay para sa 6,538 na punong-

guro(Jejomar Binay).

Out of School Youth

Ang populasyon ng kabataan sa edad 7-24 na hindi nakakapag-aral,

walang trabaho at hindi nakapag-gradweyt ng kolehiyo ay tumaas ng

852,000 mula 3 milyon noong 1989 naging 3.8 milyon noong 1994

(NSO,1994)

Page 13: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Page 14: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay nasa pamaraang inpormatib kung saan

inilalahad ang mga sanhi at dulot o epekto ng mga problema sa edukasyon.

Pang-edukasyon na pananaliksik na sinasakupan kung paano natututo ang

mga tao.

B. MGA RESPONDENT

Ang mga napiling respondent sa pananaliksik na ito ay mga

kalalakihan at mga kababaihan na edad 12-42 na may sapat na kaalaman sa

mga nangyayaring problema sa Edukasyon sa ating bansa ngayon.

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay ang pangangalap

ng mga impormasyon sa pamamagitan ng mga aklat, diyaryo, dokumento, at

ng internet.

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong papel ay bumabase lamang sa mga kuwestiyoner na

ipinamigay na naglalaman ng tanong, at mga interbyu ukol sa nasabing

paksa. Ang pagkuha ng porsiyento at bahagdan ay batay at ang basehan ay

ang mga sagot ng aking mga respondente sa aking mga nagawang

kwestyoner.

Page 15: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG

MGA DATOS

Page 16: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

MGA KATANUNGANG NAKAPALOOB SA SARBEY NGMGA KATANUNGANG NAKAPALOOB SA SARBEY NG PANANALIKSIKPANANALIKSIK

Ano ang pinakamalaking sanhi ng problema sa edukasyon?a. Kahirapanb. Kakulangan ng pondoc. Hindi ginagawang prayoridad ang edukasyon ng ating pamahalaan.d. Wala sa nabanggit / Iba pa

Sa labing-siyam na aking nasarbey Anim ang sumagot ng titik A.

Siyam ang sumagot ng titik B .Lima naman sa titik C at dalawa sa D. Ayon sa

mga datos na ito karamihan sa kanila ay naniniwala na ang problema sa

Edukasyon ay ang lubhang kahirapan ng bansa. Dahil nga maraming

nagsisipaglipat na mga estudyante na nag-aaral sa pribadong paaralan sa

mga pampublikong paaralan (ayon na rin kay Ellen Tordesillas).

Page 17: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

Sa tingin niyo ba may ginagawang proyekto o programa ang ating pamahalaan sa ganitong isyu?

a. Meronb. Wala

Ayon sa aking sarbey sa labing siyam, labing-isa ang sumagot ng titik

A na kung saan ang pamahalaan ay mayroong isinasagawang mga

programa’t proyekto na nakakatulong sa bansa at walo ang sumagot sa titik

B na kung saan walang programang isinasagawa ang pamahalaan. Ayon sa

grap ipinapakita na mas nakakalamang ang titik A. Sa katotohanan ito’y

totoo kay raming mga proyektong isinasagawa ng pamahalaan tulad ng

pagpapagawa ng mga silid-aralan at mga pampublikong paaralan ayon na

rin sa mga sagot ng aking mga nasarbey.

Page 18: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

Bakit sa tingin niyo may mga estudyante o kabataang hindi

nakakapagtapos ng pag-aaral?

a. Dulot na rin ng kahirapan

b. Dahil sa Pagrerebelde

c. Natututong Magbisyo dahil sa barkada

d. Iba pa.

Ayon sa aking nakalap na datos, sa labing siyam na aking nasarbey,

walo ang sumagot ng titik A. Walang pumili sa titik B. Anim naman ang

sumagot ng titik C. Lima naman ang pumili sa titik D. Lahat ng nasa

pagpipilian ay nagiging dahilan kung bakit may mga estudyanteng hindi

nakakapagtapos. At ayon sa aking datos pareho ang bilang ng pumili sa titim

Titik A at C.

Page 19: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

Sa tingin mo, sino ang dapat sisihin kung bakit nagkakaroon ng

problema sa Edukasyon?

[ ] Mag-aaral

[ ] Guro

[ ] Gobyerno

[ ] Lahat ng ito

[ ] Iba pa.

Sa labing- siyam na aking nasarbey tatlo ang nagsasabing mag-

aaral ang dapat sisihin sa mga problema ng edukasyon. Tatlo naman ang

sumagot ng titik B. Anim ang sumang-ayon at pinili at titik C. Samantala ang

lima ang nagsasabing dapat mag-aaral, guro at gobyerno ang dapat sisihin

sa mga problema ng edukasyon. Batay na rin sa aking pananaliksik lahat ng

ito ay nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga problema sa ating

bansa sa larangan Edukasyon.

Page 20: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

Sa tingin mo, maganda ba ang kalidad ng pagtuturo sa

kasalukuyan?

[ ] Oo

[ ] Hindi

Sa labing siyam na aking nasarbey, Sampu ang sumagot ng Oo at

sumasang-ayon na maganda pa rin ang kalidad ng pagtutro sa panahon

ngayon. Walo ang sumagot na hindi maganda ang kalidad ng pagtuturo at

may nag-iisang nagsabi na depende ito sa eskuwelahan. Sa problemang ito

naman ang guro an gating problema dahil sa kanilang pagtuturo o dahil sa

kurikulum ng isang eskuwelahan.

Page 21: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Page 22: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

A. LAGOM

Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa mga problemang pang-

edukasyon ng ating bansa, kung anu-ano ang mga dahilan kung bakit

nagkakaroon nito at mga epekto kung ito’y nakakabuti o nakakaganda sa

isang bansa. Para sa pananaliksik na ito ako’y gumamit ng mga tanong na

magbibigay at maglalahad ng mga kanya-kanyang propisisyon at kuro-kuro

na nanggaling sa aking nasarbey.

A. KONKLUSYON

Maraming problemang pang-edukasyon an gating bansa isa na rito ang

mga mag-aaral na di nakakapag tapos ng pag-aaral dahil nga sa kahirapan,

problema sa pamilya, pagbibisyo, o kaya’y napupunta sa masamang landas.

May mga kabataan na rin na nagrerebelde dahil sa kakulangan ng atensiyon

at hindi na naaasikaso ng kanilang mga magulang. Ang kakulangan ng

kagamitan at pasilidad sa bawat paaralan, Dahil nga sa malaking populasyon

ng ating bansa nagkukulang ang mga kagamitang ito tulad ng mga libro,

kwaderno, bolpen maging silid-aralan o kaya’y paaralan. Kung nagkukulang

ang kagamitan ng ating bansa puwede rin dahil sa kakulangan ng pondo.

Mababang kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral na nagiging dahilan ng

maling pagkatuto nito. Ang Edukasyon ay sumasaklaw rin sa pagtuturo ng

mga guro na nagbibigay ng kaalaman sa kanilang mga Estudyante ngunit sa

panahon ngayon tayo’y nahihirapan kung maganda ba ang natuturo ng mga

ito sa kanilang mag-aaral. Hindi rin napag-uukulan ng pansin ang edukasyon

sa mga liblib na lugar dahil sa kalayuan na rin ng pook at kakulangan ng

mga titser na nais magboluntaryo dahil nga kaunti lng ang mga suweldo

nito.

Page 23: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

B. REKOMENDASYON

Nirerekumenda ng mananaliksik ng pag-aaral na ito na magkaroon ng

isang mas epektibong pag-aaral pa sa mga problemang pang-edukasyon ng

ating bansa upang mas mapalawak pa ang mga kaalaman at isipan ng mga

tao tungkol na rin sa Problemang Pang-edukasyon na nararanasan ng ating

bansang Pilipinas.

Page 24: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

BIBLIOGRAPIYABIBLIOGRAPIYA

http://www.abante.com.ph/issue/sep1909/op_ev.htm

http://cyndi18.multiply.com/journal/item/10/

Edukasyong_Pilipino_Binabaliwala_Misedukasyon.

http://www.ellentordesillas.com/?p=279

http://www.abante.com.ph/issue/june2710/news04.htm

http://www.abante.com.ph/issue/jan2410/op_jb.htm

Page 25: Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang Pilipinas [Pananaliksik]

PATUNGKOL SA AWTORPATUNGKOL SA AWTORI. Contact Information

Pangalan : John Kevin S. BaldovinoTirahan : 2146 Don Fabian St. Commonwealth Avenue Q.C.Telepono/Cellphone Number : 430-60-54/09997158010E-mail Address : [email protected]

II. Personal na Datos Edad: 15Kapanganakan : Hunyo 27, 1995Lugar ng Kapanganakan : Quezon City, Metro ManilaLahi : FilipinoKasarian : LalakiPangalan ng Ama : Joel C. BaldovinoPangalan ng Ina : Vivian S. Baldovino

III. Educational BackgroundPaaralan :

Preparatorya : Immaculate Mother School Elementarya : Flos Carmeli Institution of Quezon City Sekondarya : Flos Carmeli Institution of Quezon City

IV. Mga interes at pangarap

Ang aking tanging pangarap simula ako ay ipinanganak ay makapanggamot ng kapwa. Nais ko rin makapunta sa iba’t ibang lugar sa ating bansa o kung papalarin ay sa buong mundo upang lumawak ang aking kaalaman. Nais kung magkaroon ng masayang buhay, gusto kong magkaroon ng marangal at maayos na trabaho at makabuo ng isang pamilya. Sa aking paglalakbay sa hinaharap, nais kung makasalamuha ng iba’t ibang uri ng tao na makakatulong sa pagkamit ng mga pangarap na aking inaasam.