programang pangkabuhayan para sa mga kawani ng bfp at bjmp · (bjmp) noong ika-12 ng mayo taong...

3
Nagkaroon ng Programang Pangkabuhayan ang Plaridel Water District para sa Bureau of Fire Protection-Plaridel (BFP) at sa Bureau of Jail Management and Penology-Plaridel (BJMP) noong ika-12 ng Mayo taong 2016. Ito ay nagsilbing bahagi ng Gender and Development Activity ng ahensya para sa taong 2016. Bahagi rin ito ng pakikiisa ng Plaridel Water District sa pagdiriwang ng World Water Day 2016 na may temang Philippines 2016: Water and Jobs. Masayang nilahukan ito ng mga kawani ng nasabing mga ahensya o kapwa mga nasa serbisyong publiko tulad ng Plaridel Water District. Masayang nakasama nila ang mga kawani ng organisasyon sa pamumuno ni GM Anne Tonette Cruz, kasama sina Ms. Ma. Niza Castro, Ms. Noimee Cruz, Ms. Irene Vinluan, Mr. Jeremias Manlolo Jr., at Mr. Christopher Collantes na pawang mga masigasig hindi lamang sa kanilang mga tungkulin para sa mga konsesyonaryo kundi pati na rin sa lahat ng mga institusyong pinupuntahan ng Plaridel Water District. Programang Pangkabuhayan para sa mga kawani ng BFP at BJMP Ang mga kawani ng Plaridel Water District na tinuturuang gumawa ng tsokolate ang mga kawani naman ng Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology. Kuha ni Raymond Caampued

Upload: others

Post on 21-Jan-2020

15 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Nagkaroon ng Programang Pangkabuhayan ang Plaridel Water District para sa Bureau of Fire Protection-Plaridel (BFP) at sa Bureau of Jail Management and Penology-Plaridel (BJMP) noong ika-12 ng Mayo taong 2016.

Ito ay nagsilbing bahagi ng Gender and Development Activity ng ahensya para sa taong 2016. Bahagi rin ito ng pakikiisa ng Plaridel Water District sa pagdiriwang ng World Water Day 2016 na may temang Philippines 2016: Water and Jobs.

Masayang nilahukan ito ng mga kawani ng nasabing mga ahensya o kapwa mga nasa serbisyong publiko tulad ng Plaridel Water District.

Masayang nakasama nila ang mga kawani ng organisasyon sa pamumuno ni GM Anne Tonette Cruz, kasama sina Ms. Ma. Niza Castro, Ms. Noimee Cruz, Ms. Irene Vinluan, Mr. Jeremias Manlolo Jr., at Mr. Christopher Collantes na pawang mga masigasig hindi lamang sa kanilang mga tungkulin para sa mga konsesyonaryo kundi pati na rin sa lahat ng mga institusyong pinupuntahan ng Plaridel Water District.

Programang Pangkabuhayan para sa

mga kawani ng BFP at BJMP

Ang mga kawani ng Plaridel Water District na tinuturuang gumawa ng tsokolate ang mga kawani naman ng

Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology. Kuha ni Raymond Caampued

Ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology na nakagawa ng

matatamis na tsokolate. Kuha ni Raymond Caampued

Tulad ng pakikitungo ni GM Anne Tonette Cruz sa kanyang mga tauhan sa Plaridel Water District, aktwal

niyang tinuruang gumawa ng bracelet ang mga kawani ng BJMP. Kuha ni Raymond Caampued

Mapapansing madaling natutunan ng mga kawani ng BJMP ang mga turo ni Mr. Christopher Collantes sa

paggawa ng basahan mula sa mga lumang damit. Kuha ni Raymond Caampued

Ang paggawad ng certificate of completion ni GM Anne Tonette Cruz sa mga aktibong kalahok ng

programang pangkabuhayan ng Plaridel Water District. Kuha ni Raymond Caampued